Kabanata 37: Pulang Buwan
---•••---•••---•••---•••---
"TALAGA ba na hindi ka na rito maninilbihan?" Tanong ni Ariana kay Isidra na ngayon ay nag-iimpake na sa kaniyang mga gamit.
"Oo, alam mo naman na may lamat na ang pamilya ko at pamilya mo patungkol sa ate kong si Kristina." Malungkot na saad ni Isidra at agad na napayakap kay Ariana. "Salamat, Binibining Aring. Kahit na nasa mataas kayong antas ng lipunan ay hindi ninyo ako tinuring na isang alipin kundi isang parte ng inyong pamilya." Ani Isidra at kumalas sa pagkakayakap. Pinunasan niya ang kaniyang kaunting luha.
"Walang anuman, Isidra. Huwag kang mag-alala, kapag nagkita man tayo ulit ay mamasyal tayo sa parke, katulad ng ginagawa natin nila Crisologo at Claridad." Saad ni Ariana, tinulungan niya na rin si Isidra na magtupi ng mga damit. May binigay din siyang mga iilang damit sa dalaga.
Pagkatapos ay lumabas na silang dalawa sa silid at oras na upang humarap si Isidra kay Don Felipe.
"Aalis na po ako, Don Felipe." Saad ni Isidra at nakayuko ng bahagya dahil sa hiya.
"Oh, hija? Hindi ka na ba magpapapigil?" Tanong ni Don Felipe sa dalaga.
Nanatiling nakayuko si Isidra dahil na ko-konsensya siya sa kabaitan ng Don sa kaniya.
"Maraming salamat p-po...tatanawin ko ho ito ng utang na loob. Salamat po sa pagtanggap bilang parte ng inyong pamilya kahit isa lamang akong aliping namamahay."
Napangiti ng marahan si Don Felipe at nilagay niya ang kamay nito sa ulo ng dalaga. "Hindi ako katulad ng iba, Ising. Ang nais ko sana'y manatili ka nalang dito hanggang ikaw ay mag-aasawa na. Ngunit ikaw na ang nag disesyon na umalis at nirerespeto ko na iyon... Patungkol sa iyong ate ay wala kang kasalanan, ang may responsibilidad na harapin ang problema ay iyong ate."
"Salamat po. Isa po sa mga rason na nais ko munang umuwi ay alalayan si ate Kristina dahil maselan ho ang kaniyang pagbubuntis, dulot ng mga pangyayari." Tugon ni Isidra.
Napatango na lamang ang Don at may ibinigay na salapi kay Isidra. "Kahit na may hindi pagkakaunawaan ang pamilya mo at sa akin ay ako pa rin ang Don Felipe na iyong nakilala. Itong pakatandaan mo, lahat ng problema ay dadaan lang."
"M-maraming salamat p-po."
Naalala pa rin ni Don Felipe ang mga kaganapan sa hukuman noong nakaraan kung saan nabunyag lahat ng mga kasamaan ni Arturo.
"Tayo ay nagkita muli, aking esposo."
Napalingon si Don Felipe sa boses na nagmula sa pintuan ng hukuman. Halos nanlambot ang kaniyang tuhod nang makita ang anak.
"Ara?!" Bulalas ni Don Felipe.
"Takot ka na ba, Arturo? Heto ako ngayon sa iyong harapan. Akala mo makukuha mong takasan ang iyong kasalanan?" Wika ni Araceli at napangisi pa na nakatitig lamang sa mga mata ni Arturo na ngayon ay tigalgal dahil sa gulat.
"Langga! A-anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Arturo at akmang lalapit kay Araceli nang itinulak siya nito. Tumama ang kaniyang likod sa batong pader.
Nagulat ang lahat sa kakaibang lakas ni Araceli dahil tumilapon si Arturo nang tinulak niya ito.
"Tama ba na ako'y iyong pagtaksilan at walang awang patayin?" Ani Araceli, nababakas sa kaniyang mga mata ang galit na tila ba pwede niyang kitilin ang buhay ni Arturo.
Halos mawalan ng balanse si Amanda nang marinig ang sinabi ni Araceli.
"Ha! Mayroon ka pang gana na sabihin sa akin 'yan? Ikaw lang naman ang unang nagtaksil sa ating dalawa!"
"Kung ako'y nagtaksil ay hindi ako magpapakasal sa'yo. Ngunit nagkamali ako! Kung hindi lamang sa ama mo na hayok sa salapi ay hindi ako magpapakasal sa'yo!" Giit pa ni Araceli.
Napapikit na lamang sa pagkakonsensya si Don Felipe dahil kahit na siya ay natukso sa salapi. Sa pagpapakasal ni Araceli at Arturo ay mas lumawak pa ang negosyo nila dahil sa tulong ni Don Renato.
"Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili na mahalin ka, Arturo. Ngunit sa aking kalooban ay mabigat. Naging matalik kitang kaibigan noon at naging esposo. Ngayon, bakit naging isang kalaban? Minahal mo rin ba ako ng totoo?"
Hindi makasagot si Arturo sa maging katanungan ni Araceli.
Samantalang si Xavier naman ay seryosong nakatingin lamang sa kanila.
Biglang napatayo si Crisologo at nag salita, "Isa rin akong patunay na kailangan na managot sa batas si Ginoong Arturo! Ama, pinagtangkaan niya ang aking buhay dahil sa aking nakita na may kausap siyang isang babae na kaniyang nabuntis!"
Nanginginig si Amanda sa narinig kahit ang ama nito ay halos hindi na makahinga sa kaganapan.
"Isang kapahangasan ang iyong nagawa, Arturo! Kailangan mong pagbayaran ang iyong kasalanan! Ipapahanap namin ang babaeng iyong nabuntis! Crisologo, kilala mo ba ang babae?" Tanong ni hukom Santa Mesa.
Napatingin muna si Crisologo sa hukom ni Arturo na ngayon ay nakikitaan pagkadismaya.
"Hindi ko alam ang kaniyang ngalan, ngunit nahahawig siya sa kasambahay ng mga Dela Vega, maaring kapatid niya iyon." Ani Crisologo.
"Dakpin niyo si Arturo!" Agad na utos ni Hukom Santa Mesa.
Nagpupumiglas man si Arturo ay wala na siyang magawa.
"Maaring kamatayan o ipapatapon sa malayong lugar ang iyong pamilya!" Giit ni Hukom Santa Mesa.
"HINDI PA TAYO NAGTATAPOS!" Sigaw ni Arturo habang nakatingin ng matalim kay Xavier.
Lumabas na rin si Doña Viviana galing sa silid at niyakap si Isidra.
Binuksan na ng ibang kasambahay ang pintuan ngunit sa nakikita nila sa labas ay makulimlim ang kalangitan.
"Naku! mukhang ang sama ng panahon." Nag-aalalang sabi ni Ariana.
"Anong oras na ba? Tila madilim ang kalangitan. May bagyo ba?" Tanong ni Doña Viviana sa kanila.
"Alas dyis pa po ng umaga ngunit parang alas singko na po ng hapon." Tugon ng kasambahay.
"Mukhang may hindi tama rito. Ising, mas mabuti pa na ipagpaliban mo ang iyong pag-alis." Ani Don Felipe.
Hinawakan naman ni Ariana si Isidra sa bisig at tiningnan niya itong may pag-aalala.
Napatingin naman silang lahat nang may humintong kalesa sa harapan ng pintong daananan. Bumaba roon si Amanda na kalong ang anak na si Marcelo. Lakad-takbo ang kaniyang ginawa.
"Dios mio, Amanda! Baka ika'y matisod!" Ani Doña Viviana at sinalubong ang anak at apo. "Si Santiago, nasaan?"
Napahinga muna ng malalim si Amanda bago nag salita. Kinuha rin ni Ariana si Marcelo na nagising dahil sa boses ng kaniyang lola. "Nilusob nila ang balwarte ng mga taong-lobo, ngayon. Isa itong senyales..." Napatingala si Amanda sa kalangitan. "...senyales na nagsisimula na ang kaguluhan. Kitang-kita ko mula sa bahay ang pag usok ng isang parte ng kagubatan."
"P-paano si ate Ara?" Nag-aalalang sambit ni Ariana.
Natigilan naman sila.
"Sa aking palagay ay maayos siya sa mga puder ni Xavier." Sagot ni Amanda.
"Pumasok muna tayo! Dios ko! Ano na kaya ang nangyayari ngayon?" Ani Doña Viviana.
Napansin naman nilang lahat na napasuot ng sombrero si Don Felipe.
"Nais kung puntahan ang aking kapatid. Ito ang maibibilin ko sa inyo, kahit anong mangyari ay huwag kayong aalis dito sa tahanan. Higpitan ang pag sarado ng mga bintana at pintuan...kung sino man ang kakatok na hindi magsasabi ng ngalan agad ay huwag pagbuksan." Seryosong wika ni Don Felipe at agad na lumbas sa tahanan.
"Felipe---" huli na ng sambitin ng Doña ang pangalan ng esposo dahil nakalayo na ito at agad na napasakay ng kalesa.
HALOS kalahati ng mga kaanib sa Querrencia ay napaslang na, bata man o matanda ay walang pinipili.
Nagkalat ang patay na katawan sa paligid.
Samantala, sa lugar ng mga hukluban ay marami rin ang namatay. Binihag din ang dalagang hukluban na si Marieta.
"Pinatay ninyo ang aking ina! Hindi tatagal ay magsasama rin tayo sa hukay!" Nanggagalaiting sigaw ni Marieta sa kanila.
"Hindi naman mamamatay ang butihin mong ina kung sinabi niya lamang kung saan nakalagay ang labing-tatlong libro!" Sabi ni Aquillino.
Naalala ni Marieta na inilibing ng kaniyang ina ang mga libro sa tabi ng puno ng balete noong araw na isinauli ni Don Quasimodo ang mga libro. May palatandaan iyon na tanging maharlika lamang ang makakakita.
"Ngayon, sabihin mo sa amin kung saan ang mga libro kung hindi mo gusto matulad sa iyong ina!" Bulyaw pa ni Aquillino habang tinutukan ang leeg ni Marieta ng matalas niyang balisong.
Ngumisi lamang si Marieta. "Sumisilay na ang pulang buwan..."
Napatingala sila at nakita ang pulang buwan na papausbong. Nagtataka sila dahil kanina lamang ay umaga pa.
"...kahit ako'y inyong patayin ay wala kayong makukuha sa akin. Hinding hindi ko sasabihin kung nasaan ang mga libro! Mamamatay na lang kayo, hindi niyo pa rin iyan matatagpuan!" Saad ni Marieta at napahalakhak pa. Kahit na nakaluhod sa kanilang harapan at marami na siyang mga sugat tapos nakatali pa ang kamay sa likuran ay hindi niya iyon ininda.
"Hanga ako sa iyong katapangan, binibini." Nakakalokong salita ni Aquillino sabay ngisi. Agad niyang sinunggaban ng halik ang dalaga.
"Putangina mo!" Napamura si Marieta sa ginawang marahas na paghalik sa kaniya ni Aquillino, dumugo pa ang kaniyang labi.
"Tapusin niyo 'yan! Sunugin ninyo ang katawan na kahit isang buto ay dapat wala ng mababakas pa." Utos ni Aquillino sa kaniyang mga taga-sunod.
Agad nilang dinampot si Marieta.
"Mamamatay ka!" Sabi ni Marieta at humalakhak ulit.
Umalis na si Aquillino at nag-isip pa ng ibang paraan paano mahanap ang mga libro. Napatingin siya ngayon sa kaniyang pulsuhan na may nakaukit na salitang baybayin ang "maharlika".
NAGKAROON na ng malay si Araceli. Napahawak siya sa kaniyang ulo dahil sa nahihilo pa siya.
"Ara?"
Napalingon si Araceli sa bungad ng pintuan. Naroroon si Santiago na may dalang mahabang baril, kasama rin niya ang mga guwardiya-sibil.
"A-anong nangyari sa'yo? Tila ba wala ka sa sarili? Nagkakagulo na sa labas."
Napabangon si Araceli at napatingin sa bintana.
"Ang bilis yata gumabi?" Nagtatakang tanong ni Araceli.
"Sa totoo lang ay umaga pa kanina. Ngayon ay biglang nilamon ng kadiliman ang kalangitan at sumilay ang pulang buwan." Tugon ni Santiago.
Natigilan si Araceli. Nakakarinig din siya ng sigawan sa labas. Patakbo siyang lumabas sa mansyon.
"Ara!" Tawag pa ni Santiago.
Halos hindi makapaniwala si Araceli sa nakita. Nahagip din sa kaniyang mga paningin si Nathaniel na nahihirapan sa paglakad. Buhat-buhat niya ang anak na si Agustin.
"Nathaniel!"
"A-ara..." Hinang-hina siya nang sambitin ang ngalan ni Araceli, agad siyang napatumba sa lupa gayundin si Agustin na walang malay.
"Anong nangyari?
"Itinakas k-ko ang aking anak... s-sa kabila..." Napaubo ng dugo si Nathaniel.
Napansin ni Araceli na may sugat sa likuran si Nathaniel.
"...ara, s-sana huwag mong hayaaan na mapasakamay ni Estrella ang a-aking anak...mahal na mahal ko s-si Agustin..." Napahinga ng malalim si Nathaniel at agad na nalagutan ng hininga. Dilat pa ang kaniyang mga mata.
"Nathaniel!" Nanginginig na si Araceli sa pangyayari sa paligid. Agad niyang kinuha si Agustin at binuhat. "Paalam, Nathaniel. Pangako ko na papalakihin ko si Agustin ng tama."
Bumalik siya sa tahanan nila Xavier at doon sa silid ni Xavier ay pinahiga niya si Agustin.
SAMANTALA si Xavier naman ay puno na ng galit ang puso. Kung sino man ang magtatangka na lusubin siya ay walang awa niya itong pinupugutan ng ulo, binabalian ng buto, at kinukuha ang puso.
"Xavier!"
Mas naging marahas ang pagkilos ni Xavier nang makita si Estrella na dala-dala ang ika-labing tatlong libro.
"Hindi ba't ito ang libro ng propesiya?" Tanong ni Estrella na napangisi. Lumulutang ang libro sa hangin na kontrolado niya.
"Huwag mong subukan na angkinin iyan!" Galit na saad ni Xavier.
Naamoy ni Estrella ang libro nang unti-unting sumilay ang pulang buwan kanina, sinundan niya lamang iyon hanggang sa marating ang pagamutan ni Xavier. Bigla siyang nag iba ng anyo dahil sa malakas na bugso ng sumpa.
"Bakit ko pa isasauli kung sa gayon ay nasa kamay ko na?" Nakakalokong saad ni Estrella.
Walang nasabi si Xavier sa sinabi ni Estrella, agad niya itong nilusob kahit ilang kilometro ang layo nito.
"Anak, huwag!" Sigaw ni Don Quasimodo na nanghihina na. Napaluhod pa ito sa sobrang sakit na nararamdaman sa katawan. Pinahirapan siya sa mga taga-sunod ni Aquillino.
Naaninag naman ni Xavier ang sitwasyon ng kaniyang ama. Ang kalahating mukha nito ay may mga balahibo na tila ba hindi siya natapos sa pagbabagong anyo.
"Ama!"
Lalapitan na sana ni Xavier ang ama ngunit pinigilan na naman siya.
"Huwag ka ng lumapit, anak!"
Lumabas si Aquillino mula sa dilim. Umaangil ito at galit na galit.
Lumulutang din ang labing-dalawang libro sa kaniyang harapan.
"Kumusta ka, butihin kong kapatid?"
"Ano ang iyong pinagsasabi?" Nagtatakang tanong ni Xavier.
"Anak, patawad..." Ani Don Quasimodo.
"Francisco?"
Bumagsak ang mga libro at agad siyang dinambahan ni Aquillino. Halos mabingi si Xavier sa malakas na ugong ng boses ni Aquillino. Natalsikan pa ang kaniyang mukha ng maraming laway.
"Tangina mo! Bakit mo pinairal ang kasamaan sa iyong damdamin?" Galit na tanong ni Xavier.
Hindi na sumagot si Aquillino at akma na niyang kakalmutin ang mukha ni Xavier nang bigla siyang tumilapon.
Nabigla naman si Estrella sa nakita. Sinugod niya ito.
"Subukan mo! Makikita mo kung ano ang dapat sa'yo!"
"Ara?" Gulat na sabi ni Xavier. Napabangon siya at nagkaroon ng lakas ng loob dahil sa wakas ay hindi siya nag-iisa.
"Hindi ako magpapatalo sa'yo!" Giit pa ni Estrella at pinatuloy ang paglusob. Agad na kinalmot niya si Araceli sa braso.
Si Xavier naman ay nakalmot ni Aquillino sa may bandang tiyan nang nilusob niya ito ng walang pag-aalinlangan.
Naging madugo ang naging eksena. Ang panig nila Don Diego ay nakisali na rin sa gulo. Kahit na mga gwardiya sibil na pinapangunahan ng magkapatid na Villacorte ay sinikap na pakawalan ang mga bihag.
May putukan ng baril, may pagtalsik ng mga dugo, at may nakakalas na buhay.
Nag-aaway sila dahil sa makapangyarihang mga libro. Nagkakagulo na dahil sa nabuwag na pagkakaibigan sa kadahilanang isa sa kanila ay hayok sa kapangyarihan.
Sa huli...
Ang kabutihan pa rin ang mananaig.
---•••---•••---•••---•••---
Featured Song:
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro