Entry 02 : Love Online, Love on the Line
QUARANFLING GONE WRONG
written by Endee (loveisnotrude)
OUT OF boredom, naghanap ako ng ka-quaranfling on a certain dating app---nothing serious, just someone to talk to and maybe flirt with.
I mean, c'mon, halos kalahating taon na akong nasa loob lang ng aking apartment because of this lockdown at hindi na rin maganda sa mental health ko ang mga nangyayari sa bansa. So, I decided to find a quaranfling for destruction.
But it went wrong.
Badly.
And here's the story:
Talking to him made me feel things. Ang weird siguro nito pakinggan pero dahil sa pakikipag-usap ko sa kanya, naramdaman kong tao pa rin pala ako. Ilang buwan na rin kasi akong walang human interaction. Actually, kahit online. Dahil literal na wala talaga akong nakakausap bukod sa mga kaibigan kong twice a week na nangungumusta sa akin. Thanks to COVID-19. At dahil doon kaya pakiramdam ko ay hindi na ako marunong makipag-interact. So, when I tried this certain dating app, hindi lang ako kinakabahan. Natatakot din ako sa mga posibleng mangyari.
But when I've met him, I was glad that I swiped right.
He was fun to talk to---nasasabayan ko ang humor niya. Ang dami niya ring baong kuwento palagi na nag-e-enjoy akong pakinggan. Yes, pakinggan. Dahil after some getting-to-know-each-other sesh, we both decided to do video calls from time to time.
He's cute.
One of the reasons why I'm still talking to him.
Another reason is he's not a DDS---thankfully. I mean, that's a big green flag for me.
Anyway, so for two months, we kept in touch.
Hanggang sa . . .
He suddenly disappeared.
Literally.
That time, I thought, "Oh, wow. Did he just ghost me? I've been ghosted na naman ba?"
At dahil hindi naman na sa akin bago iyon, I tried to move on. Pero makalipas lang ang isang linggo, nagparamdam siya ulit. Na dapat hindi ko na siya i-e-entertain pa kung hindi lang reasonable iyong reason niya why he left me without saying goodbye or anything.
He's reason? Na-ospital ang kamag-anak niya because nag-positive sa virus at kailangan niya raw itong asikasuhin o alagaan.
At dahil cute naman siya, naging marupok ako.
Pagkatapos ko kasi siyang maka-match sa dating app na iyon, I deleted my account and uninstalled it. Bakit ko pa kasi iyon gagamitin kung may nahanap na akong kausap, 'di ba?
Back to him, we continued what we left. Balik sa pakikipag-usap, pakikipagkulitan, pakikipag-asaran---the likes. Hanggang sa lumipas ang isang buwan.
Bale, we've been talking for three months na rin.
At dahil totoo namang nagugustuhan ko na siya, I confessed that to him. Hindi naman kasi sa pag-a-assume pero malakas ang pakiramdam ko na we're on the same boat. And I was right. He liked me too.
Pero hindi pa roon nagtatapos ang lahat. Dahil may "but" pa pala iyong kasama.
"But what?" I asked.
"But I have something to confess to also," he answered. "I'm sorry pero . . ."
And that confession made me cry.
All along, sabit na pala ako sa isang relasyon. Wala man lang akong kamalay-malay na iyong kinakausap at hinaharot a.k.a. ka-quaranfling ko ay hindi lang nakatali kundi nakakadena na pala sa iba.
He's married.
And out of nowhere, I became his mistress.
Iyong panahon pala na bigla siyang nawala ay panahon kung kailan siya ikinasal. Sa madaling salita, he's been lying to me the whole time. Ngayon, gusto ko na lang siya makita para masampal o masapak sa panloloko niya---hindi lang sa akin kundi sa asawa niya.
And that's my quaranfling story that badly gone wrong.
THE END
***
A/N: So, the winners for "Love Online, Love on the Line" contest was already out and unfortunately, my entry 'Quaranfling Gone Wrong' didn't win. But that's okay because I had fun writing this story at talaga namang nag-enjoy ako sa mga entries din na nabasa ko.
Isa pa, even though I didn't win, AmbassadorsPH still prepared a certificate for my participation which is really awesome (and cute!) for real. Look:
Ayon, gusto ko lang magpasalamat sa lahat! Saka congrats ulit sa lahat ng sumali lalo na iyong mga nanalo. I hope to see you again for next month's theme!
Again, thank you!
XO,
Endee
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro