Kabanata 15
Kabanata 15
Push
Siguro ay kukuha kami ng ticket pagkatapos ng ilang araw na bakasyon. It's my tita's city. Siguro naman ay bakasyon ang ipupunta namin sa Los Angeles.
Hindi ko na iyon pinagtuonan ng pansin. Naging abala din kasi ang mga magulang ko. Pagkagising ko tuwing umaga, papuntang school ay maaga na silang umalis na dalawa. At tuwing uuwi naman ako sa hapon ay hindi pa sila nakakauwi. This life is boring, I know. Wala akong kapatid at halos palaging mag isa sa bahay. Para malibang ako ay tinatawagan ko na lang si Everlyse o nanghahalungkat sa computer.
"Wella, natapos ko na 'yong design ng bagong tarp kagabi," sabi ko pagkapasok ko kaagad sa classroom, umagang umaga.
Tumango si Wella, "Naisip naming gawan din sila ng individual tarp. Lalo na don sa pangalawang gig na offer sa kanila. Malaki 'yong crowd tsaka kasama 'yong ibang sikat na mga banda."
Sumang-ayon ako sa lahat ng plano ni Wella. Magaling talaga siya sa pagpaplano at organisadong organisado ang mga mangyayari pag nandyan siya. She's a good leader. Dapat ay gamitin niya rin ito sa school dahil paniguradong magandang skill iyon.
"Meg, may naghahanap sa'yo," tawag ng isang kaklase ko.
Sa hamba ng pintuan ay nakita ko kaagad si William kasama ang iilang kaklase. Kung posible ay nakita ko rin yata si Rozen na nakangisi at nakaaligid doon. Ano ang kailangan ng mga ito sa akin? Lumapit ako sa kanila at si William ang sumalubong sa akin.
"Bakit, William? May problema ba?" panimula ko.
Matatangkad ang mga grade 12 na ito kaya agaw pansin sa lahat ng naroon. Para bang hindi natatanggap ng mata nila na bumibisita sila sa aming corridor.
"You remember last time? Hindi mo pinaunlakan ang imbitasyon ko. Now, I want to invite you for lunch." Matamis na ngiti ang kanyang ibinaling sa akin.
Rozen's group of boys are vain and arrogant. Nakikita ko iyon sa pagkakasuot nila sa uniporme nila. Loose neckties, unbuttoned shirts, and evil smirk. William is not an exception to that. Sa likod niya ay nakita ko ang Zeus na papalapit. No, I saw Noah's eyes bore into mine.
"May kasama na kasi ako sa lunch, e. Sorry." Nagkunwari pa akong disappointed. I don't want to be rude. "Thank you, though."
Ngumuso si William na agad tinapik ng natatawang si Rozen.
"What are you doing here, Kuya?" Malamig na angil ni Noah nang nakarating sa pintuan.
Nilingon siya ng natatawang si Rozen. "Duwag si William, nagpapasama pa sa pagyayaya sa kay Megan na mag lunch."
"Shut up, Rozen," napahiyang sinabi ni William.
Sumulyap si Noah sa akin bago niya tiningnan si William na iritado sa siniwalat ng kanyang kaibigan. "Hindi siya pwede. She's not available anymore," malamig na sinabi ni Noah sabay pagitna sa amin.
Nakita ko kung ilang tainga sa mga kaklase ko ang nakarinig non. May ibang palihim na tumili at may ibang tumikhim. Nakakairitang ngisi ang bumalot sa mukha ni Rozen samantalang kumunot naman ang noo ni William sa akin.
"I told you, William. Let's just go. Find another girl-" pinutol ni William ang pabirong sinabi ni Rozen.
"Bakit? Are you her boyfriend?" Medyo iritado nitong tanong. "You are not, right? Kung maka bakod ka ay parang iyo. I bet you thousand bucks, hindi mo pa nahahawakan ang mga binti niyan," mariin niyang sinabi.
Agad napansin ng lahat ang tensyon. Pumagitna si Stan at tinulak si Noah. Nong una ay hindi ko pa alam kung bakit pero nang tinulak ni Noah si Stan para kwelyuhan si William na medyo nagulat ay nakuha ko rin. Nagkukuyom ang bawat kamao ni Noah at kitang kita ang pag aalab ng galit sa kanyang mga mata.
"Noah!" Tawag ko at hahawakan ko na sana ang braso niya kung hindi lang ako pinigil ni Warren at Joey.
"At hanggang doon ka na lang. I don't need your bet. Hindi ko kailangan ng pera, marami ako niyan," mahina ngunit mariin niyang sinabi.
Kabadong humalakhak si William, "You are Rozen's younger brother, do you think I'll-" bago pa niya matapos ay nasuntok na siya ni Noah at ilang metro siyang napaatras. Napahawak siya sa kanyang pisngi na agad pumula at tingin ko ay mamamaga.
"Noah! Stop it!" Napasigaw ako.
Mabilis ang hininga ni William. Halatang galit at kabado. Mabilis na tinawag ni Rozen ang mga kaibigan at agad na hinigit si William para umalis. Ayaw niya pang umalis at gusto niya pang harapin si Noah ngunit panay ang payo ni Rozen sa kanya.
"It's your fault, anyway. Kung sana ay hindi tayo pumunta dito. The blame will all be on you. Let's just go!" sigaw ni Rozen.
"I don't care who the fuck they-" Hindi niya pinatapos si William.
"That's my brother out there. I am also gonna punch you if I must, William. Let's go and don't be a fucktard." Tinulak ni Rozen ang kaibigan na agad bumalikwas sa kamay niya.
Naisip kong silang dalawa ang mag aaway mamaya dahil sa galit ni William at sa pagkakairita naman ni Rozen. Ilang sandali pa bago bumaling si Noah sa akin na malamig ang ekspresyon. Umiling si Stan at Joey na agad pumasok sa classroom para umupo sa kanilang mga upuan. Sumunod si Noah, nilagpasan ako at huli si Warren na binigyan lang ako ng apologetic look. Ang mga kaklase ko ay nagbubulung bulungan at ang iba naman ay nakikiusyuso kay Everlyse na nasa likod ko simula pa lang kanina.
Nagmartsa ako sa upuan ni Noah. Hindi siya tumingin sa akin. Nilingon ko si Stan na agad nag angat ng tingin sa akin at medyo nairita sa sinenyas kong umalis muna siya at kailangan naming mag usap ni Noah.
"I'm sorry." sabay upo ko.
"Go back to your seat. I am still pissed." hindi siya makatingin sa akin.
"Are you mad at me?" Ngumuso ako.
Hindi siya nakasagot. Hindi niya rin talaga nasagot dahil dumating na ang teacher namin. Kinalabit na ako ni Stan dahil kailangan niya ng bumalik sa kanyang upuan. Napilitan akong tumayo habang tinitingnan ang mga mata ni Noah na nakatingin lang ng diretso sa aming white board.
Dahan dahan akong bumalik sa aking upuan, sinusulyapan siya sa bawat hakbang at wala siyang ginawa kundi ang tumingin lang doon sa harapan.
Nagsimula na naman ang teacher namin sa kanyang discussion. Agad kong kinuha ang aking papel para pumunit doon at magsulat.
'Are you mad at me?
M. Marfori'
Binigay ko kaagad iyon kay Everlyse na alam agad kung kanino ibibigay. Pinaglaruan ko ang ballpen ko at naghintay ako ng sasabihin ni Noah. Ilang sandali lang ay kinalabit na ako ni Everlyse. Binuklat ko kaagad ang sulat.
'Bakit ako magagalit sa'yo?
-N. Elizalde'
Sinubukan kong makinig sa teacher namin at mag take down ng notes habang nagsusulat din para kay Noah.
'You said you're pissed.
-M. Marfori'
Nagawa ko pang mag oral recitation habang naghihintay ng kanyang reply na agad din namang dumating.
'Naaalala ko lang 'yong nahawakan niya 'yong binti mo.
-N. Elizalde'
Ngumuso ako. Hindi ko alam kung anong masasabi ko.
'Pumayag ako para sa'yo. It was all for you.
-M. Marfori'
'No. I don't really like you shouting out there for me. You are not one of the fans. You should be backstage, waiting for me to finish the gig.
-N. Elizalde'
'Fan mo ako. I like your music. Old habits die hard.
-M. Marfori'
Matagal ang kanyang reply at naintindihan ko iyon dahil nagkaroon kami ng maiksing quiz. Nang natanggap ko naman iyon ay halos tumigil ako sa pag hinga.
'No. From now on, you should let that habit die.
N. Elizalde'
At doon ay nakatupi ang isang papel na sinulatan ko kanina. Sa pangalan kong 'M. Marfori' ay naka crash out ng isang beses ang apelyido at may nakalagay sa gilid na Elizalde.
Naestatwa ako sa aking upuan nang natapos ang klase at maglalunch break na. Dinampot ko isa-isa ang aking mga gamit at nilagay agad ang mga ito sa aking bag. Nasa gilid ko na si Everlyse, naghihintay.
"Ginugutom na ako," aniya.
"Sis, tayo na lang muna daw ang magkasamang kakain." Inakbayan agad siya ni Stan.
Kumunot ang noo ko, "bakit?"
Isang lingon lang ng aking pinsan kay Noah na nilalagay ang bag sa likod ay nakuha ko kaagad. Tumango ako at tumikhim, nagpapatuloy sa ginagawang pagliligpit.
"Okay..." Halakhak ni Everlyse. "Tara na, Stan, gutom na ako."
Hindi ko na tiningnan ang ekspresyon ng mga pinsan ko dahil alam kong ngiting-aso na naman sila. At tingin ko ay iniisip ni Everlyse na maghahalikan na naman kami ni Noah. Oh my God!
Tumayo ako at napatingin sa kanya. Unti unti nang umalis ang mga kaklase ko.
"Same spot?" tanong ko.
Tumango siya at kinagat ang kanyang labi na para bang natural lang sa kanya iyon at hindi nakakakitil ng buhay. Suminghap ako at humakbang nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Ang mga daliri niya ay naglalaro sa aking palad.
Sabay kaming pumunta sa canteen. Sabay pa kaming bumitiw na ilang tao na ang nakasalubong namin. Siguro ay pareho kaming hindi gusto na makatawag ng pansin sa kanila. Bumili siya ng pagkain naming dalawa at pagkatapos ay pumanhik na doon sa likod ng eskwelahan kung saan may bench sa tapat ng court, na nakasilong sa malaking punong kahoy.
Tahimik kami ng kumain. Hindi ko magawang magsalita dahil natatakot akong masira ko ang panahong ito. Nauna siyang matapos sa pagkain at hayan na naman siya sa kanyang paninitig sa akin. Lumapit pa siya at nagkadikit ang aming mga balat.
"Noah, naasiwa ako sa titig mo." prangka kong pag amin.
Ngumuso siya, hindi ko matantya ang kanyang ekspresyon dahil hindi ko siya matingnan. "Just eat the food, Meg."
Sumubo ako at hindi ko talaga mapanatili ang parehong pagkain tuwing hindi siya nakatingin. Binaba ko ang pagkain ko at nilingon ko siya. Kinuha niya ang canned juice na binili at binuksan pa para sa akin bago binigay.
"Thanks." Uminit ang pisngi ko at uminom na doon.
"Finish the food."
Tumango ako at lumingon ulit sa kanya. "Sorry talaga kanina. Tinanggihan ko naman si William. Kahit wala ka, tatanggihan ko 'yon."
"Really? In the past years, I have seen how much you want to send letters to your admirers. Ilang beses kitang narinig na gusto mong sumulat pabalik sa bawat nagsusulat sa'yo para pasalamatan sa atensyong binibigay nila sa'yo."
Nagulat ako sa naiisip niya. "Well, Noah. That's a lesson for you. You have to appreciate the people who appreciates you. If you don't like them, it doesn't mean that you can treat them like shit."
"I can do whatever the hell I want to do, Meg. You know that. Ilang beses mo na akong sinabihan niyan at hanggang ngayon, I will not take your advice. I do whatever I want in this life."
Tumango ako. Well, Elizalde, I know I shouldn't change you. You are that arrogant and foolish. Nagustuhan na kita noon kahit ganyan ka, at hindi iyon magbabago. Mahigpit ang hawak ko sa canned juice na nasa tuhod ko. Pansin ko parin ang paninitig niya sa akin.
"I think I am inlove with you," hindi ko alam kung paano ko nagawang sabihin iyon. Late reaction ang puso ko. Tsaka lang ako kinabahan ng husto pagkatapos ko iyong sabihin. Kumalampag at halos sumabog ang dibdib ko sa kaba. Alam na ni Noah ang tungkol sa pagtingin ko sa kanya since time immemorial.
Hinaplos niya ang palapulsuhan ko at dahan dahang gumapang ang isang kamay niya sa aking mga daliri. Ang isang kamay niya naman ay kinuha ang canned juice at tinabi bago hinawakan din ang kabilang kamay ko. Pinagsalikop niya ang aming daliri at sa katahimikan ay nakontento ako. Kahit hindi niya na pangalanan ang namamagitan sa aming dalawa ay ayos na sa akin. Ayos na ayos na ito sa akin.
"We are too young for this," sambit niyang nagpapikit sa akin.
Bracing myself for another disappointment. I know that even if I'll break my heart again this time, I won't mind.
"I am only seventeen. You are too, Meg. If only I could push the seconds hand, or the thick minute hand, or the hour hand, I would. I want to push the hands of time. I want to know if your feelings for me would change in the future. Gusto kong malaman kung hanggang saan, kung hanggang kailan tatagal ng nararamdaman mo."
Ngumiti ako, nakatitig sa mga daliri niyang naglalaro sa palad ko. "I've been in love with you for a long time. Ako dapat ang magkaganyan. I want to know if how long can you make me feel this happy."
Nagkatinginan kaming dalawa.
"I've like many girls, Meg. But I have never fallen like this." Hindi natanggal ang tingin niya sa akin at bumaba ang kanyang mata sa aking labi.
Langit para sa akin ang paulit ulit na pag re-replay non sa aking isipan. Sa sobrang saya ko at sa sobrang ganda ng alaala ay tingin ko nananaginip lang ako. Masayang masaya ang araw kong iyon lalo na nang nalaman kong makakasama ko ang aking mga magulang sa dinner dahil maaga ang uwi nila sa hapong iyon.
Nasa dining table na ako naghihintay nang sabay si mommy at daddy na bumaba at humalik sa akin pagkatapos ay umupo sa mga upuan.
"How's school, honey?" ngiting ngiting tanong ni mommy sa akin.
"Fine, mom. Masyadong excited 'yong mga kaklase ko sa prom. Biruin niyo, ilang months pa lang 'yon ay nagpapatahi at nagpapadesign na sila ng gown?"
Tumango si mommy at ngumiti sa akin pagkatapos ay nagyaya munang magdasal bago kumain. Pagkatapos ng pagdarasal ay inabot niya na agad sa akin ang nakahain.
"Dapat lang. Hindi pwedeng basta bastang tahiin ang gown kung intricate ang design nito."
Napatingin si daddy sa akin habang umiinom ng red wine. "Tapos na ba ang first quarter exams niyo?"
"It's not till next week. Nag aaral na nga po ako, e," sabi ko at napansin ko ang makahulugang titig ni daddy kay mommy.
"Pwede namang hindi ka na mag take. We're leaving in three weeks," ani daddy at sinubo ang lettuce na nakahain.
Nagkasalubong ang kilay ko, "Ba't di ako magti-take? Hindi na ba tayo babalik?" nagawa ko pang tumawa sa tanong ko. Natawa ako dahil imposible iyon.
Hindi ko kabisado kung ilang buwan o taon ang pwedeng lang itira ko ng tuloy-tuloy dito sa Pilipinas bago ko kakailanganing bumalik sa America para hindi mag expire o masira 'yong citizenship ko doon pero natitiyak kong hindi ito ganon ka bilis. Kakabalik ko lang ng America, e.
"Doon ka na muna magpapatuloy ng pag aaral mo. Eksaktong magsisimula na ang pasukan doon. Your mom and I will need to study and train for the company."
Hindi ko kaagad iyon na proseso. They must have been kidding me. Hindi iyon pwede. For the company? Hindi ako nakapagsalita at nakita kong inasahan iyon ng mga magulang ko.
"Your cousins, Lyse and Stan, may schedule na rin sila sa kanilang alis probably around this year pero babalik pa sila dito bago tuluyan ng manirahan doon. Don't worry. You probably won't miss them that much. Bibisita sila sa New York," sabay na ngumiti si mommy at daddy sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro