Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 50

Kabanata 50

I Wanna Be Your Everything

Doble kayod sa trabaho ang ginawa namin sa sumunod na linggo. Araw araw paring dumarating ang pagkain galing kay Noah. Ganon din kay Ysmael. Busy nga lang siya dahil sa iba't-iba niyang mga meeting at kung anu-ano pa.

"Kaya kaya natin ito?" Tanong ni Ma'am Alexis, ilang kape na rin ang nalalaklak namin at gabi gabi kaming dis oras nang umuuwi para sa presentation namin sa isang Pharmaceutical company na sa Lunes na ipapakita.

"Kaya 'yan, Ma'am!" Naghilamos ng kamay si Ma'am Alice. Pare pareho kaming puyat sa team. Nilingon niya ako. "Oh, Meg. Umuwi ka na. Hindi ba ay bukas ng umaga ang alis mo para sa seminar?" Puna ni Ma'am Alice sa akin.

"Oo nga, e." Sabay stretch ko sa aking braso.

Mabuti na lang at pumayag naman si Everlyse at Carlos na ihatid ako sa Batangas. Di biro ang byahe, a. Akala ko nga ay hahayaan nila akong mag commute. Siguro may ibang plano ang dalawa kaya ko sila napapayag? Hindi ko alam. Hindi na ako nagtanong, ang importante ay pumayag sila. Ayaw ko rin kasing magdrive ng ganon ka haba ng mag isa. Iniisip ko pa lang ay inaantok na ako. Kaya mag co-commute na lang siguro ako pabalik.

Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pagdadrive ko pauwi ng bahay. May nag text yata at paniguradong si Noah ito. Kanina pa siya nangungulit sa akin na umuwi na ako. Gabi gabi siyang ganyan kaya napapaisip ako kung may gig ba sila tuwing gabi.

Noah:

You home yet?

Napansin ko ang isa pang text ni mommy sa akin. Nakarating na sila galing sa kanilang vacation. Nong Lunes ay trabaho kaagad ang inatupag ng dalawa. Hinahanap na rin ako ni mommy. Nagkibit balikat ako at nireplyan si Noah at mommy.

Ako: (to Noah)

Pauwi na.

Ako: (to mommy)

Lapit na po.

"Mag ingat ka doon, a. Text ka sa amin. HIndi mo naman kailangan ng seminar na iyan kahit international pa iyan, Meg. You have greater credentials." Sabi ni mommy habang hinihila ko na ang aking maleta kinabukasan.

Umiling ako. "Believe me, mom, I need it. Kailangan ko pa ng experience at dagdag sa credentials. There's always a room for improvement." Sabi ko sabay halik sa kanya.

"Well then... Sa Sunday ba ang uwi mo?" Tanong niya.

Tumango ako at humalik na rin kay daddy para magpaalam. "Sabihin mo kay Carlos na mag ingat sa pag dadrive." Bilin ni daddy, nagtataas ng kilay.

"Sure, dad." Sagot ko naman at hinila na muli ang stroller palabas ng bahay.

Ang sabi ni Everlyse ay nasa gate na sila ng village kaya naghanda na rin ako malapit sa gate. Nang namataan ko sila sa aming gate ay hindi na ako nagulat sa suot nila parehong aviators at sa mga hinanda nilang pagkain sa loob. They're ready for that long drive.

Tinulungan ako ni Carlos na ikarga ang aking stroller sa kanyang sasakyan at pagkatapos ng ilang bilin ni mommy sa dalawa ay tumulak na kami. Masayahin ang mag irog sa byahe. Kumakanta ng mga awitin galing sa stereo na akala ko'y magiging dahilan ng pagkakadilat ko buong byahe. Nagkamali parin ako, sa puyat ko kagabi ay nagawa ko pang umidlip. Gising lamang tuwing nagugutom o di kaya ay ginigising ni Everlyse para sa kung anu-ano niyang naiisip.

"Mamamasyal din kami sa Batangas kaya pumayag na rin kaming ihatid ka." Paliwanag ni Everlyse sa akin.

Late ako sa registration at halos lunch na nang nakarating ako sa resort kung saan ginanap ang seminar. Iniwan ko lang ang bagahe ko sa suite na sagot ng kompanya para sa akin at ang tanging dala ko sa hall ay ang aking laptop at iilang soft copies ng mga na discuss kanina.

Inabot pa kami ng gabi sa mga discussion kaya sumakit ang katawan ko. Ilang araw na rin naman akong puyat kaya hindi na rin ako nagulat.

Nang natapos ang gabi sa seminar ay dumiretso na ako sa suite. Wala ako masyadong nakahalubilong mga delegates ng ibang kompanya. Ang tanging nakausap ko lang doon ay iyong speaker at organizer na nagtanong kung bakit isa lang ang nisend ng kompanya ng Aboitiz para sa seminar na ito. Ipinaliwanag ko naman na bukod sa eksperyensyado na ang mga kasamahan ko ay abala rin kami sa isang proyekto.

"Mom, I'm okay here." I rolled my eyes. Ilang beses kasi niya akong tinawagan simula nang nag alas otso.

"Hindi ka nag text nong nakarating ka na riyan a? Nag aalala ang dad mo." Paliwanag niya.

"I'm sorry. Naging abala po ako kasi late po akong nakarating. Abala rin po ako tonight. May gagawin akong design atsaka bukas ko ipagpapatuloy. Sa Sunday iyong presentation at pagbibigay ng certificates."

Kahit na sa totoo lang ay kaharap ko ngayon ang Facebook. Nagpasya kasi akong bukas ko na lang gawin lahat ng trabaho dahil ilang gabi na akong puyat at sumasakit na naman ang ulo ko.

"O sige. I will not disturb you anymore. Update me tomorrow. Okay?" Ani mommy.

"Okay, my." Sabi ko at binaba na ang cellphone.

Nagulat ako nang may nag pop out sa chat. Si Ysmael iyon. Binuksan ko kaagad ang kanyang mensahe.

Ysmael:

Hi! How's the seminar? Kumain ka na ba?

Mabilis akong tumipa.

Ako:

Yup. It's fine. Thanks for this. :)

Ngumuso ako at nagbrowse habang naghihintay ng kanyang reply.

Ysmael:

I'll check on you tomorrow.

Nagulat ako. Hindi ko alam na may oras pa pala siya para pumuntang Batangas at tingnan kung kumusta na ako. Well, tomorrow is Saturday. Siguro ay wala na siyang gagawin? At isa pa, lugar rin ito para mag unwind. Kung sa syudad o hotel siguro ginanap ang seminar na ito ay mas lalong nakaka stress. Mabuti na lang at sa isang beach resort naman ito ginanap. Ang alam ko ay ang may ari ng resort na ito ay palaging host sa ganitong event.

Ako:

Naku! I'm fine here. Don't worry about me.

Mabilis nag reply si Ysmael.

Ysmael:

No. Pupunta ako. I want to see if you're okay.

Hindi ako makapagreply sa kanyang sinagot. It feels weird. Totoong nagkasundo kami ng sarili ko na maghanap na ng iba imbes na si Noah pero... ano nga ba talaga ang magagawa ko kung hindi ko magawang umusad. I've tried my best to move on. I just couldn't.

Huminga ako ng malalim at sinarado ang aking laptop. Humiga ako sa kama at pinatay ang lights bago ko kinapa ang cellphone ko sa mesang katabi. I knew it! Noah texted again.

Noah:

Kumusta ang Batangas, miss?

Bukod sa text niya ay may nakita rin akong pangungumusta ni Wella roon.

Wella:

Successful 'yong mga tour ng Zeus. Sayang at wala tayo no? They're all over the news.

Pareho ko silang nireplyan. Bago ko nisend ang reply ko para kay Noah ay binuksan ko ang browser sa aking cellphone para tingnan ang ilang pictures sa kanilang tour.

Ako:

Ayos lang. :)

Nakita ko roon ang dami ng tao na naroon sa kanilang tour. Higit na dalawampung pictures na siguro ang nakita ko nang may isa akong nilagpasan at binalikan muli. Sa picture na iyon ay si Joey at Warren na parehong nakataas ang kamay para sa mga tao at si Noah na abala sa pag s-strum ng gitara habang nasa gilid si Diva na nakangiti, nakahawak ng microphone at tissue sa kabilang kamay na parang pinupunasan ang pawis na leeg ni Noah.

"Ang hilig mamunas ng babaeng ito. Bakit hindi si Stan ang pinagdidiskitahan niya?" Bulong bulong ko habang zino-zoom ang picture ng dalawa.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang may mensahe si Noah.

Noah:

You alone in your room? Suite ba o dorm type?

Kumunot ang noo ko sa kanyang mga tanong.

Ako:

Ba't ka nagtatanong? Anyway, hindi ka ba napupuyat sa gig niyo?

Noah:

I just want to know. What if Ysmael is with you? Napapagod ako pero ayos pa naman.

Ako:

Ysmael is NOT with me. Hindi ka napapagod syempre. Paano ka mapapagod, someone's taking care of you.

Hindi siya agad nakapag reply. Inayos ko ang kumot ko at halos takpan ko ang mukha ko. Ang bitter naman nong naging reply ko. Ano kayang ginagawa nito ngayon? Hindi kaya nagpaparty sila? Sabad na bukas, a? Hindi kaya uuwi na sila bukas kaya nag ce-celebrate sila ngayon?

Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko sa tawag. Abot abot ang pintig ng puso ko nang nakitang si Noah ang nasa kabilang linya. Dammit!

"Hello." Bati ko.

"Hi, Miss!" Kahit napapaos ang kanyang boses ay dinig ko ang ingay sa kanyang background. Dinig ko ang mga ingles na mura ni Stan habang tinatawanan niya si Warren.

"Napatawag ka?" Tanong ko.

"I'm bothered by your last text." His voice was husky. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. "I hope you're talking about our manager?" Panunuya ang narinig ko sa kanyang boses.

"Maybe?" Nagtaas ako ng kilay.

"Si Megan ba iyan?" Narinig ko ang ingay na ginagawa ni Stan sa kabilang linya. "Nambababae si Noah dito, Meg. Basted mo na 'yan!"

Kinagat ko ang labi ko habang nagmumura si Noah kay Stan. Kahit kailan talaga ang Stan na iyan! Alam na alam kung saan 'yong pipindutin! "Inaantok na ako, Noah." Sabi ko.

"Wha-Wait!" Narinig ko ang padabog na pagsarado ng pintuan at naging tahimik na ang kanyang paligid.

"Inaantok na ako. Ano bang itinawag mo?"

"Miss, you're too uptight. Are you jealous?" Dinig ko ang ngiti sa boses niya.

"I am not." Natural kong sinabi. "Bat ako magseselos? Tss."

Hindi siya agad sumagot. Ilang sandali pa kaming nag hingahan sa magkabilang linya bago niya binasag ang katahimikan. "Alright. Are you sleepy? Maaga ka pa bukas?"

"Yup." Sagot ko habang niyayakap ang unan.

"Hmmm. Okay, miss. I'll sing until you're asleep. You okay with that?"

Kinagat ko ang labi ko. Of course, Noah! Damn it! "Uhmm..."

Humalakhak siya. "Ang arte... Pinag iisipan pa."

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Natawa na rin siya at nagsimula ng kumanta sa malumanay at malamig na boses.

"The first time I looked in your eyes I knew

That I would do anything for you...

The first time you touched my face I felt

Like I've never felt with anyone else..."

Tumigil siya at humalakhak saglit. "Are you still my number one fan?"

Hindi ko alam kung bakit nangilid ang luha ko sa sinabi niya. Parang naaalala ko iyong mga bata pa lang kami na para bang kahapon lang iyon nangyari. I supported him all the way. I loved him so much. At hindi ako makapaniwalang kahit anong gawin ko ngayon ay mahal ko parin siya.

"I hope you still are." Nakarinig ako ng kalungkutan sa boses niya ngunit saglit lang iyon. "Kahit nasaktan kita. Kahit nagkasakitan tayong dalawa."

"I wana give back what you've givin' to me

And I wanna witness all of your dreams

Now that you've shown me who I really am

I wanna be more then just your man"

Tahimik kong pinunasan ang aking mga luha. I will always be your number one fan, Noah Elizalde. Always.

"I wanna be the wind that fills your sails

And be the hand that lifts your veil

And be the moon that moves your tide

The sun coming up in your eyes

Be the wheels that never rust

And be the spark that lights you up

All that you've been dreaming of and more

So much more, I wanna be your everything..."

Mahimbing ang naging tulog ko at kinaumagahan ay pakiramdam ko matingkad ang sikat ng araw. Napailing na lang ako sa disposisyon ko. God, is this even right? Hindi ko na alam.

Naging abala na lang ako sa pag gawa nung proyekto para bukas. Nasa hall kaming lahat at nakihalubilo na ako sa ibang delegates at nagulat akong marami nga dito ang nasa malalaking kompanya. Iyong iba ay galing pang ibang bansa.

Kwentuhan sa iilang nakilala ko, kainan, at trabaho ang inatupag ko. Gabi na nang umalis kami sa hall. Inayos ko ang lahat ng ipepresent ko bukas. Ayaw kong ipahiya ang Aboitiz Company kaya gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Isa pa, ayaw ko mag cramming. Mas gusto kong laging handa.

Pagkalabas ng hall ay ikinagulat ko ang pagkakakita ko kay Ysmael na naka pamulsa at para bang may hinihintay sa gilid ng pintuan.

"Ysmael!" Bati ko, dala dala ang laptop.

"Dinner?" Ngiti niya at inakbayan agad ako palabas ng hall.

"Sure! Uy! Saan ka galing?" Tanong ko, bahagya siyang tinampal.

Alam kong sinabi niya kagabi na bibisitahin niya ako pero hindi ko naman alam na kahit disoras ay mapapadpad siya rito.

"Galing pa akong Manila." Aniya habang kinukuha ang bag kung nasaan ang laptop ko.

"Wag na. Ako na! Galing ka pa palang Manila. You're tired." Sabi ko, umiiling.

"Ako na." Nagtaas siya ng kilay sa akin at kinuha niya ang aking laptop.

Umirap ako. "Ba't ka pa pumunta? I mean..." Ngumiwi siya kaya tumawa ako. "Maayos naman ako dito. I'm sure you're busy! Pumunta ka pa dito para lang tingnan kung maayos ako? Nag abala ka pa!"

Ngumiti siya at sinundan ko siya na palabas doon sa hotel hanggang sa naglalakad na kami sa buhangin at sa bandang kanan ay ang dagat na.

"Ayaw mo bang nandito ako?" Nagtaas siya ng kilay.

"Of course, gusto. Pero syempre, diba? Pagod ka." Paliwanag ko.

"Well, I kind of missed you." Nilingon niya ako at halos nabilaukan ako sa mga salitang gustong kumawala pero di ko masabi. "Nasanay ako na parte ka ng araw ko."

Marahan akong tumango at hindi na nakipagtalo. Kahit na tinititigan niya ako ay hindi ko siya tiningnan.

"By the way, shall we eat here? Pagod na kasi ako sa formal dining. I want fresh air too." Aniya sabay turo sa isang kainang may mga barbecue at kung anu-ano pa.

"Of course!" Sabi ko at tiningnan ang mga puting plastic chairs.

Ang lugar ay pinapalibutan ng puting lights at ang bawat bilugang mesa ay may kani kanyang payong sa itaas. Tinanong kami ng ale kung ano ang kakainin namin kaya tinuro ko iyong manok na nakatuhog. Ganon rin ang tinuro ni Ysmael at ilan pang side dishes.

"Sana pala ay inakyat ko muna itong laptop ko sa taas bago tayo kumain." Nakita kong nilapag niya iyon sa kabilang upuan.

"Ayos lang. Iaakyat natin ito mamaya." Ngiti ni Ysmael at sabay na kaming umupo sa mga plastic chairs.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #elizalde