Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 42

Kabanata 42

Not Yours

Pinagkaabalahan ni Stan ang kanyang cellphone. Nagawa niya pang umalis habang matalim siyang tinitigan ni Noah. Bumagsak ang katawan ni Carlos sa pool at tawanan ang narinig ko sa kay Lyse nong nag dive rin siya doon.

"Oh, Jesus, Everlyse!" Frustrated at natatawang sinabi ni Carlos.

Humilig ako sa madilim na parte ng pool, nagpalutang at tumingala sa mga bituin. Ang munting malanding hagikhikan ni Everlyse at Carlos ay naging mas lalong tahimik.

"Now, I'm soaking. God, Everlyse!" Ani Carlos.

Nakakabingi ang tili ni Everlyse nang may ginawa si Stan sa kanya. Naramdaman ko naman ang lamig sa aking balikat nang umihip ng hangin kaya tumigil ako sa paglutang. Baka magkasakit ako nito.

Carlos groaned. Mukhang tinanggal niya ang kanyang t shirt at narinig ko ng bahagya ang bulung bulung ni Everlyse sa kanya tungkol sa pagkuha ng maiinom sa kitchen.

"What mix do you want?" Tanong ni Carlos sa pinsan ko.

"Meg, iinom kami ng cocktail. What mix do you want?" Sigaw ni Everlyse sa akin.

"Jack Coke lang." Sagot ko at bahagya silang tiningnan.

"Alright!" Ani Everlyse at umahon agad galing sa pool. Hinila niya si Carlos at pinasahan ng tuwalya.

Nang inayos ko ang aking sarili para matingnan ang kabuuan ng pool ay nakita kong wala na si Noah sa inuupuan kanina. Mag isa ako ngayon dito sa pool at wala ring tao sa poolside. I was about to swim to the other side when I heard footsteps beside me. Lumingon ako at nakita kong nakapamulsa si Noah na lumalapit sa kung saan ako nakasandal.

Lalangoy na sana ako palayo ng mariing hinawakan ni Noah ang braso ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakayuko na siya at seryoso ang kanyang mga mata.

"What?" Iritado kong tanong kahit na kumakalabog na ang buong sistema ko.

Binitiwan niya ako. Nag squat siya sa doon habang ang isang kamay ay naglalaro sa labi bago nagsalita muli.

"Your cousin lied to me..." He said. "And your dad, too."

"Why does it matter?" Nag iwas ako ng tingin.

It's done. Nakapag desisyon na ako at ang desisyon ko ay ang huwag nang balikan ang mga panahong desperadang desperada ako. Oo, desperada ako. Desperada ako non dahil alam kong may kasalanan ako kay Noah bago ako umalis. Alam kong nasaktan ko siya ng husto kaya tinanggap ko ang sakit na idinulot niya sa akin pagkabalik ko. But that's that. I've had enough.

"Umahon ka." Utos niya.

Napalingon ako sa kanya. Nanginig ang buong sistema ko nang nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. I am not sure if it was for me. But I am sure that he's pissed. Inaamin ko na kahit na sanay na ako sa pagiging malupit at suplado niya ay nangangatog parin ako tuwing ganon siya.

Huminga ako ng malalim at inangat ang sarili para makaupo sa gilid ng pool. Sobrang lamig ang naramdaman ko sa aking dibdib at likod. Napawi ito nang lumapit siya sa akin. Inayos ko ang buhok ko at tumingin sa swimming pool. Dapat ay kanina ko pa siya iniwan. Dapat ay hindi ko siya sinusunod. What are you doing, Meg?

"Your dad told me about this boy you're with while you're abroad-"

Nilingon ko kaagad si Noah. "Kailan ba kayo nag uusap ni daddy at bakit ka naniniwala sa kanya?" Umigting ang bagang ko.

"He's your dad! At kailan pa naging masama ang pagiging tradisyunal? At anong rason ko para hindi maniwala kung iniwan mo ako! You didn't even bother to offer me a long distance relationship. Just because you're away, you want us off!" Frustrated niyang sinabi.

"Ang tagal na panahon na iyon. We shouldn't be arguing about this. It's stupid. Marami nang nangyari." Umiling ako at umambang lumusong ulit sa tubig nang hinigit niya ulit ako. Hinapit niya ang aking baywang para mapigilan at mas lalong mapalapit sa kanya.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Seryosong mga mata at nakaparteng labi ang sumalubong sa aking paningin.

"No... No... we have to talk. Namuhay ako ng galit sa'yo, Meg. Galit na galit ako sa'yo. You want me to fall for Coreen, then well, yes! I tried so hard to fall for her! Para lang masaktan ka ng husto! Para lang maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko! I waited for you! Hindi na tayo 18th century! We have fucking Facebook but you didn't even try to contact me! What the hell was that? Binaliw mo ako tapos iniwan?"

Nanlalaki ang mata ko habang dirediretso niya itong sinabi sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko ngunit sinikap kong magsalita.

"Guess what? Nagtagumpay ka! Nasaktan mo ako ng husto! You hated me so damn much kaya nasaktan mo ako! Ng ilang beses! Ng sobra sobra!" Hindi ko mapigilan ang pagkirot ng puso ko. I should be over this a long time ago. Walang luha ang nagbadya sa aking mata. Pati sila ay napagod rin sa kakabuhos.

Sa kalagitnaan ng pagsasalita ko ay bumagsak ang mata niya sa aking labi. Ang nakaparteng bibig niya ay mas lalong umawang. Kinagat niya ito ngunit hindi rin napigilan ang pagparte ulit.

Nanghina ako. Bahagya ko siyang tinulak ngunit sa panghihina ko ay hindi ako nagtagumpay. Dumampi ang labi niya sa akin ng isang beses. Sa pangalawang beses ay tumigil siya. Sa pangatlong beses ay halos maitulak ko na siya sa panunuyang ginagawa. Sa pang apat at pinakamatagal ay bumitiw ulit siya.

"Fuck you-" I protested when he finally gave me a deep kiss.

Pumikit ako ng mariin nang naramdaman ko ang sakit sa aking labi. Ang metal na pamilyar sa akin ay nalasahan ko. Hinampas ko ang kanyang dibdib. Ramdam na ramdam ko ang paninigas ng kanyang katawan dahil sa halik na iyon. Huminahon ang kanyang dibdib kalaunan at ang paulan niya ng halik ay naging mas banayad. And I hate that it's making me feel dizzy!

"I want to hurt you so bad without kissing you. Gusto kong mamantal ang puso mo sa sakit. Dahil gustong gusto kong makaganti. Dahil iniwan mo ako. Dahil hindi ako matanggap ng daddy mo. Dahil ako lang ang lumaban para sa ating dalawa nong wala ka. Wala ka nong mga panahong iyon-" Bulong niya nang tumigil siya sa paghalik.

Tinulak ko siya at tinakpan ko ng likod ng aking palad ang aking labi. Lumayo ako ng bahagya sa kanya ngunit ang kamay niya ay nasa baywang ko parin.

"I did not ask you to fight for us while I'm abroad!" Sigaw ko.

"But I did! At sa lahat ng narinig ko, tingin mo pagkabalik mo ay magkakandarapa parin ako ng husto sa iyo? Yes, I might still be fucking lovestruck pero hindi ko iyon ipaparamdam sa'yo! No way! Pagkatapos mo akong iwan ay magpapakita ka na parang walang nangyari! Parang walang taon na lumipas? Magpapakita ka na parang hindi ka nagmahal ng iba?"

Damn! Hindi nga ako nag mahal ng iba! Pero magmamahal na ako ngayon.

HInawi ko ang kamay niyang nakahawak sa aking baywang ngunit hindi parin ako nagtagumpay. "Bitiwan mo ako." Mariin kong sinabi.

"I don't usually let my belongings go." Nalalasing ako sa kanyang mga mata kaya nag iwas ako ng tingin.

"I am not yours." Sabi ko.

"May pangalang nakalagay sa'yo. Isn't that enough evidence?" Pabulong ngunit may diin ang tono niya.

Umiling ako. You'll see, Noah. Mawawala itong pangalan mo sa akin. "I am not yours, Noah. You lost me a long time ago." Tinulak ko siya at mabilis nang nagdive sa pool.

Sa gitna na ako umahon. Hindi ko siya nilingon pero galing sa kinatatayuan niya ay sumigaw siya.

"Really, Megan? If I did lose you, then I can find you again."

Lumangoy ulit ako ng mas malalim ngayon. Pagkaahon ko ay nasa kabilang dako na ako ng swimming pool. Nilingon ko si Noah na naroon parin sa madilim at nakatayo. Umirap ako hanggang sa narinig ko ang tawanan ni Everlyse at Carlos. May dala na silang champage at isang tray ng mga maiinom.

"Try Elizalde. Kaya mo bang maghabol?"

Umahon ako at agad na sinalubong ang tray ni Everlyse. Natigil siya sa kanyang hagikhik nang nakita akong mabilis na naglalakad patungo sa kanya. Kinuha ko ang tuwalya sa gilid at nilagay iyon sa katawan ko. Kinuha ko kaagad ang isang shot ng Jack Coke na hiningi ko at nilagok ito ng dalawang beses hanggang sa naubos. Pumikit ako ng mariin.

Remember it clearly, Megan. The days he treated you like trash. The days when he can't even fight for me. The days when I can almost bleed because of the pained he caused me. Remember it clearly.

"Whoa!" Ani Everlyse.

Dumilat ako at plastik na ngumiti kay Everlyse. "I'm gonna change. Sumasakit ang ulo ko, e." Sabi ko at di na nilingon pa ulit si Noah sa kinatatayuan niya.

Dumiretso na ako sa guestroom na tinutuluyan ko pag nasa kina Everlyse ako. Nag lock ako ng pinto at naligo. Nanatili sa utak ko ang mantra na kailangan kong alalahanin ang lahat at baka makalimutan ko iyon.

Natulog ako na iyon parin ang iniisip. Siguro ay sa panaginip ay dinalaw rin ako nito dahil gumising ako ng may konting luha sa mata. Halos tumalon ako galing sa pagkakatulog dahil iniisip kong may trabaho ngayon. Mabuti na lang at Sabado pala.

Habang nakahilata at nagmumuni-muni ay may kumatok sa aking pintuan at sinubukan pang buksan.

"Meg, si Everlyse 'to." Sabi niya.

Tinitigan ko lang ang kulay brown na pintuan at ang pag galaw ng door handle. Ayaw kong buksan dahil...

"Umuwi na si Noah kagabi. May gig sila mamaya diba? Malaking gig mamaya kaya nag practice sila sa bahay nila. Chill." Sabi ni Everlyse na dahilan kung bakit napatayo ako.

Alam na alam niya talaga kung anong nasa isip ko. Binuksan ko ang pintuan at nakangiting Everlyse ang bumungad sa akin. Kinusot ko ang mata ko at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto.

"Breakfast na tayo sabi ni mommy. Anong nangyari sa'yo kagabi? Nagkasagutan na naman ba kayo ng manliligaw mo?" She chuckled.

Umupo siya sa kama at pinaglaruan ang kanyang paa. Ang kanyang mahaba at morena'ng legs ay kumikinang.

"Manliligaw? Naalala ko lang na sinaktan pala ako ng lalaking iyon kaya umalis ako. At kung manligaw man siya ay hindi ko tatanggapin."

Napatingin siya sa akin. "Ay? Bakit? Kasi sasagutin mo kaagad?" I just couldn't believe what she just said.

"Of course not!" Binato ko pa siya ng unan.

Tumawa lang siya at hinawi ng unan. "I was just checking. Tara na at baka lumamig na iyong breakfast. Alam mo naman si mommy, ayaw nang hindi sabay kumain. Minsan lang sila nandito kaya pagbigyan na natin!"

Sumunod ako sa kanya sa baba. Naisip kong mukhang magandang ideya ang madalas kong pagpunta dito sa bahay nina Everlyse. Kasi iniisip ko pa lang na sa bahay ako uuwi mamaya ay nangungulila na ako.

"Sorry po, tita. Hindi ko mapaunlakan iyong sinabi niyong dito na muna ako habang wala si mommy. Alam niyo naman 'yong si Madame Alejandra. Magtatampo iyon pag di ko inuwian ang bahay." Ngisi ko.

"I know, hija. Mag dala ka na lang ng gamit at iwan mo dito parakung sakaling maisip mo na dito umuwi ay hindi ka na mamomroblema."

Sumang ayon naman ako sa gusto ni tita. Sa bagay ay kung sakali lang naman iyon.

Umuwi ako ng bahay at agad nalungkot nang nadatnan kong mag isa ako don kasama ang mga katulong. Naisip ko tuloy kung gaano ka swerte si Everlyse at may kakambal siyang nakakairita. At least ay hindi boring ang kanilang buhay. Ako? Wala na ngang kapatid, wala pang boyfriend.

In speaking of boyfriend, naisip kong hanapin si Ysmael Aboitiz sa Facebook. Hindi siya mahirap hanapin dahil nag iisa lang ang pangalan niya. Agad ko siyang in-add at nagulat ako nang agad niya akong na accept. Gumulong ako sa kama at agad ni click ang kanyang pangalan para makapag message ako.

Ako:

Hi Sir! Sorry kagabi. Pinatawag kasi ako ng mommy ni Everlyse para don na mag dinner sa kanilang bahay. Wala si Stan kaya si Noah ang sumundo.

Kinagat ko ang labi ko at naghintay ng reply. Nakita kong nagtitipa na siya at abot abot ang kaba ko.

Ysmael:

No problem.

Ay? Ang suplado rin nito, ah?

Ako:

Are you mad? I'm sorry. Alam kong di mo type si Noah.

Ysmael:

No. It's okay. I understand you and Noah.

Ang lamig talaga. Ngumiwi ako at nag tipa ulit ng reply.

Ako:

Nagtatrabaho ka?

Ysmael:

Yup.

Ang iksi ng sagot. Mag tatype na ulit sana ako ng reply ng biglang halos sumabog ang cellphone ko sa ingay nang tumatawag. Halos mapamura ako at mapapatay ko talaga ang unknown number na naghahasik ng lagim.

"Hello!?" Padabog kong sagot.

"Ohhh, so you answer calls from strangers? Let's change that, Miss. You shouldn't..."

Sa boses pa lang ay kilala ko na kaagad kung sino ang nasa kabilang linya.

"Fuck you, Elizalde." Sabi ko.

He chuckled. PInatay ko agad at ang huli kong narinig ay ang pilyo niyang tawa. Oh God!

Pumikit ako ng mariin at tinitigan ang chatbox kung saan may sagot si Ysmael. Wala akong ma itype pabalik!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #elizalde