Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24: Paglahad ng Lihim

---•••----•••----•••----•••---

HINDI na nag-atubili si Xavier na sugurin ang taong-lobo na karga-karga ngayon ang walang malay na si Araceli.

Ikaw ba ay kasapi ng mga Vargas?!

Tanong ni Xavier nang madambahan ang kalaban. Tumilapon naman si Araceli pero nasalo ito ng hangin sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Mateo. Nagpalutang-lutang sa hangin ang walang malay na si Araceli.

Sumagot ka! Putangina mo!

Ngunit hindi ito tumugon, kung kaya ay tinuloy na ni Xavier ang pagpaslang sa kaaway. Kinalmot niya ito sa mukha at sinuntok pa na siyang dahilan ng pagkabasag ng bungo nito. Natalsikan si Xavier ng mga dugo at piraso ng utak.

Akin na si Ara. Ako na magbubuhat sa kaniya.

Saad ni Xavier kay Mateo. Agad naman na inilapit ni Mateo si Ara kay Xavier na nakalutang parin sa hangin.
Agad na binuhat niya iyon.

Tayo'y umalis na!

Agad naman silang lumisan sa magulong teatro.

"Ang aking esposa ay dinagit ng taong-lobo!" Tarantang sabi ni Arturo sa mga guwardiya sibil na ngayon ay kasama niya na.

Panay ang kanilang pagmamasid sa paligid habang dala ang kanilang mahabang baril.

"Ara!" Naiiyak na tawag ni Arturo sa asawa. Hinahanap niya ito ngunit hindi niya mahagilap.

"P-puta..." Mura ng isang guwardiya-sibil habang nakahawak sa tiyan nito na lumabas ang bituka.

Napadako naman ang tingin nila ni Arturo sa guwardiya-sibil na ngayon ay nahati ang katawan dahil sa malakas na hampas sa kaniya ng taong-lobo.

Nagulat sila sa nakita sa likuran ng gwardiya sibil na nahati ang katawan.

Napupuno ng dugo ang bunganga nito na may mga matutulis na pangil habang galit na umaangil na nakatitig sa kanila.

Hindi nag atubili si Arturo na agawan ng baril ang isa pang guwardiya-sibil na ngayon ay tulala sa nakita.

"Lintik ka!" Sigaw ni Arturo na agad itinutok ang baril sa taong-lobo.

Dadambahan na sana siya ngunit asintado niya itong naputukan ng baril sa bunganga, tumagos ang bala sa batok ng taong lobo at basag pa ang bungo. Natumba ito at humandusay na wala ng buhay.

"Tangina mo ha, ako pa'y iyong sinusubok!" Sabi ni Arturo at sinundan pa niya ito ng maraming beses na putok sa ulo.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay agad na hinanap niya si Araceli.



"PUNYETA!"  Gimbal na sabi ni Don Felipe nang malaman ang mga masamang kaganapan sa Sitio Dayagro.

"Ako'y nababahala sa pangyayari doon, ama. Lalo na at sinabi mo ngayon na naroroon sina Ariana, Araceli, at Arturo, pati na rin ang kambal na Santa Mesa." Saad ni Santiago.

Nagpadala siya ng napakaraming hukbo sa nasabing sitio dahil doon naghasik ng lagim ang mga taong-lobo.

Nakakarinig rin sila ng mga alulong ngayon.

Naiiyak na napahawak si Doña Viviana sa kaniyang rosaryo habang hinahagod ni Amanda ang likod ng ina dahil sa pangamba.

"Sasama ako doon!" Litanya pa ng don at napasuot ng kaniyang sombrero.

"Dito lang kayo sa loob ng bahay, kinakailangan na lahat ng pintuan at bintana ay sirado!" Bilin pa ng don.

"Pero, Felipe... ako'y nababahala rin sa inyong pag-alis! Hindi natin alam kung baka sa gitna ng daan ay harangan kayo ng mga taong-lobo." Tumatangis na sabi ni Doña Viviana.

"H-huwag ho kayong mag-alala, ina. May panlaban kami sa mga taong-lobo." Saad ni Santiago.

"Mag-iingat kayo ni ama, mahal. S-sana ay nasa maayos na kalagayan sina Ara." Nag-aalang tugon ni Amanda.

"Kami ay aalis na." Sambit ng don.

"Felipe!"

"Huwag ka ng mag-alala, mahal ko. Diyos na ang bahala sa amin." Wika ni don Felipe sa asawa.

Napahinga ng malalim si Doña Viviana at hindi pa rin umaawat ang mga luhang gustong kumawala sa kaniyang mga mata.

Kahit na si Isidra ngayon ay kinakabahan na dahil taga Sitio Dayagro ang kaniyang pamilya. Nag-aalala rin siya sa kaniyang kapatid na kasing-edad lamang ni Marcelo.

Nang makalabas si Don Felipe at Santiago ay naroroon na agad ang kalesa. Dumating rin ang isang kalesa at dumungaw doon si Alcalde Juan at nasa loob din si Hukom Santa Mesa.

May isa pang kalesa na dumating at lulan doon si Don Torres.

Bilog na bilog ang buwan na parang isang mapang-akit na kaganapan sa mga taong-lobo na hayok sa laman.



MARAMING nasugatan, nabalian, at namatay sa loob ng teatro. Mapa-bata, dalaga, binata, o matanda ay nadamay sa kaguluhan. Puno ng iyak at pagtatangis ng mga tao na naroroon. Humupa na rin ang tensyon dahil nawala na ang mga taong-lobo nang makarating ang maraming hukbo ng San Fernando.

"H-hindi na mahagilap ni kuya Arturo si a-ate Ara..." Hikbi ni Ariana sa kambal.

Naiiyak din si Claridad sa sitwasyon ngayon ni Ariana at Arturo. Si Crisologo naman ay panay ang linga sa paligid kung may nakakakilala sa kaniyang buhat-buhat na batang-babae na tinulungan ni Araceli.

"Anak ko!" Sabi ng isang babae na nakasuot ng talukbong na itim na papalapit kay Crisologo.

"Ina!" Tawag rin ng bata sa kaniya. Agad na napansin iyon nila.

"Buti at ligtas ka, anak ko." Naiiyak na sabi ng babae.

"Buhatin lang niyo po siya. May sugat siya sa paa." Sambit ni Crisologo.

"Maraming salamat at hindi ninyo pinabayaan ang aking anak." Sagot ng babae at agad na kinuha ang anak sa mga bisig ni Crisologo.

"Sa katunayan ay ang kapatid niya ho ang nagligtas sa inyong anak." Pakli ni Claridad at tinukoy si Ariana.

"S-saan ang iyong kapatid? G-gusto ko siya pasalamatan ng personal."

Napahinga ng malalim si Ariana. "H-Hindi na po n-namin siya mahagilap, d-dinagit siya ng isa sa mga taong-lobo." Wika ni Araceli at napapunas sa kaniyang luha na kanina kumakawala sa kaniyang mga mata.

Biglang nalungkot ang mukha ng batang-babae. "Sana po ay makita niyo siya. Tatanawin ko po ito ng utang na loob sa kaniya." Wika ng bata.

"Mabuti pa ay umuwi na po kayo, delikado pa po." Saad ni Crisologo at hinatid pa ang mag-ina sa labas ng teatro na ngayon ay giba-giba na.

Samantalang si Arturo naman ay tulala na nakatingin sa kawalan habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader.

"Arturo!" Tawag ng kaniyang ama nang makarating ito.

"Ama?" Nagulat si Arturo sa presensya nila.

"Si ara?" Agad na tanong ni don Torres sa anak ngunit hindi siya nakatanggap ng tugon.

Napailing nalang si Alcalde Juan sa pinsala na natamo ng Sitio Dayagro. "Tiyak na malaking problema na naman ang aking kinakailangan na masolusyonan." Matamlay na sabi ng Alcalde.

"Sabi ko naman sa'yo na kinakailangan mo ng kanang kamay." Sagot ni Don Felipe.

"Ama!" Tawag sa kaniya ni Ariana at agad na napayakap ng mahigpit ito sa kaniya.

"Saan ang iyong ate?"

Hindi makasagot si Ariana at tanging paghikbi lamang ang kaniyang naitugon.

"Saan ang iyong ate Ara?" Ulit na tanong sa kaniya ng ama.

"D-dinagit po ng taong-lobo."

Agad na napapikit ng mariin ang don at tila ba lahat ng dugo sa kaniyang ulo ay umakyat. Napalingon siya ngayon kay Arturo na balisang balisa.

"Arturo!" Galit na tawag niya dito.

"Maging mahinahon ka, ama." Pigil ni Ariana. Mas lalong humigpit ang yakap nito sa kaniyang ama.

"Hindi ngayon ang oras para magalit, Felipe. Ating pakatandaan na mas malakas ang taong-lobo kaysa sa atin na isang hamak na ordinaryong tao lamang." Saad ni Hukom Santa Mesa.

Napahinga ng malalim si Don Felipe at napayukom ang kamao. "Pero ang buhay ni Araceli ang nakataya dito! Ayaw kong makita ang aking anak na naliligo sa kaniyang dugo! Punyeta! Ako ang nawalan at hindi kayo!"

"Nawalan rin ako." Biglang sambit ni Arturo.

"Dahil pabaya ka! Putangina mo!" Namumula na sa galit si Don Felipe.

"Ipagpaumanhin mo, hayaan mo Felipe, maghahanap rin ako kay Ara. Ayaw kong magkalamat ang ating pagsasamahan." Pakiusap ni Don Torres.

Ngayon lamang narinig ni Ariana kung paano magalit ang ama.

Napayuko nalang si Arturo. Tatanggapin niya ang galit na ipinatawan sa kaniya ni Don Felipe.

"Hinanap na daw nila kung saan saan si Ara, ngunit hindi nila mahagilap pa." Malungkot na saad ni Santiago nang makarating sa kinaroroonan nga mga don.

May tumulong luha sa mga mata ni Don Felipe. "Alam kong buhay si Ara! Hindi ako mawawalan ng pag-asa, alam kong isang araw ay magpapakita siya ulit sa atin."

Ramdam na ramdam ni Ariana ang hinagpis ng kaniyang ama habang nakayakap siya dito.

"Uuwi na tayo." Biglang sambit ni Don Felipe at naunang maglakad palabas kasama si Ariana na ngayon ay nakahawak sa bisig ng ama.

Sumunod nalang din sila. Walang umimik dahil lahat ay nalulungkot at naaawa sa kalagayan ngayon ni Don Felipe at kay Araceli na ngayon ay nawawala.


INILAPAG ni Xavier ang katawan ni Araceli sa higaan ng isang kubo na siyang tinutulugan niya noon kapag gusto lamang niya mag-isa.

Sinindihan niya ang lampara na naroroon sa mesa. At napahinga ng malalim ng makita niya na may sugat si Araceli sa balikat.

Sila lamang dalawa ngayon ang nasa kubo dahil dumiretso na sila Xienna na umuwi. Mas minabuti ni Xavier na dito dalhin si Araceli upang hindi mabigla sa makikita kapag nagkaroon  ng malay. Naging tao na ulit si Xavier.

Naghalungkat agad si Xavier ng mga gamot na nasa maliit na tukador. Kinuha niya ang gamot para sa sugat.

Pinagmasdan niya ang maamong mukha ni Araceli at napaupo na lamang siya sa tabi nito at inihanda ang gamot para pangtapal sa sugat.

Inimulat ni Araceli ang kaniyang mga mata. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa palibot. Hindi niya alam ang lugar.

"S-saan ako?" Iyan nalang ang kaniyang nasambit. Pilit man niyang bumangon ngunit nanghihina siya at narararamdaman niya ang hapdi sa balikat.

Napalingon si Xavier sa kaniya.

"Ara..."

"H-huwag mo akong hawakan." Wika ni Araceli. Bakas sa mukha nito ang pagkabalisa.

"Sabihin mong mali ang aking nakita kanina..." Dagdag pa ni Araceli at napapikit habang inaalala ang hindi niya mawaring pag-iibang anyo ni Xavier.

Agad na napabangon si Araceli kahit na masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili.

Seryoso lamang ang mukha ni Xavier na napatingin sa kaniya.

"Pakawalan mo ako dito, Xavier!" Sigaw ni Araceli sa kaniya.

"Papakawalan naman kita. Pwede mo na rin akong kalimutan." Saad ni Xavier sa kaniya.

Naiiyak na si Araceli dahil hindi niya wari ang nararamdaman. Natatakot na siya ngayon kay Xavier.

"P-pakiusap...pakawalan mo na ako."

"Sige, umalis ka. Kapag may nangyaring masama sa'yo ay hindi na kita ililigtas pa...akala ko ay mahal mo ako?"

"Isa kang h-halimaw, Xavier?!" Hikbi na sabi ni Araceli.

Napahinga ng malalim si Xavier at may kung anong kirot ang naramdaman niya dahil sa pananalita ni Araceli.

Tumayo si Araceli at tumakbo papalabas ng kubo.

"Ara!"

Madilim na ang paligid at may naririnig siyang alulong at may kaluskos pa.

Palinga-linga si Araceli habang tinatahak ang masukal na kagubatan. Hindi na rin maawat ang kaniyang mga luha dahil sa mga pangyayari.

Tumakbo siya ng tumakbo hanggang sa...

"Tulong!" Sigaw ni Araceli nang lumambitin ang kaniyang mga paa sa isang patibong, pabaliktad na ngayon ang kaniyang paningin at nahihilo dahil dinuduyan ng hangin ang makapal na lubid na nakatali sa kaniyang paa. "Xavier!" Tawag niya sa pangalan ni Xavier. Buti nalang at hindi rin bumaliktad ang kaniyang saya dahil nasali ito sa pagkakatali.

Napahalukipkip si Xavier habang tinitingnan si Araceli habang nakalambitn ngayon sa may puno.

"Tatawagin mo rin pala ang aking ngalan. Hindi na kita tutulungan dahil hindi mo matanggap na isa akong halimaw." Seryosong wika ni Xavier.

"Paumanhin na, Xavier. Nagulat lang ako!"

Napangisi nalang si Xavier at pinutol ang lubid gamit lamang ang isipan. Sinalo niya naman si Araceli agad.

Nagkatitigan silang dalawa, agad naman na iniwas ni Araceli ang paningin.

Bumalik sila sa kubo at tahimik na lamang si Araceli habang pinagmamasdan si Xavier na naghahanda ng gamot.

"H-huwag kang matakot. Alam kong nag-iba na ang pagtingin mo sa akin dahil alam mo na kung sino ako. Isa akong taong-lobo, Ara." Litanya ni Xavier at hinawi ang buhok ni Araceli na tumatabon sa kaniyang balikat.

Napatingin lang sa kaniya ngayon si Araceli habang nilalagyan niya ang sugat ng gamot. Hinihipan niya rin ito upang hindi makaramdam ng hapdi si Araceli.

Sobrang lapit lamang nila sa isa't-isa at kitang-kita ni Araceli ang mga mata ni Xavier na napapatingin rin sa kaniya habang hinihipan ang sugat niya sa balikat.

"Tapos na. Bukas, wala na 'yan.  Puwede ka ng umuwi. Umuwi ka na sa esposo mong mahal na mahal ka." Pakli ni Xavier na may halong sarkastiko ang pananalita.

"Ipagpaumanhin mo ang aking nasabi, Xavier. Hindi ako makapaniwala..."

"...nabigla lamang ako."

"Wala iyon, hindi na bago sa akin iyan. Sanay na akong may natatakot sa aking katauhan."

Napahinga ng malalim si Araceli. "Salamat pala sa pagligtas sa 'kin."

"Kahit anong mangyari, nandito lang naman talaga ako." Saad ni Xavier.

"Ibig sabihin, ikaw rin ang nagligtas sa akin noong muntikan na akong patayin ng isa pang taong-lobo sa araw ng kasal ko?"

Marahang napatango si Xavier.

Nanlaki ang mga mata ni Araceli at agad na sinampal ang sarili.

"Nananaginip lamang ako!"

Hinawakan naman agad ni Xavier ang kaniyang pulsuhan upang matigil ang pagsampal sa sarili.

"Hindi ka nananaginip, Ara. Totoo ito."

Nagkakatitigan silang dalawa.

"Ngayon, matanong kita...ako pa ba ay iyong iniibig? Kung hindi ay walang problema iyon sa akin, mas mabuti sapagkat matutuunan mo na ng pansin ang iyong esposo."

Hindi makasagot si Araceli. Napakagat nalang siya sa kaniyang labi at napayuko ng bahagya.

Napangiti naman si Xavier at hinawakan ang kamay ni Araceli na ngayon ay malamig.

"Alam mo na ngayon, bukas ay pwede mo na akong kalimutan. Hinanda ko na ang aking sarili sa ganitong pangyayari..." Malungkot na sabi ni Xavier.

"...basta ba ay lihim lang natin ito." Dagdag ni Xavier.

"A-ang hirap...iniibig kita. Pero, matindi ang galit ni ama sa mga taong-lobo."

"Hindi iyan mahirap, Ara. Kapag pinutol na natin sa isa't-isa ang ugnayan natin."

Biglang nasaktan si Araceli sa narinig.   May namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"A-anong ibig mong sabihin? H-hindi na kita makikita pang muli?"

"Sa ikapanatag ng iyong isip at puso, gagawin ko." Pakli ni Xavier.

"Iniibig mo rin ako hindi ba? Tanggap kita, Xavier."

"Oo, at ang pag-iibigan natin ay magdudulot lamang ng kapahamakan sa'yo. Lalo na ngayon na alam mo na. May rason ang lahat, Ara kung bakit hindi tayo nagkatuluyan... Iniisip ko rin ang iyong kaligtasan. Ayos na sa akin na pagmasdan ka mula sa malayo."

Hindi na napigilan ni Araceli ang paghikbi. Napatabon siya sa kaniyang mukha at napaiyak.

Agad naman siya na niyakap ni Xavier. "Ssshh...kapag pwede na ang lahat at sumang-ayon na sa atin ang tadhana, nandito pa rin ako at bukas ang aking puso para sa'yo. Maiintindihan mo rin ang lahat ng ito, Ara."

Hikbi lamang ang nagawa ni Araceli. Pagod na pagod na siya sa lahat ng pangyayari at ang tanging alam niya lamang ngayon ay mamahinga sa bisig ng lalaking una niyang minahal.

INIMULAT ni Araceli ang kaniyang mga mata. Napansin niyang nasa tabi niya lamang si Xavier at payapang natutulog. Nakatulog na rin pala siya kagabi dahil sa matinding paghihinagpis.

Napaharap na siya ngayon kay Xavier na nakatagilid na nakaharap sa kaniya.

Napapangiti si Ara habang pinagmamasdan ang maamong mukha ni Xavier. Hinaplos niya gamit ang kaniyang daliri sa kilay ni Xavier, hanggang sa mata nito na nakapikit at sa ilong nito na matangos. Hanggang sa napadako na lang ang kaniyang mga daliri sa mapupulang labi ni Xavier.

Nagulat na lamang siya nang biglang hinawakan ni Xavier ang kaniyang kamay.

Biglang napaigtad ng bangon si Araceli. "Ah-magluluto a-ako ng agahan!" Tarantang sabi ni Araceli at agad na bumangon at napapunta sa kusina ng kubo.

Napangiti nalang si Xavier. "Walang ulam. Mamimingwit lamang ako ng hito sa likod." Sabi niya at napabangon nalang din siya sa higaan.

"Ah--s-sige... magsasaing nalang ako." Tapos agad na nakita ni Araceli ang bayong na may laman na bigas sa ilalim ng mesa.

Hinubad naman ni Xavier ang kaniyang kamiso at tumambad doon ang kaniyang matipunong katawan.

Nakita naman iyon ni Araceli at agad na ibinaling ang sarili sa bigas at kinuha ang pangtakal.

Ang aga-aga pa, ano ba itong aking nakikita?!

Saad ni Araceli sa sarili.

"Hintayin mo nalang ako dito. Baka may makakita pa sa'yo." Bilin ni Xavier. At agad na niyang isinuot ang sombrerong nakasabit sa dingding.

Napatango nalang din si Araceli na hindi siya tinitingnan.

Habang naghahanda si Araceli ng pinggan ay hindi niya maiwasang tingnan si Xavier mula sa di kalayuan na namimingwit sa isang maliit na lawa. Napapangiti na lamang siya kapag nakikita niya itong nakakabingwit ng malalaking hito.
Napansin rin ni Araceli na hindi na humahapdi ang kaniyang balikat, nang tingnan niya iyon ay nawala ang bakas ng sugat.


"IHAHATID na lamang kita mamaya sa inyong hacienda." Saad ni Xavier na ngayon ay kumakain na kasama si Araceli.

Nalungkot naman si Araceli. "Puwede bang ganito nalang tayo habang buhay?" Wala sa sariling litanya ni Araceli.

"Kung puwede pa lang, Ara. Bakit hindi? Pero may naghihintay sa iyong pagbabalik."

Napahinga nalang ng malalim si Araceli.

"Bago man tayo magpaalam sa isa't-isa...angkinin nalang natin ang oras ngayon na magkasama tayo." Saad ni Araceli.

Napangiti naman si Xavier sa nasabi ni Araceli.

"Kumain ka ng marami, masarap ang hito ano?" Tanong ni Xavier.

Napangiti si Araceli at napatango.

"Ang ganda mo talaga kapag nakangiti." Puri ni Xavier.

"Sus! Ayan ka na naman sa mga salita mo."

"Totoo naman."

"Sus!"

"Hindi ka naniniwala ha..." Agad na tumabi si Xavier sa kinauupuan ni Araceli at hinalikan niya ito sa pisngi.

Natigilan si Araceli sa ginawa ni Xavier. "Ano ba yan? May bakas na ng patis ang aking pisngi!" Pagsisinungaling na reklamo ni Araceli.

"Paunahan lang 'yan." Tapos napatawa ng malakas si Xavier at lumayo dahil handa na siyang kurutin ni Araceli sa tagiliran.

Napuno ng habulan at tawanan ang loob ng kubo.

Sa pagkakataong iyon ay napagtanto nilang dalawa na totoong komportable sila sa isa't-isa.

Save your smile,
Everything fades through time
I'm lost for words,
Endlessly waiting for you
Stay with me
Yes I know, this cannot be
As morning comes,
I'll say goodbye to you when I'm done
Through the sun...

Because I've waiting for you, Waiting for this
Dream to come true, just to be with you.
And if die, remember this line,
I'm always here, guarding your life...
Guarding your life...

I am yours
I'm completely trapped in your soul
Dazed and confused
Swept away with your own world.
You're my star
Invincible, haunting and far
Grace under fire
Someone is building my heart, in my heart...

Because I've waiting for you, Waiting for this
Dream to come true, just to be with you.
And if die, remember this lines,
I'm always here, guarding you

Slowly falling into you
I'm obsessed with the fact that I'm with you.
I can't breathe without you...

I'm waiting for you, waiting for this
Dream to come true, just to be with you.
And if I die, remember this lines,
I'm always here, guarding you life...
---•••---•••----•••----•••---•••---

Featured song:

Synesthesia by Mayonnaise

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro