Chapter 7: KDrama Fever
Mickey hates KDrama. That's what Aika thought to be true. Kaya naman nagulat siya nang katukin nito ang bahay niya kinabukasan. Alam na nito kung saan ang bahay niya dahil inihatid siya nito kahapon. Kinuha pa nito ang number niya. He insisted that they're friends kahit ayaw niya.
He finished the drama they're both watching before going home. Nakapag-order pa siya ng pagkain dahil inabot na sila ng gutom sa panunuod. And now, he's back again.
Pinagsisisihan tuloy niyang pinapanuod niya ito ng KDrama. Hindi na nga nito nilalait si Jong Suk pero ayaw naman siya nitong tigilan.
"Bibigyan na lang kita ng kopya ng mga series ko!" sabi niya nang magtuloy-tuloy ito papasok sa bahay.
"I'll have a lot of questions and you'll need to answer them."
"Pwede ka namang mag-text, di ba? You already have my number!" Na sapilitan nitong kinuha sa kanya.
"Yeah. But you might ignore me."
Wala siyang lusot. He already knows that she'll ignore him. Iyon naman talaga ang plano niya. Why would she waste her time answering his questions? Marami pa siyang kailangang panuorin, basahin, at isulat.
Naupo ito sa couch sa tabi ni Elmo. Even her cat betrayed her. Elmo let Mickey pet him. Ito lang yata, sa lahat ng nakapunta sa bahay niya, ang nagustuhan ni Elmo.
"What are we going to watch today?" nakangiti nitong tanong.
"Hindi ako manunuod. I need to write." Bumalik siya sa dating pwesto sa tabi ni Elmo. Sumiksik ang alagang pusa sa kanya. "Busy ako. Umuwi ka na."
Mickey did the opposite. Naupo ito sa tabi niya (he shooed Elmo away) at nakibasa ng isinusulat niya. Inagaw pa nito ang laptop mula sa kanya nang subukan niya iyong ilayo. He's stronger than he is. Isang kamay lang nito ang pumipigil sa kanya habang nag-i-scroll down naman ang isa. He read the story from the beginning. It was a new one. Hindi iyon ang plano niyang ipasa.
Side story iyon ng pangalawang bida dahil hindi nito makakatuluyan 'yong female lead. Makulit kasi ang boses ng secondary character na iyon kaya hindi pa man niya tapos ang kwento ng mga bida ay napilitan siyang simulan na rin ang kwento ng pangalawang bida.
"Brooding... mysterious... ako ba 'to?" kunot-noong tanong ni Mickey.
Pinandilatan niya ito. "Brooding ka ba?"
"I don't know," he answered with a shrug.
"Akin na nga 'yan!"
Tumayo si Mickey at inilayo ang laptop. He's tall so he can easily take it out of her reach. Itinaas nito ang laptop para hindi niya maabot. Sumampa siya sa couch para abutin iyon pero lumayo naman ito bigla.
"Mickey, isa!"
His jaw dropped. "You said my name!"
Natigilan siya. Hindi pa ba niya ito natatawag sa pangalan nito? She thought hard, tried to remember every conversation they had. Parang... ngayon pa nga lamang yata niya ito tinawag sa sarili nitong pangalan. But what's the big deal?
"So?"
"Wala." Ngumiti si Mickey. "First time lang kasi."
Tinaasan niya ito ng kilay. "At hindi ko na uulitin kapag hindi mo binigay sa 'kin ang laptop ko!"
"Pero manuod kasi tayo," pamimilit nito sa kanya.
"Hindi nga pwede. Bumalik ka na lang next week."
Mickey huffed. But he gave her back the laptop. She plopped on the couch and began typing. Tumabi itong muli sa kanya, nakikibasa na naman. Itinulak niya ito.
"Ano ba!" angil niya.
"Ayaw mong manuod tayo, di ba? Then, at least let me read your story."
"Tapos lalaitin mo!"
"Exactly!"
She rolled her eyes. May kalyo ba ang mukha nito? Ang kapal e! May trabaho naman ito pero mas pinipili nitong tumambay sa bahay niya. Instead of sleeping in the morning, he's watching a Korean series with her. Nagsisi tuloy siyang pinapanuod pa niya ito ng KDrama. Ngayon tuloy, hindi matahimik ang buhay niya.
"I can't type if you're watching."
"Then let's just watch something," he replied.
Sinamaan niya ito ng tingin. "Pakukopyahin na lang kasi kita!"
"It's not fun to watch it alone," dahilan nito.
Bumuntong-hininga siya. Mga tatlo rin yata.
"But I can't watch right now, okay? Busy ako. BUSY."
Sumiksik siya sa sulok ng couch, isinampa ang mga paa at sinipa si Mickey palayo. Wala siyang matatapos kung palagi silang manunuod. Hindi siya pwedeng magpalamon sa KDrama. Plano kasi niya, pagkatapos ng isang series ay magpapahinga siya para magsulat. Tapos, magbabasa sya ng libro one chapter per day. Just so her mind could circulate and absorb inspiration. Pero simula nang maengganyo si Mickey sa panunuod, pagkatapos ng isang series ay nag-aya ito kaagad na magsimula ng panibago. They just finished their second series yesterday.
She saw Mickey lean back on the other arm of the couch with a smug expression on his face. Nakipagsukatan ito ng tingin. He won. Again.
"I'll just type for two hours. Kapag behave ka at nakatapos ako ng ilang chapters, then we'll watch a series. Pero five episodes lang."
"Eight, para half."
"No. Five."
Mickey gave her a bland look. "Fine. But what do you expect me to do in two hours?"
"Matulog ka," sagot niya.
--
Lumipat si Aika sa kwarto kasama si Elmo habang natulog naman si Mickey sa couch niya. Dinaig pa nito ang walang bahay. Pakain na niya, patulog pa! Nakiki-charge pa ito ng phone! What's next, makikiligo na rin ito? Ano sila, Bullet-Fresia version 2.0?
Kunot na kunot ang noo niya habang nagta-type. Most Korean dramas have brooding and mysterious male leads. 'Yong mga suplado, seryoso, at misteryoso. So, iniba niya. Ginawa niyang makulit at madaldal 'yong male lead. Tapos 'yong second lead 'yong seryoso.
At habang isinusulat niya 'yong kwento ng second lead, si Mickey ang pumapasok sa utak niya. He's not clean-looking, but she saw his face without facial hair and he actually looks... decent. He dresses so casually but she could imagine him wearing a suit and he could actually look good.
Pero milyonaryo 'yong second lead niya. Paano? Hindi naman mukhang-milyonaryo si Mickey. Mas mukha itong 'yong tipo ng taong madiskarte sa buhay, 'yong kahit walang pera, hindi magugutom dahil kayang-kayang mang-gate crash sa kasal para makikain.
Napasapo siya. Did she just think of a scene for a new story? At si Mickey pa talaga ang character? Pero paano na lang si second male lead na ginagawan nya ng bagong story?
Nakipagtitigan siya sa laptop. Tinipa ang keyboard. Tumigil. Bumuntong-hininga.
She pressed CTRL+N. Tinitigan niya ang blangkong dokumento. Nag-open siya ng notepad. Ipinikit ang mga mata. Humingang-malalim. She let her fingers type without thinking too much.
Mickey:
What does he look like? Inalala niya ang hitsura nito.
-madungis
-balbas sarado
-mukhang hindi naliligo
-mukhang mabaho
Natawa siya nang mahina. It's an exaggeration but... she prefers to write him this way. Para masaya. Nakaka-entertain na ang character, nakakaganti pa siya rito.
What's his personality?
-mean
That's just to sum it up, but she can readily dissect those four letters and write all the annoying and infuriating things he did to her.
Tumipa siyang muli, random stuff lang. Just to build the character.
-palaging nakikikain
-palaging nang-aasar
-opinionated masyado
She imagined him being a neighbor of this girl. Mickey doesn't look the typical boy-next-door. But that could be a twist to the story. Magkapitbahay ang dalawang bida. Palaging walang pagkain 'yong character na ibabase niya kay Mickey.
The female lead is quiet, usually stays at home. She's also living alone. Pero.. masarap magluto si girl. One time, though, nasiraan ito ng... hindi pa niya alam kung ano ang masisira. Basta it requires a handy man. And she's too shy to call because she hates talking on the phone.
So... naisipan niyang abalahin ang kapitbahay niyang kalilipat lang.
-note: kalilipat lang ni guy sa katabing unit
This is how it looks like when she's brainstorming with herself. Napuno ang notepad ng kung anu-anong ideya. Hindi pa niya alam kung ano ang tutugma sa daloy ng kwento. Wala pa rin syang ending. Walang conflict. At wala pa syang maisip para sa panggulong character. Sapat na kaya 'yong guy para maging bida-kontrabida?
And then... BAM! Another idea emerged. The guy is actually really rich and is hiding from his family. Because? she asked herself.
-hiding from family because he's tired of being rich.
Medyo walang kwenta, pero baka lang naman mag-work.
Napatigil siya sa pagta-type nang biglang may kumatok. Bumukas ang pintuan. Sumilip si Mickey at tipid na ngumiti. "Two hours na."
"Huh?" Tumingin siya sa orasan ng laptop. It's been two hours already? But the clock does not lie. She saved all the documents about the new story and closed them all. Kapag kasi may naiwan siyang nakabukas na document, pinakikialaman ni Mickey at madalas nilalait.
Ayun pa pala. Pakialamero ito. She made a mental note to include that on her notes.
Sumunod siya sa pagbaba ng hagdan at doon pa lang ay may naamoy na siyang kakaiba. Hindi si Mickey, kundi amoy ng pagkain.
"Nagluto ka?"
"Nagutom ako kahihintay."
"Hindi ka natulog?"
"Kapag natulog ako ngayon, gabi na 'ko magigising," sagot nito.
Inayos niya ang laptop sa coffee table. Si Mickey naman ay dumiretso sa kusina para kunin ang niluto nito. Ipinatong nito ang maliit niyang skillet sa isang wooden board. May laman iyong ramen na umuusok-usok pa.
Her dad likes to send ramen noodles. May dalawang cupboards siya puro 'yon ang laman. She also likes cheese kaya marami rin siya noon sa fridge. Mickey made spicy ramen, with bacon and sunny-side up eggs and topped with melted cheese.
Takam na takam siya sa pagkain.
Agad siyang pumunta ng kusina para kumuha ng chopsticks at mangkok. Naupo siya sa tabi ni Mickey at akmang kukuha ng ramen nang buhatin nito 'yong board at ilayo sa kanya.
"Hep! I didn't say we could share. Magluto ka ng iyo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro