Kabanata 3: Ang Sumpa
-----••••----••••-----••••
1810
"LAHAT kayo ay mababalot ng
sumpa! Ang susunod na mga angkan ay mababalot rin ng sumpa!"
Sigaw ng isang babaeng kalong ang patay na sanggol. May mantsa ng dugo ang saya ng babae at magulo rin ang buhok nito at natutuyo na ang mga dugo sa labi.
"Ang sumpa ay magsisimula sa'yo Ignacio!"
Nakadungaw lamang si Ignacio sa bintana at binabalewala lamang ang sinisigaw ng babae na tila nababaliw na.
Si Ignacio Sarmiento ang tinutukoy ng babae. Isa ito sa mga nagamit ni Ignacio at hindi pinanindigan nang mabuntis ito. Gusto lamang ni Ignacio na gawing laro ang lahat dahil ni isang katiting sa sarili ay hindi siya naniniwala sa pagmamahal.
"I-ignacio, napakaingay naman ng babaeng iyan..."
Napatabi sa kaniya ang isang babaeng anak ng isang encomendieros. Bagong babae na naman ito ni Ignacio.
"...ano iyan? Sanggol? Ignacio? May tinatago ka ba sa akin?"
Hindi makasagot si Ignacio sa tanong ni Marta, bagkus ay humithit lang ito ng tobacco.
"Kayong dalawa! Isusumpa ko!"
Sigaw pa ng babae at may kung anong dinasal pa ito bago naglaslas sa leeg at namatay.
Wala ni isa ang naglakas loob na pigilan ang babae at hinayaan na lamang nila itong nagpakamatay.
Walang emosyon na umalis sa pagkakadungaw sa bintana si Ignacio.
"Isa rin ba ako sa mga niloloko mo Ignacio? Sagutin mo ako, Ignacio!"
"Hindi ko mahal si Asuncion. Ikaw ang tunay kong mahal, Marta! Hindi siya! Hindi ibang babae kundi ikaw lang!"
Umiiyak na si Marta sa natunghayan.
"Ang sanggol, Ignacio! Patunay iyon na may nangyari sa inyo!"
"Wala akong pakealam sa sanggol! no es mi hijo! Sí, hacemos algo inmoral, ¡pero sucedió hace mucho tiempo!" (it is not my child! Yes, we do some immoral thing but it was happened long ago!)
Napahawak na lang si Ignacio sa kaniyang ulo at ginulo ang buhok.
"Hindi na kita paniniwalaan!"
Sigaw pa ni Marta.
Agad na tumayo si Ignacio at itinulak si Marta sa malamig na pader at kinulong niya ito gamit ang kaniyang mga bisig.
"Aalis na ako, Ignacio."
Sabi ni Marta na hindi na ngayon makakurap sa maamong mukha ng binata.
"Magbabago ako, Marta. Pangako."
At agad na sinunggaban ng halik ni Ignacio si Marta.
1850
"Oo na ama, sa atin pala nag simula ang sumpa."
Bagot na sabi ni Xavier habang umiinom ng alak kasama ang ama. Paulit-ulit na kinukwento ng kaniyang ama ang nangyari sa kaniyang lolo Ignacio at Lola Marta.
"Kung kaya ay habang lumalaki ang ating angkan, lalo na at may ibang mga pamilyang mabubuo galing sa labas at nakapag asawa na galing sa atin ay makukuha ang sumpa."
Sabi ng kaniyang ama na bumubuga ng usok ng tobacco.
Ang pamilya Romualdez, Cabrera, at Vargas ay galing sa ibang nayon, nang umanib sa kanila ay kumalat na rin sa kanila ang sumpa.
"Wala na bang makakapagtanggal ng sumpa, ama?"
Tanong ni Xavier. Iling nalang ang naisagot ng kaniyang ama.
Napahinga na lang ng malalim si Xavier at tumayo upang pumasok sa sariling silid.
Nag bihis siya agad ng tsaleko at inayos ang buhok. Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili sa salamin at kinuha ang sombrero.
Lumabas na siya at nagpaalam sa ama. Gusto ni Xavier na sunduin ang kaniyang ate sa tahanan ng mga De La Vega.
"ANG galing mo naman, binibini."
Puri ni Xienna kay Araceli na ngayon ay tinuturuan niyang mag piano.
"Salamat po."
Pansin naman ni Xienna na nahihiya parin si Araceli sa kaniya.
"Naghanda po ako ng maiinom sa inyong dalawa."
Sabi ni Kasandra na dala ngayon ang baso na naglalaman ng gatas ng baka.
"Maraming salamat, Kasandra."
Kinuha iyon ni Araceli at ibinigay niya ang isang baso kay Xienna.
"Maramimg salamat, binibini."
Tumango at napangiti si Kasandra pagkatapos ay tinuloy niya na ulit ang paglilinis ng mansion.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin batid ni Xienna kung bakit hindi makakalakad si Araceli. Hindi na niya ito tatanungin dahil kung anong isipin ng dalaga sa kaniya.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ako nakakalakad?"
Mahinhin na tanong ni Araceli.
"B-bakit?"
Handa ng makinig si Xienna sa kwento ng dalaga.
"Noong sampung taong gulang pa lang ako, bigla na lang nanghina ang aking tuhod. Sabi ng kapatid ni Ina na isang manggagamot ay marupok ho daw ang aking mga buto."
Huminga ng malalim si Araceli at tinanggap na lang ang kapalaran na mararanasan ang ganiyang kapansanan.
"Manggagamot ang aking kapatid. Pwede ka niyang gamutin."
Ikling sabi ni Xienna na ngayon ay naaawa sa kalagayan ni Araceli.
Natigilan naman si Araceli nang marinig ang sinabi ni Xienna.
"S-si Xavier po ba ang inyong tinutukoy, binibini?"
Tumango si Xienna at ngumiti sa dalaga.
"Binibini, may naghahanap sa inyo...Xavier po ang kaniyang pangalan. Kapatid niyo po?"
Sabi ni Kasandra na kagagaling lang sa labas upang kumuha ng mga bulaklak sa hardin na ilalagay niya sa paso.
Napapikit na lang si Xienna at umiling sabay ngisi.
"Para-paraan talaga itong si Xavier. Halatang halata na."
Napakunot-noo naman si Araceli at hindi niya maintindihan ang ibig ipahiwatig ni Xienna.
"Bakit po?"
"Ha? Wala naman binibini. Saglit lamang at aking pupuntahan ang aking kapatid."
Napatango na lang si Araceli at lumabas na rin si Xienna.
"Ano ba ang ginagawa mo dito, Xavier?"
Pabulong na sabi ni Xienna sa kapatid na nakatayo sa bungad ng gate sa mansion.
"Sinusundo ka?"
Patanong na sagot ni Xavier.
Napataas ang isang kilay ni Xienna.
"Sinusundo nga ba?"
Napahimas ng batok si Xavier.
"Bakit ate, may iba ka pa bang iniisip?"
Biglang ngumisi si Xienna at napairap na lang.
Bigla namang may dumating na kalesa. Lulan doon si Ariana, Amanda, ang don at doña.
Naunang bumaba si Ariana,sumunod si Doña Viviana, Amanda, at ang panghuli ay si Don Felipe.
Agad na nagbigay galang si Xienna samantalang si Xavier naman ay nakatayo lamang.
"Magandang araw po sa inyong lahat."
Sinagi naman ni Xienna si Xavier at natauhan naman ito.
"M-magandang araw po sa inyo."
Hinubad naman ni Xavier ang sombrero at itinapat sa dibdib niya.
"Ikaw ba si Xavier?"
Biglang tanong ni Amanda na ngayon ay namangha sa kakisigan ng binata.
"O-opo."
"Kapatid ko po." Sabi ni Xienna.
Napatingin naman ang don kay Xavier.
"Tamang tama ang iyong dating hijo. Dito ka na mananghalian."
Tapos ngumiti ang don sa kanila.
Samantalang si Ariana naman ay bumulong sa kaniyang ate Amanda habang nakatakip ang abaniko.
"Sana may kapatid sila na lalaki na kasing-edad ko, tingnan mo naman ang lahi nila ate, hindi basta-basta."
Napaagik-ik pa si Ariana. Sinagi naman agad siya ni Amanda at baka marinig siya ng kanilang ama at ina.
"Hali na kayo."
Aya ni Doña Viviana.
Nauna na pumasok ang pamilya De La Vega.
"Ayusin mo ang iyong tsaleko!"
Saad ni Xienna sa kapatid dahil naka bukas ang dalawang butones nito sa damit at kitang kita doon ang dibdib ng binata.
"Bakit?"
"Para kang nag-aaya ng binibini. At isa pa, makakaharap mo si Araceli, maging pormal ka at ilagay sa lugar ang iyong pagiging pilyo."
Pangaral ng kaniyang ate.
Ngumisi na lang si Xavier at inayos ang tsaleko.
"Masusunod ate madaldal."
Napapaypay nalang si Xienna at inirapan ang kapatid.
Nakapasok na ang magkapatid sa mansion.
Hinahanap ni Xavier ang presensya ni Araceli.
Napalingon si Xavier kay Araceli na ngayon ay kakalabas lamang sa kaniyang silid.
Kinontrol ni Araceli ang silyang de gulong upang huminto.
Nagtama ang kanilang paningin.
"M-magandang umaga, binibining Araceli."
"Ano ka ba, tanghali na."
Sabat ni Xienna sa kapatid.
"Ah-magandang tanghali binibini."
Ginapangan ng hiya si Xavier.
"Magandang tanghali, ginoo."
Balik na tugon ni Araceli.
Nagkakatigan silang dalawa na para bang sila lang ang naroroon.
"Ehem! Ehem!"
Natauhan naman sila nang tumikhim si Don Felipe.
"Ginoong Xavier at binibining Xienna, ako'y nagagalak na naririto kayo sa aming tahanan, lalong lalo na sa'yo binibini, salamat sa pagtuturo ng kaalaman sa aking anak."
Puri ni Don Felipe kay Xienna.
"Magkapatid pala kayo, ang ganda ng inyong lahi."
Singit ni Doña Viviana.
Pasimpleng ngumiti naman si Xavier.
"Salamat po."
Saad ni Xienna.
"Upo muna kayo."
Dinala sila ng don sa napakalaking sala.
"Bukas mo na ipagpatuloy ang pagturo, binibini. Gusto ko kayong makakwentuhan."
Napansin naman ni Xavier na napakabait ng Don.
Napasulyap naman si Xavier kay Araceli na ngayon ay tumungo sa piyano.
Lumapit naman si Ariana at Amanda kay Araceli.
"Napakakisig ni Xavier! Bagay kayo, Ara."
Biglang sabi ni Amanda. Hindi na magalaw ni Araceli ang kaniyang kamay at tutugtog na sana siya ng piyano.
"Oo nga ate Ara, kung mangligaw siya sa'yo, sagutin mo agad."
"Mag hunus-dili nga kayo. Kung ano-ano ang inyong naiisip, pinapangunahan mo pa ate Amanda."
Mahinang sabi ni Araceli.
"Hindi na kami manunukso ni Ate Amanda kapag nahabol mo kami."
Agad na binatukan ni Amanda si Ariana.
"Makabatok naman..."
"Hunghang ka talaga, Ariana. Hindi nakakalakad si Ara."
Niyakap agad ni Ariana si Araceli.
"Nagbibiro lang kami, ate Ara ah."
Tumawa na lang si Araceli. Hindi na siya nasasaktan pa patungkol sa kaniyang kapansanan. Hindi rin siya nawawalan ng pag-asa na makakalakad siya balang araw.
PAGKATAPOS mananghalian ay nagpaalam na rin si Xienna at Xavier.
"Bumisita ka lang dito, Ginoong Xavier kung kailan mo gusto. Bukas ang aming tahanan."
Sabi ni Don Felipe, hinahatid ngayon palabas ng don ang mag-kapatid.
"Sige po."
Sagot ni Xavier. Hindi niya gaanong nakausap si Araceli dahil parang nakamasid si Don Felipe.
"At binibining Xienna, tataasan ko ang sahod mo. Napakagaling mo mag turo sa aking anak, hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo."
"Salamat po, Don Felipe."
"O sya sige. Kayo ay humayo na. Mag-iingat kayo parati."
Paalam ng don sa kanila. Agad namang sumakay si Xavier at Xienna nang may dumaan na kalesa.
Habang si Araceli naman ay pinagmasdan nalang ang dalawang kapatid na umuwi.
Hindi man sila nagkakwentuhan ni Xavier ngayon pero pumayag naman ang kaniyang ama na si Xavier ang tumingin sa kaniyang mga paa sa susunod na linggo. Sinabi ni Xienna na manggagamot si Xavier bagay na ikinahanga pa ng don sa kanila.
Kinontrol na rin ni Araceli ang silyang de gulong upang bumalik sa kaniyang silid. Nasa ibaba lang ang kaniyang silid sapagkat mahihirapan pa siyang pumanik sa taas kung kaya ay nagpagawa nalang ang kaniyang ama ng magiging silid niya.
"Anak, sa tingin ko magagamot ni Xavier ang iyong mga paa."
Natigil naman si Araceli sa pag kontrol ng kaniyang silyang de gulong.
Pumasok ang doña at hinaplos ang buhok ng anak.
"Sana nga ina, nahihirapan na kayo sa akin."
At napasulyap siya sa kaniyang ina at ibinalik ulit ang paningin sa bintana.
"Ssshh. Huwag kang mag-isip ng ganiyan anak, mahal ka naming lahat dito. Gagaling ka."
Mahinang tugon ni Doña Viviana. Hinawakan niya ang mga kamay ni Araceli.
"Salamat po, ina."
Ngumiti lamang ng matipid si Araceli.
"TIRO a gol!" (Target shot!) Sigaw ni Mateo nang matamaan niya ang isang bungo ng matalim na palaso.
"Galing! Ako naman." Tumayo si Enrique ang nakakatandang kapatid ni Mateo.
Siya si Enrique Cabrera. Dalawangput'pito ang gulang. Hindi mo ipagkakailang makisig rin ito, maskulado at matangkad. Hindi tulad kay Mateo na katamtaman lang ang katawan. Matangos ang ilong at may mapang-akit na mga mata.
Kasalukuyan sila ngayong nag-iinom ng mga mamahaling alak sa bahay ng mga Romualdez. Kasama si Xavier, Nathaniel, at Ramon.
Si Nathaniel Romualdez, ang nag-iisang anak ni Don Tiago Romualdez at Doña Fatima Romualdez. Kung ano ang kaniyang nais sa sarili ay nakukuha niya dahil hindi siya pinipigilan ng kaniyang mga magulang. Abala rin ang kaniyang mga magulang sa kanilang sariling pamahalaan. Makisig rin ito at may pagkapilyo rin tulad ni Xavier. Nasa dalawangput'tatlo na ang gulang ng binata.
At si Ramon Vargas. Ang pangatlong kapatid ni Estrella. Tatlo silang magkakapatid ngunit ang panganay ay lumayo sa kanila at namuhay na lamang sa San Fernando. Nasa dalawang'put isa ang gulang ng binata. Hindi mo rin mapagkakailang napakakisig rin nito na halos lahat ng mga dalagang binibini sa kanilang lugar ay nahuhumaling sa kaniya.
"Xavier! Ano na ba ang mga ganap sa buhay mo? Parang lumalayo kana sa amin, ikaw ba ay may problema?"
Tanong sa kaniya ni Nathaniel. Ngumisi lamang si Xavier at binuga ang usok na galing sa kaniyang tobacco.
"Wala naman, sadyang gusto ko lang mapag-isa." Tamad na sabi ni Xavier habang nakasandal sa isang silya.
Napaismid naman si Nathaniel at nilagay ang serbesa sa baso at ibinigay kay Xavier.
Napapansin rin ni Nathaniel na hindi na masyadong palakwento ang kaibigan sa kanila.
"Kaibigan mo kami. Usapang lalaki tayo dito."
Saad ni Nathaniel.
"Ituloy mo na kaya ang pangliligaw mo kay Estrella?" Biglang tanong ni Xavier sa kaibigan.
Alam nilang lahat na may gusto si Nathaniel kay Estrella kung kaya ay iniiwasan ni Xavier ang presensya ng dalaga sa kapakanan ng kanilang pagkakaibigan ni Nathaniel.
Nagkaroon ng pag-asa si Nathaniel nang nalaman nito na hindi tinanggap ni Xavier ang nararamdaman ng dalaga.
Napalingon naman si Ramon sa tanong ni Xavier. Pati si Mateo at Enrique na kanina pa nasisiyahan sa pag tama ng mga palaso sa mga nakahelerang bungo ng tao at hayop.
"Sa tingin ko ay mahaba-haba pang habulan." Sagot ni Nathaniel.
"Gusto mo, tulungan kita?"
Agad na sabi ni Ramon.
Napatawa na lang sila. Kumunot naman ang noo ng binata.
"Bakit ba kayo tumatawa? Totoo ang aking sinasabi. Pwede akong maging tulay mo para mapasayo si ate Estrella."
Ngumisi nalang si Nathaniel at tinapik ang balikat ni Ramon.
"Walang kapalit?"
Tanong ni Mateo.
"Syempre wala." Depensa ni Ramon at agad na nilagok ang alak sa kaniyang baso.
Napailing nalang si Xavier at tumayo upang kumuha ng palaso.
Napatabi naman si Enrique at pinagmasdan si Xavier.
"Sapul na sapul!" Sabi ni Enrique nang biglang ibato ni Xavier ang palaso sa bungo ng tao, direktang natusok ang palaso sa mata ng bungo.
"Ikaw, Xavier, may napupusuan ka na bang binibini?" Tanong ni Mateo sa kaibigan.
Napatigil naman si Xavier sa ginagawa at umiling. Hindi pwede sa kanila ang umibig ng isang mortal, dapat kusang nagpapaanib ang normal na tao upang mapunta sa kaniya ang sumpa.
Paano kung ayaw ng kaniyang babaeng iniibig ang sumpa?
"Baka si Creselda."
Sabi ni Ramon.
Si Creselda Cabrera ang pinsan na babae ni Mateo at Enrique. Maganda ito ngunit hindi ito palakibo at minsan mo lang makikitang nakikipaghalubilo kapag may okasyon.
"Hunghang. Parang kapatid ko na rin si Creselda."
Depensa ni Xavier. Bumalik na siya sa pagkakaupo.
Naiisip na naman niya si Araceli. Gustong gusto niyang gamutin ang dalaga upang makalapit siya dito at makausap ng matagal. Wala siyang pakealam kung may kapansanan ang dalaga basta ang gusto niya ay mapagaling niya si Araceli.
Lihim siyang napangiti kapag naiisip niya si Araceli na ngumingiti ito pabalik sa kaniya.
Napatingin nalang siya sa labas ng binatana na ngayon ay nag-aagaw dilim na.
---------••••------••••------
Featured Song:
Ngiti by Ronnie Liang
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro