Kabanata 4: Ligaw na Himig
-----••••----••••-----••••
PINAGMAMASDAN lamang ni Estrella si Xavier na ngayon ay nagbibigay ng gamot sa mga bata at matatanda sa kanilang lugar.
Napapansin na ni Estrella na unti-unting lumalaki ang kanilang populasyon ng mga hindi pangkaraniwang tao. May mga pamilyang galing sa ibang nayon ang nakikianib sa kanilang lahi. Kung dati ay ang Romualdez, Sarmiento, Cabrera at kaniyang pamilya ang pinaka dominante at halos sila sila lang magkakilala.
Pero bago pumasok sa kanilang teritoryo ay kinakailangang wala ng kakalas pa kundi makakatikim ng parusang kamatayan.
"Inumin mo ang halamang gamot na ito ha para gumaling na ang iyong tiyan."
Sabi ni Xavier sa bata na nasa limang taong gulang pa lamang. Napatango lang din ang batang babae at napayakap sa binata.
"Salamat po, kuya Xavier."
Hinaplos naman ni Xavier ang buhok ng bata at nginitian.
Alam naman ni Xavier na naririto na naman si Estrella kung kaya ay gusto niya agad matapos ang ginagawa upang makauwi.
Pagkatapos ng lahat ay agad na nililigpit ni Xavier ang kagamitan niya. Napatingin siya sa langit at alam na alam niya na agad na magiging bilog na naman ang buwan mamayang gabi.
"X-Xavier..." Mahinhin na bigkas ni Estrella sa pangalan ng binata.
Napahinga nalang siya ng malalim at humarap sa dalaga.
"May kailangan ka ba, Estrella?" Tanong ni Xavier.
"Wala naman. Pero..."
Hinihintay ni Xavier ang kadugtong sa litanya ni Estrella.
"Pero, gusto ko sanang ayain ka sa aming tahanan dahil may handaan doon. Kaarawan ko ngayon, hindi mo ba alam?"
Napakagat na lang ng labi si Xavier at inayos ang kwelyo ng kaniyang tsaleko.
"Hindi, pero sige. Susunod ako." Ikling sagot niya sa dalaga.
"Sabay nalang tayo."
Pilit pa ni Estrella.
Wala ng magawa si Xavier at tumango nalang.
PAGKARATING nila sa mansion ng mga Vargas ay masyadong tahimik.
"Tumuloy ka, Xavier." Pumasok naman si Xavier at nagtataka kung bakit walang tao.
"Saan ba ang iyong mga bisita?" Tanong ni Xavier.
Nagulat naman siya nang biglang nagsara ang malaking pintuan. Kinontrol iyon ni Estrella.
Naguguluhan na si Xavier sa mga nangyayari. Napahigpit ang paghawak niya sa dala niyang lalagyan ng mga gamot. May kakaiba siyang nararamdaman.
"Maligayang kaarawan sa akin!"
Bati ni Estrella sa sarili. Nakaupo na siya ngayon sa isang magarabong silya at naglalagay ng serbesa sa dalawang baso.
Nanatiling nakatayo lamang si Xavier at gusto na manapak ng tao kaso babae ang kaniyang kaharap.
"Nagtataka ka kung bakit wala sila? Abala silang lahat, Xavier. Kinalimutan ako."
Sabi ni Estrella at mapait na napangiti.
"Si Ramon? Asan? Sana siya ang iyong sinama upang mag diwang. Kapatid mo 'yon."
Tumayo si Estrella at lumapit kay Xavier. Hindi maintindihan ni Xavier kung bakit hindi siya nakakagalaw.
Punyeta! Ginagamit niya ang kaniyang kakayahan!
Mura ni Xavier sa isipan.
Hinaplos naman ni Estrella ang dibdib ni Xavier. Iniiwas ng binata ang kaniyang mukha na makatapat ito sa mukha ni Estrella.
"E-estrella! Itigil mo ang kapangahasang ito!" Giit ni Xavier.
Nilalakbay ni Estrella ang mga kamay niya sa maskuladong katawan ng binata.
Napatitig sa kaniya si Estrella at napansin niyang biglang nag-iba ang kulay ng kaniyang balintataw. Naging pula ito at bumalik kaagad sa normal na itim na kulay.
Hinawakan niya si Xavier sa kamay at kinokontrol ang binata hanggang sa napadpad sila sa kaniyang sariling silid.
"Estrella!"
Nag-iba na rin ang kulay sa balintataw ni Xavier. Naging kulay dilaw ito. Pilit na nilalabanan ni Xavier ang mahika na ginagamit ni Estrella sa kaniya.
Malakas na itinulak ni Estrella si Xavier sa kama.
Naramdaman ni Xavier ang pagtalbog ng kaniyang katawan sa kama ni Estrella.
Hindi niya maigalaw ang katawan. Samantalang si Estrella naman ay unti-unting tinatanggal ang saplot sa katawan.
"Hindi mo ba talaga ako gusto, Xavier?" Bakas sa tono ng pananalita ni Estrella ang lungkot.
Napapikit nalang si Xavier hanggang sa maramdaman niya ang pagdampi ng mga halik ni Estrella sa leeg at tinatanggal nito ang butones ng kaniyang tsaleko.
"Itigil mo ang iyong kapangahasan, Estrella!"
Sigaw ni Xavier. Agad na siyang sinunggaban ng halik ni Estrella at kusang gumagalaw rin ang kaniyang katawan para suklian ang ginagawa ng dalaga sa kaniya.
Nahulog siya sa isang malakas na hipnotismo kahit gising ang kaniyang diwa.
MAGULO ang buhok at wala sa ayos ang kwelyo ng tsaleko ni Xavier na umuwi sa kanilang tahanan. Nawalan siya ng gana sa lahat.
May nangyari sa kanila ni Estrella dahil kinokontrol ng dalaga ang katauhan niya.
"Xavier, ano ba ang nangyari sa'yo saan kana naman ba galing?"
Tanong ni Xienna sa kapatid. Kakagaling niya rin sa tahanan ng mga De La Vega. Pagkarating niya dito sa mansion ay wala pang tao.
Pero heto ngayon, kakauwi lamang ng kaniyang kapatid na parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Ang gulo ng iyong sarili!"
"Pwede ba ate." Sapaw ni Xavier at nilagpasan niya lang ang kaniyang ate at padabog na sinira ang pintuan ng silid.
Naiwan naman si Xienna na nagtataka dahil ang lalim ng boses ni Xavier at seryoso ito.
"Ano kaya ang problema ng batang iyon?" Tanong ni Xienna sa sarili at nag kibit-balikat nalang.
Umigting ang panga ni Xavier dahil sa inis. Nasuntok niya ang kaniyang salamin at pinong nabasag iyon. Nasugatan naman siya sa kamao at umagos roon ang dugo.
Napaupo siya at sinabunutan ang sarili. Napahiga siya sa kaniyang kama at hindi man lang naramdaman ang sugat sa kaniyang kamao.
NAGISING si Xavier mula sa pagkakatulog. Tuyo na ang dugo sa kaniyang kamao.
Wala siya sa sariling nagbihis. Napatingin siya sa labas ng kaniyang bintana at napansing mag tatakip-silim na.
Lumabas siya sa kaniyang silid at hindi man lang nagpaalam na pupunta siya sa bayan. Gusto niyang magpakalunod sa alak ngayon.
Habang naglalakbay si Xavier palabas ng gubat ay nakarinig siya ng isang nakakahalinang himig ng boses ng isang babae.
Sinundan niya iyon hanggang sa napadpad ang sarili sa likod ng mansion ng mga De La Vega.
Naroroon si Araceli na masayang humihimig ng kanta habang nag gagansilyo.
Agad naman na napatago si Xavier sa mga malagong halaman at patuloy na pinagmasdan ang dalaga.
Samantalang si Araceli naman ay napatigil nang may naramdaman siyang parang may nagmamasid sa kaniya. Lumingon siya sa kaniyang bintana at pinagmasdan ang kagubatan. Naalala niya naman ang anino ng malaking aso.
Nagkibit-balikat nalang siya at pinagpatuloy ang paghimig at pag gagansilyo.
"Argh! Punyetang mga langgam!" Reklamo ni Xavier nang kinagat siya ng itim na langgam sa batok.
Agad naman siyang lumabas sa kaniyang pinagtaguan at pinagpagan ang sarili, bagay na nakita ni Araceli.
Napatigil din sa pagpapagpag si Xavier at napagtanto niyang nakita na siya ni Araceli. Kahit medyo malayo ay nakikita niya ang dalaga na pinipigilan ang pagtawa.
Inayos na lang ni Xavier ang sarili at pumunta sa may bintana ng dalaga na parang walang nangyari.
"G-ginoong Xavier?"
Halos hindi na mapigilan ni Araceli ang pagtawa. Napakagat na lang siya sa kaniyang labi at napatabon ng abaniko.
"Magandang Hapon, binibni."
"Bakit ka narito sa likod ng tahanan namin? Pwede ka namang kumatok sa aming pintuan." Saad ni Araceli na ngayon ay pilit na pinapakalma ang sarili upang hindi siya matawa sa nakita.
Nabalot ng hiya ang buong katawan ni Xavier.
"Ano, aah-- narinig ko ang iyong boses. Humihimig ka. A-ang ganda pakinggan." Napakamot nalang ng ulo si Xavier.
Parang nalimutan niya ang pasanin niya ngayong araw nang makita si Araceli.
Nagtaka naman si Araceli.
"Paano? Ang hina lamang ng aking pag himig. Ako lamang ang nakakarinig."
"Ah, narinig ko kasi tahimik ang paligid." Rason ni Xavier.
"Anong nangyari sa iyong kamay, ginoo?" Tanong ni Araceli.
"Heto? Wala lang 'to. H-huwag mo ng pansinin."
Tinago naman ni Xavier ang kamay niya sa kaniyang likuran.
"Gamutin natin." Ikling sabi ni Araceli.
Kinontrol naman ni Araceli ang kaniyang silyang de gulong at tumungo sa isang maliit na aparador kung saan naroroon ang bulak, benda at gamot sa sugat.
"Maari kang lumapit sa aking bintana." Sabi ni Araceli na ngayon ay nakatalikod na sa binata.
Pagkatapos niya makuha ang kinakakailanganin para sa sugat ay lumapit siya sa bintana kung saan naroroon ang binata.
"Akin na ang iyong kamay, ginoo. Wala namang malisya ito, hindi ba? Gagamutin lang kita."
Inilahad naman ni Xavier ang kaliwang kamay nito sa dalaga. Napansin naman ng dalaga na may maugat na kamay ang binata at mahahaba ang mga daliri nito.
Agad na hinawakan iyon ni Araceli at dinampi ang bulak na may gamot sa kamay ng binata.
Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Xavier.
"A-aray!" Nararamdaman ni Xavier ang hapdi ng gamot. Ngayon niya lang naranasan ang maggamot ng isang mortal na tao gamit ang kanilang karaniwang halaman.
"Paumanhin kung aking nadiin."
Hinipan iyon ni Araceli.
"Baka napapagod ka na sa pagtayo, ginoo. Pwede kang umupo dito sa aking bintana."
Tumango naman si Xavier. Hindi naman inalis ng binata ang mga kamay niya na hinahawakan ng dalaga.
"Salamat, binibini."
Ngiti lamang tugon ni Araceli sa sinabi ni Xavier. Pinatuloy niya ang panggagamot.
"Ano ba ang dahilan kung bakit nagkasugat ka?"
"Huwag mo ng intindihin yan, binibini. May problema lang ako kanina kung kaya ay sinuntok ko ang aking salamin."
Napahinga ng malalim si Xavier. Napansin naman niyang umiling ang dalaga.
"Kawawang salamin."
Ngumisi nalang si Xavier kay Araceli. Napaka inosente nito para sa kaniya.
"Siya nga pala, iyong libro na sana ay kukunin ko, nabasa mo na?" Pag-iba ni Xavier sa usapan.
"Oo, pero noong binasa ko ay may nangyari sa akin. May narinig akong alulong ng aso. Mukhang nadala ako sa pinapakita ng libro. Totoo nga ba ang mga taong lobo?"
Tanong ni Araceli na ngayon ay iniisa-isang nilalagyan ang bawat sugat ng kamao ni Xavier.
Napakagat ng labi si Xavier sa tanong ng dalaga.
"H-hindi ko rin alam, binibini. Kwentong bayan lang iyan."
"Ibig sabihin, masasamang tao lang talaga ang pumapaslang sa mga hayop at mga mangagaso?"
Tanong ulit ni Araceli at binendahan na ang kamay ni Xavier.
"Siguro, binibini. Hindi ko talaga alam iyan. Malayo ang aming tahanan dito sa San Fernando."
Kumunot naman ang noo ni Araceli.
"Kung sa gayon, patungo doon ang inyong tahanan ng iyong Ate Xienna?"
Sabay turo ni Araceli sa kagubatan.
"Hmmm. Ganoon na nga. Diyan lang ako dumaan upang hindi na masayang ang aking salapi sa kalesa."
Paliwanag ni Xavier. Tapos na rin si Araceli sa ginagawa.
"Salamat, binibini."
"Walang anuman. Sa susunod, kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa akin. Pwede mo akong maging kaibigan, ginoo."
Saad ni Araceli at ngumiti ng malumanay sa binata. Halos hindi na rin magkamayaw ang puso ni Xavier.
Kung dati ay sa malayo niya lang ito natatanaw at akala niya hanggang pagpinta lang ang kaya niyang gawin. Ngayon ay nalalapitan niya na.
"Sige. Gusto kita binibini----"
"Ginoo?"
Napapikit si Xaviet at umiling.
"A-ang ibig kung sabihin ay, gusto ko iyan. Gusto kong maging magkaibigan tayo."
Tumango naman si Araceli at sinindihan niya na ang kaniyang mumunting lampara.
Napatingala naman si Xavier sa langit.
Kabilugan pala ng buwan ngayon!
Tarantang napatalon si Xavier sa bintana at tumayo ng tuwid.
"Binibini, ah-- may pupuntahan pa pala ako. Magga-gabi na rin. Dapat nakasirado na ang iyong mga bintana."
"Paalam muna sa ngayon."
Dugtong ni Xavier at tumakbo na siya papalayo patungo sa kagubatan. Hindi na niya hinintay sumagot si Araceli. Dahil nagsisimula ng sumilay ulit ang kabilugan ng buwan.
Naiwang nakatulala si Araceli at pinagmasdan ang papalayong binata.
PAGKARATING ni Xavier sa kanilang tahanan ay agad na nagtungo sa kaniyang silid at hinubad ang polo.
Nanginginit na naman ang kaniyang katawan. Hindi na niya maintindihan ang pag-usbong ng sumpa sa kaniyang katawan.
"ARGGHHHHHH!"
nanggigil na si Xavier sa sarili dahil napakainit ng kaniyang pakiramdam. Butil butil na rin ang kaniyang pawis.
Nagiging dilaw na rin ang kaniyang balintataw. Tumutubo ang mga matutulis niyang pangil. Halos mapunit na rin ang benda sa kaniyang kamao.
Nang maging taong lobo na siya ay nagsimula na silang maghasik ng lagim sa buong San Fernando.
Maraming alulong ang maririnig sa paligid. Nakahanda na rin ang mga gwardiya sibil ng mga armas laban sa mga taong lobo.
NAGSULO ng apoy ang ibang mamamayan upang sunugin ang mga paparating na taong lobo.
"NAGHAHASIK NA NAMAN SILA NG LAGIM!" Matigas na bigkas ni Don Juan at kinuha ang mataas na baril.
Samantalang ang pamilya De La Vega naman ay tahimik na naghahapunan kahit na may naririnig na silang mga alulong ng mga aso.
"Mukhang marami sila."
Saad ni Don Felipe. Samantalang si Araceli naman ay nag-aalala kay Xavier kung nakauwi ba ito ng maayos sa kanilang tahanan.
Samantala ang kampo naman ng mga taong lobo ay nagtataka kung bakit wala niisang hayop ang naroroon sa mga kabahayan ng mga mamamayan ng lalawigan.
Wala tayong magagawa kundi ang kumain ng tao!
Sabi ni Don Tiago sa lahat ng kaniyang nasasakupan.
Umiba naman ng direksyon si Xavier dahil hindi pa siya handa kumain ng laman ng tao ulit.
Xavier! Sinasabi ko sa'yo na huwag kang humiwalay!
Sabi ng kaniyang ate Xienna ngunit hindi niya ito pinansin.
Xavier! Hijo!
Tawag ng kaniyang ama sa kaniya.
Huwag kayong mag-alala ama, kaya ko na ang aking sarili.
Pagkatapos ay tumakbo na siya ng mabilis.
Sa hindi kalayuan ay may naaninag siyang limang tao na may dalang sulo.
Agad niya itong inatake.
"HALIMAW!"
sigaw ng isang matandang lalaki. Hindi na nag atubili pa si Xiaver na paslangin sila.
Pumasok hanggang kalamnan nila ang mga matutulis na kuko ni Xavier at napasuka sila ng dugo. Ang isa naman ay natanggal ang panga dahil sa lakas na paghawak ni Xavier sa bunganga ng lalaki.
Lahat ng galit ni Xavier kay Estrella ay nailabas niya sa apat na lalaki
Naramdaman niyang tumakbo ang isang lalaki na nagsisigaw.
"TULONG! MAY HALIMAW!"
Hinabol niya ito at nang maabutan ay hindi na siya nagdalawang isip pa na paslangin ang lalaki. Sa sobrang lakas ng kaniyang paghampas gamit ang kamay ay humiwalay ang ulo ng lalaki sa kaniyang katawan.
Nakakarinig ngayon ng mga putukan ng baril sila Don Felipe. Napayakap naman si Ariana sa ama.
Samantalang si Amanda ay napatingin sa bubungan ng mansion dahil may kumakalampag.
Sa di kalayuan ay nakita naman ni Xavier na nasa itaas ng bubungan ng mansion ng pamilya De La Vega si Enrique at Estrella.
Agad siyang napatungo rito.
Enrique! Estrella! Huwag na huwag niyong galawin ang pamamahay na 'yan!
Agad naman na bumaba si Enrique.
Bakit, Xavier?
Basta. Sa iba nalang tayo...Estrella!
nainis naman si Estrella at sumunod na lang siya. Ayaw niya rin mapahiya kay Enrique dahil mukhang galit sa kaniya si Xavier.
NAPAILING nalang si Don Juan na ngayon ay nasa tahanan ng kaniyang nakakatandang kapatid.
"Ang daming namatay."
Hindi na nakakaya ni Don Juan ang nangyayari sa kanilang bayan.
"Ano ang iyong dala, Juan?"
Usisa ngayon ni Don Felipe sa bayong na dala ng kaniyang kapatid.
Alas kuwatro pa lang ay pumunta na agad si Don Juan kasama ang gwardiya sibil sa gubat kung saan naroroon ang karumaldumal na sinapit ng limang lalaki.
"Mga natagpuan namin sa kagubatan."
Pumasok na si Juan sa mansiyon at napaupo sa isang silya.
"Mano po." Sabi ni Araceli at nagmano sa kaniyanh tiyo na ngayon ay nakikita ang bakas sa mukha ang lungkot.
Agad naman binigyan ni Kasandra ang alcalde ng tsaa.
"May natagpuan kaming puting tela na para bang ginamit sa pagbenda ng sugat. "
Sabi ni Don Juan na ngayon ay pinapakita sa kanila ang puting tela.
Kinabahan naman si Araceli sa nakita dahil parang may pagkakahalintulad iyon sa nilagay niya sa kamay ni Xavier.
Bigla siyang nag-aalala sa binata at baka nasaktan siya sa mga halimaw na sumalakay o naabutan siya sa gitna ng gubat.
Diyos ko! Sana nasa maayos ka ngayon na kalagayan, Xavier!
Iyon nalang ang nasabi ni Araceli sa sarili.
---•••---••••---•••-----
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro