Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13: Nakatagong Poot

---••••---••••---••••---••••
NAPAHINGA nalang ng malalim si Araceli dahil napapansin niya na may nakakailang na pagitan kay Xavier at Arturo.

"Hindi rin ako magtatagal dito mga binibini. Pumarito lang ako upang bisitahin ka." Tukoy ni Xavier kay Araceli.

"Ganoon ba, salamat." Ikling tugon ni Araceli.

"Saan?"

"Sa pagbisita mo."

Samantalang si Amanda naman ay dahan-dahang lumayo sa dalawa dahil sa palagay niya ay parang nakikiusyuso na siya. Hinila rin niya pabalik si Ariana sa silid ng mga libro.

"Hindi ba ako nakakadisturbo kung bibisita ako sa'yo?" Tanong ng binata.

"Hindi naman."

Bigla namang tumahimik sa pagitan nilang dalawa.

"X-Xavier, liligawan mo ba talaga ako?" Natanong nalang bigla ni Araceli.

"Hindi pa ba halata?"

"Ah--kung sa gayon, gusto muna kitang kilalanin. P-pero, bakit ako? Marami namang binibini diyan na sa unang tingin mo lang ay maaari ng mahulog sa'yo."

Napangiti si Xavier.

"Hindi naman sila ang binibining hanap ko... Ikaw."

"M-mukhang ang bilis mo yatang nagkagusto sa akin?"

Hindi na makaimik si Xavier dahil ayaw niyang sabihin sa dalaga na noon pa man ay sinusubaybayan na niya ito.

"Xavier?" Sambit ni Araceli sa binata.

"Hmm? Ano... Uhhh...kailangan ba matagal magkagusto? A-Ang ibig kong sabihin ay hindi ba't walang pinipiling panahon ang paglalahad ng damdamin?" Nauutal na tugon ni Xavier. Para siyang natutunaw tuwing nakatingin sa kaniya si Araceli.

Hindi naman makasagot si Araceli. May punto naman ang binata. Pero nag-aalinlangan pa siya dahil hindi pa niya alam kung anong klaseng pamilya mayroon si Xavier o saan ba talaga ito nakatira. Ang alam lang niya ay ang ama at ate ng binata. Imposible namang wala siyang pinsan o mga tiyo at tiya.

"S-sino ka ba talaga, Xavier?"

Nabigla naman ng bahagya si Xavier sa tanong ni Araceli.

"Gusto mong malaman ang aking katauhan? Matatanggap mo ba kung sino ako?"

Napayuko si Araceli ng bahagya. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman sa binata. Nagtatalo ang kaniyang puso at isipan.

Napatayo na si Xavier mula sa pagkakaupo.

"Malalaman mo rin kung sino ako, Ara. At kapag nalaman mo kung sino ako, nawa'y matanggap mo. Kung hindi naman..."

Napahinga muna ng malalim si Xavier bago dugtungan ang mga salita.

"Ay walang problema iyon sa akin. Hangad ko pa rin ang iyong kaligayahan kung sino ang iyong mapipiling ginoo na siyang kukumpleto ng buhay mo." Sabi ni Xavier at isinuot na niya ang kaniyang sombrero.

"Ako'y lilisan na muna. Mag-iingat ka, binibini." Paalam ni Xavier.

Parang tuod si Araceli na nakatayo habang pinagmamasdan si Xavier na lumabas sa kanilang tahanan.

Samantala si Amanda at Ariana naman ay natunghayan nila ang pag-uusap ng dalawa. habang nasa likuran sila ng pintuan ng silid-aklatan.

"Naku, ate... ano kaya ang nakakubling lihim kay Ginoong Xavier? Pansin ko lang na masyadong misteryoso si Ginoong Xavier, gayon din si binibining Xienna." Sabi ni Ariana.

Napahinga ng malalim si Amanda.

"Iyon din ang aking naisip. Para ba silang hulog ng langit. Simula noong dumating si Xavier, nag-iba na rin ang takbo ng buhay ni Araceli. Mas naging masayahin at pala-kuwento." wika pa ni Amanda.

"At pansin ko rin, ate na magaling manggamot si Ginoong Xavier. Hindi naman siya tanyag. Hindi ba't ang may ganiyang kakayahan ay magiging tanyag?" Pakli ni Ariana.

Sabay nalang silang napahinga ng malalim. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang dalawa.




HINDI pa man sumisilay ang kabilugan ng buwan ay narating na ni Xavier ang tahanan. Nagkalat na ang mga hayop sa paligid, nakatali ito sa mga malalaking puno.

Pagkarating niya sa kanilang tahanan ay naroroon ang kaniyang ate at ama sa labas ng tahanan at tinatali rin ang kalabaw at baka sa isang puno ng balete.

"Mabuti at nakarating ka ng maaga." Wika ni Don Quasimodo kay Xavier.

"Mabuti nalang talaga ama at ganito ang naisip mong batas. Hindi na makakagambala ang ibang lobo sa bayan." Sambit ni Xienna habang nakapamewang na nakatingin sa mga hayop.

"Papasok na muna ako sa tahanan." Seryosong tugon ni Xavier sa kanila.

Napakunot-noo naman si Xienna sa naging kilos ng kapatid.

"Sinusumpong na naman ng pagiging suplado." Sabi Xienna.

"Hayaan mo na, magbabago rin 'yan." Pakli ng kanilang ama.

Nang makapasok na si Xavier sa silid ay nakita niya sa labas ng bintana ang isang uwak.

Kakaiba ang kahulugan sa kanila ang ganitong uri ng ibon. Maaring naghahatid ito ng mensahe o senyales na may masamang mangyayari o naghahatid ito ng simbolo ng kamatayan.

Agad na itinaboy ni Xavier ang ibon at lumipad ito papalayo.

Napansin rin ni Xavier na nilalamon na ng kadiliman ang kalangitan. Sumisilay na ulit ang malaking bilog na buwan.



SAMANTALA, ang mga gwardiya sibil ng San Fernando ay naghahanda na rin ng mga armas upang paghandaan ang pagsalakay ng mga lobo.

"Maging mapagmatyag kayo sa inyong paligid." Saad ni Don Juan sa mga hukbo na naroroon sa labas ng kanilang tahanan.

Nakatayo sila ng tuwid at nakasabit sa kanilang likuran ang mga mahahabang baril.

"Pwede na kayong umalis at pumunta sa mga nakatalagang lugar dito sa bayan." Utos sa kanila ni Don Juan.

Agad naman nila itong sinunod.

Sa tahanan naman nila Don Felipe ay nakasirado na ang lahat ng bintana at mga pintuan. Nakaupo lamang sila sa hapag-kainan at pinapakiramdaman ang mga maaring mangyari sa paligid.

Sa tahanan rin naman ng pamilya Torres ay ganoon rin.

Ginagapangan na rin ng nerbyos ang ina nila Arturo at Daniel.

"Manguli ta sa Sugbo, dili nako kaya diri na mo puyo." (Umuwi na tayo sa Sugbo, hindi ko kakayanin na tumira dito.) Nangagambang wika ng Doña.

"Nay, kalmahi ra dihaa. Dili lagi ta mahilabtan. Naa koy taas na baril og sundang, pangtigbason nako na sila." (Nay, kumalma ka lang. Mayroon akong mahabang baril at tabak. Tatabakin ko sila.) Saad ni Don Renato sa asawa. Pinapakalma niya ito dahil may sakit ito sa puso.

Samantalang si Arturo naman ay nasa silid nakahiga at walang pakialam sa mga pangyayari.

"Kuya, naa kay problema?" (Kuya, may problema ba?) Tanong ni Daniel nang makita ang kuya na nakadapa lamang sa higaan nito.

"Wala. Katulog na." (Wala. Matulog kana.) Ikling tugon ni Arturo.

Napahinga na lang ng malalim si Daniel at lumabas sa silid ng kaniyang kuya.


HABANG tumitingkad ang sinag ng buwan ganoon na rin ang pag-iiba ng anyo ng mga taong ginapangan ng sumpa upang maging lobo.

Unti-unti na ring nag-iiba ang anyo ni Xavier. Pagkatapos ay lumundag na siya papalabas ng bintana.

Naabutan niyang nilalapa ng kaniyang ama at kapatid ang mga hayop. Panay rin ang alulong ng iba sa paligid.

Pero biglang may naamoy si Xavier. Nakaamoy siya ng isang dugo ng tao.

Sinundan niya iyon.

Hanggang sa napadpad siya sa gitna ng gubat.

"Maawa ka! May pamilya pa ako!" Bulalas ng isang lalaki na nasa apat na pu ang gulang.

Napansin ni Xavier na nakahawak ang lalaki sa sariling  tiyan habang may tumatagas doon na dugo.

Agad na napatakbo si Xavier at nang makita kung sino ang gumagambala sa lalaki ay dinambahan niya ito.

ESTRELLA!

napahiga si Estrella sa lupa at nakita niya kung gaano kagalit ang mga mata ni Xavier sa kaniya.

Ngunit bigla nalang din nabigla si Xavier nang may kumalmot sa kaniyang likuran at iwinaksi siya. Tumilapon siya at napaigik nang tumama ang kaniyang likod sa malaking kahoy.

PUTANGINA MO, NATHANIEL! NAHIHIBANG KA NA BA?

Galit na galit si Xavier sa naging pangyayari.

HUWAG MONG SUBUKANG SAKTAN SI ESTRELLA! KUNDI MAGKAKALAMAT ANG ATING PAGKAKAIBIGAN!

Nangagalaiting sagot ni Nathaniel.

PUTANGINA MO! WALANG BAYAG! IPAGTATANGGOL MO ANG BABAE NA 'YAN? LAPASTANGAN!

Galit na galit si Xavier dahil nakakapagtaka ang kilos ng kaniyang kaibigan.

Sinugod niya si Nathaniel na ngayon ay nakaharap sa isang lalaki na nagmamakaawa, ganoon din si Estrella. Parang gusto nilang lapain ang lalaki.

"Itay! Maawa po kayo sakaniya!" Iyak ng isang bata na ngayon ay sinundan pala ang kaniyang tatay.

Napalingon silang tatlo kung sino ang dumating.

Susugurin na sana ni Nathaniel ang bata ngunit buong pwersa at lakas ang nilaan ni Xavier upang hindi ito malapitan. Tumilapon na ngayon si Nathaniel at nilapitan siya ni Estrella.

Tumakbo sila papalayo.

Halos hindi naman makagalaw ang bata sa nakita. Sinikap rin ng kaniyang tatay na makalapit sa kaniya kahit may sugat ito sa bandang tiyan.

"Itay!" Sigaw ng bata at napayakap sa kaniyang tatay.

"S-sabi k-ko sa'yo, huwag ka ng lumabas."

Samantalang si Xavier naman ay nakatayo lamang sa kanilang harapan.

"Maaawa po kayo, k-kahit ako nalang ang inyong paslangin, h-huwag lang aking anak."

Kitang kita ng bata ang pamumula ng balintataw ni Xavier. Nagiging ganito ang mga mata ng mga lalaking lobo kapag kinain ng galit o pagkamuhi.

Tumalikod na lamang si Xavier sa kanila at tumakbo ng mabilis papalayo.

"Itay, hindi tayo ginalaw ng lobo na iyon."

"Oo, pinagtanggol n-niya pa a-ako ack!" Sabi ng kaniyang tatay na ngayon ay nakaramdam na ng hapdi sa tiyan, mabuti nalang at mababaw lang pagkakalmot sa kaniya.

"Hilain mo nalang ako, Himala."

Sinunod naman ng batang si Himala ang utos ng kaniyang tatay.


ARAW na ng mga kaluluwa at maraming tao ang abala sa bayan ng San Fernando, lalong lalo na sa mga sementeryo.

Nagpapasalamat pa rin ang lahat kahit may halong pagtataka dahil hindi sumugod ang mga lobo kagabi.

Kasalukuyang nasa sementeryo ang pamilya De La Vega at binisita ang kanilang mga lolo at lola, maging tiyo at tiya na matagal ng namayapa.

Inilapag ni Araceli ang isang kandilang kerubin at bulaklak ng rosas sa puntod ng kaniyang lola at lolo na magkatabi lamang.

"Sayang at hindi ko naabutan si lolo at lola." Saad ni Ariana at napaupo na lang sa damuhan.

"Sanggol pa lang din daw ako nang mamatay si lolo Epifanio." Wika ni Araceli.

Pinagmamasdan niya ngayon ang kandila na hinahaplos ng hangin ang apoy. Binabasa niya ang mga pangalan sa puntod.

EPIFANIO  DE LA VEGA

MERCEDITA GARCIA y DE LA VEGA

iyan ang nakasaad na pangalan sa lapida ng kaniyang lolo at lola.

Samantalang ang puntod naman ng mga magulang ni Doña Viviana ay hindi rin nalalayo.

"Pupuntahan muna natin ang puntod ni ama at ina." Sabi ni Doña Viviana kay Don Felipe.

Napatango naman si Don Felipe at nagpaalam muna sila kay Juan na pumunta sa puntod ng mga magulang ni Doña Viviana at tiyak na naroroon din ang mga kapatid nito.

Ang pamilya Sarmiento naman ay pumunta rin sa malaking sementeryo ng San Fernando. Dito inilibing ang kanilang ina ni Xavier at Xienna upang magkaroon ng disenteng libing kahit papaano. Nasa pinaka dulo ng sementeryo inilibing ang ina nito kung saan maraming mga puno at hindi ganoon karami ang puntod na naroroon.

Kahit masakit pa ang likod ni Xavier dahil malalim ang pagkakalmot ni Nathaniel sa kaniyang likod ay sinikap niya pa rin na bumisita sa kaniyang ina kasama si Xienna at ama nito.

Alam na ni Xienna ang nangyari kagabi dahil hinang-hina na umuwi si Xavier at may malaking kalmot pa ito sa likod. Hindi nalang nila ipinaalam sa kanilang ama ang nangyari. Sinabi nalang ni Xavier na nahulog siya sa isang patibong.

Ang nabiling kandila kahapon ni Xavier ay itinirik nalang niya doon sa puntod ng kaniyang ina. Naalala niya naman ang bata kagabi. Naglapag din ng tinapay si Xienna sa puntod.

Habang si Don Quasimodo naman ay taimtim na napatitig sa himlayan ng asawa. Bumabalik ang mga alaala noong una pa nilang magkakilala at kung paano tinanggap ng asawa kung ano ang totoo niyang katauhan.

ASUNCION CRUZ y SARMIENTO      (1815-1845)

'yan ang nakalagay sa lapida ng ina ni Xavier at Xienna.

Napunas nalang ng luha si Xienna habang pinagmamasdan ang puntod ng kanilang ina.

"Kung saan man ang inyong ina ngayon ay wala na siyang hirap na mararanasan pa.  Samantalang tayong nabubuhay dito sa daigdig ay makakaranas pa rin ng pighati." Wika ni Don Quasimodo sa mga anak.

Pinagmasdan niya rin ngayon si Xavier na malalim ang iniisip at seryosong nakatingin sa mga kandilang natutunaw na. May galos ito sa gilid ng kaniyang bibig.

Si Araceli naman ay nasa likuran ng kaniyang mga kapatid at magulang. Nagmamasid siya sa paligid, nakikita niya ang mga emosyon ng taong naroroon. Mayroong nag kakantahan, nagdadasal, umiiyak, may mga bata ring naghahabulan sa itaas ng mga nityo. Abala rin ang iba sa pagtitinda ng mga bulaklak at kandila.

Sa kaligtnaan ng paglalakad ay biglang may nakita si Araceli na isang babaeng nakasuot ng itim na baro at saya. Nakasuot rin ito ng itim na balabal sa ulo, matalim ito kung makatingin sa kaniya.

Nagmamadali ng maglakad si Araceli. Iniangat niya na rin ang kaniyang saya upang hindi niya maapakan. Palinga-linga siya dahil baka sinusundan siya ng babae.

Malayo na rin pala ang agwat ng nilakaran ng kaniyang kapatid at magulang kung kaya ay pilit niya itong hinahabol.

Ngunit huli na ang lahat.

"At ano ang iyong balak? Na makakatakas ka?" Saad ni Estrella at napahalakhak.

Matinis ang boses ng babae at para kay Araceli ay nakakapanindig balahibo iyon.

Napatingin si Araceli sa paligid. Ang dating matao na sementeryo ngayon ay wala na. Naglaho na parang bula.

"S-sino ka? Ano ang kailangan mo sa akin?" Tanong ni Araceli habang dahan-dahang umaatras.

Mas nilapitan pa siya ni Estrella.

Nagulat nalang si Araceli sa nakita, naging pula ang balintataw ng babae. Nakakarinig rin siya ng alulong sa paligid.

"Tulong! Tulungan ninyo ako!" Halos maluha-luha na si Araceli at pinagpapawisan na siya ng malamig.

"Ikaw pala ang kinababaliwan ni Xavier!" Sigaw ni Estrella sa kaniya.

Nagulantang naman si Araceli sa narinig.

"S-sino ka? A-anong kinalaman ni Xavier dito?"

"Ako dapat ang babaeng mamahalin niya! Ngunit dumating ka!"

Parang nadurog ang puso ni Araceli sa narinig. Sa palagay niya ay may kasalanan siya sa pagitan ng dalawa.

"Nagdadalang tao ako! May nangyari sa amin!" Giit pa ni Estrella kay Araceli.

Naguguluhan na ngayon si Araceli sa mga nangyayari. Parang hinihiwa ang kaniyang puso sa sobrang sakit.

"M-magkaka-anak kayo ni Xavier?" Nangingilid na ang luha ni Araceli at hindi niya batid kung bakit nasasaktan siya sa naririnig.

"Oo, at dahil sa'yo nag-iba ang tingin sa akin ni Xavier!"

Tuluyan ng bumuhos ang mga luha ni Araceli.

Itinaas na ni Estrella ang kamay at hahampasin ang mukha ni Araceli. Napapikit na lamang ang dalaga.




TANGHALI na ng nagkaroon ng malay si Araceli at napansin niyang nasa sariling silid na siya ngayon.

Inilibot niya na ang paningin. Naroroon si Xavier sa gilid ng kaniyang kama at nakaupo ito habang  nakatingin sa mga gamot na kaniyang binabalik sa sisidlan.

Pinalilibutan na ng mga tao si Araceli na walang malay. Ang mga nakakita sa kaniya ay nagtataka dahil nakatayo lang ito at nakatingin sa kawalan ng matagal, hanggang sa natumba nalang ito at nawalan ng malay.

Pauwi na rin si Xavier, Xienna, at Don Quasimodo nang mapansin nilang nagkumpulan ang mga tao sa isang lugar ng sementeryo.

Biglang kinabahan si Xavier sa hindi malamang dahilan. Sumunod naman sa kaniya ang kapatid at ang ama.

Natunghayan niya doon na nakahiga sa lupa si Araceli at wala ng malay. Agad niya itong binuhat.

Paglipas ng ilang minuto ay dumating rin ang mga kapatid at magulang ni Araceli.

"Diyos ko! Anong nangyari sa aking anak?" Bulalas ni Doña Viviana at napayakap kay Araceli.

Halos hindi na rin maipinta ang mukha ni Ariana at Amanda. Samantalang si Don Felipe naman ay nag tawag ng isang tao upang ipaalam sa kutsero na aalis na sila dahil may nangyari sa kaniyang anak.

"Samahan mo muna sila, anak." Saad ni Don Quasimodo.

Nagkatanguan ang dalawang don at umalis na sila sa lugar.

Namataan din ni Xavier sa 'di kalayuan si Estrella. Nanlilisik ang mga mata nito.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Araceli.

Nanunumbalik na naman ang sakit ng kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala na may ibang babae si Xavier tapos niligawan pa siya nito.

Napatayo si Xavier at inayos ang sarili.

"Ginamot ka upang mabilis ka magkamalay, kumusta ka?" Tanong ni Xavier at lumapit sa dalaga.

Hindi naman makasagot si Araceli, parang may kung anong pagkamuhi siyang naramdaman.

Hinawakan ni Xavier ang isang kamay ni Araceli at agad iniwas ng dalaga ang kamay.

"Iniibig mo ba talaga ako, Xavier? Totoo ba ang iyong pinapakita sa akin?" Wala sa sariling tanong ni Araceli.

"Oo, bakit mo natanong iyan?"

"Tumigil ka na, pakiusap." Sabi ni Araceli. Nakatulala lamang siya sa kawalan.

"B-bakit? May problema ba?"

"Itigil mo na ang iyong panliligaw. Putulin mo na kung anong mayroon sa nararamdaman mo sa akin."

Napahinga ng malalim si Xavier at parang dinambahan siya ng ilang libong bato.

"K-kung anong sinabi sa'yo ng babaeng iyon ay huwag mong paniniwalaan."

"Umalis ka na. Ibaling mo na lamang ang iyong sarili sa kaniya at sa magiging anak niyo...sasabihan ko nalang si Ama na babayaran ka nalang niya sa mga nagawa mo sa akin." Sabi ni Araceli.  Nangingilid na ang kaniyang mga luha.

"Pakiusap, huwag mong paniwalaan ang babaeng iyon."

Malinaw pa rin kay Araceli ang naging pag-uusapn nila ng babae na sa tingin niya ay kampon ng kadiliman.

"H-hindi ko na rin sasayangin ang oras na makilala ka. Sapat na sa akin ang aking nalalaman. Mayroon ka palang kasintahan at magkakaanak na kayo."

"Ara..."

"Umalis ka na, pakiusap. Huwag ka ng magpakita sa akin."

"Magpapaliwanag ako..."

"Para saan pa, Xavier?"

Nakatingin na ngayon si Araceli kay Xavier at nakikita ng binata na puno ng paghihinagpis ang mga mata ni Araceli.

Bumangon mula sa pagkakahiga si Araceli.

"Umalis ka na, Xavier."

Pinagtutulakan pa niya ang binata upang lumabas.

"Ara..."

Itinaboy niya papalabas si Xavier, kahit nahihilo pa ay buong sikap siyang tumayo upang ipagtulakan ang binata na umalis sa kaniyang silid.

Nang makalabas si Xavier sa pagkakatulak sa kaniya ni Araceli ay agad na isinara ng dalaga ang pintuan.

Doon ay agad na sinubsob ni Araceli ang sarili sa higaan at napahagulhol sa sakit.

Hindi naman nakuha ni Xavier ang kaniyang sisidlan ng gamot sa loob. Napahinga nalang siya ng malalim at may kung anong galit ang namutawi sa kaniyang puso.

Dumating din si Arturo at napansin niyang seryoso ang mukha ni Xavier na nakaharap sa pintuan ni Araceli.

"Ako na ang bahala sa kaniya. Pwede ka ng umalis." Saad ni Arturo.

Napayukom naman ng kamao si Xavier at walang imik na lumabas ng tahanan ng De La Vega. Hindi alam ng lahat ang pangyayari dahil abala sila sa pagluluto sa kusina. Samantalang si Don Felipe naman ay nasa palikuran.

Hindi na rin maawat ang mga luha ni Araceli dahil sa pangyayari ngayong araw. Hindi niya batid kung bakit ang sakit na malaman na mayroon na palang ibang nauna sa kaniya.

Isa lamang ang magiging sagot diyan.

Napaibig na siya ni Xavier. Unang pag-ibig na sa tingin niya ay hindi na mauulit pa.

----••••---••••-----•••••-----

Featured Song:

Huling Sandali by December Avenue

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro