Kabanata 16: Paglalahad
---•••---•••---•••---•••
"SUMUSOBRA na talaga sila!" Pagalit na sabi ni Don Tiago. Agad naman siyang niyakap ng asawa mula sa likuran.
Kagagaling lamang nila sa bilangguan ni Nathaniel. Doon ay makikita nila ang anak na payat na at parating balisa. Pinagbibilin rin ng tagabantay na walang manggagamot ang pwedeng makapasok dahil na rin sa batas ng lahat na kapag nakapasok ang isang tao na nawala sa sarili ay iniisip na ng lahat na isa itong parusa na kailangan pagbayaran.
"Hayaan na natin sila, ang isipin natin ngayon kung paano natin makumbinse ng palihim si Xavier na gamutin si Nathaniel."
"Punyeta! Sa palagay ko ay may kinalaman rin dito si Diego kung kaya ay hindi rin basta basta makakalapit si Xavier sa dating kaibigan..."
"...paano kung ako na ang mag disesyon na patalsikin siya sa pwesto?" Giit pa ni Don Tiago. Lumayo siya sa kaniyang asawa at kinuha ang tobacco sa mesa at sinindihan ito. Alam na alam niya ang mga kilos ni Diego at hindi malabo na binayaran niya ang tagabantay doon na hindi pwede magpapasok ng manggagamot.
"At pinalagpas ko rin lamang kagabi ang mga naging kilos ng kaniyang anak dahil may pagdiriwang, sa loob ng mahabang panahon sa pagiging tahimik ay sinusubok nila kung paano ako magalit!"
"Hayaan mo na, si Estrella lang naman ang may kagagawan ng lahat."
"Isa pa 'yan, punyeta! Kinukumbinse ang ama para lang sa kagagahan niya! Hindi ko maintidihan kung bakit umibig doon si Nathaniel." Sabi ni Don Tiago at humithit siya ng tobacco at binuga ang maraming usok. Napatingin siya ngayon sa gwardiya nila at balak na utusan na ipatawag si Xavier, Don Quasimodo at si Don Alejandrino Cabrera.
"Ginoo, pakisabi sa mga Sarmiento na papuntahin dito sa tahanan at pagkatapos ay papuntahin mo rin si Alejandrino dito."
Napatango ang guwardiya. "Masusunod po, Don Tiago."
MULA sa malayo ay natatanaw ni Xavier si Araceli. Umalis siya kanina sa tahanan nila ni Estrella at balak na pumunta kay Sebastian ngunit ito ang kaniyang naabutan.
Nang makita siya ni Araceli ay agad siyang napatago sa pader ng simbahan. Hindi pa siya handa na humarap sa dalaga lalo na ngayon na may ibang minamahal na ito.
Samantalang si Araceli ay pilit na nakikinig sa mga plano ng kaniyang ama at ina at maging kay Arturo ay talagang binabagabag siya ng kaniyang diwa na ihakbang ang kaniyang paa at puntahan ang ilalim ng akasya.
"Ah-padre S-sebastian, saan banda ang inyong palikuran dito?" Tanong ni Araceli.
"Sa may likod malapit sa nag-iisang kubo doon."
"Salamat po." Sagot niya at napatingin pa siya kay Arturo.
"Pasama ka nalang kay Ariana, para may kasama ka." Saad ni Arturo.
Nabaling naman ang sarili ni Ariana sa ate niya. "Magpapasama ka ba, ate?"
"H-huwag na. Saglit lang ako." Tapos nagmamadali na siyang pumunta sa likuran ng simbahan. Hindi naman siya naiihi sadyang binabagabag lamang siya ng kaniyang sarili, kung totoo ba na nakita niya si Xavier.
Hinahanap ng kaniyang paningin ang binata. Kumakabog na ng mabilis ang kaniyang puso. Humakbang siya patungo sa isang pader na sa palagay niya ay may nagtatago doon.
Si Xavier naman ay dahan-dahang humakbang patungo sa kubo, ngunit huli na ang lahat...
"Xavier..."
Hindi siya makalingon, nanatili siyang nakatalikod. Alam na alam niya ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"A-alam kong ikaw 'yan..." nauutal na bigkas ng salita ni Araceli. Tila nanunuyo ang kaniyang lalamunan.
Napapikit si Xavier at napahinga ng malalim bago humarap kay Araceli. Nang makita niya ang dalaga ay parang nanunumbalik siya sa nakaraan kung saan malaya niyang nalalapitan ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso. Kasabay ng paglapit ni Araceli sa kaniya ay ang paglagas ng mga kalimbahin (pink) na kulay ng bulaklak ng akasya at parang bumabagal ang mundong kinagagalawan nilang dalawa.
"Kumusta ka, Ara?" Iyan nalang ang naging bungad ni Xavier matapos ang mahabang panahong hindi nila nakikita ang isa't-isa.
May namumuong likido sa mga mata ni Araceli, sa palagay niya ay huli na ang lahat para sabihin ang narararamdaman. May kaniya-kaniya na silang mga kabiyak.
"S-sa palagay mo, ayos lang ba ako?"
"Sa palagay ko ay, oo. Masaya akong makita ka na kapiling ang iyong ginoong napili na samahan habang buhay." Wika ni Xavier, may pait sa bawat salita na kaniyang binibigkas.
Bakas rin sa mukha ni Araceli na gusto niyang yakapin ang binata at humingi ng tawad.
Hindi na siya nag-atubili pang lapitan si Xavier at yakapin ito ng mahigpit. Bumuhos na ang mga luha nito na gustong kumawala.
"Panaginip ba ito ulit?" Seryosong tanong ni Xavier at hindi niya kayang yakapin pabalik ang dalaga dahil kapag ginawa niya iyon ay parang ayaw na niyang kumawala sa bisig ng dalaga.
"H-hindi na ito panaginip...gusto kong humingi ng kapatawaran, Xavier..." Sabi ni Araceli habang humihikbi.
"...alam kong may kasalanan ako sa'yo. Alam kong malaki ang naitulong mo sa akin. Hindi kita malilimutan..."
"...huli man kung ito ay aking sasabihin... Mahal---" hindi na natapos ni Araceli ang sasabihin nang may boses silang narinig.
"Anong kahangalan 'to? Araceli, anong ibig sabihin nito?" Seryoso ang mukha ni Arturo na lumapit sa kanila.
Kanina pa nakaramdam ng kakaiba si Arturo sa pintig ng kaniyang puso kung kaya ay sinundan niya ang kabiyak.
Agad naman na kumalas si Araceli sa pagkakayakap kay Xavier at nagulat sa presensya ni Arturo.
"N-Nagkakamali ka sa iyong iniisip." Sabi ni Araceli kay Arturo. Nasa likuran lamang niya si Xavier na walang bakas sa pagkakabigla nang makita si Arturo.
"A-anong ibig sabihin ng iyong pagyakap? B-bakit kayo magkadikit?" Naguguluhan na ngayon si Arturo sa nakikita.
"H-hindi ganoon 'yon... humingi lang ako ng kapatawaran sa kaniya." Ikling paliwanag ni Araceli kay Arturo. Agad naman siyang hinila ng kabiyak.
"At ikaw, Xavier! Para sa iyong kaalaman ay pagmamay-ari ko na si Araceli, ikakasal na kami!" Giit na sabi ni Arturo habang dinuro-duro si Xavier.
Kalmado lamang si Xavier pero matalim ang kaniyang tingin kay Arturo.
"Ano ba ang nangyayari dito?" Napatingin silang tatlo kung sino ang dumating.
Si Padre Sebastian. Sumunod naman sakaniya si Doña Viviana, Don Felipe, at Ariana na ngayon ay hindi makapaniwala na nakita ulit si Xavier.
"M-magpapaliwanag ako padre... ama... ina..." Nanginginig na ngayon ang mga tuhod ni Araceli dahil naguguluhan na sila sa pangyayari.
"...sana'y huwag niyo bigyan ng malisya ang pagtatagpo namin ni Xavier...nagkataon lamang ang lahat." Naiiyak na naman si Araceli.
"Ano pala ang nangyari? Ano ba ang iyong natunghayan, Arturo?" Tanong ni Don Felipe.
"Ipagpalipas nalang po natin ang lahat ng ito." Seryosong tugon ni Arturo.
"Halika na, Xavier." Sabi ni Padre Sebastian, at inagbayan agad ang kaibigan nang makalapit ito sa kaniya.
"Matagal na mga taon na ang lumipas, bakit ngayon mo lang naisipan na magpakita?" Biglang tanong ni Don Felipe kay Xavier.
"Naging abala na po ako." Ikling tugon ni Xavier sa don.
"Magkakakilala pala kayo ni Xavier, Padre?" Tanong pa ni Doña Viviana.
"Opo, Doña."
Si Arturo naman ay iniwas na si Araceli at nauna na silang sumakay ng kalesa kasama si Ariana.
"Paumanhin..." Iyan nalang ang nasabi ni Araceli kay Arturo nang makasakay sila sa kalesa na hindi pa umaandar. Samantalang si Ariana naman ay nanatiling lutang ang isipan dahil hindi niya maintindihan ang pagtatapo ng tatlo. Matagal na rin kasi ang lumipas na hindi niya nakikita si Xavier.
"Natatakot ako." Pakli ni Arturo.
"S-saan?"
Napailing si Arturo at pilit iwinawaksi ang pagdududa. "H-huwag na natin isipin 'yon." Aniya ni Arturo.
"SAAN ka na naman ba galing? Susundan na sana kita." Inis na tanong ni Estrella kay Xavier.
"Gusto ko mapag-isa. Pagod na ako sa lahat." Walang ganang sabi ni Xavier. Nakasandal lamang siya sa silya at nakaharap sa bintana kung saan natatanaw ang isang batis.
"Ano na naman ba ang problema, Xavier?"
"Gusto mo malaman kung ano ang problema? Ikaw." Diretsong saad ni Xavier na lalong kinainis ni Estrella.
Bigla namang may kumatok sa pintuan ng kanilang mansion. Agad naman iyon binuksan ng isang gwardya.
"Kayo po pala, Don Quasimodo." at nag bigay galang si Estrella, nagbabait-baitan lamang siya kay Don Quasimodo upang hindi ilayo sa kaniya si Xavier.
"Mag-uusap kami ng aking anak. Importante. Kami lamang dalawa." Saad ng don at napangiti ng tipid. Tapos dumiretso sa anak na nakatalikod na nakaupo paharap sa bintana.
"X-xavier, kumusta ka dito?"
"Ama naman, parang hindi tayo nagkita kahapon."
"Nag-aalala lang ako sa'yo."
"Huwag na kayong mag-alala, ama. Kaya ko."
"Ang laki ng iyong pinagbago, kung seryoso ka noon, mas naging seryoso ka pa ngayon. Hindi na kita nakikitang ngumingiti."
"Umupo ka na muna ama, naparito ka?"
Umupo naman si Don Quasimodo sa bakanteng upuan sa tabi ni Xavier.
"Naparito ako dahil pinatawag ako ni Tiago kanina...kasama ka dapat kaso sinabi ng gwardya ay wala ka raw dito."
"Bakit?"
Lumapit naman si Don Quasimodo sa anak at ibinulong ang naging plano nila ni Don Romualdez.
May kung anong sumilay na ngiti kay Xavier.
Si Estrella naman ay nasa silid at minamasdan si Agustin na nakaupo sa isang sulok habang nilalaro ang laruang kahoy na binigay sa kaniya ni Xavier kahapon.
"Ina, nandiyaan na po ba si ama?"
"Oo, pero huwag kang lumabas."
"Bakit po?"
"Huwag ng maraming tanong."
Napayuko nalang si Agustin at tinitigan na lamang ang laruan.
"G-gusto ko po magkaroon ng kaibigan, ina."
Pinandilatan ni Estrella ang anak. "Walang kaibigan! Alam mo, lason lamang sila."
Hindi naman maintindihan ni Agustin ang sinasabi ng ina kung kaya ay napahinga nalang siya ng malalim at napasalong-baba na napatingin sa bintana kung saan nakikita niya doon ang ibang bata na masayang naglalaro sa batis. Nakita naman niya na may kumaway na isang batang babae sa kaniya ngunit sinuway agad ito ng isang matandang babae at umalis sila.
Pagkatapos ng pag-uusap ay umuwi na agad si Don Quasimodo. Naisipan naman na silipin ni Xavier si Agustin sa silid.
"Ama!" Tumakbo papalapit si Agustin kay Xavier. Agad naman niyang binuhat ang bata.
"Gusto mo bang pumunta ngayon sa batis?"
"Opo!" Masayang tugon ni Agustin. Napangiti si Xavier at lumabas sila ng mansion. Ni hindi man lang tinanong si Estrella kung gusto niya rin ba sumama.
NAPAUPO nalang si Araceli sa isang duyan sa likuran ng kanilang mansion at nakikinig sa mga huni ng ibon. Tanghaling tapat na at hindi pa rin siya nakaramdam ng gutom. Hindi na siya nilulubayan pa ng kaniyang pag-iisip kay Xavier.
"Gusto mo ng kakanin? Pampalubag loob."
Napaangat ng ulo si Araceli. "Ate Amanda?"
Napangiti si Amanda at binagay ang kakanin sa kapatid at nakiupo na rin siya sa duyan.
"Salamat ate. Buti at nakapasyal kayo rito, si Silong, saan?"
"Ay, nandoon kay Lolo Felipe niya."
Sandaling natahimik silang dalawa. Batid ni Amanda na may pinagdadaanan ang kapatid.
"Bakit ka nag-iisa dito? Si Arturo, saan?"
"Nasa tahanan nila. Kahit hindi niya sabihin, masama ang loob niya ngayon."
Napakunot-noo naman si Amanda. "Anong ibig mong sabihin, Ara?"
"Ate, si Xavier..."
"Ano? Anong nangyari kay Xavier? Nagpakita sa'yo?"
"Nakita ko siya. Nakita niya rin ako, hanggang sa nag-usap kaming dalawa... tapos, natunghayan iyon ni Arturo."
Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa nalaman. "Tapos? Anong nangyari?"
"Dumating sila padre Sebastian at sila ama."
Napahinga ng malalim si Amanda at idinampi ang kaniyang palad sa likuran ng kapatid.
"Hindi ko malimutan ang sinabi mo noon na may nararamdaman ka kay Xavier... nagising lamang ako na nililigawan ka na ni Arturo at matapos ang limang taon ay sinagot mo siya at ngayong katorse ay ikakasal na kayo. Parang napakabilis ng panahon..."
"...hindi ko rin maintindihan, Ara. Nawala na ba ang iyong pagtingin kay Xavier?"
Hindi makasagot si Araceli at napayuko na lamang. Kahit sarili niya ay hindi maintindihan.
"Sa tingin ko ay hindi pa nawawala ang iyong nararamdaman."
"Hindi ko naman lubusan pang kilala si Xavier, ate."
"Kasi nga, hindi mo binigyan ng pagkakataon. Nadala ka sa iyong emosyon, hindi mo siya hinayaang magpaliwanag..."
"...at ngayong parang huli na, parehas na kayong nakatali sa iba."
Nalungkot si Araceli sa sinabi ng kaniyang ate.
"Panindigan mo nalang ang naging disesyon, Ara."
"Bakit ba kasi ganoon ang tadhana? 'yung tipong may kapiling kana pero parang may kulang at may parang may hinahanap ka pa?"
"Huwag mong sisihin ang tadhana, ikaw naman mismo ang nade-desisyon sa sarili mo. Kung ano ang iyong naging pasya ay 'yun ang kalabasan ng tadhana." Aniya Amanda.
"Paano kung isang araw, ate... Magigising nalang ako na wala na akong nararamdaman kay Arturo?"
Napataas ang kilay si Amanda. "Kasi ang tunay mong iniibig ay si Xavier? Ganoon ba ang iyong gustong ipabatid? Isipin mo nalang ang nararamdaman ni Arturo. Mabait naman si Arturo, ikaw ang napili kahit maraming binibini ang nagkakandarapa sa kaniya. Mabait ang kaniyang mga magulang..."
"...at bakit ba kasi sumugal ka agad kahit alam mong sa huli may nararamdaman ka sa unang binata? Malapit ka ng ikasal, Ara. Magkakapamilya kayo ni Arturo sa kalaunan." Pangaral ni Amanda.
"Kainin mo nalang ang kakanin. Sumasakit ang ulo ko sa'yo, Ara." Biro pa ni Amanda.
Si Araceli ay nanatiling tahimik at malayo ang paningin.
NAGISING si Xavier mula sa pagkakatulog, matapos na nilaro si Agustin kanina ay dumiretso na siya sa kaniyang pagamutan. Doon ay palihim na pumunta si Don Tiago at Doña Fatima. Naalala niya kanina ang kanilang pag-uusap.
"Ikaw ay matalik na kaibigan ng aking anak ngunit sa kasamaang palad ay natibag ito dahil lamang sa isang babae..." wika ni Don Tiago kay Xavier.
"...gusto ko ng tulungan ang aking anak pero kahit ganito ang aking posisyon sa ating nasasakupan ay hindi pa rin ako basta-basta makakapasya ng disesyon dahil maaring may magalit. Ayaw ko ng gulo."
Napaisip si Xavier sa sinasabi ni Don Tiago, kung tutuusin ay may kapangyarihan si Don Tiago pero parang iniisip niya na sa oras na gumamit siya ng kaniyang kapangyarihan ay tiyak na magkakagulo na naman.
"T-tulungan mo kami, Xavier. Tulungan mo ang iyong kaibigan." Pagmamakaawa ni Doña Fatima, sabay hawak sa mga kamay ni Xavier.
"Sige po. Pero hindi ba't bawal iyon? Pero hahanap ako ng paraan."
"Maraming salamat, Xavier." Pasalamat ng don sa kaniya.
"Ganito nalang po..." at sinabi ni Xavier ang kaniyang naisip na plano.
Pagkatapos ng alaalang 'yon ay naisipan na ni Xavier ang bumangon. Napansin niyang wala si Agustin at Estrella. Kung kaya ay hinanap niya sa buong mansion pero bigo siya. Inisip na lang niya na pumunta si Estrella sa ama nito.
Napatingin siya sa kalendaryo kung saan naroroon ang bawat araw kung kailan magiging bilog ang buwan, sa pebrero katorse na naman sisilay ang kabilugan ng buwan. Napahinga ng malalim si Xavier, pagod na siya sa kaniyang pagkatao at gusto niyang mamuhay ng normal.
Naisipan ni Xavier na pumunta sa bahay aliwan katulad ng dati at samsamin ang bawat pag-inom ng alak. Gusto niyang mapag-isa at hinihiling niya na hindi siya susundan pa ni Estrella.
ALAS otso na ng gabi at naisipan na ni Araceli na pumasok sa silid. Nag-usap na sila dalawa ni Arturo, agad na man na tinanggap ng kabiyak ang kaniyang pagpapaumanhin. Pagkatapos ay napuno na ng lambingan sa kanilang dalawa.
Tahimik na ang paligid at ang tanging maririnig lamang ay ang huni ng mga kuliglig, hindi pa naman niya pinapatay ang lampara ay nakarinig siya ng kung anong kaluskos sa bintana. Napailing nalang siya at napahiga sa higaan ng hindi pinapatay ang lampara.
Ngunit makaraan ang ilang oras ay hindi pa rin siya nakakatulog kung kaya ay pumanik na naman siya sa Asotea kung saan doon niya pinapalipas ang sarili hanggang sa makaramdam na siya ng antok.
Samantalang si Xavier naman ay naglalakad mag-isa sa daan at pauwi na siya sa kanilang tahanan, nakainom na siya kung kaya ay nakakaramdam na siya ng hilo, pero kaya pa naman niyang umuwi.
Maya-maya pa ay nadaanan na naman niya ang tahanan ng mga De La Vega at napahinto siya saglit at mapait na ngumiti na nakaharap sa malaking mansion. Tapos patuloy na naman ang paglalakad niya.
Napansin naman niyang parang may sumusunod sa kaniya. Kung kaya ay napalingon siya.
Agad siyang hinawakan sa kamay.
"A-ara? A-anong ginagawa mo dito sa labas? Gabing-gabi na baka saktan ka ng mga masasama ang loob." Sabi ni Xavier. Hindi pa rin inaalis ni Araceli ang mga kamay sa kamay ng binata.
"Hindi ako makatulog, nakita rin kita kung kaya ay hindi na ako nag dalawang-isip na sundan ka." Kaswal na sagot ni Araceli.
"P-paano? M-makikita ka ni Arturo."
Tinitigan lamang siya ni Araceli ng seryoso. Napahinga nalang ng malalim si Xavier.
"Uuwi na ako, Ara. Matulog ka na."
"Mahal kita, Xavier."
Natigilan si Xavier sa sinabi ni Araceli. Parang nawala ang kaniyang kalasingan.
"Subalit huli na ang lahat para samsamin ang mga katagang iyan." Nakayukong sabi ni Xavier habang nakatingin sa mga kamay ni Araceli.
"Kahit na, heto na ang pagkakataon na sabihin iyan. Ang matagal na sagot na iyong hinihintay ay nasabi ko na... Mahal din kita, Xavier."
"Pero minamahal natin ang isa't isa sa maling pagkakataon. Ngayon pa ba? Tanggap ko na man na hindi talaga tayo ang para sa isa't-isa, Ara. Masaya na akong pinagmamasdan ka sa malayo."
Hindi na ngayon makaimik si Araceli. Si Xavier naman ay napangiti at iniwas na ang mga kamay.
"Kung hindi man ngayon ay baka sa susunod na buhay, Ara. Magtatiyaga akong hintayin 'yan basta't makasama ka." Dagdag pa ni Xavier tapos napaupo na lamang siya sa lupa at napatingala sa kalangitang puno ng bituin.
Umupo na rin si Araceli at napasandal sa balikat ni Xavier. "Gusto kong samsamin ang pagkakataon ngayon na kasama ka. Walang hadlang, walang makakapigil. Hindi ko akalaing makikita kita ulit ngayon kasama ang libo-libong bituin... tingnan mo, naka-paa lang ako. Sabi mo pa noon sa akin na makakapunta na ako kahit saan ko gusto dahil napagaling mo ako..."
"...may rason ang lahat kung bakit ako gumaling...dahil sa bawat hakbang at takbo ay mas gugustuhin kong tutungo sa'yo."
Napangiti nalang si Xavier dahil totoo ngang hindi nakasuot ng bakya si Araceli, bagkus ay naka-paa lang itong lumapit sa kaniya kanina.
Napahiga nalang si Xavier sa lupa. Napangiti ito kay Araceli.
Napakunot-noo naman si Araceli.
"B-bakit? Napaka komportable humiga." Sabay tawa ni Xavier ng mahina.
Kalaunan ay gumaya na rin si Araceli, ginawa niyang unan ang bisig ni Xavier.
Nagkakatitigan silang dalawa at tumatawa na tila ba sakop nila ang buong gabi.
May mga pagkakataon na naghahabulan silang dalawa, minsan ay sumasayaw ng mabagal. Minsan ay padamihan sila ng huli ng mga aninipot. Minsan ay magtitigan sila at pa simpleng ngumingiti at hanggang sa maging tawa.
Umabot ng hatinggabi ang kanilang pagsasama.
Sa loob-loob ni Xavier ay gusto niya ng gabing walang hanggan, pati si Araceli ay kahit papaano naging masaya sa piling ng kaniyang unang minahal.
Oh, kay gandang pagmasdan ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan
Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ning-ning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala
Tumingin ka sa aking mga mata at
Hindi mo na kailangan pang
Magtanong ng paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig at
Kung di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala na
Ikaw lang ang siyang inibig
Ikaw lang ang iibigin
At sa iyong paglalambing ako ay nahulog din
'Di ko alam kung ano ang gagawin
'Di ko alam kung saan titingin
Halik sa labi, tinginan natin
'Di akalaing mahuhulog ka sa 'kin
Tumingin ka sa aking mga mata at
Hindi mo na kailangan pang
Magtanong ng paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig at
Kung di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala na
Ikaw lang ang siyang inibig
Ikaw lang ang iibigin sinta...
At sa paglisan ng araw akalay di ka mahal
At ang nadarama'y di magtatagal
Malay ko bang hindi mapapagal
Iibigin kita kahit gaano pa katagal
Tumingin ka sa aking mga mata at
Hindi mo na kailangan pang
Magtanong ng paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig at
Kung di kumbinsido'y magtiwala ka
Hawakan ang puso't maniwala na
Ikaw lang ang siyang inibig
Ikaw lang ang iibigin
Lalalalalalalalalalalalala...
Sinta...
---•••---•••---•••---•••
Featured Song: Ikaw Lang by Nobita
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro