Kabanata 25: Asul na Buwan
---•••---•••---•••---•••---•••---•••
TAHIMIK ang buong mansion ng De La Vega dahil sila ay nagluluksa sa pagkawala ni Araceli.
Tahimik lamang na nakasandal sa upuan si Don Felipe at walang ka gana-gana sa lahat.
"Ama, mararapat na kumain kayo dahil nakakasama ho iyan sa kalusugan ang hindi pag kain sa tamang oras." Wika ni Ariana habang dala-dala ang pinggan na naglalaman ng pagkain.
"Hindi ko kaya ang kumain lalo na at sumasagi sa aking isipan kung ano na ngayon ang kalagayan ng iyong ate."
Napahinga ng malalim si Ariana at hinaplos ang likuran ng ama. "Malakas ang aking kutob na ligtas si ate, ama."
"Sana nga ay maging totoo ang iyong kutob." Pakli ni Don Felipe sa anak.
"Magiging totoo 'yan ama. May awa ang Diyos. Tiyak na gagamit ng isang instrumento ang Diyos para mailigtas si ate Ara." Saad ni Ariana.
"Kumain ka po muna..."
Napangiti si Don Felipe sa anak at tinanggap nalang ang pagkain.
"S-saan nga pala si Isidra, anak?" Biglang tanong ng don.
"Pumunta lang po sa palengke dahil may bibilhin lang po siya."
"Ganoon ba, nababahala rin siya kagabi dahil taga Sitio Dayagro ang kaniyang pamilya."
"Kaya nga po, malalim din ang kaniyang iniisip kanina." Tugon ni Ariana.
Si Isidra Ruiz ang bagong tagapag-silbi ng De La Vega. Siya ang pumalit kay Kasandra sapagkat maaga itong nagkaroon ng esposo. Ikalawa sa apat na magkakapatid si Isidra at laki sa hirap ang kanilang pamilya dahil isa lamang kargador ang ama at taga tinda lang ng bulaklak ang ina.
NAGISING si Arturo sa isang haplos na kaniyang naramdaman sa kaniyang pisngi.
Nagulat siya sa kaniyang nakita.
"K-Kristina?" Gulat na tanong ni Arturo sa babae na nasa tabi niya ngayon na nakaupo.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Nandito ako para papalit sa iyong esposa...pansamantala." saad ni Kristina.
"P-paano mo natunton ang pamamahay ko?"
"Sinundan ko ang sinasakyan mong kalesa at palihim na pumasok dito."
"Paano?!"
"Hindi ko na kailangan pa ng paliwanag, Arturo." Litanya ni Kristina.
Napabangon si Arturo at ginulo ang buhok. "Ang sabi ko sa'yo, huwag mo na akong sundan! Papanagutan ko naman ang dinadala mo!"
"Hindi puwedeng walang kinikilalang ama ang aking anak!" ani Kristina at napahimas sa tiyan.
"Tangina naman o!"
"Kumain ka na ng agahan, kaysa magmura ka diyaan. Wala iyang magagawa sa pagsulosyon ng problema." Seryosong saad ni Kristina.
"Bibigyan kita ng malaking salapi, umalis ka sa aking harapan!" Galit na tugon ni Arturo at inihagis kay Kristina ang napakaraming salapi na kaniyang nakuha sa kaniyang maliit na tampipi.
"Sa tingin ko naman na may magagawa na ang aking salapi sa problema mo." Pakli ni Arturo at iniwan si Kristina sa loob ng silid.
Sinundan naman niya agad si Arturo. "Paano kung sasabihin kong buhay ang iyong esposa? Paano kung isiwalat ko lahat ng kagaguhan mo sa kaniya?" Litanya ni Kristina at napataas pa siya ng kilay.
Totoo ang kaniyang sinasabi, nakita niya kagabi na may taong-lobo ang nagligtas kay Araceli.
"Ganiyan ka na ba kahibang para gumawa ng isang storyang hindi makatotohanan?"
Tumawa ng mahina na may halong pangungutya si Kristina. "Kawawa ka naman, Arturo. Sinungaling pa, wala pang paninindigan." Sabi ni Kristina sabay halukipkip.
"Oo na, may kasalanan ako sa'yo! Nag sinungaling ako. Pero pwede ba? Umalis ka na, may marami ka ng salapi!" Giit pa ni Arturo.
"Hindi puwede! Hindi ako bayaran! Punyeta ka ba?" Palaban na sagot ni Kristina
Wala ng ibang nagawa si Arturo kundi ang mapayukom ng kamao.
MALUNGKOT na nakatitig si Himala sa harapan ng mansion. Nalaman nila na nawawala si Araceli dahil sa mga pasaring na kuwento.
"A-anong pakay mo diyan?" Tanong ni Catalina kay Himala.
Kitang-kita naman ni Himala na mugto ang mata ng babae.
"W-wala po, binibini. Malungkot lang ho ako sapagkat nawawala si Binibining Ara. Parang kailan lang na dinalhan ko siya ng prutas. Tapos ngayon, wala na pala siya." Sabi ni Himala habang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.
Napahinga ng malalim si Catalina at hinimas ang buhok ng binata. "Ako ay ang kaniyang matalik na kaibigan. Halata naman sa aking mga mata na mugto ito. Umiyak ako buong gabi nang malaman ko sa aking mga kapatid na dinagit ng taong-lobo si Ara." Wika ni Catalina at naiiyak na naman.
"A-ano nalang kaya ang magiging reaksiyon ni Ginoong Xavier kapag nalaman niya na nawawala ang kaniyang sinta?" Pakli ni Himala.
Bahagyang natigilan si Catalina sa sinabi ni Himala. "Kilala mo iyong manggagamot na siyang nagpagaling kay Araceli? Naikwento niya rin sa akin iyan."
"Ang liit ng mundo, binibini." Saad ni Himala.
"Sana ay isang araw ay babalik si Araceli na ligtas."
"Ako'y nagdadasal na sana nga."
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nag hiwalay na sila ng landas. Pauwi si Himala at papunta si Catalina sa dalawang kapatid na ngayon ay nasa bahay-pagamutan.
Habang naglalakad si Himala, dumaan siya sa likod ng mansion nila Araceli. Natatanaw niya ang loob ng kusina.
Nakita niya ang isang lalaking nakaupo at isang babae na nakaharap dito.
Heto ba iyong esposo ni binibining Araceli? Eh sino naman ang babaeng iyan? Kapatid?
Ayaw niyang maghinala dahil isang kasalanan ang manghusga sa nakikita lamang. Napailing na lamang siya at naglakad papalayo.
"HINDI talaga mahagilap si Araceli..." Malungkot na sabi ni Don Renato sa esposa at kay Daniel.
"...dili ko ganahan na mabungkag ang among pag amigohay ni Felipe." (Hindi ko gusto na mabuwag ang aming pagkakaibigan ni Felipe.) Dagdag pa niya.
"Walay sad-an ana. Ang dapat sad-an ang kanang mga taong-lobo. Niana nako sa imoha na dili nata mamuyo diri!" (Walang dapat sisihin. Ang dapay sisihin ay ang mga taong-lobo. Sabi ko naman sa'yo ay huwag na tayo dito tumira!) Saad ni Doña Josefa.
Samantalang si Daniel ay nanatiling tahimik lang. Bigla siyang nawalan ng gana makihalubilo sa lahat dahil sa nalaman niya sa kaniyang kuya.
"Sa tingin mo saan tayo titira? Alam mo naman, nang dahil sa ugali ni Arturo parang sinusuka tayo doon sa ating lugar!" Sabi ng don.
Sa totoo ay bumalik sila ng San Fernando dahil hindi sa kalakalan kung 'di sa nagawa ni Arturo. Noong pumunta sila sa Sugbo kasama si Araceli ay binayaran ni Don Renato ang mga tao na naroroon upang itikom ang mga bunganga nila.
"Pwede naman malapit sa Fort Santiago tayo titira."
"Nag-iisip ka ba? Marami tayong ka kompetensya sa negosyo kapag lumipat pa tayo..." Tugon ni Don Renato.
"...at isa pa, walang makakaalam sa mga naging gawain ni Arturo dito!" Saad pa niya sabay hawak sa sintido nito at hinilot-hilot.
Napahinga na lang din si Daniel ng malalim dahil nararamdaman na niya ang malaking problema na dadating sa kanilang buhay.
NAGLALAKAD na ngayon si Xavier at Araceli sa masukal na kagubatan.
"Malayo pa ba ang lalakarin natin?" Tanong ni Araceli sabay punas ng pawis gamit ang likod ng kamay.
Marahang napatango si Xavier at napatigil sa paglalakad.
"Bakit?" Usisa ni Araceli. Nakikita naman niya na tumatama ang araw sa buhok at mata na may kulay tsokolateng balintataw ni Xavier.
"Gusto mo ba na buhatin nalang kita?" Biglang sabi ni Xavier.
"Ha? H-huwag!" Pigil ni Araceli sa kaniya.
"Paano nalang kaya kung dinala pa kita sa tahanan namin na sobrang layo? Tiyak na maghahanap ka ng kalesa."
Napakamot nalang sa batok si Araceli at napangiti ng pilit dahil nakakaramdam na siya ng hiya kay Xavier dahil sa pagiging reklamador niya.
Ngunit bigla nalang siyang binuhat ni Xavier na ikinagulat niya.
"Xavier!"
"Huwag ka ng umangal pa, alam kong pagod na ang iyong mga paa." Wika ni Xavier.
"Ibaba mo nalang ako." Saad pa ni Araceli.
"Kahit pasan pa kita habang buhay...hindi ako mapapagod..."
"...buhat ko na kasi ang aking mundo." Sabi ni Xavier sabay titig sa mga mata ni Araceli.
Napatitig rin si Araceli sa mga mata ni Xavier na tila ba isang hipnotismo ito sa kaniyang paningin na akala niya ay dinadala sia sa ibang dimensyon ng mundo. Napangiti nalang si Araceli at hinayaan nalang na buhatin siya ni Xavier.
Nang malapit na sila at natatanaw na ni Araceli ang hacienda nila ay bigla siyang nalungkot.
Ibinaba na rin siya ni Xavier mula sa pagkakabuhat.
"Tiyak na magiging masaya sila kapag muli ka nilang masilayan, Ara."
Napatingin naman si Araceli ngayon kay Xavier na nakatanaw sa hacienda. Seryoso lamang ang mukha nito.
Hindi naman makasagot si Ara at nakatanaw nalang din sa kanilang hacienda ngayon.
"T-talaga ba na pagkatapos nito ay hindi na tayo magkikita?" Biglang tanong ni Araceli.
Napatingin naman si Xavier sa kaniya.
"P-paano kapag pinagtagpo ulit ang ating landas? Kusa mo na ba itong pipigilan?" Dagdag pa na katanungan ni Araceli kay Xavier.
"Kung ano man ang isinaad ng tadhana ay bakit ko ito pipigilan? Kung ang tadhana man ang siyang mag di-disesyon na patagpuin tayo muli ay hahayaan ko na." Tugon ni Xavier habang nakatingin sa maamong mukha ng sinisinta.
"Paano naman kung hindi na sumang-ayon ang tadhana? Paano kung hanggang dito nalang tayo?"
"May susunod pa na buhay...Sa susunod na buhay ay bubuo ako ng panibagong kabanata na kasama ka." Tugon ni Xavier at hinawakan ang mga kamay ni Araceli. Kasunod noon ay ang paghalik niya sa noo nito.
Napapikit si Araceli sa ginawa ni Xavier sabay ng pagpatak ng kaniyang mga luha.
"Umuwi ka na, Ara."
"Salamat nga pala sa pagsagip mo sa akin, Xavier. Tatanawin ko ito ng utang na loob."
Napangiti naman si Xavier sa sinabi ni Araceli. "Wala na iyon, Ara. Ang gusto ko lamang ay ligtas ka."
"Salamat pa rin. Tutungo na ako..."
"Sige, siya nga pala, Ara. Kahit anong mangyari ay huwag mong kaligtaan ang itim na libro. Pagaingatan mo iyon."
"Huwag kang mag-alala, Xavier. Iyon ay pinaubaya mo sa akin---" natigilan si Araceli nang mapagtantong ang itim na libro ay patungkol sa mga taong-lobo.
"H-hindi ba't patungkol sa inyo ang libro na iyon?"
Tumango bilang tugon si Xavier. "Naisip ko na iwan nalang ang libro na iyon sa bahay-aklatan...ngunit nakita kita na hawak-hawak mo iyon at mukhang gusto mo ang libro kung kaya ay ibinigay ko sa iyo ng tuluyan..."
"...napansin mong hindi napansin ng may-ari ng bahay-aklatan ang libro na iyon dahil wala siyang ganoon."
Napahigpit ang hawak ni Araceli sa kaniyang saya dahil sa kaba.
"Basta't pagaingatan mo."
"Ate Ara?"
Nabigla sila sa isang boses. Bigla nalang napatago si Xavier sa likod ng katawan ng malaking puno.
"ATE ARA! IKAW NGA!" Gulat na sigaw ni Ariana nang makita ang ate. Agad siyang napahawak sa saya niya at patakbong tumungo sa kaniya. Niyakap niya ito ng walang pag-alinlangan at may kung anong luha ang nahulog sa kaniyang mga mata.
"A-ate, hindi ba ito panaginip? Hindi ba ito isang gunita?" Hikbing wika ni Ariana habang nakayapos ang mga bisig sa kaniyang ate.
"Hindi, Aring. Ako nga ito. Ligtas ako, kapatid!" Sabi ni Araceli, agad niyang hinaplos ang buhok nito. Pagkatapos ay pinunasan pa niya ang mga luha ni Ariana nang humiwalay ito sa pagkakayakap.
"Halika, ate! Tiyak na hindi na maghihinagpis si ama at ina na makita kang muli." Saad ni Ariana at hinila na ang ate patungo sa mansion.
Samantalang si Xavier naman ay pinagmasdan nalang ang dalawa na papasok sa mansyon nakita pa niyang lumingon si Araceli. Kinayawan niya na lamang ito at tumango nalang sa kaniya si Araceli bago tuluyang pumasok sa mansion.
PINAGMAMASDAN ni Don Felipe ang asawa ngayon na nakatulala na nakaupo harap ng isang poon sa kanilang silid. Napapansin niyang hindi ito kumukurap at patuloy na may sinasabi habang nakahawak sa isang rosaryo. Naaawa siya sa kaniyang asawa na halos wala ng tulog dahil sa pag-aalala.
"Viviana..." Bigkas ni Don Felipe sa pangalan ng asawa. "Kumain ka na...mahirap na kung magkasakit ka."
Ngunit hindi tumugon si Doña Viviana at patuloy pa rin ang pagbigkas ng dasal.
Ngunit nagulat na lamang ang don nang biglang may yumakap sa kaniya mula sa likuran. Napalingon siya kung sino ang nakayapos.
"A-ara?" Hindi makapaniwalang saad ng don. Kahit na si Doña Viviana ay napalingon.
"Ara!" Biglang napatayo ang Doña at niyakap ng mahigpit ang anak at sa pagkakataong iyon ay bumuhos ang luha na kanina pa gustong kumawala.
"Ikaw ba ay ayos lang? Hindi ka ba nasaktan? A-anak, kami talaga'y nawawalan na ng pag-asa. Ikaw ba ay nakakain ng mabuti? Sino ang nagligtas sa'yo? Ikaw ba ay---"
"Ina, kalma. Maayos ho ang aking kalagayan. Huwag na kayong mag-alala, narito na po ako sa inyong harapan...hindi ito panaginip at hindi ito isang gunita lamang." Mahinahong saad ni Araceli sa kaniyang Ina. At napatingin rin siya sa kaniyang ama ngayon na napangiti habang may luhang namumuo sa mga mata.
"Mabuti nalang at maayos ang kalagayan ni Ate Ara. Walang sugat, walang pasa...kung sino man ang nagligtas sa iyo ay dapat parangalan at pasalamatan." Wika ni Ariana at napaagbay na rin sa ama ngayon na nagpupunas ng luha na bigla nalang pumatak.
"Ah---h-hindi ko rin alam..." Napayuko na lamang si Araceli dahil nagsinungaling siya ayaw niyang banggitin ang pangalan ni Xavier dahil tiyak makakaabot na naman ito kay Arturo at baka sumama ang loob.
"...naimulat ko nalang ang aking mga mata sa gitna ng kagubatan."
"Ang importante ay nandito kana, Ara." Wika ng ama at agad na napayakap dito.
"Susulatan ko si kuya Arturo, ate. Para malaman niya na ligtas ka."
Tumango si Araceli bilang tugon.
Hindi nalang umimik si Don Felipe dahil nakakaramdam parin siya ng sama ng loob sa esposo ng anak.
ABALANG-ABALA si Padre Sebastian sa pagbasbas ng kaniyang banal na tubig sa mga kabaong ng mga namatay sa teatro ng Sitio Dayagro. Mahigit kumulang animnaput' lima ang mga kabaong na nasa loob ng simbahan. Lahat ng dumalo ay nakasuot ng itim dahil sa pagluluksa.
Papalubog na ang araw nang matapos ni Padre Sebastian ang misa. Napapikit na lamang siya sa matinding pagod, hindi niya wari kung bakit nagkakaganoon siya. Kaunti na lamang ang mga tao sa loob ng simbahan na taimtim na nagdadasal.
"Padre..." Natigil si Padre Sebastian nang may kumalabit sa kaniya mula sa likuran.
"Nais kong mangumpisal..." Saad ng isang binibini.
"Halika dito, hija." Saad niya dito at itinungo niya ang pangumpisalan at agad siya pumasok doon. Nakikita niya mula sa labas ang mukha ng babae na nakasuot ng talukbong na kulay itim na parang may gustong isiwalat na mga kasalanan at sekreto.
"Maari ka ng magsimula, hija." Saad ni Padre Sebastian at napahinga ng malalim. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit mukhang aligaga siya sa paligid at malakas na tumitibok ang kaniyang puso na tila ba parang mapupunit na ang mga ugat nito sa loob.
"Ako po si Kristina Ruiz...nakatira ako sa Sitio Dayagro, may malaki po akong kasalanan. Alam kong kasalanan ang makipag relasyon sa isang taong may asawa ngunit siya ay nag sinungaling sa akin..."
"...akala ko noong una ay wala siyang ka relasyon ngunit nalaman ko na lang na kasal na pala siya. Ang masaklap ay nagdadalang tao ako ngayon at siya ang ama..."
Taimtim lamang na nakikinig si Padre Sebastian, hindi na bago sa kaniya ang ganitong eksena.
"...kilala ang pamilya ng lalaki dito sa San Fernando, lalo na sa esposa nito na galing sa makapangyarihang pamilya." Napapikit si Kristina at nanginginig na kinukumpisal ang mga sekreto at kasalanan.
"Maari ko bang malaman kung sino ang ginoong ito? Ah k-kung maari lang naman..." Tanong ni Padre Sebastian at bigla na lamang siyang napaigik nang makita niyang gumagalaw ang buto niya sa kamay.
"S-si Arturo Torres po." Tugon ni Kristina at bahagyang nagtataka kung bakit gumagalaw ang kabuuan ng maliit na silid ng pangumpisalan.
"S-siya ang esposo ni Araceli De La Vega---argh!" Pilit na nanlalaban si Padre Sebastian sa sarili dahil hindi niya alam ang dahilan kung bakit nagiging taong-lobo na naman siya sapagkat kagabi lamang ang kabilugan ng buwan.
"A-ayos lang ho ba kayo, Padre Sebastian?" Nag-aalalang tanong ni Kristina sa kaniya. Nakikita na niya na lumalakas ang pag-uga ng silid na tila ba mukha na itong masisira.
"Ipa---pag---patuloy m-mo..." Saad ni Padre Sebastian.
"M-mukhang hindi ka na po ayos diyaan, padre..." Ginagapangan na ng pangamba ang damdamin ni Kristina at palinga-linga siyang napatingin sa paligid. May mga taong palabas na ng simbahan dahil nilalamon na ng kadiliman ang kalangitan, may mga tao ring taimtim na nagdadasal na parang hindi alam ang nangyayari sa paligid.
Hanggang sa nakarinig na siya ng umaangil sa loob. "Padre Sebastian?"
Hahawakan na sana ni Kristina ang pintuan ng pangumpisalan nang biglang nagiba ito.
Napaupo siya sa sahig at bumungad sa kaniya ang taong-lobo. Hindi na makakurap si Kristina sa nakita.
Ang mga tao naman sa loob ay agad na napatakbo papalabas dahil sa gulat at bigla. Napansin nalang ni Kristina na may humila sa kaniya na isang pari.
"Umalis na tayo rito! Hindi tama ang mga nangyayari," saad ng pari kay Kristina. Tumatakbo na sila papalabas ng simbahan.
Napatingala naman si Kristina at napansin na kakaiba ang kulay ng buwan. Asul ang kulay nito.
Samantalang si Padre Sebastian ay dumaan sa likod ng simbahan at tumungo sa gubat. Nasa huwisyo ang padre dahil sa ilang taon niyang pag kontrol sa galit na namumutawi kapag naging taong-lobo sila ay kaniya ng napuksa sa sarili. Ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin dahil may nakakaalam na sa kaniyang natatagong sekreto.
"NGAYON na ang nakatakda!" Wika ni Don Diego habang nakatingin sa asul na buwan.
"Mag-iingat lang ho tayo sa sapagkat naglabas ng mensahe ang orakulo na may dalawang mawawala..." Biglang wika ni Aquillino, napatingin naman si Don Diego sa kaniya.
"Anong ibig mo sabihin?"
"Sa madaling salita, may mamamatay...isinaad rin dito na ang itim na libro ay nasa kamay ng isang binibini at may posibilidad na kaya niyang baguhin ang nakasaad sa propesiya."
"Ano?!" Nagulat si Estrella sa narinig. Nagtagbo ang kaniyang kilay.
"S-sino ang binibining iyan?"
"Pasensya na ngunit iyan lamang ang isinaad ng orakulo." Wika ni Aquillino.
Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon ay unti-unti na ring nag-iba ang kanilang mga anyo. Puno ng alulong sa bawat lugar. Si Estrella naman ay nakaisip na ng ideya kung sino ang may hawak sa libro.
Kulay asul at bilog na bilog ang buwan.
Sa kabilang panig naman ay nakahanda na ang bawat isa sa posibleng pagsalakay.
Nabasa nila sa orakulo na nasa isang babae ang libro. Ang iniisip ng lahat ay nasa kamay iyon ni Estrella, maliban kay Xavier na alam ang lahat ang tinutukoy ng orakulo.
Maging handa ang lahat! Ang nais lang natin ay ang itim na libro.
Saad ni Don Tiago sa kanilang lahat. Nakahelera na sila ngayon at inaabangan ang paglusob ng kabilang panig.
Handa akong makipaglaban!
Nagulat sila kung sino ang nakita.
Sebastian? Bakit ka naparito?
Gulat na saad ni Xavier sa kaibigan. Ngunit bago paman makatugon si Sebastian ay nakarinig na sila ng alulong sa kabila.
NAPABAGSAK nalang ng kamay sa mesa si Alacalde Juan sa nalaman. Mas lalo siyang nangilabot ngayon na naging asul ang buwan. Lahat ng kabahayan ay maagang nagpatay ng ilaw at nag libot ng mga karne sa bahay upang hindi na sila gagambalain ng mga ligaw na taong-lobo.
"Totoo ang aking sinasabi, Alcalde! Isang taong-lobo si Sebastian!" Sumbong ng isang pari.
Napahinga ng malalim si Alcalde Juan at napayukom ng kamao. Bigla siyang nagsisi sa tulong at kabaitan na pinakita niya kay Padre Sebastian.
"Paano mo nasabi na isa siyang taong-lobo?"
"Binibining Kristina, halika dito."
Nakayuko na pumasok si Kristina sa silid. Napatingin sa kaniya si Alcalde Juan. Napansin naman niya medyo may umbok ang tiyan nito, samakatuwid ay halatang nagdadalang tao ito. "Ikaw ba ay nakakasiguro na si Padre Sebastian ay isang taong-lobo?"
"O-opo, Alcalde...harap-harapan kong nakita."
"Punyeta!" Napasabunot ang alcalde sa kaniyang buhok. Gusto nalang niyang sumuko na lang at mawala.
Nakakarinig na sila ngayon ng mga alulong at mga pagbagsak ng mga yapak sa bawat bubong ng mga bahay.
"Ayan na naman ang mga punyeta!" Galit na saad ni Alcalde Juan at agad na kumuha ng mahabang baril ngunit pinigilan siya ng pari.
"Isipin mo ang iyong pamilya...huwag kang padalos-dalos, kakaiba pa rin ang lakas ng mga taong-lobo, may mga guwardiya-sibil naman." Saad ng pari. Si Kristina naman ay nanatiling nakayuko at pinagpapawisan na.
"Hawak ba nila ang panahon? Ngayon ay asul ang buwan, anong kasunod?"
"Hawak nila ang bawat gabi, Alcalde." Seryosong tugon ng pari.
NAGKALAT ang bawat kasapi ni Don Diego. Mayroong naghasik ng kaguluhan sa lungsod dahil naatasan sila na hanapin ang nawawalang itim na libro.
Si Don Diego naman ay sinadya na sumugod sa kabila kung saan ngayon ay nagkakagulo na. Kasama niya si Aquillino at Estrella, samantalang si Ramon naman ay palihim na sinunsundan sila.
Si Xavier ay abala sa pagpaslang ng ibang taong-lobo na gustong gumambala sa kanilang nasasakupan.
Ano pa ba ang punto nito?!
Tanong ni Xavier kay Xienna habang walang awang winawakwak nila ang dibdib ng kalaban.
Ang itim na libro ang punto dito! At gusto na rin nila ama na mapuksa ang kampon ng Vargas!
Narinig naman iyon ni Sebastian.
Nilamon na talaga ng kasamaan si Ama!
Ngunit bigla na lang napatumba si Sebastian sa lupa nang may nakadagan sa kaniyang ibabaw.
PUNYETA---
mura ni Xavier nang makita ang kaibigan na dinaganan ng isang taong-lobo.
Susugurin na sana ni Xavier ang gustong pumaslang sa kaibigan ngunit bigla nalang siyang tumilapon.
Saan ang libro?!
Tanong ni Don Diego. Umaangil siyang nakatitig sa mga mata ni Xavier.
Hindi ko alam!
Kakalmutin na sana ni Don Diego si Xavier ngunit nakarinig sila ng dagundong ng malakas na boses na tila ba napakasakit ang sinapit nito.
Nanlaki ang mga mata ni Don Diego nang makita si Sebastian na ngayon ay unti-unti nang nagiging anyong tao.
SEBASTIAN!
Agad na itinulak ni Aquillino ang isang taong-lobo patungo sa katawan ni Sebastian na wala ng puso upang hindi siya paghinalaan ng pinuno.
Kitang-kita ni Aquillino kung paano binuka ni Don Diego ang bunganga ng isang taong-lobo at nahati ang ulo nito. Walang kasalanan ang nasabing napaslang na taong-lobo.
Halos bumagal ang nasa paligid nang makita ni Xavier ang matalik na kaibigan na wala ng buhay.
Putangina!
Mura ni Nathaniel nang makita niya si Sebastian. Kahit na si Enrique at Mateo ay hindi makapaniwala.
Nanghina rin ang mga tuhod ni Xavier sa nakita. Parang ayaw niyang lapitan ang kaibigan at iniisip na ang lahat ng ito ay isang masamang panaginip lamang.
Si Estrella naman nakikipaglaban kay Xienna ay napatigil at agad na kumaripas ng takbo sa kinaroroonan ni Sebastian.
Kuya!
Si Ramon naman ay natigilan sa nakita. Alam niyang si Aquillino ang may gawa ng lahat kung kaya ay sinugod niya ito na patakbo pabalik sa kanilang nasasakupan.
ISA KANG TRAIDOR, AQUILLINO!
Galit na galit na napasugod si Ramon kay Aquillino at ginamit ang kakahayan na magiging mabilis ang pagkilos upang maabutan niya ito.
Ngunit mali ang disesyon niyang harangan ito sa harapan.
Sayang ka, hijo.
Wika ni Aquillino at itinuloy ang pagbaon ng matutulis na kuko sa kabituuran ng puso ni Ramon.
Bumagsak na rin si Ramon sa lupa na wala ng buhay. Nakamulat pa ang mga mata nito habang nanunumbalik sa totoong anyo.
HINDI na mapigilan ni Araceli ang pagtataka dahil kusang gumagalaw ang kaniyang tampipi.
Nakabalik na siya sa tahanan nila. Samantalang si Arturo naman ay sa sala natulog dahil sinabi ni Araceli na nais lamang niyang mapag-isa muna sa loob ng silid.
May umiilaw sa loob, wala namang ibang laman ang tampipi kung hindi ang itim na libro. Binuksan niya iyon.
Halos mawala sa ulirat si Araceli nang mabuklat ang libro. Sandaling lumiwanag ang kaniyang buong silid. Bigla na lamang gumuhit sa ika-anim na pahina ang asul na buwan na katulad sa nakikita niya kanina sa madilim na kalangitan. Ibinuklat niya pa iyon.
Magwawakas ang dalawang buhay,
Habang buhay na mawalay,
May dugo, may nakahandusay,
Ang puso na may totoong pakay,
Ang puso na siyang tunay.
El fin de los secretos está cerca... Fallecidos.
Sangre.
Ira.
Inilipat naman ni Araceli ang isang pahina. Nagulat siya sa nakita.
"P-padre Sebastian?" Halos pabulong na sabi ni Araceli sa sarili.
Nakaguhit ang mukha ng nasabing padre na nakahandusay at butas ang dibdib habang katabi nito ang lalaking nakatalukbong at may hawak na puso.
I-isa ring taong-lobo si Padre Sebastian?!
Walang kurap na nilipat ni Araceli ang pahina, sa kabilang pahina ay naroroon parin ang lalaking nakatalukbong habang nakatarak ang matutulis na kuko nito sa dibdib ng isang binata. Parang sasabog ang ulo ni Araceli sa nakita.
Ito ba ang ibig-sabihin na may magwawakas na dalawang buhay?
Tanong ni Araceli sa sarili. Agad na napasuot siya ng talukbong dahil may naisip siya.
Ibinalik niya na rin ang libro sa tampipi at ibinalik sa kailaliman ng kanilang tukador. Binuksan niya rin ang bintana at bumungad sa kaniya ang asul na buwan, sandali siyang nahumaling ngunit nabalik agad siya sa huwisyo. Sumampa siya sa bintana at napatingin sa ilalim na may mga sako ng trigo na kapag bumagsak siya dito ay hindi siya masasaktan.
Napahinga siya ng malalim at handa ng tahakin ang kagubatan upang puntahan ang kubo ni Xavier, alam niyang makikita niya rin ang kubo dahil nasa gitna lamang ito ng kagubatan.
Nang bumagsak siya sa mga sako ng trigo ay agad na napatayo siya at tatakbo na sana ngunit...
May biglang nagtabon sa kaniya ng sako sa ulo. Nagpupumiglas si Araceli ngunit mas malakas pa sa kaniya ang taong nagtabon sa kaniya ng sako.
Bigla nalang na inuntog ng lalaki ang ulo nito sa malaking bato na siyang sinasandalan ng mga sako ng trigo.
Ang huling naramdaman nalang ni Araceli ay nakakaramdam siya ng basa sa likuran ng kaniyang ulo at bigla nalang siyang nahimatay.
---•••---•••---•••---•••---•••---•••---•••
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro