Kabanata 5: Nuestro Mundo Diferente
------•••••------••••------••••
MARAMING sugatan na taong lobo ang ginagamot ni Xavier. Hindi parin mawawala sa isipan ng binata ang pagpatay niya sa limang kalalakihan dahil sa galit niya kay Estrella. Sila ang napagbuntongan ng lahat.
Kasalukuyan niyang ginagamot ang kaibigan na si Nathaniel dahil natamaan ito ng bala sa braso. Ginamitan naman iyon ni Xavier ng isang hindi ordinaryong halaman na kapag nilapat sa sugat ay mawawala ang bakas.
"Akala ko ay mauubusan na ako ng dugo kagabi, punyeta talaga." Reklamo ni Nathaniel sa kaibigan.
Hindi naman kumibo si Xavier at nilagyan na niya ng halamang gamot ang sugat sa braso ni Nathaniel. Unti-unting naghihilom ang sugat niya at ni anong bakas ay nawala.
"Huwag ka na ngang mag reklamo. Nandito naman ako para gamutin kayong lahat, kahit nasa kabaong ka pa, bubuhayin kita."
Birong sabi ni Xavier at tumawa nalang si Nathaniel at tinapik ang balikat ng binata.
"Hahahaha! Naging palabiro kana ah? Sana ay maging ganiyan kana. Masyado kang seryoso sa buhay, daig mo pa ang pamilyado." Saad ni Nathaniel sa kaniya.
Napailing na lang si Xavier.
"Umalis ka na nga dito."
"Grabe naman. O siya sige."
Tapos nagpaalam na si Nathaniel sa kaniya at nagpatuloy na si Xavier sa panggagamot sa iba na nasugatan sa pagtutuos sa mga taong bayan kagabi.
Sa kalagitnaan ng panggagamot ni Xavier ay dumating naman si Xienna.
"Xavier..."
Napalingon naman si Xavier at nakita niya ang kaniyang ate na nakabihis.
"Pupunta muna ako ngayon kina Araceli. Si ama naman ay pumunta sa tahanan ng mga Romualdez, may pagpupulong sila doon." Bilin ni Xienna sa kapatid.
"Sige. Pagkatapos nito, uuwi na rin ako." Kalmadong sagot ni Xavier.
"Hindi mo ako susunduin mamaya?"
Sumilay naman ang nakakalokong ngiti ni Xienna sa tanong niya kay Xavier.
Na pakunot ang noo ni Xavier sa kaniyang ate.
"Malaki ka na ate. Kaya mo na umuwi mag-isa." Sabi ni Xavier.
Napaismid naman si Xienna sa sagot ng kapatid sa kaniya.
"Sige, sige. Ako'y aalis na."
"Mag-ingat ka, ate."
Tapos umalis na rin si Xienna at naiwan si Xavier na abala pa rin sa panggagamot.
"BINIBINING Xienna, mabuti at nakarating ka. Hays, alam mo ba ang nangyari dito sa bayan ng San Fernando? Naku! Maraming namatay dahil sa paglusob ng mga halimaw kagabi."
Bungad ni Doña Viviana sa dalaga. Tapos pinatuloy siya sa mansion.
Naabutan niya rin doon si Araceli at Ariana na umiinom ng tsaa.
Sabay silang dalawa na napalingon sa dumating.
"M-magandang umaga, binibining Xienna." Bati ni Araceli sa kaniyang maestra.
"Magandang umaga po, binibini."
Bumati na rin si Ariana na ngayon ay walang klase dahil sinuspende muna ng mga madre dahil sa nangyari kagabi. Samantalang si Amanda naman ay maaga pang umalis kasama ang ama patungo sa Baler, mamayang hapon pa sila makakauwi.
"Magandang umaga rin sa inyo."
"Kumain ka na ba, hija?" Tanong ni Doña Viviana.
"Opo, doña."
"Sige, halika na Ariana, maglalaba nalang tayo ngayon."
Biglang sabi ni Doña Viviana kay Ariana. Napahinga nalang ng malalim ang dalaga at sumunod sa kaniyang ina. May mga kasambahay naman sila pero kapag sariling damit o gamit na ay sila na ang maglilinis at maglalaba sa ilog malapit sa kanilang tahanan.
Naglalaba rin si Araceli pero ang ina na niya ang nagkukusa na huwag na muna.
"Binibini, k-kumusta si Ginoong Xavier?" Hindi napigilan ni Araceli na kamustahin ang binata.
Nabigla naman si Xienna dahil nakikita niya sa mukha ng dalaga na nag-alala.
"Hindi ko batid pero mainit ang ulo niya kahapon."
"Ah- kaya ba may sugat ang kaniyang kamay at nasuntok niya ang kaniyang salamin?" Tanong ni Araceli.
"A-ano? Hindi ko alam iyan."
Nagtataka na ngayon si Xienna sa sinasabi ni Araceli.
"Narito po siya kahapon pero nag-usap lamang kami. Nasa labas siya ng aking bintana. Nakita ko na lang siya na nagpapagpag sa sarili..."
"...dahil parang kinagat ho siya ng mga langgam."
Hindi naman wari ni Xienna kung ano ang magiging reaksyon niya kay Araceli.
"Hindi siya nagsabi sa akin, binibini. Umalis siya nang hindi nagpapaalam."
"Ganoon po ba. Sa palagay ko ay mayroon siyang problema. Hindi naman niya sinabi sa akin...pero saan po si Xavier ngayon?"
Tanong ulit ni Araceli dahil nag-aalala na siya dahil sa natuklasan ng kaniyang tiyo Juan na isang puting tela na nahahawig sa nilagay niya sa kamay ng binata.
"Nasa pagamutan niya. Huwag kang mag-alala, magkikita ulit kayo." Sumilay naman ang ngiting pamanukso ni Xienna.
"Sige na, binibining Araceli. Magsisimula na tayo. Ngayon tuturuan kita paano magpinta."
Tapos inilabas na ni Xienna ang kagamitan niya at nagsimula na ang pagtuturo.
UMUWI na si Xavier sa kanilang tahanan matapos ang pang gagamot sa mga sugatan. Dumiretso siya sa kaniyang silid at napahiga.
Pinagmasdan niya ang isang malaking aranya (chandelier) sa kaniyang kisame. Hindi niya pa rin malimutan ang ginawa sakaniya ni Estrella kahapon.
"Napakawalang delikadesa ng babaeng 'yon. tss."
Sambit ni Xavier sa sarili. Napahinga na lang siya ng malalim. Pinagmasdan niya ang pininta niyang mukha ni Araceli. Ito lang ang nagpapagaan ng kaniyang isipan kapag nakikita niya ito.
May pumasok na ala-ala sa kaniyang isipan.
Abala ang lahat ng tao sa bayan ng San Fernando dahil araw ng pagpaparangal ng magiging bagong alcalde na si Juan De La Vega.
Naroroon ang kaniyang kapatid na si Felipe De La Vega kasama ang kaniyang esposa at mga anak na babae.
Habang si Xavier naman ay nagmamasid lamang sa mga kaganapan nila. Kasama niya si Mateo dahil galing pa sila sa bahay aliwan, doon sila nakatulog dahil sa kalasingan.
"Ang daming ganap dito, makukulay ang nasa paligid."
Sambit ni Mateo. Panay rin ang pagmamasid niya sa mga dumadaang binibini.
Minsan ay kinikindatan din Mateo kung sino ang mga binibining dumaraan sa kanilang harapan.
"Para ka ng napupuwing diyan, Mateo." saad ni Xavier.
"Heto naman, baka makabingwit na ako nito ng binibini."
Umiling naman si Xavier. Napansin niya rin na may mga taong lumalapit doon sa isang entablado kung saan aakyat si Juan De La Vega.
Sa pagmamasid ni Xavier ay may nasagip ang kaniyang mga mata.
Isang binibini na nakaupo katabi rin ang isang binibini.
Ngumingiti ito kapag may mga panauhin na makakakilala sa kaniya. Nakapusod ang kaniyang buhok na may palamuting gumamela sa gilid. Nakasuot ito ng kulay kayumanggi na baro at saya.
Sa isang minutong pagtitig niya sa dalaga ay parang dinadala si Xavier sa ibang dimensyon kung saan sila lamang dalawa ang naroroon. Napakaganda ng dalaga sa kaniyang paningin, nakakahalina ang bawat ngiti nito na nagmumula sa kaniyang labing mala-rosas ang kulay.
Pinuntahan niya ito at nagkatitigan silang dalawa.
"A-ako si Xavier Sarmiento. Nagagalak akong makita ka, binibini."
"Xavier?"
"Oo, binibini. Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?"
"Xavier?"
"Xavier!"
"Xavier hoy!"
Natauhan nalang si Xavier at bumalik sa katinuan. Niyuyugyog siya ni Mateo.
Napagtanto niya na imahinasyon lang pala ang paglapit niya sa binibini.
"Lumulutang na naman ang isipan mo, Xavier." Kantyaw sa kaniya ni Mateo.
Napakamot na lang sa ulo si Xavier.
"Umuwi na nga tayo, kung ano pa ang iyong pinagsasabi." Sabi ni Xavier sa kaibigan.
Simula noon ay pinagmamasdan na niya mula sa malayo ang dalaga. Umabot pa sa puntong ipininta niya si Araceli para may pagmamasdan siya kapag pagod galing sa pagamutan.
Napangiti nalang si Xavier sa alaalang iyon. Ngunit sumasagi rin sa kaniyang isipan minsan na magkaiba pala sila ng mundong kinagagalawan. Sa mundo nila kung saan naiiba sa normal na pamumuhay. Kung saan kinakailangan nilang harapin ang sumpa tuwing kabilugan ng buwan.
At ang huli, kung matatanggap ba ni Araceli ang totoong katauhan niya.
Kinuha niya ang pininta niyang mukha ni Araceli. Hinaplos niya iyon at napapangiti na lamang.
"Para akong natutunaw sa tuwing nagtatama ang ating paningin..."
"...para akong isang marupok na kahoy na kapag dumaan ang malakas na hangin ay bibigay na agad. Ganiyan ako sa'yo, Araceli."
Kinakausap niya ngayon ang kaniyang pininta.
"Magkaiba man ang ating mundo, ako'y umaasa na magiging isa tayo..."
"...hinihiling ko na sana ay matanggap mo ako sa oras na makilala mo ako at malaman ang tunay kong pagkatao."
Napasinghap nalang sa hangin si Xavier.
Kislap ng 'yong mga mata
A
ko'y iyong nadadala
Parang anghel ang 'yong ganda
Di maiwasan hahanap-hanapin ka
O kay tamis ng 'yong mga ngiti
Ako'y iyong naaakit
Tulad ng rosas nakakaaliw
Di mapigilan mabighani sayo
At hindi ko hahayaan na ika'y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa'kin
Pag sapit ng gabi
Sa isip ay ikaw pa rin
Mga larawan mo sa aking tabi
Na laging nakamasid
At hindi ko hahayaan na ika'y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa'kin
At hinding hindi ka mag aalinlangan pangako ito
Gagawin ang lahat para sa'yo
Woohh ohh ohh ohh
Woohh ohh ohh ohh
At hindi ko hahayaan na ika'y mawawala
Pipilitin ko ang puso mong mahulog sa'kin
At hinding hindi ka mag aalinlangan pangako ito
Gagawin ang lahat para sa'yo.
-----•••••-----•••••----••••
Featured Song:
Pangako by Cueshé
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro