Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Kabanata 2

Picture

Habang ang lahat ay tutok na tutok kay Stan sa entablado ay ako naman ang nakanganga kay Noah. I find him very cool on stage. Mukhang tahimik, seryoso, at misteryoso.

Nagtatalunan ang lahat ng tao na tumitingala sa stage habang kumakanta si Stan. Nag hi-headbang si Noah bawat kaskas niya sa gitara at nakita kong mabilis ang kanyang kamay sa pag gamit nito. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang tinitingnan siya. I was certainly not here to adore someone this bad. Hindi ako lumipat para lumandi pero hindi ko lang talagang maiwasang magustuhan siya.

Palihim akong lumapit sa mga babaeng nakita ko nong unang araw sa school. Sila iyong nag gugupit ng mga stickers. Iba naman ang pinagkakaabalahan nila ngayon. May mga pera silang hawak at may iilang puti at itim na t-shirt na nagkapatong patong sa gilid ng babaeng may malaking glasses.

"Uhm, hi!" Nilagay ko ang takas na buhok ko sa aking tainga at yumuko para mapalapit lalo sa kanila.

Nakaupo na naman sila sa hagdanan at mukhang nagbibilang ng kung ano dahil 'yong isang babaeng chinita ay may dalang calculator.

"I'm Megan Marfori..." Sabi ko at naglahad ng kamay.

"Pinsan ni Stan!" Dalawang beses akong tiningnan nong chinita sa nanlalaking mga mata.

Natigilan silang lahat at tumingala sa akin.

"It's an honor!" Sabay tayo nong babaeng kinakausap ko na pinapalibutan nilang lahat.

Tinanggap niya ang paglalahad ko ng kamay at ngumiti siya, inaayos ang kanyang malaking salamin. Even with her big glasses, I can see that she is pretty. Iyong kutis porselana, matangos ang ilong, at mapupungay ang mga mata. Medyo kikay din siya dahil sa mga dalang kulay pink na mga bagay.

Tumawa ako at umiling. "Ako ang dapat mag sabi niyan. Kasi... I want to know... paano ba maging miyembro ninyo?" Tanong ko.

Natahimik silang lahat. Para bang may sinabi akong hindi maganda. I think they got probably offended. Umiling ako at kumurap kurap.

"Or? May initiation ba? Process? Truth or dare? I'm sorry-" Pinutol ako nong babaeng may malaking glasses.

"Why do you want to become one of us! You're already close to them. Kami 'yong supporters."

"Wella, hindi ba mas maganda nga iyon dahil may malapit sa atin sa Zeus?" Sabi nong chinita.

Nagtanguan naman ang lahat ng kasapi sa grupo. Hindi ba pwedeng magpa miyembro ang isang tulad kong pinsan ng bokalista? I don't care about Stan anyway.

"Ni hindi nga lumalapit si Coreen Aquino sa atin dahil bestfriend sila ni Reina. Hayaan mo na ang isang ito." Sabi ng chinita.

"Whos' your favorite band member?" Nagtaas ng kilay 'yong Wella sa akin.

"Noah Elizalde." Sagot ko.

Narinig ko kaagad ang tikhim ng mga nasa likod. Para bang may ipinahiwatig silang kalungkutan dahil nadagdagan na naman ng tagahanga ang kanilang idolo. For me, there's nothing wrong with that. We cannot be selfish of something that does not belong to us.

Tumango si Wella sa akin. "Well then... You just have to be active sa group. Pag may events, we need to coordinate. We are their fans at the same time para tayong mga manager."

Tumango ako at inintindi lahat ng sinabi ni Wella. They all have Facebook and Twitter accounts for Zeus. Hindi lang pala sa school na ito sila sikat ngunit pati na rin pala sa ibang tao. Nagkakaroon na sila ng gigs sa ilang mga restaurant. Hindi ako makapaniwalang ganon nga ang nangyayari. Well, it's pure talent we are talking about. Hindi talaga maiwasang mangibabaw pag makikita mong kakaiba sila sa lahat kahit mga bata pa.

"Nababaliw ka na talaga!" Everlyse concluded.

Hindi ko maiwasang hindi mabuking dahil siya ang madalas kong kasama.

"You should be happy about it! I made friends, Lyse." Ngiti ko.

"Yes and thank God for nerdy friends like them, hindi na matutuluyan ang utak mong nabilog ng kulturang dayuhan."

Ngumiwi ako sa sinabi niya at tumawa. Umiling naman siya at umirap.

"So what do you guys usually do? Magdadasal sa harap ng imahe nina Stan?"

"Tss? We don't do that! May mga fund raising kami, nag po-post kami sa Facebook accounts ng mga promotions tungkol sa Zeus. We handle the Zeus' fanpage. Isa na ako sa admin doon. That's all." Ngiti ko.

Umiling siya at hindi ko alam kung ano ang punto ng pagtatanong niya kung ayaw rin naman niyang marinig ang sasabihin ko. Hindi ko naman maiwasan ang magsalita dahil masyado kaming malapit.

Tiningala ko ang bahay nina Everlyse. Dala dala ko ang isang DSLR at inaayos ko ang lens nito. Nag volunteer akong mag document ng kanilang band practice. Ang sabi ni Wella ay pumayag naman daw ang buong banda kaya hindi na sila magugulat kung bakit picture ako nang picture mamaya.

Inayos ko ang kulot na tips ng buhok ko, sinikop sila at ginawang bun. Tumikhim ako at lumabas sa sasakyan nina Everlyse.

"Nandito na si Constantine, manang?" Tanong ni Everlyse sa sumalubong sa amin para kunin ang bag niya.

Tumango si manang kay Everlyse kaya nilingon niya ako.

"Andito na sila. Tara na sa loob. Anong gusto mong kainin?" Tanong niya, naglalakad kami papasok sa bahay nila.

Malaki ang bahay nina Everlyse. Halos antique lahat ng gamit. Kung hindi naman ay gawa sa kahoy o mabibigat na materyales ang naroon. Ang kanilang malaking hagdanan ay gawa sa kahoy at palaging makintab. May mga halaman sa bawat sulok ng kanilang bahay. Papasok sa malaking pintuan ay narinig ko na kaagad ang ingay ng gitara at drums. Nasa sala sila nag papractice.

Nilingon agad kami nina Joey at Warren pagkapasok. Si Noah naman ay nakita kong abala sa pag s-strum at pakikinig sa sariling tinutugtog habang nakikipag biruan si Stan sa kay Warren.

"Maiinspire na ako nito!" Tawa ni Warren sa amin.

Kinuha ko kaagad ang camera ko at pinicture-an sila. Wala naman silang naging imik. Ngumiti pa nga si Joey nang nakuhanan sila ng picture. Si Noah lang yata ang seryosong seryoso na nakikinig parin sa bawat pag s-strum ng gitara habang nag pi-picture ako. Dumiretso si Everlyse sa kanilang kusina, mukhang tutulong sa paghahanda ng pagkain.

"I heard you play some instruments, Meg? Sample naman diyan." Tawa ni Warren habang binibigay sa akin ang electric guitar na dinampot niya kay Joey.

Umiling ako. "Hindi ako marunong."

"You are just being humble." Ngiti ni Joey.

"Strictly classical instruments only." Nguso ni Stan at tinuro niya ang piano.

"Whoa! Mas lalo yata akong nainlove." Ani Warren at ngumiti sa akin.

Umiling ako at tumawa bago siya pinicture-an ng isa pa. "Makaka move on ka na pag narinig mo akong tumugtog."

Pareho naming tinungo ang piano forte nina Stan. Binuksan ko iyon at pinindot ang iilang mga keys bago umupo. Lumapit si Joey at Warren sa akin. Nakapamaywang ang dalawa na para bang mga batang ngayon lang makakakita ng tutugtog ng piano.

"What's the first piece you've learned?" Nagtaas ng kilay si Warren.

"Fur Elise." Sagot ko na agad tinugtog doon sa mabagal na tempo at unti unting bumilis.

It's a familiar feeling to me. Bata pa ako nang pinilit akong tumugtog ng kahit ano sa mga classical instruments. My dad didn't like contemporary music that much. And my mom wanted me to learn it dahil pareho sila ng dad kong naglalaro ang negosyo sa music industry pero walang instrumentong kayang tugtugin.

"Galing!" Sabay palakpak ng dalawa sa akin.

Ngumiti ako at nilingon si Noah na binababa ang gitara habang nakikipag usap kay Stan, nagbibiruan. I saw him smile. Halos mapatayo ako at nanghinayang agad nang napawi din ang ngiting iyon. I want to capture that smile of his!

"Tama na nga 'yang landian niyo! Kumain muna tayo." Sabay turo ni Stan sa mga pagkaing nilalapag ni Everlyse at ng mga katulong sa center table ng sala nila.

"Wow! Sakto, gutom na ako!" Sabi ni Joey at agad pumanhik patungo doon.

Sinabayan naman ako ni Warren sa paglalakad habang pinapaulanan ako ng mga tanong tungkol sa tinugtog ko.

"Ayaw mo bang matutong mag gitara?" Tanong niya sa akin.

"Gusto. Ayos lang." Sabi ko habang nakatingin kay Noah na umuupo sa sofa at sumusulyap sa amin.

"Sabihin mo sa akin kung curious ka na, tuturuan kita." Aniya.

Tumawa ako. "Akala ko ba sa drums ka?"

"I know how to play the guitar too." Ngiti ni Warren.

Tumango ako at dumiretso na kasama niya doon sa mga sofa.

Mabilis namang umakyat si Everlyse sa kanilang hagdanan habang nagsasalita.

"Ligo lang ako, Meg. Akyat ka lang pag may kailangan ka. Bababa ako pagkatapos." Aniya.

Tumango ako at umupo sa sofa. PInanood kong nilalantakan ng mga kabanda ni Stan ang mga pagkain.

"I told him, I do the vocals so I could get laid." Ani Stan sa isang matigas na ingles.

Kumunot ang noo ko. I know my cousin's naughty but I didn't think he'd go that far. Nawala agad iyon sa isipan ko nang nakitang tumawa si Noah sa sinabi niya. May dinugtong pa siya roon at mas lalong naghagalpakan ang apat.

Mabilis kong ni click ang DSLR sa bawat ngiti ni Noah. Damn, he looked so gorgeous in every shot.

"Shhh! May babae, ano ba kayo!" Saway ni Warren sa kanila pero nakangiti parin.

"Oh, don't worry about her. She's open minded. Unlike my twin." Nag kibit balikat si Stan sa akin.

Nakita kong tumitig si Noah sa akin dahil sa sinabi ni Stan. Pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko ay umakyat sa aking pisngi. I have never been this nervous because of a stare before.

Tumayo ako at dala dala ang camera ay dahan dahang umalis patungong kusina. I seriously don't think I can take his stare. Hindi ko kayang kiligin ng husto pag nasa harap niya.

Mabilis ang lakad ko patungong kusina. Mag isa ako doon kaya mabilis kong pinaypayan ang sarili ko at halos tumalon talon pa sa tuwa nang bigla kong narinig ang boses niya sa likod ko. Halos mapasandal ako sa ref nina Stan sa sobrang gulat.

"Excuse me?" Ani Noah.

"Yes?" Nag balik ang normal kong mukha, malayo sa babaeng kilig na kilig kanina. Nakaya ko pang mag taas ng kilay. I've got future in show business, I'm sure!

"Can I have your camera, please?" Nagtaas siya ng kilay sa akin.

Tinagilid ko ang ulo ko, nalilito sa gusto niyang mangyari. Do you want a selfie with me, Elizalde?

Naglahad siya ng kamay. "Your camera." Ulit niya.

"What's wrong with my camera?" Tanong ko habang tinatanggal ang camera sa aking leeg at binibigay sa nakalahad niyang kamay.

Tinanggap niya ito, hindi man lang siya umimik nang binuksan niya ito. Lumapit ako sa kanya at sabay kaming dumungaw sa pictures na dinelete niya. 'Yong mga pictures na nakangisi siya ay dinelete niyang lahat.

"Bakit mo dinelete?" Tanong ko habang binabawi ang camera. "Ayaw mong napipicture-an kang nakangiti?"

"Ayaw kong napipicture-an akong mag isa. You came here for the band, then picture-an mo kaming lahat." He said.

"What if your fans want a picture of you or Stan? Hindi pwede?" Tanong ko.

"They don't even need the pictures." Mariin niyang sinabi sa akin.

Nanliit ang mga mata ko.

"If they love our music, then they can all listen. If you love us, you should love our music, not our faces." Ani Noah.

"Ang arte mo naman. Ganon naman kasi talaga dapat. You can't really expect fans to just listen to you. We are not blind. We want to also look at your faces. Gusto namin ang music niyo, at the same time gusto rin namin ang mga mukha niyo. There is nothing wrong-" Naputol ang pagsasalita ko at agad niyang hinawakan ng mahigpit ang aking braso, nilapit niya ang kanyang mukha sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang hininga ko. What's his problem?

And then he breathed... "Take a picture of Warren, then. Tutal ay close naman kayo." Aniya at tinalikuran ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #elizalde