Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11: Paglalapit

---••••----••••----••••-----••••----
NAKAUPO lamang si Ariana malapit sa gilid ng bintana habang nakikinig sa isang madre na nagtuturo patungkol sa kabutihang asal. Hindi niya akalain na kaklase pala niya si Ana dahil una sa lahat wala siyang pakealam sa kaniyang paligid at isa lamang ang kaniyang kaibigan at yun ay si Claridad Santa Mesa.

"Aring, nababagot na ako kakaupo dito." Bulong ni Claridad.

Naka-salong baba naman si Ariana habang bagot na nakatingin sa madre.

"Oo nga, tagal matapos. Puro ganiyan tinuturo pero ang pangit pa rin ng mga ugali ng ibang mag-aaral dito." Tugon ni Ariana at napatingin sa gawi ni Ana.

"Siyang tunay, Aring." Sabat ni Claridad.

Si Claridad ang matalik na kaibigan ni Ariana mula noong unang araw ng pasukan. Mabait si Claridad, maganda at kulot ang buhok nito na parang nahahalintulad sa sa isang sto. Niño. Anak siya ng isang hukom ng San Fernando.

Bigla namang tumunog ang batingaw ng simbahan, hudyat na tapos na ang kanilang klase at kakain na sila. Pagkatapos ay mag no-novena na naman sila kasama ang mga madre. May mga pari, diyakuno, at sakristan ang dadating ngayong araw.

Nabigla si Ana nang makita si Ariana na palabas ng silid-aralan kasama si Claridad.

Napahalukipkip siya at napairap.

Tadhana nga naman.

Nakaupo na si Claridad at Ariana sa isang bakanteng upuan at mesa. Hinihintay na lamang nila ang paglabas ng mga serbedora upang bigyan sila ng pagkain.

"Alam mo, Claring... may isa tayong kaklase dito na ayaw kong makita. Para bang nakakapangit ng araw. Hays!"

"Ano? Sino?" Tanong ni Claridad.

Napalinga-linga naman si Ariana at nang makita niyang si Ana na papasok ay agad na napatingin siya kay Claridad.

"Yung babaeng papasok dito. Yung hanggang balikat ang buhok."

Tiningnan naman iyon ni Claridad.

"Huwag mong tingnan Claring! Baka mahalata tayo na siya ang ating pinag-uusapan." Suway ni Ariana.

Napatabon naman ng abaniko si Claridad at napatawa ng mahina.

Ngunit nabigla na lang silang dalawa nang lumapit si Ana kasama ang dalawa nitong kaibigan.

"Ang liit talaga ng mundo at magkaklase pala tayo sa isang asignatura." Sabi ni Ana na ngayon ay napahalukipkip.

Napatingala naman si Ariana sa kanila.

"Tapos?" Sagot ni Ariana.

Sinuway naman ni Claridad ang kaibigan dahil alam niyang wala itong inuurungan.

"May araw ka rin sa akin!" Giit ni Ana.

"Bakit hindi nalang ngayon? Nasa harapan mo na ako." Sabay taas ng kilay ni Ariana kay Ana.

"Mga binibini! Nandito na ang inyong mga pagkain, mag sibalik na kayo sa inyong mga puwesto." Sabi ng isang serbedora.

Napairap nalang si Ana at bumalik na sila sa kanilang mga upuan.

"Duwag." Ikling sabi ni Ariana.

"Maging kalmado ka lang Aring, huwag mo ng isadlak ang sarili sa isang sitwsyon at baka mapatawag ang iyong ama at ina, mahirap na." Pangagaral sa kaniya ni Claridad.

Napahinga nalang ng malalim si Ariana at napangiti ng tipid.

PAGKATAPOS kumain ng mga estudyante ay pumasok na sila isa pang silid kung saan doon mag no-novena. Nakaupo na ang mga diyakuno at ang mga sakristan.

Panay bulong naman ang ibang binibini dahil sa mga gwapong sakristan.

"Mga halipandot." saad ni Ariana.

Mahina naman siyang binatukan ni Claridad.

"Shh! Maging maayos! Ikaw, binibining Ariana, huwag masyadong magaslaw at maging magalang sa pagsasalita." Suway sa kaniya ng isang madre.

"Paumanhin po." Sabi ni Ariana at napayuko ng bahagya at lihim na napangisi.

"Pilya ka talaga, Aring." bulong na sabi ni Claridad.

"Binibining De La Vega! Pinapatawag ka ni Sor Elisa. Pumunta ka sakaniyang silid." Tawag kay Ariana sa isa pang madre na kakarating lang.

"Kinakabahan ako, Claring."

"Pumunta ka na, baka may sasabihin lang si Sor Elisa."

Tapos lumapit na agad si Ariana sa madreng tumawag sa kaniya. Bago pa man siya lumabas ay nag bigay galang pa siya sa isang Pari na si Padre Sebastian. Ngumiti lang sakaniya ang pari.

Tinahak na ni Ariana ang pasilyo patungo sa silid ni Madre Elisa.

"Ay, punyeta." iyan nalang ang nasabi ni Ariana nang marating ang kalagitnaan ng pasilyo.

Naipit ang laylayan ng kaniyang saya ng isang rebulto ng isang santo. May isang sakristan naman na hapong-hapo kung kaya ay nilagay na muna niya ang santo na medyo mabigat. Hindi niya rin namalayan na na naipit niya pala ang mahabang laylayan ng saya ni Ariana.

Nagulat naman siya nang may nagmurang isang babae.

"Ginoo! Naku! Mapupunit na ang aking saya tapos ikaw diyan papunas-punas pa ng iyong pawis, Nagmamadali ako!" Reklamo ni Ariana.

Bahagyang binuhat ng sakristan ang santo at hinila ni Ariana ang saya.

Napairap nalang ang dalaga.

"Totoo nga ang sabi nila na mga suplada ang nandito sa skwelahan na'to." Sabi ng Sakristan.

"At sino ka para magsabi ng ganiyan?"

"Ako si Crisologo Santa Mesa. Mabuti at hindi nahawa ang kapatid ko sa mga hindi magagandang asal dito." Seryosong saad ng binata.

Parang binuhusan naman ng malamig na tubig si Ariana nang malaman na kapatid pala ito ng kaniyang kaibigan na si Claridad.

Ngayon niya lang napansin ang mukha ng binata, parang si Claridad pero lalaking bersyon. Medyo kulot rin ang buhok nito at maputi ang balat.

Mukhang tuod na tumalikod si Ariana at tumakbo sa silid ni Madre Elisa.

"O? Hapong-hapo ka, binibini?" Tanong ng madre.

"P-po? Ah--tumakbo po kasi ako."

"Buti hindi ka natisod." Nakangiting saad ni Madre Elisa.

Si Madre Elisa De Ocampo ang punong madre. Nasa limang 'put dalawa na ang gulang nito pero kitang-kita sa mga mukha nito ang nalalatay na dugong kastila.

"Sor Elisa, p-pinatawag niyo po ako?"

"Ah oo nga pala. Nagpadala ng sulat ang iyong ama. Pinadalhan niya rin ako ng isa pa dahil bukas ay uuwi ka muna sa inyong tahanan."

Tapos inabot na ng madre ang sobre kay Ariana. Binuksan niya naman agad ang sobre.

Anak,

Bukas ay uuwi ka dahil may okasyon na magaganap. Nakakalakad na ang iyong ate Ara.

      Ama

Halos maiyak si Ariana sa saya.

"Bakit binibini?" Takang tanong ng madre.

"N-nakakalad na ang aking ate Ara."

"Talaga? May awa talaga ang Diyos!" Masayang sabi ni Madre Elisa.

"Opo, may nag presenta po kasing isang manggagamot na galing isang nayon. Hindi siya nagpabayad."

"Sino iyan binibini? Hulog ng langit!"

"Hindi po siya kilala dito pero ang ngalan niya ay si Ginoong Xavier Sarmiento." Pagmamalaki ni Ariana sa madre.

"Ang tulad niya ay nararapat na parangalan ng malaki." Sabi ng madre.

"Babalik na po ako sor Elisa. Baka nagsisimula na silang mag novena."

"Sige, hija."

Takbong-lakad ang ginawa ni Ariana palabas ng silid ni Madre Elisa. Halos mapatalon na siya sa tuwa nang malaman na nakakalakad na ang kaniyang ate.

Naabutan niya namang nag-uusap si Claridad at Crisologo sa labas ng silid ng pag nonovenahan. Naglakad naman si Ariana ng mabagal na papasok sa silid.

"Ariana!" Tawag sa kaniya ni Claridad. 

Wala ng nagawa si Ariana kundi ang lumingon sa kanila.

"Hehe! Claring?" Hiyang tugon ni Ariana.

Hinila siya ni Claridad.

"Aring, siya nga pala ang aking kambal. Si Crisologo." Pakilala ni Claridad.

"Hindi mo naikwento na may kambal ka pala, Claring."

"Sinasabihan ko siya na ilihim niyang may kambal siya." Seryosong sabat ni Crisologo.

"Ah, solong at aring... pumasok na tayo sa silid dahil magsisimula na ang novena." Singit ni Claridad.

Hindi niya alam kung bakit nakakailang ang sitwasyon sa pagitan ng dalawa.





"ANO?" 'yan nalang ang nasabi ni Don Quasimodo sa anak nang nagsabi ito na iniimbitahan sila ng isang don sa San Fernando.

"Bakit naman tayo pupunta roon?" Tanong pa ng ama ni Xavier.

"Napagaling ko ang anak niya." Seryosong tugon ni Xavier sa ama.

"Bakit? Ano ba ang sakit ng anak niya?"

"Hindi nakakalakad."

Napatango-tango naman si Don Quasimodo sa anak.

"Naglilihim pala kayo ni Xienna sa akin." Sambit ng don.

"Paumanhin ama, alam ko naman na mahigpit kayo sa inyong batas dati."

"Sinong don ba iyan?"

Napasandal si Xavier sa upuan at pinagmasdan ang ama.

"Si don Felipe De La Vega, ama."

Napapikit ang kaniyang ama nang marinig ang apelyidong De La Vega. Hindi niya pa nasasabi sa kaniyang mga anak na isang De La Vega ang nakapatay sa kanilang ina.

"Sige, pupunta ako." Payag ng ama ni Xavier.

"Salamat, ama. Bukas tayo pupunta doon. Tamang-tama hindi pa naman kabilugan ng buwan." Saad ng binata sa ama.

Tumayo na si Xavier at pumasok sa kaniyang silid. Napatitig siya sa kaniyang kamay at sa may bandang pulso niya ay may kung anong salitang nakabaybayin ang bumakat doon parang isang tatu (tattoo).

(Maharlika)

Bahagya siyang nagulat nang nabasa kung ano ang nakasaad doon. Ang salitang Maharlika na kung sa kanilang kahulugan ay ito ang pinakamataas na ranggo na babakat sa kanilang mga balat kapag may nagawa silang malaking pribilehiyo. May ganito ang kaniyang ama ngunit ng malaman ito ng ibang opisyales ay hindi natuwa dahil matagal na daw silang namuno pero ni isang guhit sa kanilang pulso ay wala. Lalong lalo na si Don Vargas na may inggit sa kaniyag ama noon pero nagka areglo rin sa kalaunan.

Ipinikit nalang ni Xavier ang mga mata at kahit papaano ay masaya siyang nagkaroon siya ng guhit sa pulso. Isang guhit na alam niyang maipagmamalaki niya balang araw.

Bumangon na naman siya ulit at gusto niya ngayong ipagdiwang mag-isa ang sarili sa bahay aliwan.

"ANAK, ang ganda mo talaga." Puri ni Doña Viviana sa anak habang pinapasuot ito ng magarbong baro at saya. Sinusukat nila ito ngayon sa isang tindahan ng mga baro at saya.

Alam na rin ni Arturo na gumaling na si Araceli kung kaya ay inimbitahan niya ito na manuod ng isang dula kasama si Amanda mamaya.

Kanina pa napapalingon ang mga ginoo kay Araceli dahil talagang maganda ang dalaga at nadagdagan pa na nakakalakad na siya at hindi niya na ramdam ang kapintasan sa kaniyang katawan.

"Bagay talaga sa'yo, kapatid. Naku! Bukas makakauwi si Ariana talagang yayakapin ka niya sa tuwa. Panigurado." Sabi ni Amanda.

Pagkatapos mamili ng mag-ina ay nagpaalam na ang dalawa na pumunta sa isang teatro. Dumiretso na ring umuwi si Doña Viviana.

Nakita nila doon si Arturo at Daniel na naghihintay sa labas ng teatro.

"Kuya! Murag mao naman na sila." (Kuya, parang sila na 'yan.) Sabi ni Daniel.

"Oo..." Sagot ni Arturo.

"...magandang hapon, mga binibini. Ang ganda mo ngayon, binibining Araceli."

"Maraming salamat, ginoong Arturo. Kumusta ka ginoong Daniel?" Nakangiting tanong ni Araceli kay Daniel.

"Ayos lamang po, masaya po ako na nakakalakad ka na. Makakapagliwaliw na po kayo ni kuya." Birong sabi ni Daniel.

Sinagi naman siya ni Arturo.

"Ah-mga binibini, maghihintay muna tayo ng ilang minuto... hindi pa kasi nag bubukas ang teatro." Saad ni Arturo.

Tumango naman si Araceli. Samantalang si Amanda naman ay panay tingin sa mga ginoong manunuod rin ng teatro.

"Arturo?"

Huli na para umiwas si Arturo dahil namukhaan na siya ni Prescila.

"Hays, naa napud ning murag alimatok." (Hays, andito na naman ang mukhang linta.) Biglang sabi ni Daniel sa kaniyang kuya.

Sinagi ulit siya ni Arturo.

"Dili man gyapon na siya kasabot." (Hindi naman niya maintindihan.) Inis na saad ni Daniel.

"Arturo? Anong ginagawa niyo dito---" nabigla naman si Prescila nang makita si Araceli na hindi nakaupo sa kaniyang silyang de gulong.

Walang ano-ano ay pinulupot ni Prescila ang kaniyang kamay sa bisig ni Arturo.

"Ano ba ang ibig iparating ng babaeng ito?" Bulong ni Amanda habang nakatakip ng abaniko upang hindi siya mahalatang nagsasalita kay Araceli.

"Arturo, hindi ba sabi mo noon na lalabas tayo at manonood ng dula sa teatro?" Malagkit na pagkakasabi ni Prescila sa binata.

Wala ng magawa si Arturo at hindi na sinagot si Prescila. Hindi niya alam kung bakit pumayag ang kaniyang mga magulang na ikasal dito. Hindi pa naman pumapayag si Arturo kung kaya ay wala pa rin silang magagawa.

"Malay ko, ate. Siya yung nangutya sa akin noon."

"Talaga? Gusto mo sabunutan ko siya?" Bulong na sabi ni Amanda.

"Huwag na ate, magugulo lamang ang araw ni Arturo. At isa pa, inimbitahan lang tayo dito. Kalmahan mo lang." Saad ni Araceli.

"Anong ginagawa nila dito, Arturo?" Tukoy ni Prescila kay Amanda at Araceli.

"Inimbitahan ko silang manuod ng teatro." Sagot ng binata. Pinagpapawisan na siya sa pangyayari. Kahit ganito ang ugali ni Prescila ay kinakailangan niya pa rin maging magalang sa lahat.

Tiningnan naman ni Prescila si Araceli mula ulo hanggang paa. Naiinggit siya sa dalaga dahil kahit saang anggulo ay maganda talaga.

Sa hindi kalayuan ay nakita ni Xavier si Araceli kasama si Amanda, Arturo, at isang binibining nakapulupot sa braso ng binata at isa pang binata. Hindi mapigilan ni Xavier ang sarili kundi ang puntahan si Araceli.

"Binibini?"

Biglang lumakas ang tibok ni Araceli nang makita si Xavier.

"X-Xavier?"

Nagulat rin si Arturo dahil may ka kompetensya na naman siya kay Araceli. Kahit na si Prescila ay napabitaw sa pagkakapulupot ng kamay nang makita si Xavier. Ngayon pa lamang siya nakakita ng napakagwapong binata sa nayon at para sa kaniya ay pangalawa na lamang si Arturo.

"Saan ka pupunta, ginoong Xavier?" Tanong ni Amanda.

"Sa tindahan ng mga libro." Pagsisinungaling ni Xavier.

"Ah--Xavier, pwede kang sumabay sa amin manood ng teatro." Sabi ni Araceli. Napatingin naman siya kay Arturo.

"Ako na magbabayad kay Xavier." Sabi ni Araceli.

"Ako na, ako na rin ang magbabayad sa inyo ni ate Amanda." Biglang sabi ni Xavier sabay hila sa kaniyang kamay papunta sa isang tagabantay ng teatro.

Napayuko na lang si Arturo at ibinalik na rin ni Prescila ang kaniyang kamay sa pagkakapulupot sa braso ni Arturo.

Sumunod na lamang si Amanda at Daniel sa kanila.

"Alam mo hijo, napapansin ko lang na parang may kung anong kompetensya ang namamagitan sa iyong kuya at Ginoong Xavier." Hindi na mapigilan ni Amanda na makipagdaldalan sa binata dahil wala siyang ibang magawa at wala siyang kabiyak na kaniyang matatabi sa panunuod ng Teatro.

Tumawa nalang si Daniel kay Amanda.

Nang makapasok na sa loob ay hindi pa rin binibitawan ni Xavier ang mga kamay ni Araceli. Nahihiya na siya dahil namamawis na ang kaniyang kamay.

Nakita naman niya ang kaniyang ate na pinandilatan siya ng mata. Agad naman na bumitaw si Araceli at nag panggap na naghahanap ng mauupuan.

"Dito nalang ako." Sabi ni Araceli.

Tumabi naman sa kaniya si Xavier at tumabi rin si Arturo sakaniya. Napapagitnaan na siya ngayon ng dalawa.

Samantalang nakita naman niyang umirap sa kaniya si Prescila. Si Daniel at Amanda naman ay nasa likuran lamang nakaupo.

Ang dulang ipapalabas ngayon ay ang unang pag-ibig ng lalaking lobo sa babaeng nagngangalang Luciana.

Inobserbahan ni Xavier ang bawat litanya ng mga gumanap.

Sa isang nayon kung saan may isang binata ang naligaw. Hindi na niya alam ang pupuntahan dahil hindi na pamilyar ang lugar.

"Maari bang magtanong?" Sabi ng binata.

Napatingin naman si Luciana sa binata na ngayon ay parang nababalisa.

"Sige, ginoo. Ano iyon?"

"Anong lugar na ito?"

"Ito na ang nayon ng Isidro. Ikaw ba ay naliligaw?"

tumango ang binata. Naawa naman si Luciana at pinatuloy ang binata sa kanilang tahanan.

Bukod sa kanilang kaalaman ay isang lobo ang binata. Umabot na sa punto na nahulog na sila sa isa't-isa at nagtapat ng pag-ibig.

Handa ng isiwalat ng binata ang totoong katauhan.

"Isa akong taong Lobo."

Akala ng dalaga ay nagbibiro lamang ang binata hanggang sa natunghayan nalang niya ang pagbabagong anyo ng kaniyang minamahal.

Tinanggap ni Luciana ang binata at umalis sila sa nayon dahil pinagtataboy na sila ng taong bayan.

Namuhay sila ng payapa. Mas naunang binawian ng buhay si Luciana dahil ang binatang lalaki ay kailanman ay hindi tumatanda. Naging mapag-isa at nagdesisyon na tapusin ang sariling buhay.

Wakas

Nalungkot si Araceli sa naging kalabasan ng storya.

"Talaga bang hindi tumatanda ang mga lobo?" Tanong ni Araceli kay Xavier.

"Hindi ko rin alam, binibini." Sagot ni Xavier.

"Sa tingin ko ay hindi sila tumatanda." Sabat ni Arturo.

"Nagtataka rin ako dahil hindi na lumulusob ang mga lobo sa ating nayon." Sabi pa ni Araceli.

"Pasalamat nalang tayo dahil wala ng gumagambala." Saad ni Arturo.

"Uuwi na kayo  pagkatapos nito, binibini?" Tanong ni Xavier.

"Oo, Xavier."

"Ihahatid kita." Singit ni Arturo.

"Ako na ang maghahatid, ihatid mo nalang ang binibining kasama mo." Seryosong tugon ni Xavier.

Napahimas nalang ng batok si Arturo dahil nakakapit parin si Prescila sa kaniya.






MASAYA ang lahat sa pagdiriwang ng paggaling ni Araceli. Halos lahat ng kaibigan ng kanilang ama at ina ay dumalo. Nais rin ni Don Felipe na parangalan si Xavier.

Samantalang si Araceli naman ay inayusan ni Amanda at Ariana.

"Wala na silang panumbat sa'yo ate! Isa kang diyosa!" Papuri ni Ariana sa ate.

Nakasuot ng kulay pulang baro at saya na nadedisenyohan ng rosas ngayon si Araceli.

Dumating naman ang pamilya Torres, at ang kapatid ni Don Felipe na si Don Juan kasama ang esposa nito. Dumating rin ang ibang ka alyansa ni Don Felipe sa negosyo.

Samantala napatingin naman si Don Quasimodo sa kabuuang mansion ng De La Vega. Papasok na sila sa mansion.

"Ang pamilya Sarmiento! Ako'y nagagalak na makita ka don?"

"Don Quasimodo, ako ang ama ni Xavier." Dugtong ng don.

Bumati rin si Xienna at Xavier sa don at doña. Pumasok sila at doon nila nakita kung gaano ka engrande ang piging na ginawa ni Don Felipe.

"Nandito na ang magaling na manggagamot ni Araceli!"

Napatingin lahat sa gawi ni Xavier. Hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Ngumingiti lamang siya sa mga bisita.

Napatingin rin sa kaniya si Arturo. Pero hindi niya lang ito pinansin.

Natapos ng ayusan ni Amanda at Ariana si Araceli ay lumabas na sila mula sa silid ng kanilang mga magulang na nasa taas.

Sabay na napatingin si Xavier at Arturo kay Araceli na dahan-dahang bumababa ng hagdan.

Halos hindi matanggal ni Xavier ang paningin niya kay Araceli. Napakaganda nito sa kaniyang suot at sa nakapusod niyang buhok na may kaunting buhok na dumadampi sa kaniyang pisngi.

"Heto na ang aking anak! Napakaganda! Ginoong Xavier, maari mo siyang salubungin." Sabi ni Don Felipe.

Natauhan naman si Xavier at nag-aalinlangang lumapit sa dalaga.

"Sige na, kapatid. Pagkakataon mo na rin yan." Sabi pa ni Xienna.

Tinapik naman ni Don Quasimodo ang balikat ng anak.

Lumapit na doon si Xavier. Maraming mata ang nakatingin sa kaniya.

Inalahad na ni Xavier ang mga kamay niya sa dalaga. Hinawakan naman iyon ni Araceli.

Nagkakatitigan pa silang dalawa. Samantalang si Arturo naman ay gusto ng umalis sa piging dahil hindi niya akalain na mas malalapit pa si Araceli sa isang binatang hindi nila alam kung saan nanggaling.

Pagkatapos ng ganoong eksena ay pumunta ang mga magulang ni Araceli sa gitna at bumaba na rin si Amanda at Araceli.

Inagbayan naman ni Don Felipe si Xavier.

"Hindi matutumbasan ng kahit ano ang saya ko nang malaman kong napagaling ni Ginoong Xavier ang aking anak. Isa kang kahanga-hanga, ginoo..."

"...don Quasimodo, hindi sayang ang pagpapalaki niyo sa inyong mga anak. Kay binibining Xienna na buong sikap na turuan ang aking anak. Nakakamangha kayong magkakapatid. Ang aming pasasalamat ay hindi mapapantayan ng anuman..."

"...at simula ngayon ay ang pamilya namin at ang pamilya Sarmiento ay magiging ka alyansa na sa lahat."

Napalakpak naman ang lahat.

Nagkatinginan naman si Xavier at Araceli at nagkangitian ng palihim.





PAGKATAPOS ng hapunan ay tuloy pa rin ang saya ng lahat.

Napatingin naman si Don Quasimodo sa mga larawan na nasa pader at namumukhaan niya ang pumatay sa kaniyang asawa.

"Amigo! Halika dito at samahan mo kami na tumagay." Sabi ni Don Felipe.

Napangiti naman si Don Quasimodo at sumali sa kanila.

Si Xienna, Ariana, at Amanda naman ay abala sa pakikipag-usap sa ibang binibini.

Si Araceli naman ay nasa asotea kasama si Xavier.

"Kung dati ay hindi ako nakaka-akyat dito sa asotea, ngayon ay pwede na at nakikita ko ang buong kalupaan namin." Sambit ni Araceli.

Napangiti naman si Xavier sa dalaga.

"Ang ganda mo ngayon, Araceli." Malumanay na sabi ni Xavier.

Parang isang mahika ang mayroon kapag napatitig si Xavier sa mga mukha ni Araceli.

"S-salamat."

Napatingala si Xavier sa langit na ngayon ay mga namumutawing bituin.

"Tingnan mo ng mga bituin. Tingnan mo kung gaano sila kumikinang para sa'yo." Wala sa sariling sambit ni Xavier.

"Xavier? Totoo ba ang iyong sinabi noon sa akin na iniibig mo ako?"

"Oo." Diretsong sagot ni Xavier.

Nagsimula ng kumabog ang puso ni Araceli.

"Iniibig bilang?"

"Bilang ikaw." Seryosong sagot ni Xavier.

"Bilang ako?" Tinuro pa ni Araceli ang sarili.

"Mayroon pa bang iba? Hindi naman kita minamadali, Ara. Ang gusto kung mangyari ay sundin mo ang iyong puso. Kung may iba ka ng iniibig, ayos lang sa akin..."

"...kung wala pa naman ay..."

"...payag ka bang ligawan kita? Kahit isang daang taon pa ang lumipas bago mo ako sagutin ay maghihintay ako." Seryosong sabi ni Xavier.

Napatingin si Araceli kay Xavier. Gusto niyang kilalanin ng husto ang binata bago ibigay ang matamis niyang sagot.

Sabay silang napatingin sa kalangitan at sa oras na iyon ay parehas sila ng tinitibok ng puso.


-----••••----•••••----••••----••••

Featured Song:
Yellow by Coldplay










Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro