Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Beginner, a writer wanna be

This book contains of thoughts about writing or other stuff that I want to scribble in couple of minutes without thinking what to words to bleed.

Pre-writing is a technique to avoid writer's block.

--

I started writing novels since 2013. Kung malinaw pa sa alaala ko, nagsimula iyon dahil sa isang kaibigan. Naimpluwensiyahan niya ako noon na magbasa sa wattpad at dahil nga naadik ako sa pagbabasa noon, dumating sa puntong nagsulat din ako ng sarili kong kuwento. Inspired siya sa teen clash. Four girls and four boys din. Nakasulat siya sa isang makapal na notebook na pinaghirapan kong tahiin noon at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin siya.

Wala siyang pamagat kasi wala akong maisip na pamagat na babagay sa kanya. Atsaka hindi ko naisip na i-post siya sa kahit anong writing platforms. Noon, nagsusulat lang ako para sa sarili ko. Iyong ako lang ang nakababasa at iyong mga taong malalapit sa akin. Iyon ang kauna-unahan kong nobela na naisulat. Ang kaso ngayon, sa tuwing babasahin ko siya, hindi ko maiwasang mapatawa. Puro emojis. Halos lahat yata ng kabanata napuno ng emoticons e.

Wala ring kuwenta ang mga characters. Puro isip-bata. May pa-gangster-gangster pa akong nalalaman, hindi ko naman alam kung paano kumilos at mag-isip ang isang gangster. Ni wala nga akong alam sa kalakaran ng mga iyon. Basta nagsusulat lang ako kahit anong pumasok sa utak ko. Ang sayang balikan ng araw na iyon. Sobrang inspired akong magsulat at nakakatapos ako ng kuwento dahil wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao at wala pa akong gaanong alam sa basic writing. Basta nagsusulat lang ako. Katulad ngayon. On the spot. Kung anong pumasok sa utak ko, ititipa ko.

Ang pangalawang kuwento na naisulat ko naman ay nasa laptop. Chasing Scars ang title. Ako pa nga ang bida sa sarili kong kuwento at iyong crush ko. Haha. Grabe, kapag naalala ko iyon ngayon, nandidiri ako sa sarili ko. Seriously, paano ko naisulat iyon? Pero, aaminin kong nasiyahan ako sa pagsusulat ng kuwentong iyon. Hindi na ako gumagamit ng emojis at englisherang froglet ang bida sa kuwento ko. Kahit ang daming errors sa grammar, sulat lang ako nang sulat. Haha. Feeling ko kasi noon, maganda sa pandinig ang English at parang ang astig mong writer kapag nag-e-English ka.

Pero mali ako ng akala. Kasi hindi lahat, nagbabasa ng English. At hindi lahat, naaastigan doon lalo na kung basic grammar palang ay ligwak ka na. Ang pangit ng English mo kung trying hard ka. Dapat natural lang. Kung hindi ka confident sa English mo, bakit ka pa gagamit? Doon ka sa medium kung saan ka kumportable. At least, doon, maipapaliwanag mo at maikukuwento mo nang maayos ang mga pangyayari.

Alam n'yo bang nakaka-eight mintues na ako. Share ko lang. So iyon, dahil marami pang tumatakbo sa utak ko ngayon, susulat lang ako nang susulat hanggang sa wala na akong maisipang isulat.

Ang pangatlong nobela na naisulat ko naman noon ay pinamagatang Time Errors. Tungkol sa isang babaeng writer na na-in love sa isang scientist. Ang kaso, iyong scientist na iyon mas pinili ang career kaysa siya. Kaya in the end, naging broken hearted iyong babae at umalis sa lugar kung saan naaalala niya iyong lalaki. Gusto niyang makalimot hanggang sa makatagpo siya ng isang mayabang at mahangin na CEO ng isang Mall. O, 'di ba, sobrang clichè ng plot ko. Naalala ko pa, may pa-amnesia pa akong pinasok sa story na ito. Memapasok na lang na twist. Haha. Grabe. Nang mga panahon na ito, wala pa rin akong alam sa basic writing. Para pa rin sa sarili ko kaya ako nagsusulat. Oh di ba, nakatatlong nobela na ako. Haha. Sobrang inspired kong magsulat nang mga panahong ito. Sana ngayon din.

Ang pang-apat ay nai-post ko sa wattpad. The Other Side of Rapunzel, may pa-contest kasi noon sa isang indi pubhouse. At dahil gusto kong subukan ang swerte ko, kahit walang gaanong alam sa pagsusulat ng nobela, sumali ako. Itong kuwento naman na ito ay tungkol sa isang prinsesa ng Luxembourg na pumunta sa Pilipinas para maitigil ang kasal ng taong mahal niya. Na in the end, nalaman niyang hindi niya pala mahal iyon kundi iyong kapatid nito na laging galit sa kanya. Pero hindi sila iyong magkakatuluyan. Ang makakatuluyan niya sa kuwento ay iyong fiance ng kapatid niya na nasa Luxembourg at iyong makakatuluyan ng kapatid niya ay iyong lalaking nangakong maghihintay sa pagbabalik niya sa kaharian nila. O, di ba. Ang dami kong kana. Akala mo talaga maganda iyong mga twist e. Haha. Naisip ko kasi noon, na kapag maraming twist, maganda.

Pero hindi pala. Lalo na kung hindi mo mabibigyan ng hustisya. At hindi masosolusyunan nang maayos. Mygash. Pero sa kabutihang palad, natapos ko naman siya. Naka-unpublish siya sa wattpad dahil minadali ko lang iyong kuwentong iyon. Nakapokus kasi ako na makatapos agad ng kuwento sa wattpad. Kaya bara-bara na lang para matapos agad. Haha. Grabe. Gustong-gusto ko pa naman ang mga pangalan nila. Kakaiba. Hindi ko sasabihin. Baka pagtawanan n'yo pa ako.

May pag-iisip ako noon na kapag unique ang name ng characters, maganda. Mali na naman ako ng akala. Hindi na kasi makatotohanan iyon. Beyond realistic.

Pagkatapos kong maisulat ang kuwentong iyon, na hindi naman nanalo, sinubukan ko ulit ang suwerte ko. Sumali ako sa pa-contest ng isang pubhouse noon, collaboration novellete ang pinapagawa. Ka-collab ko ang co-admin ko na taga-Cebu. Englishera iyon e. Kaya kahit gusto ko na pure Filipino ang kuwento, Taglish kami. Pang-werewolf ang kuwento. Ako ang taga-sulat, siya ang taga-edit. Ang galing 'di ba? In 20 days, natapos kong isulat ang kuwento nina Dane at Mason. Achievement iyon. May hinahabol kasing deadline kaya sobrang inspired magsulat.

At noong nailabas ang resulta, na-shookt ako nang makapasok kami sa top 3! Pangatlo kami. Haha. Feeling ko tuloy ang galing ko. Naka-self publish siya. Sa una, sobrang saya na maisip na nakapag-publish ka ng libro kahit self-pub lang. Pero kapag nandiyan na, hindi pala. Kasi hindi naman kami kilalang manunulat. Kaya walang bibili ng libro namin. Kung mayroon man, iyong mga kakilala lang. Iilan lang sila. Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng sakit (wews) kasi kahit ano pa iyong achievement na naabot mo, kung wala namang nakaka-appreciate nito, parang wala rin. Gusto ko siyang kalimutan. Pero hindi ko magawa kasi, may copy ako. Binili ko pa nga e. Pinagsisisihan ko iyon. Kasi sarili kong gawa, binili ko?

Hinding-hindi ko na uulitin ulit iyon. Naloko ako. Nagpasilaw ako na makapag-publish ng story kahit wala namang kuwenta. Kaya matapos ang pangyayaring iyon, nawalan na ako ng gana sa pagsusulat ng nobela.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro