Prologue
Prologue
"What's with the junk intake, Meg?" Tanong ng pinsan kong si Everlyse.
Titig na titig ako sa malaking flatscreen namin. Dapat ay may sagot na siya sa tanong na iyon. Hindi ko na siya sinagot. Dahil sa panunuya ng kanyang boses ay alam ko na kaagad kung ano ang pinaparating niya.
Pinapak ko ulit ang nakalatag na Cheerios sa aking tiyan habang pinindot ang repeat button sa remote control.
Everlyse smiled. Ni hindi ko na kailangang lumingon sa kanya para makumpirma ang ngiting aso niya.
Tumunog ang plastik ng Cheerios. Kumuha din siy galing doon. Hinintay kong makakuha siya bago kumuha na rin ng akin at isinubo iyon, nakatitig parin ako sa flatscreen.
"I know you've packed..." She trailed on. Wala parin akong masabi.
Tinutok ko ulit ang remote control sa TV at nireplay ulit ang pinapanood ko sa Youtube. Gusto ko ang video na ito, klarong klaro ang mukha niya. Madalas kasing hindi makuha 'yong mukha niya habang tumutugtog.
"We should check the bags. Finalize, Meg." Utas ng pinsan ko.
"I'm not in the mood." Sagot ko.
"I know you're thrilled. Or... what... I'm not sure if you are thrilled or scared."
Nilingon ko si Everlyse.
She's right. I'm thrilled and scared. Umaapaw ang excitement ko sa pag uwi namin ng Pilipinas. It's been years. Ilang beses kong tinangkang umuwi pero hindi ako kailanman nagkalakas loob. Kahit sa pasko. I would rather stay in this cold place.
"Oh my God. I can't believe you're still obsessed with the same boy for years!" Umirap at tumawa ang pinsan ko.
"I'm not obsessed." I said.
"Ilang beses mo na 'yang dineny. You told me years ago na you tattooed his name to forget!"
"I tattooed his name to forget! But I didn't." Iling ko.
"You've got to be kidding me. 'Nong una, sige, pinabayaan kita since you are that broken little girl. But right now, Meg, ang masasabi ko, sayang lang ang ganda mo!"
Bumaling ako kay Everlyse. Halos pareho kami ng features sa mukha. Magkasing edad kami at lumaki ng sabay. High cheekbones, thin pouty lips, straight hair, slender, and tan. Magkaiba kami sa parteng iyon. Maputi ako, mana kay mommy. Although I envied her bronze skin. Madalas akong nagyayayang magpa-tan para lang mapantayan siya. But you can't change what's natural. And maybe... it's natural for me to love one boy for this lifetime.
"Dapat ay matakot ka na. Pagdating natin ng Pilipinas, imposibleng wala siyang girlfriend. Paniguradong meron-"
"I stalked him. Wala siyang girlfriend. Though, pakiramdam ko may kung ano sa kanila ni Coreen."
"Oh my God." Irap ulit ng pinsan ko. "Couz, grabe. Ayoko na. You're creeping me out. Don't stalk him, alright?"
Umirap din ako at tumingin ulit sa TV.
"Ikaw ang nang iwan kaya ikaw ang umiwas ngayon. You can't do that again." Sabi ni Everlyse.
"I'll try hard to stop myself, Lyse. Iiwas ako, alright? So stop being so paranoid."
Tumikhim siya na para bang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.
Alam ko ang ibig niyang sabihin. At alam ko rin naman na kahit anong gawin ko ay hindi na rin ulit ako tatanggapin ni Noah. Hindi siya tanga. Hindi siya baliw para sumugal sa akin.
Ilang taon na rin ang nakalipas. Iyong mga pangarap niya ay unti unti ng natutupad. Iyong pangarap niyang alam ko. Malayo na ang narating niya. Hindi mahirap makahanap ng iba lalo na pag isa kang Noah Reigan Elizalde, ang gwapo at seryosong lead ng isang sikat na banda sa Pilipinas.
Kahit noong hindi pa siya sikat, habulin na siya ng mga babae. Isa ako sa kanila. Mahirap ang ganon. Pakiramdam mo ay wala kang halaga. Pakiramdam mo ay katulad ka lang ng ibang babae niya. Ni hindi niya matingnan sa mga mata. Hindi niya napapansin.
Tuwing nakikita ko siya sa corridor kasama ang mga kabanda niya noon ay halos mangatog ang binti ko. He's that typical popular high school boy who came from a rich family, suplado, malakas ang dating, tahimik, at misteryoso. Girls would die for their group. And I would die for Noah.
Araw araw ay nilalagyan ko ng sulat ang kanyang locker. Kasama ko pa ang pinsan ko. Siya ang look out ko. Pareho kaming naka kulay navy blue na uniporme at nanginginig sa takot. Ayaw naming mabuking.
"Lyse tapos na!" Sabi ko pagkatapos kong ihulog iyon.
"Bilis na! Magtago tayo! Parating na sila!" Sabi niya sabay takbo ko patungo sa kanya.
Mabilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaba o excitement. Hindi ito ang unang pagkakataon na naghulog ako ng sulat doon pero ngayon, mas espesyal ang sulat kong iyon. I confessed my love for him. Madalas kasi pangungumusta lang ang nilalagay ko, pero ngayon buong puso ko na ang ibinuhos ko doon.
Nakangiti ako nang lumiko si Noah sa locker room. Magkahawak kamay kami ni Everlyse habang sinisilip ang pag bukas ni Noah sa kanyang locker. Bumuhos ang lahat ng sulat galing sa loob.
"Ang dami..." Bulong ni Everlyse sa akin nang halos naging bukid ng papel at envelope ang sahig.
Pinasadahan ni Noah ng palad ang kanyang buhok at dinungaw ang mga sulat. Nagtaas siya ng kilay at halos matunaw ako.
"Relax, Meg!" Sabi ni Everlyse nang naramdaman ang panghihina ng aking tuhod. Halos mapaluhod ako doon habang nagtatago kami.
Lahat yata ng ikinikilos ni Noah ay nakakapanghina. Kaya kong manood sa kanya sa kahit anong ginagawa niya araw-araw! Kahit na maligo siya sa harap ko, ayos lang! Sobrang okay! Halos matawa ako sa aking iniisip.
Nag squat si Noah sa sahig para tingnan ang mga envelope. May biglang pumasok sa locker room. Iyong mga kabanda niya pala. Umingay ito at mas lalo kaming nagtago. Mabuti na lang at madilim ang parteng pinagtataguan namin kaya hindi kami nakikita.
"Baka makita tayo ng kapatid ko, pagalitan pa tayo." Sabi ni Everlyse.
"Hindi tayo makikita ni Stan. Nag uusap sila, o." Bulong ko, nakatitig parin kay Noah.
"Ang hirap naman nong assignment sa Biology. Pakealam ko sa mga halaman. Tsss." Sabi ni Stan, ang pinsan kong kambal ni Everlyse. Umupo siya at bumaling kay Noah. "Love letters na naman? Patingin ng isa, Noah." Naglahad siya ng kamay.
Nakita kong may hinawakang kulay pink na envelope si Noah. Nanlaki ang mga mata ko.
"Akin ba 'yan?" Nagpapanic kong tanong kay Everlyse.
"Shunga! Blue 'yong sa'yo!" Sabay sapak niya sa akin.
Nakita kong dinampot ni Noah ang kalahati nong love letters sa kabilang kamay sabay bigay sa nakalahad na kamay ni Stan.
"Sa'yo na 'yan. Wala akong pake sa mga sulat na 'yan." Utas ni Noah.
Nalaglag ang panga ko. Tumawa si Stan at hinayaang mahulog sa sahig ang ibang loveletters. Titig na titig si Noah sa isang love letter na nasa kamay niya.
"Teka, kay Megan 'to ah?" Sabi ni Stan ng nakakunot ang noo. "Pang ilang sulat niya na 'to, Noah?"
Uminit ang pisngi ko habang binubuksan ni Stan ang sulat ko!
"Patingin?" Sabi nong ibang kabanda nila at pinalibutan ang sulat kong nasa kamay ni Stan.
"I don't know." Sagot ni Noah.
"Ilang beses ko nang nakita 'yong mga sulat niya. Di parin talaga nagsasawa." Sabi ni Stan sabay tingin sa sulat ko.
"Shit! Everlyse!" Niyugyog ko si Everlyse.
Hindi ako nahihiyang malaman ni Stan ang nararamdaman ko para kay Noah. Alam niya na na may gusto ako rito. Ang pinag papanic ko ay ang panghihinayang na hindi si Noah ang makakabasa ng sulat ko kundi si Stan!
"Kanino 'yang hawak mo?" Tanong ni Stan kay Noah.
Hindi sumagot si Noah kaya si Stan na ang sumagot para sa kanya.
"Kay Coreen?" Ngiti ni Stan.
Piniga ng matindi ang puso ko. Sa lahat ng sulat na ibinigay sa kanya, isang sulat lang ang tiningnan niya. Ni hindi niya tiningnan ang nakabasa sa likod ng envelope ko. Ni hindi niya tiningnan ang envelope ko! Ibinigay niya lang iyon kay Stan na ngayon ay hinulog rin ni Stan dahil sawa na siya sa kakabasa ng tungkol sa damdamin ko para kay Noah!
'Yong pinaghirapan kong sulat ay nahulog lang sa sahig! Mahigpit ang hawak ni Everlyse sa kamay ko.
"Tara na, Meg. Umalis na tayo dito." Bulong ni Lyse pero nag ugat ang mga paa ko sa sahig. Hindi ako aalis!
Tumayo si Noah at naglakad patungo kay Stan. Inapakan niya ang mga sulat na nakakalat sa sahig. Inapakan niya pati ang sulat ko! Inapakan niya ang mga damdamin ng mga babaeng gustong makipag kaibigan man lang sa kanya!
"I'm gonna keep this." Utas ni Noah.
"Heck, I'd die for her letter, Noah." Halakhak ng pinsan ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas ako sa pinagtataguan namin ni Everlyse. Halos mapasigaw si Everlyse ng pangalan ko para lang mapigilan ako. Napatingin silang lima sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa sapatos ni Noah na nakaapak sa sulat ko. May sumipol, hindi ko alam kung si Ynigo ba 'yon o isa sa mga kabanda nila.
"Megan, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Stan. "Lyse?"
Nasa baba parin ang tingin ko. Nandon sa kawawa kong sulat na inaapakan ng lalaking hinangaan ko ng husto. And I wouldn't deny it, I like him more because he's mysterious and snob.
"Noah, 'yong sulat ko inaapakan mo." Ngumiti ako.
"Oh?" Nagtaas siya ng kilay at umatras.
KItang kita ko ang sulat kong marumi na at halos magutay gutay. Humakbang ako palapit sa kanya. He's intimidating but I'm determined.
Yumuko ako para kunin ang sulat ko sa sahig at inilahad ko ito sa harap niya. Matamang tinitigan ni Noah ang sulat ko. Uminit ang pisngi ko.
"Read it." Sabi ko.
"Ako na lang, Meg." Tawa ng lalaking nasa likod ni Stan.
Tinitigan ni Stan ang kabandang iyon at natahimik 'yong tawa niya.
"You're asking me to read something disgusting?" Tanong ni Noah.
Nalaglag ang panga ko. "M-Maayos 'to kanina nong di mo inapakan." I stuttered.
Tinitigan niya ako. Halos matunaw ako sa mga mata niya. Kahit ngumiwi siya ay nangatog parin ang mga binti ko sa kilig. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako ka baliw sa isang Noah Elizalde.
Kinuha niya ang sulat na iyon sa kamay ko. Sa kauna unahang pagkakataon, magbabasa siya ng sulat ko! Halos tumakbo ang puso ko sa kaligayahan ngunit iyon ay panandalian lang. Nang nakita kong pinunit niya ang sulat ko sa aking harapan ay napawi ang ngiti ko.
"Lyse, umalis na kayo ni Megan." Iritadong sinabi ni Stan sa kanyang kambal.
Naestatwa ako sa ginawa ni Noah. Nag taas siya ng kilay at hinayaan niyang mahulog ang bawat piraso ng sulat ko. Ginulo niya ang kanyang buhok at tumitig ulit sa akin.
"Make another one. It's disgusting." Sabi niya at tinalikuran ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro