Chapter 6: The Missing ID
Mickel Wesley Calderon.
Tiningnan muli ni Aika ang ID na nalaglag mula sa bulsa ng short niya. Mahina siyang napamura. Bakit nasa kanya pa iyon? Didn't she return it to that guy? She handed him back his wallet, didn't she?
Hindi ba niya iyon ibinalik sa wallet nito? She looked at his picture. Why can't she get rid of this guy? Last na dapat 'yong kanina, e! Bakit naman may pahabol pa?
"Ngeow!"
Elmo growled at her.
"Gusto mo?" She dropped the ID on the floor. "Sirain mo na nga 'yan para wala na 'kong problema."
Her cat stared at the ID.
"Eat it!"
Elmo made cat noises. Then he started licking his body, totally ignoring the ID in front of him. Bumuga siya ng hangin at pinulot muli ang ID. Mickey's picture stared back at her. Without his facial hair... he's actually kind of cute.
Focus, Aika!
She shook her head. Pwede naman sigurong kumuha ng bagong driver's license si Mickey, di ba? Problema na nito iyon. Hindi kasi nito pinaalala sa kanya na hindi pa niya naibibigay ang ID nito. But you took it for leverage, she reminded herself. But I needed that leverage.
Kasalanan din naman nito kung bakit hindi niya ito mapagkatiwalaan. Ilang beses na rin kasi nito siyang naloko. For sure, nakonsensya ito kaya siya nito inilibre sa buffet.
Nakonsensya na sya. Ikaw kaya?
Umiling siyang muli. Bakit ba kasi niya kinakalaban ang sarili?
She looked at his ID again. Well, if he wants it back, then he can get it. Inilagay niya iyon sa wallet niya para hindi mawala.
--
Mickey retraced his steps the next day. He went back to the Delish Desserts and asked if someone left a driver's license there. Ipinakita pa niya ang picture ni Aika sa mga staff para mas madali ng mga itong maalala kung bumalik doon ang dalaga.
Naka-zoom in pa ang picture para makita ng mga ito. Iyon lang kasi ang litrato ni Aika na meron sila. Group picture nila ito noong nasa talon sila.
Nang walang maibigay na driver's license sa kanya ang mga tao sa restaurant ay pumunta naman siya sa café kung saan niya ito unang nakita. Ipinakita niya ang picture nito sa mga taong nasa counter.
Most of them knew Aika. Madalas daw itong tumambay doon. But they don't know her enough to give him the address or contact number. They simply advised him to wait or come back. Usually raw ay sa hapon ito pumupunta. Hanggang alas singko raw ito ng hapon doon.
He followed their advice and waited. Pero pucha naman. Nakadalawang kape na siya ay wala pa ring Aika na dumarating!
He left the café irritated.
--
Muntik na si Aika! She was about to enter the café when she saw Mickey sitting on the table they sat in the last time they were there. Salubong ang mga kilay nito habang kinukutingting ang phone. He looked like he's impatiently waiting for someone.
You, sabi ng nakakainis niyang konsensya.
She ran back to her house after seeing him. She doesn't want to see him there. Maybe she'll just leave his ID at the café. Para hindi na siya nito makita. Matatahimik pa rin naman ang konsensya niya basta maisauli niya ang ID nito rito.
So, the next day, Aika went to the café a little earlier than usual. She was not expecting to him there that early. Natunugan ba nito ang plano niya? He was already there! May dala ulit itong birds of paradise. He ordered the same thing he ordered yesterday.
Mukhang hinihintay na naman siya.
Ngalay na siya sa pagtatago nang maisipan nitong umalis. Bitbit nito ang takeout na cheesecake at bulaklak sa isang kamay habang hawak naman ng isa pa ang kape. She decided to follow him because she's a bit curious kung sino ang sinasabi nitong espesyal na babae na mahilig sa birds of paradise.
Personally, she doesn't like the flower because it doesn't look like a normal flower to her. Mas gusto niya ang bulaklak ng sakura. It reminds her of her dad and their happy days in Japan. Kahit naman naghiwalay ang parents niya noon, madalas pa rin silang magpabalik-balik sa Japan.
Tuwing tagsibol siya pumupunta roon dahil gustong-gusto niyang makitang namumukadkad ang mga puno ng sakura.
She kept a safe distance from Mickey. Matagal na niyang gustong maging ninja dahil sa mga anime na napapanuod niya dati. Hindi naman niya akalaing ganito pala ang kahahantungan ng pangarap niyang iyon.
After a few blocks of walking, Mickey led her to a nearby cemetery. Kunot-noo niya itong sinundan sa loob ng sementeryo.
Tumigil ito sa isang puntod. Dahil basa ang damong nakapaligid sa lugar ay tumayo na lamang ito. He put the flowers down and spoke to whoever's buried there as if they were still alive. Tumawa pa ito. Hala. Nasiraan na yata. He was even speaking on a high-pitched voice, na parang ginagaya ang boses ng isang babae. May sayad yata talaga ito.
He didn't stay long. Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan. Agad itong tumakbo paalis. She didn't know where he went and she didn't care. Gusto lamang niyang makasilong na rin. Masisira ang mga gadgets niya sa bag na hindi waterproof!
She should have brought an umbrella. Ang hirap kasi sa kanya, hinahayaan niyang nakabukas ang payong niya sa bahay kahit natuyo na. She always forgets to put it back in her bag.
Matapos ang ilang segundong pagtakbo ay nakakita rin siya nang masisilungan. She first checked her things kung may nabasa ba. Hindi niya kaagad napansin na may nauna na pala sa kanya roon.
"Well, well, well... look who the rain dragged in."
She froze. Una, dahil sa pagkabigla. Ikaw ba naman ang bigla na lamang makarinig ng boses kung kailan inaakala mong nag-iisa ka. Pangalawa, sa takot. Akala niya ay may multo sa likuran niya. Pangatlo, dahil sa inis. Bakit ba palagi silang nagkikita ng lalaking ito? May kasalanan ba siya sa mundo kaya palagi siyang pinarurusahan?
Simangot niya itong nilingon. Nakasuot ang hood ng sweater nito. Mukha tuloy itong... Sanggano, dugtong ng utak niya. Kung hindi niya kilala si Mickey ay nagtatakbo na sana siya sa takot. Lalo na't masamang-masama ang tingin nito sa kanya.
Napaurong siya nang humakbang ito palapit. "ID ko?"
Kinain ng pusa ko! gusto niyang isagot. Kaso ay baka kung ano naman ang gawin nito sa kanya. Marami pa naman siyang dalang importante. Who knows? Baka katulad din ito ni Fresia na mahilig magsira ng gamit.
Inilabas niya ang wallet at kinuha ang ID nito mula roon. "Heto."
He put it inside his own wallet. Napailing ito. "You know, Janey, if you want my picture, I can give you a better one. Hindi mo na kailangang iuwi ang ID ko."
Pinanlakihan niya ito ng mata, which was hard since singkitin siya.
"I didn't want your picture! Nakalimutan ko lang 'yang ibalik!"
"Sus. Lulusot ka pa." He gave her a bored look and asked, "Ganyan ka ba sa mga crush mo? Nangunguha ng ID?"
Napanganga siya. "Hoy! Hindi kita crush! Kapal nito!"
"Weh." Humakbang ito palapit. Napilitan siyang umurong. "Kinantahan lang kita ng Thinking Out Loud, nahulog ka na sa 'kin?"
Kung nakamamatay lang ang pagtingin nang masama, kanina pa siguro ito natumba. Unfortunately, dagger looks don't do anything harmful.
"You're not denying it," puna nito.
"Ang kapal talaga ng mukha mo!"
Mickey smirked and took another step forward. Naramdaman niya ang malakas na patak ng ulan sa ulo niya. She hugged her backpack in an attempt to shield it from the rain. Hinila naman siya ni Mickey pabalik sa sinisilungan nito.
"Masyado kang affected."
"Hindi ako affected!" pagtanggi niya. "I'm annoyed! Annoyed!"
But whether she's affected or just annoyed, it didn't do her any good. Mukha natutuwa pa itong naiinis siya. Kaya ang ginawa niya, naupo siya sa nitso na nasa gitna ng mausoleum na sinisilungan nila. She plugged in her earphones and watched KDrama. Hindi na lamang niya ito papansinin hanggang tumila ang ulan.
But Mickey is annoyingly persistent. Prente itong naupo sa tabi niya at sumilip sa pinanunuod niya. She could hear his commentaries dahil sinasadya nitong lakasan ang boses sa pagsasalita.
"Ano ba yan! Mukha namang bakla 'yang bidang lalaki!" sabi nito. "You like this kind of guy? 'Yong mas maganda pa sa 'yo?"
She glared at him. "Lumayo ka sa 'kin kung ayaw mong masapak kita!"
Crush na crush pa naman niya si Lee Jong Suk! How dare he insult him!
"I don't get girls like you. Masyadong two-dimensional 'yang mga bidang ganyan. They're too perfect. Parang hindi na tao."
"He's an ideal guy," pagtatanggol niya kay Jong Suk.
"He's not an ideal guy. He's imaginary. Walang lalaking perpekto. Kaya karamihan sa inyo, nananatiling single, e. Masyado kayong delusional at superficial."
E, kung binibigyan kaya niya ito ng mag-asawang sampal? Who asked for his opinion? Who even wants his opinion? So ano ngayon kung single siya? Ano ngayon kung katulad ni Jong Suk ang gusto niyang maging boyfriend?
Masama ba'ng mangarap?!
Siguro dahil mangiyak-ngiyak na siya kaya biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.
"Did I hit a nerve?"
"Yes! And if you don't stop, I'd hit you. I swear to God!"
"God won't appreciate your swears."
That's it. Ayaw na niyang makipagtalo dahil lagi rin naman siyang talo rito. Growing up with two brothers, nasanay na siyang maalaska. Siya kasi ang bunso sa unang kasal ng mga magulang niya. Siya ang palaging inaasar ng dalawa niyang kuya.
Mickey is like an annoying third brother who won't stop pestering you until you cry. And she doesn't want to cry.
Ibinalik niya ang phone sa backpack at saka tumayo. She's just going to run for it. Bahala na. Ayaw tumila ng ulan e hindi na siya makatagal na kasama ito.
"Janey!"
"Leave me alone!"
Hinawakan siya nito sa braso. His grip was too tight, she couldn't get loose.
"I'm sorry. I was just teasing you," bawi nito.
"I didn't give you the right to tease me!"
Tipid itong ngumiti. "But we're friends now, remember?"
"I'm not your friend," she said indignantly.
"We shook hands—"
"You shook my hand!"
Mickey sighed. "Fine. We're still not friends. But stay until the rain stops, okay? I promise I'll try not to annoy you."
Binitiwan nito ang braso niya. Hindi naman siya naniniwala sa sinabi nito, kaya lamang ay wala talaga siyang mapupuntahan. Malakas pa rin ang ulan.
Nakanguso siyang bumalik sa pagkakaupo kanina. Ipinasak ang earphones at itinuloy ang panunuod. Mickey kept his word. He tried not to annoy her. But he did bother her, once. Mukhang wala kasi itong magawa kaya kinalabit siya nito at nagtanong kung pwedeng makinuod ng pinanunuod niya.
She made him swear not to say anything bad about the male protagonist first.
Nang mangako ito ay ibinigay niya rito ang isang earphone. Nanuod sila hanggang tumila ang ulan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro