Chapter 5: An Unexpected Encounter
Aika thought that she would never see Mickey again. After the trip with her friends, hindi na niya ito makikita pang muli kung hindi magkakayayaan ang magkakabarkada. She didn't make an effort to keep in touch with him. Matapos ng ilang beses nitong pang-aalaska nito sa kanya? There's just no way that she would keep in touch.
She went back to her boring everyday life. Balik pagsusulat at panunuod ng KDrama siya. When she's bored, she just talks to Elmo... which was worse than talking to a wall. Sa ibang bagay ito nakatingin habang kinakausap niya. Ni hindi niya ito malambing dahil nangangalmot.
Being with Elmo makes her wonder why she decided to put up with a snooty cat instead of a lovable dog. Sobrang cute kasi ng pusa niya kahit suplado.
But Elmo couldn't provide the interaction that she needs. Nauubos na ang motivation niya sa katawan. She needs to be inspired.
So, she packed her laptop, her powerbank, and her phone and headed to a nearby café. No, she won't be talking to anyone. She'll just stay on one corner and observe. Hopefully, she'll be inspired enough to continue writing.
Sa loob ng café, nag-order siya ng isang venti cup ng mainit na kape at pumwesto sa sulok. She took out her laptop and mentally prepared herself. Hinayaan niya trumabaho ang utak. Patingin-tingin siya sa paligid, ginagawan ng description ang bawat tao sa loob at ang mga dumadaan sa labas. Nang sa wakas ay may mag-click sa utak niya, nagsimula na siyang magsulat.
--
Mickey thanked the florist and walked off with a bouquet of birds of paradise, Mikaella's favorite flower. Halos isang buwan na rin siyang hindi nakakadalaw sa puntod ng kapatid.
He was walking down the street with the bouquet when he spotted someone familiar sitting near the window of a café. Tutok na tutok ito sa pagtitipa ng keyboard. She didn't even notice him wave.
Pumasok siya sa café at um-order ng kape at cheesecake. Naupo siya sa katapat na table. Kunot na kunot ang noo ni Aika, tutok na tutok ito sa laptop. She's always like that. Parang may sariling mundo na ang sarap bulabugin. Tuwang-tuwa siya sa pang-aasar dito dahil palagi itong asar-talo. He has a feeling that today will be no different.
After ten minutes of observing her from another table, he decided to come closer. Inilapag niya ang mga bulaklak at pagkain sa lamesa nito. She didn't even budge. That's when he noticed the earphones. Kaya naman pala hindi siya nito napapansin. She's wrapped inside her own music bubble.
Kumuha siya ng piraso ng cheesecake at iniumang sa bibig nito. Agad na kumunot ang noo nito nang makita ang tinidor. Mas lalo na nang sundan nito ang kamay na may hawak noon. Salubong na salubong na ang mga kilay nito nang makita siya.
She removed her earphones and asked, "What are you doing here?"
Ibinalik niya ang tinidor sa platito at prenteng sumandal sa upuan. "I'm enjoying my coffee and cheesecake."
"Maraming vacant table, o. Bakit nandito ka?" mataray nitong tanong.
"Kasi nandito ka." Why would he sit alone when there's someone here that he can't talk to? Kahit pa kasing-sungit ni Aika. "Ubos mo na 'yong chocolates mo?"
Her nose flared. Naalala na naman siguro nito ang ginawa niya noong pumunta sila sa bayan ni Fresia. He wanted to befriend her so he bought the chocolates she left in her basket. But he later thought that it might be too much kaya pinabayaran na lang niya.
Gusto sana niyang mag-sorry kalaunan, ang kaso nauunahan siya ng pang-aalaska. Nakakatuwa pa naman itong inisin dahil asar-talo ito.
"I gave them away," she answered coldly.
"Akala ko ba gusto mo ng chocolates?"
"Aanhin ko naman ang ganoon karami? Gusto mong magka-diabetes ako?"
"You don't have to eat them in one sitting," dahilan niya.
She didn't comment. Nagpatuloy ito sa pagsusulat, akala yata'y aalis siya kapag hindi nito pinansin. Kaya naman tumayo siya sa likuran nito at nakibasa. May isinusulat itong kwento. Iisang palitan ng dialogue pa lamang ang nababasa niya nang ibaba nito ang monitor ng laptop.
"Ay bastos. Nagbabasa ako, e."
Sinamaan siya nito ng tingin. "Sino naman ang may sabi sa 'yong pwede kang magbasa?"
"Wala," sagot niya. "Wala rin namang nagbawal."
"Bawal," she said sternly.
He simply smiled and went back to his seat. "Malapit ka lang dito?" tanong niya.
"Two blocks from here."
"Ah. Magka-block lang pala kayo."
Kumunot ang noo nito. "Nino?"
"A very special girl." Itinuro niya ang dalang mga bulaklak. "I'm about to visit her when I saw you here."
Tiningnan nito ang mga bulaklak. "Birds of paradise?"
"Her favorite," he said with a nod.
Iniisip siguro nito kung anong klaseng babae ang magugustuhan ang birds of paradise. Sure, it's a tropical plant, but most girls would prefer roses over them.
"What's your favorite flower?" he asked.
"Rafflesia."
His eyebrow raised in amusement. "Seriously?"
Aika made a face. "Of course not. I'm not gonna tell you what I like."
"Why not?"
"Because you might ruin it for me."
--
Aika didn't want to get chummy with this guy. Para kasi itong magician. He might have a lot of tricks under his sleeves to make her life miserable. He already ruined chocolates for her. Pati libro. Baka pati bulaklak, idamay nito.
"Okay." He pushed the plate of cheesecake towards her. "Sa 'yo na lang."
Tiningnan lamang niya iyon. Why is he giving it to her? Siguro may kalokohan na naman itong naiisip.
"Bayad na 'yan?"
Mickey laughed. "Of course. Hindi ko naman madadala 'yan dito nang hindi ko pa nababayaran."
Hindi pa rin siya naniniwala.
"I don't like cheesecake," dahilan na lamang niya. Kahit gustong-gusto niya ng cheesecake, lalo na kapag may oreos. She kept a straight face para hindi nito mahalatang nagsisinungaling siya. Sa loob niya, naubos na niya ang nasa plato. But it's from him. She can't trust it.
Kumuha ito ng kapiraso at isinubo iyon. "Are you sure?" tanong nito pagkalunok ng kinain.
"I'm sure."
"All right." Tumayo ito at kinuha ang bulaklak. "I'll go ahead. See you around, Janey."
Sinundan niya ito palabas ng tingin habang papalabas ito ng café. Nang makita niya itong paparaan sa katabi niyang bintana ay tumutok sila sa laptop, kunwari't abala sa ginagawa. He knocked on the glass wall. She ignored him.
Nilakasan nito ang katok. Nahiya naman siya nang pagtinginan sila ng mga tao. Bumaling siya rito. Mickey smiled and waved, then continued walking.
Napailing siya. May sayad yata talaga ang isang 'yon.
He brought his drink with him, but left the cheesecake there. Gusto na talaga niya iyong kainin. Madali lamang humingi ng panibagong tinidor. But she doesn't trust Mickey, so she just let it sit there. Tinutukan niyang muli ang ginagawa.
--
Halos isang oras din si Mickey na nakipagkwentuhan sa puntod ng kapatid. He likes to make responses in Mikaella's voice, para kunwari ay may kausap siya. Mikaella died when she was six. Bunso ito sa apat na magkakapatid. Close na close silang magkapatid dati dahil parehas silang bunso. Mas bunso lamang ito sa kanya ng dalawang taon.
They didn't blame him for her death but he still feels guilty about it until today. Siya kasi ang huling nakakita rito nang buhay. He tried to save her from drowning, but he couldn't swim. Muntik na rin siyang malunod noon. Naagapan lang.
Walang araw na hindi niya hiniling na sana ay siya na lamang ang nawala.
Mikaella's the only girl among the four of them. Bunso pa ito. His mother was so devastated with his sister's loss. Halos mabaliw ito noon. Ilang linggo rin siya nitong hindi matingnan. Pakiramdam talaga niya noon ay kasalanan niya ang lahat.
Kung hindi sana matigas ang ulo niya at naisipang lumangoy sa lawa nang walang kasamang matanda ay hindi iyon mangyayari.
It's the reason why he couldn't come home often. When he was old enough to live alone, umalis na siya ng bahay. Nakakauwi naman siya pero sandali lang. Hindi siya nagtatagal dahil nahihiya siya sa mommy niya.
"I miss you, Ella," sabi niya sa puntod. "Bakit kasi ang aga mong nawala? Wala tuloy akong ma-bully." Then he remembered someone. Napangiti siya. "Meron pala."
Tumayo na siya at nagpaalam sa kapatid. Sa gilid ng café siya muling dumaan para masilip kung nandoon pa si Aika. Kagaya ng hinala niya ay nandoon pa rin ito. Pati ang cheesecake niya.
May pagka-keyboard warrior pala ito. She's typing really fast. Because she was so engrossed with what she's doing, he managed to sneak a peek at what she's writing. Nagtatapat na 'yong bidang lalaki sa bidang babae. Napangiwi siya sa binabasa. Masyadong cheesy ang mga linyahan ng lalaki. Parang hindi ito lalaki. They don't sound like that when they talk. At least siya, hindi gano'n.
"Don't make him say that he loves her yet," sabi niya rito. Tumuro siya sa isang linya. "Singitan mo ng lines dito. Saka huwag munang masyadong direct. Ang corny kasing pakinggan."
When he looked down on her, nakatingala na ito sa kanya, masama na naman ang tingin. Nginitian niya ito. "Suggestion lang."
Inis nitong inalis ang earphones. "Bakit nandito ka na naman?"
"Bakit nandito ka pa rin?" pabalik niyang tanong. "Naka-order ka na ba ulit? Malulugi sila sa 'yo rito. Ilang oras ka na pero isang cup ng kape pa lang ang nabibili mo."
He lifted her cup of coffee. Mabigat pa rin iyon, malamig na pero mukhang hindi pa nababawasan.
"You didn't even drink this one. Sayang."
"Alam mo ikaw, napakapakialamero mo," nakanguso nitong sabi. "Can't you just mind your own business?"
"My business isn't open yet."
Her frown deepened. "What?"
"Never mind," he said dismissively. "Hanggang mamaya ka pa rito?"
She turned her laptop off. "Paalis na. May abala kasi."
Itinabi nito ang mga gamit sa dala nitong bag saka ito tumayo para umalis. She looked really pissed. Hindi naman siya makapag-sorry dahil natutuwa siya sa pang-aasar dito. May mga babae kasing hindi namamansin kapag inasar mo. Aika's very touchy. Nagri-react ito sa bawat ginagawa niyang nakakainis.
"Gusto mong mag-early dinner? Libre kita."
"Ayoko."
"Desserts buffet? I know a place near here."
Bahagya itong napaisip. "Libre mo? Talaga?"
Ngumiti siya. "Oo nga."
She was still hesitating. Para tuluyan na itong pumayag ay inilabas niya ang pitaka. "Here. Hold my wallet."
It's still evident na wala pa rin itong tiwala sa kanya. Tiningnan muna nito ang wallet niya kung may pera at card na laman. She then looked at his driver's license. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa ID at sa kanya.
"Mas maiksi ang buhok ko dyan," sabi niya. Wala rin siyang bigote sa picture.
"I'm keeping this." Ibinulsa nito ang ID. "For leverage."
--
The place was just a few blocks away. Nilakad na lamang nila iyon kasi malapit lang. Aika doesn't talk much. Kapag kinakausao niya ito ay panay tango at iling lamang ang sagot nito. Sumasagot lamang ito na may kasamang salita kapag nakakaasar ang tanong niya.
He followed her inside the little place called Delish Desserts. It has a glaring pink door and huge cupcake statues on each side. Maraming tao roon ng ganoong oras. They were lucky they got the last two-seater table. 'Yong kasunod nila, nasa wait list na.
Pinauna niyang kumuha ng pagkain si Aika. She didn't leave her bag. Mukhang iniisip nitong may masama na naman siyang plano.
When she returned, she has two plates with her full with different desserts.
"Ikinuha mo na rin ako? Thanks."
He pulled one plate towards him. Aika pulled it back. "Sa 'kin 'to pareho," sabi nito sa kanya.
"Ubos mo 'yan?"
"I'm just getting started."
Sumipol siya. "All right."
Tumayo siya at tinungo ang buffet table. Kumuha siya ng ilang desserts at inilagay iyon sa isang plato. Kumuha rin siya ng chicken vermicelli. Pinuno niya ng ganoon ang isang pinggan. Inilapag niya ang mga iyon sa lamesa at bumalik para kumuha naman ng maiinom para sa kanilang dalawa.
Nang bumalik siya, halos ubos na ni Aika ang laman ng isa nitong plato.
Inilapit niya rito ang plato ng chicken vermicelli. "Eat this. Pangtanggal umay."
Kung sinabi nito sa kanya na naubos nito ang mga tsokolateng binili niya ay maniniwala siya rito. Kayang-kaya ng ngipin nito ang tamis ng dalawang plato ng desserts. Nang maubos nito iyon ay tumayo pa ito para kumuha ulit.
She did not let go of his wallet until it's time to pay. Ito na mismo ang humugot ng bills na ipinangbayad nila. Kakaibang tingin ang ipinukol sa kanya ng naningil. Parang inaakusahan siya dahil nagpalibre siya sa kasama niya.
"Salamat sa libre," sabi sa kanya ni Aika nang makalabas. Ibinalik nito sa kanya ang pitaka nito. "Una na 'ko."
"Sure ka? Bata ka pa."
Natawa siya nang pagulungin nito ang mga mata.
"Sa'n ang bahay mo? Hatid na kita."
"Huwag na. Malapit lang naman ako rito."
"Okay." Inilahad niya ang kamay. "So... friends?"
She looked at his hand with uncertainty.
"It's just a handshake, Janey."
"Kapag hindi ko tinanggap, hindi tayo friends?"
He shrugged. "It seems that way."
Nang hindi pa rin nito tinanggap ang kamay niya ay siya na mismo ang umabot sa kamay nito. After the handshake, he bid her goodbye and went on his way. Nakarating na siya ng bahay nang may bigla siyang maalala.
She didn't return his ID.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro