Kabanata 23: Sa Teatro
•••----•••---•••---•••---•••
"K-KAHIT isang araw suklian mo rin ang pag-mamahal...k-ko sa'yo." Pakiusap ni Arturo.
Agad na inilalayan na tumayo ni Araceli ang esposo. "Gagamutin ko ang iyong mga sugat."
Doon na napagtanto ni Araceli na kahit siya ay may kasalanan. Naaawa siya sa kaniyang esposo.
Walang ano-ano ay kaniyang niyakap si Arturo ng mahigpit.
"Ipagpaumanhin mo ang aking pagkukulang..." wika ni Araceli kay Arturo.
Napadaan naman sina Himala at ang mga magulang niya sa mansion nila Araceli ngunit madilim na ang tahanan.
"Bukas nalang kaya, anak? Nakakahiya naman sa binibini kung kakatok ka pa doon." Saad ng kaniyang nanay na si Ginang Nimfa.
Napatango nalang si Himala at dumiretso na silang umuwi. Inagbayan naman siya ng kaniyang tatay.
TULALA si Estrella habang pinagmamasdan ang anak na payapang natutulog sa silid ni Ramon.
"Ikaw ba ay ayos lang?" Tanong ng kaniyang ina.
Hindi naman siya sumagot bagkus ay tumungo na lang siya sa silid kung saan naroroon ang ama at tumutungo rin dito ang mga alipores nila upang maglahad ng mga bagong mensahe na nauukit sa buto, tinatawag itong orakulo (oracle bone).
"Sa sabado ay magiging asul ang buwan." Sabi ng isang lalaki na naka suot ng isang mataas na damit na kulay pula habang inalalahad ang orakulo.
Napakunot-noo si Estrella sa narinig. Napansin niya naman na nakasandal ang ama nito sa upuan na seryoso at hindi man lang nabahala sa sinabi ng lalaki.
Hinithit ni Don Diego ang tobacco at binuga ang usok na iyon. "Nakakatawa ang mensaheng iyan, ano ang ibig sabihin ng asul na buwan?" Tanong ng Don.
"Hindi ninyo wari? Ang ibig sabihin ng asul na buwan ay ang pagliwanag ng mga propesiya na nakalagda sa isang librong itim."
"A-anong librong itim?" Hindi na napigil ni Estrella ang sarili na maki-usyoso sa usapan. Pumasok na siya sa mismong silid.
"May labing-tatlong librong itim, ang ika-labing tatlo ay nawawala. Ang loob ng librong iyon ay ang lahat ng propesiya, maaring alam ng librong iyon ang magiging hinaharap at mga pangyayari na mangyayari pa lamang." Saad ng lalaki.
"Paano mo nalaman iyan, Aquillino?" Tanong ni Don Diego. Hindi na niya alam ang sinasabi ng kaniyang kanang-kamay na si Aquillino.
Si Aquillino ang kaniyang napili na kanang-kamay sapagkat sumama ito sa kaniya upang maging kasapi. Isa siya sa mga hukbo ng mga taong-lobo. Hanggang balikat ang buhok nito at nakakakikitaan ng pagiging makisig. Maskulado ang katawan at may mapang-akit na mga mata.
"Iyan po ang nakasaad sa orakulo."
"Kung sa gayon, asan ang ika-labing tatlong libro?" Tanong ni Estrella. May duda na siya.
Umiling si Aquillino. "Hindi ko alam, hindi pa iyan nauukit sa orakulo."
"S-sino ang may-ari?!" Tanong ulit ni Estrella.
"Hindi ko pa rin alam, maaring kapag sumapit ang asul na buwan ay doon lang natin malalaman..."
"...nakasaad din sa orakulo na bukas ay kabilugan ng buwan." Dagdag pa ni Aquillino.
Napasingkit ang mata ni Estrella at nag-iisip na kung nasaan ang itim na libro.
"Ano ba ang kahalagahan ng itim na libro na iyon?" Tanong ni Don Diego.
"Hindi niyo pa nabasa sa mandato noong kaanib pa kayo sa kabila?"
Umiling si Don Diego. Marami siyang hindi nalalaman sapagkat pribado ang mandato. Ang mga naging pinuno lamang ang nakakakita doon. Samantalang siya ay isang tagapangasiwa lamang ng salapi noon.
"Sige, ang kahalagahan ng itim na libro ay una... nalalaman nito ang hinaharap, ikalawa, kung makukuha mo ito at gusto mong palitan, halimbawa, hindi ka sang-ayon sa mangyayari ay pwede mo itong palitan. Nabubura ang propesiya, Don Diego..."
"...at kapag nangyari iyon ay pwede ka magkaroon ng kapangyarihan na hindi pangkaraniwan. Magiging malakas ka sa lahat ng malakas." Paliwanag pa ni Aquillino.
Naaalala rin ni Aquillino ang kapangyarihan ni Xavier noong minsan silang nagtuos sa bilangguan dahil na rin pinalabas nito ang kaibigang nawala sa katinuan. Hindi siya makapaniwala sapagkat, natatangi ang ganoon. Samakatuwid, nabibilang si Xavier sa mga Maharlika.
TINIPON lahat ni Don Romualdez ang mga natirang kasapi. Kasalukuyan ngayong nasa harapan ng entablado ang tatlong don.
Sa paligid ay marami ng nakasulong apoy dahil nilalamon na ng kadiliman ang kalangitan.
Naroroon si Xavier na nakatingin sa harapan ng entablado, nakisama siya sa mga madla. Naghilom na rin ang sugat niya sa kamay at kahit anong bakas ay wala. Naroroon din si Xienna, Enrique, Nathaniel, at Mateo habang naghihintay kung ano ang ipaparating ng kanilang pinuno.
Tumikhim muna si Don Romualdez. "Aking nalaman ngayon lang na bukas ay magiging bilog ang buwan...sa pangalawa ay magiging bilog parin ngunit kulay asul."
Nagsimula ng magbulungan ang mga madla at kahit na si Xavier ay napakunot-noo dahil sa narinig.
"Bukas na bukas ay ipapaskil ko sa harapan ng aking himpilan ang mga maaring dapat gawin kapag sumapit na ang kabilugan ng asul na buwan..."
"...alam kong abala na tayong lahat ngunit, ito ang nakatadhana sa atin at sa inyo, pinili ninyo ang maging kasapi at magpasakop sa sumpa ng pagiging taong-lobo. Tayo ay kakaiba, tayo ay malalakas at kinakailangan na kabutihan pa rin ang dapat manaig." Wika ni Don Romualdez.
"Mabuhay ang bagong barrio! Mabuhay ang Barrio Querrencia!" Sigaw ng isang lalaki na nagmumula sa madla.
"Mabuhay!" Sabay na sabi ng mga tao.
"Tayo ay mamahinga na sapagkat gabi na, bukas na tayo magpatuloy sa ating bagong misyon. Gracias, buenas noches a todos!" Sabi ng don.
Nagpalakpakan naman sila at unti-unti ng umuuwi sa kanilang tahanan.
Samantala si Xavier ay napaisip ng malalim dahil ngayon niya pa lang narinig na may asul na buwan.
"Nagsisimula ng mag hasik ng hiwaga ang orakulo, matapos ang ilang taong hindi nagsilay ng guhit." Saad ni Xienna. Napalingon naman sa kaniya si Xavier.
"Anong orakulo?" Tanong ni Xavier.
"Hindi pa naikwento sa iyo ni ama. Ang orakulo ang nagsasaad ng mga pangyayari at maaring ito rin ay basehan ng mga disesyon ng pinuno."
"Gaya ng?" Singit na tanong ni Mateo.
"Kapag ang isang pinuno ay magdisesyon ng labanan sa mga kalaban, maaring ang orakulo ang maghahatid ng payo. Halimbawa, kapag sinabi ni Don Romualdez na makikipaglaban tayo sa mga kalaban, ang orakulo ang magiging basehan, sinasaad nito kung magtatagumpay ba ang panig ni Don Romualdez o hindi..." Mataas na paliwanag ni Xienna.
"Kapag sinabing matatalo ang panig ni Don Romualdez ay hindi itutuloy ang pakikipaglaban. Ngunit, nakadepende iyan sa pagbasa sa nakaukit na mga salita sa buto." Dagdag pa niya.
"Ganoon ba, ang asul na buwan? Anong ibig sabihin?" Tanong pa ni Mateo.
"Hindi ko alam. Bukas ay malalaman natin iyan." Saad ni Xienna.
"Sa tingin ko ay hindi pangkaraniwan ang buwan na iyan..." pakli ni Xavier.
"Pasalamat kayo, hindi pa ninyo nasilayan ang pulang buwan." Singit pa ni Enrique. Sinagi naman siya ni Xienna at pinandilatan ng mata.
"Ano? May pulang buwan? May asul? Ano pa, may itim?" Tanong ni Mateo.
"Tangina mo talaga, Mateo. Ang kailangan natin na pagbalingan ngayon ay ang asul na buwan. Unang silay ko ito sa tanang buhay ko." Saad ni Nathaniel.
"Kahit na ako." Seryosong sabi ni Xienna.
"Umuwi na tayo, inaantok na ako." Seryosong wika ni Xavier. Sabay talikod nito sa kanila.
Sumunod nalang din si Xienna sa kaniya.
TIRIK na tirik ang araw habang naghihintay ng kalesa si Araceli at Arturo.
"Tiyak na magiging masaya ang iyong ina at ama na makakabisita tayo." Wika ni Arturo. May benda ang kaniyang pulsuhan dahil sa sugat na natamo niya kagabi dahil sa paglaslas sa sarili.
Ngumiti lamang ng matipid si Araceli habang nakatingin sa kalesang parating. Kinawayan naman niya iyon. Agad na huminto ang kalesa sa harapan.
"Saan po ang inyong tungo?" Tanong ng kutsero.
"Sa Hacienda De La Vega po, manong."
Tumango ang kutsero at sumakay naman sina Araceli at Arturo.
Habang nasa biyahe ay napapansin ni Araceli na masyadong abala ang ibang tao sa pagpapaskil ng papel kahit saan.
"Manong, ano po ba ang mayroon?" Tanong ni Araceli.
Napansin rin iyon ni Arturo.
"Po?"
"Bakit po ba sila nagpapaskil ng mga papel?"
"Ah, may magaganap na engrandeng teatro mamaya sa Sitio Dayagro. Gaganapin siya mamayang alas dos ng
tanghali at matatapos ng alas kuwatro ng hapon." Paliwanag ng kutsero.
"Gusto mo ba na pumunta tayo doon?" Biglang tanong ni Arturo.
"Pwede naman, isama natin si Ariana." Sagot ni Araceli.
Ngumiti na man si Arturo at napatango.
"Narito na ho tayo."
"Maraming salamat po, heto po bayad." Saad ni Araceli sabay abot ng pambayad at tsaka bumaba. Sumunod na rin sa kaniya si Arturo.
"Binibini! Ako po ay nagagalak na makita ka." Ngiti ng isang kasambahay na sa tingin ni Araceli ay ka edad lamang niya. Hindi niya kilala ang babae, base sa kaniyang nakikita ay maganda ito, na akala mo ay nasa mataas na antas kapag nakasuot ng pormal na baro at saya.
"At sa iyo rin, ginoo." Tapos ngumiti sa kanila at yumuko ng bahagya ang kasambahay upang magbigay galang.
"Ikaw ba ang bagong naninilbihan dito?" Mahinhin na tanong ni Araceli.
"O-opo, binibini. Ang aking ngalan po ay Isidra."
"Ako'y nagagalak na makilala ka, Isidra." Sabay ngiti ni Araceli sa kasambahay.
"Pasok na po kayo."
"ATEEEE!" hindi pa man nakakahakbang si Araceli ay agad na napatakbo patungo sa kaniya si Ariana at mahigpit na napayakap dito.
"Grabe ate, ako'y nangulila sa iyong presensya."
"Ikaw talaga, Aring. Saan sila ama at ina?"
"Nasa loob, ate. Magandang araw po, kuya Arturo!" Bati ni Ariana kay Arturo at napansin ang puting tela na nakapulupot sa pulsuhan nito.
"Magandang araw din, Aring." Malumanay na bati ni Arturo sa dalaga.
Papasok na sila ngayon sa mansion at magiliw silang binabati ng ibang manggagawa at kasambahay.
Nabigla naman sina Don Felipe at Doña Viviana sa nasilayan. Agad na nag mano si Araceli at Arturo sa kanila.
"Naku! Tamang tama at nakabisita kayo, nag luto ang mga kasambahay ng masarap na sinigang at kare-kare!" Wika ni Doña Viviana at inalokan sila ng silya upang makaupo.
"Dito nalang kayo, mananghalian. Kumusta naman ang buhay mag-asawa?" Biglang tanong ni Don Felipe sa dalawa.
Nagkatinginan naman si Araceli at Arturo. "Ayos lang naman po. May mga panahon na hindi nagkakaintindihan." Sagot ni Arturo.
"Pangkarinawan na nangyayari iyan sa mag-asawa. Siya nga pala, kailan kami magkakaroon ng apo sa inyo?" Tanong ng don.
Tumawa ng mahinhin si Doña Viviana kahit na si Ariana ay naghihintay ng kasagutan.
"Ah, pinag-iisipan pa namin, ama."
Napatango na lang si Don Felipe. "Ganoon ba? Kung sabagay, kinakailangan plano muna."
"Pero, kasal na sila." Sabat ni Doña Viviana.
Biglang natahamik ang lahat. Naramdaman naman ni Ariana ang nakakailang na namamagitan sa usapan. "Ah---ate... M-may teatro mamaya sa sitio Dayagro. Mga magagaling ang gaganap sa dula."
Napatingin naman sa kaniya si Araceli. "Iyan din ang aming plano. Isasama ka namin."
"Talaga po? Tamang tama, sasama din si Crisologo at Claridad..."
"Kayo ay mag-iingat pa rin. Kabilugan ng buwan ngayon." Seryosong wika ni Don Felipe.
"Alas kuwatro ho matatapos, ama. Hindi pa naman sumisilay ang buwan niyan." Sagot pa ni Ariana.
"Manananghalian na tayo. Nagugutom na ako." Biglang sabat ni Doña Viviana.
Napatawa nalang sila at tumungo sa mahabang mesa ng mansion.
MARAMING tao na ngayon ang nasa bungad ng isang malaking teatro ng Sitio Dayagro. Halos ang naroroon ay nasa mataas na antas ng lipunan.
"Alam niyo ba na sila ang tanyag na manunula sa intramuros? Naku! Nakakasabik silang panoorin!" Litanya ni Claridad habang nakakapit sa mga bisig ni Ariana.
"Dyes sentimos po kada isa kapag nasa likod, pag sa harapan naman ay bente sentimos." Singil ng isang matanda na siyang taga bigay ng boleto (ticket) sa mga manunood.
"Ako na ang magbabayad lahat." Pakli ni Arturo. Nagbigay siya ng isang daang sentimos sa matanda.
Agad naman na binigay ng matanda ang limang boleto sa kaniya at agad na itinuro ang entrada papasok ng teatro.
Doon, bumungad sa kanila ang napakalaking entablado na may pulang kurtina. Malawak ang loob ng teatro na pwedeng makapasok ang isang daang tao. Umupo sila malapit sa entablado. May nag-alok naman sa kanila ng makakain at maiinom at agad na binilhan sila ni Arturo isa-isa.
"May sampung minuto pa na kailangan hintayin bago magsimula ang palabas!" Anunsyo ng isang matandang lalaki na may bilog na salamin sa mata at may itim na sombrero. Nakasuot rin ito ng kulay itim na tsaleko.
"Ano ba daw ang ipapalabas?" Tanong ni Ariana.
"Hindi ko rin alam. May pa sorpresa rin pala ang dula." Sagot ni Claridad. Napapagitnaan siya ngayon ng dalawa. Samantalang si Crisologo naman ay seryoso lang na nakamasid sa mga tao.
"Langga, tutungo muna ako sa palikuran ha." Bilin ni Arturo. Tumango naman si Araceli bilang tugon. Tumalikod naman si Arturo upang pumunta ng palikuran.
Habang hindi pa nagsisimula ay nakikipag-usap si Araceli kina Ariana.
"Ate, hindi ba't si Ginoong Xavier at Binibining Xienna 'yon?" Bulong ni Ariana sabay turo sa kinaroroonan nila ni Xavier.
Biglang kinabahan si Araceli. May kasama silang iba pang apat na lalaki at ang isa sa kanila ay may buhat-buhat na bata na sa tingin niya ay nasa limang taong gulang.
Agad na napaupo ng matuwid si Araceli at hinihintay ang pagbabalik ni Arturo. Ayaw na niyang lumingon pa at baka makita siya ni Xavier.
Nagsimula ng magpatugtog ng piano na gawa sa kawayan ang nasa harapan.
Arturo, saan ka na ba? Bakit kaytagal mo?
Sambit ni Araceli sa sarili at kinakabahan.
"Bakit sumunod ka pa?! Ang sabi ko sa'yo ay huwag kang magpakita!" Saad ni Arturo sa babae.
"Akala ko ba wala kang esposa? Nagsinungaling ka sa akin!" Maiyak-iyak na sabi ng babae.
Napahilamos ng mukha si Arturo sa inis. "Huwag kang gumawa ng eksena, pakiusap." Sabay talikod nito sa babae.
"Nagdadalang-tao ako, Arturo! Panagutan mo!"
Ngunit hindi na siya pinansin pa ni Arturo. Napayukom na lang ang kamao ng babae dahil sa matinding galit.
Sa kabilang dako ay naroroon si Xavier na taimtim na nakikinig. Tutungo na rin sana siya sa palikuran ngunit ito ang bumungad sa kaniya. Tama nga ang kutob niya na may ibang pinagkakaabalahan si Arturo.
Alam niya rin na naririto si Araceli ngunit titiisin niya muna na huwag lapitan.
Napahinga ng malalim si Araceli nang makita ang esposo na paparating na. "Kay tagal mo naman." Pakli ni Araceli.
"Paumanhin, langga. Sadyang marami ang gumamit ng palikuran ngayon."
Napatango si Araceli.
NAWIWILI na ang lahat sa palabas ngayon dahil sadyang magaling ang mga gumaganap lalo na sa gumanap bilang Romeo at Julieta.
Samantalang si Xavier ay nakamasid lamang sa paligid dahil unti-unti ng nilalamon ang langit ng kadiliman.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ni Xavier, nakakaramdam na siya ng pagkabalisa.
"Malapit na rin ito matapos, tapusin nalang natin ito." Tugon ni Xienna.
Samantalang sila Ramon, Nathaniel, Enrique, at Mateo ay nakakaramdam na rin ng init sa katawan. Kinokontrol lamang nila dahil baka mabuking sila.
Marami din ang dumalo dito na mga taong-lobo kung kaya ay nababahala sila.
"Akala ko ba ay matatapos ito ng alas kuwatro? Bakit parang matatapos ito ng alas sais?" Reklamo pa ni Xavier.
Sumeryoso ang mukha ni Xienna at napatayo nalang. "Umuwi na tayo."
"B-bakit?" Tanong ni Enrique.
"Itong kapatid ko, napapraning!"
Ngumisi naman si Mateo at napailing. Napakunot-noo naman si Xavier sa sinabi ng kaniyang ate.
"Uuwi na po tayo? Hindi pa naman po tapos ang palabas." Sabi ni Agustin at tila nalungkot sa sinabi ni Xienna.
"Oo, anak. Uuwi na tayo, malayo-layo pa ang ating lalakbayin." Sagot ni Nathaniel sa anak.
"Sige po." Malungkot na tugon ni Agustin.
Ngunit bago paman sila makaalis ay biglang may nalaglag mula sa taas.
Nagsigawan ang mga tao sa likuran.
Napalingon ang lahat ng tao sa harapan.
"Gago, heto na nga ang aking sinasabi." Sabi ni Xavier.
"Lumabas na tayo! Punyeta!" Tarantang sabi ni Xienna.
"Ama, ano po ang nangyayari?" Tanong ni Agustin.
"M-may nagsuntukan anak." Pagsisinungaling ni Nathaniel sa anak.
"Ako na ang bahala kay, Agustin." Saad ni Ramon at agad na binuhat si Agustin.
"Mauna na kayo!" Sabi ni Enrique.
Napatango naman si Ramon at ginamit ang kaniyang kakayahan at mabilis pa sa kidlat na nawala sila.
Samantala, hindi na magkamayaw ang mga tao sa loob at halos magiba na ang pintuan ng teatro.
Nataranta silang lahat sa kadahilanang nag-iiba ng anyo ang isang tao, nalaglag ito sa kaniyang upuan at nagsisimula ng umangil.
Unti-unti ng nag-iiba ng anyo ang ibang kaanib ng taong-lobo.
"Mga taong-lobo!" Sigaw ng isang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ni Araceli at kahit na si Arturo ay natataranta na sa nangyayari, pinipilit niyang mag-isip ng tuwid kung paano makalabas.
Nagkamayaw na ang lahat. May naapakan dahil natumba.
"Tulong! Saan ang mga guwardiya sibil?!" Sigaw pa ng isang babae.
"A-ano na ang gagawin natin, ate?" Sabi ni Ariana na ngayon ay nakahawak na sa bisig ni Crisologo, at si Claridad naman ay parang naiiyak na sa mga nangyayari
"Sa palikuran tayo, dadaan!" Biglang sabi ni Arturo. Agad na sumang-ayon sila.
Nakakarinig na sila ng mga alulong.
"Tangina! Ang bilis yata sumilay ng buwan ngayon?" Reklamo ni Mateo habang ginigiba ang dingding ng teatro. Nagsisimula ng tumaas ang kaniyang balahibo sa kamay.
Iyon rin ang ginagawa nila Xavier, kanilang ginigiba ang dingding ng teatro upang makalabas sila. "Punyeta naman kasi! Sinabi ko ng hindi na tayo pumunta." Giit ni Xavier.
"Ako ba ay iyong sinisisi, Xavier?" Sabi ni Xienna na tumutulong rin sa paggiba ng dingding.
Hindi naman siya sumagot at buong lakas na giniba ang dingding hanggang sa nasira.
Samantalang sina Arturo, Araceli, Ariana, Claridad, at Crisologo naman ay tumungo na sa palikuran. Nakikita naman nila na ang lahat ng gumanap kanina sa dula ay pumasok sa likod ng entablado kung kaya ay sinunod nila iyon.
"Tulong! Tulungan niyo po ako!"
Nanlaki ang mga mata ni Araceli nang makita ang isang batang babae na nadaganan ng mga silya.
"Ate!" Tawag ni Ariana nang makita ang ate na bumalik sa loob ng teatro.
"Ginoong Arturo, bumalik ulit si Ate Ara sa loob ng teatro." Sabi ni Claridad na ngayon ay naiyak na panay naman ang pagpapagaan ng loob sa kaniya ng kambal.
Napaigtad si Arturo sa narinig, tumakbo siya ulit patungo sa loob ng teatro.
"Huwag kang mag-alala, tutulungan kita." Saad ni Araceli sa batang babae. Kahit na hirap siya dahil sa bigat ng silya.
Napapaigik naman ang batang babae dahil sa hapding nararamdaman sa kaniyang paa. Bumaon doon ang matulis na parte ng silya.
"A-ang sakit po ng aking paa, binibini." Naiiyak na wika ng bata.
"Halika." Sabi ni Araceli nang makuha lahat ng silyang nakadagan sa paa. Inalalayan niya ito dahil hindi na nakakalakad.
Gulat na napatingin si Araceli sa paa ng bata dahil umaagos ang dugo doon na siyang dahilan ng pagkaroon ng kamalayan ng isang taong lobo dahil sa nasisinghot na amoy ng dugo.
Marami na rin ang napaslang ng taong-lobo. May mga natanggalan ng paa, kamay, at ulo. Ang mga bituka naman ay nagkalat na sa loob ng teatro.
Umaangil na papalapit sa kanila ang taong-lobo. "Lumaban ka." Saad ni Araceli sa batang babae ngunit bigla nalang siyang nakaramdam ng matutulis na mga kuko sa kaniyang balikat.
"Binibini!" Sigaw ng bata.
"Ate!" Sigaw na malakas ni Ariana nang makita ang ate na natumba sa sahig at napahawak sa balikat nito.
"Araceli!" Tawag ni Arturo nang makita ang esposa na dinagit ito ng malaking taong-lobo. Patalon-talon ito sa lahat ng sulok ng teatro na parang naghahanap ng malulusutan.
"Maghahanap ako ng guwardya sibil! Hindi sapat ang aking lakas sa taong-lobo." Sabat ni Arturo, tila nawawala na siya sa huwisyo na umalis sa loob ng teatro.
Wala nang ibang nagawa si Ariana at nanginginig na tinulungan ang batang babae. Hindi niya namalayan sumunod sa kaniya si Crisologo at sabay silang bumalik sa likod ng entablado kasama ang batang babae.
Napunit ang damit ni Araceli at ramdam niya ang hapdi sa kaniyang balikat. Bigla siyang binuhat ng taong-lobo at ramdam niya ang malakas na bagsak nito. Nakakaramdam na rin siya ng hilo pero nilalabanan niya parin.
"Ara!" Nakarinig siya ng pamilyar na boses.
"Bitawan mo siya!" Sigaw ni Xavier.
Napahinto naman ang taong-lobo na bumuhat sa kaniya.
Biglang nakaramdam ng galit si Xavier at unti-unti ng nagbabago ang anyo.
"Si ate Ara! H-hindi na ako mapakali!" Tumatangis na si Ariana habang nakaupo sa sulok.
"Magiging maayos lang si Ate Ara." Pagpapalakas ng loob ni Claridad sa kaibigan. Samantalang si Crisologo ay napaupo na rin sa isang sulok habang pinagmamasdan ang batang babae na natutulog sa sahig. Nilagyan niya ng retaso ng tela ang paa ng bata at agad na nakatulog ito.
Si Xavier naman ay nakapagpalit na ng anyo. Nagsimula na ang pagsilay ng malaki at bilog na buwan sa madilim na kalangitan.
At ang lahat ng iyon ay nakita ni Araceli bago siya nawalan ng malay.
----•••----•••----•••---•••----•••----•••
Featured story/play:
Romeo and Juliet by William Shakespeare (1597)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro