Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 49

Kabanata 49

One Day

Naging abala ang buong pamilya ng Elizalde lalo na nang dumating na ang bridal car ni Coreen. Pumwesto na kami ni Everlyse at Carlos sa may gitnang parte ng mga upuan. Abala si Everlyse at Carlos sa pag puna sa mga detalye ng engrandeng kasal. From the pretty flowers to the cute little trinkets above us.

Punong puno ng media ang kasal. With Going South as the wedding singer and an Elizalde for the groom, hindi na maiiwasan na baka makarating pa ito sa magazines o sa newspapers.

Nilingon ko ang nakapwesto nang si Rozen sa unahan kasama ang kanyang mommy at daddy. Tumindig ang balahibo ko nang tumugtog ang isang pamilyar na piano piece. Nagsimulang maglakad si Rozen sa marahan na mosyon. Sa likod ay kitang kita ko si Coreen na kakalabas lang ng limousine. Pinagbuksan siya ni Noah at nagtawanan pa ang dalawa. She looked so stunning. Nga naman... Rozen's taste. Naglahad si Noah ng kamay sa kanya. Ang isa pa niyang kuya na si Kuya Dashiel ay naroon din sa gilid nila kasama ang kanyang asawa.

Naglahad ng kamay si Noah kay Coreen para matulungan niya itong humakbang paakyat ng hagdan at pumwesto ng maayos sa red carpet. Lumunok ako nang nagtawanan pa ulit ang dalawa. Paano kung wala ako dito? Pano kung silang dalawa ang nagkatotoo? Coreen loved Noah and surely Noah did love her back nong umalis ako. I looked away...

"Si Noah..." Tinuro pa ni Everlyse ang likod ko. Siguro ay naglalakad na si Noah patungo kay Rozen. Hindi ko siya nilingon hanggang sa nilagpasan niya ang aming upuan at dumiretso na sa gilid ni Rozen.

Nagtama ang paningin naming dalawa. Malamig ang kanyang titig. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. It's weird.

"Ang ganda ni Coreen." Sabi ni Everlyse nakatingin parin sa likod.

Hindi din ako makatingin. Sa altar na lang nanatili ang aking paningin habang naglalakad ang iilang mga principal sponsors at iba pa. Sinulyapan ko si Noah at nakita kong abala siya sa pagtitext pagkatapos ay bumaling kay Rozen nang nakangiti, mukhang may sinabi. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko at tiningnan ko naman kung sino ang maaaring nag text at nakita kong tama ang hinala kong ako ang tinext ni Noah kanina.

Noah:

Months from now, you're gonna walk down the aisle.

Kumunot ang noo ko at halos matawa. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin niya pero nag reply ako doon sa text niya.

Ako:

Predictions? Hindi ka magaling mag predict.

Nag angat ako ng tingin kay Noah at nakita kong mukhang sarap na sarap na siya sa kwentuhan nila ni Rozen. Maging si Kuya Dashiel ay nakisali sa dalawa. Elizalde brothers, huh?

Nang naglakad na si Coreen ay hindi na makapag salita si Rozen. Nakatoon lang sa kanyang bride ang buong atensyon niya samantalang patuloy na nagtawanan si Noah at Kuya Dashiel. Nilingon ko si Coreen at nakita kong malaki ang kanyang ngiti habang tinitigan ang kanyang groom.

That's so sweet. Iyong sa gitna ng maraming tao ay ang isa't isa lang ang napansin niyo? Hindi ko mapigilan ang pagiging emosyonal. I have been Rozen's friend for years and I know how much he adored Coreen. They are finally together now. Alam kong sa mundong ito, mahirap makatagpo ng ganyang relasyon. But then for the people who deserved it, it will surely come. Hindi naging perpekto ang kanilang love story. Coreen loved Noah, Rozen got mad and tried other girls, but in the end sila paring dalawa.

Ginanap ang reception ng kasal sa isang rooftop ng building. Papalubog na rin ang araw kaya't hindi na mainit. Naroon na kaming lahat at pinag diriwang na namin ang kasalan ng dalawa. Noah's with his family. Sa kanilang mesa ay naroon din si Reina, Wade, Dashiel, kanyang asawa, si Noah, at ang kanilang mommy at daddy.

Sa mesa ko naman ay kasama ko ang Zeus, si Carlos at Everlyse, at ilang mga kaibigan nilang naimbitahan din sa party na iyon.

The programme was short. Iyong mga importanteng mga seremonyas ay ginawa. Ang paghahati ng cake, pagsasayaw, pagpapakawala sa mga dove, at ilang speech galing sa malalapit sa dalawa. Si Dashiel rin ang nag speech para sa toast bago nagsayawan.

"Tutugtog pa kami ngayon." Sabi ni Stan habang tinitingnan ang stage kung nasaan paakyat ang Going South para tumugtog ulit.

Naglapag ang waiter ng iilang mga shots sa aming harap. Kanina ko pa ininom 'yong wine sa wine glass ko at sa lamig dito sa rooftop ng building ay kailangan ko ng pampainit.

"Ano 'to?" Tanong ko sa waiter habang nilalapag ang ilang ganon sa aming mesa.

"Vodka, ma'am." Sagot niya sa akin.

Tumango ako at nilagok agad iyon. Pagkatapos ko iyong gawin ay sumalubong sa akin ang nakakunot na noo ni Warren. Nginitian ko siya.

"Stop drinking." Aniya kaya sabay sabay akong nilingon ni Stan at Joey.

"Meg..." Saway ni Stan.

"Ano ba kayo? Ang O-OA ninyo. It's just a shot. Chill." Tawa ko.

"You know what happened the last time you got drunk." Mariing sinabi ni Joey.

Ngumiwi ako at naalala nga ang kanyang gustong ipaalala. "Yeah, I know what happened. Tinaboy niyo ako. If I'll get drunk now, itataboy ninyo ulit ako."

"Damn, I would not let that happen, Meg. You know that." Ani Stan.

"Meg..." Tawag ni Everlyse sa akin bilang pagbabanta na tigilan ko na ang pagsasalita.

Napaawang ang bibig ni Joey at Warren at tiningnan ko sila ng nakangiti. I didn't mean to bring that one back but I just can't help it. "Noah's drunk that time. Halos tulog siya sa mesa." Paliwanag ni Joey.

"Kaya niyo ako tinaboy? Pwede namang sabihin ninyo sa aking umalis na lang ako kesa sa mag usap kayo behind my back kung paano niyo ako paaalisin." Nag iwas ako ng tingin sa kanila. Ang pait ay hindi ko maitago sa aking tinig.

"Because you were drunk too. Gusto naming umalis ka kasama sina Everlyse at Carlos." Sabi ni Warren na tumataas na ang boses.

"Warren!" Saway ni Joey sa kanya.

"Kung uto-uto ako," Kinuha ko ang nilapag na shot ng waiter at nilagok ko iyon agad. "Edi bumalik ako doon ng wala na kayo? May dalang Gatorade para kay Noah? Tapos wala na kayo. Diba? But I'm not dumb. I know you didn't want me there. Inuto niyo ako para lang itaboy." Mariin kong sinabi.

"Because you are pissing me off, Meg!" ani Warren.

Agad na hinawakan ni Joey ang kanyang dibdib para pigilan sa pagtayo. Ang kanyang boses ay tama lang para maagaw ang atensyon ng nasa kabilang table.

"Meg, don't ruin Coreen's wedding!" Bulong ni Everlyse sakin. Tumango ako at desididong tigilan na ang mga pambabato ko pero ginalit ko yata si Warren kaya mabilis ang hininga niya at matalim ang tingin niya sa akin.

"Puro ka na lang Noah! Noah ka nang Noah kahit na wala siyang pakealam sa iyo! You should learn to stop when a person doesn't love you! Stop being so obsessed!" Aniya.

"Warren!" May awtoridad na boses ang pinakawalan ni Stan. "You are talking to Megan Marfori!"

Tumayo si Warren at pilit siyang pinapaupo ni Joey. Mabilis ang hininga ni Warren kaya tinigilan ko na ang gulong sinimulan ko.

"Meg, we're sorry. Alam namin iyong hinanakit mo sa amin. We were drunk too. We couldn't even drive. Pinagsisihan namin ang nangyaring pantataboy sa'yo. You are our friend at pasensya na kung bigong bigo kami sa gabing iyon. We worked hard for our success at sa isang iglap ay nawala. And you wouldn't even stop. We were pissed." Paliwanag niya habang kinukuha ko ang isang mas malaking shot nong Vodka.

"Meg, stop drinking that." Mahinahong sinabi ni Stan.

"Meg!" Sigaw ni Warren nang nasa labi ko na ang shot at agad niya itong hinawakan para bawiin sa akin.

Napatayo ako at buong lakas ko itong binawi para hindi niya makuha. Bakit niya ako papakealaman? Sa pagkuha ko non ay hindi ko sinasadyang matapon iyon sa may likod ko. Nagulat ako nang tumili si Everlyse sa nangyari. Akala ko naitapon ko sa kanya ngunit laking gulat ko nang natapon ko iyon kay Noah.

Basa ang mukha pababa ni Noah sa vodka na natapon ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko at hindi agad nakagalaw. Nakapikit ang isa niyang mata na parang natapunan din nong vodka.

Tumugtog ang Going South at bumaling ang mga tao roon sa kanila samantalang parang tumigil ang panahon sa harapan ko.

"Tabi." Utos ng babaeng tumulak sa akin para punasan ang mukha ni Noah.

She's wearing a royal blue off shoulder dress. Matangkad at pamilyar sa akin ang kanyang likod.

"Ako na..." Sabi ni Noah at pilit na kinukuha sa kanya ang panyong pinupunas sa leeg na basang basa gawa ko.

"Basang basa ka. Bakit ka niya binasa? Ang bastos naman!" Sabi nung babae na bahagya kong pinanood bago ko namukhaang si Diva iyon.

Napapikit ako sa ilang flash ng camera sa banda nila. Bahagya akong hinila ni Stan palayo doon at luminga ako nalilito kung ano ang nangyayari.

"Palamig muna tayo. Baba muna tayo. Joey, ibaba niyo muna si Megan." Sabi niya sabay lingon kay Joey.

"Huh?" Sabi ko habang tinitingnan si Noah na inaagaw parin iyong panyo kay Diva.

"Let's go, Meg." Sabi ni Joey sa akin hinahawakan ang aking braso.

Si Stan naman ay abala sa paghihila sa medyo iritado pang si Warren. Si Everlyse at Carlos ay nag uusap at tinitingnan si Noah.

"Noah!" Tawag ni Stan bago kami nakapasok sa elevator.

Nilingon ko si Noah at abala siya sa pag aayos ng kanyang damit. Nag angat siya ng tingin kay Stan at may sinenyas lang si Stan sa kanya bago sumarado ang elevator. Pagkasarado nito ay agad na kinwelyuhan ni Stan si Warren.

"Stan!" Sabi ko sabay hawak sa kanyang braso.

"Matuto kang ilugar ang galit mo! We are not random people anymore. Maraming media doon at pag nagkagulo pa roon ay baka masira lang tayo!" Sigaw ni Stan bago binitiwan ang kwelyo ni Warren.

"I got pissed!" Sigaw ni Warren sa akin.

"Kasi totoo naman ang sinabi ni Megan. You two are being very unreasonable that time." Sabay tingin niya kay Warren at Joey.

"I said I'm sorry." Sabi ni Joey sa akin.

"At ikaw naman, Meg. Stop drinking. Binilin ni Noah na huwag ka nang painumin dahil nadala na siya nong nasa bar at napaaway siya. Stop it!" Sigaw ni Stan sa akin.

Tumikhim lang ako.

"Ayusin niyo na nga iyang gulo ninyo. Maiissue pa iyon si Noah kasi tinulungan pa siya ni Diva. Maraming pictures ang kakalat sa internet, I'm sure of that." Sabi ni Stan at umiling.

Tumunog ang elevator at mabilis siyang lumabas doon. Sumama ako sa kanya at sa likod ko ay si Joey at Warren. Nasa hall na kami ng hotel na iyon at agad umupo si Stan sa sofa, niluluwangan ang kanyang necktie. Umupo ako sa isang sofa at inisip ang nangyari kanina. Sumunod si Joey at Warren na parehong nakatingin sa akin.

"We're sorry, Meg." Sabi ni Joey, seryoso akong pinagmamasdan.

Tumango ako at pumikit. "Sorry din sa inasta ko. Hindi ko lang agad makalimutan iyong mga nangyari. You were my friends." I said bitterly.

"We still are." sabi ni Joey.

Nagkatitigan kaming dalawa. Ngumiti siya sa akin. Tumango ako at ngumiti na rin. Sa gilid niya ay si Warren na pinapasadahan ng mga daliri ang kanyang buhok na para bang di mapakali.

"I like you, Meg." Bigla niyang sinabi.

Kumunot ang noo ni Joey at nilingon niya si Warren.

"Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit lumipas na ang ilang taon at si Noah parin ang gusto mo." He looked away.

Nagkatinginan kami ni Joey at narinig ko na lang ang mura ni Stan sa gilid. Umupo ng maayos si Stan at ninamnam ang katahimikan naming apat. Nagulat ako nang ngumisi siya at umiling. Pinagkunutan ko siya ng noo sa pagtataka.

"Lintek ang swerte ni Noah." Bulong ni Warren at umiling, tumingin sa kanyang mga sapatos.

Nangiti si Joey at nagkatinginan pa sila ni Stan. Umubo ako para basagin ang katahimikan. "Hindi ba ay tutugtog pa kayo?" Tanong ko.

"Oo, mamaya pagkatapos ng Going South. Pinalamig lang namin." Sabi ni Joey, hindi parin matanggal ang ngiti sa kanyang labi.

Tumunog ang elevator at sabay sabay kaming nag angat ng tingin roon. Pinanood namin ang paglabas ni Noah. Hubad na niya ang kanyang coat at ang necktie ay naluwangan na. Ang puting long sleeve ay kumukurba ayon sa hubog ng kanyang katawan. Hinanap agad ako ng kanyang mga mata at matalim akong tiningnan papalapit siya.

Tumikhim ako. Tumayo agad si Stan at Joey sa pagdating ni Noah. Tinapik ni Stan ang balikat ni Noah.

"Magkaka issue kayo ni Diva, for sure," aniya.

"I don't care." Sagot ni Noah.

"Baka ma issue pang nakikisama tayo sa kasikatan ni Diva." Sabi ni Joey kay Stan.

Nagkibit balikat si Stan at nilingon ako. "Aakyat na kami. We'll text, Noah, pag malapit na kaming tumugtog."

Nagkasalubong ang kilay ko, nalilito sa gusto niyang mangyari. Huling tumayo si Warren na agad sumunod sa kanila. Tinapik niya lang si Noah sa balikat at agad nilagpasan ng walang kibo. Inakbayan siya ni Joey pabalik sa elevator. Samantalang si Stan ay natawa lang. Umiling ako habang pinagmasdan sila. Naputol lang ang tingin ko sa kanila nang umupo si Noah sa tabi ko.

"Uminom ka na naman." Malamig niyang sambit.

"It was just a shot. Give me a break." Iling ko at bahagyang lumayo sa kanya.

Muli niyang sinarado ang distansya sa aming dalawa.

"Move, Noah. Bukas ay baka magka issue ka na na kayo ni Diva. Baka may makakita satin dito at isipin pang ako ang third party." Umirap ako.

Ngumisi siya. "I can even kiss you to prove a point here, Meg. Kung may makakita mang media sa ating dalawa ay mas gusto ko iyon. The whole world should know that you are my girl."

"I am not!" Baling ko sa kanya. "Hindi pa kita sinasagot!"

Ngumuso siya at kinagat ang labi. “Next week, may tour kami. Hindi kita maipagluluto ng pagkain pero uutusan ko ang katulong namin na hatidan ka ng lunch.” Nagulat ako sa pag babago ng topic niya. “Wala ako simula bukas at baka hanggang Biyernes o Sabado. Nasa Ilo-ilo, Cebu, Davao, at kung saan-saan pa kami. I am gonna miss you big time.”

Parang may kung ano sa tiyan kong naglalaro. Tiningnan ko ang aking mga daliri at pinaglaruan ko iyon. I am gonna miss him too. Fuck it. Ang hirap pala pag ganyan ang buhay niya. Wala rin ako sa Sabado dahil don sa Seminar ni Ysmael.

Ang pinaglalaruan kong mga daliri ay hinawakan niya, binawi, at binalot sa kanyang dalawang kamay. Ngumuso ako at nanatili ang mata ko doon kahit na nakatitig si Noah sa akin.

“Wag kang magseselos ah? Baka iwan mo ako sa selos pag may issue tungkol sa amin ni Diva. Kasama pa naman namin iyon sa tour.” Sabi niya ng natatawa.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. “Ba’t ako magseselos? Buhay mo ‘yan. Kung kayo, edi kayo. Wala akong pakealam.”

“Wala ka talagang pakealam ano? Kahit noong high school pa tayo ay bihira kang mag selos.” Iling niya. “Kahit nong sinabi kong kami ni Coreen ay walang pinagbago ang pakikitungo mo.”

“Noah, you cannot be possessive of something-”

“-you do not own.” Dugtong niya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang baba ko at bahagya itong dinampian ng halik. Sa sobrang bilis at babaw nito ay pakiramdam ko hindi nangyari. “Pero wala kang pakealam. Buhay ko ‘to. Wala kang pakealam kung angkinin kita o sabihin kong akin ka.” Bulong niya.

Tinulak ko siya ng bahagya at luminga sa paligid. Wala naman gaanong tao at sa laki ng espasyo at mga sofa ay halos walang nakapansin sa amin. Uminit ang pisngi ko at nilingon ko siya.

“One day, it’s going to be more than your kiss.” Napapaos ang kanyang boses nang sinabi niya ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #elizalde