Kabanata 7
Kabanata 7
Noah Elizalde's
I have never felt this weak in my entire life. Nangangatog ang mga tuhod ko at pinagpapawisan ako. Umalis na si Noah pero ang epekto ng mga salita niya ay ganon parin sa akin. Bumalik si Ysmael at halos hindi ko masundan ang mga sinasabi niya dahil sa pagiging pre occupied ko sa mga sinabi niya.
Kung hindi ako ginulat ni Everlyse pagkarating niya ay siguro hindi na ako nakabalik sa sitwasyon ngayon.
"Uy!" Sabay tulak niya sa akin.
Ngumiti ang kaharap kong si Ysmael habang pinagmamasdan si Everlyse na ginugulat ako.
"Nandito ka lang pala. Hinanap kita." Sabi ni Everlyse.
"I texted y-you." Nagkakandautal na ako dahil sa naisip kanina.
"Ganon? Hindi ko tiningnan ang cellphone ko." Sumulyap siya kay Ysmael at pinanlakihan niya ako ng mga mata na para bang may sinasabing interesante.
Alam ko ang iniisip niya. At kapag sasabihin ko sa kanyang niyaya ako ni Ysmael na pumuntang prom ay paniguradong magkakatotoo ang kung anong haka haka sa utak ni Everlyse ngayon.
Umupo si Everlyse sa tabi ko pagkatapos ay sinabi sa akin lahat ng mga nakasalubong niya sa party. Nakinig ako. Samantalang si Ysmael naman ay naging abala sa mga lumapit na iilan pang kaibigan.
"Hey, girls. Let's go home. Tumatawag na si daddy." Dinig ko ang boses ni Stan sa likod namin.
Tumayo agad si Everlyse at humikab. "Talaga? Let's go, Meg." Sabay tingin niya kay Ysmael at ngumiti.
"Ysmael, we gotta go. Hinahanap na kasi kami." Ngumiti ako. "See you around?"
"Uh... Sure!" Tumayo si Ysmael at medyo naaasiwang tiningnan ang kung sino ang nasa likod ko. I'm pretty sure Stan was staring daggers at him. "By the way, can I get your number? I will need it for prom, of course. Ako na ang bahala sa damit mo." Sabay pakita sa kanyang cellphone.
"Oh! It's okay, Ysmael. Sure. Thank you." Ngiti ko at hindi ko inakalang sasagutin niya ang damit ko. Gusto ko sanang sabihing ayos lang naman kung sagot ko na ang damit ko ngunit ayaw ko rin namang masira 'yong gabi niya kung sakaling may binabalak siyang mag ka pair 'yong damit namin o ano.
Nilingon ko si Stan na nag paalam kay Noah sa malayo. Sumulyap pa si Noah sa amin habang si Everlyse ay abala sa pamamansin sa mga kakilala naming dumadaan. Nakita kong tumango si Noah at sumunod kay Stan.
Kumalabog agad ang dibdib ko. I don't want to assume that he's now interested on me. Kung hindi naaapakan ang ego nito ay paniguradong may iba pang dahilan. Nauna kaming luambas ni Everlyse samantalang nasa likod namin si Stan at Noah, nag uusap ng kung ano. Medyo malakas ang boses ni Stan, banayad naman ang kay Noah. Gusto kong mag kwento kay Everlyse pero hindi pwede dahil nandyan pa si Noah sa likod.
Sumalampak agad si Everlyse sa likod ng sasakyan. Sumunod ako at huling binuksan ni Stan 'yong front seat. Tiningnan ko si Noah na natatawa sa mga pinag uusapan nila ni Stan.
"Sige, pre. Happy birthday ulit. Alis na kami!" Ani Stan tapos ay tumango.
Tumango rin si Noah at bahagyang nag salute. Sumulyap siya sa akin at halos matigil ako sa pag hinga. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mapalayo kami pagkatapos ay sumigaw na ako sa panggigigil.
"What the hell is wrong?" Iritadong tanong ni Everlyse.
"Lyse! Niyaya ako ni Ysmael sa prom tapos kukunin ako ni Noah at ihahatid don!"
Namilog ang labi ni Everlyse sa pagkakalito. Hindi ako magkanda ugaga sa pangingisay habang si Stan naman ay humahalakhak lang sa front seat.
"Alin 'yong nakakakilig, Meg? 'Yong nagyayang mag prom o 'yong susundo? Wait? Bakit siya ang susundo?"
Ngumisi ako. Iyan din ang tanong ko, Everlyse. And you know what he said?
Kaya naman ay sa buwang iyon, hindi ako magkandaugaga sa pag iisip sa mangyayari sa prom na iyon. Kahit na hindi na ulit kami nakapag usap ni Noah tungkol doon dahil sa pagiging abala niya sa kanilang gig ay nakontento na ako. Mas lalo akong ginanahang suportahan sila simula nong birthday niya.
"Go Noah! Go Zeus!" Sigaw ko, naka hawak ng tarpaulin at tumatalon talon kasama ang mga kaibigan ko sa club.
Nasa ibang school kami. Naimbitahan kasi sina Noah para sa foundation day nila kaya sinuportahan namin.
At tuwing inaangat ni Noah ang tingin niya galing sa kanyang gitara patungo sa audience ay kumakalabog ang puso ko. Tumatalon talon ako ng husto at nag iingay kasama ang ibang ka grupo.
"Excuse me, miss." May narinig akong tawanan ng mga lalaki sa gilid ko.
Nilingon ko kaagad sila. Nagkakamot ng ulo ang isang medyo bata pang lalaki habang pinagtutulakan ng mga kaibigan niya.
"Yes?" Nagtaas ako ng kilay, ibinababa ang malaking tarp na dala ko.
"Uhm, can I get your number." Pinamulahan ang lalaki ng mukha.
Apat silang lahat at ang pinaka bata ang nanghihingi. Natatawa ang tatlo sa likod at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanilang lahat.
"Naglalaro kasi kami ng truth or dare... And..." Nagkamot ulit ng ulo 'yong lalaki.
"Uy bawal sabihin 'yon!" Sabay iling ng kasamang lalaki.
Tumango ako agad at naintindihan sila. Kinuha ko ang dala kong Sharpie at naghanap kaagad ng papel. Kawawa naman ang isang ito kung hindi matugunan 'yong dare.
"Saan ko isusulat? May papel ka ba diyan?" Tanong ko.
Namilog ang mata nong lalaki na para bang imposibleng gagawin ko nga iyon. Nginitian ko siya at naghanap ulit ng papel sa paligid. Medyo naiinitan na sa ingay ng mga taong tumatalon sa musika nina Noah.
"Dito na lang." Sabay lahad niya sa pawisin niyang palad.
Kinagat ko ang labi ko at tumango. Naghirap akong isulat ang numero ko doon. Hiyang hiya pa ang binata nang nakitang medyo nahirapan ako dahil sa pawisin niyang palad.
"Salamat talaga." Wika niya at pulang pula na ang mukha nag tinalikuran ako.
Ginulo ng mga kasama niya ang kanyang buhok at pinagtawanan siya nong papalayo silang lahat sa akin. Umiling ako at narinig ko ang sinabi ni Wella.
"Grabe, Meg. Mabenta kahit sa ibang school-" Naputol agad 'yong sinabi niya dahil sa pagmumura niya at pagsisigaw.
Dinampot ko ulit 'yong tarpaulin at tumingala sa entablado upang makita si Noah na kahit tumutugtog ay nakatingin sa akin. No way. He's not watching me, alright? Siguro ay katabi ko o nasa likod ko. That's way impossible, Megan. Kinagat ko ang labi ko at pinilig ang ulo. That's way impossible.
Wala pang album o kahit ano ay pinipilahan na sila ng iilang mga taga roon. May dalang notebook o di kaya ay picture para mapirmahan ng bawat miyembro. Enjoy na enjoy ni Stan at Warrena ng atensyon samantalang mahiyaing tinanggap ni Joey ang mga puri. Si Noah naman ay malamig ang tingin pero may pilyong ngiti.
Kumalabog ang puso ko at pumila na rin doon. Magpapapirma ako. Kahit sa tarp lang. Sa pag usad ng linya ay papalapit kami ng papalapit sa mesa nina Noah. Maraming nagpapapicture at napagtanto kong dumadami na nga ang nakakakilala sa kanila. Hindi iyon maiiwasan. That's pure talent you got there.
"Malapit na tayo!" Halakhak ng mga kasama ko.
Inayos ko ang shoulder bag ko at hinanda ang tarpaulin at sharpie. Inayos ko rin ang high-waist shorts ko at nagsimulang mag powder ng mukha. I need to at least look decent when facing Noah.
Umalis ang dalawang babaeng nasa harap namin pagkatapos magpapirma at magpapicture at kami na kaagad! Malaki ang ngiti ko habang nagpapapirma sa tarpaulin. Inuna ko si Stan dahil siya ang pinaka nakakaumay para sa akin. Sunod si Warren dahil tawag siya nang tawag at hindi tumigil hanggat hindi ako nakalapit. Sinunod ko si Joey na mabilis na pinirmahan ang tarpaulin.
Kahit na may iilan na akong picture sa kanilang apat, iba pa rin 'yong picture na nasa event kang ito. 'Yong parang remembrance na sa bawat gig ay dinaluhan mo sila kaya nagpakuha parin ako ng picture. Huli si Noah na nagtaas ng kilay at napawi ang pilyong ngiti pagkaharap namin.
Nilapag ko kaagad ang tarpaulin sa kanyang harapan at inabot ang Sharpie sa kanya.
"You've got a new fetish, I've noticed." Hindi niya ako tiningnan habang kinukuha ang Sharpie at nilagyan ng pirma 'yong tarpaulin.
"What fetish?" Nagtataka kong tanong.
Nag angat siya ng tingin sa akin. "For those shirts." Naglahad siya ng kamay sa damit ko at nag igting ang panga niya. "You attract too much attention and you're showing too much skin, Megan."
"It's fashion, Noah." Sabi ko at tiningnan ang midriff kong damit.
"Bilis!" May narinig akong nag iinarte sa likod. Naiinip na yata ang ibang fans niya dahil medyo matagal kaming nagpapirma at nakikipag usap pa si Noah sa akin.
Imbes na magpaalam na ako ay hinapit bigla ni Noah ang baywang ko. Halos madapa ako sa biglaang ginawa niya. Nakalapit ako sa kanya ng husto at uminit na parang kumukulong tubig ang mga pisngi ko.
'W-What are you doing, Noah?" Nauutal kong tanong.
Hinawakan niya ang tiyan ko at lahat ng balahibo ko ay nagtindigan sa kanyang ginawa. Nanlamig ang kamay ko at luminga linga habang ang ibang babaeng nakapila, maging ang mga club members ay gulat sa ginawa ng malamig na si Noah.
Kinagat niya ang kanyang labi at inilapit ang mukha doon, inangat ang Sharpie. Hindi ako huminga nang nilapat niya sa aking tiyan ang Sharpie. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa baywang ko.
"Anong sinusulat mo?" Tanong ko nang di na siya kumibo dahil sa pagsusulat sa aking tiyan.
"There." Aniya at tinakpan ang Sharpie tsaka binigay sa akin. "You can leave." At nag iwas ng tingin.
Yumuko ako para tingnan kung ano ang isinulat niya at nakita ko doon ang "Noah Elizalde's". Nalaglagan ako ng panga at pinanood siyang pumipirma ng mas marami pang mga picture ng nakangiti.
"Oh my God!" Pinagkaguluhan na ako ng club members.
Hindi na ako magkanda ugaga sa saya at hindi ko matanggal ang ngiti ko sa mga sumunod na araw. Noah's very unpredictable. Sometimes he's hot, sometimes he's cold. Napangiti ako. But he'll never fail to make me smile. Ano kaya ang kahulugan ng mga ginagawa niya sa akin? Or should I seek answers? No? I shouldn't right? I shouldn't expect anything. Kung hindi lang sana siya paasa ay matagal niya na akong napaniwala. Ganito na siya simula pa noon kaya imposibleng may kahulugan ito.
Kaya naman ay malaki rin ang ngiti ko nong kinuha niya ako sa bahay para makapunta sa venue ng prom. I told Ysmael that my 'dad' will drive me there. Hindi ko masabi sa kanyang si Elizalde 'yong maghahatid. He would question why and then it will piss Noah so I'll make it easy for him. Besides, gusto ko rin naman 'tong gagawin ni Noah. In fact, mas excited pa ako sa byahe kesa sa pagdating ko doon.
Ni hindi man lang ako tiningnan ng dalawang beses ni Noah nang sumakay ako sa sasakyan nila. Tahimik siya at nakahalukipkip. Naka itim na tee shirt at itim ding pants. Ang suot ko ay kulay violet na long gown. Binigay ito ni Ysmael nong isang linggo, nong tinanggihan ko siya sa pagsusundo sa akin.
"Is my dress fine, Noah?" Tanong ko para lang makuha ulit ang atensyon niyang wala sa akin.
"I'm gonna pick you up at ten. Be sure your ass will be waiting outside by nine thirty." Ani Noah.
"What? Ang aga naman." Umismid ako.
Nilingon niya ako at inirapan tsaka nag iwas ulit ng tingin. That's it, Noah? God, he's cold!
"Do you intend to be with him all night, Megan?"
"Well, he's my date." Nagkibit balikat ko. "It's my obligation as his date."
Bumulong bulong siyang hindi ko nakuha. Kumunot ang noo ko at hinawakan siya sa braso.
"Pardon, Noah?"
Hinawi niya ang aking kamay mukhang iritado. "I'm gonna gate crash if you're not outside by nine thirty."
"Paano ka mang gi-gate crash. I didn't know you have that attitude, Noah." Ngumisi ako.
"My brother is inside that hall, Meg. I will know."
Umiling ako. "Why are you so... jealous?" Natatawa kong tinapos. "Ang akala ko ba ayaw mo sa akin. You've always been so hard on me, Noah." Nawawala na ako sa mga sinasabi ko. "I don't get you. You can't be possessive on anyone." Nilingon ko ulit siya pagkatapos mag gala ng paningin ko.
Nagulat ako nang nakapangalumbaba na niya akong tinititigan. Naka dekwatro siya sa pag upo at ang kanyang siko ay nakatukod sa tuhod, pinagmamasdan niya ako.
"There are some things you need to possess, Megan. Some people you need to possess."
Napaawang ang bibig ko. Tumango ako at napalunok sa titig niyang nakakalasing. "Some people... And I'm one of those people."
Nakita kong ang lower lip niyang kanina pa kinakagat ay unti unting kumakawala sa kagat. Ngayon ko lang naramdaman na kanina pa pala tumigil sa pagtakbo ang sasakyan at tumunog na ang cellphone ko. Hinahanap na yata ako ni Ysmael.
Pumikit ako ng mariin habang kinukuha ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag na nga si Ysmael. Damn. I still want to talk to Noah right now. Tell me more, Noah.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro