Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 38: Ang Simula ng Wakas

---•••---•••---•••---•••---•••---

SA gitna ng kaguluhan ang nahihirapang si Don Quasimodo ay gumagapang upang sikapin na maabot ang libro ng propesiya na kanina lang na pinapalutang sa hangin ni Estrella.

Napaigik siya nang biglang may umapak sa kaniyang likuran. Ang katumbas ng pag-apak na iyon ay parang may nakadagan na isang napakalaking bato.

"Ang saya nila tingnan ano? Masaya ka na ba na dahil sa librong iyong inilihim ay ganito ang kinalabasan?" Tanong ni Don Diego.

"Tingnan mo ang pilyo mong anak na inuubos ang lakas para lang ipamukha sa lahat na kayo'y mabuti..." Ani Don Diego sabay hila ng buhok ni Don Quasimodo.

Si Don Quasimodo naman ay halos mabali na ang leeg. Nahihirapan siya sa kaniyang sitwasyon na nakadapa at may nakaapak na paa sa likuran tapos hihilain pa ang kaniyang buhok para makita niya ang mukha ni Don Diego na minsan na rin niyang naging pinakamatalik na kaibigan.

"...akala ko ba ay masama tayo? Akala ko ba gusto mo ng hustisya laban sa mga De La Vega? Akala ko ba papatayin natin lahat ng tao sa San Fernando? Kung nakikita ito ng iyong asawa ay tiyak na iiyak iyon sa pagkadismaya."

Napapikit na lamang si Don Quasimodo sa mga iniwika ni Don Diego.

"Isa ka rin pala sa mga uto-uto, Quasimodo. Nauto ka ba ni Lorenzo? Pinalala lamang niya ang sitwasyon."

"B-bakit nasali rito si Lorenzo? Dahil sa kaniya magiging matiwasay ang paningin ng mga tao sa mga katulad natin!"

Tumawa lamang si Don Diego at tinadyakan ang likod ni Don Quasimodo.

"Bulok! Ang kagaya natin ay tinuturingang masama! Akala mo makukuha mo ang loob ng mga tao? Magkaiba tayo sa kanila! Uto-uto!"

"Ano ba ang punto ng i-iyong pananalita? I-ikaw ang tumiwalag sa ating samahan!" Giit pa ni Don Quasimodo at pilit na harapin si Don Diego.

"Dahil isa kang uto-uto! Kung pinag-isang dibdib mo lang sana ang aking anak na si Estrella at si Xavier, mas lalawak ang ating samahan!" Galit na tugon ni Don Diego at sinimulan na niyang magbago ng anyo.

Napapikit na lamang si Don Quasimodo at tatanggapin na ngayon na ang kaniyang katapusan. Pinapakiramdaman niya ang paligid na sobrang gulo.

Umungal ng napakalakas si Don Diego at handa ng patayin si Don Quasimodo.

"MAPAPASAKIN ANG BALWARTE NA ITO!" ani Don Diego at kinalmot niya ang mukha ni Don Quasimodo.

Napansin naman iyon ni Xavier nang marinig ang boses ng ama na tila nahihirapan na. Tumitilapon ang mga kalaban sa tuwing haharangan siya.

"PUTANGINA MO!" Sigaw ni Xavier. Agad niya itong nilusob at tinadyakan sa dibdib.

Sila na ngayon ang nagkaharap ni Don Diego.

Matatalim ang kanilang tinginan.

Si Don Diego na naman ang lumusob. Lahat ng kaniyang lakas ay inilabas upang siya ang magwawagi sa pagitan nila ni Xavier.

Mas naging malalim pa ang sugat ni Xavier sa kaniyang tiyan dahil kinalmot ulit ito. Ramdam niya ang matulis na kuko na nanunuot sa kaniyang laman. Umaagos na ang masagang dugo sa kaniyang tiyan na siyang nakakapaghina sa kaniyang katawan.

"Anak...lumaban ka. H-huwag mong hayaan na malagay sa alangangin a-ang ating baryo---" Saad ni Don Quasimodo at nawalan na siya ng ulirat.

Kahit na medyo nahihilo si Xavier ay nilalabanan pa rin niya ang bagsik ni Don Diego. Ilang ulit na siyang tumilapon ngunit ganoon pa rin, bumabangon, lumalaban.

"Ubusin mo na lahat! Huling buhay mo na rin ito!"

"H-hindi ako susuko!"

Lumapit na rin si Aquillino sa tabi ni Don Diego.

"Sumuko ka na, kapatid." Nakakalokong sambit ni Aquillino.

"Isa ka pa!" Ani Xavier. Sinugod niya ang dalawa ngunit tumitilapon lamang siya. Napapagod na ang kaniyang katawan.

"Lumaban ka."

"Don Lorenzo?"

Dinampi ni Don Lorenzo ang kaniyang mga palad sa braso ni Xavier at doon, dumaloy ang isang mahikang naglalabas ng lakas sa katawan ni Xavier.

Parang isang hipnotismo iyon kay Xavier. Sumakit ng todo ang kaniyang sintido at naglalaway siya ng napakarami hanggang sa napasuka na siya ng dugo.

Unti-unting nawala sa hangin si Don Lorenzo.

Si Araceli naman at Estrella ang nagtuos. Walang anong usapan ang nagaganap. Hanggang sa inangat ni Araceli ang kaniyang kamay at kusang lumapit sa kaniya ang libro ng propesiya.

Mas umusbong ang galit ni Estrella at sinikap iyon na makuha sa mga kamay ni Araceli.

Nilapitan naman ni Don Diego si Xavier na nawalan na ng malay.

"Katapusan mo na nga Xavier!" Saad ni Don Diego ngunit nabigla na lamang siya nang sinakal siya ni Xavier.

Binalibag ni Xavier si Don Diego ng napakatindi na kahit ang mga buto nito ay maririnig na nababali. Tinadyakan pa niya sa dibdib na sobrang lakas sanhi ng pagkatilapon ni Don Diego.

Ang ibang kakampi nila Don Diego ay sinugod nila si Xavier. Naging magulo ulit.

Samantala, nakuha ni Estrella ang libro ng propesiya. Inapakan niya ang tiyan ni Araceli. Umungol siya ng malakas at itinaas ang kamay na may hawak na libro.  Umiilaw iyon.

"Akin na ang libro ng propesiya!" Panglalaban ni Araceli. Halos hindi na siya makahinga.

"Nasa atin na ang libro ng propesiya!" Pagmamalaking sambit ni Estrella.

Napapadaing na sa sakit si Araceli dahil bumabaon ang matutulis na kuko sa paa ni Estrella sa kaniyang tiyan.

Nahihilo na rin si Araceli at ang tanging nakikita niya ay si Xavier na nakikipaglaban.

"Akin na!" Saad ni Aquillino at akmang dadagitin ang libro.

"Bakit?" Mapagmataas na wika ni Estrella.

"Akin na sabi!" Pagpupumilit pa ni Aquillino.

Hanggang sa nag-agawan na sila ng libro ni Aquillino.

"Sa akin lang ang libro ng propesiya!" Giit pa ni Estrella.

"Kung hindi sa akin ay hindi niyo malalaman kung ano ang kahalagahan ng libro! Ako ang marunong!" Ani Aquillino.

"Isa ka ring traidor! Akala mo hindi ko alam na ikaw ang pumatay sa aking mga kapatid? Naging tahimik lang ako, pero ngayon hindi na!"

Umangil pa ng mas mabangis si Aquillino. "Wala rin naman kayong pinagkaiba ng iyong ama! Mga uto-uto!"

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-aagawan ay napunit ang libro.

Natigil ang lahat.

Ang labing-dalawang libro ay unti-unting umilaw at lumutang sa hangin. Humiwalay ang kanilang mga pahina at nagmistulang ipo-ipo.

Napahinga ng malalim si Araceli at unti-unting nawawala ang makakapal na balahibo sa kaniyang katawan. Bumabalik na siya sa kaniyang dating anyo.

May bumakas bigla sa pulsuhan ni Araceli na isang naka-baybaying salita. "Maharlika?" Agad na napahawak si Araceli sa kaniyang pulsuhan.

Bumulahaw naman sa sigaw si Estrella nang biglang nasunog ang kaniyang mukha.

"Anong nangyayari?" Hindi makapaniwalang tanong ni Estrella.

Kahit na si Aquillino ay napahawak sa kaniyang mukha na naaagnas na.

Tumakbo papalapit si Don Diego sa anak, hinayaan na lamang ni Xavier na kumawala ito.

"Ama!" Niyakap ni Estrella ang ama kung kaya ay nadamay ito sa pagkakasunog.

Nagsisigawan sila sa init na nararamdaman.

Niyakap agad ni Xavier si Araceli. Parehas na sila ngayong nagbalik sa dating anyo. Pinagmasdan nila ang malaking dagitab.

Hanggang sa biglang may pagyanig na silang nararamdaman.

Nagsisintumbahan ang mga puno. Ang kanina'y parang ipo-ipo ng pahina ay namuo sa kabituoran ng langit. May mga namuong ulap sa kalangitan na tila parang isang portáda (portal).  Hinihigop niya ang lahat ng pahina pataas.

NAPATAGO sa ilalim ng mesa sina Doña Viviana. Nangangamba na sila sa mga pangyayari.

"Kumapit lamang kayo ng mahigpit!" Paaalala ni Doña Viviana sa kanila.

Pinapatahan naman ni Amanda si Marcelo na hindi na natigil sa pag-iyak.

Habang si Ariana naman ay lihim na tumatangis. Nag-aalala na siya sa sitwasyon ng kaniyang kapatid at ama na ngayon ay wala sa kanilang tabi.

Naririnig naman nila ang napakalas na dagundong at kidlat na parang galit na galit ang langit.

Naririnig din nila ang mga alulong ng mga taong-lobo na nakakapabigay sa kanila ng kilabot.

SA gitna ng pagyanig at kaguluhan. Naroroon si Araceli at Xavier sa gitna. Nakayakap sila sa isa't-isa.

"Kahit anong mangyari, huwag kang lalayo mula sa aking bisig." Saad ni Xavier, marami siyang pasa sa mukha ngunit hindi na niya iyon ininda.

"Hinding hindi. Hanggang kamatayan man, Xavier. Mahal kita." Ani Araceli.

Tumagal ng tatlong'pung minuto ang ganoong eksena hanggang sa unti-unting umaliwalas ang kalangitan.

Napansin naman iyon ng lahat.

May bumgasak at bumaon naman sa hindi kalayuan na isang espada na siyang bigay ni Don Lorenzo sa kanila noon.

"Ang espada." Agad na nilapitan ni Xavier iyon.

Sa hawakan ng espada ay may nakasabit na isang kwintas. Isang kwintas na may palawit na maliit at bilog na buwan.

"Pulang buwan..." Ani Xavier. "Si ama, mukhang alam niya ang ibig sabihin nito." Napalinga-linga siya sa paligid at nakita niya agad ang ama na nakahandusay at wala ng buhay.

Nanikip ang dibdib ni Xavier sa nakita. "A-ama?"

Pinulsuhan niya pa ito ngunit wala na talaga.

Mula sa likuran ay napayakap si Araceli kay Xavier. "Nakakalungkot ang sinapit ng iyong ama..." Saad ni Araceli at may namumuong luha na sa kaniyang mga mata.

"Wala na rin si Kuya Enrique. Wala na ang buo kong pamilya." Biglang sambit ni Mateo nang makalapit ito sa dalawa. Ginawa na niya ang lahat ng pakikipaglaban ngunit nabigo siyang ipagtanggol ang kaniyang ama at ina.

"W-wala na rin si Nathaniel...sinagip niya ang kaniyang anak na si Agustin." Nalulungkot na saad ni Araceli.

Napatulala si Xavier sa mga pangyayari.

"May dahilan ang lahat, Xavier." Ani Araceli.

KINABUKASAN matapos ang libing ng mga nasawi sa barrio Querrencia, naging tahimik ang lahat. Wala ng tawa ng mga batang paslit at ang mga taong abala sa kanilang sariling buhay. Naging isang gunita ang lahat.

"Ako'y nagdadalamhati sapagkat hindi man lang ako nakadala ng aking mga tauhan upang kayo'y maipaglaban sa mga kalaban..." Saad ni Don Lorenzo. "...ang aking nagawa lamang ay ang bigyan ka ng lakas."

Hindi nakapunta si Don Lorenzo sa balwarte ng Querrencia dahil na rin nagkakagulo sa kanila. Ang pagsilay ng pulang buwan ay ang paglakas ng kapangyarihan ng sari-saring elemento. Samakatuwid, lahat ng bayan kagabi ay nagkagulo.

"Sapat na ho iyon sa akin, Señor, maraming salamat." Saad ni Xavier. Nakatulala lamang siya sa harapan ng puntod ng kaniyang ate at ama.

Si Araceli naman ay hawak ang isang kamay ni Agustin na ngayon ay tumatangis nang malaman na namatay ang kaniyang ama. Suot na rin ni Araceli ang kwintas na may palawit na pulang buwan.

"Hayaan mo, tutulungan kita upang maitatag muli ang barrio Querrencia." Saad ni Don Lorenzo. "Ikaw na ang bagong mamumuno, at maaring ang maging kanang-kamay mo ay si Mateo."

Napatingin naman si Xavier kay Mateo na ngayon ay nagsisindi ng kandila sa puntod ng kaniyang pamilya.

Marahang napatango si Xavier sa sinabi ni Don Lorenzo.

"Magiging matatag na muli ang samahan. Magkakaroon kayo ng ugnayan sa mga tao." Ani Don Lorenzo at tinapik ang balikat ni Xavier. "Sigurado ka na ba na hindi ninyo tatanggalin ang sumpa?"

Umiling si Xavier. "Kung ang sumpang ito ang maging gabay sa kabutihan at maging susi sa pagtatanggol ay ayaw ko ng itiwalag ang aking sarili."

Napangiti si Don Lorenzo. "Hanga ako sa'yo, Xavier. Mana ka talaga sa iyong ama."

Napahinga si Xavier at inakbayan na lamang si Araceli.

Mula sa araw na ito ay babangon muli ang Barrio Querrencia.

ISANG mahigpit na yakap ang natanggap ni Araceli mula sa kaniyang ama at ina at mga kapatid nang makarating ito sa mansion.

"Mabuti at maayos kayong nakarating." Ani Doña Viviana at hinalikan ang noo ni Araceli.

Mangiyak-ngiyak din si Ariana sa natunghayan.

"Xavier, ako'y nalulungkot sa sinapit ng iyong kapatid at ama." Saad ni Don Felipe.

"Kailangan tanggapin ang katotohanan, Don Felipe."

"Hayaan mo, narito pa naman kami." Ani Don Felipe at napangiti.

"Maraming salamat po."

Sa isang mahabang mesa ay nagsalo-salo sila.

Si Santiago naman ay napapangiti habang pinagmamasdan ang asawa at anak. Hirap man na igalaw ang isang kamay dahil nabalian siya, ngunit malaki pa rin ang kaniyang pasasalamat dahil buhay siyang nakalabas.

Si Marcelo naman at Agustin ay masayang magkatabi habang kumakain.

Naramdaman ni Xavier na may bagong kabanata na naman sa kaniyang buhay ang muling uusbong.
---•••---•••---•••---•••---•••---•••

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro