Kabanata 36
Kabanata 36
Let's Do This
Sa kalagitnaan ng pag gawa ko sa pangatlong project ay nakatulog ako. Unti unti na lang bumukas ang mga mata ko para maaninag ang oras na alas nuwebe at halos kalahati pa lang ang natatapos ko sa project na iyon.
Kinusot ko ang mata ko at pinag isipang mabuti ang pag uwi na sa ganitong oras. Pinukpok ko ang ulo ko nang may naalala.
"Holy shit! Hindi ko nga pala dala ang sasakyan ko! I need to freaking go." Sambit ko pagkatapos ay tinitigan ang screen ng computer.
Wala na doon ang ingay kanina ng mga ka officemate ko. Pag andar na lang ng aircon ang natitira at ginugulo ako ng utak kong kakapanood lang ng horror movie.
Sa aking screen ay sumisigaw ang project na tapusin muna bago umalis. Nagmura ulit ako at nagdabog. Pinagsisisihan ko ang pagtulog kanina. Narinig kong kumalam ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako nakakakain!
Bumaling ako sa teleponong nasa kabilang cubicle. Ni dial ko ang numero ng security sa baba nitong building. Dalawang palapag lang ang pag aari ng kompanya at nasa pang siyam na floor ako. Magtatanong lang ako kung may taxi pa bang pumaparada sa baba ng building. Siguro naman ay mayroon. Ang alam ko ay may call center sa ilang palapag nitong building at madalas umuwi ng disoras ang mga nagtatrabaho doon.
"Hello?" Pumikit ako, medyo inaantok parin.
"Yes, ma'am." Sagot nong security.
"Megan Marfori po ito ng Aboitiz. May taxi pa po kaya ngayon diyan?" tanong ko.
"Meron po, syempre. Magpapatawag ho ba ako?" Tanong niya.
"Wag na muna. Hindi ba iyan nauubos, manong?"
"Hindi po," sagot niya.
"Sige po, salamat." Sabi ko at binaba na ang telepono.
Kinuha ko ang kulay dark blue kong mug at nag bukas ng isang instant coffee. Kaya ko pa naman siguro. Naglakad ako patungo sa water dispenser na hindi naman kalayuan sa mesa ko. Namataan ko pa doon ang isa kong officemate na nakangangang tulog sa kanyang swivel chair.
At least, I'm not the only one.
Pinuno ko iyong mug at hinalo ko iyong instant coffee. Binalot agad ng amoy nong kape ang buong room. Sumimsim ako ng kaonti, natatakot na mapaso. Sa pag simsim ay naalala ko na naman ang nangyari kanina bago ako dinalaw ng antok.
"Stupid, Meg." Iling ko habang naiisip ang malamig na tingin ni Ysmael sa akin.
Inubos ko ang kalahating oras sa pag iisip kung ano nga ba talaga ang nangyari noon. Nang naalala ko na ang huli naming alaalang mag kasama ay iyong kinaladkad ako ni Noah palabas sa classroom at hinalikan kung saan ay naisip ko kung gaano ako ka walang pakealam sa pakiramdam ni Ysmael. Hindi nga pala ako nakapagpaalam ng maayos o hindi ko man lang siya na itext at humingi ng dispensa sa nangyari! But he can't be that affected right? Na hanggang ngayon ay iyon parin ang ikinagagalit niya sa akin? Come on, that was ages ago!
Pinilig ko ang ulo ko at napagtanto kong nag aaksaya ako ng panahon para sa wala. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko at hanggang sa natapos ko iyon. Quarter to twelve nang natapos ko ang pangatlong project. Nag ligpit agad ako ng gamit para makaalis na doon. Inisip kong kumain muna sa cafeteria sa baba ngunit mas gusto kong umuwi kesa kumain kaya napagdesisyunan ko rin sa huli na sa bahay na lang ako kakain.
Chineck ko ang cellphone ko at nakita kong may ilang message doon si Stan at Everlyse na hindi ko pa nababasa. Nang babasahin ko na sana ay namatay ito dahil na lowbat. Umiling ako at nagsimula nang manikop ng gamit para makaalis na.
Kinuha ko ang jacket kong nasa likod ng swivel chair at agad itong sinuot. Ang nakapusod kong buhok ay nilugay ko, naghahanda sa malamig na klima sa labas. Madaling araw na kaya panigurado ay malamig.
"Magandang gabi. Alis na po ako." Ngiti ko sa guard ng palapag.
Nakipag biruan pa siya sa akin bago ako tuluyang dumiretso sa elevator para makababa na. Halos makatulog ako sa byahe pababa. Nang bumukas ito ay nagpaalam na rin ako sa reception at sa mga guards doon. Lumabas agad ako ng tower para makahanap ng taxi. Magpapatulong sana ako sa security pero nakita kong marami namang nakaparadang taxi sa tapat at kaya ko namang pumara ng isa.
Lumabas ako ng building at bumaba sa hagdanan para pumara na. Nanuot ang lamig sa aking balat kahit na may suot akong jacket.
Nag angat ako ng tingin para makahanap ng taxi nang sa tapad ng mga nakaparada ay nakita ko ang isang pamilyar na kulay pulang pick up at sa labas nito ay may lalaking nakahilig sa pintuan at nakapamulsa.
Malamig na tingin ang kanyang ibinigay sa akin. That usual and very familiar intense eyes. Why is Noah here? At anong ginagawa niya at ginagamit niya ang sasakyan nina Everlyse? Where is his BMW? At sino ang sadya niya sa building na ito?
Napaawang ang bibig ko sa gulat. Tumayo ng maayos si Noah at uminuwestra ang sasakyan. Sinusundo niya ako? Ngumuso ako at lumapit ng dahan dahan. So much for cutting the cords. Great! Kaninong ideya ito?
"Lasing na sina Stan at iyong iba. Pinapasundo ka nila," aniya nang hindi nakatingin sa akin.
Tumango ako. "Sila talaga. Inabala ka pa. Pwede naman akong mag taxi." kumunot ang noo ko. "Tsaka sa bahay naman ang uwi ko."
"Gusto ni Stan na doon ka umuwi sa bahay nila," aniya.
Kinagat ko ang labi ko. That asshole is going down! At hindi ko alam na utusan na pala ni Stan si Noah ngayon?
Binuksan niya ang pintuan sa front seat para sa akin. Napatingin ako sa kanyang mga mata.
"Asan ang sasakyan mo?" Tanong ko.
"Nasa bahay nina Stan." Nagtaas siya ng kilay at iminuwestra ulit ang loob ng sasakyan.
"Okay." Sabi ko at dumiretso sa loob.
Kumalabog ang puso ko habang umiikot siya patungong driver's seat. Hindi ko alam kung paano siya pakikitunguhan ng maayos pagkatapos ng nangyari. Gusto kong magtanong kung paano siya napapayag ni Stan na sunduin ako gayong panay ang iwas niya sa akin nong huli kaming magkita. Halos mandiri siya sa akin kaya lagi niyang pinapagitna si Coreen. And it hurts so much to think about it again right now. Hindi ko na nakayanan ang magsalita pang muli habang naiisip ko iyon. Ayaw kong magkamali sa mga sasabihin ko. I want to keep it casual between us.
Pinaandar niya ang sasakyan at wala akong ginawa kundi manahimik. Tumingin ako sa labas at pinanood ko kung paano umandar ang ibang sasakyan. Medyo malayo ang bahay nina Stan at Everlyse kaya paniguradong mahabang biyahe ito ng katahimikan.
Tumigil ang sasakyan dahil sa red light. Kumalam ang sikmura ko kaya napahawak ako doon habang nakatingin sa labas.
"Kumain ka na ba?" Nagulat ako sa tanong ni Noah at kumalabog ang lintik kong puso.
"Uhm..." Nag isip pa ako kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. "Hindi pa."
"Gusto mong bumili muna tayo ng pagkain?" Tanong niya.
Hindi ako makasagot. Pakiramdam ko ay sa sobrang pagkamangha sa ginagawa niya ay mauutal ako kung sasagutin ko siya. Dahil sa sobrang lupit niya sa akin ay ang mga simpleng actions niyang ganito ay big deal sa akin.
Nagkibit balikat ako at tumango. "Pwede nang fastfood. Para pagdating kina Stan ay matutulog na ako. Ayos lang?" Tanong ko habang nililingon ang nakikita kong malapit na fast food.
Hindi siya sumagot pero diniretso niya sa drive thru ang sasakyan. Nang tanungin kung anong kukunin ay nilingon niya ako.
"Burger and fries." Sabi ko at nilingon niya agad iyong babae.
"'Yon ang gusto niya," ani Noah.
"Okay po, sir." Sabi ng babae at bago pa ako makakuha ng wallet ay binigay niya na sa babae ang isang kulay gold na card.
"Thanks," aniya at pinaandar ang sasakyan para makuha na iyong inorder.
Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ng babaeng nag abot sa kanya ng order pero wala siyang ginawa kundi baliwalain ito na para bang robot lang iyong nagbibigay sa kanya non at wala itong buhay.
"Here." Aniya at binigay iyon sa akin.
"Thanks." Sabi ko at kaagad nilantakan ang fries. Hiyang hiya pa ako at gusto kong mag alok sa kanya kaya lang ay sa seryoso niyang mukha ay pakiramdam ko hindi niya rin ako papansinin.
"Ganitong oras ka ba lagi umuuwi?" Tanong niya habang kumakain ako.
Nginuya ko ang fries at uminom muna ng softdrinks bago bumaling sa kanya para sumagot. Sa bawat pag ikot ng sasakyan at iniikot niya rin ang manibela. Ang itim niyang t shirt ay nakayakap ng mabuti sa kanyang katawan at braso dahilan kung bakit pormadong pormado ito. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa bawat pag higpit ng kanyang braso.
"Hindi naman. Ngayon lang kasi may project." Sabi ko at malaking pagtataka parin sa akin na kinakausap niya ako ngayon gayong hindi naman siya madalas na ganito.
Ilang sandali ang nakalipas ay nanahimik na ulit kaming dalawa. Hindi na rin ako nagtangkang magsalita dahil baka tama ako at ayaw niya nga akong kausap. Napipilitan lang siya. Maybe he wanted us casual too...
Niliko niya iyon sa isa mas mabilis na daan patungo kina Stan. Wala masyadong dumadaang sasakyan sa kalsadang iyon at residential iyon ngunit wala pa masyadong bahay kaya medyo tahimik. Sa malayo ay kita ko ang dagat. Doon ko tinoon ang tingin ko nang biglang tumigil ang sasakyan at napamura si Noah.
"Anong nangyari?" Tanong ko habang pinapaandar niya ulit ang makina.
Hindi siya sumagot. Pinanood ko ang pagpapaandar niya ngunit nang sa dalawang ulit ay hindi nagtagumpay ay hinampas niya ang manibela. "Fuck!" Aniya at lumabas.
"Noah, nasiraan tayo?" Tanong ko at tiningnang mabuti ang guage. Marami pa namang gas kaya malamang ay sira nga ito.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at nilagay niya iyon sa kanyang tainga. Lumipat ako sa driver's seat at sinimulan ang pagpihit ng susi nang sa ganon ay makatulong sa pag papaandar.
"Nasiraan kami." Dinig kong sinabi ni Noah habang binabanggit kung saang parte kami ng mundo. "Fuck you, Stan! Puntahan niyo kami dito! I told you I should use my BM- Fuck!" Sigaw niya.
Nilingon ko si Noah at nakita kong halos basagin niya ang kanyang cellphone. Kinagat ko ang labi ko at kitang kita ko kung gaano siya ka frustrated ngayon. Bumaling siya sa akin.
"Can you call Everlyse?" Aniya.
Umiling ako. "Low bat ako." Sabay pasada ko ng tingin sa ilang malalaking bahay sa kaliwang bahagi ng daanan. "Siguro pwedeng manghingi tayo ng tulong. Kumatok kaya ako sa mga bahay na 'yan?" Sabi ko sabay turo doon.
Bumaling siya sa mga malalaking bahay bago bumalik sa akin para umiling. "Wag na. Sinabi ko na sa kanila kung saan tayo. If your cousin really cared for you, he'll be here any minute now." Nakapamaywang siya habang tinitingnan ang tahimik na daan.
"Uh, ba't di mo kaya itulak tapos subukan kong paandarin?" Tanong ko.
Bumaling siya sa akin at tumango. Medyo natagalan ang pagtitig niya sa akin bago niya biglaang hinubad ang kanyang itim na t shirt. Halos mapapikit ako sa biglang ginawa niya.
All his damn muscles in their fucking glory is in front of me. God damn it! Bahagya niyang hinagis ang kanyang t shirt sa tabi ko at naamoy ko kaagad ang bango nito.
"Okay, Megan, let's do this." Aniya at nagmartsa patungo sa likod habang napailing ako. Nilagay ko ang aking kamay sa noo.
"Thanks a lot, Noah." Sarkastiko kong binulong sa sarili ko.
"Ano? Ready?" Sigaw ni Noah sa likod.
"O-Oo! Mag bilang ka!" Shit.
"Alright." Aniya. "Ready? One, two, three!"
Pinaandar ko kaagad ang sasakyan habang tinutulak niya ito. Natataranta ako dahil malakas ang pagkakatulak niya pero isang tunog lang ng makina ay nawala ulit iyon. Kinagat ko ang labi ko.
"Let's try again." Aniya. "One, two, three..."
Pinaandar ko ulit. Ngayon ay mas matagal na ang tunog pero namatay parin. He cursed. Kinagat ko ang labi ko.
"Ulit." Sabi ko.
"O sige... One, two, three."
Ngayon ay narinig kong namatay ang makina sa unang tunog. Walang pag asa. Stan should be here anytime soon. Dalawang beses pa namin iyong sinubukan ngunit wala paring nangyari. Mas lalo lang lumapit ang sasakyan sa gilid ng boulevard.
Binuksan ko ang pintuan at ang tanging naiisip ko ay ang pagkakairita na siguro ni Noah dahil nandito kami ngayon sa ganitong sitwasyon. He hated me so much. He's annoyed with me and yet we're together right now! Gaano kaya siya ka iritado ngayong nandito kami at anong magagawa ko para lang maalis kami sa sitwasyon?
Hinihingal at pawis siya nang lumapit sa driver's seat. Dalawang beses ko siyang sinulyapan lang habang hinahawakan niya ang pintuan ng sasakyan at hinahabol ang hininga. Medyo basa ang kanyang buhok sa pawis. His pants are hanging low on his Adonis' belt. Ilang mura na ang ginawa ko sa aking utak. I should stop this! So much for moving on, Megan Marfori!
"Uhm, maghahanap ako ng tindahan o taong gising pa sa daan. Baka sakaling makapag charge ako o baka makahiram ng cellphone."
Malamig ang kanyang tingin na bumaling sa akin. "No. You stay there." Aniya.
"Hindi tayo makakaalis dito pag di tayo gumawa ng paraan." Paliwanag ko.
"Stan's probably coming. Delikado." Wika ni Noah.
Tiningnan ko ang pintuang nakabukas kung saan siya naka tayo. Mabilis akong lumabas at bahagya siyang napatabi sa ginawa ko. Tinuro ko iyong may iilang ilaw na mga bahay. Hula ko ay may tindahan doon.
"Pupunta ako don." Sabi ko.
"Ang tigas ng ulo mo, Marfori." Pinasadahan niya ng kanyang palad ang kanyang medyo basang buhok.
"It's for us, Noah." Giit ko.
"Malayo 'yan. At isa pa, papunta na iyong pinsan mo dito. We can just wait inside the car." Aniya.
"Pwede ring hindi na tayo mag hintay at gumawa na lang ng paraan." Sabi ko at tinalikuran siya para dumiretso na sana doon nang bigla niya akong hinatak pabalik.
"I said, we'll wait." Mariin niyang sinabi. "Delikado!"
"Oh come on, Noah. I know you're annoyed with the whole situation! Pakawalan mo ako at tayong dalawa rin naman ang makikinabang!" Napataas ang boses ko.
Nagtaas siya ng kilay. "Pano kung may masasamang loob diyan? Gusto mo bang makulong ako dahil nakapatay ako ng tao?"
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Pinilig ko ang ulo ko para mapigilan ang iba't-ibang mga tanong sa utak ko.
"Are you kidding me? Baka tayo pa ang mapatay." Sabi ko.
"Kaya nga hindi kita pinapayagan diba? Get in the car, Megan," Muwestra niya sa sasakyan, nagbabanta sa akin.
"Noah-"
"I said, get in the car right now." Mariin niyang ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro