Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20: Pagsisisi

----•••----•••---•••----•••---•••---•••
NAISIPAN ni Catalina na dumaan sa bagong tahanan nila Araceli. Tirik na tirik na ang araw kung kaya ay ibinuka niya ang dalang payong. Kagagaling niya lamang sa palengke upang bumili ng mga gamit para sa gantsilyo.

Apat na araw na rin ang lumipas magmula noong kaguluhan. Halos hindi na mawawalan ng gwardiya-sibil na rumuronda bawat kanto at bawat baryo ng San Fernando

Malalim na ang iniisip ni Catalina nang humangin ng malakas bagay na bumaliktad ang kaniyang payong.

"Hahaha!"

Nagtagbo ang kilay ng dalaga nang marinig ang tawa sa likuran at agad siyang napalingon. Naningkit ang kaniyang mata.

"Mabuti pa ang anahaw dito." Sabay tawa ng lalaki habang inaayos ang payong na bumaliktad.

"Salamat ha." Sarkastikong sabi ni Catalina.

"Walang anuman, binibini."

Inirapan niya lang ang lalaki at tumalikod na. Nakakatatlong hakbang pa lang siya nang magpakilala ang lalaki.

"Mateo ang aking ngalan! Ako'y nagagalak na makita ka."

Napataas ang kilay ni Catalina at may kung anong ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.

Samantalang si Mateo naman ay malapad pa rin ang ngiti nang makita ang binibining iyon. Sa lahat ng binibining nakita niya ay siya ang pinakamaganda. Pinagmasdan niya lamang ito na lumayo sa kaniya.

Lumabas na rin si Xavier at Nathaniel galing sa tindahan ng mga tobacco at serbesa.

"May kalokohan ka na naman bang ginawa sa binibining 'yon?" Tanong ni Xavier.

"Tiyak na ginamit niya ang kakayahan para matuon ang atensyon sa kaniya." Saad pa ni Nathaniel.

Napaismid naman si Mateo. "Wala. Sadyang humangin ng malakas at nakita ko na bumaliktad ang kaniyang payong." Tapos ngumiti pa siya ng nakakaloko.

"Alam naman namin na may kakayahan ka na diktahan ang kalikasan." Litanya ni Xavier at napailing nalang.

"Nalaman mo ba ang pangalan?" Tanong ni Nathaniel.

"Wala."

"Ang hina." Saad ni Nathaniel.

Inagbayan nalang ni Mateo ang dalawa at napatawa. "Ang liit ng San Fernando, tiyak na makikita ko ulit siya."

Naglalakad na sila pauwi.

Maraming nabago sa kanilang lugar sa loob ng apat na araw. Nahati na ang kanilang lugar. Nag-iba ng nasasakupan si Don Diego kasama ang ibang taong tapat na naglilingkod sa kaniya. May sarili na silang batas at isa lang ang pinuno sa lahat kundi si Don Diego. Nasa kamay niya ang lahat ng mandato na siya rin ang gumawa. Samantala sa kabila, naroroon sila Don Alejandrino, Don Tiago, at Don Quasimodo. Ganoon pa rin ang batas nila at sinusunod pa rin nila ang mandato na hindi nakakasakal sa lahat. Si Enrique na rin ang tagapangasiwa ng salapi. Nag disesyon na rin si Don Quasimodo na lagyan ng pangalan ang kanilang nasasakupan. Ito ay tatawaging Barrio Querencia.


MAG-ISA lamang si Araceli ngayon sa kanilang tahanan. Naging abala si Arturo sa kanilang negosyo na tubohan sa karatig bayan ng San Fernando ang bayan ng San Vicente Ferrer.

Abala si Araceli sa pagkukumpuni ng mga kagamitan at pag-aayos ng mga halaman sa loob ng tahanan nang makarinig siya ng tatlong katok.

"Ara? Si Catalina ito."

Agad na ipinagbuksan niya ng pinto ang kaibigan. May dala-dala itong bayong at payong.

"Pasok ka, Linang! Halika. Pasensya medyo hindi pa maayos ang pagpapangasiwa ko sa aming tahanan." Saad ni Araceli at agad na pinaupo ang kaibigan.

"Ano ka ba, walang problema iyon. Sinadya ko talaga ang pagpaparito. Saglit at may dala akong kakanin para sa'yo..." agad na kinuha ni Catalina ang kakanin sa kaniyang bayong.

"O, heto. Kumusta ang buhay may esposo?" Sabay bigay ni Catalina sa kakanin.

"Naku! Nag-abala ka pa talaga. Salamat, Linang..."

"...heto, naninibago."

Napakunot-noo si Catalina. "Bakit ka maninibago?"

"Ang ibig kong sabihin ay naninibago ako bilang asawa. Wala namang problema sa pagitan namin ni Arturo..." Napahinga ng malalim si Araceli at napaupo na rin sa kaharap na silya na kinauupuan ni Catalina.

"...binabagabag pa rin ako sa pangyayari. Ako na ang magbibigay ng paumanhin sa mga nangyari."

Napangiti si Catalina. "Wala ka namang kasalanan, hindi na sa atin bago ang mga ganiyang kaganapan patungkol sa mga taong-lobo...alam mo, noong mga pangyayaring iyon, nagtago lamang kami ni Claridad sa loob ng aming kalesa."

Napatawa ng mahina si Araceli. "Kaarawan ko pa naman, tapos kasal pa. Hay naku! Hindi ko na talaga malilimutan 'yon..."

"...matanong ko lang, Linang."

"Ano iyon?"

"Sa tingin ko ay mababait ang ibang lobo." Hinihintay niya ang magiging reaksyon ng kaibigan.

Seryoso lamang ang mukha ni Catalina at nagkibit-balikat. "Sa tingin ko naman ay oo." Saad niya.

Napakagat ng labi si Araceli. "May taong-lobo na iniligtas ako."

"Para sa akin lang ay hindi lahat ng taong-lobo ay masama sadyang naturingan lang ng masama dahil sa kanilang mala-halimaw na kaanyuan." Wika ni Catalina.

Napangiti si Araceli. "'yon ang aking punto, Linang!"

"May sasabihin ako sa'yo. Tila ba makakahanap na ako ng aking nobyo." Kilig na sabi ni Catalina.

"Saglit, ipagkukuha kita ng gatas. Naku! Gusto ko 'yan." Tumayo na muna si Araceli at nag salin ng gatas sa isang baso at ibinigay agad iyon kay Catalina.

"Sige, sino ba ang lalaking iyan?" Sabik na tanong ni Araceli.

Mahinhin na tumawa si Catalina. "Mateo daw ang ngalan niya. Tinulungan niya ako na ayusin ang aking payong na bumaliktad kanina dahil sa lakas ng hangin. Naku, Ara! Masasabi kong siya na!"

" Sana'y magkrus ulit ang inyong landas."

"Sana nga." Pakli ni Catalina.

"Hangad ko rin sa'yo ang kasiyahan, Linang."

"Salamat, Ara. Siya nga pala...matagal ko na itong gustong itanong sa'yo."

"Ano 'yon, Linang?"

Napahinga ng malalim si Catalina. "Si Arturo ba talaga ang iyong unang pag-ibig?"

Natigilan siya nang marinig ang tanong ni Catalina. "Ha? Ah-"

"Kaibigan mo ako, Ara."

Napahinga ng malalim si Araceli. "Limang taon na ang nakalipas..." Bumabalik ang saya at pait ng kahapon kapag naalala ni Araceli si Xavier.

"...siya ang taong nakapagpagaling sa akin... Sa una naming pagkikita sa tindahan ng mga libro ay may nararamdaman na talaga akong kakaiba, hindi ko wari noon. Hanggang sa nagkrus ang aming landas. Ipinakilala siya ng kaniyang ate sa akin na aking maestra. Isa raw siyang manggagamot." Mahabang kwento ni Araceli.

"Tapos? Ano ng sumunod na nangyari?"

"Sumang-ayon naman ako na ligawan niya ako. Ngunit..." Napabuntong-hininga si Araceli dahil mabigat pa rin sa kaniya ang mga pangyayari sa lumipas na limang taon.

"...nalaman ko nalang na may nobya na pala siya at ikakasal na sila dahil magkakaroon na sila ng supling."

"Ano? 'yon nalang yun? Aba'y babaero pala." Sabi ni Catalina sabay halukipkip.

"P-pero sabi ni ate Amanda, sa palagay niya ay hindi totoo."

"Ano? Naku! Pasalamat ka nalang at hindi ka napunta sa ganiyang lalaki. May Arturo na magmamahal sa iyo ng tunay." Sabi ni Catalina sabay iling.

Ngumiti nalang ng matipid si Araceli at inaya nalang kaibigan na mananghalian.





PAPALUBOG na ang araw at naisipan na ni Xavier na umuwi sa kanilang tahanan. Kaninang umaga ay naroroon siya sa pagamutan hanggang inaya siya ng mga kaibigan na tumagay. Doon sila nagtipon sa tahanan ng mga Romualdez at nag-usap patungkol sa buhay at mga pangyayari sa loob ng limang taon. Ngayon ay pauwi na siya at tinatahak na niya ang masukal na daan pauwi. Wala nalang sakaniya ang lahat, tila ba isang normal na lamang na araw ito.

Nakikita na rin ni Xavier ang mga nag tataasang baging at bakod na siyang humati sa nasasakupan. Panay rin ang titig ng mga bantay ni don Diego sa kaniya. Pero, pinagwalang-bahala niya lang ito.

Mula sa 'di kalayuan ay nakikita ni Xavier ang tahanan ng De La Vega. Naaninag niya sa bintana na naroroon ang kapatid ni Araceli na si Ariana. Abala ito sa pagtutupi ng mga damit. Bigla siyang nakaramdam ng kirot, dahil alam niyang nasa piling na ni Arturo si Araceli. Lumakad na lamang siya ng diretso.

"Psst! Psst!"

"Ginoo..."

Nakarinig ng sutsot si Xavier. Pinakiramdaman niya ang paligid. Mula sa likuran ay naririnig niya ang mga lutong ng dahon na tila ba ay may papalapit sa kaniya.

"Sabi ko na nga ba. Ikaw 'yan."

Napalingon si Xavier. Pilit niyang inaalala ang binatang nasa harapan niya.

"Ako po ito, si Himala..." Doon na naaalala ni Xavier.

"Himala? Ang laki mo na... matagal na hindi kita nakita."

"Opo, simula po kasi noong gabing malapit mapaslang si tatay ng mga taong-lobo ay lumayo kami at nanirahan sa ibang bayan..."

"...kumusta ka po, ginoo? Tila hindi ka tumatanda."

Napangisi na lamang si Xavier. "Talaga ba? Hindi ako tumatanda?"

"Opo, anong sekreto?" Tanong ni Himala.

"Ikaw talaga...kumusta ka?"

"Heto, ayos lamang po. Kung hindi po dahil sa paggamot ninyo sa akin, tiyak na wala na po ako sa mundong ibabaw. Nakakapag-hanap buhay na po ako, natutulungan ko na sina nanay at tatay." Litanya ni Himala.

"Mabuti, ikaw ba ay may nobya na?"

"Nobya? Naku po! Dose anyos pa lamang ako." Tapos napatawa siya ng mahina.

"Pitong taon ka noong huli nating pagkikita?"

"Opo, bata pa po ako kung tutuusin."

"Binata ka na. Hindi ka magkakamalang dose anyos."

Totoo ang sinasabi ni Xavier. Base sa nakikita niya ay makisig si Himala at matangkad ito kung kaya ay hindi halata na dose anyos pa lamang.

"Naku, salamat po, Ginoong?"

"Xavier."

"Ginoong Xavier. Ngayon ko lamang nalaman ang iyong pangalan."

"Walang problema iyon, saan ang iyong tungo ngayon?"

Napahimas muna ng batok si Himala "ah, nagliliwaliw lang ako ngayon dito sa gubat. Pero pauwi na rin ako."

"Napaka-delikado pa rin ngayon, Himala. Siya nga pala, samahan mo nalang ako sa bayan at may bibilhin ako. At baka gusto mong kumain sa mga masarap na mga kainan doon. Sagot ko na."

Tumango si Himala napangiti. "Sige po, maraming salamat po."




ABALA sa pamimili ng gulay at prutas si Araceli. Naisipan niyang mamalengke sa 'Mercado ng Bayan' upang may makakain agad mamaya si Arturo kapag nakauwi ito.

"Nakita ko talaga kung gaano kakilabot ang mga taong-lobo noong minsan ay sinunog sila sa harapan ng munisipyo. Akala natin ay mga aswang ang gumagambala sa atin, mga taong-lobo pala." Sabi ng isang tindera ng mga itlog.

"Naku! Mukhang kamag-anak naman kasi sila ng mga aswang kung kaya ay mukhang aswang na rin. Ang pagkakaiba nga lang ay umaangil sila na katulad ng isang aso." Sagot ng isang tindera ng mga kamatis. Magkatabi lamang ang kanilang tindahan kung kaya ay hindi maiwasan ang pakikipag-usap.

"Bakit ba kasi mayroong ganiyan ano? Mga kampon talaga ng kadiliman. Akala ko ay nawala na sila. Para silang mga kabute! Sumusulpot ng pabigla-bigla."

Lumapit si Araceli sa tindahan ng mga kamatis at namimili. Kahit iniiwasan niyang hindi makinig ay talagang malakas ang kanilang mga boses.

"Ale, sangkapat lamang na kilo ang kukunin kong kamatis." Sabi ni Araceli at inilagay niya ang napiling kamatis sa isang papel na malapad.

Natigil sila sa pag-uusap at binaling ang tingin kay Araceli. "Hija? Ikaw ba iyong pamangkin ni Alcalde Juan?"

Marahan na napatango si Araceli at napangiti.

"Ang ganda mo hija...mabuti na lamang at ayos ka."

"Opo. May awa ang Diyos." Nahihiyang tugon ni Araceli.

"Mag-iingat ka parati. O, dos sentimos lang lahat." Saad ng tindera sa kaniya. Sabay abot ng kamatis na nakabalot sa papel. Ibinigay na rin ni Araceli ang bayad.

Dala-dala ang bayong na naglalaman ng sari-saring gulay at prutas ay naisipan niyang bumili ng karne ng baboy at vino.

Naiingganyo siya sa paligid dahil maraming taong abala, may mga kalesa at may mga tindahan na nagsisimula ng mag sindi ng mga lampara.

Pumasok siya sa tindahan ng mga vino.

Hmmm... Ubas na vino? May vino rin galing Armenia...mukhang magugustuhan ito ni Arturo.

Nag-iisa na lang din ang Vino na galing Armenia kung kaya ay hindi na nag-atubili pa na kunin ni Araceli ang bote.

Nang mahawakan niya ay may biglang napahawak rin sa bote. Pamilyar ang mga kamay at agad na napunta ang kaniyang paningin sa may-ari ng mga kamay.

Si Xavier...

"Ginoong Xavier, ayos na po itong vino na aking napili, tiyak na maging masaya si tatay---" Natigilan si Himala nang makita si Xavier na nakatitig sa mga mata ng isang binibini na sa tingin niya ay napapabilang sa mataas na antas.

Samantalang si Araceli ay natigilan.

"Nag-iisa na lamang ang vino na ito." Biglang sabi ni Xavier at iniwas ang kamay niya  sa bote. Kinakailangan niyang tatagan ang sarili na hindi mangulila sa mga yakap ni Araceli. Samakatuwid, gusto na niyang iwasan ang presensya nito ngunit heto... pinagtagpo na naman sila ng tadhana.

"G-gusto mo, sa'yo nalang?" Tanong ni Araceli. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan na niya naman si Xavier.

"Sa'yo na lang."

Napakagat ng labi si Araceli at napayuko.

"Hangga't may dapat akong iparaya ay gagawin ko." Sambit ni Xavier. Tapos napatingin na rin siya sa gawi ni Himala na ngayon ay abala sa pagtingin ng mga vino.

"Mag-ingat ka parati, Ara." Ganoon na lamang ang nasabi ni Xavier at pinuntahan na niya si Himala.

Si Araceli naman ay naiwan at hindi na makagalaw sa pwesto. Tila may anong kirot sa puso niya. Sa kaniyang palagay ay malamig na ang pakikitungo sa kaniya ni Xavier.




NAKADUNGAW na lamang si Araceli ngayon sa kanilang asotea na kakagawa lamang. Pagkatapos ng kanilang hapunan ay bumalik ang kaniyang esposo sa pag-aayos ng mga papeles sa  sala.

Nakaharap si Araceli sa isang masukal na kagubatan at may naaninag siyang mga ilaw ng lampara na tila ba mangangahoy ang naroroon. Napayakap nalang siya sarili at napahinga ng malalim. Tanging ilaw lamang ng lampara ang kaniyang kasama.

Hindi niya batid kung bakit naging malungkot siya nang makita si Xavier kanina.

"Hangga't may dapat akong iparaya ay gagawin ko."

Nanunumbalik sa kaniyang isipan ang  sinabi ni Xavier.

Napapikit na lamang siya at napailing.
Napasandal siya sa isang kahoy na siyang temporaryong haligi ng asotea.

Sa hindi inaasahan ay biglang nakarinig siya ng nababaling kahoy. Huli na nang makalayo siya kung kaya ay nalaglag siya.

Napapikit siya at inaasahang madama ang matigas na lupa.

Unti-unti niyang inimulat ang mata. Tumambad sa kaniyang harapan ang seryosong mukha ni Xavier.

"P-paano ka nakarating dito?" Biglang tanong ni Araceli na kasalukuyang nasa bisig ni Xavier.

"Sa susunod ay huwag kang sasandal kahit saan."

Biglang napaiwas si Araceli at tinapik na lamang ang kamay ni Xavier upang ibaba siya sa pagkakabuhat dahil baka may makakita sa kanila.

"B-bakit ka nandito?"

"Dahil nandito ka rin?" Patanong rin na sagot ni Xavier. "Ako'y nagbibiro lamang. Hinatid ko lang ang aking kasama kanina sa kanilang tahanan."

"S-salamat."

"Wala iyon. Ako'y uuwi na. Maari ba akong dumaan dito?"

"Wala pa rin bang direksyon ang inyong tahanan? Ikaw ba ay nakatira sa gitna ng kagubatan? Yung totoo?"

Napahinga ng malalim si Xavier. "Sa likod ng kagubatan na ito ay ang karatig bayan na kung saan naroroon ang aming tahanan... Ako'y lilisan na. Magandang gabi." Sabi ni Xavier at tumalikod na.

"Sino ka ba talaga, Xavier? Alam ko na matagal na tayong magkakilala, umabot pa sa punto na nahulog pa tayo sa isa't-isa..."

"...nais ko lamang na malaman kung ano ba ang mayroon ka?"

Natigilan si Xavier. Si Araceli naman ay hindi na maintindihan ang sarili. Para sa kaniya ay napaka-misteryoso pa rin sa kaniya ng binata. Kahit ilang taon na ang nakalipas ngunit naroroon pa rin ang mga katanungan na hindi maalis-alis sa kaniyang isipan.

"Kapag nalaman mo kung sino ako ay para mo na ring hinahanap ang kasagutan kung anong pinagkaiba ng apoy sa tubig." Sabi ni Xavier na nakatalikod pa rin kay Araceli.

"Isa sa mga rason kung bakit nag-atubili ako na sagutin ka noon ay hindi pa kita kilala, dagdagan pa ng mga problema."

Napaharap si Xavier at nakapamulsa na lamang. "Dahil hindi mo ako pinagbigyan na magpaliwanag..."

"...paano mo pa ako makilala kung ikaw na mismo ang kusang bumitaw at lumayo?"

"Dahil ayaw kong maging hadlang."

"Saan?"

"Sa babaeng naging esposa mo na ngayon."

Ngumisi si Xavier. "Walang namamagitan sa amin. Hindi ko nga anak ang dinadala niya. Ginawa niya lamang iyon dahil, nahihibang siya."

Natigilan si Araceli sa narinig at napakunot-noo siya.  "Ano? Ibig sabihin ay ginamit niya lamang iyon para mapalapit ka sa kaniya?"

"Mismo."

Panandaliang pumagitna sa kanila ang katahimikan. Tanging tunog ng kuliglig at kuwago lamang ang kanilang naririnig. Ginapangan ng pagsisisi si Araceli.

"Matulog ka na, Ara. Ako'y nagagalak na nag-kita at nag-usap tayo ngayon ng hindi inaasahan."

"Xavier..."

"Pakiusap, Ara. Umuwi ka na at baka naghahanap na sa'yo si Arturo."

"Kung sakaling bumalik man ang mga oras na naroroon tayong dalawa...hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na kilalanin ka at makasama ka."

"Impusible na iyon. Hindi na mangyayari. Pawang panaginip na lamang iyan sa akin kung tutuusin..." Litanya ni Xavier.

"...mahalin mo ng tunay si Arturo. Huwag kang gagawa ng kasalanan sa kaniya."

"May binibini ka na bang napupusuan?"

"Hindi ko na inaasam ang mga 'yan. Mabuti pa ay bumalik ka na sa inyong tahanan. Uuwi na rin ako."

Ngunit nagulat na lamang si Xavier na napayakap sa kaniya si Araceli. "May rason ang lahat kung bakit ako nahulog kanina. Nariyan ka pa rin pala saluhin ako. Gaya noon."

Napapikit na lamang si Xavier at tumugon sa mga yakap ni Araceli.

"Isa lamang ang aking hiling, nawa'y mag-iingat ka parati."

"Gusto kong bumalik sa dati, Xavier."

"Wala na tayong magagawa, ikaw ang pumili ng iyong sariling tadhana." Napahinga ulit ng malalim si Xavier at kumalas na sa pagkakayakap.

"Ayaw kong maging hadlang sa inyo. Hangad ko ang inyong kaligayahan. Isa ka ng Torres, tandaan mo iyan." Dagdag pa ni Xavier.

Nakatitig lamang si Araceli sa mga mata ni Xavier, kahit na madilim ay malinaw na nakikita niya ang maamong mukha nito. Tila nahihiwagaan siya dahil kung anong nakikita niya noong una nilang pagkikita ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Walang bakas ng katandaan.

"Ang iyong mga mata..."

Napaiwas ng tingin si Xavier at baka mabisto siya ni Araceli na siya ang nagligtas dito.

"...hindi ko malilimutan..."

"...magkikita at magkikita parin tayo, Xavier, hindi ba?"

"Isa kang hiwaga kung aking maituturing..."

Malakas na ang tibok sa puso ni Xavier. Punong-puno ng pagsisisi ang mga mata ni Araceli.

Pinunasan niya rin ang mga luha ng dating sinisinta.

Inilapit ni Xavier ang kaniyang mukha at inilapat ang kaniyang mga labi sa labi ni Araceli.

Nagulat man si Araceli ay ipinikit na lamang niya mga mata at tumugon sa mga halik ni Xavier.

Pagkatapos ng eksenang iyon ay napangiti si Xavier.

"Ikaw lamang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi." Sabi ni Xavier.

"Matulog ka na Ara...bumalik ka na sa inyong tahanan."

Napatango si Araceli at tumalikod na.

Sinundan lamang siya ng tingin ni Xavier habang lumalayo.

Hindi na maawat ang mga luha ni Araceli habang papasok ng mansion at dumiretso siya ng palikuran.

Punong-puno siya ng pagsisisi. Nakokonsensya na rin siya dahil para bang hindi niya kayang masuklian ang pagmamahal sa kaniya ni Arturo.

Ang aking disesyon ang naging hadlang sa lahat. Oras na siguro para tanggapin na malabo na talagang bumalik sa dati at dapat na harapin ang kasalukuyan.

Litanya ni Araceli sa kaniyang isipan.

---•••---•••---•••---•••----•••---•••----

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro