Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Confusing Intentions

In this day and age, swerte na ang babae kung mahaharana siya ng isang lalaki kahit isang beses lang. It wasn't a serenade, but it felt like that for Aika. Even though his eyes were closed half of the time and the other half, he was looking at something else, she felt that the song was still dedicated to her.

Because Mickey sang the song she requested, nabawasan ng kaunti ang inis niya rito. Konti lang.

Nang magsimula na ang mga kwentong katatakutan ay nagpasak na siya ng earphones. No disrespect to Manong Ed, but she didn't want to have nightmares that night. Mas mabuti na 'yong kanta ni Mickey ang huli niyang maalala. It's way better than horror stories.

The storytelling lasted for a few hours. Matatapos na niya iyong pinapanuod niyang series nang mapagdesisyunan ng mga kasamang matulog na.

Medyo nagpahuli siyang pumasok sa tent para malapitan si Mickey (without drawing the attention of her friends).

"Hey..."

He looked surprised when she approached. "Hey."

"Uhm... thanks for singing the song earlier," she told him.

Tipid itong ngumiti. "You're welcome."

"Sige. Tulog na 'ko."

Mickey nodded. "Goodnight, Janey."

She decided not to correct him. Just this once, she'll let the name-calling slide.

--

Late na ring natulog sina Aika. Ito kasing si Mona, gusto pang makiusyoso kina Fresia at Bullet. The two were out late last night. So naturally, puyat din sila. Kung hindi pa babalik ng tent si Fresia ay hindi sila matutulog.

Pero natutuwa pa rin siyang sinakyan niya ang pagiging tsismosa ni Mona. Nakita kasi nilang nag-kiss ang dalawa. Well, to be technically correct, Fresia kissed Bullet. But it's not like he didn't respond!

Akala nga nila ay may sukahan na namang susunod. But that didn't happen. Nag-walk out lang ang kaibigan nila. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Fresia. Hindi naman niya ito matanong dahil baka magalit ito sa kanya. She looks troubled. Being a writer doesn't make her an expert on love, but she could recognize the signs. And if this life's a love story, then she has a feeling that Fresia's starting to fall.

Kaakibat ng unti-unting pagkahulog ang denial. Syempre nga naman, kapag sanay ka na sa isang bagay at nakaramdam ka bigla ng kakaiba, it will take a while bago ito matanggap ng sistema mo. That's what's happening to Fresia.

Umagang-umaga ay halatang-halata ang pag-iwas nito kay Bullet. She was about to help her prepare their coffee, pero nang lumapit si Bullet ay bigla itong lumayo.

Kanya-kanyang kuha ang mga kasama nila ng kape. Bullet took two cups and walked towards Fresia. May natira pang isang cup ng kape. Sino pa ba ang hindi kumukuha?

"Morning, Janey."

Napabuntong-hininga siya. Why does it always have to be him? Parang nananadya, e.

"It's rude not to acknowledge a greeting, you know," he told her.

Tumingin siya rito. "Okay. Morning. Ayan, okay na?"

Ngumiti ito. "That's more like it."

She grunted and walked away. Ayaw niyang masira ang umaga niya.

--

Pagkatapos nilang mag-agahan ay nagkayayaan na silang maligo. Everyone's excited. Everyone but her. Kahit mataas ang sikat ng araw, alam niyang malamig pa rin ang tubig sa talon. She doesn't want to swim. Hindi rin kasi siya marunong.

She didn't even want to take her jacket off. Ang kaso ay nagsipagbihis na ang mga kasama niya. Buti pa si Brandi, malakas ang loob mag-bikini. Palibhasa ang ganda-ganda ng katawan nito. Aprubadong-aprubado ng mga kasama nilang lalaki ang suot nito.

"Why are you wearing a shirt?" kunot-noong tanong nito sa kanya.

"What else would I wear?"

Itinuro nito ang suot. "This is called a bikini. This is worn for swimming, okay?"

"Leave her alone, Brandi," singit ni Mona. "Hindi kasi kami kasing confident mong magpakita ng katawan."

Brandi rolled her eyes and walked back to Fresia.

"Thanks, M."

"Wala 'yon. Pero alam mo Aiks, if I have your body, I'd flaunt it. Maganda naman ang katawan mo, e."

"Maganda rin naman ang katawan mo, e." Mona may be plus-sized, but she has the curves in all the right places. Proportioned naman ang katawan nito. Siguro dahil ito ang pinaka-malaki sa kanilang apat kaya medyo naiilang ito. Lalo na't wala pang habas ang dila ni Brandi kung makapuna rito. And especially, since Felix is around.

Justifiable naman pala ang paglalaway ni Mona. Felix has the body of a god, and so do his two friends. Nasa unahan nila ang tatlong lalaki. Pare-parehong half-naked. Kaya naman ang utak niya, kung saan-saan na naman napupunta.

Bullet has the broadest shoulders. Felix has the roundest butt. Mickey's the leanest. Mas payat ito kesa sa dalawang lalaki, pero agaw-pansin ang mga tattoo nito sa likod. There's a passage written on his upper back. Cursive ang pagkakasulat noon. She wanted to read it, but the writing's too small.

Sa kakatitig niya sa likod nito ay hindi niya napansing bigla itong tumigil. Her face hit his back.

Lumingon ito at ngumiti nang makitang nakahawak siya sa ilong niya.

"Huwag mo kasing masyadong titigan ang likod ko."

"Hindi ko naman tinititigan!" tanggi niya. "I was staring into space!"

"Then don't stare into space, Janey. Mapapango ka lalo." Another insult before walking away. Nakakarami na talaga ito! Ngali-ngali niya ito sipain pababa ng talon nang hawakan siya ni Mona sa braso.

"Kalma ka lang, friend."

Bumuga siya ng hangin. "May araw rin sa 'kin 'yang Mickey na 'yan!" she hissed.

Humalakhak si Mona. "Ikaw naman kasi. Masyadong obvious ang pagnanasa mo."

Pinandilatan niya ito. "I was staring into space!" giit niya.

"Kung ganoon naman kaganda ang space, tititigan ko rin," panunukso nito. "Kaso do'n ako sa isang space nakatingin, e."

Hayagang tiningnan ni Mona ang pwetan ni Felix. She slapped her friend's arm. "Landi nito!"

"At least ako, honest! 'Yong sa 'yo, pinipilit mong itago!"

Hindi na siya nakipagtalo. Mona was right after all. But that's because she doesn't know how to channel the flirtation. Hanggang sa isip lamang niya iyon kaya fictional characters niya ang malalandi.

--

The guys helped them down the steep trail. Kahit inis siya kay Mickey ay hindi siya nakatanggi sa tulong nito. May pagkalampa kasi siya. Alam niyang hindi niya iyon kayang babain nang mag-isa.

Pagkarating nila sa mismong talon ay humanap agad siya ng mauupuan. Inilabas niya ang polaroid camera at saka kinuhaan ng candid pictures ang mga kaibigan. She even has one na sina Bullet at Fresia lamang ang kita. Nagpahuli kasi ang dalawa.

Agad na tumubog sa tubig ang mga kasama niya. Kahit si Fresia ay lumangoy din. Mukhang malalim ang iniisip nito. Was she thinking about the kiss?

Itinabi niya ang polaroid cam at kinuha 'yong tablet nya. She took more pictures with that.

"You're not going to swim?" tanong ni Fresia sa kanya.

"Mamaya na."

Umahon ito at naupo sa tabi niya. They were taking pictures of themselves when the gang urged them to take photos with them, in the water. Tumanggi siya dahil ayaw pa niyang maligo, pero kinuha sa kanila ni Manong Ed ang mga gadgets na hawak. Pinalalangoy na sila nito para raw masulit nila ang punta.

And then Mickey pulled her into the water! Ang lalim pa naman! She can't swim. She didn't bother learning. Tutal kapag naman nagpupunta siya sa beach o sa mga lugar na may tubig, kumukuha lang siya ng picture.

At dahil hindi siya marunong lumangoy, ang unang reaksyon ng katawan niya nang tumama sa tubig ay ang lumubog.

Fortunately, Mickey had the sense to pull her up.

"Hey... don't drown, Janey," nakangiti nitong sabi.

Hinila siya nito papunta sa grupo. Kumapit siya sa braso nito para hindi siya lumubog. He, in turn, held her by the waist.

"Reydi!" sigaw ni Manong Ed.

She tried to smile and look unaffected by their bodies touching, but it really makes her uncomfortable. He makes her uncomfortable. Nang sa wakas ay magkayayaang umalis muna sa tubig at mag-picture sa gilid-gilid ay agad siyang lumayo rito.

Inikot nila ang buong talon hanggang sa mapagod silang magpu-pose. The girls went back to the side of the falls and munched on some snacks. Ang mga lalaki naman ay nagpasiklaban kung sino ang unang makakatibaw sa lalim ng talon.

"Ayoko nga!" she heard Fresia exclaim. May sinabi yata si Brandi na hindi nito nagustuhan.

"Friend, unfair na ikaw lang ang naglalaway sa kanya. Dapat sya rin maglaway sa 'yo," Mona told her. Oh... so they want Fresia to take her shirt off. Napangiti siya. Yes, Fresia should do that. Bullet would love it.

"Kelan ako naglaway?!"

"Kunwari ka pa, e!"

Tumingin ito sa kanya. "Aiks, help me out here!"

She ate a potato chip and nodded. "Carpe diem, Fresia."

"Seriously, you're all annoying!"

Fresia attempted to swim across, but Bullet beat her to it. Simangot itong bumalik sa pwesto nila na nagpahagalpak naman kay Mona.

Sandaling natigil ang pang-aasar nila kay Fresia nang maisipang mag-exhibition ni Manong Ed. Ginapang nito ang pader na bato para tuntunin ang isang malaking uka sa itaas. Kanya-kanya silang kuha ng picture ng matanda nang makarating ito roon.

Manong Ed did a perfect dive into the water.

The old man made it look so easy. Na-engganyo tuloy gumaya ang isa nilang kasama.

--

In fairness naman kay Bullet, maingat ito sa pag-akyat. He must have climbed a few rocky mountains in the past because he reached the cave-like opening with impressive speed.

All of them were impressed. Well, except for Fresia who suddenly went mad. Kahit na lumayo ang dalawa para magpaliwanagan ay rinig na rinig pa rin nila ang matinis nitong boses. She was so angry.

And judging from Bullet's sullen expression when he came back, the talk didn't go so well. They tried to have some fun even without Fresia but she already affected their moods. They eventually got tired of swimming and trying to bring back the fun.
Kumain na lamang sila at nagkwentuhan. Fresia didn't even come out to eat lunch, which was saying a lot. She's not the one to skip meals.

Muli silang bumalik sa talon, lumangoy, at nag-picture taking. Then they decided to go home.

Umuna si Fresia pagbaba. Sinadya nilang hindi makisabay rito dahil baka sila naman ang pabagbuntunan nito ng inis. Bullet tried to pacify her. He tried to apologize many times, pero para itong kumakausap sa pader.

"Hey, Janey!"

She stopped walking when she saw Mickey. Nakatigil ito sa harap niya. Itinaas nito ang phone para kunan siya ng picture. Mabuti na lamang at naiharang niya kaagad ang kamay.

"Will you quit it?!"

Mickey made a face. "Sungit!" sabi nito. He went to Brandi instead, who's more than happy to accommodate him. Naghalinhinan ang dalawa sa pagkuha ng picture ng isa't isa.

"Don't mind him, Aika."

She looked beside her to see who spoke. It was Felix. Ngumiti ito sa kanya.

"Wala kasi syang kapatid na babae kaya ikaw ang napagtitripan nya."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro