Entry 05 : My Wonder Mom
ELEVENTH OF MAY
written by Endee (loveisnotrude)
HINDI NA SIKRETO ang malaking role na ginagampanan ng ating mga ina sa buhay natin. At naniniwala akong sila ang may pinakamalaking ambag sa lipunang 'to. And as for me, of course, I'll definitely say that my mom's the best. That she is my one and only wonder mom.
"Good morning, 'Ma." Every time I woke up in the morning, the first thing I always did was to greet my mom. At dahil medyo espesyal ang araw na ito para sa kanya, sinabayan ko pa nang mahigpit na pagyakap ang pagbati kong iyon sabay tanong ng, "Do you have any appointments for today? May lakad ka po ba?"
Sandali siyang napahinto sa ginagawa niyang paghiwa ng patatas at saka ako hinarap. "Ano bang araw ngayon?"
"Sunday."
"Date?"
"Eleven po. Today's May 11, 'Ma."
"May 11, hmm . . ." Habang iniisip niya pa kung may lakad ba siya ngayong araw, I silently prayed naman na sana wala because I really want to celebrate the special occasion today with her. "I think I'm free today, anak. Bakit?"
"Good! We're going somewhere later."
"Saan naman?"
"It's a secret for now, 'Ma. You'll find it out later."
"O siya, maghilamos at sipilyo ka na para makapag-almusal ka na rito. Ikaw talagang bata ka, kung ano-ano na naman ang naiisip mo."
Tinawanan ko lang siya bago ako nagmamadaling bumalik sa aking kuwarto. Pagpasok ko sa CR, dumiretso agad ako sa paghihilamos. At habang ginagawa ko iyon, hindi ko na napigilan na mag-reminisce ng early memories ko with my mom.
Isa sa hindi ko makalilimutang alaala ay ang pagiging academically supportive niya sa akin mula pa nang bata ako. Sa totoo lang, she became my first teacher talaga. Sa kanya ako unang natutong magbasá't magsulat. She's actually the main reason why I've got an academic acceleration at the early age of six. Honestly, not being biased, but my mom is the best teacher I've ever had.
I'd also not forget that she became my first ever best friend in life. Siya ang una kong napagsasabihan ng mga problema't saloobin na dala-dala ko. I swear to God, she's literally the best listener. Ni minsan talaga ay hindi niya ako hinusgahan (which I think normal lang naman kasi nga nanay ko siya but still) lalo na nung mga panahon na nag-e-explore pa ako sa aking sexuality. She's just there for me---guiding me and giving me lots of advices na talaga namang nakatulong sa akin while growing up.
Kaya ipinangako ko na gagawin ko ang lahat masuklian lang iyong mga paghihirap niya sa akin. Na hindi niya na kailangan pang hingin sa akin iyon dahil kusa ko na itong ibibigay sa kanya. Kasi deserved niya.
She deserves all the best, the very best, in the world.
Pagkatapos kong maghilamos, I brushed my teeth right away. After that, I quickly went downstairs. Isang matamis na ngiti agad ang bumungad sa akin at hindi ko maiwasang isipin na napakasuwerte ko at isang katulad niya ang naging ina ko.
"'Ma . . ."
"Hmm?"
"I know I don't usually say this at baka ma-weird-uhan ka sa akin pero gusto ko lang po talagang sabihin na mahal na mahal kita."
"Dee, anak . . ." Marahan niya akong pinalapit sa kanya at saka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap. "What's going on? Did something happen ba? Bakit bigla kang naging sweet?"
"I'm sorry, 'Ma."
"Why?"
"I'm sorry po kung hindi ako madalas nagiging sweet sa inyo. Hindi ko rin nga po maintindihan kung bakit ang dali sa akin na magpakita ng affection sa ibang tao pero pagdating sa inyo---na sarili kong ina---hirap na hirap ako. Kaya sorry po kung hindi ko napaparamdam kung gaano ko kayo kamahal."
"Sshhh . . . Don't say that, anak. Hindi mo man direktang nasasabi sa akin ang bagay na iyan, nararamdaman ko naman. And that's what important, right?"
Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako. Mas lalo ko pa tuloy hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya para 'di niya mapansin na nagmistulang waterfalls na ang mga mata ko sa grabe ng luha na inilalalabas nito.
We stayed in that position for almost five minutes before we decided to let go and start eating our breakfast. As usual, masaya kaming nagkuwentuhan sa mga nangyari sa amin this week. Pagkatapos kumain ay nag-prepare na rin kami agad para sa lakad namin ngayong araw.
Sa tingin ko ay wala pa rin siyang ideya sa kung anong meron sa araw na 'to.
"Saan ba talaga tayo pupunta, anak, at bihis na bihis tayong dalawa?"
"We're going to relax, 'Ma," ngiting-ngiti na sagot ko sa tanong niya. "I'm going to treat you today para naman po makapag-relax kayo. Consider this as your rest day for being my 24/7 mom."
Naiiling habang natawa na lang siya sa huli kong sinabi at tahimik na lang na sumunod sa akin.
Susulitin ko talaga ang araw na ito at sisiguraduhin kong ma-e-enjoy niya ang mga gagawin namin. With that said, we first went to spa. Sa dami kasi ng ginagawa niya sa araw-araw, naisip ko na kailangan namang ma-relax ng katawan niya. And a full body massage is the answer for that. Pagkatapos magpamasahe ay dumiretso naman kami sa salon. Ayaw pa nga niya nung una kasi satisfied na raw siya sa ayos niya pero mabuti na lang at na-convince ko rin siya. I don't want to say this dahil baka magtunog biased but my mom is really, really beautiful---inside and out. Pero dahil sa dami ng kanyang ginagawa, napapabayaan niya na ang outer beauty niya. That's why I've decided to do some makeover for her. Again, deserved niya naman kasi.
After naming magpaayos, nag-shopping naman kaming dalawa. Hindi siya materialistic na tao kaya nahirapan pa akong i-convince siya na bumili kahit iilang pares ng damit, sapatos, or even jewelry.
"Dee, anak, I think this is too much na."
"'Ma, that's okay. Treat ko naman 'to sa iyo, so don't worry. And this is not too much for all the sacrifices you've done for me."
"Hindi naman ako naniningil, anak. And even without these stuff, I'll still be a good mother to you."
"'Ma, we're in the mall right now, don't make me cry!"
Tinawanan niya lang ako at sinabihang madrama pagkatapos ay hinila na sa may counter para bayaran iyong isang blouse na kinuha niya. Hindi ko na siya napilit na pumili pa kaya umalis na rin kami at dumiretso na sa isang restaurant kung saan nagpa-reserve pa talaga ako for the two of us.
"Akala ko ba sa fast food lang tayo kakain, 'nak?"
"Masyadong special ang araw na 'to for you, 'Ma, kaya hindi puwedeng sa fast food restau lang tayo magse-celebrate."
"Kanina pa ako clueless dito. Ano ba talagang meron ngayon?"
Bago ko pa masagot ang tanong niya, napatigil pa ako sa paglapit nung waiter sa akin.
"A, ma'am, excuse me? Lilinawin ko lang po na table for two po ang pina-reserve ninyo, 'no?"
"Yes."
"Bale, mga anong oras po namin ise-serve iyong pagkain?"
"Ngayon na."
"Sure po kayo? Hindi ninyo na po ba hihintayin ang kasama ninyo?"
I looked at my mom who sat accross me bago muling binalingan ang waiter saka sinabing, "Wala na akong hinihintay. She's already with me, so you can serve the food."
Nang makaalis na iyong waiter habang takang-taka na pinagmamasdan ako, sa direksyon naman ng mom ko ako tumingin. Nakangiti lang siya sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.
"Wala ka po ba talagang ideya kung anong meron sa araw na 'to, 'Ma?" Nang mabilis siyang tumango, napangiti na lang ako ng malungkot. "Mother's Day po ngayon."
"Talaga?"
Ako naman ngayon ang tumango bago nagpatuloy at sinabing, "It's also your fifth death anniversary today."
THE END
***
A/N: Henlo! The winners for "My Wonder Mom" contest was already out, and I'm happy to share that for the fourth time, my entry won!
Akswali, hindi ko ini-expect na mananalo ulit ako. Last minute kasi akong nagbago ng plot tapos pagkatapos ko 'tong ipasa, naisip ko pa na parang mas maganda iyong naunang plot, so medyo worried na talaga ako. Pero nakatutuwa na sa pang-apat na pagkakataon, muli na naman akong nanalo rito! Kaya gusto ko na namang pasalamatan ang buong AmbassadorsPH especially the team behind it (mabuhay, Engagement peeps!) sa patuloy na pag-host ng monthly writing contest thru Write-A-Thon Challenge! Pati na rin sa gumagawa ng napakagandang certificate~ I really, really love it kaya maraming salamat po!
Sa lahat din ng sumali at sa mga kapwa ko nanalo, congrats sa ating lahat! See you again for next month's theme!
Again, thank you!
XO,
Endee
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro