Kabanata 57
Kabanata 57
Leave Me Alone
Mabilis akong pumara ng taxi sa labas. Siguro ay sa gulat ng mga tao sa ginawa ko ay hindi na sila nakagalaw sa kanilang mga inuupuan. Nagsimulang bumuhos ang panibagong luha sa aking mga mata.
"Saan po, ma'am?" Tanong ng driver habang naglilitanya ako ng mura.
Pumikit ako ng mariin at inisip kung ano nga ba talaga ang mga tinalikuran ko. Magagalit si mommy. Iskandalo iyon sa party. But then dad would support my decision. Pagtatakpan ni mommy ang nangyari. Kontrolado niya ang media. But then people in that party will talk. Still. Tinalikuran ko si Noah. All because of my doubts. Is it worth it? Did I lose it forever? He will never forgive me. He's proud and his ego won't take this blow. Lahat ng sakit na idinulot ng lahat ng ito sa akin noon ay wala nang silbi dahil sa pagtalikod ko ngayon.
"Maxims, Kuya." Sabi ko at mabilis na kinuha ang maliit na wallet ko.
Tanging wallet at cellphone ang dala ko. Cellphone na sumasabog sa tawag ng mga kilala ko. Pinatay ko kaagad iyon. For once, I want to be alone. I want to be with myself. Gusto kong mag isip nang hindi naiistorbo o naaapektuhan ng ibang tao. Gulong gulo ako at hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Pinagtitinginan ako ng mga tao pagkapasok ko sa hotel. Naka itim pa akong gown at kakagaling ko lang sa pag iyak. Nang tiningnan ko ang mukha ko sa salamin ng hotel ay hindi naman nasira ang make up ko, ngunit kita pa rin ang pamumugto ng mga mata.
Pagkatapos kong ibigay ang ilang impormasyon tungkol sa akin at pagsasabing gawing pribado ang lahat ay binigyan na rin ako ng card para sa room. Sinamahan pa ako ng isa sa mga empleyado nilang palangiti. Tahimik ako sa elevator habang kasama ko siya roon.
"Turista, ma'am?" Tanong niya habang tinitingnan ang damit ko.
Umiling ako at di siya tiningnan. Hindi ba nakikita ng mga tao na ayaw kong magsalita?
Kung sana ay pwede akong magpakalayo. Kung sana ay pwede akong mapag isa na lang muna. Kung sana ay pwede akong lumabas ng bansa. Ayaw ko munang makipag usap kahit kanino. I just want to sort things out my way. I want to listen to myself. Ilang araw na akong nakikinig sa mga tao sa paligid ko. Kay mommy, kay daddy, kay Everlyse, kay Coreen, kay Stan, kay Noah... hindi ba pwedeng sa ngayon ay pakinggan ko muna ang sarili ko?
Ano ba talaga ang gusto ko?
Pagkapasok ko sa loob ay iniwan agad ako ng empleyado. Sa pintuan pa lang ay hinubad ko na ang pumps ko at ang paa ko ay lumapat sa pulang carpet ng buong suit. Natigilan ako at may naalala. Pula rin carpet sa bahay ni Noah. May bahay siya.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa kama. Patalikod akong humiga at gumapang. Hindi ko mapigilan ang luha ko. Nasa isip ko ay puro mapapait. Pakiramdam ko ay napagkaisahan ako ng lahat. Pakiramdam ko ay nasaktan ko rin silang lahat. I lost Noah years ago, and I will surely lose him now.
Hindi matigil ang pag iyak ko doon. Tahimik at kahit TV ay hindi ko binuksan. Hinayaan ko ang sarili kong tumangis hanggang sa natulog ako katabi ang luha.
Nasilaw ako sa araw sa kalagitnaan ng tulog ko. Ayaw ko pang magising ngunit kahit na nakapikit ako ay alam kong umaga na. Kaya naman ay nang nawala ang silaw at medyo dumilim, kahit masarap pang matulog, dumilat ako sa pagtataka.
Pagkadilat ko ay nakita kong sarado na ang malalaking kurtina. Hindi ko iyon sinarado kagabi nang dumating ako. Diretso ako sa kama at nakatulog, a? Mahapdi ang mga mata ko nang idinilat at iginala ko ang paningin ko sa buong kwarto.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong suit at umupo ako sa kama. Laking gulat ko nang may nakita akong anino ng lalaki na naka dekwatro ang upo at naghuhubad ng sapatos!
"W-What are you doing here, Noah?" Instinct na sa akin ang takpan ang aking katawan kahit na naka gown parin naman ako.
Umigting ang kanyang panga. Kitang kita ko iyon habang nagtatanggal siya ng sintas sa kaliwang sapatos.
"You did not lock the doors." Mariin niyang sinabi.
Tiningnan ko ang pintuan ng nakalock na ng maayos ngayon. Kagabi ay tanging ang sarili ko at ang nararamdaman ko lang ang naisip ko.
"I-I mean, why are you here? Umalis ako para lumayo! I want space! I need it! I want to be alone, Noah." Sabi ko.
Bahagya siyang sumulyap at nagtagal ulit ng sintas sa kabilang sapatos bago ito hinubad. Anong ginagawa niya? Kinalas niya ang kanyang neck tie at nag hubad ng mga butones sa kanyang long sleeves.
"Noah-"
"I know, Megan." Mariin niyang sinabi ang aking pangalan kaya natigilan ako. "So just pretend that I'm not here. You have your needed space! I can give you more space if you want, okay?" Tumayo siya at may kinuha sa isang bag sa tabi ng kanyang inuupuan.
Isang pares ng sapatos na top sider at dalawang papel ang naroon.
"Your dad's gonna kill me for this." Sabi ni Noah at nilapag sa harap ko ang ticket na patungong Palawan.
Umiling ako at nag angat ng tingin kay Noah. Tumalikod siya at nag hubad ng sleeveless. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit niya ako binibigyan ng ticket na ganito? Marahas niyang kinuha ang isang itim na t shirt at sinuot niya iyon ng mabilis bago bumaling ulit sa akin at humakbang palapit.
Napaatras ako sa inuupuan kong kama. Hindi niya tinanggal ang titig sa akin habang kinukuha ang ticket.
"Ano 'yan, Noah? I want to be alone. Can you please just give me time to be alone?" Sabi ko habang may kinukuha siyang paper bag at nilagay sa aking kama.
Nilingon ko ito sa pagkakalito at nang nakita kong ilang damit ang nasa loob ay nanlaki ang mata ko. Ano ang ibig sabihin nito?
Lumapit siya sa akin ng husto na ikinagulat ko. Tinulak ko siya at hindi man lang siya natinag sa ginawa ko. Hinampas ko ang dibdib niya at napapikit lang siya, umiigting ang panga.
Gusto ko siyang sigawan! Minahal mo ba talaga ako? Ginawa mo ba akong rebound? Bakit hindi ko alam na naging sila ni Diva? Ano pa ba ang mga kasinungalingan niya sa akin?
"Leave me alone, Noah." Sabi ko at tinulak pa ulit siya.
Bumaling siya sa akin, pulang pula ang mga mata at mukhang galit na galit. "Change. Ihahatid kita sa Amanpulo, and then I won't disturb you from there. You need time alone, right? I will give you your time alone-"
"Kaya kong gawin iyan, Noah! Hindi ko kailangan ng tulong mo!"
Ngumisi siya ngunit pulang pula ang mata. Galit at iritado sa pagpupumiglas ko. "Oh? You think so? Or you want to just go home and face your parents. It's okay, Meg. Papunta na siguro ang mga tauhan ng daddy mo dito para kunin ka pabalik."
Umiling ako. "Aalis ako at babalik kung kailan ko gusto. Hindi ko kailangan ng tulong mo! At isa pa, hindi ako mahahanap ni daddy kung hindi mo ako sinumbong! Besides, how did you know that I'm here?" Iritado kong sinabi.
"You swiped your card for this hotel room, Maria Georgianne, I am not dumb! Kung gusto mong mapag isa nang hindi ka pinipilit ng mga magulang mong umuwi na ay hindi ka dapat nagpapahanap!"
Nalaglag ang panga ko at hindi ko makuha kung paano niya nga nalaman na narito ako. Sabihin na nating tama siya at ni swipe ko nga ang card ko sa hotel na ito pero saan siya nakakuha ng impormasyon tungkol sa card ko? Wala na akong panahon para mag tanong. Tumitig siya sa akin habang nilalagay ang sapatos sa bag at binasa ang ilang papel.
Nakatulala lang ako doon habang pinagtatagpi tagpi lahat ng mga sinabi ni Noah nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sumulyap siya sa akin bago iyon sinagot.
"Hello, tito." Ani Noah. "Yes... Resorts World. Yes, tito." Sumulyap siya sa akin gamit ang matatalim na mata bago iyon pinatay. Umigting ulit ang panga niya. "Pinapauwi ka na."
Umiling ako. Ayaw ko pang umuwi. Kailangan kong mag isip. Totoong kailangang hinaharap ang mga problema pero hindi ko pa kaya. At isa pa, heto ang problema sa harap ko. Bakit siya nandito ay hindi ko alam.
"Then change. Right now. Aalis tayo. You'll have your alone time, there, Meg. Kahit ilang araw, ikaw lang. Huwag kang mag alala." Nag iwas siya ng tingin sa akin.
Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano ni Noah. Iiwan niya ako sa Palawan? Ihahatid niya ako roon at iiwan niya ako? Pagkatapos ko siyang saktan at ipahiya sa lahat ng tao ay magagawa niya ito sa akin?
"I want to be alone, Noah." Sabi ko, isang beses pa.
"You will be. Don't worry." Aniya nang hindi ako tinitingnan.
Hindi ko alam kung paano ako napapayag ni Noah sa mangyayari. Naubos ang cash ko kagabi sa taxi. Ang tanging natitira ay hindi kasya sa gagastusin ko pa kung sakaling gusto ko munang magpakalayo saglit. May card ako pero mati-trace ako pag ginamit ko iyon.
"Thanks." Sabi ni Noah sa taxi driver at inabot ang kanyang pera.
Nasa NAIA kami at halos tumatakbo na ako para lang maabutan siya sa kanyang paglalakad. Mabilis at parang galit siya kung makapag martsa patungo sa airport. Hindi sa pangkaraniwang airlines kami sasakay.
Nilingon ako ni Noah nang nakalapit na kami sa maliit at mukhang private plane na sasakyan yata namin. Naglahad siya ng kamay nang nakaapak sa hagdanan papasok.
Nagkatinginan kaming dalawa. Binaba ko ang tingin ko sa kanyang kamay na nakalahad para alalayan ako sa pag akyat. Nang napagtanto niyang hindi ko iyon tatanggapin ay umatras siya at inilahad ang hagdanan.
Huminga ako ng malalim at nagmartsa paakyat doon. Wala siyang imik na sumunod sa akin, dala dala ang damit niya at damit ko na nasa iisang bag.
Umupo agad ako malapit sa bintana. Siya naman ay sa kabila. Alam niyang gusto kong mapag isa kaya hindi na ako nagtaka sa kanyang ginawa. Hinilig ko ang ulo ko sa bintana at nag hintay ng dalawa pang foreigner na sasakay yata sa maliit na plane na iyon.
Nang pina ayos na sa amin ang seatbelts ay sumunod na ako. Napagtanto kong apat lang kaming papunta sa islang iyon. I've never been in that island. Kay Noah na ideya ito. Pinatulan ko dahil wala na akong magagawa. I want to be alone. Hindi ko iyon magagawa kung mati-trace din naman pala ang card ko.
Habang nasa himpapawid ay iniisip ko kung iiwan niya ba ako sa isla? Iniisip ko kung ihahatid niya lang ba ako at babalikan kung kailan ko gustong magpasundo. O babalikan niya pa kaya ako? Ako na lang ang babalik at makikita ko siyang iba na sa Manila?
Litung-lito ako sa mga iniisip ko. I want him but then it is not enough. I need assurance. i need to be his heart. I want to be his heart. I want to be the only want. Pero pilit na bumabaon ang mga salita ni Diva sa akin. Rebound ako. Nong umalis ako ay na inlove siya kay Coreen. Nong umalis ako ay nahulog siya sa kanya kaya lubusan niya akong pinagtabuyan nang nakabalik ako. He wanted me but then he wanted Coreen too. Kung wala ba si Rozen ay pipiliin ba ako ni Noah?
Hindi naman kalayuan sa Manila ang Amanpulo kaya hindi tumagal ang byahe. Nilingon ko si Noah sa kalagitnaan ng byahe at nakahalukipkip siya sa kanyang upuan, may aviators sa mata, at tulog. Ngunit nang nag landing ang eroplano ay nauna siyang lumabas roon.
May kausap siyang mukhang empleyado ng hotel na may kasama namang mukhang taga roon. Pababa ako ng hagdanan ay naamoy ko kaagad ang tubig dagat sa hangin.
Puti ang buhangin ng isla. Kitang kita ito sa gilid ng runway. Mula roon sa kinatatayuan ko ay kitang kita ko rin ang dagat. It's relaxing.
Nalingunan ko si Noah na nakatingin sa akin sa baba. Huminga ako ng malalim at umayos tsaka tumuloy sa pagbaba sa hagdanan. Nang tumabi na ako sa kanya ay napatingin na rin ang empleyado ng resort sa akin.
"Kasama niyo ho ba ang dalawang iyon?" Tanong ng empleyado, nginunguso ang foreigner na magkasintahan na pababa sa plane.
Umiling si Noah. Nagtaas ng kilay ang empleyado at tumango.
"Kung ganon ay dalawang villa talaga ang gusto ninyo? May I confirm it, sir?" Tanong ng empleyado.
"Yes, please." Sabi ni Noah at nagpatuloy sa paglalakad.
Kumunot ang noo ko at tinanaw siyang naglakad kasama ang empleyado at iyong taga roon. Hindi ko alam kung alin ang una kong iisipin. Magpapaiwan siya dito? Ang akala ko ba ay iiwan niya ako ng mag isa? Ang akala ko ay hinatid niya lang ako? Gusto kong magtanong ngunit hindi ko magawa.
Naglakad kami paalis ng airport. Nag uusap si Noah at ang empleyado. Sa malayo ay tanaw ko ang dagat. Ang dinadaanan namin ay purong buhangin na napapalibutan ng halaman.
"Madalas pong pumupunta dito ay nag ho-honeymoon. Madalang kaming nakakatanggap ng guests na..." Nilingon kaming dalawa ng empleyado. "Magkasama pero dalawang casita ang pinili."
Nilingon ko si Noah at hindi siya nagsalita. Nang natanaw ang kabuuan ng tabing dagat ay namangha ako sa lawak ng puting buhangin at sa pagiging kulay asul at linaw ng dagat.
Tumunog ang payong na dala ng taga roon nang binuka niya ito. Nilingon ito ni Noah at sumulyap siya sa akin. May binulong siya sa lalaki. Tumango ang lalaki at napatingin sa akin tsaka niya iyon inilahad.
"Ma'am, baka ho naiinitan kayo." Aniya.
Tumango ako. "Salamat." At tinanggap ang payong.
Nag iwas ng tingin si Noah sa akin nang bumaling ako sa kanya at nagpatuloy sa pakikipag usap sa empleyado. Hindi ko mabasa ang mata niya dahil sa aviators na suot.
Nilingon niya ang dagat habang naglalakad. Napalingon rin ako doon at nakita ko ang iilang speed boat na nakahilera.
"Ito po ang pina reserve ninyong casita. Malaki po iyan." Sabi ng empleyado at tumigil sa tabi ng isang golf cart. Sa tapat nito ay isang maliit na bahay na gawa sa hard wood.
Sa labas pa lang ay alam kong kasya kahit lima kami doon sa loob. Maliit siya ngunit tama lang para sa maramihan. Inisip kong sinadya ni Noah na kumuha ng dalawa para kung sakaling umalis siya ay hindi ko mamamalayan.
"Magkano 'to, sir?" Tanong ko habang umaakyat sa maliit na hagdanan ng bahay.
"Bayad na po iyan." Ngiti ng empleyado.
Nilingon ko si Noah na nag iwas ng tingin. "She likes this. Sa kabila ba nito iyong akin?"
Kinagat ko ang labi ko at nag isip sa gastos na maaaring inaksaya ni Noah para dito. Babayaran ko siya pagkadating ng Manila. Kung sana ay may cold cash ako ay nabayaran ko na ito. Damn, Megan!
"Dito po naman ang sa inyo." Sabi ng empleyado at inilahad ang kamay sa daanan patungo sa isa pang villa.
Umamba si Noah na papasok sa aking villa dala-dala ang bag ngunit nang nagtama ang paningin namin ay tinawag niya ang lalaking taga roon.
"Paki lagay ito sa kanyang kama." Utos niya at mabilis namang kinuha ng lalaki ang bag ko.
Tumayo pa siya roon habang pumapasok ang lalaki. Naglakad ako patungong pintuan ng casita at nakita ko ang kabuuan. Malaki ang kama at may mga rose petals pa. Pagkaipit ng ilang rosepetals dahil sa paglapag ng bag ay agad ring umalis ang lalaki at bumaba doon sa casita.
"Salamat." Sabi ko at tsaka pa lang umalis si Noah kasama siya.
Kumunot ang noo ko habang tinitingnan siyang palayo sa akin. Umihip ang hangin at tinabi ko ang payong sa may hagdanan. Gusto kong tingnan kung nasaan ang kanyang villa ngunit alam kong mali iyon. I came here for myself. Malay ko ba kung umalis rin iyon maya-maya. May mga gig iyon at marami siyang naiwan sa Manila. Hindi iyon magtatagal dito.
Huminga ako ng malalim at pumasok sa casita. Sinarado ko ang pintuan at natulala sa kama.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro