Kabanata 31
Kabanata 31
Sick Fetish
Ilang sandali akong hinawakan ng mahigpit ni Noah. Kahit sa mga tanong at salita ni Everlyse ay hindi ko naialis ang paningin ko sa kanyang kamay na nakahawak sa aking pulso. Pinaalis ng mga bouncer ang nanggugulong lasing samantalang naramdaman ko ang ingay galing sa stage.
"Megan!" Naririnig ko ang frustration sa boses ni Joey.
Nilingon ko siya sa pagtataka sa naging reaksyon niya. Saktong paglingon ko ay binitiwan ako ni Noah kaya napalinga ako kung kanino ba dapat nakatoon ang atensyon ko.
"Bakit mo ginawa iyon?" Tumaas ang boses ni Joey na ikinagulat ko.
Natoon ang buong atensyon ko sa kanya at kitang kita ko ang frustration at iritasyon. Malamig rin ang titig ni Warren sa akin ngunit nang tapunan niya ng tinging ganon si Noah ay mas lalo lang akong nalito.
"Joey, don't start-" Pumagitna si Everlyse na agad itinabi ni Joey.
"Nag peperform kami!" Ani Joey sa akin. "Noah! Nag peperform tayo, dude!"
"I'm not blind. Alam ko." Sarkastikong sinabi ni Noah.
"E, alam mo naman pala? Bakit bigla ka na lang umalis!? Ngayon nagtatanong sila kung talaga bang propesyunal tayo!" Sigaw ni Joey. Ngunit sa kalagitnaan ng pagsasalita niya ay tinalikuran kami ni Noah.
"Calm down, Joey." Sabi ni Wella ngunit hindi makalmante si Joey. Kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata lalo na nang binalingan niya ako. "This is your fault, Meg."
"Kung bakit ba kasi patay na patay ka kay Noah. You'll do everything to get his attention! Now you got it, I hope you're happy." Dagdag pa ni Warren.
"Sandali nga, ano bang problema ninyo?" Tanong ko habang hinahawakan ang braso ni Warren para mapigilan siya sa pag alis.
Nakita kong kalmado naman si Liam habang kinakausap si Joey. Ngunit iritado si Joey at nagdadabog pa. Nilapitan siya nina Thea at kinausap na rin. I can't find Noah in here too.
"Tatlong scout ang narito para sa gig na ito, Meg. Tinalikuran kaming lahat dahil sa pag alis ni Noah ng bigla sa finale!"
"E si Noah ang pagalitan ninyo, Warren! Bakit kay Meg ang bunton ng lahat?" Pabulyaw na sinabi ng naiiritang si Everlyse.
Bumaling si Warren sa akin at matalim ang kanyang tingin. "Alam mong walang gusto si Noah sayo. Are you that desperate, Meg? Ipapakita mo 'yong dibdib mo sa ibang tao para mabastos ka at makuha ang atensyon ni Noah?"
Suminghap ako sa kaliwanagan sa mga iniisip nila. "Hindi-"
"Alam kong alam mong mahal ni Noah si Coreen. Alam nating lahat iyon. Alam namin dahil nandito kami nong wala ka at alam ko kung gaano niya kamahal si Coreen kaya tumigil ka na sa pagiging desperada! Wala ka ng pag asa! He's in love with Coreen and it's irrevocable! Respect that! Nakakawalang respeto ka."
Imbes na tatapusin ko iyong sasabihin ko ay hindi ko nagawa. Nanuot sa aking sistema ang mga sinabi ni Warren. Nakatayo ako roon na gulat sa lahat ng narinig galing sa kanya. Hindi dahil mahal ni Noah si Coreen kundi dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na nagalit siya sa akin ng ganito.
"Wala kang karapatang sabihin sa kay Megan 'yan-"
"Totoo naman, Everlyse. You know that. Bakit mo sinusuportahan si Megan? Alam kong alam mo na wala siyang pag asa. Kung manhid siya sa pagwawalang kibo ni Noah sa kanya ay panigurado namang hindi ka ganon!"
"Kung wala talagang pakealam si Noah sa kanya, bakit niya pinutol ang kanta niyo para lang sa kanya?" Nakahawak na si Carlos sa mga braso ng iritadong si Everlyse.
"Dahil syempre ay kilala niya si Meg! Kahit sino naman siguro ay susugod pag nabastos ng ganon!"
"Tama na, Warren!" Sabi ni Liam habang tinatapik ang balikat nito.
May mga sinasabi pa si Everlyse ngunit tumulong na ako kay Carlos para mapaalis siya doon. Ni hindi ko na nilingon sina Wella para makapag paalam. Sa iritasyon ni Everlyse ay kinailangan na namin siyang mapalabas sa restobar na iyon kung hindi ay mag aaway lang sila lalo ni Warren o ni Joey.
"Nakakabwisit lang! Bakit sayo lahat ang sisi? Hindi ba dapat ay si Noah ang sisihin nila! Wala namang nag utos kay Noah na sumugod doon!" Sabi ni Everlyse at sabay pa ng kanyang mga hand gestures ang kanyang pagsasalita. Tinuro niya ako. "At ikaw naman, Meg. What the heck was that? Bakit mo ba pinakitaan ng dibdib iyong lasing at baliw na iyon? Kung hindi kita kilala ay talagang maiisip ko rin ang mga paratang nina Warren at Joey sa iyo!"
"Lyse, pinakita ko sa kanya ang tattoo ko!" Sabi ko.
"Oh great!" Umirap siya. "Para saan naman? To prove to him that you're owned by someone?"
Hindi ako nagsalita. Naghintay siya ng kumpirmasyon.
"To prove to him that you are owned by someone!" Panigurado niyang sinabi. "Nahihibang ka na! You should say sorry to Warren, Joey, and Liam! Maging kay Noah! Alam kong nainis sila sayo dahil sa nangyari para sa banda nila! Malaking bagay iyon para sa kanila. Naiinis din ako sa kanila dahil sa mga paratang nila sa iyo pero galit sila sayo."
Tumikhim ako. "I know, Lyse. I'm sorry. Hindi ko naman alam na ganon ang gagawin ni Noah." Ngimiwi ako. "Hindi ko alam na magkakagulo."
"God!" Hinawakan ni Everlyse ang kanyang noo at niyakap lang siya ni Carlos.
Nagkatinginan kami ni Carlos. Blanko ang kanyang ekspresyon habang hinahapos si Everlyse. Ngumuso ako at natulala.
"Mag so-sorry lang ako sa kanila." Sabi ko at hindi na umimik si Everlyse. Tinalikuran ko silang dalawa para bumalik sa bar.
Pagkapasok ko roon ay umalingawngaw na ang trance music sa buong bar. Luminga ako para hanapin si Noah. Gusto ko sanang magpasalamat ang mag sorry sa nangyari ngunit hindi ko siya mahanap. Maybe he's with Coreen. Siguro ay umalis siya kanina para hanapin si Coreen at ngayon ay magkasama na sila.
Dumiretso na ako sa table kung nasaan sina Joey at Liam kanina. Namataan ko doon sina Wella na kausap nila. Medyo may tensyon paring naroon. Ang ikinagulat ko ay ang pag kakaupo ni Noah sa gitna ng sofa. Nakahilig ang ulo niya roon at nakapikit ang mga mata. Pinasadahan ko ng tingin ang mga babaeng naroon at wala akong nakitang Coreen. Where is she? Umalis na ba?
Nang nakita ako ni Wella sa likod ay napatingin na rin sa akin si Warren at Joey. Nakita ko parin ang iritasyon sa kanilang mukha. Kinagat ko ang labi ko at pinaglaruan ang kamay ko habang papalapit.
"I... uhm... I'm sorry." Sabi ko.
Mabuti na lang at kahit maingay ay naririnig parin naman ako. Nasa huling sofa kasi sila at malayo don sa naglalakihang stereo sa unahan.
"Asan sina Everlyse, Meg?" Tanong ni Wella nang walang nagsalita.
"Nasa labas." Sabi ko at nilingon agad si Joey at Warren.
Nanatiling ganon ang posisyon ni Noah. Hindi man lang dumilat nang narinig akong nagsalita. Nakita ko ang nakalapag na iilang hard liquor na nasa kalahati na. Jim Beam and Absulot in one table. Maybe he's drunk?
"Upo ka." Sabi ni Thea at tinapik ang kanyang tabi.
Iiling na sana ako dahil hindi rin naman ako magtatagal pero sa kanilang pagwawalang imik ay tingin ko ay hindi ko pwedeng madaliin ito.
"I'm really sorry. Hindi ko naman alam kasi na ganon ang mangyayari." Sabi ko.
Inangat ni Warren ang kanyang tingin sa akin. Ang makapal niyang kilay at madilim na tingin ay mas lalong nagpalamig sa nararamdaman kong pisikal na ginaw sa buong bar. Napalunok ako. "I'll try my very best to... uhm... insert your music sa Moon Records. Napansin na rin naman kasi kayo ng scouts kaya hindi na mahihirapan-"
"Kung bakit ka ba kasi nagpapakita ng katawan sa ibang tao." Usal ni Noah habang nakapikit. "Wala ka bang delikadeza?" Dumilat siya ng bahagya at kitang kita ko ang pagpupungay ng mga mata niya.
Napalunok ako. Naghahanda ako sa masasakit na salitang maari niyang sabihin ngunit hindi niya itinuloy. Nagsalin siya ng Jim Beam sa kanyang baso.
"Bakit nandito ka pa, Meg? Dapat ay umalis ka na. If his Coreen will see you here, baka masira lang ang diskarte ni Noah." Ani Warren.
Ngumuso ako at bumaling kay Joey na hindi man lang magawang tumingin sa akin. Parang may kumukurot sa puso ko ngunit pinanatili ko ang ekspresyong kanina ko pa hinahawakan. "I'm sorry, Joey. Hindi ko alam na mangyayari 'yong kanina. Sorry sa mga na disappoint niyong mga ano..." Nabasag ang boses ko. Hindi mahanap ang tamang salita.
Walang nakapansin sa pagkakabasag nito. Lahat sila ay hindi makatingin sa akin. Si Warren lang ang nagtityagang tumingin sa akin.
"mga... ano... scouts." Dugtong ko.
"Kung di mo 'yon ginawa." Ngumiwi si Joey. "Bakit mo nga ba kasi iyon ginawa? Sobra sobra na ba talaga yang pagiging desperada mo, Meg?"
Kinagat ko ang labi ko at pinilit na hindi humikbi. Umiling ako. "May nambabastos kasi kanina. May ipinakita lang ako." Hindi ko masabi ng diretso. Hindi naman kasi iyon dapat pinagmamalaki o kahit sinasabi sa ganitong panahon. I would rather keep it to myself right now but I need to explain my side.
"Ano? 'Yong dibdib mo?" Sabi ni Noah at nilagok 'yong shot.
Nakita ko sa mga mata niya ang pagkakalasing na. Alam kong malupit si Noah at paniguradong mas lulupit siya ngayon dahil walang preno ang kanyang bibig sa alak.
"'Yan ang ipinapakita mo pag may nambabastos sayo? Para saan? Para mas lalo kang mabastos."
Nanlaki ang mata ko at umiling. "Sinabi ko sa kanya na may boyfriend ako. Para lubayan ako. Gumagana ang excuse na iyon sa States-"
"Oh don't give me that shit." Natawa pa si Noah.
"Meg, just go home." Sabi ni Warren.
"Warren, hayaan mo si Meg." Sambit ni Thea.
"I have tats." Hindi ko masabi ng maayos. Natagalan pa ako sa paghahanap ng paraan para banggitin iyon. "Pangalan. I told him may boyfriend na ako at ito 'yong pangalan ng boyfriend ko. Nasa tattoo ko."
"Sino naman ang boyfriend mong tinutukoy mo?" Nagtaas ng kilay si Warren.
"Si Noah." Maliit ang boses ko at bumagsak ang tingin ko sa aking mga daliri. Hindi malaman kung paano ko ipapaliwanag ang lahat.
Tumawa pa siya ng bahagya. "So your tattoo is Noah's name? Is that what you are saying?"
Tumango ako nang hindi siya tinitingnan.
"Really, Meg?" Tanong ni Wella.
"Wag mo akong patawanin, Meg. You can't possibly..." Hindi tinuloy ni Joey pero nakita ko sa kanyang mukha ang pagtataka.
"I have Noah's name on my upper abdomen." Ngumiwi ako.
Nag angat ng tingin si Noah sa akin. Malamig iyon, as always. Hindi na ako makatingin sa kanya ng maayos.
"I don't believe you." Sabi ni Noah.
Hinawakan ko ang shirt ko at unti unting tinaas iyon hanggang sa naipakita ang buong pangalan ni Noah Elizalde sa aking tiyan.
"Oh my God!" Dinig kong alma ng ilang mga babae.
Tumawa si Joey at umiling. "This is driving you crazy, Meg."
Humilig si Warren at nakita ko ang pag pikit niya.
Nanlalaki ang mata ni Noah kahit na binaba ko na ang aking shirt. Huminga ako ng malalim.
"Nahihibang ka na ba?" Angat ni Noah ng tingin sa akin.
"Meg, nag iisip ka ba? Bakit..." Hindi matapos tapos ni Warren ang kanyang sinasabi.
Tumatawa pa si Joey at dinig ko ang panunuya sa kanyang boses. Nakita kong nagsalin si Noah ng alak sa kanyang shot glass. Nilagok niya agad ito at nagsalin pa ulit para inumin ulit.
"You know Noah's into Coreen, right? Ngayon tingin ko ay sinayang mo lang ang tattoo'ng iyan." Iling ni Warren.
"If you think that I'll come running back to you because of your little stunt-" Panimula ni Noah.
"Hindi ko sinasabing bumalik ka sa akin para rito, Noah. Ni hindi ko nga ginustong malaman mo ito." Mariin kong sinabi.
"Don't give me that shit!" Banta niya. "You're a pain in the ass!" Hinawakan niya ang kanyang ulo at bahagyang minasahe ito.
Umalingawngaw sa aking utak ang kanyang sinabi. Nangingilid na ang luha ko ngunit hindi ako pumayag na bumuhos ito.
"Dude, I think that's enough. We are all drunk here." Sabi ni Liam sa kalmadong tono.
"We need to drink to forget, Liam. We lost all our opportunities tonight. All because of..." Hindi tinuloy ni Noah pero alam kong sinisisi nila ako.
"I-I will... ask our company's scouts to-"
"We don't need your help, Megan Marfori." Mariing sinabi ni Noah at binalingan ako ng tingin.
Umiling ako. "I will help... Nakita na kayo nong mga scouts kaya paniguradong-"
"I said, I don't need your help!" Hinampas ni Noah ang mesa na siyang ikinagulat namin. Napapikit ako sa ginawa niya.
"Warren, he's drunk. We should... look for Coreen." Sabi ko, hindi malaman ang sasabihin.
"Oh she probably left me because of you." Sabi ni Noah.
"Meg, tama na. Umalis ka na lang, pwede?" Sabi ni Joey.
"You boys should stop drinking. Lasing na kayo..." Sabi ko at nilingon sina Wella na naroon.
"We will do whatever we want to do, wala kang pakealam don." Sabi ni Warren.
"Meg..." Tawag ni Wella.
Kinuha ko ang cellphone ko sa pag aalala. Who's going to drive for them kung silang lahat ay lasing? Where the hell is Coreen? Hindi ba ay sinama siya ni Noah dito? Maybe I should contact Rozen and ask him to fetch his brother. "Where is Coreen? Bakit niya iniwan si Noah ng ganito?" Sabi ko habang nag tatype ng mensahe para kay Rozen.
"She left because of you." Sabi ni Joey.
"Tama na, Joey." Wika ni Wella kahit na binalewala ko iyon.
Bago ko pa matapos ang mensahe ko para kay Rozen ay naabutan kong nag bubulung bulungan si Warren, Joey, at Liam. Bumaling ako kay Noah na tulala sa kanyang shot glass.
"Stop drinking, Noah." Sambit ko sabay hawak sa kanyang kamay na nasa shotglass.
"Why are you so desperate?" Nagtama ang tingin naming dalawa.
Nalaglag ang panga ko at mas lalong kumirot ang puso ko. Kahit na nakatoon ang tingin ko kay Noah ay naririnig ko ng bahagya ang bulung bulungan ni Joey at Warren. "We should make her leave..." Ani Warren.
"She wont. Nag aalala yan kay Noah. You should... trick her or something..."
Hinawi ni Noah ang kamay kong nakahawak sa kanya. Kinakausap na ako ni Wella at Thea, nagtatanong kung asan sina Everlyse ngunit hindi ito makuha ng sistema ko. Naririnig ko pa sina Warren at Joey na bahagyang nagtatalo kung sino ang magpapaalis sa akin.
Matigas at makapal ang mga dingding na nakapalibot sa aking pagkatao. Mahal ako ng pamilya ko at inaamin kong isa iyon sa naging dahilan kung bakit hindi ako nangangamba sa kahit anong bagay. Their love means everything to me. It made me whole. It made me a strong person. Kaya 'yong dingding na nakapalibot sa buong pagkatao ko ay hindi basta bastang nagigiba dahil sa pagmamahal na binalot nila sa akin.
But for the first time in my entire existence, I felt unwanted. Pakiramdam ko ay nagiging asungot na ako sa buong bandang Zeus at maging sa aking mga kaibigan. I suddenly wondered if Everlyse was sick of my shits? O baka naman naiirita na ang parents ko sa pagiging carefree ko? Kasi kitang kita ko sa harap ko ngayon kung gaano sila ka iritado maging sa presensya ko. Wala akong ginawa kundi ang mag alala pero wala silang gustong mangyari kundi ang mawala ako dito sa harapan nila.
"Meg, I think Noah would feel better if you buy him something..." Ani Warren.
"A-Anong... bibilhin?" Tanong ko sabay sulyap kay Noah na nakatulala lang ngayon.
Nakikita ko ang pagsisiko ni Warren kay Joey. Ngunit nagkunwari akong hindi ko iyon napansin.
"Softdrinks or something?" Nagtaas ng kilay si Warren.
Luminga ako para sa waiter. Nang makahanap ay agad akong pinigilan ni Joey.
"Mas maganda siguro kung Gatorade. Kaya lang wala 'yon dito sa bar. Nasa labas siguro. Sa mga convenient store." Napatingin si Joey kay Warren. Tumango si Warren at kitang kita ko ang pagpapanggap.
"Talaga?" Tanong ni Thea sa inosenteng tono.
Pumikit si Noah at humigil sa sofa. Kinagat ko ang labi ko.
I know... I know they want me gone. Kaya nila ako pinapabili ng Gatorade. Kaya nag bubulung bulungan si Warren at Joey.
And it hurts a lot. Iyong tipong alam mong ayaw na nila pero dahil hindi nila masabi sayo ay gagawa na lang sila ng ibang paraan para makaalis ka?
"Hey... uhm... Listen... I'm gonna help you guys, sa Moon Records." Sabi ko to assure them again. That no matter what happens, I am gonna help them out.
Tumango si Liam. "Thanks, Meg. That's great!"
"Meg, I think we need Gatorade. Nagpapass out na si Noah." Sabi ni Warren.
Tumango ako at tumayo. Inayos ko ang sarili ko. Naramdaman ko ang pagtitig nila sa akin. "I-I'm gonna buy." Sabi ko at kinagat ko ang aking labi.
Tiningnan ko si Noah at nakita kong nakapikit siya at mukhang tulog na talaga yata. Payapa ang kanyang mukha. His lips looked tender and his eyes seemed at peace.
"Bibili lang ako." Hindi ko na sila tiningnan pabalik dahil hindi ko na magawang pigilan ang aking mga luha.
Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang likod ng aking kamay habang mabilis na lumabas ng bar. Pinalis ko ang mga luhang lumandas sa aking mukha at natagpuan ko kaagad sa kinatatayuan nila kanina si Everlyse at Carlos. Isang tingin lang ni Everlyse sa akin ay pinapasok niya na agad ako sa sasakyan. Si Carlos ang nag maneho at dumiretso si Everlyse sa front seat.
Humagulhol ako sa pag iyak nang nagsimula nang mag drive si Carlos. Nilingon ako ni Everlyse gamit ang mga matang may simpatya. Kinuha niya ang kamay kong mabilis na nagpupunas sa mga luha at mas lalo lang akong humagulhol.
This is the last time.
"Lyse..." Sabi ko at nanginig ang boses ko sa pag iyak. "May mga bagay pala talaga na kahit alam mong may pag asa ka ay hindi mo parin ipipilit. 'Yong mga oportunidad na kahit alam mong kaya mong isulong, pero hindi mo dapat pinaglalaban."
Na may mga laban na kahit alam mong kaya mong ipanalo, hindi mo naman kayang ipaglaban. I can't afford to love Noah and lose myself at the same time. Because it isn't worth it.
Kailan ko nga ba talaga natutunan ang lahat ng ito? Ang mahumaling sa mga bagay na mahirap abutin? Ang mahumaling sa taong walang ginawa kundi saktan ako? Hindi. Hindi lang ako ang ganon. This is a sick fetish since time immemorial. To love those who does not love us. To treasure a peson who makes us feel worthless. And I refuse to make it a fetish now.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro