Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 28: Aklat ng mga Hukluban

---•••---•••---•••---•••---•••

NAGISING si Araceli at nakaramdam siya ng sakit sa kaniyang kaselanan. Napabangon siya agad at napansin niyang wala siyang saplot sa kaniyang katawan nang masilip niya sa ilalim ng kumot. Napansin niya rin na may parang pula na bumakas sa kaniyang puting kumot. Napapikit na lamang siya ng mariin at umagos ang luha sa kaniyang mga mata. Napansin niya rin na gabi na at masyadong tahimik na ang paligid at ang tanging naririnig ay ang huni ng mga kuliglig at kuwago. Agad siyang tumayo at pumunta agad sa palikuran. Doon ay agad siyang napaligo dahil sa pagkakarindi sa sarili.

Alam niya sa sarili na may karapatan si Arturo na humingi ng ganoon ngunit hindi pa siya handa.

Napasabunot si Araceli sa kaniyang buhok habang umiiyak. Nais man niyang magwala ay hindi na niya iyon magagawa. Nanginginig ang kaniyang buong katawan.

Samantalang si Arturo naman ay nasa kusina at nahi-hithit ng tobacco habang nakatingin sa mga papel patungkol sa negosyo.

Nang matapos si Araceli maligo at magbihis ay naisipan niyang silipin ang ibaba kung naroroon ba si Arturo. Nang makita niya ito ay tila ba nakaramdam siya ng pagkasuklam dito ngunit hindi niya rin magawang sigawan ang esposo.

Napalunok ng laway si Araceli bago bumaba.

"Kumain ka na, alas nuwebe na ng gabi." Saad ni Arturo ngunit hindi ito nakatingin sa kaniya at nanatiling nakatitig sa mga papel na hawak.

"Wala akong gana." Tugon ni Araceli na nakatayo na ngayon sa malaking bintana nila malapit sa sala.

"Ikaw bahala." Saad rin ni Arturo na ikinainis ni Araceli.
Naiinis siya sa lahat at tila ba wala siyang kakampi sa mga oras na ito.

KINAUMAGAHAN nakatanggap ng liham si Don Quasimodo galing kay Don Lorenzo at isinaad doon sa liham ang naging pag-uusap nila ni Alcalde De La Vega sa mismong opisina nito.

"Kaninong liham 'yan, ama?" Tanong agad ni Xienna nang makita ang ama na nakabihis na tila ba may pupuntahan.

"Kay Lorenzo. Napapayag niya ang Alcalde ng San Fernando na makianib tayo sa kanila."

"Ano? Ganoon lang iyon kadali? Kung naririto ang kaluluwa ni ina, tiyak na masusuklam iyon." Ani Xienna sa ama.

"Anak, mas mabuti na 'yon. Wala ng maagrabyado sa atin. Maaring masaya ang iyong ina na makita na ang ating nasasakupan ay nakikiisa sa kanila."

"Kung sabagay... O? Magandang umaga, señorito!" Bungad ni Xienna ng makita nilang lumabas galing sa silid si Xavier, bihis na bihis ito at may dalang tampipi na naglalaman ng mga gamot.

"Pupunta ako ngayon sa pagamutan." Seryosong saad ni Xavier sa kanila.

"Hindi ka na dito mag-agahan, anak?" Tanong ni Don Quasimodo sa kaniya.

"Hindi na po, ama." Tugon ni Xavier at nagmano sa ama upang magpaalam na.

"Kayong dalawa kong anak, kailan niyo ako bibigyan ng apo?"

Nagkatinginan si Xienna at Xavier.

"Wala nga kaming kabiyak." Tugon ni Xavier.

"Ama naman, halika na po sa kusina at kakain tayo." Pag-iiba ni Xienna ng usapan, napailing nalang si Don Quasimodo at napangisi.

Ngumisi rin si Xavier na parang tinutukso ang ate. Pinandilatan naman siya ng mata nito, umalis na lamang si Xavier bago pa siya mabatukan ng kapatid.

Nang makalabas ng mansion si Xavier ay napatingin muna siya sa paligid, napansin niya ring makulimlim ang kalangitan na parang nagbabadya ng malaking ulan. Tinahak niya na lamang ang daan patungo sa kaniyang pagamutan kung saan naroroon ang naghihintay ang kaniyang mga pasyente.

Pagkadating niya sa pagamutan ay naroroon na ang mga magulang na dala-dala ang kanilang mga anak. May mga matatanda rin ang nagpapatingin kay Xavier.



NAPASIRADO na lamang ng bintana si Araceli dahil sa lakas ng ulan. Masyadong makulimlim ang kalangitan at ang bawat patak ng ulan  ay nagdadala ng ingay sa bawat bubong ng bahay. Mag-isa na naman siya ngayon at walang makakausap, nais man niyang padalhan ng liham ang ama ngunit baka makaabala pa siya.

Napalingon na lamang siya bigla nang makarinig ng mga katok sa pintuan. Agad niya itong binuksan at nagbabakasakaling si Arturo ito.

"Daniel? A-anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Araceli sa binata, basang-basa ito sa ulan at tila ba balisa. Agad niya itong pinapasok sa tahanan at binigyan agad ng tuwalya.

"A-ate..." Nanginginig na tawag ni Daniel kay Araceli. Nakaupo na siya ngayon sa isang kahoy na silya at nakatapis na sa kaniya ang tuwalya.

"Ayos ka lang ba, Daniel? Sandali at ipaghahanda kita ng mainit na tsaa upang mainitan---"

"Ate, m-may nais akong s-sabihin sa inyo...i-isang linggo na akong binabagabag ng aking konsensya." Saad ni Daniel na handa ng isiwalat ang lahat ng nalalaman.

Biglang kinabahan si Araceli. "A-ano 'yon?"

Nangingilid ang luha ngayon ni Daniel, ayaw man niyang ilaglag ang kuya ngunit kailangan rin na may malaman si Araceli.

"K-kung iyong naalala, noong gabing nawalan ka ng malay..."

"Daniel! Mamayang gabi ay magbabantay ka sa labas ng aming tahanan." Utos ni Arturo sa kapatid.

"Bakit?"

"Basta. Asahan ko ang iyong pagdating."

Naguguluhan man ay pinuntahan niya ang tahanan ng kuya kinagabihan. Sakto ring bumukas ang pintuan at bumungad doon si Arturo.

"Makakatikim iyan si Araceli sa akin!"

"Kuya, asawa mo siya...huwag mo siyang saktan, kung may nagawa man siya sa iyo, ay hindi na iyon dahilan para saktan mo siya... pwede niyo naman iyang pag-usapan." Giit ni Daniel at pabulong lamang ang kaniyang mga sinasabi.

"Ako'y pinagtataksilan ni Araceli! Akala niya hindi ko mababasa ang ikinikilos niya? Nagkakamali siya! Dinagit siya ng taong-lobo, tapos pag-uwi, ni isang sugat ay wala? May duda ako na niligtas siya ni Xavier! Nakita ko si Xavier sa teatro!"

Napakunot-noo si Daniel. "Si ate Ara ay pinagtataksilan ka? Bakit ganiyan ka mag-isip, kuya? Dapat ang intindihin mo ngayon ay ang kaniyang kalagayan. At isa pa, hindi pangkaraniwan ang nangyayari ngayon." nalang ang nasabi ni Daniel sa kuya niya.

Minsan na ring nakita ni Daniel kung paano niya saktan ang dating nobya noong nakatira pa lamang sila sa Sugbo. Halos mapatay na ni Arturo ang babae dahil sa matinding paninibugho. At ayaw na niyang maulit pa ang ganoong pangyayari. Dahil doon ay tumpulan ng usapan ang kanilang pamilya kung kaya ay binigyan ng kaniyang ama ang mga taong nakakaalam ng isang daang real upang itikom ang bibig.

Nagulat na lamang si Daniel nang makita ang kuya na kumuha ng sako at nakikita niya rin na may balisong ito sa tagiliran.

Nakarinig din sila ng kalampag at agad na sinundan iyon ni Arturo.

"Kuya!" Pigil ni Daniel.

Ngunit iwinaksi lamang ni Arturo ang kamay ni Daniel at tsaka pumunta kung saan naroon ang pagkalabog kanina.

Nagulat si Daniel sa nakita, agad na naabutan ni Arturo ang asawa at tinabunan ito ng sako ang ulo at tsaka inumpog ito sa malaking bato malapit sa pinagtatayuan ng mga sako ng trigo.

Walang nagawa si Daniel, nais man niyang lapitan ang Kuya ngunit baka saktan din siya nito.

"Tulungan mo akong iakyat ang katawan ni Araceli!" Saad ni Arturo na tila ba nababalisa sa nagawa.

Napatabon nalang ng bunganga si Araceli sa nalaman. "N-nagawa niya iyon sa akin?"

"Kung kaya ang bilin ko lamang sa'yo, ate, ay mag-iingat ka." Saad ni Daniel at bigla na lamang siyang napaluhod sa harapan ni Araceli. "Sana'y mapatawad mo ako ate, dahil wala man lang akong nagawa."

"W-wala kang kasalanan, Daniel. Ako'y lubos na nagpapasalamat sa'yo sapagkat sinabi mo ito agad sa akin ng maaga. Kahit na gusto kong sumabog at magwala sa mga pangyayari sa aking buhay ay hindi ko magagawa sapagkat ako'y mahina at walang kalaban-laban." Wika ni Araceli at tinulungang makatayo si Daniel, pinipigilan niya lamang ang sarili na huwag umiyak.

"Hindi, ate. Matapang ka! Tutulungan kita na makalayo sa aking kuya."

"Ayaw kong madamay ka pa, Daniel. Haharapin ko ito."

Napahinga nalang ng malalim si Daniel at napayakap kay Araceli.


KASALUKUYANG nasa tahanan ng mga hukluban si Estrella at lakas-loob na hinarap ang pinakamatandang hukluban.

"Ano ang aking maipaglilingkod, binibining Estrella?" Tanong ng matanda sa kaniya.

"Nais kong malaman kung sino ang pumatay sa aking mga kapatid!"

Nabigla naman ang dalaga na siyang nagpapasok kay Estrella sa kanilang tahanan, siya rin ang nagpapasok kay Xavier noon. Ayaw niya ang tabas ng dila ni Estrella at kanina pa siya nakakaramdam ng pagkainis.

"Ganoon ba? Noon nakaraang buwan ay napadpad dito ang iyong dating esposo na si Xavier Sarmiento."

"Wala akong pakialam, gusto ko lamang ngayon malaman kung nasaan ang nawawalang libro upang mabago ko ang propesiya!" Saad ni Estrella sa matanda ngayon na nakaupo sa lupa.

Napatingin sa kaniya ang matanda at napangisi. "Ang iyong tinutukoy ba ay ang librong itim? Hindi ko alam kung saan na iyon napadpad, hindi mahagilap ng aking diwa kung sino ang may hawak pero ang palagay ko ay..."

Napahinga ng malalim ang matandang hukluban. "...inilibing kasama ng mga labi ng aking kapatid na si Asuncion." Saad nito ngunit ito ay pawang kasinungalingan lamang.

"Saan ang kaniyang libingan?! Akala ko ba ay alam ninyo ang lahat?!"

"Hija, sagrado ang libingan ng mga hukluban. Si Asuncion ay isang hukluban na may hawak sa malalang sumpa, higit na siya'y pinakamalakas sa aming magkakapatid!"

"Sino ka ba?" Pabalang na tanong ni Estrella.

"Ang ngalan ko ay Margarita... at huwag mong subukang gamitin ang iyong hipnotismo, hindi 'yan uubra sa amin."

"Punyeta naman o!" Inis na sigaw ni Estrella.

"Huwag mong subukan na sigawan ang aking inang, kung gusto mo pang lumabas ng buhay dito!" Wika ng dalagang kanina pa gusto laslasin ang leeg ni Estrella.

"Marieta, huminahon ka..." Saad naman ng kaniyang ina at napatingin na siya ngayon kay Estrella na matalim na nakatingin rin sa kaniya.
"...kung hindi nagpadalos-dalos sa disesyon ang iyong ama, Estrella, malamang hindi ka ganito ka balisa. Siya mismo ang lumapit sa amin na bigyan siya ng sumpa upang maging taong-lobo dahil para ipakita kay Quasimodo na totoo siyang kaibigan. Ang sumpa ay para lamang sana sa mga Sarmiento, ngunit  mas naging malawak ang inyong nasasakupan, at ngayon ay nahahati na. Walang kabuluhan!"

"Hayok sa kapangyarihan ang iyong ama kung kaya ay magdusa kayo! Wala akong maitutulong sa inyo patungkol sa itim na libro! Kung naroroon lamang sa amin ay matagal na naming binago ang propesiya at pinalaya ang mga Sarmiento sa sumpa, dahil ang tanging may kasalanan lamang ay si Ignacio Sarmiento na siyang ama ni Quasimodo..."

"...alam na alam ko na ang naging buhay ni Quasimodo, kapangalan ng aking kapatid ang napangasawa niya kung kaya ay labis na hindi matanggap ni Ignacio dahil naalala niya lamang ang mukha ni Asuncion sa tuwing binabanggit ni Quasimodo ang pangalan ng sinisinta."

Napahinga ng malalim si Estrella at napayukom ng kamao. "Bakit napunta ang usapan sa kanila?!" Tanong ni Estrella.

"Dahil gusto kong malaman mo na sila pa rin ang mas makapangyarihan sa huli!"

"Mierda! Mga salot!" Sigaw ni Estrella.

"Ano?!" Susunggaban na sana ni Marieta ngunit nagbigay ng senyales ang ina nito na huwag ituloy.

"Umuwi ka na. Wala kang makukuha sa amin." Kalmadong saad ng matanda sa kaniya.

Sa katunayan ay isanaalang-alang ng labing-dalawang hukluban ang mga libro nila kay Don Quasimodo nang namatay ang ama nito. Alam nilang maalam si Don Quasimodo kung kaya ay nagbigay sila ng tiwala. Kabaliktaran kasi ang ugali ni Don Quasimodo sa ama nito. Ang dahilan ng mga hukluban kung kaya ay binigay nila ito ay dahil alam na alam nila na hindi magtatagal ang kanilang lahi, darating ang panahon na mawawala rin sila sa mundo. Mananatiling sekreto ang mga libro ngunit ngayon ay nagtataka si Margarita kung bakit nawawala ang ika-labing tatlong libro na siyang pagmamay-ari ni Asuncion.

Ang labing-tatlong libro ay nasa pribadong silid ni Don Quasimodo na siya lamang ang nakakaalam. Ngunit ngayon ay naging labing-dalawa na lamang.

Naroroon ang pinakaunang libro na kung tawagin ay Secretos De La Luna De Sangre. Naririto ang lahat ng pangyayari, isang siglo na ang nakalipas kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay sumilay ang kulay dugo na buwan. Sinasaad din dito ang mga kailangan gawin kung sakaling sumilay na naman ang nasabing buwan.

Curación y Poderes. Dito makikita ang mga kapangyarihan na hindi pa nagkukubli sa mga taong may sumpa. Narito rin ang mga halaman na nagpapagaling ng mga sakit, may mga halamang sisibol pa na maaring ang may dugong maharlika lamang ang pwede makatuklas.

El Maharlika. Blanko ang bawat pahina nito, sisilay ang mga simbolo dito kapag may bagong matataguriang maharlika.

Reinado De Los Hombres Lobo. Nakasaad sa libro nito ang patagong salita na kung saan nakasulat dito ang posibleng maging batas ng nasasakupan.

Ley Del Oráculo. Mga batas ng Orakulo, at nakasulat din dito kung paano basahin ang orakulo.

Caras De La Luna. Nakaguhit dito ang iba't ibang yugto ng buwan.

Maldición De Lo Desconocido. Naririto ang mga sumpa ng iba't-ibang nilalang.

Magia y Hechizos. Nakasulat dito ang iba't-ibang salamangka at balaghan, maaring magagamit ito ng mga mortal na tao.

Reinado De La Vampira. Ito ay ang propesiya na dadating ang panahon ay maghahasik ng kadiliman ang mga bampira galing Europa.

Profecía De La Quinta Niña. Nakasaad sa libro na ito ang patungkol sa ikalimang babaeng anak ng susunod na mamumuno sa nasasakupan ng mga taong-lobo.

Profecía y Visión Del Próximo Trono. Nakakasulat dito ang katangian ng susunod na mamumuno sa nasasakupan ng mga taong-lobo.

Los Secretos Ocultos. At panghuling libro na siyang pagmamay-ari ni Asuncion. Nandito lahat ng sekretong mabubulgar ngunit ito ay mananatiling blanko kapag hindi pa sumapit ang mga nakatakdang mangyari. Pwedeng mabura ngunit hindi pwedeng punitin ang pahina.


KASALUKUYANG nasa silid ng pribadong aklatan si Don Quasimodo at tila ba nakokonsensya na siya sa mga pangyayari. Ang itim na libro ang siyang dahilan kung bakit may nakalas na dalawang buhay. Maaring may dadanak pang dugo. Kaniyang pinakaramdaman ang paligid at inaamoy ang bawat sulok ng silid. Napakamilyar ng amoy, na tila ba naamoy na niya dati.

May ibang nakapasok dito? Paano?

Kahit na sino ay hindi pwedeng  makakapasok dito, kahit na ang esposa nito noon.

Napahinga na lamang ng malalim si Don Quasimodo at lumbas, ang naturang silid-aklatan ay nasa ilalim ng sahig (underground) ng kaniyang mismong silid kung saan siya natutulog.

Inayos ni Don Quasimodo ang sarili at handa ng harapin ang alcalde ng San Fernando. Kasama niya ngayon sila Don Tiago at Don Alejandrino.

"Handa ka na ba na harapin ang pamilyang naging dahilan ng pagkamatay ng iyong asawa?" Tanong ni Don Tiago.

"Kailan mo pa ba sasabihin sa iyong mga anak na hindi taong bayan ang pumatay sa iyong asawa? Hindi ba't ang unang alcalde na si Felipe, Tama ba?" Singit pa na tanong ni Don Alejandrino.

"Hindi natin masisisi si Felipe sapagkat iba ang ating kaanyuan kaysa sa kanila. Tayo ang nakakalamang sapagkat may kakayahan tayo, sila? Ginawa lang nila ang nararapat upang maisalba ang bayan at sarili." Saad ni Don Quasimodo.

"Nakakahanga ka, kung iba lang siguro ang iyong pananaw, hindi na siguro magkakalayo ang ugali mo sa iyong ama." Birong tugon ni Don Tiago at sumakay na sila sa isang kalesa patungo sa San Fernando. Tumila na rin ang ulan kung kaya ay matutuloy pa rin ang pagpupulong.

TAKIPSILIM na nang makauwi si Xavier sa kanilang tahanan. Naroroon si Xienna sa kusina na abala sa pagluluto ng hapunan.

"Saan si ama?" Tanong ni Xavier nang makita ang ate.

"Pumunta ng San Fernando kasama sina Don Tiago at Don Alejandrino. May pagpupulong sila doon sa tahanan ng Alcalde. Tiyak na naroroon din si Don Lorenzo." Tugon ni Xienna.

Agad na inilagay ni Xavier ang tampipi sa isang sulok malapit sa lampara at nagmamadaling lumabas.

"Saan ka na naman?"

"San Fernando."

"Baka pauwi na sila ni ama."

"Bahala na." Nagmamadaling tugon ni Xavier at lakad-takbong lumabas sa kanilang tahanan.

Nang makasakay ng kalesa si Xavier ay agad na sinabi niya sa kutsero na tutungo siya sa tahanan ng Alcalde.

"Hindi ba't ikaw iyong nanuntok kay Señor Arturo Torres?" Tanong ng kutsero.

Hindi sumagot si Xavier bagkus ay napangisi na lamang ito.

"Mabuti nalang ho at ginawa ninyo iyon, dahil nakita ko po noong nakaraang linggo na may kasamang ibang babae, nakaakbay siya dito."

Naging seryoso na ang mukha ni Xavier at napatingin nalang sa labas ng bintana, sakto at napadaan ang kaniyang sinasakyan sa tahanan nila ni Araceli, nakita niya doon si Araceli na nakaupo mag-isa sa asotea, kitang-kita ni Xavier kung gaano kalungkot ang mukha nito na nakasandal sa pader at parang ang lalim ng iniisip. Napa buntong-hininga na lamang siya at isinarado nalang ang bintana.



SA isang mahabang mesa na may samu't-saring masasarap na pagkain ay naroroon sina Don Quasimodo, Don Tiago, Don Alejandrino, Don Lorenzo, Don Felipe, at Alcalde Juan, isama pa diyaan ang magkapatid na Heneral na sina Santiago at Pablo.

"Hindi ako makapaniwala na ikaw ay isang taong-lobo, Quasimodo. Hindi ko maarok sa kabituuran ng aking isipan." Ani Don Felipe na nabigla sa lahat ng pangyayari.

"Kahit na ako ay hindi ako makapaniwala dahil kasama natin ang pamilya Sarmiento sa piging ng aking pamangkin na si Araceli noong panahon na nakalakad na siya." Saad pa ni Alcalde Juan.

"Ngunit, malaki ang aking utang na loob sa iyong anak na si Xavier na siyang nagpagaling sa aking anak at kay Xienna na naging maestra pa ni Ara. Alam kong may tinatagong pagtingin ang iyong anak kay Ara."  Wika pa ni Don Felipe at napalagok ng isang basong serbesa.

"Bueno, noon pa man ay may koneksyon na pala kayo, dahil sa anak mong si Xavier at Xienna. Hindi na pala ako mahihirapan na ipagkasundo ang barrio ng Querrencia sa inyo ." Ani Don Lorenzo kay Alcalde Juan at tila natutuwa siya kaganapan sapagkat umaayon na sa kaniya ang kapalaran na mas palawakin ang kongregasyon.

"Ang ating nasilayan noon ay puwede ng ibaon sa limot, masalimuot man ang ating natunghayan ngunit dahil 'yon sa pagkakaiba natin." Saad pa ni Don Tiago.

"Siyang tunay, ikaw ba ay pabor, Juan?" Tanong ni Don Felipe.

"Gusto ko pa na malaman ang panig nila Don Quasimodo kung bakit sila nanggugulo noon?"

Napahinga ng malalim si Don Quasimodo at napatingin ngayon kau Felipe na walang kamalay-malay sa maaring sabihin niya. "Paumanhin ngunit, pribado ang mga rason. Pero naririto na kami at handa na makipag-ayos sa inyo. Maaring may parte ng ibang taong-lobo na hayok sa laman ay wala na akong magagawa, ang tanging magagawa ko na lamang ay tutulungan ko kayong puksain sila..."

"...lagi kong isinasaisip na lamang ngayon ay ang pag-uusap ng mala-diplomatiko ay kapantay ng pagkamit ng hustisya at kapayapaan." Mahabang tugon ni Don Quasimodo at nakikita sa kaniyang mukha na seryoso ito.

Napatango na lamang sila bilang sang-ayon.

Dumating na rin si Xavier at agad na nagbigay galang sa kanila.

"Anak?" Nagtatakang tanong ni Don Quasimodo.

"Ang susunod sa yapak mo, Quasimodo." Saad ni Don Lorenzo at napangisi na napatingin kay Xavier.

Sa pagkatataong iyon ay may kung anong katiwasayan ng loob si Xavier nang makita sila na nag-iisa para masugpo ang kasamaan na kanilang kinakaharap ngayon at sa paparating pa lamang na kalaban.
---•••---•••---•••---•••---•••---•••

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro