Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 39: Bagong San Fernando

---•••---•••---•••---•••

APAT na buwan na ang nakalipas. Naging maayos na ang pamamalakad sa bayan ng San Fernando.

Bumaba na rin sa puwesto si Don  Juan. Ang bagong namuno na ngayon ay si Santiago Villacorte at ang kaniyang kanang-kamay ay si Hukom Precupio Santa Mesa.

Halos lahat ng tao sa bayan ay sang-ayon sa bagong halal na alcalde at kanang-kamay. Sang-ayon na rin ang taong bayan na makipag-ugnayan ang may lahi ng taong-lobo sa kanila.

Nagpakilala rin si Xavier sa harapan bilang isang bagong pinuno ng Barrio Querrencia.

"Magandang Araw, bilang isang bagong pinuno ng Baryo Querrencia, ako'y nagapapasalamat sa lahat dahil ang katulad namin ay inyong tinanggap. Hangad nating lahat ang katiwasayan at kapayapaan sa pagitan ng mga taong-lobo at sa mga pangkaraniwang tao. Itong nakaraang buwan o sabihin nating simula pa noong una ay may kaguluhan na... Ako'y manghihingi ng paumanhin. Bilang isang pinuno na ngayon sa aming balwarte ay magiging gabay ako upang puksain ang mga masasama."

Nagpalakpakan naman ang lahat at nag hiyawan. Sa puso at kaloob-looban ng lahat ay naangkin na rin ng San Fernando at Barrio Querrencia ang kapayapaan.

KINAGABIHAN nagkaroon ng malaking piging sa tahanan ng mga De La Vega.

Lahat ay nagkakasiyahan sa malakas na indayog ng mga tugtog.

Abala sa pakikipag-usap si Araceli sa mga panauhing dumadating sa kanilang tahanan.

Samantalang si Xavier naman ay nakikipag-usap kay Don Felipe, Don Juan, Santiago, Hukom Precupio, at Mateo.

"Kailan na ba kayo magpapakasal ni Ara?" Biglang tanong ni Don Felipe kay Xavier.

"Pinag-iisipan na ho namin, Ama." Ani Xavier.

"Aba'y gusto ko ng magka-apo." Dagdag pa ni Don Felipe.

Nagtawanan naman sila sa narinig.

"Si Xavier pa, madali lang po 'yan." Pakli ni Mateo.

"Eh ikaw, Mateo? May binibini ka na bang napupusuan?" Tanong ni Hukom Precupio.

Nanigas si Mateo sa naging katanungan ng hukom. Alam niya na siya ang ama ni Catalina.
Napasulyap siya sa gawi ni Catalina na ngayon ay masayang nag k-kwentuhan sa ibang panauhin kasama si Araceli.

"Ah---m-meron naman po..."

"Huwag mong sayangin ang panahon, Mateo." Ani Don Juan sabay ngiti.

"Sa tamang panahon po." Ani Mateo.

"Kung ngayon na ang tamang panahon? Pwede mo naman lapitan." Pakli pa ni Xavier na ikinagulat ni Mateo.

"Nagsimula rin kami sa ganiyan. Hindi namin sinayang ang pagkatataon. Bawat patak ng oras ay mahalaga." Saad ni Hukom Precupio.

"Sa totoo po niyan..." Napahinga ng malalim si Mateo. "S-si Binibining Catalina po...ang inyong anak po ang aking napupusuan."

Bigla silang humalakhak, maliban kay Mateo at Hukom Precupio.

Inagbayan na lamang ni Xavier si Mateo at tinapik ang balikat.

"Maghahanda na ba ako nito? Tila magiging lolo na rin ako sa kalaunan." Ani Hukom Precupio. Inilahad ng hukom ang kaniyang kamay kay Mateo. "Kung ikaw man ay magiging kabiyak ng aking anak ay hindi ako magiging tutol."

Napangiti si Mateo at tinanggap ng kaniyang dalawang kamay ang kamay ng Hukom at nagpasalamat.

Samantala, napansin naman ni Araceli at Catalina ang masayang pag-uusap ng kanilang ama kina Xavier, Mateo, at Santiago.

"Tingnan mo, mukhang ang saya ni Ginoong Mateo na nakikipag-usap sa iyong ama." Tukso ni Araceli sa kaibigan.

Napatabon naman ng abaniko si Catalina. "Ano ka ba? Wala lang 'yan. Alam mo naman si ama na mabait sa lahat."

Natawa ng mahina si Araceli. "Napansin ko kanina na panay tingin ka sa kaniya. Nababasa ko sa inyong kinikilos na parehas lamang kayo nararamdaman."

"Naku! Dati noong hindi niya ako pinansin, nalungkot ako ng isang linggo. Hindi ko talaga iyon nalilimutan!" Pagtataray pa ni Catalina.

"Patawarin mo na si Mateo. Halika na nga, kumain na lang tayo ng panghimagas." Aya sa kaniya ni Araceli.

Napahawak na lamang sa bisig ni Araceli si Catalina.

PAGKATAPOS ng lahat ay umuwi na rin si Araceli at Xavier sa mansion sa Barrio Querrencia.

Mahimbing na natutulog sa kwarto si Agustin at maging si Mateo rin ay nakitulog na sa nasabing silid.

Magkatabi ngayon si Xavier at Araceli sa higaan habang tinatanaw sa labas ng bintana ang maraming bituin.

"Napakaraming nangyari sa nagdaan na mga buwan. Akala ko'y katapusan ko na." Saad ni Xavier sabay yakap mula sa likuran ni Araceli.

"May rason ang lahat kung bakit pa tayo nandito." Pakli ni Araceli at iwinasiwas ang hintuturo sa hangin at itinuro sa nakasinding lampara. Bigla itong nawalan ng ilaw.

"Ang galing ah? Iyan ba ang kakayahan mo?" Manghang sabi ni Xavier.

Napangiti si Araceli at inulit ang pagwasiwas ng hintuturo at itinapat sa lampara, sumindi ito ulit. "Oo, nag ensayo ako nito ng maigi."

Hinalikan na lamang ni Xavier ang balikat ni Araceli hanggang sa umabot ang halik ni Xavier sa kamay nito.

Napatitig lamang si Araceli sa maamong mukha ni Xavier. Nangungusap ang mga mata nito na tila ba nauuhaw ng init sa pagitan nilang dalawa.

Lumipat ang halik ni Xavier sa labi ni Araceli. Ang bawat hagod at haplos ng kamay ni Xavier sa katawan ni Araceli ay tila isang hipnotismo na ayaw na niyang pakawalan. Tila isang mahika na dinadala siya sa paraiso.

"Kahit kamatayan man ay walang makakapaghiwalay sa 'ting dalawa." Saad ni Xavier kay Araceli.

Sa buong magdamag ay sinaluhan nilang dalawa ang init na gustong kumawala.

NAKARATING si Xavier sa kanilang tahanan na wala sa kalooban. Hinanap niya ang kaniyang ama at kapatid sa buong mansyon ngunit hindi niya ito mahagilap.

Naisipan na lamang ni Xavier na pasukin ang silid ng kaniyang ama at nagbabakasakaling naroroon ito at nagpapahinga.

"Ama?" Tawag ni Xavier ngunit ni anong anino ay wala. " Saan na naman kaya sila?"

Nilibot pa ni Xavier ang kaniyang paningin. Lalabas na sana siya nang mapansin ang kaniyang nawawalang sombrero na nakasabit sa isang pader.

"Si ama talaga." sambit ni Xavier. Ngunit bigla na lamang siyang natisod at paluhod na nadapa. "Tangina naman o!" Inis na sabi ni Xavier. Tiningnan niya ang ilalim ng alpombra (carpet).

Natigilan si Xavier sa nakita. Parang isang pintuan pababa pero nakasirado ito at nakasusi.

Ginamit niya ang kaniyang kakayahan na buksan ang susi na hindi nasisira gamit ang kaniyang isip.

Lumundag si Xavier sa ilalim.

Nabighani siya sa nakita. Isang sekretong silid para sa mga libro. Ngunit ang nakatawag pansin sa kaniya ay isang itim na libro na biglang umilaw at nawala rin sa kalaunan. Tila ba tinatawag siya ng libro upang kunin iyon.

Lumapit siya sa nasabing libro na nakasandal sa isang malapad na tukador.

"Los Secretos Ocultos?" Tiningnan ni Xavier kung sino ang may akda ngunit punit ito.

Nabitawan na lamang ni Xavier ang libro nang umilaw ulit ito.

Mula sa hangin ay may mga letrang nabubuo na kulay ginto at  biglang pumasok sa libro.

Nabasa roon ni Xavier ang isang tula.

Ako'y malapit sa puso ng iyong sinta,
Ibigay mo ito bago ako maging isang gunita,
Nauukit dito ang natatanging sumpa,
Ako man ay nanggaling sa kabituoran ng lupa,
Ingatan ang bawat pahina.

Kinuha agad ni Xavier ang libro at bumalik siya paakyat na parang walang nangyari.

Pinagpagan ang sarili at oras na para makausap ang kaniyang tinatanging sinisinta.

Sa isang libro ay mag-iiba ang agos ng buhay ni Xavier.

---•••---•••---•••---•••---•••---

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro