Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27

Kabanata 27

Wish I Was

Kinuha ko sa pagawaan 'yong t shirt na pinagawa ko. Maganda ang naging kinalabasan nito. Kulay Neon Green na may itim na print ng 'Eat Me Noah, Please'. It brings back memories. Outdoor gig at hindi beach 'yong susunod na gig nina Noah kaya t shirt na lang ang pinagawa ko.

"Wow! You've changed! Buong akala ko ay kahit hindi outdoor gig ay kaya mong suotin ulit 'yong panty," ngisi ni Everlyse habang tinitingnan 'yong t shirt.

Sumama sila sa akin dahil sa boredom. Wala silang magawa ni Carlos sa bahay kaya imbes na mag work out o manood ng movie ay sumama ang dalawa sa pagawaan. Anila'y magpapagawa din sila ng couple shirt.

"Nagpagawa ako. But like you said, mas maganda sana kung bikini nga iyon. Pinagawa ko online 'yong bikini. Aantayin ko pa. But that's not what I'm gonna wear, Lyse." Sabi ko habang nag kikibit balikat siya na parang hindi naniniwala.

Abala si Carlos sa pagtuturo sa gumagawa ng mga designs kung paano 'yong couple shirt nilang dalawa.

"Asus. So you're still going to wear that?" Nagtaas ng kilay si Lyse sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako at dumungaw sa cellphone. Binasa ko ang mga mensahe ni Wella na may lamang mga detalye para sa gig ni Noah. Sinabi niya rin sa akin kung saan sila nag papractice sa mga oras na iyon pero kinailangan kong bumalik ulit sa opisina ni mommy para mag makaawang mag sama ako ng kahit isang scout niya sa nalalapit na gig ni Noah.

Hindi pumayag si mommy dahil tingin niya ay magaling sina Noah, pumayag siya dahil nakukulitan na siya sa akin. I don't mind. Basta ba ay kahit opportunity ay maibigay kina Noah.

Sa gabing iyon, suot suot ko na ang neon green na t shirt nang nagkita kami nina Wella. Wala silang unipormeng t shirt ngayon, they wore their usual clothes at ang tanging pagpapakita ng suporta nila para kina Noah ay 'yong banner na dala nila.

"Ang ganda naman ng print ng t shirt mo." Salubong nina Wella sa akin pagkababa ko sa sasakyan.

Ngumiti ako at kinwento ko sa kanila kung saan ko iyon pinagawa. Nasa labas pa lang kami ng malaking bar kung saan 'yong gig nina Noah, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ilang sandali ang nakalipas ay naagaw nino ang atensyon ni Wella habang nakikinig sa kwento ko.

Kumunot ang noo ko at nilingon ko ang taong nasa likod ko. Nakita ko si Joey na malaki ang ngiti habang binabati ang sabay sabay na bumanggit sa pangalan niyang nasa grupo namin.

"Good evening!" ngiti niya sa akin.

"O, Joey?" gulat kong sinabi.

Nakapamulsa siya at hinagod ng tingin ang mga babaeng kasama ko. Napatingin rin ako sa mga kasama kong malaki ang ngiti at nakikitaan ko ng excitement.

"Ilan kayo, Wella?" Tanong niya sa katabi kong si Wella.

Tiningnan ko si Wella. "Walo lang naman kami ngayon."

"Then let's go. You'll all be allowed to join us." ngiti ni Joey.

Nanlalaki ang mata ko nang bumaling kay Wella. Kung tama ang hinala ko ay makakapunta kami sa backstage kung saan sila nag hahanda. Hindi ko pa nasasabi ang gusto kong itanong ay kinumpleto na ni Wella sa akin ang sagot.

"Hindi ko nasabi sa'yo pero sinubukan kong magpaalam sa kanila na sana ay kahit nasa backstage muna tayo habang naghihintay. Finale pa kasi sila."

Nanuyo ang lalamunan ko. I don't know what to do and what's the big deal? Kaya ko namang harapin kahit sino pero hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong naduduwag pag si Noah na ang pinag uusapan.

"So... let's go? We're practicing." Ani Joey na nadaanan yata ng tingin ang t shirt ko. "Whoa! Whoa! Good thing it's a shirt now, huh?" Tawa niya.

Tipid akong ngumiti. "It's still kinda offensive."

Umiling siya habang nangingiti sa t shirt ko. "Let's go!" Ulit niya at tinalikuran kami.

Nagkatinginan kami nina Thea. Nakita ko pa kung paano humalakhak at na excite ang mga kasama ko.

"Para tayong mga teenager parin sa lagay na ito." Iling ni Aubrey habang niyuyugyog si Mara sa panggigigil.

Nangingiti din ako sa paglalakad papasok sa bar. Sa security pa lang ay halatang may ibang espesyal na pakikitungo sa amin ang guard nang sinabi ni Joey na kasama niya kami.

Madilim sa bar at nang tumama ang mga ilaw sa akin ay mas lalong nadepina ang kulay nitong neon. Para akong bituin sa madilim na langit. Napapatingin ang mga tao sa akin habang naglalakad kami.

"Glow in the dark." Halakhak ni Thea sa suot ko.

Hindi na ako makapagsalita dahil sa abot abot na takbo ng puso ko. Bumaba kami sa isang mas maliwanag na daanan. Pababa yata ito sa backstage ng bar. Ilang pintuan ang nadaanan namin at ang bawat pinto ay may nakalagay na pangalan ng banda. Lima silang tutugtog ngayon at pang huli sina Noah kaya mahaba pa ang oras namin dito.

"We're here." Ani Joey at pinag buksan kami ng pintuan.

Umalingawngaw ang tunog ng string sa guitar ni Warren habang kumakanta si Liam ng isang medyo tahimik at malamig na kanta. Isa yata iyon sa mga bagong kanta nila. Sinuyod ko kaagad ang room na may malalaking salamin, mga instrumento nila, iilang sofa, cabinet, at isang medyo malaking mesa.

"Upo kayo dito." Sabi ni Joey habang minuwestra ang malaking table na may plastic na mga upuan.

Nilingon ko ang isang sofang nasa sulok at nakita ko kung paano nag titext si Noah na nakangiti doon. Hindi niya man lang nilingon kung sino ang dumating sa kanilang backstage. Natigil si Warren at Liam para ngumiti at bumati sa amin.

"Hi!" Ani Liam na agad pinagitnaan ni Joey.

"Hindi pa nga pala kita pormal na naipapakilala sa kanila, Liam." Dinugtungan iyon ni Joey ng pagpapakilala sa amin. Ang tanging nagawa ko lang ay ang pag tango at ang pag baling ulit sa kay Noah na humilig na sa sofa at tinaas ang cellphone na parang may nakakawiling message na binabasa.

Ngumuso ako. Kaonting kirot ang namuo sa aking dibdib. Pinilig ko ang ulo ko at binaling sa kawalan para makahinga ng malalim.

"Hi, Meg! You're here..." Hindi nadugtungan ni Warren 'yong kanyang sasabihin nang napatingin siya sa aking t shirt. Ngumuso siya kaya napatingin ulit ako sa aking t shirt.

"Is it that bad?" Napatanong ako sa kanyang reaksyon.

Hindi siya sumagot. "So... you're here to support Noah... only?" Nagtaas siya ng kilay at napatingin sa gilid kung nasaan si Noah.

"Of course sinusportahan ko kayo, Warren." Sabi ko ngunit bago ko pa matapos ay nagkibit balikat na siya at umalis sa harap ko.

Nalaglag ang panga ko sa kanyang reaksyon. Nilingon ko sina Wella na nangingiti kay Liam at Joey habang umuupo sila isa-isa sa may mesa. Imbes na sumunod ako ay kinailangan ko pa yatang puntahan si Warren na ngayon ay nasa kanyang gitara na at may inaadjust doon. Seryoso ang kanyang mukha at tingin ko ay nagtatampo ito.

"Warren..." Tawag ko nang nakitang hindi niya ako pinapansin kahit nasa gilid niya lang ako.

Nilingon ko ulit sina Wella. Nakita ko ang nagtatanong na ekspresyon sa kanyang mga mata dahil sa ginagawa ko. Umiling lang ako at bumaling ulit kay Warren. He's wearing a vintage blue v neck shirt and blue jeans. Seryoso parin ang kanyang mukha habang abala sa kanyang gitara.

"Of course I'm here for all of you. I like Zeus for your music." Sabi ko.

"Don't fool yourself. You like it because of Noah." Nagtatampo niyang sinabi.

Napapikit ako. Inalala ko nong una kong marinig ang tugtog ng kanilang banda. It was half true, alright. I like Zeus for their music but then I liked it more because of Noah Elizalde. Hindi mo talaga maiiwasang may mas gusto ka sa apat na magkakabanda. Ganon para sa aming lahat. But then Warren's been my friend ever since. I don't want him to feel bad.

"Ngayon lang naman ako nakapag suot ng ganito. It's always been Zeus. And I'm here to support Zeus, not just Noah." pagkasabi ko non ay nilagpasan kami ni Noah at dumiretso siya sa kanyang gitara.

Holy fuck. Kumalabog muli ang medyo kalmante ko nang puso kanina. Nakatalikod si Noah at nakanguso sa kanyang gitara, dinidinig ang bawat string kung tama ba ang binibigay na tunog nito.

"Warren, uy..." Sabi ko, naiinip na sa kanyang pag tatampo.

Habang sinasabi ko iyon ay kay Noah ang aking mga mata. Naramdaman ko na lang sa gilid ng aking mga mata ang nanunusok na tingin ni Warren sa akin kaya bumaling ako sa kanya. Umiling siya na parang disappointed sa akin. Kinagat ko ang labi ko.

"I will shout for all of you." Sabi ko na para bang makakapag palubag ito ng loob niya.

Sarkastiko siyang ngumiti at sinuot ang kanyang gitara bago tinawag si Liam at nag yayang subukan nila ulit 'yong kantang tinugtog nila kanina.

"Excuse me, Meg." Ngiti ni Liam sa akin nang dumaan siya sa harap ko.

"Oh..." Sabi ko habang naaapakan ang iilang mga wire sa sahig.

Nilingon ko kung nasaan sina Wella at lumapit na para maupo roon. Pinagmasdan kong abala na si Liam at Warren sa pag eensayo samantalang si Joey naman ay nasa table namin, nakikipag usap sa ilang miyembro. Nilapag ni Noah ang kanyang gitara at muling hinarap ang kanyang cellphone. Nagmartsa ulit siya patungo sa sofang inuupuan kanina at nilagay iyong phone sa tainga.

"May isang oras pa." Sabi ni Thea habang tinitingnan ang kanyang relo.

Narinig ko rin na oorder ng pagkain sina Wella at doon na rin ipapahatid. Samantalang ang buong atensyon ko ay nasa kawalan ngunit ang tainga ko ay nananagap ng radar sa aking gilid.

Who's calling Noah? Who's making him smile that way because of some texts? I have a hint but I want to make sure.

"Anong sa'yo, Meg?" Tanong ni Wella sa akin.

"Just... shake or what. Kumain na ako kanina kasama si Carlos at Everlyse." Sabi ko nang wala sa sarili.

"Shots?" Anyaya ni Thea sa akin.

Umiling ako. "Nag dala ako ng sasakyan. I can't drink."

Nilubayan nila ako para mag tawag ng waiter kaya nagpatuloy ako sa pananagap ng mga sinasabi ni Noah sa cellphone.

Narinig ko ang malambing na tawa ni Noah. "What are you doing? Tapos ka na ba sa assignment mo?"

Ngumuso ako at binaba ang tingin sa aking low cut boots. Nagkukunwari akong may tinitingnan roon pero ang totoo ay sinisikap kong mas marinig ang mga sinasabi niya.

"Maybe I can help? What is it about?" Aniya sa isang natatawang boses.

I look idiotic, I know. But I can't help it. I'm curious.

"You're crazy, Coreen. Damn it. Kaya ka napapagalitan, e." He chuckled again.

Unti unti akong pumikit. It's Coreen. May kutob na ako kanina pero kinailangan kong marinig iyon. The deep passion in his voice and the way he sounded so fond of her made me realize that he's slipping through my fingers... Or maybe, he slipped a long time ago. Of course, he did, Meg. Bakit hindi mo makuha iyon? Ikaw ang may kagagawan non!

"I miss you." Dinig kong sinabi ni Noah.

I wish it was for me. And you can blame me all you want, I will accept it. This is all on me. That's why right now, pagbabayaran ko ang kung ano mang sakit na naidulot ko sa kanya noon. I will move and try to win him again. Because I can't just cry and feel all the pain... If I want him back again, I will try again...

"Wag ka na dito, maraming tao. Wala kang kasama. Mamaya may lumapit sayo tapos nasa stage ako." Bulong ni Noah na kahit gaano ka hinahon ay narinig ko.

He really is in love with Coreen, then? Pero kung mahal niya si Coreen, bakit ay hindi naging sila? At ang sabi ni Rozen ay siya ang mahal ni Coreen, kailan lang ba iyon? Bago lang ba iyon? Kasi bago ako umalis patungong ibang bansa ay si Noah ang gusto ni Coreen.

Nilingon ko si Noah at nakita kong nakangiti parin siya habang nasa tainga niya ang kanyang cellphone. My heart burned. Wish I was that girl. Kahit na huwag na ako dito malapit sa kanya, kasi parang malayo rin naman.

"Oh, Megan... Tulala ka riyan." Puna ni Joey na nakapag patalon sa akin.

Ngumisi ako at tinawanan nalang ang puna niya sa akin. "May iniisip lang ako." Sabi ko at tumawa ulit.

"Nako! Parang alam ko na kung sinong iniisip mo." Tawa ni Joey.

"Tumigil na muna tayo, Liam. Kakain lang ako. Ginugutom ako." Narinig kong sinabi ni Warren.

Napatingin ako sa kanya. Oo nga pala... Muntik ko nang makalimutang nagtatampo nga pala si Warren.

"Dude, wag ka nang mag order, nag order na ako. We have forty five minutes left before the show." Sabi ni Joey pagkatapos tingnan ang kanyang relong pampulso.

Kinagat ko ang labi ko at hinintay ang pagbaling muli ni Joey sa akin. Nang bumaling siya ay napansin niya ang aking titig. Ngumisi ako at tumayo, pumunta sa kanyang tabi.

"Joey, may favor ako." bulong ko sa kanya.

"Anything, Meg." Ngiti niya.

Ngumuso ako. "Can I have Noah's number?"

Tumaas ang kanyang mga kilay sa bahagyang pagkagulat sa tanong ko. "For what?"

Hindi ako makapagsalita. Buti at hindi niya hinintay ang sagot ko.

"Well, sure. No prob." Ngumisi ulit siya at kinuha ang kanyang cellphone para i scan ito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #elizalde