Kabanata 5
Kabanata 5
Pikon
Kahit sa gaspang ng ugali ni Noah ay nagpatuloy ako sa pag iidolo sa kanilang banda. Mas naging aktibo ako sa club. And as usual, he was harsh on me. Hinayaan ko na iyon. I figured he was like that to everyone. Nalaman ko rin na hindi na naman siya nagbabasa ng kahit kaninong fan mails. Is it that hard? Maybe? I shouldn't judge him. Hahayaan ko na lang siya at di na ako manghihimasok.
At syempre, lagi parin akong present sa kanilang practice. Hindi na nga lang ako nakekealam kay Noah. Madalas ko rin silang naririnig na nag uusap ng tungkol sa mga babae. I heard he's crushing on someone from the juniors.
Nang tumungtong kaming grade 9 ay napansin ko na ang mga pagbabago sa kanyang katawan. He's taller now and he's developed muscles. Napansin ko talaga 'yan kasi ang alam ko ay nag wo-work out si Stan at madalas silang mag usap ng tungkol don. One time I caught him flexing his biceps, halos mahulog ako sa kinauupuan ko.
"Sasakit na naman ang wrist ko sa laro ngayon." Sabi ko kay Everlyse nang sabay sabay kami ng mga kaklase ko papasok sa locker room.
"Ako rin. But, damn, I love sports. Buti na nga lang at volleyball ngayon. Ayaw ko sa basketball. Sa Grade 10 pa 'yong swimming diba? Sana mag grade 10 na tayo." Ani Everlyse.
"Lyse! 'Yong sapatos ko." Dinig kong sigaw ni Stan sa labas.
Nilingon ko ang mga boys na nasa labas lang ng locker room namin. Abala ang mga girls sa paghahaloghug sa kani kanilang mga lockers sa Type D uniform at mga sapatos.
"Sabi ko naman kasi sa'yo sa locker mo na ilagay. Ba't sa akin pa? Stupid." Ani Everlyse habang hinahanap ang kanyang susi.
Nakita kong nakapamulsa si Noah at nakatingin din sa banda namin. Gwapo mo, Noah! Kinagat ko ang labi ko at binuksan na ang locker ko.
"Nasagutan mo kanina 'yong Chem? Hirap no?" Tanong nong nasa tabi ko.
Sasagutin ko na sana siya ngunit napatalon ako sa gulat nang may biglang nag landslide na mga papel sa aking locker. Napamura pa ako nang nahulog 'yong mga papel. Kabado din dahil may nilagay akong apat na maliliit na box sa aking locker. Kahapon kasi ay nag bake kami ng mga cake ni Everlyse dahil hindi raw siya marunong. Naka apat na cake na ako, sunog parin 'yong sa kanya. Hindi naman namin maubos kaya naisipan kong itabi at ibigay sa mga taga Zeus. I know Stan won't appreciate it but at least Warren, Joey, and well hopefully Noah will appreciate.
Tumikhim ako sa kaba at lumuhod para pulutin ang mga envelope na nahulog. Buti na lang at hindi nahulog 'yong mga box ng cake. They are all intact.
"Akala ko 'yong mga cake ang nahulog! Diyos ko! Good thing nilagay mo dito sa locker ko 'yong sapatos mo." Ani Everlyse at tinulungan na akong magpulot ng mga sulat.
"Ikaw na." Sabay tawa nong nasa tabi ko.
"Grabe, Megan. Ikaw na talaga ang palaging may love letters, araw- araw." Sabi ni Wella, 'yong co member ko sa club.
Umiling ako at inayos ang mga sulat. Binuksan ni Everlyse 'yong locker niya at kinuha ang sapatos ko at 'yong sapatos na rin ni Stan.
"Shoo!" Ani Everlyse para umalis na sila.
Sumulyap ako sa kanila at nakita kong nakatingin si Noah sa akin. Agad siyang naglakad palayo nang naabutan ko siya.
"'Yong iba sa love letters dito kay Everlyse, e. Naliligaw yata sa locker ko." Tawa ko nang may nakitang isang love letter na para kay Everlyse.
"Weh? Patingin?" Nag tipon tipon sila para maki usyuso sa mga natanggap ko nang bigla ko ulit naalala 'yong mga cake.
"Lyse! Teka lang. Ibibigay ko lang 'yong cake sa Zeus!" Sabi ko at mabilis kong nilapag ulit ang mga loveletters sa loob ng locker ko para kunin ang apat na maliliit na box doon.
"Oh, dahan dahan baka matapon!" Sabi ni Everlyse dahil sa pagmamadali ko.
Lumabas agad ako ng girl's locker room para maabutan 'yong sina Stan. Nakita kong naunang umalis si Noah at may kausap pang isang kaklase. Hindi siya pumasok sa locker room at hinayaan ko na lang siya. Tinakbo ko ang distansya galing sa kinatatayuan ko patungong locker room nila.
"Stan!" Sigaw ko, hinihingal. "Nag bake kasi kami ni Lyse kahapon ng mga cake. Ibibigay namin sa inyong apat. Ibibigay ko na 'to nang makain niyo o mailagay niya sa locker niyo."
"Wow!" Ngiti ni Warren at agad lumapit sa akin para kunin 'yong isang box. "Thank you. How sweet naman."
Ngumiti ako. "Sana magustuhan niyo 'yan. Pag nagustuhan niyo 'yan, ipagbibake ko ulit kayo."
Ibinigay ko kay Joey 'yong kanya na agad niyang nilantakan. 'Yong iba naman naming kaklaseng mga lalaki ay nagpaparinig sa akin na naiinggit sila. Kinuha ni Stan 'yong kanya at sinabi sa aking mamaya ko na lang ibigay 'yong kay Noah. Sumang ayon naman ako dahil wala pa siya doon.
Bumalik ako sa locker room ng mga girls upang makapag bihis na. Nagmadali pa ako dahil iniwan na kami ng mga kaklase namin. Baka mag alburoto pa 'yong teacher namin sa P.E. dahil late kami lahat.
"Lyse, ibibigay ko pa 'tong cake kay Noah. Mauna ka na lang." Sabi ko.
"O sige, sige. Bilisan mo't baka mapagalitan ka." Ani Everlyse at tumakbo na patungong ramp sa pagmamadali.
Mabilis ang lakad ko at naabutan ko pang paalis sina Stan at Warren. Nagtaas ng kilay si Stan at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tiningnan niya rin ang dala kong box.
"Nandon pa si Noah sa loob at ilang kaklase. Ibigay mo na 'yan, bilis." Aniya.
Tumango ako at dumiretso na sa locker room.
Naabutan ko siyang nagtatali ng sintas ng sapatos. Sumulyap muna siya sa akin bago sinimulan ang kabilang sapatos.
"Noah, ibibigay ko sana 'tong cake sa'yo." Sabi ko sabay lahad ng box sa kanyang harapan. "Binake ko 'yan kahapon."
Sinulyapan niya ang box na inilahad ko at ikinagulat ko ang pag muwestra niya sa upuan.
"Ilagay mo lang diyan. Salamat." Mariin ang sinabi niya kaya hindi na ako nag atubili. Di na ako humingi ng dugtong.
Tumango na ako agad at nilapag ang cake sa upuang nasa tabi niya at tumalikod para umalis.
Pagkalabas ko ay halos tumalon ako sa tuwa. Patalon talon akong tumakbo pababa ng school grounds sa saya. Nilapitan ko kaagad si Everlyse na agad nangumusta sa pagbibigay ko ng cake kay Noah. Maging siya ay nagulat na tinanggap ito ni Noah.
"Ang sikip nitong type D ko." Anang isang kaklase namin habang inaayos niya ang kanyang shorts.
Ang kulay dark blue at white naming type D o volleyball jersey ay medyo hindi gusto ng mga conserbatibong estudyante.
"Talagang cycling type 'yong shorts kasi volleyball. Don't expect na tulad ng jersey ng boys 'yong satin." Ani Everlyse.
Tiningnan ko 'yong akin at sumang ayon. Ganito naman talaga dapat 'yong jersey na pang volleyball. Kulay royal blue ang shorts namin samantalang halong puti at royal blue naman ang pang itaas.
"First game." Sabi ng aming teacher na agad binanggit kung sino ang unang maglalaro para sa mga babae.
Kasali ako doon at si Everlyse. Batid kong alphabetical order at magkatabi ang pangalan namin kaya di lang kami sabay, teammates din. Hindi naman ako into sports pero masaya ang mag laro kaya madalas ay pinag hihirapan ko lahat.
Pumwesto na ako sa sinabi ng teacher namin. Naghihintay na lang kami ng pito para mag simula na sa service ang kabilang grupo. Namataan ko si Noah kasama 'yong isang kaklase namin, patungo pa lang sa bleachers kung nasaan ang ibang kaklase din.
"Go Marfori!" Sigaw ni Stan para sa aming dalaw ng kanyang kapatid.
Kinabahan tuloy ako. Yumuko ako para mas maramdaman ang pag coconcentrate sa paghihintay sa bola.
"Megan, sexy!" Sigaw ng isang kaklase kong lalaki.
Ngumiti ako. "Mga baliw." Bulong ko.
"Meg, feeling ko may isa tayong kaklase o dalawa na naglalagay din ng love letter sa locker mo." Ani Wella.
"Wala namang naglalagay ng pangalan, e. Gusto ko sanang mag sulat din para masagot 'yong mga sulat pero saan ko naman ibibigay." Halakhak ko.
Pumito ang aming teacher kaya agad nagsimula ang laro. Sa akin ang unang score. Hindi ako magaling pero sinwerte yata ako ngayon.
Naghiyawan ang mga kaklase kong lalaki at nakita ko pang may apat na tumayo, sumama pa si Warren habang kinakanta ang pangalan ko.
"Tumigil nga kayo, kinakabahan tuloy ako!" Sigaw ko sa kanila dahil patuloy ang ginagawa nila.
"Boys, you are distracting the players." Saway ng teacher namin na biniro pa nila sa pagiging kill joy daw nito.
Pinasadahan ko ng tingin ang bleachers at agad kong nakita si Noah na mayabang ang upo doon at nanonood sa banda namin. I'd like to think that he is looking at me. Pero masamang mag assume, ngumiti na lang ako sa sarili ko at nag concentrate sa papalapit na bola.
Mahigpit ang laban. Magaling din kasi ang nasa kabila. Kahit puro amateur naman kami.
"Yuko pa, Meg!" Sigaw ni Warren at pumalakpak.
Umayos ako sa pagtayo at nilingon si Everlyse na nasa likod ko na ngayon.
"Yeah, cous. I can see your butt from here. That's what they are all looking at..." Sabay iling ni Everlyse.
"Tsss. Boys... Mga manyak talaga." Sabi ko at tinigil 'yong stance na 'yon kaya panay sila sa pag sigaw na yumuko ako.
"Megan! Megan! Megan!" Sabay sabay nilang sigaw at nag aakbay pa. Dumami pa yata sila.
Nilingon ko ulit si Noah nong nag serve ako. Nakita kong nakaupo lang siya doon katabi ni Stan. Yabang! Ngumiti ako at pinalo ang bola ng isang beses bago pinasaere at ni serve.
Pumwesto ulit ako at yumuko na agad namang pinalakpakan ng mga lalaki kong kaklase. God! Crazy boys, indeed!
Pagkatapos ng laro ay tinawag ang kalahati pang team ng mga babae. Hiningal ako habang umiinom ng tubig. Pinagmamasdan ko ang mga kaklase naming nag lalaro ngayon at naglakad ako patungo sa bleachers kung nasaan na 'yong ka team ko at si Everlyse.
Papalapit ako kay Everlyse na katabi si Stan at Noah ay nahagip ko ang tingin ni Noah na nakatingin sa suot ko. Nang inangat niya ang tingin niya sa aking mukha ay nag iwas siya ng tingin at bahagya pang umirap.
"Kayo next." Sabi ko nang nakalapit na ng husto.
"Yup..." Ani Stan. "Hate volleyball. Pwede bang basketball naman?"
"Why don't you all change. You are all sweating." Ani Noah.
Inamoy ni Everlyse ang kanyang sarili at tumingin kay Noah ng nakaismid. "Di naman kami mabaho."
"Oo nga." Sabi ko at inamoy na rin ang sarili ko.
"Hindi ko sinabing mabaho kayo. Sinabi kong pawis kayo kaya magbihis na." Ani Noah nang di parin tumitingin sa amin.
Suplado nito. Ang arte pa! Ngumiti ako at umupo sa gitna ni Stan at Megan.
"Sige, Meg. Samahan kita sa locker." Pabirong sinabi ni Warren at umambang susuntukin ni Joey sa tiyan. "Biro lang, dude." Tawa ni Warren.
Tumingin si Joey kay Noah na agad tumayo.
Tiningala ko si Noah sa kanyang pag tayo. Nagulat ako nang nilingon niya ako.
"I told you to change..."
Halos malaglag ang panga ko. Nilingon kong pareho si Everlyse at Stan na nagkibit balikat lang.
"Are you talking to us, Noah? Or to Megan only?" Nagtaas ng kilay si Everlyse.
"Chill..." Ani Joey at agad pumagitna. "Ang mabuti pa... magbihis na kayo, Lyse. Baka sakaling sumama rin 'yong mga kaklase nating tapos na. Mag type C kayo, 'yong jogging pants."
Humikab si Warren at umupo sa bleachers. Winagayway niya ang kanyang susi at ipinakita kay Everlyse. "Why don't you also get my cake. 'Yong binake ni Megan para sa akin kasi nakakagutom mag hintay matapos ang larong 'to, e."
Nagkatinginan kami ni Noah at nakita ko ang panlalamig ng kanyang ekspresyon sa akin. Hindi siya umimik pero naramdaman ko ang nag alab niyang galit sa akin. Agad siyang bumaba sa bleachers at nag martsa patungong building.
Nilingon ko sina Everlyse at Stan na parehong nagtataka sa nangyari. I think something's wrong.
"Susundan ko lang." Sabi ko.
"Georgianne, stop..." Narinig kong banta ni Stan.
Hindi na ako napigilan. Nagmadali ako sa pag baba sa bleachers at patakbo kong sinundan si Noah. Nakita kong pumasok siya sa building kaya sinundan ko siya patungo doon. Umakyat din siya sa ramp. Pupunta siyang locker?
"Noah..." Untag ko habang tinatakbo ang ramp.
Alam niyang sinusundan ko siya pero di niya ako nililingon. Patuloy ang tawag ko sa kanya.
"Noah!" Sigaw ko nang nakitang pumasok siya sa locker.
Walang pag aalinlangan akong pumasok kahit na sa gilid ng aking mga mata ay nakakita pa ako ng nakatapis sa lalaki.
"Noah!" Sigaw ko habang binubuksan niya ang kanyang locker at nilagay niya sa upuan 'yong box na pinaglagyan ko ng cake. "What's wrong with my cake?"
"Why don't you fool someone else, Meg?" Mariin niyang sinabi.
"Ha? What do you mean? Anong pinag puputok ng butchi mo? It started with... well, you want me to change. And now my cake? I'm lost, Noah." Sabi ko.
I actually have an idea pero imposible. Very impossible.
"You tell me what's up." Mariin kong sinabi.
"You're stupid!" Malamig niyang sinabi.
Nalaglag ang panga ko at nairita sa kanyang kumento sa akin.
"You like wearing that, don't you? You like being stared at? Wearing that." Sabay turo niya sa suot ko.
"What? This is our uniform. Di mo ba alam? Di mo ba nakita? Who's stupid now?" Iritado kong sinabi.
"Alam mong maraming nagkakagusto sa'yo. You encourage them by wearing those kind of clothes."
Natigilan ako. 'Yong galit ko kanina ay nawala ng parang bula. Go ahead, Noah. Tell me more. Naghihintay ako.
"You like their cheers. And now? Sinungaling ka rin, ano? You told me you made this shit for me but you made shits for the half of the male population in our school?" Pumula ang pisngi niya habang mariin akong sinusumbatan.
Tumayo lang ako doon at pinanood siyang galit na galit sa akin.
"Noah, Warren is not half of the male population of the school. Binigyan ko kayong apat kasi gusto ko ang Zeus. Like you said, we, fans, should like your music." Tinagilid ko ang ulo ko.
Nag iwas siya ng tingin sa akin at nakitang nakabukas ang kanyang locker. Hinampas niya ito at hindi ako natinag man lang sa gulat.
"Tell me, Noah. Are you jealous?”
“I’m not. Why would I be?” Nagtaas siya ng kilay sa akin.
“Then why do you want me to change? I can wear this and suffer the consequences. Kaya ko namang sabayan ang mga biro ng mga kaklase natin.”
Huminga siya ng malalim at pumikit pagkayuko. Dumilat siya at nag angat ng tingin. It’s been almost three years at ngayon ko lang nakita sa kanya ang mga ganitong ekspresyon.
“Then wear it. Leave. I’m pissed.” Aniya ng mas mahinahon.
“Why are you pissed?” Hamon ko.
“I said, Megan. Leave me.” Aniya.
“Okay.” Nag kibit balikat ako pero halos tumalon na ‘yong puso ko sa tuwa. Damn it! If my thoughts are right, he is jealous!
Narinig kong isang beses pa niyang padabog na sinarado ang kanyang locker. Kinagat ko ang labi ko at di ko mapigilang ngumiti.
“Pikon.” Hindi ako magpapalit. Bahala ka.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro