Kabanata 20
Kabanata 20
Respect
"You done packing?" humalukipkip si Stan nang sumandal sa hamba ng pintuan, pinagmamasdan ako.
Tumikhim ako at humalukipkip din. Natatawa sa mga titig nilang dalawa ni Everlyse sa akin. Ilang taon na rin ang lumipas simula nong umalis na ako ng tuluyan sa Pilipinas. It's been almost five years!
"Of course, I'm done," ngiti ko kay Stan.
"Ikamusta mo ako sa banda," aniya.
Tumango agad ako. Pinaglalaruan ko ang buhok kong may kulot sa dulo habang nililingon ulit ang TV. Paranoid ang dalawang ito. Hindi ko alam kung bakit sila kabado para sa akin. Well, yes, I'm slightly nervous. But that's because I will temporarily reside in the Philippines for now.
"Antayin niyo ako, a? Maybe, let's say 6 months or a year from now," wika ni Stan na umupo sa sofang nasa harap ko.
"Dapat ay sumama ka sa amin ni Everlyse," ngiti ko kay Stan. "You miss the band."
"I need to prioritize." Iyon lang ang tanging naisagot ni Stan sa akin. "Ilang pasko naman tayong bumisita doon."
Umiling ako, "Not me. Hindi ako bumibisita doon."
"Yup. Hindi ka umuwi ng pasko pero bumisita ka naman ng dalawang linggo years ago," nagtaas ng kilay si Everlyse.
I really can't escape them. Kung bakit malaking bagay ito para sa kanila ay hindi ko alam. Siguro ay dahil nakita nila kung gaano ka bigat ang pakiramdam ko noon nang umalis ako ng Pilipinas. Siguro rin ay dahil kaibigan ni Stan si Noah. Siguro ay dahil nakita nila kung paano kami nag simula. Siguro ay ganon.
Ibang iba na kami ngayon. Tumangkad pa lalo si Stan. I remember him being 5'7 way back in highschool and now he's 5'11. Samantalang ako ay nanatiling 5'6. This is a cruel world. Tumangkad din ng kaonti si Everlyse pero hindi kasing tangkad ni Stan. Stan's still fair while Everlyse is still kind of tan. Maputla naman ako kumpara sa dalawa at hindi ko iyon gusto. Ang buhok na straight ko noon ay kumurba at umalon sa dulo at pinanatili ko naman ang aking timbang sa pamamagitan ng pag g-gym.
Nang matapos ko ang high school ay nag aral din ako ng kursong pang negosyo habang nag pa-part time job. Uso kasi dito ang ganon. Kahit na ayaw ng parents kong ganon ay kinagat ko parin. Everlyse got herself a steady relationship with a Filipino-American, si Carlos. Kasama namin siya sa pag uwi ngayon sa Pilipinas. While Stan likes to play around with girls. Noon ko pa siya nakikitaan ng mga sintomas ng isang lalaking takot sa relasyon, ngayong nagtagal kami dito sa abroad ay napatunayan ko na iyon.
"Look, Meg. Naghahanap ka lang ng sakit ng ulo," seryosong sinabi ni Everlyse.
"I remember what happened years ago, nong bumalik ako dito at bumisita sa mismong unibersidad na pinasukan ni Noah. You don't have to remind me again."
"Because you are too stubborn, Meg. Remember that you left him. It was all your idea."
"Hindi ko ideya ang iwan siya. Iiwan ko siya dahil kailangan iyon ng pamilya-" giit ko.
"Sinaktan mo 'yong tao. Iniwan at sinaktan mo," mariin niyang angil.
"Ano ba ang dapat kong ginawa? Paasahin siya na doon parin ako? Kausapin siya at sabihing aalis ako at pwede bang maging kami kahit nasa malayo ako? That's stupid. I can't make him go through that," umirap ako.
"And yet you stand by your decisions. Hindi ka ba nagsisisi? May iba na siyang gusto ngayon. The girl you want him to date is probably dating him." Kitang kita ko ang iritasyon sa mukha ni Everlyse.
"Hey, hey, stop it you two! Hanggang ngayon ba naman ay pinagtatalunan niyo 'yan. Gaano ka gwapo ba si Noah Elizalde para pag awayan niyo?" singit ni Stan.
"Constantine, gaano ka gwapo ba 'yong kaibigan mo at bakit hanggang ngayon ay hindi pa nakakarecover si Megan Marfori?" ngumisi si Everlyse.
Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Sariwa pa sa alaala ko 'yong nangyari nang umuwi ako sa Pilipinas after two years of being abroad. Dalawang linggo lang ang bisita ko doon. Sumama ako sa pag uwi ni mommy at daddy galing States at nagpaalam na bibisita sa Boracay kahit na ang totoo ay nasa bahay lang ako nina Everlyse. Buong pamilya nila ang nasa Amerika kaya walang magsusumbong sa akin. Kung bakit ko nagawang magsinungaling sa mga magulang ko? Simple.
"I heard from Stan. May relasyon kayo nong Noah Elizalde?" kalmanteng sinabi ni daddy nang nag bi breakfast kami isang umaga.
"Wala po, dad," hindi ako makatingin sa kanya kahit totoong wala. "Wish ko lang."
"It would be better, Megan, to be with a guy who's interested in business. I heard from Stan he's still playing in that band. I wish they grow up."
May kakaibang galit na namuo sa aking sistema pero hindi ko iyon ipinakita. This is my father, George Rodolfo Marfori. It's always been security over love. It's always been business over feelings.
"Don't you think, dad, na mas maganda kung makikipag relasyon tayo sa taong mahal natin?" matapang kong tinanong.
Tumigil siya sa pag inom ng kape at nanliit ang mga mata niya sa akin, "What do you mean by that?" mariin niyang tanong.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ba importante ang love para sa iyo? Hindi mo ba pinakasalan si mommy dahil mahal mo siya?"
"I love your mom, Megan. She loved me too. You've seen how we're both working hard for our business. Dugo at pawis ang inialay namin para diyan at alam na alam mong sa industriyang pinasok namin mahirap mapanatiling namamayagpag ang ating kompanya. You will need a strong passionate man for business. Dahil ikaw ang magmamana nito. Ikaw ang tagapagmana."
"I can manage it," giit ko para lang mapasang ayon siya.
Tumawa si daddy, "Hindi kita minamaliit, honey, but I don't think you can keep up when you're alone." Sumimsim siya sa kape at pinanood ko na lang siyang umiinom nito. "That worthless boy doesn't like the business. You better stop looking up to him."
Umahon ang kaba sa dibdib ko nang tanungin ako kung bakit ako sasama sa Pilipinas gayong inayawan ko ang ilang paskong nag daan. Kaya ginawa kong alibi ang Boracay para lang makawala kay mommy at daddy.
Limang araw akong tunay na bumisita sa boracay nang sa ganon ay maipakita kay daddy na naroon nga ako. Ilang kaibigan ang isinama ko. Laking gulat ko nang kinontak pa ako ni Wella at 'yong dati naming kasama sa club at pumayag naman silang dalawa na sumama sa Boracay kahit conflict ito sa kanilang schedule.
Kamustahan at punahan ng pagbabago ang nangyari sa amin. Wella told me that she's still into Zeus at sinabi niya ring may bago ngang bokalista sa katauhan ni Wade Rivas. She showed me a picture of him and I won't deny that he's as handsome as Stan. Sa boses lang ang labanan niyan. I haven't heard him sing but maybe he's good. Kung nakapasa kay Noah at Warren ay paniguradong magaling nga ang binata.
Kinamusta din niya ang pinsan ko at nahihiya akong sumagot na walang ginawa si Stan sa States kundi ang mag party at ang mag waldas ng pera. That asshole!
Nang nakabalik kami ay pinaunlakan ko kaagad ang anyaya ni Wella na bumisita sa unibersidad nila. I got thrilled because it's Noah's school too. Marami akong tanong. Maraming marami. Para kay Noah. But do I have the right to ask him questions? Or even talk to him? Siya ang magdedesisyon non. Nagkasakitan kami at panalangin ko'y sana naghilom na ang sugat na idinulot ko.
Hinawi ko ang buhok ko nang nakapasok ako sa malaking unibersidad na iyon. Abala ang mga estudyante sa kani kanilang mga klase samantalang abala ako sa pag gala ng aking mga mata.
"This is where we usually eat," sabay turo ni Wella sa cafe nilang mas malaki kumpara doon sa cafeteria namin noong high school.
May ilan akong kakilalang nadatnan. Tinanguan ko lang sila at nakipag usap na rin ng kaonti. Maraming nagumusta kay Stan at Everlyse kahit parehong nasa Facebook naman ang dalawa. They should know what's up with the two. Nakasalida ang buhay nila araw araw doon. Samantalang 'yong akin ay halos kalawangin na.
Malayo pa lang ay may ngisi na akong nakikita. Hindi ko mapigilan ang pagngisi pabalik. Tumangkad si Rozen at mas lalong naging guwapo. Kumalabog ang puso ko nang nakita ko ang katauhan ni Noah sa kanyang mukha. They look almost exactly the same!
"Long time no see, Maria Georgianne," ngisi niya.
Hinihila na ako ni Wella, ayaw makipag usap sa isang tulad niyang madalas basagulero. Sinenyasan ko siya na saglit lang iyon.
Humakbang ako palayo sa cafeteria. Sumunod si Rozen sa akin sumisipol.
"Are you here for good?" tanong niya nang napunta kami sa may halamanan kung saan wala masyadong tao.
"Nope. Dalawang linggo lang," ngiti ko.
"Nandon si Noah sa madalas nilang tinatambayan. They have a room here, you know. For club activities."
Tumango ako.
"Well, I must say I am kind of sad. Dalawang linggo ka lang ba talaga dito?" Nagdilim ang titig niya.
"Summer sa States ngayon kaya ako nakaalis. Magpapasukan na next week. I can't stay. Bakit? May problema ba?" humalukipkip ako.
"Your Noah is hitting on my Coreen. That's what," ngumisi siya.
"Ohhh..." Nanliit ang mata ko at ngumiti na rin bilang panunuya. "Hindi ba nakaya ng kamandag mo, Rozen? Hindi kaya ng porma mo ang atensyon ni Coreen?"
Umigting ang bagang niya. Gusto kong humagalpak sa tawa ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may narinig akong pamilyar na boses sa likod.
"What are you doing here?"
Para akong na stiff neck. Kahit na gusto kong lumingon ay hindi ko magawa. Kinalas ko ang pagkakahalukipkip ng aking mga braso habang unti unting tinatanggap na nandito si Noah... si Noah na pinakamamahal ko. Nandito sa likod ko!
Rozen's arm snaked around my naked waist. Siya na mismo ang nagharap sa naninigas kong katawan patungo kay Noah. Matalim na tumitig si Noah sa aking tiyan. What's with him and midriff clothes? Hanggang ngayon ba naman?
Nanlalaki ang mata ko nang unti unti kong tinanggap ang pagtangkad, pag gwapo, at pagiging matipuno niya. Kahit sa simpleng plain white v neck t shirt ay kitang kita mo ang hubog ng katawan niyang hindi naman ganito noon. The Noah I loved before is different from the Noah who's standing in front of me now. I don't know. Maybe it's that look in his eyes or the way he clenched his jaw? Hindi ko alam pero mabilis at abot abot ang pintig ng puso ko. Daig pa nito ang nag jogging ng ilang kilometro.
"Noah..." Namutawi sa aking bibig.
"What is it? Kayong dalawa?" Nanliliit ang mga mata ni Noah.
Ilang taon tayong hindi nagkita tapos iyan ang sasabihin niya? Galit pa rin ba siya sa akin hanggang ngayon? Well, what do you expect, Megan? That he'll welcome you back with his arms wide open? Dream on!
Humalakhak si Rozen sa gilid ko at ngayon ko lang napagtanto ulit na nakahawak parin siya sa aking baywang.
"Well, kung ayos lang sa'yo?" Nagtaas ng kilay ang walang hiyang si Rozen.
Hinawi ko ang kamay niyang nakatungtong sa baywang ko at nakita ko kong paano tumingin si Noah don.
"Noah," ngumiti ako. "nice to meet you again."
"Why are you here?" ulit niyang tanong sa galit na tono.
"I-I'm here for-" hindi niya ako pinatapos.
"Well, whatever. I don't really care." Kumunot ang noo niya.
Tumawa si Rozen, "Lie your ass out, brother. Whatever is your damn reason for rejecting Coreen all the damn time even if you... like..." nilagyan niya ng quotation mark sa ere ang huling salita. "her... She's in front of you now."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rozen. Noah and Coreen? Of course I remember how I want Noah to like her back... pero ang marinig ang dalawang pangalan nila sa iisang pangungusap ay nakakagulat.
"Shut up. I am asking her out, Kuya. Wala akong pakealam kung gusto mo siya." baling ni Noah sa kay Rozen.
"Yeah, sinasabi mo na 'yan ngayon kasi nandito si Megan sa harap-"
"Shut up, Rozen!" Bulyaw ni Noah sa kapatid na agad lumipad ang kamay sa ere.
"Whatever," at agad na naglakad palayo si Rozen, leaving us behind.
Napalunok ako habang dinedetalye ang bawat pagbabago sa pangangatawan at mukha ni Noah. Nangangatog ang binti ko nang nakita ko kung paano nagkuyom ang kanyang kamao at kung paano humapit ang kanyang braso sa ginawang pagkuyom. Napaawang ang bibig ko. He's hot! He changed a lot.
"Anong kailangan ni Rozen sa'yo?" tanong niya.
Umiling ako, halos hindi makasagot. "W-Wala."
"Tsss... And you think I will believe you?" Humakbang siya palapit sa akin.
Muntik na akong madapa dahil sa mga mumunting bato na nagsilbing sahig nitong tinatayuan namin. Nang maramdaman ko ang dahon ng halaman sa aking likod ay tumigil ako sa pag atras at hinayaan siyang wakasan ang kaonting distansya sa aming dalawa.
Naramdaman ko ang init ng kanyang kamay sa aking tiyan. Isang haplos nito ay may kung anong init ang gumihit sa aking katawan. Halos mapapikit ako sa kanyang ginawa. I missed your touch, Noah.
"K-Kayo na ni Coreen?" nagawa kong itanong kahit na nanginginig na ako dahil sa pagiging magkalapit ng mukha namin.
"Ano ngayon?" pabalik niyang tanong.
"K-Kung ganon, you shouldn't b-be here with-"
Bago ko pa naikumpleto ang sasabihin ko ay dumampi na ang labi niya sa akin. Parang tinikman niya lang ito sa halik na hindi lumalim at nanunuya. Mabilis ang hininga ko nang bumitaw siya at tinitigan pang muli ang labi ko bago hinawakan ang batok ko at siniil ulit ng halik.
Naramdaman ko ulit iyon. Halos itulak ko siya nang nalasahan ko ang metal at alat sa kanyang halik. Ganitong ganito siya humalik pag galit! Hindi ko malaman kung itutulak ko ba siya o kakapitan. Tumigil siya sa paghalik at kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata habang galit akong tinitigan.
Nangilid ang luha ko at napahawak ako sa aking labi. Tumingin siya roon at narinig ko kaagad ang tawag ni Wella kung saan sa likod namin. Shit!
"Is that all you got, Megan?" Nanliit ang mata ni Noah at umigting ang kanyang panga. Huminga siya ng malalim at kinagat ang kanyang labi. "You can kiss better than that."
"Bakit kita hahalikan pabalik kung may girlfriend ka? Noah, I respect-"
"Fuck your respect," aniya at tinalikuran ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro