Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30: Los Rivales

---•••---•••---•••---•••---•••

PINATAKAN ni Xavier ng kaniyang dugo ang mga labi ni Araceli. Pagkatapos ay hinalikan niya ang kamay ng sinisinta at hinawi ang buhok nito.

"Hindi na ako makakapaghintay na muli mong maimulat ang iyong mga mata, Ara." Saad ni Xavier kay Araceli na putlang putla na ang mukha at maging ang katawan nito. Naghilom na rin ang sugat ni Araceli sa kaniyang dibdib at ang balisong na nakuha ni Xavier ay kaniya itong tinago.

"Xavier?"

Nakarinig ng tatlong katok si Xavier, nalaman niya agad na si Xienna iyon.

"Bukas 'yan." Sabi ni Xavier na hindi pa rin niya binibitiwan ang mga kamay ni Araceli.

"Hinahanap ka na ni Ama. Laging nagtatanong sa akin kung saan ka na raw?" Bungad ni Xienna at inilagay sa katabing mesa ang dalang pagkain sa kapatid.

"Ano naman ang iyong tugon?"

"Sinasabi ko lamang na gusto mo lamang mapag-isa...eh, nangangamba na iyon dahil nagpadala ng liham ang alcalde ng San Fernando na... 'yun nga, nawawala si Araceli." Saad ni Xienna at binuksan na ang dalang pagkain.

"At tsaka, nangangamba rin si Ama dahil kabilugan ng buwan mamaya baka ano na naman ang gagawin ng kabilang panig, at siya nga pala...isinaad din sa liham na maraming nawawalang guwardiya sibil, sa aking pakiwari ay sila Don Diego ang may pakana." Dagdag pa ni Xienna.

Napailing na lamang si Xavier. "Mga lapastangan talaga, hindi ko muna sila iintindihin...ang gusto ko lamang ngayon ay malaman kung sino ang pumatay kay Ara."

"Iyan! Naku, ang daming balakid sa buhay mo, Xavier! Naaawa na ako sa kalagayan ni Ara, kung sino man ang gumawa niyan ay halang ang kaluluwa! Pero, naisip ko lang...paano kung hinahanap na siya ng kaniyang esposo? Maari mong kausapin ang kaniyang esposo."

"Hindi pwede." Agad na tugon ni Xavier.

"Aba'y bakit?" Takang tanong ni Xienna.

Huminga na lamang ng malalim si Xavier.

"ANONG ginagawa mo rito?" Tanong agad ni Arturo kay Kristina nang makita ito sa bungad ng kaniyang tahanan.

"Aking nabalitaan na naglayas ang iyong esposa." Tugon ni Kristina na nahahalata na ngayon ang kalakihan ng kaniyang tiyan.

"Ikaw ba ay may kinalaman dito? Kaya ba nag layas ang aking esposa dahil sinabi mo ang katotohanan?" Tanong muli ni Arturo, pilit niyang binabaliktad ang storya sa lahat upang magmukha siyang kawawa.

Napataas ng kilay si Kristina sa mga naging katanungan ni Arturo sa kaniya. "Ano ang iyong pinagsasabi? Ni walang salita ang lumabas sa aking bibig at isa pa, hindi niya ako kilala. Pasalamat ka at may awa pa ako sa iyong reputasyon, paano nalang kaya kung dumiretso ako sa ama niya?" Despensa rin ni Kristina sa sarili.

"Alam kong may ginawa ka!" Giit pa ni Arturo.

Napatawa na lamang si Kristina at napahimas sa umbok niyang tiyan. "Ikaw ba ay nawawalan na ng bait? Kinakarma ka na yata, Arturo. Kung hindi ka nagtaksil ay hindi magiging ganiyan ang iyong esposa."

"Siya ang nagtaksil sa akin!"

"Paano? Kung nagtaksil siya sa'yo ay dapat hindi na lamang siya nagpakasal sa tulad mo! Nakikita ko sa iyong esposa na minahal ka niya kahit papaano, tapos ngayon parang ikaw pa ang biktima, eh sa una pa lang ikaw na 'yung nambiktima." Wika pa ni Kristina.

"Hindi niya maibigay ang hiling ko!"

"Ano?"

"Kaligayahan."

"Putangina, Arturo. Kaya pala ako 'yung pinarausan mo." Natatawang sabi ni Kristina.

Napasabunot naman ng buhok si Arturo. "Umalis ka na, bwesit na buhay! May gagawin pa ako!"

Mula sa hindi sa kalayuan ay naririnig ni Himala ang pag-uusap ng dalawa.

"Kailangan malaman 'to ni Ginoong Xavier!" Bulong na sabi ni Himala sa sarili. Ngunit napatigil na lamang siya nang maisip na hindi niya alam kung saan hagilapin si Xavier.

Nag-isip pa siya ng paraan hanggang sa sumagi sa kaniyang isipan ang lugar kung saan niya nakitang dumaan si Xavier.

"Dito 'yun. Hays, maghihintay pa ako, sana nga paglandasin kami ni Ginoong Xavier. Bathala, ikaw na ang bahala." Saad ni Himala sa sarili. Napaupo siya sa malaking bato nang makarating sa masukal na kagubatan.  Naaaninag niya rin ang malaking pader na ginagapangan ng mga ugat ng halaman at kahoy. Tila ba walang kabuhay-buhay ang lugar na 'yon. Napatayo siya bigla nang may isang bata ang nakadungaw sa pintuang daan na gawa sa bakal.

"Munting ginoo!" Tawag ni Himala dito. Nagulat naman ang bata sa kaniya at agad na nagtago sa gilid ng makakapal na halaman. Nagbabasakali siyang dito nakatira si Xavier ngunit sa kaniyang naalala ay hindi dito lumabas si Xavier noon.

"H-huwag kang matakot sa akin. Maari ba akong magtanong?" Pabulong na tanong ni Himala sa bata na nakatago pa rin sa malalagong halaman. Sinubukan niyang hawakan ang bakal ngunit napaso lamang siya. "Aray! Punyeta---" natigil si Himala nang makita niyang lumabas ang bata.

"Akin na ang iyong kamay." Mahinahong sabi ng bata. Agad naman na iniabot ni Himala ang kaniyang kamay. "Ako po si Agustin." Tinaklob ni Agustin ang kaniyang palad sa palad ni Himala.

Nanlaki naman ang mata ni Himala dahil nawala ang bakas ng pagkakapaso sa kaniyang palad. "G-Ginoong Agustin, dito ba nakatira si Ginoong Xavier Sarmiento?"

"Si ama?" Biglang nagkaroon ng kalungkutan ang mukha ng bata.

"B-bakit? M-may nangyari ba sa iyong ama?" Naguguluhan na tanong ni Himala, hindi niya akalain na may anak na pala si Xavier.

"Matagal na ho kaming hindi nagkikita ni ama. Hindi ako pinapayagang lumabas dito sa lugar na 'to."

"A-anak ka ni Ginoong Xavier? Wala siyang naikwento sa akin."

"Siya lamang ang nag-alaga sa akin noon. Ikinasal ho ang aking ina sa kaniya, ngunit hindi naglaon nalaman ko lang na hindi ko pala siya totoong ama. Nagkahiwalay sila." Malungkot na sabi ni Agustin.

Napahinga na lamang ng malalim si Himala. "Ganoon ba, salamat nga pala dahil ginamot mo ang aking palad. Siya nga pala, ibang lugar na 'to? Hindi na ba kayo kaanib sa kabila?"

"AGUSTIN!"

Biglang nagulat si Agustin nang marinig ang boses ng ina.

"Umalis ka na rin po, bago ka makita ni ina." Mabilis na litanya ni Agustin at kumirapas ng takbo sa masukal na daan sa loob.

Agad na napatago si Himala sa gilid at napasilip siya. Nakita niya rin na napatingin ang babae sa paligid. Agad niyang nakita na kinurot ng babae ang bata sa tagiliran. Napayukom ng kamao si Himala dahil sa palagay niya ay sinasaktan niya si Agustin.

Napasalong-baba na lamang si Himala habang tinutusok niya ng tangkay ng kahoy ang mga patay na dahon malapit sa kinauupuan niya. "Hays, mukhang hindi ko yata masusumpungan si Ginoong Xavier ngayon ah." Hindi niya mawari kung bakit parang nalulungkot siya sa mga pangyayari ngayon, naiisip niya pa rin si Agustin lalo na si Araceli na naging mabuti sa kanila.

Tumayo na siya at nag disesyon na umalis.

"Himala..."

Agad napalingon si Himala. "Ginoong Xavier! M-magandang tanghali."

"Anong ginagawa mo rito sa kagubatan?" Malamig na tanong ni Xavier. Bakas sa pananalita nito ang kawala ng gana.

"Kanina pa po kita hinihintay dito, nagbabakasali akong makita ka. Alam mo ba ang nangyari kay Binibining Araceli?" Tanong ni Himala.

Napahinga ng malalim si Xavier at napapapikit bago magsalita. "Ikaw ay pinagkakatiwalaan ko na, Himala. Sana'y sa aking mga sasabihin ngayon ay nagbabasakali akong maarok mo."

"Ano po iyon?" Napakunot-noo si Himala.

KASALUKUYANG binibihisan ni Amanda si Marcelo dahil pupunta sila sa tahanan ng ama at ina.

"ba't iyak ka nay?" Tanong ni Marcelo na kaarawan ngayon ngunit hindi nagkaroon ng handaan nang malaman ni Amanda na nawawala na naman si Araceli.

"Iyak si nanay kasi nawala ang aking mahal na bulaklak." Tugon ni Amanda sa anak. Ayaw niyang malungkot din si Marcelo.

"Balik naman bulaklak nanay. 'wag ka na po iyak." Inosenteng sabi ni Marcelo at pinunasan ang luha ng ina na kanina pa umaagos.

Malakas ang kutob ni Amanda na hindi lumayas ang kapatid.

"Halika na, punta tayo kay lolo at lola mo ah."

"Hindi ka na iyak?"

"Hindi na, anak." Tugon ni Amanda at binuhat ang anak at lumabas sila sa silid. Nasa sala rin si Santiago na hinihintay sila.

Agad na napayakap si Santiago sa mag-ina at hinagod niya ang likuran ni Amanda. "hayaan mo, mahal. Makikita namin si Araceli." Pagpapagaan ng loob ni Santiago sa asawa.

"Ang daming problema, alam kung mayroon ka ring problema. Alam kung nahihirapan ka na rin sa iyong trabaho. Lalo na ngayon at maraming nawawalang guwardiya-sibil." Litanya ni Amanda na ngayon ay mahigpit na nakahawak ang isang kamay sa esposo.

"Huwag mo akong intindihin, mahal. Handa akong maglingkod sa bayan at tumulong sa mga tao. Hangga't nabubuhay ako ay hindi ko iwawaksi ang aking tungkulin." Saad ni Santiago at napangiti sa asawa. "Akin na si Marcelo. Tayo na, marami rin akong misyon ngayon. Huwag kang mag-alala, mahahanap namin si Ara."

Napatango na lamang si Amanda at ibinigay si Marcelo sa kaniya.

Habang sakay sila ng kalesa ay nakita ni Amanda si Xavier na may kasamang binatilyo. Lumakas ang tibok ng kaniyang dibdib.

"Bakit hindi ka mapakali?" Tanong ni Santiago kay Amanda.

"Nakita ko si Xavier."

"Saan?"

"Ayon---" ngunit natigilan na lamang si Amanda nang wala na si Xavier na kanina'y naglalakad sa gilid ng kalsada.

"Kakausapin ko si Xavier kung magkrus man ang aming landas. Nais kong humingi ng tulong sa kaniya, mas magiging mapadali ang paghahanap." Saad ni Santiago.

"Sana nga, malakas din ang aking pakiramdam na hinahanap niya rin si Ara." Saad ni Amanda at napahinga ng malalim.

TULALA lamang si Himala na kumakain ng tinapay. Kasama niya pa rin si Xavier ngayon. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang putol na sanga na nakapailalim sa puno ng acacia.

"Himala, ako'y umaasa na ikaw ay mapagkatiwalaan na kaibigan. Tanging ikaw at aking ate lamang ang nakakaalam, at isa pa, hindi ka ba natatakot sa akin?"

Hindi pa rin tumutugon si Himala at tigalgal pa rin siya sa mga nalaman.

"Himala?"

"P-po? Ah---Ginoong Xavier..." Natauhan si Himala nang tapikin ni Xavier ang balikat niya.

Ngumiti lamang si Xavier. 

Napahinga ng malalim si Himala bago nagsalita.
"Ako'y nagpapasalamat na sa ilang daang tao ang nakasalamuha ko sa tanang buhay ko ay nakilala kita, Ginoo. Alam kong mahirap ho ang inyong pinagdadaanan lalo na at may ganiyan pala kayong sekreto. Isa ako sa mga swerteng tao na makilala ang isang tulad mo..."

"...ngayon ko lamang napagtanto na hindi lahat ng may kakayahan maging halimaw ay sakim sa kasamaan. 'yung iba nga, mas masahol pa sa halimaw ang ugali, kabaliktaran sa kanilang marangyang kasuotan." Mahabang litanya ni Himala.

"Hindi ho ako natatakot, kaibigan kita, Ginoong Xavier. Mas nakakatakot na ho ngayon 'yung may mga inosenteng mukha." Dagdag pa ni Himala.

"Siyang tunay, Himala. Maraming salamat."

"Hindi nga lang ako makapaniwala na nalagutan na ng hininga si Binibining Araceli, gusto kong umiyak ngunit may namumutawing pag-asa sa aking puso dahil nasa kamay niyo siya." Saad pa ni Himala at pinatuloy ang pagkain ng tinapay.

"Hayaan mo, kapag nagkaroon na ng malay si Ara, sasabihan kita."

"Paano po kung mabuhay muli si Binibining Ara? Ano ba ang susunod ninyong gawin?"

"Hindi ko alam, Himala." Sagot ni Xavier at napakuha na lamang ng tobacco sa kaniyang bulsa at sinindihan iyon.

Hihithitin na sana ni Xavier ang kaniyang tobacco nang may naramdaman siya sa kaniyang likuran.

"G-ginoong Xavier, m-mga guwardiya sibil!" Biglang bulalas ni Himala, ngunit napaigik na lamang siya nang biglang hampasin ng isa sa mga guwardiya sibil ang kaniyang tiyan.

"Tangina! Huwag niyo siyang idamay!" Ani Xavier habang hindi gumagalaw. Naramdaman din niya ang pag gapos sa kaniya ng guwardiya sibil, ayaw niyang ipakita ang kaniyang lakas dahil wala ring mapapala ang lakas ng mga guwardiya sibil laban sa kaniya.

"Hulihin ninyo ang dalawang iyan!" Saad ng isang malalim na boses, nakadungaw siya sa bintana ng kalesa.

"Sige ho, Don Renato." Tugon ng gwardiya-sibil.

Agad na kinaladkad sila Xavier pasakay ng isa pang kalesa.

SA isang abandonadong mansion sa dulo ng nayon ng San Fernando nakarating ang dalawang kalesa. Tuluyan na ring lumubog ang araw.

Agad na pinaupo sa kaniya-kaniyang upuan si Xavier at Himala.

Matalim ang bawat tingin ni Xavier sa mga guwardiya sibil na nagsusulo ng apoy lalo na sa isang matanda na kasing-edad lamang ni Don Felipe.

"Hola, amigo!" Ani Arturo at tumawa pa ito na tila ba nanunuya ito habang bumababa sa hagdanan na binabakasan na ng lumot.

Kalmado pa rin ang mukha ni Xavier samantalang si Himala naman ay butil-butil na ang pawis habang may busal ang bunganga.

Ang kanilang kamay at paa ay may mahigpit na nakakapit na bakal na siyang konektado sa kadena na siyang iginapos sa kanila ng mga guwardiya sibil.

"Maraming salamat sa inyo, lalo na sa iyo, ama!" Pagmamalaki ni Arturo.

Napatango lamang si Don Renato at napabuga ng usok ng tobacco.

"Kumusta ka, Xavier?" Nakakalokong tanong ni Arturo kay Xavier at tinanggalan niya ito ng busal sa bunganga.

"Kayo ni Ara, kumusta?" Dagdag pa na tanong ni Arturo.

Hindi naman sumagot si Xavier at inaabangan niya lamang ang pagsilay ng buwan sa kalangitan na nagkukubli mula sa bintanang may mga  baging na.

"Aba'y pipi pala ang lalaking iyan, anak." Saad ni Don Renato.

"Malamang siya'y natatakot na ngayon, ama." Tugon ni Arturo at tumawa ulit, pati na rin ang anim na guwardiya sibil ay nakitawa na rin.

"Alam ko naman na hawak mo si Ara ngayon, ikaw ang dahilan kung bakit siya naglayas! Mang-aagaw ka pala, amigo!" Giit ni Arturo. "Sumagot ka! Nasaan si Ara?!"

Ngunit dinuraan lamang siya ni Xavier sa mukha.

"PUNYETA! SUNTUKIN NINYO ANG PAGMUMUKHA NG PUTANGINANG 'YAN!" Naiinis na sigaw ni Arturo, agad naman na sinunod ng mga guwardiya sibil ang nais niyang mangyari.

Nagpupumiglas na rin si Himala habang nakikitang binubugbog si Xavier.

"PUNYETA KA, XAVIER! AKO'Y BABAHIRAN MO NG IYONG KADUNGISAN?" bulyaw pa ni Arturo at kinuha ang mahabang baril na siyang ginagamit ng mga guwardiya-sibil.

Samantalang si Xavier ay hindi na mapakali sa kaniyang upuan, tila ba nanginginit na ang kaniyang katawan dahil sa papausbong na kabilugan ng buwan. Tila nababalisa na siya at butil-butil na ang kaniyang pawis.

Napapansin naman iyon ng ibang gwardiya sibil  pati na rin si Don Renato na inoobserbahan ang galaw ni Xavier.

Humarap muna si Arturo sa mga gwardiya sibil at tumatawa habang nag sasalita ng kung ano-ano sa kanila. Paninira at pagyuyurak sa pagkatao ni Xavier ang kaniyang binabahagi.

"Ginoo, tila ba hindi na mapakali si Xavier?" Tanong ng isang gwardya sibil.

"Hayaan mo ang putanginang iyan."

Napapansin na rin ni Himala ang pagbabagong anyo ni Xavier.

Sumisilay na ang mga ugat sa mga kamay ni Xavier at tila nababali ang mga daliri nito. Nakikita rin ni Himala kung paano tumubo ang mga matatalim na kuko ni Xavier at pati na ang mga pangil nito. Ang mga paa ni Xavier ay lumabas na sa kaniyang sapatos na ngayon ay nagigiba na.

"Ginoong Arturo!"

"Arturo!" Bulalas ni Don Renato.

Napalingon si Arturo sa gawi ni Xavier.

Nagimbal siya sa nakita.

May makapal na balahibo sa katawan, mapupula ang balintataw, matalas na kuko at matalim na pangil.

Nagiba ang mga kadenang kanina'y napakahigpit na nakakapit kay Xavier.

Umaangil si Xavier na nakatitig ngayon sa mga gwardiya sibil na nagsisilabasan habang binabaril siya ng mga ito, pati si Arturo ay tigalgal nang makita ang totoong anyo ni Xavier.

Hinila ni Don Renato ang anak. Agad na nagkaroon ng pagkakataon si Xavier na sila'y habulin.

Sa pagkakataong iyon ay nakalmot ni Xavier ang likuran ni Don Renato dahil nahuli siya sa pagtakbo dahil na rin sa katandaan.

"Maawa ka!" Saad ni Don Renato nang nakadapa na lamang siya sa lupa.

"Ama! Tanginang mga gwardiya kayo! Barilin ninyo ang halimaw na iyan!"

Umalingawngaw naman ang bawat putok ng baril na tumatama sa katawan ni Xavier.

Walang ano-ano'y hinawakan ni Xavier ang leeg ni Don Arturo at hinugot iyon. Bumulwak pa ang masaganang dugo mula sa leeg.

Tumilapon ang ulo ni Don Renato sa paanan ni Arturo.

"AMA!" Napasigaw si Arturo sa galit at agad na pinaputok ang hawak na mataas na baril.

"PUTANGINA MO!" Mura pa ni Arturo habang papalapit nang papalapit sa gawi ni Xavier.

Umalulong si Xavier at agad na dinambahan si Arturo.

Xavier!

Napalingon agad si Xavier mula sa likuran niya at nabigla siya nang makita si Mateo.

Huwag mong paslangin iyan! Huwag mong kalimutan na esposo 'yan ni Araceli, baka magkaroon ng hinanakit si Araceli kapag nalaman niya na ang pumatay sa kaniyang esposo ay isang taong-lobo! Baka naghihintay na si Araceli sa tahanan nila!

Pigil sa kaniya ni Mateo.

Umangil ng malakas si Xavier at napasuntok sa lupa, muntik pa mahagip ng kaniyang kamao ang mukha ni Arturo.

Tumalikod si Xavier at tumakbo pabalik sa abandonadong mansion. Samantalang si Mateo naman ay sinindak na lamang sila Arturo at kasama nitong guwardiya-sibil kung kaya ay napatakbo sila ng wala sa direksyon.

Habang si Himala naman ay sinikap ang sarili na gumapang sa gilid ng isang pader kahit na nakadagan sa kaniya ang silya at may nakagapos na kadena ay kaniya itong kinakaya upang hindi siya makita ng ibang taong-lobo na kanina niya lamang napapansin ang anino sa labas ng bintana na tumatama sa sinag ng buwan.

Unti-unti na rin na nanunumbalik ang kaanyuan ni Xavier. May mga bakas ng dugo ang kaniyang punit na damit at karsones. Pinakiramdaman niya ang paligid.

"Himala?"

"T-tulong po, narito po ako sa likod ng pader." Saad ni Himala na nababakas sa boses nito na nahihirapan na..

Agad na pinuntahan ni Xavier si Himala at tinulungan niya itong makawala sa kadena.

"Pasensya ka na at nadamay ka pa."

"W-wala ho 'yon, ginoo. Sa totoo lang wala namang kabuluhan ang pagdakip ng Arturo na 'yon sa'yo eh. Napaslang niyo po ba siya?" Tanong ni Himala at pinagpagan ang sarili.

"Hindi." Tugon ni Xavier na tila ba ginagapangan siya ng inis.

"P-paano na po 'yon? Marami ng nakakaalam sa inyong katauhan?"

Napahinga ng malalim si Xavier.

"Sino siya, Xavier? Muntikan ko ng puntahan at lapain 'yan kanina buti nalang at nakita kita." Ani Mateo na papalapit sa kanila.

"Ako po si Himala, kaibigan ho ni Ginoong Xavier."

Napakamot na lamang si Mateo sa ulo. "Paumanhin."

"Ihahatid kana namin sa inyong tahanan." Bawi pa ni Mateo.

Napatango na lamang si Himala. Inakbayan siya agad ni Mateo at sumunod na lamang si Xavier sa kanila.

Sa pagkakataong iyon ay naisip ni Xavier na mas maraming problema pa ang darating sa kaniyang buhay.
---•••---•••---•••---•••---•••---•••

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro