Kabanata 29
Kabanata 29
Same Noah
Lumipas ang mga araw at alam kong bantay sarado ako kay Everlyse at Carlos sa bahay. Minsan pa akong binalaan ni Everlyse na isusumbong niya ako kay mommy at daddy pag ginawa ko ulit iyon.
"I understand how you feel. I'm encouraging you, Meg. But know your limits. That's not healthy. I mean, alam kong ganyan ka na kay Noah noon. You support him with pero kung sinasaktan ka lang rin naman niya, hindi siya ka support support."
And I know that she's right. Pakiramdam ko lang talaga ay responsibilidad ko lahat ng nararamdaman ni Noah sa akin. Kahit iyong galit niya. Because I left him years ago. Hindi ko lang siya bastang iniwan, sinaktan ko siya ng husto.
Sa mga sumunod na linggo ay naging abala ulit ako doon sa mga dokumento. Dumating na iyong pinadala ni Stan at nakita kong kulang kulang iyon kaya pinunan ko ang mga kulang. Tumulong din ako sa Moon Records. Madalas kasing wala si mommy at daddy dahil may malaking project ang Going South at may nalalapit din silang concert.
Tumunog ang cellphone ko habang nasa kwarto ako at nag lilinis ng kalat galing sa ginawa kong panibagong portfolio kanina. Nakita kong tumatawag si Wella. Pinulot ko ang cellphone ko para sagutin ang kanyang tawag.
"Hello?" Sabi ko habang nag liligpit ng iilang mga papel.
"Are you busy?" Nahihimigan ko ang pagdadalawang isip sa kanyang boses.
"Uhm, not really. Why?"
"Kasi... yayayain ko sana kayo this Friday. Birthday ko," aniya.
Natigilan ako sa kanyang sinabi. I didn't know. I should buy her a gift.
"Saan?"
"Let's just go out. Dinner and party out? With the girls, of course."
Tumango ako at napa-oo. "Syempre."
"You sure you're not busy? Ang sabi kasi ni Thea na madalas ka daw umayaw sa gig this past few days. Wala din kasi ako dahil medyo na busy sa trabaho."
"Oh... Na busy din ako sa pinag aapplyan ko. Don't worry, I'll be there." Sabi ko bago kami nagpaalam at bumaba na.
Sinuklay ko ang buhok ko at nagpasyang hanapin sa bahay ni Everlyse at magyayang lumabas para bumili ng kahit anong para kay Wella. Kinatok ko ang kwarto nila ni Carlos at ang kanyang boyfriend lang ang sumagot sa akin.
Namumungay ang mata ni Carlos. Nagising ko pa yata sa pagkakatulog. "Nasa baba," usal niya.
"Oh. I'm sorry, Carlos." Sabi ko at umalis na roon para hanapin ang pinsan ko.
Bumaba ako sa sala at ang flatscreen namin na naka on lang at walang nanonood ang naroon. Asan ba si Everlyse?
Hinalughog ko ang bahay. Pumunta ako sa kitchen at baka sakaling nagluluto, pero wala siya doon. Wala rin siya sa dining room o kahit sa maid's quarter. Nang namataan ko ang labas at nakita kong nakaupo siya doon sa may patio at kaharap niya ang kanyang iPad ay tumikhim ako at nagsimulang lumapit.
"She's still pursuing him?" Narinig ko ang pamilyar na boses ni Stan galing sa iPad.
Kumunot ang noo ko at natigilan sa paghakbang. Kitang kita ko na nag fi-Facetime ang dalawa. Likod ni Everlyse ang harap ko at si Stan naman ay nasa screen ng iPad.
"Hindi na ngayon. Hindi na masyado. At first hinayaan ko. Noah seemed interested, e. Nong nasa Batangas kami, parang halatang gusto niya pa si Megan. But things got worst. Right now, I think nagkamali ako sa pag e encourage sa kanya," ani Everlyse.
Humilig ako sa hamba ng pintuan. It's wrong to eavesdrop but I can't help it. They're talking about us.
"Tsaka hindi ko alam na matindi pala ang galit ni Noah sa kanya," dagdag ni Everlyse.
"Damn..." Umiling si Stan sa screen. "It's my fault. Noah's been in deep shit, you know that. Nong umalis si Megan. Kahit galit 'yon kay Megan, kita paring di niya makalimutan 'yong pinsan mo. That was my fault right there. You think I did the right thing or what?"
Umiling si Everlyse. "I don't know Stan. Akala ko ayos 'yon that time pero na realize ko ngayon na malaki pala 'yong epekto non."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. Tumayo ako ng maayos para marinig ng maayos ang pinag uusapan.
"Well, Noah liked Megan-flavored things that's why." Humagalpak si Stan. "Nakakairita 'yon noon kaya ginawa ko. Para kasing wala na siyang nakikita kundi si Megan. Ayaw nang maghanap ng ibang babae at lagi na lang nagtatanong. Hell... But I'm a bit guilty."
"Ako rin, Kuya." Tikhim ni Everlyse.
"But it's true. Megan and David dated for a while. Kahit 'yong si Mike," ani Stan.
Nalaglag ang panga ko. Bakit nila pinag uusapan ang ilan sa mga kaibigan ko sa New York? Si David ay isa sa unang naging kaibigan ko sa school. Hindi ako masyadong nakakasabay sa iilan naming classmate dahil nag aadjust pa ako. Nang nakilala ko 'yong ilang pinoy na kaklase namin ay tsaka lang ako naka adjust. Madalas kaming magkasama ni David but we didn't date romantically! Si Mike naman ay isa sa mga kaibigan ko nong college. He's Fil-Am and Carlos' friend. Nong nasa NYU kami at nag aaral ay niligawan niya ako pero hindi rin naging kami. Nahalikan niya ako sa isang party but that was because I was very drunk!
"Anong sinabi mo, Stan?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Shit!" Napasigaw si Everlyse sa gulat. Binaba niya ang iPad at nanlalaki ang mata niya nang hinarap ako. "Fuck it, Meg. Wag kang manggulat ng ganon."
Dinampot ko ang iPad at inayos. Nakita ko si Stan na ngumunguso at nagmumura pero kalmado parin. Yes, he should be damn calm. Malayo siya sa akin, e.
"What is it, Stan?" Nanginig ang boses ko nang nagtanong muli ako.
"Meg..." Tawag ni Everlyse sabay hawak sa iPad na hindi ko binibigay sa kanya.
"Stan! Ano 'yong sinabi mo kay Noah!?" Tanong ko.
"Just stop chasing Noah, Meg. It's useless." Humalukipkip pa si Stan na parang wala lang iyon at hindi parin ako sinasagot.
Nilingon ko si Everlyse. Gusto kong malaman kung ano 'yong pinag uusapan nila. I'm sure she knows a thing or two. "Lyse, what is it?"
Kinagat ni Everlyse ang kanyang labi. Tumikhim siya at tinali ang buhok habang hindi ako sinasagot.
"Lyse!"
"Meg!" Pasigaw na sinabi ni Stan. "Pwede ba. Get over it. That was a long time ago. And he deserves to move on. Ikaw na rin ang nagsabi. Noah's free. The moment you left the Philippines, he's free." Usal na dire diretso ni Stan.
"Kaya nga. Ano nga kasi ang sinabi mo? I want to know." Sabi ko at nilapag ang iPad sa lamesa.
Tumikhim lang si Everlyse. Nilingon ko siya at nakita ko ang nagbabantang tingin sa akin. "Sinabi niyang naka move on ka na. Meron ka nang iba. Well, David?" Nagtaas ng isang kilay si Everlyse.
"Oh for God's sake! Kailan mo sinabi at bakit mo sinabi, Stan? Hindi naman iyon totoo."
"Meg, it's annoying to hear your friend talk about you all the damn time. Lahat naririnig ko pati ang galit niya kaya nong sinabi mong may kaibigan ka sa new school mo ay sinabi ko rin sa kanya. Why are you mad?" Kumunot ang noo ni Stan.
"Kasi nagsinungaling ka! Hindi naman totoo 'yong sa amin ni David. We're just friends!" Giit ko.
"Oo. But I need to do something about Noah's Megan-colored eyes. He needs to see other girls. At para mangyari iyon ay kailangang malaman niya na may iba ka na. Okay? That was my point."
Pumikit ako sa kagaguhan ni Stan. Ang akala ko ay si Rozen na ang pinakagago. Mayroon pa palang iba. At ang pinsan ko pa!
"Stan, I am gonna kill you!" Sabi ko habang nakapikit.
Tumatawa lang ang lintik kong pinsan na nasa screen. "Oh no. Don't. Tsaka may katotohanan naman 'yong kay Mike. You kissed in that damn party. I was there. I saw it. Kaya sinabi ko rin sa kanya iyon. He deserves to move on, Meg. And I guess he did. You should thank me. Iyan 'yong gusto mo, hindi ba?"
Halos sinuntok ko 'yong iPad sa sobrang panggigigil ko. Hinampas ko ang mesa bago ako walang pasubaling nang iwan kay Everlyse. Papasok ako sa bahay ay naririnig ko rin ang yapak ni Everlyse kasabay ang pag tawag sa akin.
"Meg... Where are you going?" Tanong niya.
"I'm gonna talk to Noah."
"Oh my God! Hayaan mo na nga! It's done! It's been years at naka move on na siya. What's the use!?"
"Oh actually, nag Facetime kami nong isang araw at nagtatanong siya kung naging Ex mo nga raw ba talaga si Mike. I wonder why-"
"Oh you shut up, Stan!" Sigaw ni Everlyse at pinatay ang Facetime sa iPad.
Nilingon ko siya, nanlalaki ang mga mata ko. Tinanong niya iyon kay Stan? This is a fucking misunderstanding! Mabilis akong tumakbo sa hagdanan habang sigaw nang sigaw sa pagbabanta si Everlyse.
"Wag ka nang maghabol kay Noah! Hindi mo rin naman alam kung nasaan siya!" Sigaw niya para mabigo ako.
"I will know!" Sigaw ko pabalik at dumiretso na sa kwarto para magbihis at mag text sa mga kakilala at nagbabakasakaling mahanap ko si Noah galing sa kanila.
Nagmamadali ako sa pagbaba. Naabutan ko si Everlyse sa baba ng hagdan at naghihintay sa akin para pigilan ako pero inunahan ko na siya.
"Don't start, Lyse. May alam ka pala kung bakit matindi ang galit ni Noah sa akin, tapos di mo sinabi sa akin?" Sabi ko.
Umirap siya. "That was a long time ago."
Umiling rin ako at mabilis na lumabas ng bahay para gumamit ng sasakyan.
Nabasa ko ang text ng isa sa mga taga club na may nakakita daw kay Noah sa university kaya doon ang tungo ko. Mabilis ang patakbo ko sa sasakyan at ilang minuto lang ay naroon na ako.
Ako:
Do you know where exactly?
Text ko kay Mara na nasa university. Makikipag kita sana ako sa kanya kaya lang ay may pasok daw siya.
Mara:
Pumunta siya kay Wade Rivas. Nakita ko sila sa parking lot na magkausap kanina. I don't know if they are still there.
Luminga agad ako dahil nandoon ako sa parking lot. Namataan ko kaagad si Noah sa hindi kalayuan. Mag isa na lang siya at nakahilig sa kanyang puting BMW. Inayos ko ang buhok ko at binuksan ang pinto ng aking sasakyan. Padabog ko itong sinarado habang nanonood kay Noah na seryosong nag s-swipe sa kanyang cellphone.
Kumalabog ang puso ko. Okay, Meg. Just breathe. Naglakad ako sa nakahilerang mga sasakyan. Hindi makadaan sa iilang barricade na naroon kaya sa likod ako naglakad.
Nakatalikod si Noah sa akin at naroon parin, nakahilig sa nguso ng kanyang BMW. As I walked closer to him, nakita ko ang maliwanag na mukha ko sa kanyang screen. That was my profile picture on Facebook. Isang profile picture lang ang naka public kaya alam kong nasa profile ko siya.
Nanlalaki ang mata ko. Hindi makagalaw sa natatanaw na pagbalik niya sa aking profile. Lumapit pa ako ng kaonti at nakita kong binaba niya ulit sa aking profile ang pag s-scroll. May nakita akong isang public post galing sa iilang kaibigan kong nasa New York. Ni click niya ang iilang mga taong nag post..
Naestatwa ako. Is he stalking me?
"Noah..." Sambit ko at mabilis siyang napatingin sa akin.
"Wha-What the hell are you doing here?" Galit niyang usal.
Kumunot ang noo ko at suminghap siya.
"You're stalking me?" Nanliit ang mata ko.
"What?" Mabilis niyang tinago ang kanyang cellphone. Tumikhim siya at umiling na parang nahihibang ako. But I'm pretty sure I'm not hallucinating this time!
Tinalikuran niya ako at naglakad siya palayo. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi. Kinagat ko ang aking labi at pumikit bago mabilis na nag lakad para habulin siya.
"Noah!" Sigaw ko kahit na namataan ko na si Coreen sa malayo at alam kong doon papunta si Noah.
I can't believe it. Sa sayang naramdaman ko ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Hindi ko makalimutan ang gulat sa kanyang mukha ang bahagyang pagtalon niya nang nakitang naroon ako. Hinigit ko si Noah at mabilis siyang lumingon sa akin. Hinawakan ko ang kanyang baba at mariin ko siyang siniil ng halik. I closed my eyes. Samantalang bago ko iyon sinara ay nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya. Dumilat ako nang hinawakan niya ang kamay kong nanghila. His grip wasn't tight. Hinawakan niya lang ito kaya kumalas ako sa halik. Nakita ko kung paano siya namula. Ngumisi ako. Now you don't mess with me.
"Stop following me, Megan!" aniya at mabilis na hinigit si Coreen.
Nangingiti ako na parang baliw. "Oh? Bakit? Anong problema sa pagsusunod ko, Noah?" Tumaas ang kilay ko. "Wala naman akong problema sa paghahalughog mo sa Facebook ko. We should be kwits, alright?" Halakhak ko habang hinihigit niya si Coreen na naguguluhan sa nangyayari.
I don't fucking care if you claim that you love this girl.
"You're a stalker. Desperate girl." Usal niya.
Sakit nitong magsalita. Who's the real stalker, Noah?
"Mahal mo ako, eh. Alam ko yun." Natatawa kong sinabi. This time, I don't mean it that much. Whatever is his feeling towards me, I don't really care. Gusto ko na lang siyang inisin. Ang suplado at pikon na si Noah.
Nangasim ang kanyang mukha sa sinabi ko. Tumigil ako sa paglalakad at ngumisi. Hinayaan ko silang lumayo sa akin. Nilingon ako ni Noah na parang galit sa nangyari ngunit nang nakitang wala na ako roon ay luminga siya sa paligid.
Tumawa ako. "You're still that same Noah."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro