110
Narration IV
"Ate... bakit?" napalingon ako kay Blaise nang bigla siyang magsalita. Nasa park kami ngayon at kumakain ng ice cream na binili namin sa Serenity's Ice Cream. Matagal na kasing nire-recommend ni Olive sa'kin 'tong ice cream store na 'to. At totoo nga! Masarap 'yong ice cream nila at ang dami rin nilang iba't-ibang klase ng flavors.
Huminga ako nang malalim bago itinuon 'yong atensyon ko sa mga bata na abala sa paglalaro ng bola. Ganoon din si Blaise, malayo ang tingin niya.
Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog 'yong cellphone niya, at nakita ko na si Kenzo 'yong tumatawag. Biglang bumilis 'yong pag tibok ng puso ko. Ilang linggo ko na siyang hindi nakikita. At ang huling message pa niya sa'kin ay 'yong "no problem" na reply niya.
"Sorry ate..." sabi ni Blaise, pagkatapos niyang ibinalik 'yong cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya at saka humarap sakin. Seryoso pa rin ang itsura niya habang hinihintay ang sagot ko.
I bit my lower lip.
Regret starts engulfing my bitter heart once again.
Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ko nalang sinabi kay Kenzo 'yong totoong dahilan. E'di sana maayos pa rin kami hanggang ngayon.
"Bakit si Kuya Trent ang pinili mo keysa kay Kuya Kenzo? Ate... sobrang nasaktan ka na kay Kuya Trent noon, pero bakit siya pa rin ang pinili mo?"
Tears starts forming in my eyes. I looked away from Blaise. Hindi ko siya kayang titigan sa mata. Lalo pa't kitang-kita ko 'yong sakit sa mga mata niya. He really likes Kenzo for me. No doubt! Hindi naman naging ganito si Blaise noon kay Trent. Bukod tanging kay Kenzo lang siya naging ganito.
Kenzo really is the best for me, and yet, I chose to hurt him.
Ang tanga ko lang.
Kung kailan huli na at saka ko lang napagtanto lahat.
"Hindi ko pinili si Trent, Blaise..." I swallowed the lump in my throat. "Hindi ko pinili si Trent..." I echoed.
Nakita ko 'yong pagkalito sa mukha ng kapatid ko.
Nagbuntong-hininga ako bago tinignan nang diretso sa mata si Blaise. I have never told anyone about this... because I was ashamed of myself. I am ashamed for thinking about someone else while in a relationship.
"Akala ko kasi mahal ko pa si Trent. Simula nang magkausap kami noong nasa Boracay tayo, akala ko bumalik iyong nararamdaman ko sakaniya."
"Pero bakit mo sinagot si Kuya Kenzo noon?"
"Hindi ko sinasadyang saktan si Kenzo. Gusto ko naman talaga siya, e... mahal ko siya, pero sobrang nalilito ako sa nararamdaman ko. Sinagot ko si Kenzo dahil akala ko kapag naging kami na, makakalimutan ko na si Trent."
"Ate alam mo ba kung gaano ka kamahal ni Kuya Kenzo? Sobra pa sa sobra..." sabi ni Blaise. Hindi ko na napigilan pa 'yong luha ko na kusang tumulo.
"Alam ko..."
"Hindi mo alam ate. Kasi kung alam mo, hindi mo magagawa kay Kuya Kenzo iyon." ramdam ko 'yong inis sa boses niya.
"Noong pumayag akong makipag kita kay Trent noong girls night out, iyon 'yong araw na kinausap ko si Trent para makuha iyong closure na hinahanap ko. Akala ko kasi mahal ko pa siya pero mali ako. Maling-mali... Dahil ang gusto ko palang makuha sakaniya ay 'yong closure na hindi niya nagawang ibigay sakin noon."
"Okay na, e. Nagkausap na kami ni Trent. Malinaw na sakin lahat. Handa na akong ayusin 'yong samin ni Kenzo, pero hindi ko maiwanan si Trent dahil namatay 'yong nanay niya, tapos nalaman pa niya na may ibang kinakasama at pamilya na iyong tatay niya." bumalik na naman 'yong galit ko sa tatay ni Trent. Bumalik din 'yong galit ko sa tatay ko na ganon din ang ginawa sami ni Blaise noon nang mamatay si Mama.
Sobrang awang-awa ako kay Trent, dahil alam ko kung gaano kahirap at kasakit 'yong pinag-dadaanan niya. Siya lahat ang nag-asikaso nang burol hanggang libing ng nanay niya. Kaya hindi ko siya maiwanan nang ganon lang. Kaibigan ko pa rin siya.
"Bakit hindi mo sinabi sakin? O kay Kuya Kenzo..." nanginginig 'yong boses ni Blaise.
A sad smile broke into my lips. "Kasi akala ko hindi ako maiintindihan ni Kenzo. Naunahan ako ng takot, na baka kapag nalaman ni Kenzo na magkasama kami ni Trent ay iiwanan niya ako. Na magagalit siya sakin."
"'Yong araw din na bigla akong umalis, tinulungan ko si Trent na hanapin si Rich noon dahil bigla nalang siyang nawala." I added.
"Nag-layas si Rich?!" gulat na tanong ni Blaise. Magka-edad si Rich at Blaise, pero kahit kailan ay hindi sila nagkasundo. Magkaiba kasi ang hilig at ugali nila. Kaya kahit mag best friend kami ni Trent, 'yong mga kapatid naman namin ay palaging nagbabangayan.
Dahan-dahan akong tumango. "Pero mabuti nalang nahanap namin siya agad sa bus station bago pa siya makaalis papunta kung saan man."
"Kung matigas ang ulo ko ate, mas matigas pa rin pala ang ulo ni Rich." saad ni Blaise habang napapailing. Tipid akong napangiti at saka ginulo 'yong buhok niya.
"Anong balak mong gawin ngayon ate? Sasabihin mo ba kay Kuya Kenzo 'yong totoo?"
"Gusto ko... pero, hindi muna ngayon."
Kumunot ang noo ni Blaise. "Gulo mo ate."
"Kung kami talaga, kami talaga hanggang sa huli Blaise... Gusto ko sa susunod na magkikita kami, siguradong-sigurado na akong kaya kong ibigay sakaniya nang buo 'yong puso ko, dahil iyon ang deserve niya."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro