Kabanata 18: Siklab ng Galit
---•••---•••---•••----•••---•••---•••
NARATING na ni Xienna at Don Quasimodo ang bahay-pagamutan ngunit ang naroroon lamang ay si Mateo, Don Tiago, at Enrique na ngayon ay nakadapa sa higaan. Natunghayan ni Xienna kung gaano kalalim ang sugat sa likod ni Enrique kung kaya ay hindi na siya nag atubili na maghanap ng mga gamot panlunas sa mga tukador ni Xavier.
"A-ano ba ang mga naging nangyari? S-si Xavier, saan?" Tanong ni Don Quasimodo kay Don Tiago.
Inilapag na muna ni Don Tiago ang isang bimpo sa isang batya bago nagsalita. "Bigo ako sa pagpainom ng gamot kay Nathaniel. Natapon ang bote dahil may sumipa sa aking kamay. Si Xavier naman ay binalikan ang bilangguan..."
"Mga alipores po ni Don Diego ang lumusob." Singit ni Mateo.
"Paano ninyo nasabi na alipores niya?"
"Kulay pula ang mga talukbong." Sagot ni Mateo.
Doon na nagimbal si Don Quasimodo. Nagsimula na siyang magduda at baka nakinig talaga sa kanila si Estrella noong minsang nag-usap sila ni Xavier. Hindi niya naisip 'yon.
"Hindi nga ako nagkakamali na may tinatago na ugaling Diablo 'yan si Diego." Wika ni Don Tiago at may halong galit ang bawat salitang binibitawan niya.
Napahinga ng malalim si Don Quasimodo at napatingin ngayon sa gawi ni Xienna na ginagamot si Enrique. Minsan napapa-igik sa sakit ang binata. Malalim ang sugat nito na kahit hindi ka lumapit ay makikita mo ang laman sa likod ng binata. Pati ang higaan ay nababahiran ng dugo.
Nabigla silang lahat nang may kumalabog.
Si Xavier ang dumating na nanghihina at malakas na napasandal sa pintuan habang akay si Nathaniel na walang malay.
Agad na napatayo si Mateo at inakay si Nathaniel at pinahiga sa malapit na higaan. Si Xavier naman ay inakay rin ni Don Quasimodo. Maputla si Xavier at nakaramdam siya ng pagkahilo.
Dinampot ni Xavier ang maliit na bote sa sahig. Samantalang si Nathaniel naman ay nakatingin lamang sa kawalan at ngumingiti matapos na kanina'y nagwawala.
"Nathaniel, si Xavier ito... maaari mo akong lapitan, gagamutin kita."
Ngunit nanatiling ganoon pa rin si Nathaniel. Wala ng ibang nagawa si Xavier kundi ang gapusin si Nathaniel gamit ang kaniyang bisig.
"Bitawan mo ako! Mga diablo!" Sigaw ni Nathaniel at pilit na kumakawala sa gapos ng bisig ni Xavier.
Hinawakan ni Xavier ang panga ni Nathaniel upang pilit na ipainom ang gamot. Hanggang sa nalagok iyon ng binata. Bigla itong nawalan ng malay.
"Anak, ano ba ang nangyari? Wala ka namang galos pero tila ba ikaw ay nanghihina?" Pag-aalang tanong ni Don Quasimodo.
Nakapikit lamang si Xavier habang nakahiga at pinapakinggan ang katanungan ng kaniyang ama.
"Sa tingin ko ama ay kailangan rin na gamutin si Xavier. Hindi man siya nagalusan pero sa tingin ko ay inilaan niya ang buong lakas sa pakipaglaban." Saad ni Xienna.
"Hindi malabo." Ikling tugon din ni Mateo sa kanila.
Maya-maya pa ay dumating si Don Alejandrino Cabrera at ang pinsan ng magkakapatid na si Creselda. Natunghayan nila si Enrique na nakahandusay sa higaan na tila ba hirap na hirap sa kaniyang sugat sa likod.
"Enrique!"
"Ama, huminahon na po kayo. Ayos na si kuya. Nagamot na siya ni Ate Xienna." Sabi ni Mateo habang nakahawak sa mga balikat ng ama upang pakalmahin ito.
Bakas sa mukha ni Creselda na nag-aalala siya sa kaniyang dalawang pinsan. Naaalala na naman niya ang mga panahong namatay ang ina nila Enrique at Mateo dahil sa lason, hanggang sa ngayon ay hindi parin matukoy sino ang may kagagawan. Ayaw na niyang matunghayon 'yon na nilalamon ng kaniyang kamatayan ang isang tao.
"PUNYETA!" Mura ni Don Diego nang malaman sa mga nakaligtas na tauhan na hindi basta-basta matatalo si Xavier.
Dumating din si Estrella sa bahay ng ama at dala-dala si Agustin. "A-ama, aking na batid na may nangyari sa bilangguan."
"Dumito muna kayo sa tahanan. Delikado na at kung ano pa ang gawin sa inyo ni Xavier... Sumasakit ang aking sintido!" Inis pa na sabi ni Don Diego.
"A-ano na lang ang a-ating gagawin ama?" Natatarantang tanong ni Estrella.
Lumabas rin si Doña Estellar sa silid at agad na kinuha ang apo at pumasok sila ulit.
"Bukas na bukas ay ang kabilugan ng buwan, kasabay ng akung mga alipores ay susugurin ko sila! Mamamatay sila!" Sigaw ng don na halos mamula na sa galit.
"At bilin ko lamang sa'yo Estrella ay tigil-tigilan mo ang kahibangan mo kay Xavier sa ganitong sitwasyon!" Dagdag pa ng don.
Hindi naman makasagot si Estrella at umupo na lamang sa katabing silya.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang kanilang lakas." Nagagalaiting bigkas ng don.
Samantalang si Estrella naman ay kinakabahan na sa mga pangyayari lalo na ngayon na humihina ang kaniyang kapangyarihan.
KASALUKUYANG kasama ni Araceli ang kaniyang ate, si Ariana, Claridad, at Catalina sa kaniyang silid. Nagsisimula ng mag-impake at maglinis si Araceli dahil sa akinse ay lilipat na siya sa bagong bahay nila ni Arturo.
"Kung magkakaanak kayo ni Arturo ay ano ba ang ipangalan mo?" Tanong ni Catalina habang nakaupo sa higaan niya at abala sa pagtutupi ng mga panyo ni Araceli.
Napangisi rin si Amanda sa kapatid dahil natigilan ito sa tanong ng kaibigan.
"Naku, Catalina... w-wala pa sa isip ko ang mga 'yan." hinhin na tugon ni Araceli.
"Ano? Dios por Santo, mahabagin!" Reaksiyon ni Catalina kay Araceli.
Bigla ring pumasok si Kasandra na dala-dala ang mga malalaking tampipi. Minsanan nalang kung makapunta sa mansion si Kasandra simula noong nagkasakit ang tatay nito. Naintindihan naman ng don na kailangan ng dalaga na pagtuunan ng pansin ang tatay nito.
"Bakit?"
"Bente otso kana. Tandaan mo 'yan." Singit ni Amanda habang kinukuha ang mga libro sa tukador ng kapatid.
Napahinga nalang ng malalim si Araceli.
"O siya sige. Kapag babae, papangalanan ko ng Via Dolorosa---"
"Ano?!" Sabay na sabi nila Amanda, Ariana, Claridad, at Catalina.
Napangisi naman si Araceli habang nagtutupi ng kaniyang baro at saya. "Bakit? Ang ganda ng ganiyang pangalan."
Napa-sangalan ng ama (sign of the cross) naman si Catalina. "Alam mo ba anong ibig sabihin ng Via Dolorosa, Ara?"
"Oo naman."
"P-pero bakit, ate? Hindi ba't ang ibig sabihin ng Via Dolorosa ay ang dinaanan ni Hesus noong siya'y ipapako sa krus sa kalbaryo at dala-dala niya ang buong paghihirap?" Wika ni Ariana.
"Hayaan mo na ang iyong ate kung gusto niya 'yan. Maganda naman pakinggan." Pakli ni Amanda.
"Paano kung lalaki?" Patuloy na pagtatanong ni Catalina.
"Bartolome." Ikling sagot ni Ara.
Napahinga naman sila ng malalim nang marinig ang pangalan. "Mabuti naman ate at ganiyang ang naisip mong pangalan, akala ko papangalanan mo ng hudas." Pakli ni Ariana. Batok naman ang inabot niya kay Claridad.
Napatawa nalang silang lahat.
"Magandang araw, mga binibini." Bati ni Santiago sa kanila na kakarating lang.
"Nandiyaan ka na pala, sinta. Kumusta ka?" Tanong ni Amanda. Lumapit siya sa kaniyang esposo at napangiti tsaka humalik sa pisngi nito.
Kinilig naman si Claridad at Ariana.
"Ayos lang ako, sinta. Medyo napagod lamang sa trabaho. Saan ba ating anak?"
"Naroroon sa kaniyang lolo at lola."
Napatango naman si Santiago at napangiti na lang.
"Nais mong kumain? May mga ulam at kanin pa sa kusina." Aya ni Amanda sa kabiyak.
"Nakakahiya sa magulang mo."
Napairap nalang si Amanda at napangiti sabay iling. "Naku! Parang ibang tao ka naman umasta."
"Sige." Tugon ni Santiago at napangiti ng marahan.
"Babalik lang ako ha, aasikasuhin ko muna aking esposo." Paalam ni Amanda sa kanila.
Ngunit bago pa man sila tumungo sa kusina ay may inabot si Kasandra na isang liham.
"Para ho sa inyo, Heneral Santiago." Sabi ni Kasandra.
Napakunot-noo naman si Santiago. "Kanino ito galing? Sino ba ang nagpadala?"
"Inabot lang po sa akin ng isang lalaki na nakasakay ng kalesa, katulad ho siya ng suot ninyo. Parang nagmamadali po."
Binuksan naman ni Santiago ang liham at binasa ang nakasaad. Pati si Amanda ay nakibasa rin.
Santiago,
Bumalik ka muna ulit sa himpilan dahil may kailangan tayong suriin at sisiyasatin.
Pablo Villacorte
"Si kuya ang nagpadala. Mukhang kinakailangan ako doon."
Si Pablo Villacorte ay ang nakakatandang kapatid ni Santiago, nasa mataas na ranggo ito at hindi basta-basta ang kaniyang posisyon. Kahit na si Santiago na pangalawang heneral at taga-siyasa ng mga krimen sa bayan ay nahihirapan na din ngunit kailangan sila ng taong-bayan.
"Hindi ka kakain?"
"Mamaya na lang o kakain na lang ako sa lungsod." Agad na hinalikan ni Santiago ang pisngi ni Amanda at nagmamadaling umalis.
"Mag-iingat ka doon, sinta!" Bilin ni Amanda.
Bumaba naman si Doña Viviana at Don Felipe na dala-dala si Marcelo.
"Bakit kaya nagmamadali si Santiago?" Tanong ni Don Felipe.
"Baka may krimen na namang nangyari, ama." Sagot ni Amanda.
Napailing nalang si Don Felipe.
UNTI-UNTI ng nagkakaroon ng malay si Xavier. Pinakiramdaman niya ang paligid bago inimulat ang mga mata.
"Mabuti na lang at nagkamalay ka na." Bungad ni Xienna sa kapatid.
Agad na napatingin ang lahat kay Xavier maliban kay Nathaniel na hanggang ngayon ay wala pang malay.
Agad napabangon si Xavier na parang walang nangyari at tumungo sa higaan ni Enrique.
Nangingitim na ang laman ng sugat ni Enrique.
"Nilinisan ko lamang ang kaniyang mga sugat at nilagyan ng kaunting pampalunas, hindi ko gaanong kabisado ang mga gamot." Litanya ni Xienna.
Agad na kumuha ng isang bote si Xavier na naglalaman ng likido sa tukador niya kung saan agad na maghihilom ang sugat. Natatandaan ni Xavier na ito ang iginamot niya kay Nathaniel noon nang minsan itong nasugatan.
Ipinatak agad ni Xavier ang likido sa likod ni Enrique. Napasigaw si Enrique sa hapdi. Umuusok pa iyon.
Unti-unting naghilom ang sugat ni Enrique at sa pangyayaring iyon ay nakaramdam ng kaginhawaan ang binata. "M-maraming salamat, kaibigan. Akala ko ay mamamatay na ako." Wika ni Enrique at napabangon na.
Si Don Alejandrino, Don Quasimodo, Don Tiago, Mateo, at Creselda ay humanga sa angking galing ni Xavier sa paggamot.
"Maraming salamat, Xavier." Pasalamat ni Don Alejandrino.
"N-nasaan a-ako? T-tubig, bigyan ninyo ako ng tubig."
Napalingon ang lahat sa gawi ni Nathaniel. Natigilan ang lahat maliban kay Xavier na agad kumuha ng isang basong tubig at nilapitan ang kaibigan.
"Kailangan mong magpahinga muna, Nathaniel." Pakli ni Xavier at inalalayan ang kaibigan na mapainom ang tubig.
Napalapit din si Don Tiago at hinaplos ang buhok ng anak. Labis siyang nag-alala at ngayon ay masaya siyang mukhang bumalik sa katinuan si Nathaniel.
"A-ano ba ang mga pangyayari?" Tanong ni Nathaniel na parang ang isipan ay bagong gising lamang mula sa mahabang pagkakatulog. Wala siyang matandaan.
"Magpahinga ka muna anak, tyaka na namin ipaliwanag ang lahat kapag ayos na ang iyong pakiramdam." Wika ni Don Tiago.
Agad na napapikit si Nathaniel at pinipilit na inalala ang lahat. Ang huling natatandaan niya ay nakahiga siya habang umiiyak sa sakit na nararamdaman. Hindi rin niya batid kung bakit siya umiiyak noon.
PEBRERO 14, 1855
INAAYUSAN na ngayon ni Amanda si Ariana. Kasalukuyan silang nasa silid ni Arturo.
"Napakaganda mo naman, Ara" Wika ni Catalina.
Pumasok na rin sa silid si Ariana habang buhat si Marcelo.
"Salamat linang. Ikaw na naman susunod." Tugon ni Araceli.
Maayos ang pagkakagawa ng mga disenyo na palamuti sa buhok ni Araceli. Ito ay magarbong payneta pangkasal. Nakalugay ang kaniyang kulot na buhok bagay na nagpapatingkad sa kaniyang kagandahan.
Pumasok si Doña Viviana sa silid habang dala-dala ang belo sa ulo ni Araceli. "Huwag ito kakaligtaan." Wika ni Doña Viviana.
"Ayos ba ina? Magaling na ba akong mag-kolorete ng mukha?" Tanong ni Amanda.
"Aba'y oo! Parang isang diyosa na ngayon si Ara." Pagmamalaki ni Doña Viviana.
Pulang baro at saya ang suot ng mga abay na babae samantalang sa mga abay na lalaki ay puting tsaleko na napaparesan ng itim na isláks. Sa mga mumunting binibini ay kulay pula rin ang baro at saya. Ang loob ng kanilang cesta (basket) ay mga talulot ng pula at puting gumamela na siyang paborito ni Araceli. May mga mumunting ginoo rin na magdadala ng kalapati, lubid pangkasal, at singsing.
Si Marcelo naman ang maging munting ginoong magsusuot ng katulad kay Arturo at ang anak naman ni Heneral Pablo Villacorte na si Constanza ang magsusuot ng katulad kay Araceli.
"Handa na ba ang lahat? Naka helera na ang mga kalesa sa labas. Paniguradong hinihintay ka na din ni Kuya Arturo, ate." Saad ni Daniel.
Napangiti naman si Araceli sa sinabi ni Daniel.
Inalalayan na siya ni Amanda at Doña Viviana upang makatayo at lumabas na ng silid.
"Tiyak na ikaw ang pinakamasayang ikakasal ngayon." Bulong ni Doña Viviana sa anak.
NANG makarating na ang lahat sa simbahan ay agad na humilera ang mga munting binibini at mga munting ginoo pati na rin ang mga abay.
"Huwag mo nga ako titigan ng ganiyan!" Suway ni Araceli kay Crisologo. Naging tumpulan sila ng tukso dahil sinadya talaga ni Araceli at Arturo na maging kapareha ni Ariana si Crisologo.
"Humawak ka na kasi sa aking bisig. Tingnan mo sila, nakahawak na. Ikaw nalang ang hindi." Litanya ni Crisologo.
Napairap naman si Ariana at inis na humawak sa mga bisig ni Crisologo.
Tumunog na rin ang kampana hudyat na mag sisimula na ang seremonyas ng kasal.
Nakahawak na ngayon si Araceli sa bisig ng kaniyang ama at sa tabi naman niya ay ang ina.
Bumukas na ang malaking pintuan ng simbahan at naroroon sa altar si Padre Sebastian. Samantalang si Arturo ay handa ng salubungin ang kaniyang magiging kabiyak habang buhay.
"Kinakabahan ako, ama." Bulong ni Ara sa ama.
"Natural lamang iyan, anak. Ito ang bagong simula ng iyong buhay."
Tinatahak na ng mga munting binibini at munting ginoo ang gitnang-daanan patungo sa gilid ng altar. Sumunod na rin ang mga abay, at pagkatapos ay ang munting ginoo na nagdala ng mga singsing, lubid pangkasal, at kalapati. Sunod ay sina Marcelo at Constanza.
At ang huli ay si Araceli. Hindi niya wari ang kaniyang nararamdaman. Napahawak na lang siya ng mahigpit sa dala niyang kumpol ng bulaklak.
Maraming tao ang nakatingin sa kaniya ngayon. Si Amanda naman ay panay punas ng kaniyang luha dahil masaya siya na ikakasal si Araceli ngayong araw.
"Ingatan mo ang aking anak, Arturo." Wika ni Don Felipe nang marating ang dulo ng daanang-gitna ng simbahan.
"Opo, pangako." Sagot ni Arturo sabay ngiti.
Tinapik na ni Don Felipe ang balikat ni Arturo at tumungo na sila sa mahabang bangko katabi sa mga magulang ni Arturo.
Hinawakan na ni Arturo ang mga kamay ni Araceli at humarap na sa altar.
"SISIMULAN na natin ang pag-iisang dibdib nila Arturo at Araceli..." Wika ni Padre Sebastian.
"...Arturo, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Araceli,
na maging kabiyak ng iyong puso,
sa habang buhay, sa hirap at ginhawa,
sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay,
gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Napangiti si Arturo na ngayon ay nakatitig sa mga mata ni Araceli. "Opo, Padre."
"Araceli, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Arturo,
na maging kabiyak ng iyong puso,
sa habang buhay, sa hirap at ginhawa,
sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay,
gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
"Opo, padre." Sagot ni Araceli.
"Arturo, maaari mo ng hagkan ang iyong kabiyak na si Araceli."
Dahan-dahan na hinawakan ni Arturo ang belo ni Araceli at inilagay niya ito ng maayos sa likuran. Lumantad sa kaniyang harapan ang maamong mukha ni Araceli. "Ang ganda mo." Pakli ni Arturo.
Napangiti nalang si Araceli. Unti-unti namang inilapit ni Arturo ang kaniyang mukha sa kabiyak.
"Marcelo!" Suway ni Amanda nang makita na hinila ng bata ang belo ni Araceli at natanggal ito.
Agad na kinuha ni Amanda ang anak pati na ang belo.
Lahat ng atensyon ay napunta kay Marcelo. Napatawa nalang ang lahat sa kapilyuhan ni Marceli at isa pa ay hindi agad nakahalik si Arturo.
"Ulitin natin... Arturo, pwede mo ng hagkan si Araceli." Nakangiting sabi ni Padre Sebastian sa dalawa.
Inilapat na ni Arturo ang kaniyang labi sa labi ni Araceli.
Ang unang halik ni Araceli.
NAGSASAYAHAN na ang lahat sa piging sa likuran ng mansion ng mga Torres. Malawak ang espasyo ng likuran kung kaya ay mas pabor sa lahat lalo na at maraming bisita.
Papatago na rin ang araw kung kaya ay binuksan na ang mga mumunting mga ilaw at nagsimula na rin na tumugtog ang mga rondalla.
Naghanda na rin sila Ariana para sa kanilang sasayawing tinikling.
Pagkatapos ng huling mensahe ni Don Felipe kina Araceli at Arturo ay tumungo na agad sa harapan sina Ariana, Claridad, Crisologo, at Daniel.
Agad na nagpalakpakan ang lahat. Napangiti naman si Araceli sa kanila.
"Alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayon?"
Napalingon si Araceli, puno ng sinseridad ang mga mata ni Arturo ngayon na nakatitig sa kaniyang esposa.
"Walang makakapantay ng lahat ng ito, langga." At hinalikan ni Arturo ang mga kamay ni Araceli.
"Maraming salamat, langga. Habang buhay na tayong magsasama." Sabi pa ni Araceli.
Nagsisimula ng magsayaw sina Ariana. Napapaindak ang mga bisita sa tugtog ng rondalla.
"Kabilugan pala ang buwan ngayon? Ba't hindi nailagay sa ating kalendaryo?" Bulong ni Doña Viviana sa esposo.
"Hayaan mo na, hindi na man lulusob ang mga taong-lobo dito." Tugon ni Don Felipe at hinawakan ang kamay ng Doña.
Napausog rin ng kaunti si Alcalde Juan sa kapatid. "May masama akong nararamdaman ngayon, sumisilay ang kabilugan ng buwan, hindi ko akalain na ngayon ang kabilugan."
"Naku, napadami ka lang ng pagkain, kapatid." Litanya pa ni Don Felipe.
Nagkibit-balikat naman si Alcalde Juan at napatingin nalang sa nag titinikling sa harap.
"Masama ang aking pakiramdam, uuwi na kami." Sabi ng esposa ni Alcalde Juan.
"Mabuti pa, hindi rin ako komportable. Kabilugan pa naman ng buwan." Litanya niya sa kaniyang asawa. Tapos hinatid sa labas upang makasakay ng kalesa.
Habang nagsasayahan ang lahat biglang humangin ng marahan para mapayakap si Araceli sa sarili. Natapos na ang pag representa ng sayaw at magsimula ng maghain ang mga serbidora ng mga handaan.
"Ayos ka lang ba langga? Giniginaw ka ba? Gusto mo ipagkukuha kita ng makapal na balabal?" Tanong ni Arturo.
"H-huwag na, langga. Ayos lang ako." Pero sa totoo lang ay kumakabog ng malakas ang puso ni Araceli at hindi niya wari kung bakit.
"Para po sa inyo." Sabi ng isang serbedora at hinihain sa kanila ang isang pagkain.
"Salamat po." Sabi ni Arturo.
"Kumain na rin kayo." Dugtong ni Araceli.
Napangiti at napatango ang serbidora.
Nasa harapan sila ngayon sa napakaraming bisita. Medyo nakakaramdam ng pagkailang si Araceli ngunit hindi niya lang pinapahalata dahil baka sumama ang loob ni Arturo sa kaniya.
"NGAYON na ang gabi para maghasik ng lagim! Nais kong galitin ang tatlo dahil pinagkakaisahan na nila ako!" Nanggagalaiting sabi ni Don Diego.
Habang ang mga alipores naman ng don ay handa ng magpalit ng anyo, ay naroroon si Estrella na nanunumbalik na ang lakas sa hipnotismo.
Kanina lang ay may pinaslang ang tauhan ni Don Diego upang may makain si Estrella. Wala ng mata, puso, atay, at mga bituka ang napaslang at hinayaang humandusay ang katawan nito sa harapan ng isang lumang rebulto ni Birhen Maria na naroroon malapit sa daungan.
"LAHAT KAYO AY MAGTUNGO SA BAYAN! KAININ NINYO ANG LAHAT NG GUSTO NIYO!" Sigaw ni Don Diego sa kanila.
Si Agustin naman ay pinatulog gamit ng hipnotismo upang mapigilan ang pagbabago ng anyo ng bata.
Nang sumilay ang buwan ay agad na nagpalit na sila ng anyo.
NAKARINIG na ang lahat ng ungol galing sa masukal na gubat. Halos nanindig ang kanilang balahibo ng mga bisita. Ang iba naman ay nagpaalam nang umuwi dahil sa lakas at dami ng alulong ng mga lobo.
"Huminahon ang lahat!" Pagpapakalma ni Don Renato sa mga bisita.
Binulungan nalang ni Alcalde Juan ang mga taga Rondalla na mas lakasan nila ang tugtugin upang hindi nila masyadong marinig ang alulong.
Kahit na si Heneral Santiago ay napahawak sa kaniyang rebolber na nasa gilid ng kaniyang baywang. Inutusan rin Heneral Pablo ang mga gwardiya-sibil na maging mapagmatyag.
Biglang nawala ang alulong.
Nakaramdam naman ng kaba si Araceli at parang may kumakaluskos sa likuran ng dingding.
"DIYOS KO!" Bulalas ng isang bisita nang may tumalsik na dugo sa kaniyang mukha.
Natanggal ang isang ulo ng Gwardiya sibil na nagbabantay sa gilid ng bagong-kasal.
Biglang nagkagulo ang lahat. Panay takbo ang iba at ang iba naman ay nagsisigaw sa gimbal.
"Umalis na kayo dito, Amanda!" Sigaw ni Don Felipe. "Iligtas ninyo ang inyong sarili. Mamang, si Ariana, saan?" Natatarantang tanong ng Don.
"Punyeta! Sumugod ang mga kampon ng mga Diablo!" Sigaw ni Don Renato at inilabas ang sariling rebolber.
Samantalang si Araceli ay natigilan sa isang gwardiya sibil na ngayon ay pugot na ang ulo.
"Langga!" Tawag ni Arturo at handa ng akayin si Araceli ngunit biglang tumilapon si Arturo at napaigik nang tumama ang likod niya sa isang nakatayong kawayan.
Unti-unti nang lumalapit ang taong lobo kay Araceli.
Napakapamilyar ng mga matang 'yon parang nakita na niya ito noon pa.
Halos nasa sampu ang mga taong-lobo ang lumusob sa kanila.
Panay na rin ang pagpapaputok ng baril ang mga Gwardiya sibil. Kahit na ang dalawang magkapatid na Villacorte ay asintado nilang binabaril sa ulo at sa dibdib ang mga taong-lobo.
Gulong-gulo na ang lahat. Natapon na ang mga pagkain, nasira na ang mga disenyo, may mga bahid na ng mga dugo ang puting tela.
"Kuya Arturo!" Bulalas ni Daniel at agad na hinila ang kaniyang kuya.
"Bigyan mo ako n-ng b-baril!" Sabi ni Arturo, galit na galit na siya ngayon.
Si Araceli ay humahakbang paatras habang nakahawak na siya ng isang kawayan.
Kakalmutin na siya at napapikit na lang siya at handa na niyang itarak ang kawayan sa dibdib ng taong-lobo.
Putangina!
Agad na iwinaksi ni Xavier si Estrella nang makitang kakalmutin na niya si Araceli.
Agad siyang napayakap kay Araceli na ngayon ay napapikit.
Nagtataka naman si Araceli at ang tanging nararamdaman niya ay ang init at mabalahibong bisig ng isang taong lobo.
Nasindak siya sa nakita dahil nakikita niya sa malapitan ang mahabang pangil nito at ang pamumula ng mga balintataw.
Napansin rin ni Araceli na nililigtas siya ng taong-lobo na ito, buong lakas nitong pinapatumba ang ibang taong lobo na sa wari niya ay kalaban.
Wala sa sariling napahaplos sa dibdib ng taong lobo at nagpasalamat.
Napatigil si Xavier at tiningnan ang mga mata ni Araceli na maluha-luha at tila wala sa sarili. May bahid na ng dugo ang kaniyang traje de boda.
Nakarinig si Araceli ng putok ng baril malapit sa kanila.
"PUNYETA KAYO!" Galit na sigaw ni Arturo.
At kitang kita ni Araceli kung paano pinalipad si Arturo ng isa pang lobo at bumulagta nalang ito sa lupa.
---•••---•••---•••---•••---•••
Featured Song:
https://youtu.be/06H_6oI4EK4
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro