Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10: El Cielo a tu Lado

"INIIBIG KITA, Ara!" Diretsong sabi ni Xavier sa dalaga.

Halos walang kurap na napatitig si Araceli sa binata.

Samantalang si Xavier ay hindi na napigilan ang pagsabi ng nararamdaman sa dalaga. Hinayaan na lamang ang sarili na isiwalat ang nilalaman ng kaniyang puso.

Tumayo na si Xavier habang nakatitig pa rin sila sa isa't-isa.

"Pag pasensyahan mo na, huwag mo ng pansinin ang aking sinabi. Pakalmahin mo muna ang iyong sarili. Hindi na muna kita gagamutin sa ngayon, pero si ate ay papunta na rin dito. Adios." Naging malalim at seryoso ang boses ni Xavier at tuluyan na siyang lumabas sa silid ni Araceli at tinalikuran ang dalaga.

Samantalang si Araceli naman ay hindi makagalaw at walang anong salita ang lumabas sa kaniyang bibig, pinagmasdan niya lamang si Xavier na umalis.

NAKAUPO si Xavier sa balkonahe ng kanilang mansion habang umiinom ng serbesa. Seryoso siyang nakatingin sa kawalan. Hindi niya alintana ang mahinang pagpatak ng ulan at may panaka-nakang pag kulog. Alas singko na ng hapon at naka-limang bote na rin siya ng alak.

Hindi siya makapaniwala sa sarili na nasabi niya ang totoong nararamdaman kay Araceli.

Bumagsak na ang malakas na ulan at hindi pa rin umaalis si Xavier sa kaniyang kinauupuan at hinayaan ang sarili na mabasa.

"Xavier! Naku! Ano na naman ba ang sumanib sa'yo at nagpapabasa ka diyan sa ulan!" Sigaw ni Xienna na kakarating lang.

Nakita niya ang kaniyang kapatid na nakasandal sa upuan habang lumalagok ng alak.

"Xavier!" Sigaw pa niya ulit pero hindi lang siya pinansin ni Xavier.

"Hayaan mo na ang iyong kapatid." Pigil pa ng kanilang ama.

"Ewan ko rin kasi diyan, ama."

"Hayaan mo na." Ulit ng kanilang ama.

Napailing nalang si Xienna.

Inayos ni Xavier ang hibla ng mga buhok niyang kanina pa tumatama sa kaniyang mata gamit ang isang kamay.

Nakakahiya ka kanina! Walang bayag!
Ano na lang maiisip ni Araceli? Na ginagamit mo lang ang iyong kakayahan upang mapalapit sa kaniya? Tangina ka, Xavier.

Nagtatalo ang sarili ni Xavier sa kaniyang isipan.

Pero totoo ang sinasabi ko! Ginagawa ko iyon dahil mahal ko siya!

Ginulo ni Xavier ang kaniyang buhok at ang bote na nasa kaniyang kamay ay inihagis niya. Kitang-kita niya ang pagkalat ng basag na bote.

Samantalang si Ara naman ay hindi na lumabas sa kaniyang silid pagkatapos ng klase niya kay Xienna.

Nakaharap siya sa kaniyang malaking salamin at pinagmasdan ang sarili na nakaupo sa silyang de gulong.

"Ginagawa ko ito dahil iniibig kita, Ara."

Bumabalik sa kaniyang isipan ang litanya ni Xavier kanina. Bumabalik rin sa kaniyang isipan ang maamong mukha ng binata.

"Mag hunus-dili ka, Ara. Baka iniibig ka niya bilang kapatid o bilang kaibigan diba?"

"Pero...mayroon bang ganoon? Tama, ganoon na nga! Huwag mo ng bigyan ng anong kahulugan."

"Hindi ako manhid!"

Kinakausap ni Araceli ang sarili at napailing nalang.

Nasabi lang siguro niya 'yon dahil naaawa siya sa'kin.

Sabi ni Araceli sa sarili. Napahinga nalang siya ng malalim at napatingin sa bintana habang malakas ang ulan sa labas. Sinasamsam niya ang malamig na panahon.

NAGISING si Xavier mula sa kahapong pagkakatulog. Hindi niya alintana na tanghali na pala dahil umuulan parin.

Pumunta siya sa palikuran upang maligo dahil pupuntahan na naman niya si Araceli. Wala na siyang pakealam kung iiwas sa kaniya ang dalaga.

Pagkatapos ng pag-aayos ay kumuha na siya ng mga gamot sa tukador at napadesisyunan niya ng lumabas ng tahanan.

Napatingin si Xavier sa makulimlim na kalangitan at sinasalo ng kaniyang mga palad ang patak ng tubig na mula sa kalangitan. Napahinga siya ng malalim at binaba ang mga kamay at nag simula ng maglakad.

"Saan si Xavier, binibini?" Tanong ni Amanda.

Kasalukuyan sila ngayong nag-iinom ng mainit na barakong kape kasama si Araceli na tahimik lamang na nagbabasa ng libro na pinaraya sa kaniya ni Xavier noong nasa tindahan sila ng mga libro. Kanina pa napapansin ni Xienna ang librong binabasa ni Araceli. Napaka-pamilyar nito.

"Naku, ewan ko ba sa kapatid ko. Nasa tahanan namin, natutulog pa yun. Panigurado." Sagot ni Xienna.

Napangiti naman si Amanda kay Xienna dahil kung mag salita silang dalawa ay parang magkakilala na ng matagal.

"Papasok po muna ako sa aking silid." Biglang sambit ni Araceli.

Napatango nalang si Amanda kahit nagtataka dahil parang matamlayin ang kapatid simula pa kagabi.

Wala rin ang kanilang mga magulang simula pa kahapon dahil bumalik ng Baler at sa tingin nila'y bukas pa makakabalik dahil sa lakas ng ulan. Si Ariana naman ay mamalagi sa kumbento ng isang linggo dahil may rekoleksyon.

Pagkapasok ni Araceli sa silid ay umalis na siya sa pagkakaupo sa silyang de gulong at napahiga sa kaniyang higaan. Inilagay niya rin ang libro sa kaniyang silya.

Pinapakinggan niya ngayon ang buhos ng ulan habang nakatingin sa bintana. Nakikita niya mula sa labas ang pag galaw ng mga dahon ng halaman dahil sa lakas ng ulan.

Buwan na kasi ng Oktubre kung kaya ay may pag-ulan ng nagaganap.

Habang masayang nag kukwentuhan sina Amanda at Xienna ay nagulat na lang sila nang binuksan ni Kasandra ang pintuan ng mansion dahil narinig ng dalaga na may kumakatok. Nang masilip ay naroroon si Xavier sa labas nag hihintay. Kaya ay pinagbuksan niya ito agad.

"Magandang araw---" hindi na natapos ni Xavier ang pagbati nang sumingit ang kaniyang ate.

"Himala, humabol."

Natawa naman si Amanda sa sinabi ni Xienna.

"Pasok ka, ginoong Xavier..." Aya sa kaniya ni Amanda.

"...nasa kaniyang silid si Ara." Dagdag ni Amanda.

Pumasok naman si Xavier at binigyan siya agad ni Kasandra ng bimpo para punasan ang kaniyang sapatos na ngayon ay basa na.

"Maraming salamat, binibini." Sabay ngiti ni Xavier.

"Ginoo, pasukin mo na lang siya sa kaniyang silid..."

Nabigla naman si Xienna at kahit na si Xavier ay kinabahan nang sinabi na pumasok siya sa silid ni Ariana.

"...ah--kasi manggagamot siya. Ayos lang iyon sa amin." Sabi agad ni Amanda.

Kahit na ang kanilang ama ay hindi strikto kapag tungkol kay Xavier dahil may rason naman. Dahil manggagamot siya.

"Sige na, huwag ka ng mahiya. Kumatok ka lang." Sabi ni Amanda.

Tumango naman si Xavier at pumunta sa may pintuan ng silid ni Araceli.

Narinig naman ni Araceli ang tatlong katok sa kaniyang pintuan.

"Abierto!" (Open) sabi ni Araceli.

Dahan-dahan namang binuksan ni Xavier ang pintuan at nakita niyang nakahiga lamang si Araceli.

Pumasok naman si Xavier at hinayaan nalang na bukas ng bahagya ang pintuan upang hindi malagyan ng malisya.

"Bumalik ako para gamutin ka." Mahinahong sabi ni Xavier.

Kahit umuulan ay pinagpapawisan siya sa presensya ng dalaga. Nakasuot siya ngayon ng puting tsaleko, ayaw ni Xavier na naka itim ng suot kapag pumupunta sa tahanan nila Araceli.

"S-salamat." Sabi ni Araceli.

Hindi maintindihan ni Araceli kung bakit kumakabog ng malakas ang kaniyang puso. Umiinit rin ang kaniyang mga pisngi.

Naging tahimik na silang dalawa at tanging buhos ng ulan lamang ang kanilang naririnig. Seryoso namang hinahanda ni Xavier ang kagamitan. Kinuha na na niya sa kaniyang tukador kanina ang matagal na niyang nagawang gamot. Susubukan niya ito ngayon.

Kahit nakakailang ang sitwasyon ay sinikap ni Xavier na masahe-in muna ang binti ni Araceli.

Pinainom niya rin si Araceli ng gamot na kaniyang nagawa, matagal na ang nakakalipas.

Pagkatapos ay inilahad ni Xavier ang kaniyang palad. Napatingin naman doon si Araceli.

Hindi batid ni Araceli kung bakit ang init ng mga palad ni Xavier ngayon.

"Hawakan mo ang aking kamay. Alalalayan kita para makatayo ka." Sabi ni Xavier.

Hinawakan naman iyon ni Araceli at sa unang paglapat ng kaniyang mga paa sa sahig ay parang may kung anong lakas na parang kayang-kaya na niyang maglakad na walang alalay.

Habang ang isang kamay ng dalaga ay nasa kamay ni Xavier ang isa naman ay nasa kaniyang saya, inangat ni Araceli iyon ng kaunti para makita ang paa niyang parang handa ng maglakad.

"Ano ang iyong naramdaman, binibini?" Tanong ni Xavier.

Napatingin naman siya kay Xavier, doon niya lang napagtanto na ang lapit pala nila sa isa't-isa.

Napaatras si Araceli at nabitawan ang kamay ni Xavier ngunit mas mabilis pa sa kidlat na nasagip ni Xavier ang dalaga. Napigilan niya ang pagkakatumba ng dalaga at nayakap niya ito ng wala sa oras.

"Nandito ako para sagipin ka sa pagkakatumba. Huwag kang mag-alala." Kalmadong sabi ni Xavier.

Samantalang nasubsob naman ang mukha ni Araceli sa dibdib ng binata. Naamoy niya ang halimuyak ng pabango.

Hindi niya alam ang gagawin dahil magkadikit ang katawan nila ngayon ni Xavier at nararamdaman niya ang init sa katawan ng binata.

Ilang segundo rin ang ganoong position nang maisipan na ni Araceli na humiwalay sa pagkakayakap sa binata.

"Salamat a-at...sinagip mo ako. Nais ko ng umupo sa higaan." Nahihiyang sabi ni Araceli.

"Sige." Ikling sagot ni Xavier.

Binitawan naman ni Xavier si Araceli.

Wala sa sariling bumalik si Araceli sa kaniyang kama.

Samantalang natigilan si Xavier nang umepekto ang gamot niya.






Nakakalakad na si Araceli.






Nagtaka naman si Araceli nang makaupo siya sa higaan. Napatingin siya kay Xavier na may dalawang dipa ang layo.

Umarkong pabilog ang bibig ni Araceli nang napagtanto niyang nakalakad siya. Lumaki rin ang kaniyang mga mata sa gulat.

"X-Xavier?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Araceli sa pangalan ng binata.

"Nakakalakad na ako? Nakakalakad na ako!"

Halos walang paglagyan ng saya ang nararamdan ni Araceli. Napatayo siya.
Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Sinampal-sampal pa niya ang sarili at kinurot ang pisngi.

"Nananaginip ba ako, Xavier?" Tanong ng dalaga.

Napangiti naman si Xavier sa dalaga habang nakatagilid na nakasandal sa pader at nakapamulsa ang isang kamay.

"Hindi ka nananaginip, binibini. Totoong gumaling kana." Tugon ni Xavier.

Agad namang lumapit si Araceli at napayakap ng mahigpit kay Xavier.

"Maraming salamat, Xavier. Utang na loob ko ito sa'yo." Naiiyak na sabi ni Araceli.

Niyakap naman pabalik ni Xavier ang dalaga at napapikit siya habang sinasamsam ang yakap mula kay Araceli.

"Sabi ko naman sa'yo... gagaling ka." Kalmadong sabi ng binata. Habang nakayakap pa rin kay Araceli.

"ARA?!"

nagulat at naman ang dalawa nang marinig ang boses ni Amanda.

Napalingon si Araceli.

"A-ate?"

Samantalang si Xienna naman ay gulat rin na nakita ang kapatid na kayakap si Araceli.

Mas nagulat pa silang dalawa nang makitang lumapit sa kanila si Araceli.

"Nakakalakad na ako, ate!"

Bigla namang nahimatay si Amanda nang makita ang kapatid na nakakalakad na. Mabuti nalang at naalalayan ni Xienna si Amanda.

Binuhat ni Xavier si Amanda at pinahiga sa higaan ni Araceli.

"Naku! Nagulat yata ang iyong ate kung kaya ay nahimatay..." Nag-aalalang tugon ni Xienna.

"...Xavier, talagang napakagaling mo kapatid! Pinagmamalaki kita." Tapos niyakap ni Xienna si Xavier.

"Ate!" Suway ni Xavier.

"Grabe ka, pero kung makayakap kanina kay Ara, parang ayaw mo ng humiwalay." Reklamo ni Xienna.

Bigla namang nakadama ng hiya sina Araceli at Xavier.

"Ara, ako'y masaya sapagkat napagaling ka ng aking kapatid. Hays, kung malalaman ito ng iyong magulang tiyak mag papahanda 'yon."

Napatawa naman ng mahina si Araceli.

"Pwede ka ng tumakbo, maglakad, o pumunta sa iyong gustong lugar." Dagdag pa ni Xienna.

Samantalang si Xavier naman ay nililigpit na ang gamit. Hindi na niya lang gagamutin si Amanda dahil magkakamalay rin ito mamaya.

Kinumutan naman ni Araceli ang ate na walang malay. Si Xavier naman ay umalis na sa silid. Inayos niya ang kaniyang tsaleko at napangiti.

Nakasalubong naman niya si Kasandra.

"Aalis na po kayo? Si binibining Xienna?"

Tumango na lamang si Xavier.

"Nasa silid ni Araceli, puntahan mo nalang doon sila."

Pinuntahan naman ni Kasandra ang tatlo sa silid. Napatakip ng bunganga si Kasandra dahil sa gulat nang makitang nakatayo si Araceli at nakakalakad na ito.

"Binibini? Nakakalakad ka na?"

"Oo, Kasandra. Salamat kay Xav--- saan si Xavier?" Nagtatakang tanong ni Araceli.

Kahit na si Xienna ay nagtaka rin kung bakit nawala bigla ang kapatid.

"Si Xavier talaga iniwan ako."

"Binibini, susundan ko muna si Xavier." Tugon ni Araceli kay Xienna.

"Huwag na, ako na ang bahala---" hindi pa natapos ni Xienna ang sasabihin nang tumakbo na palabas si Araceli.

Kahit na malakas ang ulan ay sinikap ni Araceli na abutan si Xavier na naglalakad na ngayon sa palabas ng kanilang mansyon.

Hindi rin alintana ni Xavier ang ulan. Gusto niyang mapag-isa muna at pilit na ipasok sa isip ang mga nangyayari. Kahit na siya ay hindi makapaniwala na nagamot si Araceli.

Bagay na hindi niya nagawa noon sa kaniyang ina.

(Limang taon ang nakaraan)

Hindi na magkamayaw ang lahat nang malaman nila na maraming sugat ang natamo ng ina ni Xavier at Xienna. Naliligo ito sa sariling dugo at wala ng buhay.

Iyak lamang ang tanging magagawa ni Xienna habang nakayakap sa Ama na ngayon ay tulala.

Habang si Xavier naman ay naghahalo ng mga halamang gamot para bumalik sa buhay ang ina.

Nanginginig at puno ng poot at galit ang nararamdaman ni Xavier habang naghahanda ng kagamitan sa gagawing pamatay-bisa sa kamatayan ng kaniyang ina.

Nasa labing-walong taong gulang siya noong nangyari ang trahedya. Lumapit siya sa kaniyang ina na putlang-putla na ang balat at bibig. Ipanainom niya ang isang likido.

Parang mababaliw si Xavier ng makitang mga sugat lamang ang naghilom pero hindi pa rin humihinga ang kaniyang ina at putlang-putla pa rin.

"Mabubuhay ka, ina!" Hagulhol ni Xavier habang kalong niya ang ina na pinapainom ng likido pero makaraan ang ilang oras ay wala parin, at hindi na muling tumibok ang puso ng kaniyang ina.

Isang linggo siyang nagmukmok at ilang taon din naging mapag-isa si Xavier.

"Xavier!" Tawag ni Araceli sa binata. Patakbo siyang lumapit kay Xavier.

Kahit naka-paa ay hinabol at inabot ni Araceli ang isang kamay ni Xavier upang tumigil ito.

Parehas na silang basang-basa sa ulan.

"Bakit ka umalis agad? Umuulan pa, gusto kong maabutan ka ni Ama at Ina." Sabi ni Araceli na ngayon ay hindi parin binibitawan ang mga kamay ni Xavier.

Napangiti si Xavier habang nakatitig sa mga mata ni Araceli.

"Masaya na akong makita ka na gumaling."

"Dahil sa'yo, Xavier."

Mas lalo pang bumuhos ang malakas na ulan. Niyakap siya ulit ng dalaga at sa pagkakataon na iyon ay narinig ni Araceli ang tibok ng puso ni Xavier.

Naghalo ang emosyon ng binata habang yakap niya si Araceli at sinaluhan nila ang bawat iyak ng langit sa dapithapon.
-•••••----••••----•••----
Featured Song:

YOUR GUARDIAN ANGEL BY TRJA

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro