Chapter 2: Wrong Impression
Inis na inis si Aika nang malamang hindi pala libre ang isang plastic ng tsokolate na ibinigay ni Mickey sa kanya. Siningil siya nito ng mahigit dalawang libo para sa mga tsokolateng hindi naman niya hiningi. At lalo siyang nainis dahil napagbayad siya nito. Kung tutuusin, pwede naman niyang ibalik na lang dito ang mga tsokolate. Ibinato sana niya nang paisa-isa ang mga ito nang magtanda si Mickey. Pero huli na nang maisip niya iyon. Nakapagbayad na siya.
Hanggang sa almusal kinabukasan ay dala niya ang inis. Si Mickey naman ay patay-malisya lang, kunwari wala itong kasalanan. He's wearing his hair up that morning. Naka-man bun. No'ng nauso 'yong hairstyle na 'yon, kinainisan na niya ang lahat ng lalaking nakitaan niya ng man bun.
Nakakainis lang na bagay na bagay kay Mickey ang gano'ng ayos. Samahan pa ng suot nitong sando at shorts. He looks like a laid-back rocker dude.
Brandi's sitting right beside him. Parang hindi ito kagigising. Ayos na ayos, e. The two were drinking coffee. Sina Bullet at Mona naman ay nagluluto.
Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng kape. Tumayo siya sa may counter malapit kina Mona para manuoring magluto ang dalawa. Bullet's making fried rice.
"What did you make?" tanong niya sa kaibigan. Nasa tabi ito ng oven, nagkakape. Something's baking inside.
"Baked potatoes," sagot nito. "Alam ko namang patatas lang ang gulay na kinakain mo."
Nginitian niya ito at saka sinilip ang isinasangag ni Bullet. "Ano'ng kaulam ng fried rice?" tanong naman niya sa lalaki.
"Pick anything you like." Ipinakita nito sa kanya ang isang malaking platter na may lamang daing, tapa, hotdog, longganisa, bacon, at itlog.
She picked a piece of crispy bacon and chewed on it.
"Ayusin mo nga 'yang pagkain mo! Para kang daga!" saway sa kanya ni Mona.
Hindi niya pinansin si Mona at patuloy na nginatngat ang bacon. That's when she noticed him, Mickey, looking at her with amusement. Binilisan niya lalo ang pagngatngat.
--
Nang matapos magluto sina Mona ay nagtipon-tipon na sila sa hapag para kumain. Fresia woke up a while later. Gulo-gulo ang buhok nito, mukhang may pinagdaanang delubyo kagabi. The sight of her friend made her remember the mess she cleaned last night.
Agad siyang tumayo para mag-refill ng kape. Ikinuha na rin niya ng kape si Fresia dahil mukhang tulog pa ang diwa nito. Nginitian lamang siya ni Fresia nang iabot niya rito ang kape.
Her friend took the seat next to Bullet, but the poor guy was still haunted by last night's events. Agad itong tumayo dala ang pagkain at saka lumipat sa sala, malayo kay Fresia.
Her friend looked at them for some kind of explanation.
"Na-trauma yata sa 'yo kagabi," sabi rito ni Mona.
"Why?" kunot-noo nitong tanong. "What did I do?"
"Wala kang maalala?" amused na tanong ni Felix.
Fresia shook her head. Daig pa kasi nito ang sinapian kapag nalasing.
"You kissed him," Brandi told her.
Nanlaki ang mga mata ni Fresia. Maang itong napatingin kay Bullet na noon ay hindi maipinta ang mukha. "I-I did?"
Tumango silang lahat.
"And did I do something else?"
She shuddered. Yes, Fresia, and I had to clean up that something else. She straightened when she saw Mickey smirking. What's his problem?
"You did that thing..." Mona answered. "...the thing that you always do after you kiss someone while you're drunk."
"I did that?!"
"Let's not talk about it. Nawawalan ako ng ganang kumain kapag naaalala ko," sabi naman ni Brandi.
Bumuntong-hininga si Fresia saka inilagay ang kape sa lamesa. Nagpunta ito ng banyo. Maghihilamos yata. Sila naman ay pinag-usapan kung ano ang gagawin nila sa maghapon. Fresia will be going to the resort where the wedding will be held to bring the dress and check on Izzy. Mamayang hapon na ang kasal nito. Fresia and Bullet will be going there later. Sila namang mga kaibigan ay maiiwan lang sa bahay. They don't know the place so Brandi suggested that they explore it.
Si Mona naman, baking session ang gusto. Nagpapapansin kasi ito kay Felix na mukhang nagustuhan ang baked potatoes nito. Hindi niya alam ang gusto ng dalawang lalaki, but Bullet sides with Brandi. Mukhang hindi pa rin kasi ito naka-get over sa nangyari kagabi.
"Aika, what do you want to do?" tanong sa kanya ni Brandi.
"Manunuod ako."
Brandi groaned. "Again? Look, it's sunny outside. Lumabas ka naman para maarawan ka."
"E, di sa labas ako manunuod," pamimilosopo niya.
Mickey snickered. Si Brandi naman ay bumuntong-hininga na lang. Whatever. She'll just decide later kung saan siya maglalagi. Kung lalabas naman siya, dadalhin din niya ang mga abubot. Hindi rin siya makakausap ng mga ito.
--
They decided to go ahead with both plans. Uunahin muna nila 'yong kay Mona dahil mainit pa sa labas. Magkakalat muna sila sa bahay ng tiya ni Fresia saka sila lalabas at gagala kapag humapon na.
Pagkaalis ni Fresia, nagtipon-tipon sila sa kusina para sa libreng turorial. Bullet decided to join as tutor. Mona will bake and Bullet will cook. Apparently, sa kanilang anim, ang mga ito lamang ang marunong sa kusina.
Brandi is always on a diet. May nagpu-provide na rito ng dapat nitong kainin para masiguradong hindi ito tataba. Siya naman ay linggo-linggong pinadadalhan ng mommy niya ng pagkain. Kwento naman ni Felix, kapitbahay lang daw nito ang pamilya nito kaya walang problema sa pagkain. He told them that he also intends to marry a woman who can cook. Huling-huli nila ang kilig ni Mona. Sa kanila kasing apat, ito lang ang marunong magluto.
And Mickey... well, he didn't share his story.
"Chocolate chip cookies na lang ang idi-demo ko ngayon para may ma-miryenda tayo mamaya," Mona declared.
Mona laid all the ingredients, all of which were readily found inside the house. Mabuti na lamang at nakabili sila ng butter kagabi. As for the chocolate chips, well, good thing Mickey bought all the chocolates she left in the basket. May chocolate chips doon.
The steps weren't hard to follow. Madali lang daw kasing gumawa noon, ayon kay Mona. Just follow a certain recipe and you can do it on your own.
After mixing all the ingredients, Mona made small portions and placed them on a baking tray. Kumuha siya ng isa at kinain iyon. As usual, nawirduhan na naman ang mga ito sa kanya.
"Gutom ka na ba? Sabi ko sa 'yo kanina lakihan mo ang kain, e!"
"It's cookie dough. You can eat it. Hindi nyo pa na-try?"
"It's raw," nakangiwing sabi ni Brandi.
"You eat sushi," she pointed out. Hinati niya ang cookie dough at sinubuan ito. "See?"
Brandi made a face.
Kukuha pa sana siya ng isa nang ilayo ni Mona ang tray. While the cookies were baking, tinuruan naman sila nito kung paano gumawa ng chocolate truffles. She donated some of her chocolates for the demo... since hindi rin naman niya iyon ubos.
Gusto pa sana ng mga kasama niyang gumawa ng smores dip at oreo cheesecake pero umangal siya. The mallows and Oreos were already safely stashed somewhere. Kapag kasi kinain pa nila iyon, mauubusan na sila ng dadalhin para sa hiking nila.
Si Bullet naman ay mga de-lata ang napag-diskitahan. He made tuna fishcakes, fried sardines, and sardine pasta.
Saktong lunch time nang makabalik si Fresia. Kinain nila 'yong mga niluto ni Bullet for lunch tapos ay dessert naman nila 'yong chocolate truffles. Mona hid the cookies somewhere. Para raw hindi nila kainin.
--
Hindi na sumama sa kanila si Fresia paggagala. Mag-aayos raw kasi ito ng gamit saka magpapahinga. Sandali lamang ito kanina sa resort pero parang ubos na ubos na ang enerhiya nito nang makabalik. Naaawa na siya sa kaibigan niya. Palagi kasi itong kinakawawa ng mga kamag-anak nito. Fresia's not the one to accept defeat so she always pretends to be tough. And her toughness translates to anger, a shield she puts on to avoid getting hurt.
She will deal with so much more later at the wedding, so they just let her rest. The 6 of them went outside to explore Fresia's hometown.
Medyo nasa sentro ng bayan ang bahay ng tiya ni Fresia. Kaunting lakad lamang ay narating na nila ang plaza. And like most of the towns in the country, kung nasaan ang plaza, nandoon na rin ang simbahan, munisipyo at schools. This one was no different.
Habang naglalakad sila ay may nakita siyang isang kakaibang gusali. Luma rin iyon, ang pintura nitong puti ay nababakbak na. But what caught her attention wasn't the oldness of the house. It's the square-shaped brown things with brown strings that were displayed on a big window. Tumigil siya sa harapan ng glass window para tingnan ang mga iyon nang mabuti.
Sigurado siyang mga libro iyon.
She followed her curiosity inside, where she was greeted by the owner himself. He looks like the Pinoy version of Garrick Ollivander from Harry Potter. Pero ang damit nito, parang damit ni Geppetto.
Hinayaan siya nitong ikutin ang maliit nitong tindahan. May tatlong aisles lamang sa gitna. Nandoon ang school supplies na madalas maging in-demand sa mga estudyante. Sa gilid naman ay nandoon ang mga librong may balot na brown paper. May maiiksing description na nakasulat sa bawat libro. Mura lang ang presyo ng mga iyon. Pinakamahal na yatang nakita nya ay 300.
The old man told her that they were old books. Ang ilan daw ay mga wala nang balat. Hindi raw kasi nai-engganyong bumili ang mga tao kapag nakita ng mga itong sira-sira na ang pabalat ng libro. Kaya naisip ng apo ng matanda na balutan na lamang ang mga iyon.
No Return. No Exchange.
"Kapag nabili mo na, wala nang balikan," nakangising sabi ng matanda. But the old man told her a secret. You can actually return or exchange the book, kung ikikwento mo ang content ng libro sa matanda at sasabihin mo kung ano ang mali roon kaya hindi mo iyon nagustuhan.
Napilitan tuloy siyang basahin isa-isa ang descriptions na nakasulat. Ayaw niyang ma-hassle kaya dapat ay magustuhan niya ang librong pipiliin niya.
She was busy reading one book's description when someone bumped into her. Nang lingunin niya ang nakabangga na hindi man lang nag-sorry, she found herself face to face with Mickey.
Itinaas nito ang librong hawak. "Buy this for me." Ipinatong nito ang libro sa kamay niya.
"Ano ka, may patabi?" She shoved the book back on his hands. "Buy it yourself!"
Kapal ng mukha! Matapos ng pangti-trip nito kagabi, may lakas pa ito ng loob na magpabili sa kanya ng libro?
Inis siyang pumunta sa counter para magbayad. Ipinatong niya ang dalawang librong napili niya at saka siya dumukot sa dalang bag para kumuha ng pera. Pero nahalungkat na yata niya ang buong bag ay wala siyang nakapang wallet.
"Wait lang po, ha," sabi niya sa matanda. Itinaas niya ang bag sa counter at doon nagbutbot. Shit! Wala nga! Nakalimutan ba niyang magdala ng pitaka?!
"Pakisabay na lang po 'yong kanya," narinig niyang sabi ng isang lalaki.
When she looked up, it was Mickey again. Inilagay nito ang ipinabibiling libro sa ibabaw ng mga librong napili niya. Wala siyang nasabi. Of course, she was ashamed. Matapos niya itong tarayan kanina ay nagawa pa siya nitong ipagbayad.
--
Umuna siya paglabas ng tindahan matapos pasalamatan ang matanda, and in a way, indirectly thanking Mickey too. Ibinigay nito sa kanya ang paper bag na may lamang mga libro. She took it without thinking twice.
"Aika Jane Yamamura pala ang full name mo," sabi nito.
"What?" Hold on... how did he know that?
Nanlaki ang mga mata niya nang lingunin ito. He's holding her wallet! The devil grinned. Did he... did he just make her pay all the books with her own money?! Pati libro nito, siya ang nagbayad?!
"Give me that!" Inis niyang kinuha sa kamay nito ang pitaka. Tiningnan niya ang pera sa loob. Shit! Kulang ng 1K!
She glared at Mickey when he laughed. Ano ba ang trip ng lalaking ito at palaging siya ang kinakawawa?
Tinalikuran niya ito at naglakad siya nang mabilis. But he was able to keep up with her pace.
"Why are you called Aika? Why not Jane?"
Hindi niya ito pinansin.
"I'll pay you back if you answer."
She huffed, slowed her steps, and told him, "Because it sounds plain and boring."
"Ah... I'll call you Janey then. It suits you better," sabi nito bago siya inunahan ng lakad.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro