Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

Kabanata 13

You Own Me

Hindi alam ni Noah na pupunta ako doon. I just really want to support him. Show him that I care for his music. Nang datnan ko ang maraming tao sa isang malaking entablado, alas kuwatro ng hapon. Nanlalaki ang mga mata ko nang nakitang sobrang dami ng taong naroon habang tumatalon sa mga kanta ng naunang mga bandang naroon.

"Oh my God! They are gonna play here?" Hindi ako makapaniwala nang ibulalas ko iyon sa mga kasama ko sa club.

Nagmistulang maliit na stage ang naroon sa aming paaralan dahil sa entabladong ito. Masyadong maraming tao ang narito at puro masaya at nakikisabay sa musikang naririnig galing sa tumutugtog.

"Pang ilan sila, Thea?" tanong agad ni Wella doon sa may hawak ng programme.

"Pang pito." Sagot nong freshmen.

Dinumog nila ang programme na naroon habang nakikisiksik kami sa mga tao. Halos mga college boys ang tumutugtog at ibang klase na ang musikang likha nila. Hindi ko maipagkakailang kasing galing din sila ni Noah. Manghang mangha ako sa bawat pagsasambang naririnig ko galing sa audience.

Mabuti na lang at naka shorts ako at midriff tank top dahil medyo umambon kaya nabasa kami ng kaonti. Hindi nagpatinag ang mga audience na lasing na sa musikang tinutugtog ng bawat grupo sa harap.

"Pang anim na!" Patiling sinabi ni Wella nang umakyat ang limang lalaking sumunod sa kumanta kanina.

Dalawa ang kanilang vocalist at medyo malumanay ang mga kanta nila. Humupa ang ingay ng audience pero aliw na aliw parin sila sa kantang pamilyar. Nilingon ko ang katabi kong si Wella na abala sa pag aayos ng mga glow in the dark bracelets. Ngayon ko lang napansin ang pag kukulay baga ng langit dahil sa paglubog ng araw.

Tumalon talon ulit ako nang biglaang umingay ang tugtog ng pang limang banda. Medyo natalisod pa ako ng kaonti dahil sa suot kong boots at mabuti na lang ay may mga kamay na sumalo sa aking gilid.

"Megan? Ngayon lang kita napansin," ngumisi si William.

He's a guy from school. Kaibigan ito ni Rozen, sa pagkakaalam ko. I have met him way back ngunit hindi ko na ulit siya nakausap. May kasama siyang iilang mga lalaking hindi na pamilyar sa akin. Maybe guys from other schools?

"Yeah. I'm supporting Noah." Sinabayan ko iyon ng pagtuturo sa entablado.

Sa tangkad kong limang talampakan at anim na pulgada ay matangkad na sa normal na height ng mga kaedad ko. Ngunit maraming college na pinaghalong babae, lalaki, at bading ang naroon kaya hindi parin ako makapag angat ng tingin ng maayos.

"Holy crap!" Tili ni Wella nang medyo umambon ulit. "May bagyo ba?" Nagtanong siya sa mga miyembrong nasa likod.

Hindi ko kinailangan ng sagot. I'm here for Noah, umulan man o bumagyo. Ngiting ngiti ako nang tinawag ang pangalan ng Zeus sa stage. Medyo lumakas pa ang ambon ay may iilang lalaki sa unahan na nag hubad ng t shirt kaya nag tawanan ang mga naroon.

"Whoa!" Pumalakpak sina Wella, hindi ko alam kung dahil ba doon sa lalaki o doon sa pag akyat nina Stan sa stage.

"It's your favorite band, Megan." Sabi ni William na nasa tabi ko parin.

Tumango ako, ngiting ngiti sa pagpasok ni Noah. Seryoso parin ang kanyang mukha, at hindi mo malaman kung kinakabahan ba o para lang siyang nag peperform sa kanilang sala. Si Stan naman ay makapal ang mukha. Habang nag aayos sina Joey at Warren sa likod ay nginingitian niya ng bulgar ang mga audience na siyang dahilan kung bakit tiling tili ang mga ka club ko at ang iba naring naroon.

"Go Stan! I love you!" malakas ang loob na sinigaw ni Wella dahil wala ang kambal nitong si Everlyse dito.

Tinanggal niya ang kanyang t shirt at nakita ko ang caged bandeau na may galaxy print at may nakalagay na Constantine. Sumigaw at tumili ang mga ka club namin sa ginawa ni Wella. May nag tanggal pa sa kanyang malaking eye glasses na agad niyang inalma dahil hindi umano siya makakakita ng maayos pag wala iyon.

Ibang klaseng galak ang naramdaman ko nang nagkagulo na kami sa sigawan at halakhakan habang nagsisimulang tumugtog sina Noah at Joey.

Ang bawat miyembro ng club ay kung hindi tumitili ng pagkalakas lakas ay iwinawagayway ang tarpaulin ng Zeus. Nakita ko pang inakyat ng ilang seniors si Wella sa kanilang balikat. Tawang tawa si Wella lalo na nang tinuro siya ni Stan.

Let's light the fire, Meg. Walang pag aalinlangan kong hinubad ang aking maiksing shorts at winagayway ko iyon sa ere. Abot-abot ang kaba ko nang habang tumutugtog ay bumaba ang tingin ni Noah sa akin.

"Go Noah!" Sigaw ko, winawagayway ang aking shorts nang biglang may iilang kamay ang humapit sa aking hita at inangat ako doon.

Napatili ako sa gulat at takot na baka mahulog ako o ano. Nilingon ko pa ang mga nagtaas sa akin.

"Huwag ka nang lumingon, Meg!" Sigaw ng isang ka club ko na nasa likod at tumulong na rin sa pag angat sa akin.

Napasinghap ako nang nakita kong si William at ang isa pang lalaking kaibigan niya ang naroon at tumutulong sa pag angat sa akin. Nasa balikat ako nilang dalawa, parehong nakahawak sa aking binti.

Nilingon ko kaagad ang stage at sumigaw na lang para kay Noah.

"Go Noah! My Love!" Sigaw ko at tumili ako.

Matalim niya akong tinitigan. Kumaway ako sa kanyang supladong titig. Kinagat ko ang labi ko at tinuro ko ang pantyng suot. Napaawang ang bibig niya at nakita ko ang dahan dahan niyang pag iling at pag pikit ng mga mata.

"Go Noah! I love you!" Sigaw ko.

Tumalikod siya habang tumutugtog at nakita ko pang sa gitna ng pag tugtog ni Joey ay nakuha pa niyang makipag usap kay Noah nang nakangisi bago sumulyap sa akin.

"Gooo Zeus! Go Joey! Go Stan! Go Wareen! Go My Love!" Umalingawngaw ang tinig ko.

Medyo umambon at di ko inalintana iyon. Sa kabuuan ng pag tugtog nila ay naka angat ako at hindi ko man lang tinanong kina William kung ayos pa ba sila. I just want a clear view of Noah while he's out there making his own name in the music industry.

Ang alam ko ay may mga agents sa iba't ibang malalaking recording company na nanonood ngayon at pag nakita nilang malawak ang fan base ng Zeus at magaling ang musika nila ay maaring kukunin sila ng mga ito.

Halos nalasing ako sa pang huling kanta ni Stan. Medyo malumanay iyon at nakita kong naging seryoso sila samantalang si Noah ay halos nakatalikod parin sa audience.

Umaalingawngaw ang boses ko tuwing sinisigawan ko si Noah, "Tingin ka naman dito!"

"Take my hand

And gently close your eyes so you could understand

That there's no greater love tonight than what I've for you

Well if you feel the same way for me then let go

We can journey to a garden no one knows

Life is short my darling tell me that you love me

So we can fade into the night and you'll know..."

Sinabayan ko si Stan sa pagkanta nito. Hindi ko maiwasan dahil gustong gusto ko ang linyang iyan. Nakataas ang kamay ng mga audience na para bang sinasamba nila ang mga salitang lumalabas sa labi ni Stan at sa musikang galing sa mga stereo na tinutugtog nila.

Pumikit ako at ganon na rin ang ginawa habang kinakanta iyon. Dumilat lang ako pagkatapos ng kanta. Sumigaw ako at pumalakpak habang dahan dahang binaba nina William at nong kaibigan niya.

"Meg..." Inakbayan ako ni William at bumulong siya sa akin.

Ang mga mata ko ay nakatoon sa kay Noah na binaba ang gitara at hindi man lang bumati sa audience kahit na ang tatlong kabanda ay nagawa pang yumuko at kumaway. Napaka suplado talaga ng Elizalde'ng iyon!

"You free tonight? Perhaps we can have dinner?" Ang hininga niyay humahaplos na sa aking pisngi sa sobrang lapit.

Umiling agad ako. "Busy ako, William. I'm sorry." Nilingon ko sina Wella na hindi parin magkamayaw ang ngisi dahil sa ginawa naming suporta.

"Huy, Megan! Mag shorts ka na! Tumulo laway ni Noah kanina." Biro ni Wella.

Humugot ako ng malalim na hininga at agad na nagpaalam para pumuntang CR na malapit. Nagpresenta pa si Wella na samahan ako at hindi ko iyon tinanggihan. Mabilis akong nag bihis sa CR na naroon at hindi ko maitago ang ngisi ko pagkalabas.

Hindi tumulo ang laway ni Noah kanina but I'm pretty sure he can't get me off his mind. Mabilis kong napagtanto na hindi nga pala ako nagpaalam kina William nang umalis ako kanina. Am I too rude? Nagpakahirap silang iangat ako pero iyon lang ang ginawa ko. Ni pagpapasalamat ay wala akong sinabi?

"Grabe! Ang sikat na nila! Ang dami ng nakakakilala sa kanila. Nakita ko 'yong ilang college na tumitili sa pangalan ni Constantine." Sabi nong isang miyembro, she looks bothered.

"Ayos lang 'yon. Mas maganda nga 'yon dahil baka magkaroon pa sila ng offer. Their music deserves the number one spot." Ngiti ko sa kanila.

Nakita kong umalis si Wella dahil may tumawag sa kanyang cellphone. Nilingon ako nong assistant niya at nagsabing pinaghahanap na sila sa kanila. Siyempre gabi na kaya kinakailangan na naming umuwi.

"Hinahanap na rin ako." Bungad ni Wella pagkatapos ng tawag.

Mabilis kong kinapa ang cellphone ko. Ang alam ko'y may hinandang party ang banda sa bahay nina Everlyse. Doon din ako matutulog, kaya ako pinayagang gabihin ngayon dahil alam nilang kasama ko si Stan.

"Ano? Ikaw, Meg? Lalabas na kami dito. Saan ka?" Nalilitong tanong ni Wella.

Tiningnan ko ang cellphone kong may apat na mensahe ni Everlyse at may dalawang sa hindi ko kilalang numero. Bago ko pa mabuksan ang mga mensahe ay agad na may umakbay sa akin.

"Bah. Galing ng pinsan ko, a?" Nangingising sinabi ni Stan.

Nahanap niya ako! Buong akala ko ay nasa labas na sila naghihintay dahil dumaan silang backstage kanina. Hindi ko inakala na bumalik sila sa loob.

"Stan?" Nakangiti kong sinabi at agad niyakap ang pinsan ko. "Congrats!"

"Thank you. But I don't think kinailangan mo pang mag strip para lang matauhan ang mga tao doon na magaling nga kami." May kumpyansa niyang sinabi.

Nanahimik ang club members dahil sa kanyang presensya. Mag isa siya at tingin koy hinanap niya talaga ako sa dagat ng mga tao.

"Thank you, girls!" Sabi niya at hinarap ang mga ka member ko. "You did well. Hindi ko alam kung paano kayo mapapasalamatan. Siguro magkakaroon na lang tayo ng get together sometime." Pilyo ang ngisi ni Stan at agad akong umirap.

Nagkwentuhan, nagpurian, at nagpahayagan ng walang humpay na pasasalamat muna sila bago tuluyang umalis. Sumunod kami sa kanila, nakaakbay ang aking pinsan sa akin habang bumubulong. Nakahalukipkip ako at bawat mga mata ng babaeng papasok at palabas ay dumidikit sa kanya tapos sa akin. Can't you all frigging see the resemblance? Maybe I am fairer than him but we have the same eyes you idiots.

"Noah's fuming mad, couz. Nagtagumpay ka ngang talaga." Bulong ni Stan sa akin habang papalapit kami sa iilang sasakyang naroon.

Napansin ko kaagad ang isang BMW na nakapark. Doon nakahalukipkip at nakahilig si Noah nang datnan niya ang titig ko sa pag uusap namin ni Stan. Agad niyang binaba ang kanyang kamay at nag igting ang kanyang panga. Umiling si Joey at ngumisi. Lumingon naman si Warren sa akin at tumango. Tinanguan ko siya pabalik.

"Congratulations!" Ngisi ko binabalewala ang sinabi ni Stan sa akin.

Nakita kong naglakbay ang mata ni Noah sa balikat ko at agad lumipad sa ere ang mga braso ni Stan na nakaakbay.

"Easy, dude." Natatawang sinabi ni Stan. "Baka makalimutan mong magpinsan kami."

Nalilito ko silang tiningnan. Nakita ko ang pag titig ni Noah sa akin. Nakakabinging katahimikan ang bumalot. Kung hindi humagikhik si Stan at Joey ay malilito na ako sa katahimikan.

"Thank you for supporting us, Megan." Pinasadahan ako ng tingin ni Warren mula ulo hanggang paa.

"So..." Putol ni Joey. "Sinong sasakay sa sasakyan nina Stan?"

"Ako." Sabi ko, medyo nalilito sa nararamdaman na tensyon sa grupo.

"No... You come with me." Malamig na sinabi ni Noah.

Luminga linga ako dahil ang tatlo ay nanahimik habang tinititigan ako ng seryoso. Si Stan lang yata ang may ganang ngumanga at paglaruan ang kanyang labi gamit ang kanyang dila. Tumunog ang BMW sa gilid ko. Sasakyan ni Noah 'yan?

"Don tayo kay Stan, Warren." Anyaya ni Joey.

Tumango si Warren at sumulyap sa akin. Nilingon ko si Stan na ganon parin ang ginagawa at pinagtaasan ko siya ng kilay.

Binuksan ni Noah ang pintuan ng kanyang sasakyan. Nakita ko kung paano nag igting ulit ang kanyang panga. Nilingon niya ako at malamig na tinitigan.

"Do I need to say it again, Megan?" Malamig niyang wika.

"You're still seventeen. You can't drive." Iling ko. "Kahit si Stan, may driver pa." Umirap ako at agad na nagmartsa papasok sa sasakyan ng masungit pero gwapong lalaking ito.

Ipinakita ko pa sa kanya na nagdadabog talaga ang mga paa ko papasok doon sa front seat.

"Take care of her, Elizalde." Dinig kong sinabi ni Stan at agad inakbayan si Joey at Warren patungo sa kanilang sasakyan.

Sinundan ko sila ng tingin nang biglang humarang si Noah sa aking paningin kaya naputol ko ang paninitig. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Kitang kita ko ang igting ng kanyang panga at ang kanyang kamay na nakakuyom ay nakahawak sa likod ng aking upuan at ang isa ay nasa pintuan. Ang isang paa niya ay nakapatong sa sahig ng sasakyan.

"Who gave you the permission to show your skin? Who gave you the permission to even come to that motherfucking event, Megan?"

Nanlaki ang mata ko nang ang marahan na boses niya ay unti unting naging sigaw. "I am supporting you, Noah."

"No. You're not supporting me. You're destroying me." Marahan ngunit may diin niyang sinabi.

Ngumuso ako at bumagsak ang tingin ko sa aking mga tuhod kung nasaan nakahawak ang aking mga kamay. Para akong pakawalang hayop na pagkatapos magliwaliw ay pinagalitan ng amo. Noah's just too over protective. Wearing a panty in public is the same as wearing a bikini on the beach. Kumalabog ang pintuan ng kanyang sasakyan at umikot siya sa driver's seat.

"I'm sorry." Sabi ko at nilingon siya.

Pinasadahan niya ako ng tingin. Mula ulo hanggang paa.

"Unique kasi 'yon, Noah-" Paliwanag ko na agad niyang pinutol at mariin akong siniil ng halik.

Alam na alam ko ang halik na iyon. Naramdaman ko na iyon noon. Hindi ko sinuklian ang mahapding halik na isiniil niya sa akin ng ilang sandali. Halos mapaiyak ako dahil ramdam ko ang galit niya sa akin.

Tumigil siya sa paghalik ngunit nanatili ang kanyang mukha malapit sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Mabilis ang kanyang paghinga at naramdaman ko ang kamay niyang galing sa aking tuhod ay naglalakbay pataas. Naglalaro. Naglalakad ang daliri niya at nakikiliti ako. Para bang ang sakit ng halik niya ay binbawi ng mga kiliti at haplos ng bawt paglapat ng kanyang pagsayad. It was tormenting. Bumilis ang hininga ko nang naramdaman ko iyon sa tiyan ko.

Isang beses niyang marahang hinalikan ang aking labi na para bang matamis ito at hindi niya kayang hindi simutin.

"I own you," makumpyansa niyang sambit. "I own every inch of you."

Naramdaman ko ang haplos niya sa aking tiyan.

"At lahat ng pag aari ko ay hindi pwedeng nahahawakan, nahahalikan, o kahit nakikita ng iba."

Tinikom ko ang bibig ko at binaba ko ang tingin ko sa kanyang labi. "Hindi naman yata tama 'yan, Noah. You own me. But I don't own you..."

Umigting ang kanyang bagang. Ang makita ito ng malapitan ay nagpagising sa mga sensasyong ngayon ko lang yata naramdaman sa talambuhay ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay niya iyon sa kanyang dibdib.

"You own me too."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #elizalde