Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 39

Kabanata 39

As You Wish

Alas sais nang nagligpit ako ng gamit sa opisina. Tinapos ko muna ang lahat bago ako umalis. Nilingon ko sina Ma'am Alice at Ma'am Alexis na parehong sumisimsim ng kapeng barako. Niyaya ko silang umuwi na para magkasabay naman kami.

"Naku buti ka pa! Pumunta ka kasi dito nong Sabado kaya tapos mo na, diba? Mukhang mahabang gabi 'to. Wednesday na kasi ang deadline." Sabi ni Ma'am Alice, ginagalaw ang kanyang eye glass.

Tumango ako. "Ako lang pala ang uuwi nito."

"Dala mo naman ang sasakyan mo, diba?"

Tumango ako at ngumiti sa kanila. "Sige, see you tomorrow!"

"Bye, Meg! Ingat!" Sabi ni Ma'am Alexis nang di tumitingin sa akin.

Kumaway na lang ako at tinalikuran ko na sila. Dumiretso na ako ng elevator pagkatapos nagpaalam sa ilan pang mga taga opisina. Hinanap ko rin ang susi ng sasakyan ko sa aking bag. Nang tumunog ang elevator, hudyat ng pagbubukas ng elevator ay lumabas na rin ako. Dire diretso ang tungo ko patungong hall para maka punta na rin sa parking lot nang nakita ko si Mr. Aboitiz sa sofa. Tahimik siyang nagbabasa ng diyaryo. Nong una ay binalewala ko ito pero kalaunan ay bumalik ako sa dinaanan ko para puntahan siya. I need to express my gratitude for the lunch he gave me.

Tumigil ako sa harap niya. Nangangapa ng salita at natatakot na baka maging malupit ulit siya sa akin. Should I say thank you or should I go instead?

Tinupi niya ang dyaryo at nag angat siya ng tingin sa akin. The traces of blue in his eyes are now very visible. Ang buhok niyang naturally brown ay mas lalong nagpatingkad sa kakaibang kulay ng kanyang mga mata.

"Uhm, Mr. Aboitiz..." Naasiwa ako sa tawag ko kay Ysmael. "I just want to say thank you for that lunch." Tipid akong ngumiti.

Matigas ang kanyang tingin. Halos mautal ako sa susunod kong sasabihin para makapagpaalam na.

"No problem." Sagot niya sa matigas na ingles. "Are you free tonight?" Nagtaas siya ng kilay.

Pumasada pa sa gilid ang mga mata ko, naghahanap ng sagot sa tanong na hindi ko gaanong naintindihan. "Huh?"

"Nagtatanong ako kung wala ka bang gagawin ngayong gabi? Maybe you can join me for dinner?" Binaba niya ang dyaryong tinupi kanina at nilapag sa mesa.

"Uh, wala naman akong gagawin pero nakakahiya Ysmael, I mean, Mr Aboitiz." Kinagat ko ang labi ko sa konting pagkakamali.

Tumayo siyang bigla. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"For old time's sake, Megan. Wag ka nang mahiya." Aniya at nagawa pang ngumisi.

"Well," tumango ako. "For old time's sake then." Iyon ang sinabi ko kahit sobrang kabado kong balikan ang nakaraan naming dalawa.

May sinenyas siya sa security guard ng building. May tinawagan naman ang security guard habang nag uusap sila ni Ysmael. Dalawang kamay ang nakabuhat sa aking itim na bag habang naghihintay sa maaaring mangyari.

Naisip kong kung hindi ko siya nilapitan kanina ay yayayain niya kaya ako? He's probably bored tonight that's why. Oh, wait? May girlfriend ba siya? O asawa? Hindi ba iyon magagalit?

Nilingon ako ni Ysmael at kahit sa pag lingon niya ay nagulat pa ako. Napatalon ako ng bahagya kaya uminit ang pisngi ko sa hiya. He didn't mind. It's like it's a usual reaction of anyone.

"Let's go?" Aniya.

Tumango ako at tinuro ang parking lot. "Dala ko ang sasakyan ko."

Tumango rin siya. "Babalikan natin 'yan dito mamaya."

"Okay." Sambit ko at nagsimula nang pumanhik kasama siya.

May isang guard na lumabas sa kanyang sasakyan at agad binigay sa kanya ang susi. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa front seat. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti at magpasalamat bago pumasok sa loob. Umikot siya at pumasok na rin sa driver's seat. Inayos ko ang aking seatbelt. Ganon rin ang ginawa niya sa kanya.

"Again, Meg, I'm sorry for being rude to you that day. I got stressed at marami akong iniisip." Aniya sa walang emosyon habang nag dadrive.

"No worries. I understand. And also, I am rude to you too. Dapat ay iginalang ko na boss ka namin. Ano na lang ang sasabihin ng iba pag tinawag kita sa pangalan mo like we're friends." Wala sa sarili kong sinabi.

Sinulyapan niya ako. "You're still that same old Megan. Some things never change, huh?" Ngumiti siya sa daan.

Tinitigan ko siya. "And you... changed a lot. But it's a good change naman." Ngiti ko. "By the way, hindi ba magagalit ang girlfriend o asawa mo na isinama mo ako ngayon sa dinner? You should have called her or maybe let her join us too?" I suggested.

Bahagya siyang tumawa. "I don't have a girlfriend or a wife, Meg. I'm sorry to disappoint."

"Oh?" Gulat kong reaksyon. "That's impossible, Mr. Aboitiz. Sa gwapo mong iyan at sa pagiging successful mo? Two things? It's either you got hurt a lot by your past lovers or you're gay!" Humagalpak ako ngunit nasa gilid ng tono ko ang biglaang takot na baka masamain niya ang sinabi ko. "I'm sorry."

Nagtaas siya ng kilay. "First, you can call me Ysmael when we're alone. Sa opisina mo na ako tawaging Mr. Aboitiz. Second, I'm not hurt or gay, Megan. Kung gusto mo ay ngayon agad ko papatunayan sa'yo na hindi ako bakla... or hurt. I just don't really like committments at the moment. It's been five years since I had my last girlfriend. Kuntento naman ako sa wala ngayon. Mas malaya ako at iwas stress."

"Oh... You must've dated the wrong girls. Dapat ay nakakatanggal ng stress ang lovelife, hindi nakakastress." Lumipad ang isipan ko kung saan kaya pinilig ko ang ulo ko para maibalik sa ngayon.

"I guess you're right." Itinigil niya ang sasakyan sa isang mamahaling strip ng mga restaurant. Iginala ko ang paningin ko doon habang tinatanggal ang seatbelt. "We're here."

Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Nilagay ko ang aking bag sa aking balikat at nilingon siya. Pinasadahan niya ng tingin ang mga restaurant at tumigil ito sa isang malapit lang sa amin.

"Let's go..." Aniya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Okay." Sabi ko at sinundan na rin siya.

Pagkapasok namin sa restaurant ay may sumalubong agad na waiter na naglahad sa aming table for two. Dumiretso si Ysmael doon habang inaayos ang kanyang relo. He looked too corporate for me. Kahit sa black pencil cut skirt at white top ko ay hindi ako nababagay bilang kasama niya sa lugar na ganito. Itinaas niya ang kanyang kamay at agad may nagpuntang waiter para sa menu.

"What do you want, Meg?" Tanong niya habang binibigay na rin sa akin nong waiter ang isa pang menu.

"I'm fine with Swedish Beef Stew and pineapple juice."

Naabutan ko ang matalim niya tingin sa akin. Naiilang akong ngumiti pagkatapos ay bumagsak ang tingin niya sa menu. "Two of that, please." Sabay bigay niya ng menu sa waiter.

"Wine sir?" Tanong ng isa pang waiter habang may dala dalang mamahaling wine.

"Yes please." Ani Ysmael habang pagkatapos ay nagsalin ang waiter na iyon sa aming mga wine glass. Natuon ang tingin niya sa akin. "I hope you drink wine?"

"Yes. Sure." Tumango ako at kinuha ang wine glass para sumimsim doon.

Nang tumama ulit ang tingin ko sa kanya ay napansin ko ulit ang kanyang paninitig. Bahagya akong ngumiti.

"So how is Megan Marfori after all those years?" Tikhim niya.

"As you can see, Ysmael. I'm not as successful as you. Unti unti pa lang gumagawa ng pangalan. How about you?" Nagtaas ako ng kilay.

"Oh you really know how to flatter a man. I am not yet successful. My father is successful kaya ko naabot ito. And you are a Marfori... you should be successful."

Umiling ako. "No. Gusto ko ring paghirapan ang lahat bago ko makuha ang success na hinihingi ko. Still a long way to go. Gusto kong maging kagaya mo."

Hawak hawak niya ang wine glass habang mabigat ang tingin sa akin. "I expect you have a boyfriend?" Nagtaas siya ng kilay.

Tumawa ako. "I don't have one."

"Oh... You've got to be kidding me." Matamis ang kanyang ngiti. Napangiti rin ako. "Habulin ka ng lalaki noon."

Nanlaki ang mata ko. "Hindi ah!"

"Well, hindi mo siguro makita dahil may iba kang gusto."

Napawi ang ngiti ko habang umiiling. "That was a long time ago, Ysmael."

Nagkibit balikat siya at uminom ulit galing sa wineglass. Hindi siya makatingin sa akin.

"I know this is long overdue but I'm sorry..." Tumingin ako sa wineglass ko bago ko ibinalik ang mata ko sa kanya. Hindi parin siya makatingin sa akin. "Hindi ako nagpaliwanag ng maayos sa iyo noon." Tinikom ko ang bibig ko sa takot na baka mabanggit ko ang pangalan ng isa pang tao.

"That was nothing. Matagal na iyon. At isa pa, alam ko namang wala akong chance sayo. You were too passionate and your eyes was only for Zeus." Tsaka pa lang siya napatingin sa akin.

"Noon yon." Mariin kong sinabi dahil iyon ang pinaniniwalaan ko ngayon. Definitely.

Nagkatitigan kaming dalawa. Tsaka lang naputol iyon nang dumating na ang order namin. Nagtawanan na lang kaming dalawa habang pinag uusapan iyong mga nangyari nong high school. Not bad. Pagkatapos naming kumain ay may tumawag sa kanya na board member kaya natigil kami sa pag alaala ng mga nangyari nong high school. Pagkatapos ay nag desisyon na kaming bumalik na sa building.

Masayang kasama si Ysmael. Kahit na hindi ko maiwasan ang pagkakailang dahil siya ang boss ko pero tuwing binabalikan namin iyong nangyari nong high school, iyong sayaw namin, at iyong lahat ng mga alaala ay gumagaan ang loob ko. Tumunog ang kanyang cellphone at kinailangan ko ulit manahimik dahil sasagutin niya iyon.

"Hello?" Matigas ang boses niya. "Yes. I will be there tomorrow night." Tumigil siya at niliko ang sasakyan sa building. "Maghahanap ako ng empleyadong ise-send ko. Just give me the details, Fiona. Thank you." Binaba niya ang cellphone niya at sumulyap sa akin.

Tipid akong ngumiti habang kinakalas ang seatbelt.

"I'm sorry for the calls. Hindi maiiwasan sa trabaho."

"It's alright. Naiintindihan ko naman. Nahihiya nga ako baka ako pa ang nakakaistorbo sa trabaho mo."

"No... Hindi naman ganon. Shall I walk you to your car?" Nagtaas siya ng kilay.

"Naku! I'm fine. Wag ka nang mag abala."

"Don't reject me, Megan." Mariin niyang sinabi at bumaba para pagbuksan ako.

Humagalpak ako dahil sa kanyang ginawa. Hindi ako sigurado kung paano siya pakikitunguhan. Shall I treat him like my boss or my friend?

"Nakakatawa ba ako?" Mariin niyang sinabi.

Napawi ang tawa ko. Pinigilan ko ang sarili ko. Nagmukha ulit siyang galit.

"Are you mocking me?" Tanong niya.

"Nope, Mr, Aboitiz." Sabi ko.

Ngumuso siya. "Then let's go... Stop the cute laughs." Ngiti niya.

Kinagat ko ang labi ko at nilahad niya ang daanan. Kitang kita ko kung paano tumingin ang mga security guards sa amin. Sabay kaming naglakad patungong parking lot. Para akong lumulutang sa ere at hindi ko malaman kung naiintimidate ba ako o ano.

"I won't be around the office starting tomorrow. May conference ako until Friday. But can I still buy you lunch?" Tanong niya.

Pinindot ko ang car alarm bago siya nilingon. "Wag ka nang mag abala."

"I told you, Megan. Don't reject me." Banta niya.

Napangiti ako. "If that's what you want, Mr. Aboitiz. But seriously, Ysmael, nakakahiyang bigyan ng lunch ng boss."

"That's what I want. Unless may ibang nagbibigay sayo ng lunch."

"Wala no. Who would?"

"I don't know. So... I can buy you lunch? Ipapahatid ko sa sekretarya ko." Ulit niya.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ko at pumasok ako sa loob. Binaba ko ang salamin para makausap siya.

"Okay, Mr. Aboitiz."

"And..." iginala niya ang kanyang paningin sa aking sasakyan. "Wag mong dalhin 'tong sasakyan mo sa Biyernes. I want another dinner with you pagkabalik ko. Ihahatid kita sa inyo pagkatapos."

Kumunot ang noo ko sa gulat pero inunahan niya na ako.

"No rejections." Ngisi niya.

Huminga ako ng malalim tsaka tumango. "As you wish, Mr. Aboitiz."

"Very good. Take care, Megan." Pagkatapos niyang sambitin ito ay tinalikuran niya kaagad ako.

Mabilis ang kanyang lakad pabalik sa building nang di ako nililingon. Nanatili ang titig ko sa kanyang malapad na likod at sa all black niyang suit. He is refreshing. Thank you, Ysmael.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #elizalde