Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 46

Kabanata 46

Full Time

"What in the world?" Madrama kong sinabi.

Nilingon agad ako ni Noah nang narinig ang boses ko. Ngumiti siya at napatingin ako sa niluluto niyang mukhang beef steak. Napalunok ako. Smells good, huh?

"What are you doing here, Elizalde?" Tanong ko at tinigil ang paglalaway sa luto niya at ngayon ay inilipat ang mata sa kanyang katawan. Darn!

"I am obviously cooking." Sarkastiko niyang sinabi.

"At bakit ka nandito?" Luminga ako para mag hanap ng katulong pero wala doon. Nakatunganga lang si Noah at mukhang uulitin na naman niya iyong naging sagot niya kanina kaya imbes na hayaan siya ay umalis ako sa kitchen para maghanap ng eksplenasyon kung bakit nandito siya.

Mabuti na lang at wala talaga ang parents kung hindi ay kanina pa siya pinatapon ni daddy. Mainit ang dugo ni daddy sa kanya at pag nakarating ito sa kanya ay paniguradong masasakit na salita na naman ang ibabato niya kay Noah.

"Manang?" Naabutan ko si manang na nag pupunas ng mga muwebles malapit sa malaking pintuan namin patungong swimming pool.

Dahan dahan niya akong nilingon.

"Manang... sino po ang nagpapasok kay Noah dito?" Tanong ko.

Tinuro niya ang sala. "Pumasok silang dalawa ni Constantine. Nasa sala si Constantine." Ani manang kahit kanina pa ako padaan daan sa sala at wala ni anino ni Stan ang nakita ko.

"Wala po si Constantine sa sala, manang." Sabi ko.

Nagkibit balikat si manang at nagpunas ulit ng vase. Huminga ako ng malalim at bumalik sa pagmamartsa ko patungong kusina.

Nasa counter na iyong niluto ni Noah at napansin kong nilagyan niya iyon ng toppings na sesame seeds. Nakaupo siya sa high chair ng counter at napansin ko ang dalawang nakalatag na pinggan, kutsara, tinidor, baso, at juice. Ngumisi siya na para bang nanunukso sa akin.

"Good morning, miss. Wala ka pang ligo, a?" Panunuya ang nasa boses niya.

"Noah-"

"Don't ask me the same question again, Meg. Kumain na lang tayo. I don't want to waste our time together. I'm free the whole day today. Bukas ay may gig ulit kami mula hapon hanggang gabi. Hindi kita masusundo." Aniya at humalukipkip.

Hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kanyang katawan na malayang nakabalandra sa aking harap. I admit it. He's very hot. Ang panatilihin ang pagkakairita at galit ay mahirap.

"Ginamit mo si Stan para makapunta dito? Pasalamat ka at wala ang parents ko!" Galit kong usal.

Hindi siya natinag. Nanatili siyang nakangiti na para bang nawiwili sa pagkakairita ko. "Kunwari ka pang galit, tinititigan mo naman ang katawan ko. Tss."

Nalaglag ang panga ko. Gusto kong mangatwiran ngunit sa iritasyon ay hindi ako makapagsalita.

"Come on, Megan. From now on, kahit anong iutos mo sa akin susundin ko." He offered.

"What is that? Pampalubag loob sa lahat ng nagawa mong pagkakamali sa akin?"

Nagtaas siya ng kilay. "Yes? Partly. The other half is because I'm courting you. Ah! I'm too old for this! I courted you years ago, binasted mo ako. Ngayon,"

"Basted ka na." Sabi ko at humalukipkip. "Umalis ka na."

"Di ako aalis dito." Sabi niya at mukhang walang pakealam sa sinabi ko. Nagsalin lang siya ng juice sa baso ko. "Come here and sit."

"Ang kulit mo."

Tumayo siya at abot abot kaagad ang pintig ng puso ko kahit na isang galaw niya lang. Bahagya pang lumaki ang aking mga mata nang humakbang siya palapit sa akin. On instinct, pinag ekis ko kaagad ang aking mga kamay at mabilis niyang hinawakan ang magkabilang siko ko.

"Come on, miss. Please?" Malambing niyang sinabi habang bahagya akong hinihila patungo sa counter.

Hinawi ko ang kamay niya kaya nahaplos ko bahagya ang kanyang dibdib. Halos ma estatwa ako sa kinatatayuan ko. Gumuhit na naman ang ngiti sa kanyang mukha. Oh that face when he smiles!

"Noah!" Sinisiko ko siya dahil nasa likod ko na at tinutulak ako ng dahan dahan sa high chair.

"Please, miss." Bulong niya at mabilis na pinulupot ng mahigpit ang kanyang braso sa aking baywang.

"Noah!" Sigaw ko at halos mapatili ako nang inangat niya ako at pinaupo sa high chair. "Fuck!"

Nilingon ko siya at naabutang kinakagat ang kanyang labi at pula ang mukha. Ang kanyang magkabilang braso ay kinukulong ako. Nasa likod ko na siya at para bang ayaw niyang makawala ako doon.

"Noah!" Sabi ko tinatampal ang braso niyang nagkukulong sa akin.

Inirapan niya ako at kinuha ang kutsara. Naglagay siya ng kanin sa aking pinggan at kinuha niya ang tinidor. Tinusok ang lutong beef steak at nilagay sa plato ko. Pinagmasdan ko ang ginawa niya kasabay ang pagrereklamo.

"Let me feed you, okay? Pagkatapos nito ay ayos na ako." Aniya at sinubo sa akin ang kanin.

"Kaya kong kumain mag isa, okay?" Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. "Bitiwan mo ang kutsara." Ngunit hindi niya ginawa. Nakahawak pa ako sa kamay niya habang sinusubo ko ang kanin at pati ang beef steak.

I just couldn't imagine that this hot guy right here can cook. Nga naman. Imposibleng may magawang hindi masarap ang lalaking ganito ka gwapo? Now he looked so satisfied.

"Masarap ba?" Tanong niya habang nginunguya ko ang kanyang luto. Yes but I won't admit that.

Tumayo siya ng maayos at kinuha ang basong may lamang juice. Pinigilan ko siya at iginiit ko na marunong naman akong kumain mag isa. Kaya humakbang siya pabalik sa high chair na nasa tapat ko. Pinanood ko siya habang nag lalagay din ng kanin at beef steak sa kanyang plato.

"Lalabas ka ba mamaya?" Tanong niya habang sinusubo ang beefsteak ng wala sa sarili. Pinasadahan niya ng kanyang daliri ang kanyang buhok at bahagyang nagkasalubong ang kilay. HIndi ko maiwasan ang paninitig sa kanya habang ganito kami kalapit. Mukha talaga siyang masungit pero parang mas lalo yata siyang gumugwapo pag nagsusungit.

"Hindi. Bakit?" Tanong ko.

"Good. Kung lalabas ka ay sasama sana ako. Hindi ka naman lalabas kaya buong araw tayo sa bahay niyo. Let's watch a movie." Aniya.

"Ano ba itong trip mo, Noah?" Iling ko.

Nagtago siya ng ngiti. "I want to date you the whole day, miss. If you don't mind."

Hindi ko talaga alam kung anong tumatakbo sa utak ni Noah. Pagkatapos kumain ay umakyat ako sa taas para maligo. Tsaka ko lang naramdaman ang hiya ko kanina dahil hindi pa nga pala ako naliligo. Pinuna pa niya. Uminit ang pisngi ko habang nagsusuklay ng buhok. Damn it, Noah!

Isang oras akong nag ayos bago bumaba ulit sa sala dala ang cellphone ko. Napansin ko kasing may nisend si Ysmael sa akin sa Facebook. Mukhang detalye ng gaganaping seminar na dadaluhan ko.

Sa sala ay naroon na si Noah at naghahanap ng magandang papanoorin namin. Hindi ko naman maiwasan ang pagpuna sa kanyang t shirt. Nakasuot na siya ng puting printed t shirt. May nakita rin akong nachos at pop corn sa coffee table namin.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang message ni Ysmael.

Ysmael:

You only? Did you receive my docx?

"Anong gusto mong panoorin?" Tanong ni Noah habang hawak hawak ang remote control.

"Kahit ano." Sabi ko habang nagtatype ng reply para kay Ysmael.

Ako:

Yup. Thank you for this. I will review it.

"Sinong ka text mo?" Tanong niya at agad na umupo sa tabi ko.

Mabilis kong inilag ang cellphone ko sa kanyang mga mata. Why is he so nosy? Napangiwi siya sa ginawa ko. Again, those piercing beautiful eyes flashed. Nagsusungit na naman siya.

"Pake mo?" Galit kong sinabi.

Umigting ang panga niya at nakita ko ang pag iwas niya ng tingin. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Tumahimik lang siya at hinayaang magsimula ang isang movie na alam ko ngunit hindi ko pa nakikita. Umayos ako sa pagkakaupo. Inangat ko ang binti ko sa sofa at niyakap iyon, hawak hawak ang cellphone.

Tumunog ang cellphone habang pinapakilala ang characters sa movie. Tiningnan ko ang aking cellphone at nakita kong may reply si Ysmael.

Ysmael:

I miss you.

Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam kung anong i rereply sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong nakatingin si Noah sa akin. Binalingan ko siya. Galing sa galit ay huminga siya ng malalim at umupo ng maayos.

"Napanood mo na 'to?" Tanong niya sabay tingin sa TV.

"Hindi pa." Sagot ko at nagpatuloy sa pagrereply.

Ako:

I miss you too. :) See you tomorrow.

I need to sort out my feelings towards Ysmael. Gusto ko siya. Tama, gusto ko siya. But then I don't love him to take the risk. He's a nice guy. Nasaktan ko na siya noon at nagiguilty ako sa mga nangyari. But then my feelings for Noah are unique. Ito iyong pag ibig na kahit bumabasag na sa buong pagkatao ko ay hindi ko parin mabitiwan. I don't know if it's the same for Noah. At ayaw ko parin iyong aminin sa kanya dahil nasaktan niya ako ng sobra sobra. Nawasak niya ako at hindi ako sigurado kung kaya ko siyang tanggapin muli at mahalin ng buo dahil basag na basag pa ako.

Tulala ako sa screen ng aming Tv nang tumunog ulit ang aking cellphone dahil sa reply ni Ysmael. Narinig ko ang tikhim ni Noah. Kita ko pa ang pagkuyom ng kanyang kamay sa kanyang binti. Tumitig muna ako doon bago ko siya binalingan. His perfect jaw moving like he's mad or something. Para bang pinipilit niya ang sarili niyang huwag na magsalita.

"Galit ka?" Tanong ko.

Umiling siya at bumaling sa akin. Bahagya kong nakita ang matalim niyang mata ngunit ngumisi siya kaya napalitan ito. "No... No..." Umiling pa siya at tumingin ulit sa TV.

Tumango ako at binasa ang chat ni Ysmael.

Ysmael:

Lunch together tomorrow?

Mabilis akong nagreply habang naririnig nag tikhim ni Noah.

Ako:

Sure. :)

Tumikhim pa ulit si Noah at humalukipkip habang titig na titig sa TV. Naabutan ko ulit na umigting ang kanyang panga. Ngumuso ako. He's mad. Pero ayaw niyang sabihin o ipakita sa akin.

Nilagay ko ang cellphone ko sa coffee table at kumuha ng nachos. Nilingon ko siya at nakita kong tumitig siya sa cellphone kong naroon.

"Ikaw nagluto nito?" Tanong ko.

"Yup." Aniya at tumingin sa akin.

Kinagatan ko ang malaking nacho at gusto kong tumango sa sarap ng timpla ng dressing at kung anu ano pang hinalo.

"Masarap ba?" Tanong niya ngunit bago pa ako nakasagot ay tumunog pa ulit ang cellphone ko.

Umirap siya sa kawalan at tinagilid ang ulo. Medyo lumayo siya ng bahagya sa akin. Kinuha ko naman agad ang cellphone kong nasa coffee table at tiningnan ang reply ni Ysmael.

Ysmael:

Alright! I can't wait for tomorrow. Take care.

Ngumuso ako at nagtype ng reply.

Ako:

See you! Take care din.

At binaba ulit ang cellphone sa mesa. Bumaling ako kay Noah. Hindi ko na masundan ang movie habang siya ay titig na titig doon at seryoso ang mukha.

"Napanood mo na 'to?" Tanong ko.

Umiling lang siya na parang walang gana. Ngumisi ako at bahagyang lumapit sa kanya. Mad Noah is gorgeous as hell!

"Ako rin, e." Sabi ko.

"Then, watch." Sabi niya ni di ako nililingon.

"You sound mad." Panunukso ko.

"I am not." Nilingon niya pa ako kahit na matalim ang kanyang titig.

"You are." Sabi ko at tinagilid ko ang aking ulo.

"I said I'm not!" Iritado niyang sinabi.

Ngumuso ako, nagpipigil ng ngiti.

Tumunog ang cellphone ko ngunit hindi ko iyon dinampot. Nanatili ang titigan namin hanggang sa umirap siya at umiling.

"Tss..."

Nilingon ko ang cellphone ko at bago ko pa iyon makuha ay kinuha niya na iyon. May password kaya hindi niya makita kung anong meron pero sapat na siguro ang nakita niya sa screen kung sino ang may mensahe para sa akin.

"Noah!" Sabi ko sabay bawi sa cellphone ko. Binigay niya naman at kitang kita ko ang sakit sa kanyang ekspresyon.

"You... you'll see each other tomorrow. Hindi ba pwedeng ako muna ngayon?" Bigo niyang sinabi.

Naestatwa ako sa hiningi niya sa akin. Gusto kong mag mura. I want to call bullshit on his words but I couldn't speak.

"I have endured large amounts of jealousy from you and your boys, Megan. Believe me. Pero iyong harap harapan?" Umiling siya.

"Me and my boys? Wow! Noah, hindi pa ako nagkakaboyfriend. Paanong ako at ang mga lalaki ko?"

"Nakalimutan mo sigurong niloko ako ni Stan at ng daddy mo." Sabi niya kahit na maingay ang TV sa action na nagaganap sa pinapanood namin.

"Kasalanan mo at nagpaloko ka! Naniwala ka!"

Mariin siyang pumikit. "Paano ako hindi maniniwala kung may dalawang videos akong napanood galing kay Stan?" Tumaas ang boses niya. "You kissed two different guys in a span of three months kaya sinabi ko kay Stan na huwag niya na ulit akong padalhan ng mga ganong klaseng video, Meg! Paanong hindi ako maniniwala?"

Nanlaki ang mata ko. "What video, Noah?"

"Ah! I deleted it a long time ago. I'm sorry, I'm no masochist. I might be a martyr but not a fucking masochist." Lumayo siya ng bahagya sa akin.

Huminga ako ng malalim at hindi ko iyon maipagkaila. Kapag nag iinuman kami ng mga pinsan ko sa States ay nakakalimutan ko ang mga nangyari. May napanood akong isang video ni Everlyse na kumakanta at sa gilid ay kahalikan ko si David. Iyon ba iyon? Oh my God! Fucking Constantine! I want to strangle him right now!

Nilingon ko si Noah. "I was just drunk."

"Yeah, pag lasing ako natutulog lang ako. Ikaw, may kahalikang iba. And you told me you love me, then leave me, and kiss someone else. I would damn kiss another girl too. Bakit ako aasa sayo? Wala ka namang ipinangako sa akin noon, diba?" Bulong bulong niya.

"I'm sorry, Noah." Sabi ko.

Nilingon niya ako. "Stop replying. Give this day to me." Umigting ang panga niya at tiningnan akong mabuti. "Give it to me before I decide to leave Zeus and be your full time man."

"What? No!" Marahas akong umiling sa sinabi niya.

Hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng cellphone.

"Then give this day to me, Megan. I want your day for me." Bulong niya at dahan dahang kinalas ang cellphone sa aking kamay.

Hindi ako makahinga ng mabuti. Hindi ko malaman kung saya ba o lungkot ang nararamdaman ko ngayon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #elizalde