Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: "Janey"

Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang inis ni Aika kay Mickey. Hindi naman sila close pero binigyan siya nito ng pet name. Tapos 'yong ibinigay pa nito sa kanya ay iyong pangalang ayaw na ayaw niya. She already told him that she doesn't like her name Jane because it sounds plain and boring. And the crude opted to call her just that! Ano ba ang ibig nitong sabihin? Na plain and boring nga siya?

Well, at least he kept his word. Ibinalik naman nito ang pera niya. Talaga yatang pinagtitripan lamang siya nito. Ang lakas ng loob nitong kumuha ng pera sa wallet niya gayong mas makapal pa naman ang pera sa wallet nito. She knew because he showed her. Ang yabang-yabang pa!

Habang nasa kasal sina Fresia at Bullet ay nag-ayos naman sila ng mga dadalhin nila sa pag-akyat ng bundok. Pagkatapos mag-ayos, nagluto na si Mona ng hapunan. Mukhang umipekto ang pagpapapansin nito dahil nagboluntaryo pang tumulong si Felix sa pagluluto.

"Aiks! Sali ka!" aya ni Brandi. Nakikipaglaro ito ng tong-its kay Mickey. Siya lamang kasi ang walang ginagawa. Kanina pa siya nakayuko sa phone. Bakit kasi odd number sila? Dapat walo sila para may partner din siya. Wala na bang ibang kaibigan si Bullet?

"Hindi ako marunong nyan."

Hindi lang basta naglalaro ang dalawa. May taya ring pera. Kahit pa sabihing palima-limang piso lang ang taya, malaki na rin ang mawawala sa kanya dahil hindi siya marunong magsugal.

"Tuturuan ka naman, e."

"Ayoko." Manggugulang pa naman iyong isang kalaro. Mamaya madaya pa siya.

Hindi na siya pinilit ni Brandi. So the two resumed playing while Felix and Mona are cooking. Siya naman ay nahiga sa sofa at doon nanuod.

Masyado yata siyang nalibang sa panunuod dahil hindi niya napansin na hindi na naglalaro sina Brandi. Nalaman lamanag niyang kakain na nang kalabitin siya ni Mickey.

"Janey, it's time to eat," bulong nito.

Agad siyang bumangon. Roasted chicken ang ulam, with potatoes and carrots on the side. Kanya-kanyang kuha ng mga pagkain ang mga kasama. The chicken was still smoking. Dahil babagal-bagal siyang kumilos ay naunahan siya ng mga itong mamili ng parte ng manok. She wanted the thighs but Felix and Mickey got to them first. Gusto rin sana niya ng pwet ng manok kaso kinuha rin iyon ni Mickey. Brandi and Mona took the legs. She was left with the undesirable parts.

Grunting, she picked up a piece of chicken breast. Kumuha rin siya ng mga patatas.


The chicken was so moist and flavorful. Hindi na kailangan ng gravy! But the gravy was good too. Isinabaw niya iyon sa kanin.

Nang maubos ang patatas ay kukuha pa sana siyang muli nang bigla namang may tumusok sa huling dalawang pirasong nasa tray. The devil was at it again!

"You want one?" tanong nito.

"No!" paasik niyang sagot.

"Okay," he said with a shrug. He consumed the potatoes immediately. Simangot na simangot tuloy siya.

"Hoy, Mickey, bakit mo naman inubusan ng patatas si Aika? Baka umiyak 'yan!" Ibinigay ni Mona ang natitira nitong patatas sa kanya. "Heto na, friend. Sa susunod kasi, kumain ka rin ng carrots."

She looked at the carrots on the tray. Kung naging kamote na lang 'yon, kakain sana siya. She doesn't like carrots. They're crunchy and bland.

"I asked her and she said no," depensa naman ni Mickey.

Of course she'll say no! Mamaya may kapalit na naman iyong hindi niya alam. Nadalawahan na siya nito, e. Mahirap nang magtiwala.

--

Si Aika ang napag-utusang maghugas ng pinagkainan. Abala kasi si Mona sa paghihiwa ng kamote sa tabi niya habang nagbabaraha naman 'yong tatlo.

"What's the deal with you and Mickey?" mahinang tanong ng kaibigan.

"Huh?"

"Para kasing asar na asar ka do'n sa tao."


Bumuntong-hininga siya. "E kasi nakakaasar sya."

Tumaas ang kilay nito. "Talaga? Pa'no mo nasabi?"

Ikikwento niya rito ang ginawa ni Mickey kahapon. Pati ang kakapalan ng mukha nito kanina sa bayan. Tawang-tawa naman si Mona habang nakikinig.

"Why is it always me?" himutok niya.

"Kasi ang dali-dali mong utuin," natatawa nitong sagot. "But... there is one other possible reason."

"Ano?"

Mona wiggled her eyebrows. "I think he likes you."

Nagsalubong ang mga kilay niya. Winisikan niya ng bula si Mona. "Stop romanticizing it. He's just being a jerk."

Pinahid nito ang bulang tumama sa mukha nito. "Okay. Fine."

She could not even entertain the idea. Alam niyang gumagamit siya ng ganoong trope sa mga kwento niya, pero hindi talaga niya maintindihan kung bakit pang-aasar ang napipiling paraan ng mga lalaki para mapansin sila ng mga babae.

Why can't they just be extra nice? Hindi ba't mas dagdag pogi points pa 'yon?

--

Matapos niyang maghugas ng pinggan ay bumalik ulit siya sa panunuod ng KDrama. Si Mona naman ay naupo sa tabi niya pagkaluto ng minani. Hindi rin ito marunong magbaraha at ayaw nitong magsugal kaya nakapanuod na lamang ito.

Ganoon silang nadatnan nina Bullet.

"Oh, hey! How's the wedding?" tanong ni Mona sa dalawa.

"Well, aside from her condescending parents and ex, it was quite nice," sagot ni Bullet.

"Did they give you a hard time?" tanong naman ni Felix sa kaibigan.

Bullet smiled. "It's nothing I can't handle."

"They grilled him because he didn't lie about his job," Fresia told them.

"Okay ka lang?"

"Yeah." Fresia removed her heels and sat between her and Mona. "I was just pissed that they served shrimp as appertizer. Hindi tuloy ako nakakain."

"They must have anticipated na darating ka kaya gano'n. Mas tipid nga naman kung hindi ka kakain," biro nito.

"Did you see Richard there?" tanong naman ni Brandi.

Tumango ito. "Yeah. Ka-table namin. Kasama pa ang parents ko. Saya, di ba?"

Malinaw na malinaw sa isip niya ang mukha ni Fresia habang nasa kasal. Hindi pa man niya nakikita ang mga magulang nito ay ramdam na niya ang hirap na pinagdadaanan ng kaibigan. Idagdag pang nandoon si Richard na sobrang bland ng personality.

Hindi nga niya maintindihan kung paano ito natagalan ni Fresia. Hindi na nga gwapo, saksakan pa ng yabang! Tanda pa niya noong ipinakilala sila rito ni Fresia. Richard quickly lost interest when he learned about their jobs. And she's probably the lowest in his eyes dahil seasonal ang sweldo niya. Hindi naman kasi siya araw-araw nakakapag-publish ng libro.

Gusto nga niyang gawing kontrabida si Richard sa isang kwento niya, pero ayaw naman niyang i-immortalize ang kagaspangan ng ugali nito. Baka ma-stress lang siya.

Tinanggal niya ang earphones nang magpakwento si Mona kung ano ang nangyari. Bullet was the one who told the story. Fresia resigned to her room.

--

Hinintay lamang nilang makapagpahinga at makapagbihis ang dalawa bago sila umalis para umakyat sa bundok. It was only a ten-minute ride to the forest reserve. Pagkarating nila roon ay agad naningil si Mickey ng pang-entrance. Siya ang hulig nitong nilapitan.

Dahil wala siyang barya, buong 500 ang ibinigay niya rito. Umasa naman siyang susuklian siya nito. But the douche just smiled and walked away!

Inis siyang sumunod dito. She stared at his back, hoping that he would feel some guilt. Pero dire-diretso lamang ito. If Brandi did not complain that they don't have a guide, then he won't stop walking.

Habang bumalik si Fresia sa may entrance ay nilapitan niya si Mickey at pasimpleng sinipa sa binti.

"'Yong sukli ko!" she hissed.

Tinutukan siya nito ng flashlight. "Anong sukli? Di ba, libre mo?"

"Hindi kaya!"

"Hindi ba? Bakit hindi mo sinabi?"

Because you didn't give me the chance to say it! Kung kasing-bayolente siya ni Fresia, baka napukpok na niya ito ng flashlight. Why does he assume things? Why can't he just ask first, like a normal person?

Bumuga siya ng hangin. There's no use in talking to him. Kay Mona na lamang siya dumikit. They resumed the walk when Fresia returned with the guide. Pagkapakilala nito kay Manong Ed ay tumuloy na sila.

The road was dark, pero may kaunting liwanag naman mula sa buwan at mga butuin. The sky was so clear. Kitang-kita ang mga bituin sa langit. But she was still wary because she's not used to walking almost blindly.

Napatigil siya nang may biglang maramdamang kung ano sa tenga. Pinalis niya iyon. Nobody seemed to notice. Nakikipagkwentuhan ang mga kasama niya sa matandang guide. Sina Fresia at Bullet naman ay nasa hulihan.

Itutuloy sana niya ang paglalakad nang may biglang kumiliti na naman sa tenga niya. Agad niyang itinutok ang flashlight sa tagiliran. Nag-init ang ulo niya sa nakita.

Honestly, what's his problem?!

May hawak-hawak na damo si Mickey. Iyon yata ang nararamdaman niya kanina.

"Leave me alone!" paasik niyang bulong.

--

After almost two hours, they finally reached their destination. The guys wasted no time. Agad itinayo ng mga ito ang tents na tutulugan nila. Gumawa na rin ang mga ito ng bonfire.

When everything is set up, they gathered around the fire to rest. Kinuha niya ang marshmallows, BBQ sticks, at graham crackers at ipinaikot sa mga kasama. Si Mickey naman ay dinala ang gitara.

He provided the music while Brandi made smores sandwich for him. He strummed and hummed. Si Manong Ed naman ay pinagkwento ng mga kasama. Game na game sa pagkikwento ang matanda. And he was actually really funny. Sayang nga lamang. Kung sana mas bata ng 20 years si Manong, e di may ka-partner din siya.

"Any song request?" Mickey asked after the smores feast.

"Thinking Out Loud!" she blurted out. Sing for me. That's the least you can do! she wanted to add.

"Girl, hindi ka pa umay sa kanta na 'yan?" tanong ni Mona.

"Maganda kaya!" sagot niya. It's a romantic song. It's a classic in her book. Hindi nga niya maintindihan kung bakit ayaw ng mga kaibigan sa kantang iyon. Maganda naman ang tunog at meaningful ang lyrics. And it's sweet.

"Iba na lang! OPM!" hirit ni Brandi.

Napasimangot siya nang sundin ni Mickey ang gusto ni Brandi. He sang Inuman Na while Brandi handed out the jerky and Felix brought out the beer. Kumuha siya ng isa at tumungga. Akalain mo nga namang marunong palang kumanta ang mokong.

But she did not show any hint that she liked his voice. Siya lamang ang hindi pumalakpak nang matapos itong kumanta. But she clapped when he handed the guitar to Manong Ed.

Kumanta ang matanda ng lumang kanta. Tapos ay ibinalik nito ang gitara kay Mickey. This time, Felix took the mic. It was horrible! Gusto niyang takpan ang mga tenga niya. Natatakot lang siya na ma-offend ito.

Thankfully, he didn't finish the whole song. Nakaramdam yata itong hindi nila gusto ang boses nito.

"Tama na nga ang kantahan. Baka ulanin pa tayo," sabi ni Fresia.

"One last song," hirit ni Mickey. Tumingin ito sa kanya at tipid na ngumiti bago nito muling tinipa ang gitara.

"When your legs don't work like they used to before..."

She didn't know what to feel when she heard the lyrics.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro