Kabanata 17
Kabanata 17
He'll Fall
Hindi agad iyon naproseso ni Everlyse. Matawa tawa pa siya at pakurap kurap nang kinumpirma ulit sa akin iyon.
"Aalis kami. Titigil ako sa pag aaral. Kailangan para sa kompanya," sabi ko.
"Kailan ang balik niyo?" Nagtaas siya ng kilay. Hindi niya naintindihan ang ibig kong sabihin.
"I don't know." Iling ko. "Maybe in three or four years. i can't tell."
Nalaglag ang panga niya habang hawak hawak pa rin ang tray ng juice. Parang tulad ko ring hindi makapaniwala. "What about Noah?" iyon agad ang naitanong niya.
Bumuntong hininga ako, "We're too young, anyway-"
"Sasabihin mo ba ito sa kanya?"
"Naduduwag ako."
Nagkatinginan lang kami ni Everlyse. Hindi makapaniwala si Everlyse sa sinabi ko sa kanya. Gusto pa niyang mag usap kami kaya lang ay dumating ang kanyang kambal, nakangisi.
"Ano? Ihahatid mo ba 'yong juice, sis or not? They are thirsty." Sabi ni Stan sa kakambal habang kumukuha ng isang baso at nagsalin ng tubig na hindi galing sa ref. "Come on." Uminom siya at nagtaas ng kilay sa katahimikan.
"Lalagay ko lang 'to sa sala," sabi ni Everlyse at pumanhik na samantalang tumitig lang ako sa basong ininuman ko kanina.
Kita ko si Stan sa gilid ng aking mga mata na nakatitig rin sa akin habang sumisimsim ng tubig. "What happened to the the jolly Megan? Bakit mukhang malungkot?" humagikhik pa siya.
Sinubukan kong ngumiti pag angat ko ng tignin sa kanya pero siguro ay nagmukha lang iyong plastik na ngiti. Naglipat ng tingin si Stan sa likod ko at nagulat ako nang dumating si Noah, nakipag high five sa kanya.
Shit!
"Water?" Nagtaas ng kilay si Stan kay Noah.
Tumango si Noah at kumuha ng baso.
"Well..." Nagkibit balikat si Stan at nakangising asong umalis.
Gumalaw ako sa highchair, umaambang aalis din. I don't want to face the problem yet. Kung masasaktan ko lang din naman si Noah ay mas mabuting ipagpaliban ko na lang muna. Hindi ko pa kaya.
Lumapit siya sa akin bago pa ako makababa ng highchair. Hinawakan niya ang high chair at ang counter kaya naikulong niya ako sa kanyang braso. Nanlalaki ang mga mata ko habang tinititigan siyang ganito ka lapit.
"Noah..." nag iwas ako ng tingin.
"Are you feeling better?" Malambing ng bulong niya sa akin.
"Yeah..." halos hininga ko lang iyon.
"Nag alala ako," mas lalong malambing niyang sinabi. "You didn't even text me."
"Sorry. Sobrang sama kasi ng pakiramdam ko kaya ganon. Medyo matagal akong nagising."
Nilagay niya ang kanyang daliri sa aking baba para maiangat ang titig kong kumakawala sa kanya. Nagkatinginan kami. Nanliit ang mga mata niya nang nakitang nahihirapan akong magtagal sa pagtingin sa kanya.
"I missed you."
Kinagat ko ang labi ko at binaba ulit ang tingin. I missed you too, Noah. Pero bawal na umasa ka pa sa akin. Hindi kita pwedeng ikulong sa mga palad ko kung aalis din naman pala ako. I want to set you free. Explore other worlds. I like you. No. I love you. I love you that's why I'll choose to set you free. Hindi ko kayang makita kang malayo sa akin, naghihintay sa walang kasiguraduhang pagbabalik. Mas gugustuhin ko pang magalit ka sa akin kesa sa masaktan ka. Tingin ko ay ikakamatay ko pag nasaktan kita.
"I-Isang araw lang akong nawala, Noah. Baka sa susunod, matagal akong mawawala," natatawa pa ako para lang matabunan ang bigong damdamin.
"Did you miss me?" malamig at malambing ang namamaos niyang boses. "Hey..." Inangat niya uli ang baba ko dahil patuloy ko itong binabagsak. Mas lalo siyang lumapit sa akin. "Hey, did you miss me too?"
Pumikit ako ng mariin at isang beses na marahang tumango. I am inlove with you, Noah. At hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para iwan ka. Hindi ko ata kaya.
Malambing ang kanyang boses nang humalakhak siya at hinalikan ako sa noo. Huminga ako ng malalim at nagpipigil ng mga hikbi.
"Noah, baka hinahanap ka na sa sala. Mag papractice kayo para sa gig, diba? Let's go," anyaya ko nang sa ganon ay makaiwas na sa usapan namin dito.
"Alright, Megan." Malambing parin ang tono niya ngunit hindi niya parin inaalis ang braso niyang nagkukulong sa akin.
Tinulak ko iyon ng bahagya ngunit hindi ako nagtagumpay. Para bang sinasadya niyang gawin ang pagkukulong sa akin doon. Narinig ko pang humalakhak siya sa ginagawa kong pag tulak. Bahagya kong tinampal ang kanyang braso.
"Noah, please?" frustrated kong sinabi.
Nagngising aso siya bago ako pinakawalan. Pinamulahan yata ako ng mukha nang narinig ko ang napapaos niyang boses. "Sure..." humalakhak ulit siya.
Nagmartsa ako patungong sala samantalang sumusunod naman siya sa akin at natatawa. Kita ko ang salubong ng tingin ni Everlyse sa akin na medyo nag aalala at nag iingat sa ikinikilos ni Noah. Tumayo galing sa pagkakaupo si Everlyse at agad na sinalubong ako.
"Mag uusap lang kami ni Megan," aniya sa banda.
"Saan? I'm not yet done with her," mabilis na singit ni Noah.
Hindi ko siya tiningnan. Imbes ay kay Everlyse nanatili ang titig ko.
"Grabe ka, Noah. Catch up muna kami. May mga assignments, e. Tara, Meg."
Umakyat kaagad kami ni Everlyse sa kanyang kwarto. Habang nasa hagdanan ay nililingon ko pa ang nakatingalang si Noah bago dumiretso na sa pag akyat. Damn it!
Sinabi ko kay Everlyse lahat ng sinabi ni mommy at daddy sa akin at tahimik siya buong panahong kinwento ko ang mga iyon. Para bang sinusukat niya ang maipapayo niya sa akin.
"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Noah iyon. And I think making him mad at me is much easier than hurting him like that," sabi ko.
"Pareho lang iyon. Pag ginalit mo siya, masasaktan siya. Pag iniwan mo siya, masasaktan din siya."
"At least pag galit siya, he won't care if I'll leave." Halos hindi ko na marinig ang sarili ko nang sabihin ko iyon. Hindi ko alam kung makakayanan ko bang gawin lahat ng naiisip ko.
"So, you mean to say you are going to piss him off? Like that?" Ngumiwi si Everlyse.
"No... If I can help it. Gagawin ko ang lahat para ma lessen 'yong ipinapakita niyang affection sa akin. Find another girl that will suit him. Maybe some of his fans... I'm pretty sure madaling maka divert ng atensyon ang mga magaganda at pursigido niyang fans. I want him to detach. To stop thinking about me, if he is, and start to consider another girl."
Umiling na lang si Everlyse sa mga sinasabi ko.
"Lyse, we're too young. And do you actually believe na pag naging kami ngayon ay kami parin pagkatapos ng ilang taon? Ilang relasyon ba na nag simula sa highschool ang nagtatagal? We have to think about the reality. And it sucks, big time..." Gumaralgal ang boses ko sa itinatagong sakit. "This is reality. My family needs this break and Noah... Noah needs to be free."
Pinunasan ko ang tumakas kong luha. Nag aalala na naman ako dahil baka mamugto o mamula ang mga mata ko at magtatanong pa si Noah kung anong nangyari sa akin. I'm tired of lying to him. He didn't deserve my lies. He deserved the truth. He deserved to be loved. He deserved attention and appreciation.
Humiga ako sa kama ni Everlyse nang nakaisip siya ng paraan para hindi na ulit kami magkaengkwentro ni Noah sa gabing iyon.
"She's asleep. Sumakit ang ulo niya kanina. Tsaka may ubo siya. I will call tita and tell her that she's asleep. Bukas na lang siguro siya uuwi," malinaw kong narinig ang boses ni Everlyse nang buksan niya ang kanyang kwarto.
Naroon si Noah at Stan, nag aalala sa kalagayan ko. Nandito ako at nakatalikod sa pintuan at pinipilit na pumikit.
"Ang sabi niya ay maayos na siya. She's still sick? Uminom ba iyan ng gamot?" si Noah.
"Yup. Siguro ay maayos na siya bukas. Come on, Noah. Give her a break. Isang beses sa limang taon lang 'yan nagkakasakit kaya hayaan mo na," kapanipaniwalang tono ni Everlyse.
"We should call tita," singit ni Stan.
"We will, Stan," agarang sinabi ni Everlyse.
"Okay then. Pagkagising niya tatawag ako. Aalis na kami. Sabihin mo sa kanyang nag aalala ako," ani Noah.
"Yes. Makakarating."
Simula pa lang iyon. Simula kung paano ko itutulak si Noah sa akin palayo. Umupo ako ng maayos pagkatapos isarado ni Everlyse ang kanyang pintuan sa dalawa. Tumikhim siya at humilig sa kanyang pintuan.
"Do you think Coreen Aquino can make him fall in love?" Lumunok ako nang tanungin si Everlyse non.
"She's too young, Meg. And are you really sure about this?"
Tumango ako. "Rozen Elizalde liked that girl. Siguro ay may kung ano sa kanya. Siguro magugustuhan siya ni Noah. They were cut from the same cloth, Noah and Rozen. I'm pretty sure this will catch his attention." Inisip ko kung paano ko gagawin iyon nang hindi namamalayan ni Noah.
Umiling na lang si Everlyse sa aking harap at umupo sa kanyang kama. "Megan Marfori, pagkatapos mong pangarapin ang atensyon ni Noah ay pinapangarap mo na namang mabaling ang atensyon niya sa iba? Can you really afford to see him like someone else? And what if hindi ka magtagumpay?"
Huminga ako ng malalim at hindi na sumagot. I don't have all the time I need. Wala akong ginawa buong Sabado at Linggo kundi ang tingnan ang lahat ng maaaring magawa ko para sa dalawang linggong nalalabi ay maisagawa ko ang naiisip ko. I don't have too try so hard to make him like someone else I guess. Hindi niya pa naamin sa akin na gusto niya nga o mahal niya nga ako. This will be easy. But it's breaking my damn heart!
"Meg, handa na 'yong mga ballpen at iilang pins para sa gig nina Noah," salubong sa akin ni Wella. "Ayos ka na ba? Sabi may flu ka daw nong Biyernes. Mukhang matamlay ka parin ngayon."
"Ayos lang ako," sabi ko at agad umupo sa aking upuan.
"Oh? So, ano? Titingnan mo ba ang bagong pins? 'Yong ballpen? Ayos kaya 'yon sa'yo? Binigay ko kay Mari, e. Siya 'yong may dala. 'Yong tarp na lang ang kulang pati 'yong individual letters."
Tumango lang ako ng wala sa sarili. Hindi ko alam pero ayaw ko munang makealam sa mga ginagawa nila. Ang mismong pagdadausan ng gig ay 'yong mismong alis namin patungong Singapore.
Kumalabog ang puso ko nang nakita ko si Warren na papasok. I'm pretty na susunod si Noah, Stan, at Joey. Kumuha ako ng notebook at nagkunwaring nagsusulat para hindi ko masalubong ang tingin ni Noah pagkapasok niya.
Umalis na si Wella sa harap ko at bumalik sa kanyang upuan. Nang naramdaman ko ang paglapit ni Noah sa akin ay agad ko siyang tiningala.
"Feeling better now?" Ngumiti siya.
Tumango ako sa kanya at nag iwas ng tingin. Hindi malaman kung paano haharapin ang matamis niyang ngiti. Mabuti na lang at naisalba ako ng dumating naming teacher. Hindi na nagtagal ang pananatili niya sa aking harapan at dumiretso na siya sa aking upuan.
Nakinig akong mabuti sa aming teacher para sa mga instructions ng exam sa araw na ito. Hindi ako nakapag aral ng maayos. But then again, why do I need to study when it's gonna be useless. Iwi-withdraw din naman ng mga magulang ko ang pagkakaenrol ko dito at uulit ako sa year na ito abroad. But still, I tried my damnedest to answer the questions. Pagkatapos ng isang exam ay mamayang hapon ulit.
Ngunit dahil hindi naman kami agad umalis dahil magbibigay pa ng pointers ang teacher namin sa isang subject ay nanatili muna kami sa classroom. Kausap ko ang katabi ko tungkol sa mga sagot namin sa quiz nang bigla akong kalabitin ni Everlyse.
Nilingon ko siya at agad kong nakita ang kapirasong papel na inilalahad niya. Ang ekspresyon sa kanyang mukha ay simpatya at lungkot sa pinapadalang maliit na papel. Binuklat ko ito.
'Lunch later? May isa pa tayong exam mamayang hapon and it's not till 2pm.
-N. Elizalde'
Tinitigan ko lang iyong papel at nilagay sa aking desk. Pinukpok ko ang dulo ng aking ballpen sa aking desk habang nag iisip sa pagyayaya ni Noah. Yes, Noah, I'm gonna be there but we can't be alone for lunch. Dapat ay sa cafeteria tayo kumain. Not our usual spot. That way, we can probably spot Coreen Aquino and I'll see what I can do.
"Nandito na si ma'am!" sigaw ng kaklase ko pagkarating ng aming teacher na agad nag buklat ng kanyang malaking notebook pagkatapos ay umubo.
"Ito ang magiging pointers niyo for your exam this coming Friday."
Mabilis kong kinuha ang aking notebook para mag takedown ng notes na sinabi ng aming teacher. Pagkatapos niyang magsalita ay niligpit ko kaagad ang gamit ko. Bago ko pa tuluyang nailigpit iyon ay kinalabit ulit ako ni Everlyse. Kinuha ko kaagad ang kapirasong papel.
'I wat to hold your hand.
-N. Elizalde'
Pumikit ako at agad nilingon si Everlyse. "Tara na sa cafeteria, Lyse."
Kitang kita ko ang pagtataka at pag iingat sa kanyang ekspresyon bago niya sinikop ang mga notebook niya. Hindi siya umimik at agad nang tumayo. Ganon rin ang ginawa ko. Hinayaan ko ang dalawang kapirasong papel na sinulatan ni Noah sa aking desk at sabay nang umalis kasama si Everlyse.
"Megan!" sigaw niya nang nakalayo na kami.
Pumasok agad ako sa lockerroom, hinihingal. Nilagay ko ang ilang libro ko doon tsaka ko siya hinarap.
"Anong sinabi ni Noah sa'yo? Ba't ka tumakbo?"
"He wants us to eat together. Lyse, I can't do this." Umiling iling ako. "I can't do this. You have to know, I can't do this to him... I can't fucking do this." Mariin kong sinabi.
Hindi na alam kung anong gagawin. Hinawakan ni Lyse ang aking braso at niyugyog ako. "Just tell him what's happening, Meg! Wa'g ganito!"
"Naduduwag ako! Paano ko sasabihin? Lyse, I might cry! I might... stay... And you know I can't stay... You know that damn too well," pahisterya kong sinabi.
"Alam ko..." sabi ni Everlyse, pumipikit na rin. Dudugtungan niya pa sana ngunit may biglang pumasok sa lockerroom.
Tahimik na pumasok si Coreen Aquino doon, mag isa. May dala dala siyang mga libro at hindi ko alam na nasa iisang linya pala ang mga locker naming dalawa. Binuksan niya ang kanyang locker at nakita ko ang mga dekorasyong nagawa namin sa club, nakasabit sa loob ng kanyang locker. Zeus rocks! Noah Elizalde! Lahat ng naroon ay alam na alam kong kami ang gumawa. She's an avid fan. Pinagmasdan ko ulit ang mapupula niyang labi na nakaawang habang ginagawa ang pag aarrange ng mga libro, ang umaalon niyang buhok, ang makinis niyang kutis, at ang maganda niyang pangangatawan. No doubt, Noah can fall for this girl.
Tahimik kami ni Everlyse habang pinagmamasdan siyang ginagawa iyon.
"Noah can fall for her," bulong ko.
"Are you really sure you can do this?" bulong pabalik ni Everlyse sa akin.
Tumango ako. "I'll do it."
Tsaka lang namin pinakawalan ang aming mga hininga nang umalis na si Coreen sa locker room. Pumikit ako ng mariin at isang beses pang huminga ng malalim bago kinuha ang cellphone para mag text kay Noah.
Ako:
Cafeteria tayo kumain. I'll study with Everlyse.
"Let's go..." yaya ko sa pinsan kong nakatunganga lang doon at naghihintay sa susunod kong gagawin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro