Kabanata 41
Kabanata 41
Boyfriendless
"Bakit?" Tanong ko. Alam kong nasa likod ko na si Ysmael.
"Anong masama sa pagsundo? Ang sabi ni Stan di mo raw dala ang kotse mo kaya susunduin kita. Sa kanila ka daw mag di-dinner ngayon." Nakita ko ang pagsulyap niya sa aking likod. "Don't worry, hindi na tayo masisiraan this time."
Ngumiwi ako at panandaliang natakot sa maaaring maisip o sabihin ni Ysmael. Narinig ko ang yapak ng paa ni Ysmael.
"Is there a problem, Meg?" Tanong ni Ysmael.
Nilingon ko siya at nakita kong hindi niya tinantanan ng tingin si Noah. Now this is awkward!
"I called you a couple of times, Meg, at walang sumasagot sa cellphone mo." Sabi ni Noah, binalewala ang tanong ni Ysmael.
"Walang problema, Ysmael. Uh, naiwan ko ang cellphone ko sa opisina." Dagdag ko.
"Then let's get it." Sabi ni Noah at nauna pa siyang naglakad patungo sa building.
Ngumiwi ako sa pagkakalito at nilingon ko si Ysmael. Naabutan kong umigting ang kanyang panga habang tinitingnan si Noah na papasok sa building.
"I'm sorry, Ysmael. Nakalimutan ko na pupunta nga pala ako kina Stan ngayon. Tsaka di ko alam na susunduin ako ni Noah." Sabi ko.
"No. It's okay." Malamig niyang sinabi at nag iwas ng tingin.
Nagulat ako nang nilingon niya ang kanyang sasakyan at pinatunog ang alarm. Kumunot ang noo ko pero hindi ako nagtanong kung bakit. Nilingon niya ako at panandaliang tiningnan bago tinalikuran.
"Then, I should go..." Aniya at binuksan ang pintuan.
Kinagat ko ang labi ko at nilingon ang bwisit na si Noah na nasa pintuan ng building at nakapamulsa habang tinitingnan ako. Mabilis akong naglakad patungo sa pintuan ni Ysmael. Kinatok ko ang kanyang salamin.
"Megan!" Sigaw ni Noah na para bang iritado.
Shut up, jerk! Naiirita lang ako lalo. Mabuti na lang at binaba ni Ysmael ang salamin at nilingon niya ako.
"I'm sorry. Uh, babawi ako." Sabi ko nang nalilito. Hindi ko alam kung anong maaari kong sabihin.
Kitang kita ko sa kanyang mata ang galit. Umiling siya. "It's okay, Megan." at mabilis na sinarado ang salamin ng kanyang sasakyan. Umilaw ang head light ng kanyang sasakyan kaya agad akong tumabi para makadaan na siya.
Mabilis ang kalabog ng puso ko. Takot na baka ginalit ko si Ysmael. Pinaghirapan ko ang pagkakaayos namin at sa isang iglap ay ganito ang mangyayari? Humarurot ang kanyang Colorado sa aking harapan. Umihip ang malakas na hangin dulot non at bumaling ako sa kay Noah na nagawa pang mag kibit balikat at ngumiti sa akin.
Umirap ako at nagmartsa patungo sa kanya. Hagip ko ang bango niya habang sinusundan niya ako ng tingin nang nilagpasan ko siya.
Sumipol lang siya at sumunod sa akin. Bumaling ako sa kanya at tinuro ang pintuan.
"Stay!" Sabi ko.
"I'm not a dog, Megan." Humagikhik pa siya. "So what if susunod ako sa'yo? Kukunin lang naman natin 'yong cellphone-"
"Ewan ko sa'yo, Elizalde. Why are you even here? Bakit ba bobo ang Stan na iyon?" Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator.
Sumunod siya at nanatiling nakapamulsa. Nanatili din ang galit kong mukha at ang paminsan minsan kong pag irap tuwing nahahagip ko ang kanyang mukha.
"Hindi ba ay nasagot ko na ang tanong mo? Nandito ako para sunduin ka. Are you pissed because I ruined your whatever with Ysmael?" aniya.
"Oo! Bwisit ka rin, e. Asan na ba iyang Coreen mo at bakit ako ang ginugulo mo ngayon?" Umirap ako.
"Hindi ko siya ginugulo. Why are you so pissed? Naaalala ko pa noon nong masaya ka tuwing nandyan ako-"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinapak ko na siya. Fuck you, Noah Elizalde! Ngumiwi siya sa sapak ko at nag reklamo pa. "What the?"
Tumunog ang elevator kaya dumiretso na ako sa labas. Umiiling ako at padabog na dinampot ang cellphone sa tabi ng aking monitor. So much for calling me a "couple" of times when I have 37 damn missed calls! Bastard!
Bumalik ako doon sa labas. Hindi siya pinapasok ng guard kaya doon lang siya malapit sa elevator na may lounge nag hintay. Nakaupo siya at agad tumayo nang nakita ako. Nakataas ang kanyang kilay at pinapanood ng mabuti ang masungit kong mukha.
Pinindot ko ang elevator at lumayo ng bahagya sa kanya nang sa ganon ay matigilan ko ang pag amoy sa kanya. Sa gilid ng aking mga mata ay nakatingin siya sa akin. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang umirap at humahalakhak siya sa ginagawa ko.
Tahimik kami at nang tumunog ulit ang elevator hudyat ng ground floor ay dumiretso na ako palabas.
Pinatunog niya ang kanyang sasakyan sa aking harap kahit na nasa likod ko pa siya. Binuksan ko ang pintuan ng kanyang front seat at umirap ulit. You see the darn difference between the Elizalde and Ysmael?
Sumisipol si Noah nang nasa loob na ng sasakyan at nagulat ako nang nilingon niya ako. Lumapit siya ng bahagya at kinuha ang seatbelt ko para i-lock iyon sa aking gilid.
"Kahit na masungit ka ayaw ko paring may mangyaring masama sa'yo." Sabi niya.
"Shut up, Noah! Just drive at nang makauwi na tayo!" Sabi ko.
"Tss." At pinaandar niya kaagad ang sasakyan.
Ginulo ko na lang ang airconditioning ng kanyang sasakyan nang sa ganon ay may pagkaabalahan ako. May ginulo naman siya sa stereo at ang bumungad sa aking tainga ay isang pamilyar na kanta.
“The perfect words never crossed my mind
'Cause there was nothing in there but you
I felt every ounce of me screaming out
But the sound was trapped deep in me...”
Bahagya kong nilingon ang stereo at tinikom ang nakaawang kong bibig. I don't want to initiate the conversation. At ayaw kong makinig sa kantang ito. Naalala ko lang iyong panliligaw niya sa akin at iyong rejection ko. Ano ba ang gusto niyang mangyari? Ang ibalik namin ang mapait na kahapon?
"Saan kayo galing ni Ysmael?" Tanong niyang bigla sa kalagitnaan ng kanta. Now his voice authoritative. As always.
"Nag dinner. Pupunta lang ako kina Stan para kumustahin si tita at tito na kakauwi lang ng New York. Tapos na akong mag dinner."
"That's why the name of your company sounds familiar. Iyon naman pala... pano ka ba nakapag apply sa kompanyang iyon?"
Iritado na ako sa puntong ito. "Nagpasa ng application at portfolio? Hindi ba obvious 'yan?"
"Why are you sarcastic?" Pabalik niyang tanong.
"Kasi ang dami mong tanong. Wag ka na lang makealam. Buhay ko naman ito." Umirap ako.
"Do you want me to stop the car so we can talk, Maria Georgianne?"
Mabilis ko siyang nilingon. "What?" Sigaw ko.
Humalakhak siya ngunit dumilim din kaagad ang mga mata. "You're dating your boss now, huh?"
"I'm not dating Ysmael!" Galit kong sambit.
"That's called dinner date, Meg. It's the same."
"It's not, Noah! At ano ngayon kung oo at nag didate kaming dalawa? You want me gone. Now I'm gone. Pero heto ka at nambubwisit. What do you really want?" Inis kong tanong sa kanya.
"Shall we stop the car so we can talk?" He slowed down.
"Fuck no! Why can't you say it now? Kung ayaw mong sabihin. Ayaw ko rin namang malaman! Naiirita lang talaga ako sayo! Just fucking drive at nang makarating na tayo."
"Fine, Miss. Then I'll drive!" Aniya at pinaharurot ang sasakyan na parang naiwan ang kaluluwa ko.
Panay ang mura ko sa kanya. I've never been this pissed at him. Ilang beses ko niya na akong nasaktan pero ngayon lang ako nairita ng ganito. Kaya kahit na hindi pa nakakapagpark ay binuksan ko na ang pintuan para makalabas na ako.
"Hey! Hey!" Sigaw niya at madaliang pinark ang sasakyan sa garahe nina Stan.
"Stop following me." Sabi ko at pumasok na sa bahay nina Stan at Everlyse.
Bumungad agad sa akin ang naglalampungang si Everlyse at Carlos sa sala. Natigil sila sa kilitian nang nakita ako.
"Oh, Meg!" Mapupungay ang mata ni Everlyse. "Sinundo ka ni Stan?" Napatingin siya sa likod ko at ang pinakitang ngiti ay napawi.
"Nakarating na ba si Stan?" Tanong ni Noah kay Everlyse.
Umirap ako nang narinig ko ang kanyang boses. "Hindi pa." Bumaling si Lyse sa akin. "Sinundo ka niya?"
Tumango ako at nilingon ang kitchen. May naaamoy akong ulam galing doon. Kahit na busog ako ay ginutom ako ng amoy. I missed Tita's Caldereta. Madalas iyon ang sadya ko pag bibisita ako sa bahay nina Stan.
Galing sa malaking folding glass door na nag paparte sa bahay at sa garden nila ay lumabas si Tita.
"Georgianne!" Her arms wide open.
"Tita!" Lumaki ang ngiti ko at mabilis na naglakad para salubungin ang kanyang yakap. Hinalikan niya ako sa noo ng ilang beses at niyakap ko siyang mahigpit.
"I missed you. Alam kong mag isa ka lang sa inyo ngayon kasi nagbakasyon ang mommy at daddy mo. You should sleep here. Or better, you should stay here muna while your parents are away!" Kitang kita ko ang resemblance ng mata ni Everlyse sa mata ni tita. Ang kanyang straight at hanggang balikat na buhok ay manipis at makintab.
"Talaga? Pwede akong mag sleep over?" Ngiti ko kahit alam kong pwedeng pwede iyon. "Yes. Sure. At isa pa, sabi ni Everlyse ay gusto mo raw'ng subukan ang pool namin nong una mong punta dito pero wala pa iyong tubig. Ngayon meron na! Now you can swim!"
"Whoa! Thank you tita!" Sabi ko at niyakap si tita.
"Noah, dito ka na mag dinner." Anyaya ni tita sa lalaking nasa likod ko.
"Wag na po. I'm fine. Hinatid ko lang si Megan dito." Naririnig ko ang ngiti sa kanyang boses.
Kumalas ako sa pagkakayakap kay tita. "No, hijo. You should eat here. Wala pa nga si Stan. Antayin mo na lang at dito ka na magdinner. And how gentleman of you to fetch my niece." Ngumiti si tita sa akin.
Hindi naman ako makangiti pabalik. Napatingin ako kay Everlyse na nakahalukipkip at pinapanood ng mabuti si Noah.
"Lina kayo! Doon na tayo sa dining room habang naghihintay kay Stan." Anyaya ni tita, excited sa munting pagtitipon.
Umupo si Noah sa tabi ko sa dining table. Magkatabi naman si Carlos at Everlyse sa aming harap. Si Tita at Tito ay nasa magkabilang side ng table. Nang dumating si Stan ay kumain na kami.
"So you're not really into business?" Tanong ni tito habang nilalagyan ni Noah ng gabundok na kanin ang aking plato.
Nginiwian ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin. Nanatili ang kanyang tingin kay tito na nagtatanong sa kanya. "No, tito. Mas gusto kong mag invest lang. I'm good with numbers so I'll play with my strengths."
Tumango si tito at ngayon ay abala ako sa pagtingin sa plato kong nilalagyan ng kaldereta ni Noah. Gusto kong umangal pero hindi ako makaangal dahil panay ang pag uusap nila ni tito Adolfo. Napatingin ako kay Stan na tumatango rin kasama ang kanyang daddy. Si Everlyse lang ang nanonood sa aking plato, tulad ko. Si Tita ay abala sa pag uutos sa mga katulong na ihatid na ang kung anu anong pang himagas na hinanda.
"Well, your brothers liked business. Pero magaling din iyang sa iyo."
"I hate marketing."
"But I'm sure you're good at it." Tango ni tito Adolfo.
"I don't do things just because I'm good at it. Mas gusto ko iyong gusto ko ang ginagawa ko. And... I think investing is good. I'm gonna buy stocks and let it grow. No sweat."
Nakasimangot na ako habang tinitingnan ang gabundok na kanin at mga ulam sa aking pinggan.
"I think Noah's idea is genius, dad. Gusto ko rin ng ganyan." Sabi ni Stan.
"Yup, hijo. But before that you need to earn money to buy stocks from different companies."
Bumaling si Noah sa akin nang nakita niyang hindi ko halos ginagalaw ang pagkain ko. "Eat." Utos niya.
"Baliw ka ba? Kumain na nga ako. Konti lang dapat ang kakainin ko. Ngayon ang dami nitong nilagay mo." Mariin ngunit pabulong kong sinabi.
"Is it my fault? Next time wag ka nang makipag dinner." Mariin din niyang sinabi.
Tinikom ko ang bibig ko para mapigilan ang sarili ko sa pagmumura. Damn you, Elizalde!
Inunti unti ko ang pagkain non habang nag uusap na naman sila tungkol sa negosyo. Wala akong ginawa kundi ang panoorin ang kanin kong nagmamakaawa sa aking kainin sila. God, I hate him!
"Meg, want to take a dip? Night swimming?" Anyaya ni Everlyse pagkatapos ng panghimagad.
Tumayo na si tita para pagsabihan ang mga katulong na ilabas ang ilan pang pagkain at ilagay sa wooden table sa poolside. Tumango ako kay Everlyse at tumayo na rin.
Sabay kaming pumunta sa kanyang kwarto. Mabuti na lang ay may mga bikini siyang hindi pa nagagamit. Iyong plain black stringed bikini ang ibinigay niya sa akin. Nag bihis ako sa simpleng board shorts at tshirt. Sa ilalim non ay ang bikini.
"Nababaliw na ba ang Noah'ng iyon?" Sambit ni Everlyse habang abala kami sa pagbibihis. "Pinapanood ko ang galaw niya."
"Ewan ko sa kanya. Naiirita ako. Istorbo siya kanina! Ihahatid na sana ako ni Ysmael! Nabadtrip 'yong tao kasi nakita niya si Noah." Sabi ko habang sinusuklay ang buhok.
"Busy sila this week. Kahit tanghali ay may mga gig sila. Ngayong araw lang yata sila free at bukas ay may gig ulit sila. Grabe ang ginagawa ng mommy mo sa kanila. Para bang minamadali ang pag sikat. Baka ma strain ang boses ni Stan."
Ngumuso ako. "I hope it's just for the next two weeks. Tinanggap siguro iyan ng Zeus kasi talagang nakakapanghinayang ang pag alis ni Liam."
"Oo. Tuwing umaga ang practice nila tapos sa hapon ay may gig na kaagad sila. Imagine that? That's why they are too busy this week."
Tumango ako at napagtanto na ang rason kung bakit ngayon lang ulit nagparamdam si Noah mula nong nagkausap kami ay dahil abala sila sa mga gigs. Pinilig ko ang ulo ko. Whatever.
Bumaba na kami ni Everlyse. Wala nang ingay galing sa dining room ngunit nang nasa poolside na kami ay narinig namin ang tawanan ng tatlo: Carlos, Stan, at Noah. Now they are here.
Dumiretso si Everlyse sa kay Carlos at hinalikan ang kanyang pisngi. Nag iwas ako ng tingin sa mga lalaki at bumaling sa malapad na rectangular pool. Pinagiba iyong maliit na pool nila noon at ginawang kasing lapad ng pang Olympics. Well, that's an exaggeration but this pool reminds me of it. Sa hagdanan lang ang may ilaw at sa dulo ng rectangular pool ay madilim. Ang kanilang patio lang ang may ilaw doon.
Naghubad agad ako ng board shorts at t shirt. Napatingin ako ng bahagya kay Noah at nakita ko ang kanyang seryosong mga matang nakatuon sa akin. Bumaling ulit ako sa pool at agad ng nag dive. Nang dumampi ang tubig sa aking balat ay agad kong naramdaman ang lamig. Pagkaahon ko ay naghilamos ako at nasa gitna na ako ng pool.
"Lyse!" Tawag ko at nakita kong hinihila pa niya ang natatawang si Carlos.
"Sige na!" Ani Everlyse.
"I should get a girlfriend." Tawa ni Stan.
"Ako rin!" Sigaw ko. "I should get a boyfriend." Sarkastiko kong sinabi nang may naalala tungkol kay Stan at sa lahat ng pinagsasabi niya kay Noah. "I've been boyfriendless for ages! Gusto ko ring subukan na magkaboyfriend kasi kahit kailan di ko pa nasubukan iyon."
Nanatili ang titig ni Noah sa akin. Seryoso at matalim. Bumaling ako kay Stan na ngayon ay pinaglalaruan ang labi. Kalahating natatawa at kalahating pinipilit na magseryoso.
"Really?" Naghahamong sinabi ni Noah bago bumaling kay Stan.
"Well... hindi mo pala naging boyfriend si David?" Painosenteng tanong ni Stan.
Tinulak ko ang umaalong tubig kay Stan at umilag siya. Muntikan ng mabasa.
"Obviously, bastard!" Sabi ko.
Nagkibit balikat siya at umupo ng maayos. Bumaling siya kay Noah. "Akala ko."
Umiling ako at lumangoy na lang ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro