Kabanata 14: Paglisan
----••••-----••••----••••----••••
"NAGTAGUMPAY na ang iyong plano. Pwede ba, ibaling mo na ang iyong sarili sa akin?" Tanong ni Nathaniel na may halong pagmamakaawa ang boses.
Kalmado lamang si Estrella na naka-upo sa isang magarbong silya habang hawak nito ang baso na naglalaman ng vino (wine).
"Sinakripisyo ko ang aming pagkakaibigan dahil lamang sa'yo."
Nilagok na ni Estrella ang inumin. Pagkatapos ay inilapag ang baso sa isang maliit na mesa.
Tinitigan niya ngayon si Nathaniel na napasandal nalang sa isa pang silya. Tumayo si Estrella at nilapitan si Nathaniel.
Nagkatitigan sila hanggang sa kumandong na sakaniya si Estrella. Nang-iinit naman si Nathaniel sa ginawa ng dalaga sa kaniya.
Hinaplos ni Estrella gamit ang hintuturo nito sa mga mapupulang labi ni Nathaniel. Pagkatapos ay sinimulan niya na rin tanggalin ang tsaleko ni Nathaniel hanggang sa bumungad sa kaniya ang magandang katawan ng binata.
"Ibabaling ko sa'yo ang aking sarili, Nathaniel." Saad ni Estrella habang inaakit ang binata.
Pagkatapos ay diniinan ng halik ni Estrella ang mga labi ni Nathaniel at ginagawa rin 'yon pabalik ng binata sa kaniya.
Sinisigurado ni Estrella na mabubuntis siya ni Nathaniel upang mapapanindigan niya ang pagkukunwari na nag bunga ang nangyari sa kanila ni Xavier.
Naulit pa ang pangyayaring iyon na sa palagay ni Nathaniel ay isang langit ang makasama ang unang babaeng kaniyang nagustuhan.
HATINGGABI na at nagpasyahan na ni Xavier at Mateo na umuwi. Lasing na lasing na silang dalawa na lumabas sa bahay-aliwan.
Pasuray-suray silang palakad-lakad sa daan na ngayon ay wala ng tao at tahimik na ang lahat.
"Alam mo, ang mga binibini makikita lang 'yan!" Sabi ni Mateo na ngayon ay nilalabanan ang pagkahilo dahil sa tindi ng tama ng alak sa kaniya.
Samantalang si Xavier naman ay wala sa sarili na nilalagok pa ang isang bote ng serbesa, pumupungay na rin ang kaniyang mga mata sa kalasingan.
Magkaakbay sila ngayon ni Mateo at puro sila tawanan at minsan sumisigaw pa.
Pagkatapos na ipagtabuyan ni Araceli si Xavier kanina ay agad na umuwi si Xavier sa kanilang tahanan at doon ay pinagbabasag niya ang kaniyang mga kagamitan sa silid. Gulong-gulo na ang kaniyang silid. Kahit na ang ama nito at si Xienna ay nabahala sa mga kinikilos ni Xavier.
Lumabas si Xavier sa silid na parang walang nangyari at walang paalam na umalis.
At heto sila ngayon ni Mateo na nagpakalasing at pasuray-suray sa daan. Naabutan siya ni Mateo sa loob ng bahay-aliwan na siyang pinagtataka ng binata dahil matagal-tagal na rin na hindi pumunta sa bahay-aliwan ang kaibigan.
"Kung ako sa'yo, Xavier... paglaruan mo lahat ng mga binibining may gusto sa'yo. Sayang pagiging guwapo natin kung hindi magagamit." Suhestyon ni Mateo kay Xavier.
"Haha! 'tangina mo talaga, Mateo. Huwag kang gagaya sa isa nating kaibigan na walang bayag! Punyeta." Sabi ni Xavier sabay lagok ulit sa serbesa.
"Ah--putang ina din kasi 'yan si Nathaniel. Masyadong nabulag sa putang inang babae. Hahaha!" Sabi ni Mateo.
Halos matumba na silang dalawa sa gitna ng daan dahil sa kalasingan. May nakaaninag naman sa kanilang dalawa na isang gwardya-sibil na rumuronda sa daan.
"Mga binata, hatinggabi na at nandidito parin kayo sa gitna ng daan." Suway sa kanila ng gwardya-sibil.
"Paumanhin po, pauwi na rin kami." Sabi ni Xavier.
Nahalata naman ng gwardya na mga lasing ang kausap kung kaya ay tumango nalang ito at nilagpasan sila.
Pinatuloy na rin ni Xavier at Mateo ang paglalakad.
Sa kalagitnaan ay nadaanan nila ang tahanan ng De La Vega. Hindi naman alam ni Mateo ang nangyayari sa buhay ni Xavier kung kaya ay wala lang sa kaniya.
Hindi makatulog si Araceli at panay ang palipat-lipat niya ng posisyon sa kaniyang higaan.
Hanggang sa naisipan niya na lumabas muna at pumunta sa asotea. Dala ang isang lampara ay tinahak ni Araceli ang hagdanan. Dahan-dahan lamang siya sa pag-akyat para hindi makagawa ng ingay.
Nang marating sa asotea ay nakaramdam siya ng lamig sa katawan. Inilagay nya naman sa sahig ang dalang lampara.
Mula sa hindi kalayuan ay naaninag ni Xavier si Araceli sa asote. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata dahil nakaramdam siya ng hilo. Pagmulat ay wala na si Araceli sa asotea.
Naaninag ni Araceli ang nakatayong lalaki malapit sa bungad ng kanilang daanan papunta sa kanilang mansion. Sa hindi malamang dahilan ay naisipan niya na bumaba doon sa asotea. Dahan dahan siyang kumapit sa mga malalaking baging ng halaman upang hindi siya malaglag sa lupa. Hindi na niya pinansin ang kaniyang suot pantulog kung madudumihan man ito. Hanggang sa lumapat na ang kaniyang paa sa lupa.
Tumakbo siya papalapit sa lalaki na sa tingin niya ay kilalang-kilala niya dahil sa tindig nito.
Napangiti nalang si Xavier sa kaniyang guni-guni at napansin na wala na si Mateo dahil nauna na itong naglakad. Hindi alam ng kaibigan na huminto siya.
Nang makalapit na si Araceli sa lalaki ay namukhaan niya ito.
"Xavier..." Sambit ng dalaga kay Xavier.
Parang tinusok ng napakaraming karayom ang puso ni Araceli sa nakita. Gulong-gulo ang buhok ni Xavier at may kung anong sugat ito sa gilid ng mga labi. Mapungay rin ang mga mata nito na tila ba nagpakalunod sa alak.
"Araceli... N-nanaginip b-ba ako?" Litanya ni Xavier na hindi makapaniwala na nasa harapan niya ang dalaga.
"...kung panaginip man ito ay sana hindi na ako magising... alam mo naman na, mahal na mahal kita. Wala ng ibang makakapantay." Sabi ni Xavier kay Araceli.
Halos hindi na makakurap si Araceli at gusto niyang yakapin ang binata.
"M-mahal kita, Xavier." Biglang sabi ni Araceli.
"B-bukas, gigising ako. Mapagtanto ko na ito ay isang pawang panaginip lamang."
Samantala si Mateo naman ay hindi alam na wala na pala si Xavier sa kaniyang likuran. Patuloy pa siya sa pag kukwento.
"Bakit ka ba kasi naging ganiyan, kaibigan? Sino ba ang babaeng iyong napupusuan? At bakit---" Napahinto si Mateo sa pagsasalita nang mapagtanto na ang layo na ng agwat ng nilakaran niya mula kay Xavier.
"Punyeta, Hahaha! Xavier, tangina naman!" Natawa nalang si Mateo habang tinatawag ang kaibigan. Bumalik siya kay Xavier na tila ba may kausap.
Napalingon naman si Xavier nang tinawag ni Mateo ang pangalan niya. "Sino ba ang iyong kausap? Minamaligno kana yata." Sabi ni Mateo sabay agbay nang maabutan ang kaibigan.
Napatingin naman si Xavier sa gawi kung saan nakatayo si Araceli kanina. Si Araceli naman ay napatago sa malaking pader. Napahinga nalang ng malalim si Xavier at sinabayan nalang si Mateo.
KINABUKASAN ay tanghali na nang magising si Araceli. Mugto ang kaniyang mga mata dahil sa pagtatagpo nila ni Xavier kagabi. Nakokonsensya siya sa pagtataboy sa binata kahapon.
"Ara?" Sambit ni Amanda mula sa labas ng kaniyang silid. Kumatok pa ito ng tatlong beses.
Inayos naman ni Araceli ang sarili bago binuksan ang pintuan. Nang makita ni Amanda na mugto ang mata ng kapatid ay nagtaka na agad ito.
"Ano ang nangyari sa iyong mga mata? Tila ba ikaw ay umiyak magdamag?" Nag-aalalang tanong ni Amanda.
"W-wala ito, ate." sabay iwas ni Araceli ng tingin.
"Ate mo ako, kung kaya ay nararapat lang na sabihin mo ang iyong saloobin sa akin."
Napahiga ulit si Araceli at huminga ng malalim.
"Hindi ko alam, ate. Matatawag ba na kapusukan kapag nagustuhan ko agad ang isang ginoo?" Tanong ni Araceli.
Napangiti si Amanda. Kumunot naman ang noo ni Araceli.
"Bakit ka ngumingiti diyan ate? Seryoso ang aking tanong."
Napatabi naman sa kaniya ang ate na ngayon ay kinikilig dahil umiibig na ang kaniyang kapatid.
"Alam mo, wala naman sa panahon o oras ang damdamin. Biglaan iyan, sa isang segundong paglalahad ng damdamin ay ang pagkakamit ng walang hanggang pag-ibig." malalim na litanya ni Amanda kay Araceli.
"M-mahal ko si Xavier... ngunit..."
natulala naman si Amanda sa sinabi ni Araceli. Halos hindi siya makagalaw dahil ni minsan ay hindi ito nagbigay ng senyales sa napupusuang ginoo.
"Ngunit... may nauna pa pala sa akin."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"May dati na siyang kasintahan at magkakaanak na rin sila." Malungkot na sabi ni Araceli.
Kinuwento niya lahat ng nangyari kahapon patungkol sa babaeng bigla nalang lumitaw sa kaniyang harapan.
"Naku! Mahirap iyan. Pero paano kung nagsisinungaling lang ang babaeng 'yon?"
"Nararapat ba magsinungaling? Seryoso ang ganoong bagay. Kung magkakapamilya man sila ay masaya na ako, ate."
Nakikita ni Amanda ang kalungkutan sa mga mata ni Araceli. Hinaplos nalang niya ang buhok nito.
"Maganda ka naman, kapatid. Maraming ginoo ang magkakagusto sa'yo. Marami kang pagpipilian." Sabi ni Amanda at napatawa na lang ng mahinhin.
Pagkatapos ng kuwentuhan ay pumunta na agad sila sa kusina at kumain. Kahit walang gana si Araceli ay pinilit niya nalang ang sarili.
NAPABALIKWAS ng bangon si Xavier nang may narinig siyang mga katok sa labas ng kaniyang pintuan.
"Punyeta." mura ni Xavier at napahilamos ng mukha sa inis. Bumangon siya at binuksan ang pintuan. Bumungad sa kaniya ang kaniyang ate na nakatitig sa kaniya at hindi makapaniwala sa mga pangyayari ngayon.
"Nandiyaan ang pamilya Vargas." Saad ni Xienna.
Kumulo ang dugo ni Xavier nang malaman kung sino ang naririto pero pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. Lumabas siya kahit wala sa ayos ang kaniyang buhok at kahit hindi pa siya nakapagbihis ng damit ay wala siyang pakialam dahil hindi naman espesyal na tao ang kaniyang sasalubungin.
"Amoy alak kang bata ka. Ay hindi ka na pala bata, dahil ikakasal ka na." Sarkastikong sabi ni Xienna sa kapatid.
Nagtagbo ang kilay ni Xavier sa narinig. Hindi niya maintindihan ang lahat ng mga pangyayari. Pumunta siya agad sa may sala at doon naabutan niya ang kaniyang ama na kaharap ang pamilya Vargas.
"Gising na si Xavier." Wika ni Doña Estellar.
"Halika hijo, umupo ka dito." Aya sa kaniya ng ama.
Walang reaksyon sa mukha si Xavier na umupo sa tabi ng ama, umupo na din sa tabi ang kaniyang ate. Napansin naman ni Xavier si Estrella na tila ba masaya sa mga pangyayari.
"Hindi ko lubos akalain na may namamagitan na pala sa inyong dalawa at ako'y nagagalak na ikaw ang ama sa dinadalang tao ng aking anak." Panimula ni Don Diego.
Kanina lang sinabi ni Estrella sa kaniyang magulang na siya'y nagdadalang tao at sinabing si Xavier ang ama. Nagulat naman si Ramon sa narinig dahil noong nakaraang araw lang ay nakita niya si Nathaniel at ang kaniyang ate na masayang magkasama. Inakala lang ni Ramon na nagkamabutihan na sila at mawawala na sa isipan ng kaniyang ate si Xavier ngunit nagkakamali siya.
Napatingin si Xavier sa gawi ni Ramon na ngayon ay nakayuko lamang at malalim ang iniisip.
"Kung maari amigo ay sa nobyembre a-kinse gaganapin ang pag-iisang dibdib ng dalawa." Suhestiyon ni Doña Estellar kay Don Quasimodo.
"Pwede. Ikaw Xavier, ano ang iyong masasabi?" tanong ng ama kay Xavier.
Hindi umimik si Xavier at napatitig lang sa sahig.
"Sa palagay ko ay ayos na rin sa aking anak 'yon." Dagdag pa ni Don Quasimodo. Dahil parang wala sa kalooban ang anak na sagutin ang mga tanong.
"Bueno, kami na ang maghahanda sa malaking piging. Xavier at anak, binabati ko kayong dalawa." Wika ni Don Diego.
Hindi na alam ni Xavier ang dapat niyang maramdaman, tila ba namanhid na siya. Hindi niya maaring gibain ang samahan ng ama at ni Don Diego na minsan ng nagkalamat dahil sa inggit at ayaw na niya maulit iyon. Mahal niya ang kaniyang ama at kapatid at ayaw niyang ilagay sa alanganin ang buhay nila.
KASALUKUYANG nasa simbahan ngayon si Araceli at Amanda dahil nagbilin ang kanilang ama na bigyan ng pera ang padre upang may pangtustos pa sa mga mag pa-pari pa lamang. Gawain na ito ni Don Felipe noon pa man kung kaya ay malaki ang utang na loob ng lahat ng pari sa pamilya De La Vega dahil sa kabaitan nila Felipe at Juan.
"Maraming salamat sa inyong ama, mga binibini. At maraming salamat din sa inyong paghatid." Wika ni Padre Sebastian nang matanggap ang isang sobre na naglalaman ng malaking salapi.
"Walang anuman, padre Sebastian." Sagot ni Amanda.
Tahimik lamang si Araceli na nakatayo sa likuran ng kaniyang ate.
"Ako'y masaya na gumaling ka na rin, binibini. Sino ba ang dalubhasa na gumaling sa iyo?" Tanong ni Padre Sebastian kay Araceli.
"Si Ginoong Xavier Sarmiento po, padre. Hindi po siya ganoong katanyag." si Amanda na ang sumagot sa tanong ng padre dahil sa tingin niya ay hindi pa makakayang bigkasin ng kapatid ang pangalan ni Xavier, dahil sa palagay niya ay malulungkot lamang ito.
Biglang kumunot ang noo ni Padre Sebastian sa narinig. "S-si Xavier?"
Napatingin si Araceli sa padre na tila kilalang-kilala niya si Xavier.
"Opo, magkakilala kayo?" Tanong pa ni Amanda.
"K-kaibigan ko siya. Matalik na kaibigan."
Napatingin na rin si Amanda kay Araceli ngayon na tila ba sinasabing napakaliit talaga ng mundo.
"Hindi ko akalain na ito pala ang pinagka-abalahan niya nitong nakaraang buwan. Napakagaling talaga ng aking kaibigan---" nahinto sa pagsasalita si Sebastian nang makita si Xavier sa tapat ng malaking pintuan ng simbahan.
"Xavier?" Usisa pa ni Sebastian. Napalingon rin si Araceli at Amanda.
Nang makumpirmang si Xavier nga ay parang lamunin ng kabog sa dibdib si Araceli. Maayos na ang ayos ni Xavier at nawala na rin ang sugat sa gilid ng kaniyang labi.
"Ate, umuwi na tayo." Mahinang sabi ni Araceli at napakapit pa ito sa bisig ni Amanda.
"Mga binibini, nandito pala si Xavier."
Nagtama ang paningin ni Xavier at Araceli. Gustong-gusto hawakan ni Xavier ang mga kamay ni Araceli at lumuhod sa harapan ng dalaga ngunit hindi na niya magagawa pa iyon dahil sa palagay niya ay galit ang dalaga sa kaniya.
"Uuwi na ho kami, padre." Paalam ni Amanda.
"Uuwi na kayo? Hindi kayo dito manananghalian?" tanong pa ni Padre Sebastian.
"Hindi na po."
At lumabas na ang dalawa sa simbahan habang kinawayan naman ni Padre Sebastian sila Amanda at Araceli na pasakay na ngayon sa kalesa.
Hindi na rin lumingon si Araceli at napaupo nalang. Ngunit hindi pa man nakakalayo ang kalesa ay hindi mahagilap ni Araceli ang kaniyang panyo.
"Ate, nahulog yata ang aking panyo."
"Hala, hinto po muna manong."
Huminto naman ang kalesa at agad na napatakbo pabalik si Araceli sa simbahan. Nakita niya naman na nag-uusap si Xavier at Padre Sebastian. Napatago siya sa isa sa mga malaking rebulto ni Santa Maria at pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa.
"Ikakasal na kami ng iyong kapatid sa kinse ng nobyembre." Walang gana na sabi ni Xavier sa kaibigan.
Napatabon ng bibig si Araceli sa narinig.
Magkapatid sila ng babaeng iyon? Napakalayo ng kanilang ugali!
Sabi ni Araceli sa isipan niya.
"Talaga? Bakit si Estrella pa?"
"Nagdadalang tao siya. A-ako ang ama."
"Akala ko ba, wala kang gusto sa aking kapatid?"
Napahinga ng malalim si Xavier. Samantalang si Araceli naman ay hindi na makapaniwala sa mga nalaman.
"Binibining Araceli?"
Nagulat siya ng bahagya kung sino ang nasa likuran niya.
"Crisologo? B-bakit ka nandito?"
"Ikaw po sana ang aking tatanungin, binibini kung anong ginagawa niyo dito?" Usisa ni Crisologo.
Napagtanto ni Araceli na mali ang pagtatanong niya kay Crisologo dahil isa pala itong sakristan.
"Ah--nawawala ang aking panyo. Aalis na ako. Magandang tanghali." Nagmamadaling sabi ni Araceli. Nag-iba siya ng daanan upang hindi siya makita ni Xavier.
Nang marating ni Araceli ang kalesa ay nagtaka naman ang kaniyang ate kung bakit ito natagalan.
"Ano, nakita mo ang iyong panyo?"
"Wala ate. Bahala na 'yon, paandarin na po ninyo manong."
At nilisan nila ang lugar.
Samantalang ikinwento naman ni Xavier lahat ng saloobin niya kay Sebastian. Sa lahat ng kaibigan ay si Sebastian lamang ang kaniyang pinagkakatiwalaan.
"Kaya nga kumalas ako sa kanila. Nagpapasalamat ako dahil nakokontrol ko ang sumpa, ni hindi ako nagpapadala sa galit na bumubugso sa ating katauhan." Wika ni Sebastian.
Kapag nagiging bilog ang buwan ay kinukulong ni Sebastian ang sarili sa isang silid na kung saan may rehas na kapag nahahawakan ay nakakapaso at umuusok ang kaniyang kamay.
"G-gusto ko mang kumalas ay ayaw kong magkalamat ang pagsasamahan ni ama at ng iyong ama. Alam naman natin na dati'y may alitan ang dalawa, ayaw ko ng maulit pa iyon..."
"...wala akong magagawa kundi ang panindigan ang kasunduan na mag-iisang dibdib kami ng iyong kapatid."
Napahinga na ng malalim si Sebastian dahil mukhang hindi magiging masaya si Xavier sa kamay ni Estrella.
"Hayaan mo, darating rin ang araw na pagbabayaran ni Estrella ang kaniyang mga kasalanan..."
"...kung totoong buntis man ang aking kapatid sa'yo ay panindigan mo nalang. Matutunan mo ring mahalin si Estrella. Kahit mahirap pa sa ngayon." Mataas na litanya ni Sebastian.
Pagkatapos ng pag-uusap ng dalawa ay nananghalian pa si Xavier sa kusina ng simbahan. Nang makalabas sa simbahan ay napansin niya ang isang pamilyar na panyo na parang nililipad ng hangin patungo sa ilalim ng mga halamang gumamela.
Pinulot niya iyon at nakita ang nakaburdang pangalan sa panyo. Agad naman niya iyon inilagay sa kaniyang bulsa.
NAKAUWI na galing sa simbahan ang magkapatid nang makapasok sa tahanan ay agad na nagbigay galang si Arturo sa dalawa.
"Kanina ka pa dito, Arturo?" Tanong ni Amanda sabay ngiti sa binata.
"Opo. Ikaw binibining Araceli, ayos na ba ang iyong pakiramdam?"
Marahang tumango si Araceli sa kababata.
"Maiwan na muna kayo, maghahanda lang kami ni Kasandra ng pananghalian." Sabi ni Amanda at umalis na.
"Ayos ka lang ba talaga?" Usisa ni Arturo kay Araceli.
Sa hindi malamang dahilan ay napayakap si Araceli kay Arturo. Ang bigat na kaniyang naramdaman ay naibuhos niya sa kaibigan.
"B-bakit? May problema ba, binibini?" Tanong ni Arturo at inilapat niya nalang ang mga palad sa likod ni Araceli hudyat na yumayakap na rin siya pabalik sa dalaga.
"A-ang bigat ng aking nararamdan." Sabi ni Araceli. Umiiyak na siya.
"Tahan na, nandito naman ako." Pakli ni Arturo sa dalaga. Pinunasan niya ang mga luha ni Araceli gamit ang hinlalaki.
"Nandito lang ako, Ara. Kahit kailan ay hindi ka iiwan."
Kahit anong oras ay pwede niya hingin ang mga kamay ni Araceli kay Don Felipe. Alam niyang walang pagtingin sa kaniya si Araceli ay darating rin ang araw na masusuklian rin ng dalaga ang kaniyang pagmamahal.
Samantalang si Xavier ay naisipan na sulatan si Araceli nang makauwi ito sa kanilang tahanan at pagkatapos ay pumunta siya sa likuran ng mansion kung saan matatanaw niya lang ang silid ng dalaga, pasimple niya itong isinuksok sa maliit na uwang ng bintana ni Araceli at mabilis rin na lumisan.
Nakauwi na rin si Arturo at marami silang napagkwentuhan dalawa simula pa noong mga bata pa sila at sa naging buhay ni Arturo sa Sugbo. Pumasok na si Araceli sa loob ng silid niya at binuksan ang bintana at may kung anong nahulog na isang papel na nakatupi. Ibinuklat niya iyon at binasa kung kanino ito nanggaling.
Araceli,
Alam ng buong sansinukob kung gaano kita inibig. Simula pa noon hanggang sa ngayon o maging sa aking susunod na buhay ay wala ng ibang iibigin kundi ikaw lang. Sadyang naging malupit sa atin ang tadhana at sa tingin ko ay hindi pa ngayon ang panahon para sa ating dalawa. Pero kahit ganoon ay maghihintay pa rin ako sa panahong nakalaan sa ating dalawa kung saan walang anumang hadlang ang makakapagpigil sa 'tin dahil tayo ay itinalaga ng sansinukob.
Ikaw ang laman ng aking bawat panaginip. Minsan ay dumalaw ka sa aking panaginip at sinabing mahal mo rin ako. Kung mayroon man akong kakayahan na manatili sa panaginip na kung saan tayo lang dalawa ang naroroon ay handa akong magsakripisyo na huwag magising makasama ka lang. Nawa'y mag-iingat ka sa iyong tatahaking landas.
Kung pagtagpuin man tayo muli ng tadhana ay aasahan mo na ako parin ang Xavier na iyong nakilala.
Hanggang sa susunod na habang buhay, Ara. Mahal na mahal kita.
Nagmamahal,
Xavier
Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ni Araceli sa nabasa at kung kanino nanggaling ang sulat. Niyakap niya iyon ng mahigpit.
---•••---•••---•••---•••---
Featured song:
Ikaw ang lahat sa akin by Regine Velasquez
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro