Kabanata 19
Fine
Ang gaan gaan ng kamay ko nang dinampot ko ang mga rosas na kanyang ibinigay. Hindi ko ito magawang itapon. Hindi ko makakaya iyon. I want to keep it. Dahil alam kong isa ito sa magpapaalala sa akin kung gaano katamis ang atensyon ni Noah.
Naririnig ko ang mga yapak ni Everlyse at agad kong nilagay ang mga rosas na binigay ni Noah sa loob ng locker. Pinutol ko ang isang rosas at inipit sa isa kong notebook. Kinuha ko rin ang note at nilagay kasama doon. Tumikhim ako at tiningnang mabuti ang locker ko na iyon na lang ang laman. Nilinisan ko na ito last week.
Hinihingal pa si Everlyse nang tumabi sa akin at nagbukas din ng locker, "Nagtatanong si Noah kung bakit ka mabilis na umalis." Tumitigil siya sa bawat salita para makahinga.
Hindi ko na kailangang sabihin kay Everlyse kung bakit. Alam niya na iyon. Pero nakuha kong may idudugtong pa siya.
"Susundan ka sana niya kaso pinatawag siya sa Discipline Office," nagkibit balikat siya.
Sinarado ko ang locker at nagkasalubong ang kilay ko sa pagtataka.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko.
"Nandon 'yong mommy at daddy niya. Napaaway yata si Rozen. Pinatawag silang magkakapatid. Even his older brother is there."
"Bakit siya kasama? Nakipag away ba siya tulad ni Rozen?" tanong ko.
"I-I don't think so... He's not that kind of guy, right?"
It's weird. Kahit na alam ko sa sarili kong ayaw ko muna siyang harapin ay sinubukan kong pumunta sa Discipline Office. Nagtatago pa kami ni Everlyse sa mga pintuan ng laboratory na katabi nito para lang hindi makita nino man pero nakita kong sa labas ng opisina ay apat na lang ang naroon. It's his mother, father, older brother, and Rozen. Wala na doon si Noah at sa tingin ko ay pinapagalitan nila si Rozen sa kabulastugang iyon.
"I told you. By now, siguro ay hinahanap ka na niya. Tara na sa cafeteria!" yaya ni Everlyse sa akin nang biglang tumaas ang tinig ng mommy ni Rozen.
"I told you to stop breaking the school rules, Rozen!"
Narinig kong tumawa lang si Rozen. Pinakawalan ko ang ulo ko sa hamba ng pintuan dahil sa pagtataka at nakita kong dumiretso kaagad ang tingin ni Rozen sa akin, nakangisi.
Oh!
"Whatever, mom. Oh! I can see Noah's girl." Winala niya ang usapan para mapigilan ang galit ng kanyang mommy.
Ang naka kulay all white na dress at itim na stilleto'ng mommy nila ay nilingon ako. Samantalang ang kanilang daddy naman ay umiling na lang kay Rozen bago tumingin na rin sa akin. Ang galit na mukha ng mommy ni Rozen ay umamo nang nagtagpo ang aming mga mata.
"Is that the Megan Marfori?" dinig ko ang bulong ng nakakatandang kapatid ni Rozen sa kanya.
Tinaas lang ni Rozen ang kanyang kilay bilang sagot.
Kumalabog ang puso ko. Tumigil ako sa pagtatago at narinig ko ang bawat singhap ni Everlyse nang pareho kaming lumabas sa computer laboratory.
"Hinahanap ka na ni Noah, miss. Magpahanap ka na, baka umiyak 'yon," tumawa si Rozen.
Nilingon ng nakakatandang kapatid si Rozen. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa. "Noah never cries, Rozen."
Ngumuso si Rozen at tumingin sa kapatid. "I know. Figurative speech, kuya. Di ka ba nag aaral?" Humagalpak sa tawa si Rozen na agad sinaway ng mommy niya.
Ngumiti ang kanyang mommy sa akin. Tumango ako at ngumiti na rin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko gayong wala naman ako dapat dito.
"My son is looking for you." Ngumiti siya.
Tumango ulit ako. "May ginawa lang po kami ng pinsan ko sa laboratory, Ma'am." Iminuwestra ko ang kabilang daan at susundan ko na sana ng pamamaalam nang bigla ulit nagsalita si Mrs. Elizalde.
"I'm sorry about my son. Siguro naman ay hindi ka rin napalagpas sa pagiging malupit at suplado niya. He's always been like that. And I'm pretty sure it's especially when he likes someone," may simpatya sa kanyang mata.
Nangapa ako ng salita. Hindi ko alam kung bakit nangingiti ang magkapatid na Elizalde sa kanyang tabi. Tumayo si Rozen at humalukipkip, tinabihan ang kanyang nakakatandang kapatid. Now I see the resemblance. Ang pinakamatandang kapatid ang pinaka matangkad at pinaka matipuno. Well, maybe because he's the eldest. Si Rozen ang nag mana sa kanyang mommy, kitang kita mo iyon sa kanyang ilong at labi, palangisi at palaging mukhang may masamang binabalak. Ganon din si Noah, only that he's more reserved. Hindi rin ngumingiti masyado si Noah, halos busangot palagi ang mukha at hindi mo malaman kung bakit kahit na mukha siyang galit parati ay nahuhumaling ka sa malalim niyang mga mata at sa mga tipid niyang ngiti.
"Ayos lang po, Mrs. Elizalde. I'm used to it."
Mas lalong naging malungkot ang kanyang mommy sa sagot ko.
"See? I please the girls, Noah frustrates them. Poor girls. Nagkakagusto pa kasi kay Noah, e," humagikhik ulit si Rozen.
"Shut up, Rozen."
Tumango ulit ako at ngumiti sa mag asawang Elizalde. "Maiwan ko na po kayo."
Tumango siya at bumaling ulit sa mga anak na naroon.
Mabilis akong naglakad palayo. Sumunod si Everlyse sa akin na maraming sinabi na hindi ko masundan.
"Ano? Pupuntahan mo ba si Noah o hindi? Nasa cafeteria siya, Meg. At gutom na ako," daing ni Everlyse nang papababa na kami at patungo nang cafeteria.
"Pupuntahan," sabi ko.
Halos tinakbo namin ang distansya patungo sa cafeteria nang biglang may ilang estudyanteng humarang sa amin. Nag angat ako ng tingin sa kung sino iyon at grupo iyon ng mga kaibigan ni Rozen kasama si William.
Humarang siya sa daanan ko, nangingiti. Nagmura si Everlyse sa likod ko dahil pareho kaming natigil sa paglalakad.
"Hi, Meg!" tumigil si William sa harap ko.
"Bilisan niyo na at gutom na ako!" Singit ni Everlyse na mukhang iritado na sa gilid ko.
"Go on, Lyse. Save a seat for me," nilingon ko ang pinsan ko na gulat sa naging desisyon ko pero pumanhik din.
Bumaling ako kay William at binigyan ng nagtatanong na ekspresyon.
"Hinanap kita. Since the exams are done. Gusto sana kitang yayaing makipagdate. I figured that Noah's too possessive over you pag nandito sa school. Kayo na ba?"
Tumabi ang mga kaibigan niya at may ibang pinagkaabalahan. Binigyan nila kaming dalawa ng privacy. Kinagat ko ang labi ko at nag angat ng tingin sa kanya. Naisip kong may utang na loob nga pala ako sa kanya at nasuntok pa siya ni Noah nang yayain niya akong mag lunch.
"Hindi." Tumikhim ako. "I'm kind of busy, William. I'm sorry. Lalo na sa week na ito." malungkot kong ibinahagi.
Ngumuso siya at tumango. Umigting din ang bagang niya bago bumaling ulit sa akin para ngumiti. "That's too bad, then."
May simpatya ang ngiting ibinalik ko. Lumagpas ang tingin ko sa likod ni William na may nakatingin sa akin.
Kitang kita ko kung paano inakbayan ni Stan si Noah, hinila ni Joey, at sinaway ni Warren nang natigilan si Noah sa pagtitig sa akin.
"Tara na, Noah!" dinig kong sinabi ni Warren.
Narinig iyon ni William kaya nilingon niya ang apat na nasa likod niya at bago pa siya makakibo ay sumunod na si Noah sa paghigit ng tatlo. Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay.
"Excuse me..." sabi ko at dumiretso na ng cafeteria.
Pinanood ni Everlyse ang pagdating ko. Siya na lang ang natitira sa mesa naming pang marami. Syempre, dahil wala na roon ang Zeus at hinigit na nila si Noah kung saan. Tinulak ni Everlyse ang pagkaing nakalaan yata sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko nang nakita ang isang pirasong note sa taas ng styro.
"Si-Sinong..." hindi ko natapos at binasa ko ang nasa note.
'I miss you. I really do.
-N. Elizalde'
"Sino pa ba? Edi siyempre ang Elizalde mo," umiling si Everlyse at wala akong nagawa kundi ang suminghap.
Hindi ko na malaman kung ano ang estado ng relasyon namin ni Noah. Sa sumunod na araw ay siya na mismo ang umiwas sa akin. Siya ang naunang umaalis sa classroom at wala siya sa mesa namin sa cafeteria tuwing kumakain.
"Kumain na ba ang kaibigan mo, Stan?" pabirong tanong ni Joey nang nag Thursday at wala parin doon si Noah.
Bumaling ako sa kanila. Ilang araw na rin kaming tahimik na kumakain. Walang bumabanggit kay Noah at ang tanging tinatawanan nila ay ang mga babaeng nakikita nilang naroon. Ngayon lang yata may naglakas nang loob na punahin ang kanyang pagkawala.
"Sa dami ng fans non? 'Yon pa ang di kumain? Paniguradong maraming nagbibigay ng pagkain don." Humagalpak si Warren at uminom ng tubig.
Sumubo ako ng kanin at nagkunwaring wala lang iyon sa akin. Nilingon ako ni Stan ngunit binalewala ko iyon. Siniko ako ni Everlyse ngunit ganon parin ang ginawa ko.
“Meg...” malamig na wika ni Stan.
“What?” simple kong tanong.
“Ano na? It’s almost Saturday,” dinig ko ang frustration sa kanyang boses.
“Yeah. I was aiming for that,” wala sa sarili kong sinabi.
Sabay sila ni Everlyse na tumikhim at natigil ako sa pagkain.
“God! Can you two please at least talk?” tumaas ang boses ni Stan.
Bumaling ako sa kanya. “I was aiming for his coldness, Stan. I was even aiming for more. Entertain other girls. He needs that,” nakalimutan ko ang presensya ni Joey at Warren na parehong nagkakasalubong ang kilay sa sinabi ko.
“Ayaw mo na kay Noah?” basag ni Joey.
“Gusto niyang ayawan na siya ni Noah! Have you seen our practices, Meg? No! Wala kang nakita dahil hindi ka na pumupunta! Wala kaming nagagawa kundi break time lagi kasi wala siya sa mood.”
Halos matawa ako, “don’t give me that shit. He was fine without me, he’ll be fine without me.”
Tumayo si Stan at kitang kita ko na namumula na ang kanyang mga mata sa inis.
“Pre...” tumayo rin si Warren at pumagitna agad sa amin ni Stan.
“What do you want me to do, Stan?” medyo nawawala na rin ako sa sarili. Galit siya at wala na akong magagawa. I only have two fucking days in the Philippines!
“Hold her, Everlyse,” ani Stan sa kapatid.
Kumunot ang noo ko at lilingon na sana ako kay Everlyse nang bigla niyang hinawakan ang pulso ko sa dalawang kamay.
“Hey!” Sigaw ko sa kanya.
Pinandilatan niya lang ako. Pumiglas ako ngunit tumulong si Joey sa paghawak sa akin kaya mas lalo lang akong hindi nakawala.
“Anong gagawin niyo?”
Marahas akong hinila nI Everlyse. Halos murahin ko siya sa kanyang ginawa. Pinatayo niya ako at tinulak ng bahagya para makapaglakad.
“Bitiwan niyo ako! Alright, alright! Sasama ako-”
“Bullshit! Alam ko kung gaano ka tigas ang ulo mo.” Sigaw ni Everlyse sa aking likod.
Pumiglas ulit ako ngunit napagtanto kong wala akong kawala. Papasok kami ng building sa school at hindi ko alam kung ano ang punto ng mga taong ito.
“Stan, come on...” Nanghihina kong tawag sa pinsan kong nauna na sa paglalakad.
Nakasunod sa kanya si Warren na dire diretso din ang lakad. Hindi ko alam saan kami pupunta pero tingin ko ay pupuntahan namin kung nasaan man ngayon si Noah. Halos sipain ni Everlyse ang aking paa nang hindi ako gumalaw para umakyat sa hagdanan.
“I am gonna bitch slap you after this,” sigaw ko sa kanya.
“Wa’g ka kasing tatanga tanga,” sabi niya naman sa akin.
Kumulo ang dugo ko at padabog na humakbang paakyat. Patungo kami sa classroom at naisip ko na baka naroon nga si Noah. He’s probably there. That’s why they are all taking me there!
Binuksan ni Stan ang pintuan at bumaling siya sa amin. Nanlalaki ang mga mata ko lalo na nang tinulak na nila ako sabay sabay papasok at agad na sinarado ang pinto sa likod ko. Sumigaw ako ng isang beses at hinampas ko ang pintuan. Wala na akong narinig na boses sa labas. Hindi ko alam kung nandyan pa ba sila o nagkukunwaring wala para hindi na ako mangulit. Nilingon ko si Noah na walang ginagawa kundi ang mag strum sa guitar na parang hindi ako nakita.
Naestatwa lang ako doon, hindi ko alam kung ano ang gagawin. Nang nagtama ang aming paningin ay ginalaw niya ang upuang nasa tabi niya. Ngayon ko lang napagtanto na nakaupo siya sa upuan ko sa harapan. Kinagat niya ang labi niya at bumaling ulit sa akin. Hinaplos niya ang desk at kahit hindi na siya magsalita ay alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Gusto niyang umupo ako doon.
Lumunok ako at dahan dahang sumunod. Stan’s right! We need to talk. We, at least, need to say goodbye to each other. And this is the right time.
Dahan dahan akong umupo sa harap niya at kitang kita ko kung paano siya tumitig ng tagos sa akin. Walang paliguy ligoy ang kanyang matalim na mata. Halong galit, inis, at lungkot ang nakita ko doon.
“I don’t know what’s wrong with you,” halos pabulong niyang sinabi, pinagpapatuloy ang pag strum sa guitar.
Lumunok ulit ako, “Noah...”
“I want to kiss you. Nong Lunes pa. But I figured a kiss from you wouldn’t be enough to cover up the shit you gave me.”
Pumikit ako ng mariin. Dumilat lang para tingnan ang nilalaro kong daliri. “Are you confused, Megan?”
“Noah... please. Just know... that I did this for us. From now on, I am going to set you free. Lahat ng pakiramdam ko ay hindi mo na kailangang suklian. Hindi ka obligadong gawin iyon. I... I never asked for anything in return. I never asked for your attention. May iba pang nangangailangan niyan. I am not worth your attention.”
“Tulad nino?” Tumigil siya sa pag s strum. “Mention it again, Megan. I dare you,” may pagbabanta sa kanyang boses.
Huminga ako ng malalim at hindi ko na iyon dinungtungan.
“If your worried that I might leave you, then stop it.” Bumaling ulit siya sa kanyang gitara. “Yes, I think we’re too young for this, Meg. Pero hindi ko sinabing hindi pwede. I’m just scared that along the way, after I risk my heart to you, you’ll find someone else.”
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko kayang marinig ang lahat ng ito galing sa kanya.
“The perfect words never crossed my mind
'Cause there was nothing in there but you
I felt every ounce of me screaming out
But the sound was trapped deep in me...”
Nagtindigan ang balahibo ko nang narinig ko ang kanyang boses. Ito ang unang pagkakataong narinig kong kumanta siya at napatanong ako kung bakit hindi siya naging bokalista ng Zeus? Halos pantay ang boses nila ni Stan. Magkasing buo at magkasing lalim. I even doubt if Stan can reach high notes but I’m pretty sure Noah’s voice quality can!
“All I've wanted just sped right past me
While I was rooted fast to the earth
I could be stuck here for a thousand years
Without your arms to drag me out...”
Nakatitig lang siya sa akin na para bang saulo niya ang lahat ng chords sa tinutugtog.
“No, I won't wait forever
No, I won't wait forever...”
Dahan dahan niyang kinanta iyon hanggang sa unti unting nawala ang strum ng guitar. Pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang seryoso niyang mga mata.
“I’m inlove with you, Meg,” kinagat niya kanyang labi.
Umiling na ako habang pinupunasan ang mga luha kong lumalandas sa aking pisngi. No. No way. No!
“Noah, you can’t be inlove with me,” umiling ako.
Nanliit ang mga mata niya ngunit hinawakan niya ang kamay kong nagpupunas sa aking luha. Pinigilan niya iyon sa ginagawa at ang isang kamay niyang kanina ay nag s-strum sa gitara ang siyang nagpupunas ng aking luha.
“Please, si Coreen na lang. Mahal ka niya. That girl won’t hurt you.” Basag ang boses ko habang sinasabi ko iyon.
Tumigil siya sa pagpupunas. “Bakit lagi mo akong pinagtutulakan? What’s the matter? Do you like someone else?” angil niya.
Hindi ako tumango at hindi rin ako umiling. “Please, Noah. Hindi pwedeng-”
Tumayo siya at nakita ko ang panibagong galit na nag alab sa kanyang mga mata.
“Bakit? You tell me now. Halos mabaliw na ako nitong mga nakaraang araw sa pag iisip kung anong naglalaro diyan sa isipan mo! God, Megan! You have to spill it! What?” tumaas ang boses niya.
Tumayo ako. Gusto kong hawakan at kalmahin ang braso niyang nanginginig pero hinawi niya ang kamay ko.
“Is that what you really want?” Nanliit ang mga mata niya. “You want me to like Coreen?”
Tumango ako. “Please...”
Lumipad ang mga palad ko sa aking bibig.
“You want me to date her? You want me to love her?”
Tumango ulit ako. Panibagong luha ang naglandas sa aking mga pisngi. Ang sakit sakit pala. Ang bigat tumango. Ang hirap tanggapin. Namumula na ang kanyang mga mata sa galit. Rozen’s right, hindi nga siya umiiyak.
“Fine.” Mariin niyang sinabi.
“I’m leaving,” mabilis kong sinabi nang nakumpirma sa kanya iyon.
Tinalikuran niya ako. Hinawakan ko ang braso niya, halos magmakaawa ako na tingnan niya ako pabalik habang nililigpit niya ang kanyang gitara.
“Noah, I’m...” sabi ko sa gitna ng hikbi.
“Leave. Don’t you ever come back,” sabay hawi niya sa kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko at wala ng hagulhol na lumabas sa aking bibig sa sobrang pag buhos ng luha ko. Bumukas ang pintuan ng padabog at umupo na ako pabalik sa upuan. Mabilis na dumalo si Everlyse sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit habang ako ay hindi na makahinga sa sobra sobrang pag iyak.
“Lyse... Lyse...” Hikbi ko.
“Shhhh!” sabay haplos ni Everlyse sa buhok ko.
I have never cried this much in my entire life. I’m sorry, Noah Elizalde.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro