Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Thanks for making it this far.

--------------------------------

Epilogue

Inaayos ko ang relo ko habang nakatayo sa malaking pintuan ng simbahang pinili mismo ni Megan. Sa gilid ko ay si Rozen na humahalakhak at nakikipag kwentuhan kay Kuya Dashiel.

"I still remember it clearly, Noah. 'Yong mga panahong nagtanong ka kung paano makalimot ng babae." Tawa ni Kuya.

"Oh shut it, Kuya." Iling ko nang hindi siya tinitingnan.

Unti unti ko rin iyong naalala. Bitterness was all I felt the moment she left me for reasons I could never understand. Bumagsak ang mga sulat galing sa iba ibang babae pagkabukas ko ng aking locker. Tumikhim ako at yumuko para pulutin ang mga iyon.

"Find another girl, Noah. Life's too short to hope for uncertain things. Besides, I'm sure hindi ka naman baliw na isang babae lang talaga ang kayang tingnan. Just look at Rozen? He keeps on claiming that he's in love with Coreen but the next day, ayun at nakikipaghalikan kay Emerald." Tawa niya.

He's right. I don't get Rozen sometimes. Nong medyo napansin ko si Coreen ay nagkasuntukan kami dahil ayaw niyang pinapansin 'yong 'mahal' niya. What a stupid asshole. Mahal niya ba talaga ang kaibigan ni Reina o ginagawa niya lang na pedestal? Iniwasan ko na lang si Coreen but then I realized, sana pala ay siya na lang ang kinaibigan ko, hindi na sana ako nahulog sa patibong ni Megan.

"Bukas na lang ako sasama sa practice, a?" Sabi ni Stan kay Warren at Joey. "O bukas na lang tayo mag practice. Busy kasi ako ngayon. May handaan sa bahay kasama si tito. Kakabalik galing L.A."

Nakatingin ako sa sulat ni Coreen. It kind of resembled Megan's letters. Ngunit naiwala ko rin iyon sa utak ko nang unti unti kong nakuha ang sinabi ni Stan.

"Your tito is back, Stan?" Tanong ko.

Napatingin si Joey at Stan sa akin. "Uh, yes."

"It's been... three months." My heart raced.

Huminga ng malalim si Stan at tiningnan ako, bigo. "Si tito lang, Noah. Hindi niya kasama si Meg. Nag aaral na si Meg don, e."

"Dude, I heard you're taking Trisha to prom? Totoo 'yon?" Tanong ni Warren at naramdaman kong winawala niya ang usapan.

Sinarado ko ang locker ko at pinilit na huwag magsalita ng masama bago ko binalingan si Warren. "Yes, I'm taking her to prom."

"Akala ko ay si Coreen 'yong kukunin mo?" Tanong ni Warren pabalik.

"Wow! Noah! Ang daming umaasa sayo, a? Pipili ka lang pala." Tawa ni Joey sabay tapik sa balikat ko. Tumawa rin si Warren kasabay niya ngunit si Stan ay nakatitig lang sa akin.

"May pupuntahan lang ako sa court." Ngumisi lang ako at naglakad na palabas ng locker room. Wala naman palang practice kaya hindi namin kailangang magtagal doon. Pero hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang mga yapak ni Stan sa likod ko. Kahit na ganon ay hindi ko na siya nilingon. Hinayaan ko siyang abutan ako.

"Noah," hinihingal niyang sinabi.

Tumigil ako nang nagkatabi kami at bumaling ako sa kanya. "Bakit?"

"Ang mabuti pa ay kalimutan mo na si Megan," aniya.

Ngumisi ako. "Hindi mo na kailangang sabihin 'yan sa akin. Hindi kami nakataling dalawa. She set me free. I broke her heart."

Umiling si Stan. "Wag na tayong mag bolahan. Alam kong umaasa ka pa sa pinsan ko."

Napawi ang ngiti ko. Hindi ko maitago ang galit na tumatakas sa aking sistema. She did not ask me to wait for her. But if I choose to wait, so what?

"She's not coming back until she graduates. And the way I see it, tingin ko ay masasaktan ka lang. You know Megan. She's not a wallflower. She's a smooth talker and kung mananatili siyang ganon sa US-"

"What are you trying to say, Stan?" Nag iwas ako ng tingin.

"I-I'm just saying na baka magalit ka lang sa kanya kung patuloy kang aasa. Ayaw kong masira ang banda natin dahil sa pinsan ko. I love music. I treasure the band," aniya.

"I know, Stan. Huwag kang mag alala, hindi ako aasa." I lied.

Tinalikuran ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad palayo. Iniisip ko ang mga sinabi ni Stan. Yes, certainly, Meg's a smooth talker at hindi rin siya takot na makihalubilo sa ibang tao kahit sa lalaki. Pumikit ako ng mariin habang nakaupo sa bleachers.

Wala nang tao sa court. Ako lang din ang mag isa na nasa bleachers at tinitingnan ko ang buong court na tahimik. Naaalala ko iyong paglalaro ni Megan dito ng volleyball.

I miss her chinky eyes. I miss her long black hair. I miss her smooth skin. Naaalala ko pa kung gaano ako ka iritado sa kanya isang beses na nandito kami sa bleachers na ito. Titig na titig ako sa kanya non habang sumisigaw siya para sa isang player na nasa higher grades. Akala mo naman crush niya 'yong player kung makatili. Nang tumama ang mata niya sa akin ay nag peace sign lang siya at ngumiti. I looked away. Nag walk out ako nang di niya alam kung bakit. I hate that she's giving out her precious attention to just about anyone out there. Ang atensyon ay ibinibigay lamang sa taong gusto mo, hindi sa lahat.

At pagkatapos ng araw na iyon ay nakatanggap ako ng love letter niya? Fuck, I was so annoyed! I was so angry to the depths na tingin ko ay pinaglalaruan niya ako ng husto! At mas lalong nakakairita ay kung bakit ako galit dahil lang ibinibigay niya ng ganon ka simple ang atensyon niya sa kahit kanino.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa isang puno. May nakatayong babae doon na nakatingin sa akin. Nang nakita niya akong napatingin sa kanya ay bahagya siyang nagtago sa puno. It was Coreen. Humigit ulit ako ng hiningang malalim bago tumayo para umalis doon.

Napahinga ako ng malalim habang tinitingnan ang mahabang red carpet patungo sa altar. Nag uusap si Rozen at Kuya Dashiel at nagtatawanan ng tungkol sa nakaraan. Habang ako naman ay tahimik na inaalala ang lahat.

"Shut up, you two." Iling ko.

"I was just being protective, Kuya." Tawa ni Rozen. "With Noah broken hearted, lahat yata ng babae ay willing na pawiin ang sakit ng kanyang puso. Ayaw kong gawin niyang panakip butas si Coreen. Or worst, ayaw kong madevelop siya kay Coreen."

Tumawa si Kuya Dashiel. "Ang sabihin mo ay gusto mo pang maglaro nong high school!"

Tinaas ni Rozen ang kamay niya sa ere. "College na ako nong narealize niya na hindi worth it si Megan na hintayin. As long as walang pumupormang ibang lalaki kay Coreen at hindi niya pa ako mahal ay hindi ko siya pipilitin. Pero dahil nakikita kong mukhang magkakamabutihan sila ni Noah ay tsaka pa lang ako kumilos!"

Umiling si Kuya Dashiel, hindi nakikinig kay Rozen.

Ngumiti na lang ako ngayong naaalala ko ang lahat ng iyon. Ilang buwan pa lang pagkakaalis ni Megan ay may sinabi na si Stan sa akin.

Napatalon ako nang naabutan niya akong tinitingnan ang Facebook ni Megan. Hindi na kami friends sa Facebook ngunit may kaonti akong nakikitang picture na public kaya tinitingnan ko iyon. Bigo ang mukha ni Stan nang naabutan akong ganon. Agad kong nilagay sa bulsa ko ang cellphone ko habang kinukuha ang gitara ko para sa gig namin.

"Noah..." sabay tapik niya sa aking balikat.

Tumango ako at bumaling sa kanya. "Ano?"

Tumingin siya sa gitara ko. "Nagkausap nga pala kami ni tito nong isang araw..."

Tumango ulit ako at naghintay sa karugtong.

"May boyfriend na yata si Megan doon. E, sabi niya nakapagsabi daw si Everlyse na naghahalikan sila nong unang naging kaibigan niya sa pinapasukang eskwelahan." Nagkibit balikat siya.

Nanlaki ang mata ko. "Sinisiraan mo lang siya, Stan. I know Megan's not exactly a shy girl but she won't do that. Bago siya umalis ay sinabi niya sa aking mahal niya ako." Giit ko.

Nag iwas lamang ng tingin si Stan. "Sinasabi ko ito sayo para kalimutan mo na siya. Kasi wala ka talagang maaasahan sa kanya. Your performance is affected! Wala tayong keyboards pero bakit iyan 'yong madalas mong ineensayo?" Tumaas ang tono ng kanyang boses.

"Ano ba ang pakealam mo kung ano ang gusto kong aralin?"

"Kakalimutan mo ba ang banda natin at ang mga nabuo na para lang sa kay Megan? God, Noah! I didn't know you were as hopeless as this? Isang babae lang 'yan at bata pa tayo! Marami pang lalapit sayo na babae-"

Mabilis ang hininga ko at tumayo ako. Nanginig ang kamay ko sa sobrang galit.

"Alam kong nag eensayo ka ng keyboard kasi 'yon ang instrument na tinutugtog ni Megan! Bakit di mo na lang isali ang violin?" Iritadong sinabi ni Stan.

Uminit ang pisngi ko at hinampas ang gitara sa mesang nasa tabi namin. Isang hampas lang ay nawasak agad ang katawan nito. Sa pangalawang hampas ay nabali na ito at hinagis ko na lang sa gilid dahil ayaw kong mas lalo ko pa itong mawasak. Nanlaki ang mata ni Stan sa akin. May gig kami ngunit wala na akong pakealam.

"Ano ngayon kung para kay Megan!? Pwede ba, hayaan mo ako? You think gumagana sa akin ang mga paninira mo para lang sa ating banda?"

Nanlaki ang mata ni Stan. "LANG? Para LANG, Noah? Really?"

"Fuck you, dude!" Sigaw ko. "Walang kwenta lahat ng ginagawa mo!" Sabi ko habang sinisikop ang gamit na dinala para makaalis na doon. Nag aalab pa sa galit ang pakiramdam ko at ayaw kong masuntok ko pa si Stan.

"Kung gusto mong malaman kung naninira ako kay Megan, edi tingnan mong mabuti ang Facebook niya. Or better yet, add her as a friend and you'll fucking see!" aniya.

"Tsss." Ngumisi ako at umiling bago umalis doon at iniwan si Stan na nagmumura at halos nagwawala.

"Shit!" Sigaw ko nang habang naglalakad patungo sa sasakyan ay bumuhos ang ulan. Sinalubong ako ng payong nong driver ngunit hinawi ko ang payong niya.

Pumasok kaagad ako sa sasakyan at naghubad ng pang itaas na basang basa. Pumasok rin ang driver na napatingin sa akin sa rearview mirror.

"Akala ko ay mamaya ka pa matatapos? Hindi natuloy?" Usisa niya.

"May importante akong pupuntahan. Pupunta tayo sa bahay nina Megan Marfori." Sabi ko habang inaayos ang t shirt.

Kakausapin ko ang kanyang daddy. Tatanungin ko kung bakit siya dinala sa US gayong umuwi naman pala siya dito sa Pilipinas para sa negosyo nila. Walang imik na nagdrive ang driver namin patungo sa village nina Megan. Hindi pa kami pinapasok sa gate ngunit ang sabi ng security guard ay naroon daw sa loob si Mr. Marfori. Huminga ako ng malalim  habang tinitingnan ang daang tatahakin ko.

"Sasamahan ba kita? May payong dito." Sabi ng driver.

"Ako na lang. Pahiram ng payong." Sabi ko sabay kuha ng payong at labas sa sasakyan.

Pinapasok ako ng guard ngunit hinatid ako sa loob. Nang binuksan ang double doors na pintuan ng bahay nila ay nakita ko kaagad ang Piano sa kanilang sala. Sa ibabaw nito ay may picture frame niyang nakangiti. Tinikom kong mabuti ang bibig ko.

I will never believe, Stan, Meg. Naniniwala ako at pinanghahawakan ko ang sinabi mong mahal mo ako. After today, I'm gonna add her on Facebook and say sorry. Nagulat lang ako at nasaktan. I want her back. I miss her care. I miss the way I send her notes. Miss na miss ko na ang payat at makurbang sulat kamay niya. Miss na miss ko na iyong pagiging straightforward and confident niya.

"Nasa loob si Mr. Marfori." Sabi ng guard habang itinuturo ang isang mas maliit na double doors na palagay ko ay study room o office.

Kinatok ng guard ang pintuan. Narinig ko ang boses ni Mr. Marfori na nagsasabing papasukin ang bisita. Pinapasok agad ako at tinanguan ang guard. Hindi pa nakakalapit sa kanyang malaking wooden table ay tinitingnan niya na ako sa likod ng kanyang salamin.

"Anong kailangan mo dito, hijo?" Tanong niya.

Lumapit ako. "Ako po si Noah Elizalde-"

Tinaas niya ang kamay niya sa ere. "I know you. You're the boy who likes my daughter."

Umigting ang panga ko.

"Bakit ka narito? Ano ang kailangan mo?" Tanong niya.

Kinabahan ako ng husto. I've never been this nervous all my life. Kahit na sa entablado ay hindi ako tinatablan ng kaba. Ngayon lang. "I just want to know kung kailan po babalik si Megan o kung bakit po siya sa labas ng bansa nag aaral gayong-"

Tumawa siya, hindi ako pinatapos. "Babalik? Hijo, bakit siya babalik? I don't get you."

Umigting ulit ang bagang ko. "This is her home-"

"Home is when your loved ones are there. Her mom's there. At iyong mga pinsan niya rin. This is not her home anymore." Mariin niyang sinabi.

Nagkatitigan kami ni Mr. Marfori.

"Sige, sasabihin ko sayo, Mr. Elizalde. Ang anak ko ang magmamana ng kompanyang pinaghihirapan namin ng kanyang mommy. She needs the best education, experiences, and a business mind for it. Now, I want to know, bakit ka nagtatanong at bakit importante ito sayo? Do you like my daughter?"

Kinagat ko ang labi ko. "May mga unibersidad sa Pilipinas na magaling sa business. Surely, your company will provide the best experience you're talking about. And yes, I like your daughter, Mr. Marfori. That's why I am asking you kung kailan ang balik niya. I cannot wait."

Humagalpak si Mr. Marfori na para bang may sinabi akong sobrang nakakatawa na halos mangiyak ngiyak na siya. "Oh, Elizalde. Kung sana ay iyong dalawa mong kuya ang lumapit sa akin ay masisiyahan pa ako. You... you're the Elizalde who, unlike your two brothers, do not have the skills in business." Iling niya.

Mabilis ang hininga ko at kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What about Rozen and Dashiel.

"Dashiel Elizalde, high school siya nong siya ang nag manage sa rubber plantation ninyo sa Camino Real, hindi ba? At Rozen Elizalde, your other brother is always with your father during his business meetings. You're the favorite, right? Iyong hindi pinapahawak sa business at hinahayaan sa mga kapritso. You're the spoiled one." Sabi niya na parang kilalang kilala niya ako. "Your mother is very fond of you that she forgets the importance of developing your skills in business. No wonder matalim ang dila mo, you're spoiled. You're suggesting the universities here in the Philippines? I guess you're right. There are some good universities here. Pero tingin ko ay tamang desisyon na inilayo ko si Megan. Kasi kung ikaw lang din naman ang manliligaw sa kanya ay natatakot na ako para sa anak ko."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Gusto kong magwala. Nanginginig ang kamay ko sa galit ngunit kinalma ko ang sarili ko. Imposible pero nagawa kong hindi manginig nang magsalita.

"Hindi ko alam kung ano ang ibig ninyong sabihin o bakit galit na galit ka sa akin. Business is not for me, Mr. Marfori. You're right. Ang mga kapatid ko ay marami nang nagawa sa larangan na iyan sa maliit na edad. But I'm sure hindi po 'yan ang sukatan-"

"'Yan ang sukatan. Hindi mo ba ako narinig, hijo? Ang sinabi ko kanina ay si Megan lamang ang tagapagmana ng kompanyang pinaghirapan namin ng kanyang mommy. Kung ito ay babagsak sa kanya, kailangan niya ng lalaking magiging kaakibat niya para pangalagaan ito."

That's bullshit! Ang ibig niya bang sabihin ay pag ako ay hindi ko iyon mapapangalagaan? That's bull fucking shit!

"And besides, she's dating a boy right now in the US, Mr. Elizalde. David? I forgot the name but she's doing pretty well with him. I don't know why you're still there hoping she'll like you back. She won't." Tumawa lang siya.

Nanlaki ang mata ko. Nanginginig ako nang paalis sa kanilang bahay.

Fuck this shit! May iba na siya? No! No way! No way! Hindi niya iyon magagawa sa akin.

Nakalimutan ko nang mag payong palabas at malakas ang buhos ng ulan. Tulala ako at hindi ko na lubusang mahawakan ang lahat ng nararamdaman. I think I'm going to explode from the different things I'm feeling. Pain, longing, anger, love. Putangina, mahal parin? Hindi pa 'yan, Noah. Pinaiikot ka lang nila. Ayaw ni Mr. Marfori sayo kaya sinisiraan niya si Megan. Lahat ay gagawin niya para lang mawalan ka ng gana. Kaya pa 'yan!

But then when Stan showed me a video of her laughing and kissing someone...

"Si Megan, 'yan?" Tanong ni Warren habang tinitingnan namin 'yong video. "What happened to her?"

"Alcohol happened?" Tanong ni Joey.

Sabog ang kanyang straight at itim na buhok. Naghaharutan sila ng isang matangkad na amerikano. May pinag uusapan sila at gustong kumawala ni Megan ngunit hinahawakan siya nong amerikano sa baywang.

Nanatili ang mata ko sa kamay ng amerikanong nakahawak sa baywang ni Megan. Sa nipis na baywang ni Megan. Lumapat ang kamay ng amerikano doon sa parteng iyon ay nag alab ang galit sa akin. I want to just break his arm for it! Tahimik ako ngunit mabilis ang hininga ko.

"No..." Maarteng sinabi ni Megan.

"You won't go with me to prom, baby, because you asked someone else?" Tawa nong amerikano.

She fucking asked someone to prom?

"David..." Tawa ni Megan at bahagya niyang tinulak iyong amerikano sa dibdib. Habang ginagawa niya iyon ay nilapit nong amerikano ang kanyang mukha at hinalikan si Megan.

Tumigil ako sa paghinga. Ang kanyang kamay na nanlalaban kanina ay humigpit ang hawak sa t shirt ng amerikano. Halos mapunit niya ito sa pagkakahawak habang sinusulian iyon ng halik.

May kirot akong naramdaman sa aking dibdib. Literal na parang may nahuhulog o nababasag doon habang tinitingnan ko ang pagdiin pa ng kanyang kamay sa t shirt.

"Putang ina! Putang ina talaga!" Sabi ko habang tinuturo ang kawalan. "Fuck! Fuck shit! Ganon?" Wala na ako sa sarili. Ilang shot ang nilaklak ko at kanina ko pa minumura si Stan. "Tangina, Stan, tanungin mo nga kung gaano ba kasarap ang halik ng kanong iyon!? Tanungin mo nga ang pinsan mo? Nakakapilipit ba?"

"Noah! Putangina, tumahimik ka nga!" Sabi ni Joey.

Padabog kong nilagay ang shot ng whiskey. I'm not a heavy drinker. Pagnanalasing kasi ako ay nakakatulog ako kaya napeperwisyo silang lahat. Kaya pinipili kong huwag uminom ng marami pero ngayon ay hindi ko kayang hindi. If this will make everything numb. If this will make me at least forget her for the mean time.

Pero, Meg... Kung... hindi pa naman kayo... kung lasing ka lang o ano... bumalik ka na dito. Tatanggapin parin kita. Kakalimutan ko 'yong halik. Tutal ay halik lang naman iyon. Fuck, I sound so desperate even to my ears.

"Sabihin mo, ha, Stan! Na putangina, sabi ni Noah."

"Baliw ka ba? Nag away kayo nong umalis siya!" Sabi ni Stan, iritado.

"Sino hindi magagalit? E iiwan niya ako!"

"Hindi niya naman ginusto iyon ah?" Giit ni Stan.

"'Yong halik ba, hindi niya rin ginusto? Ha?" Natahimik si Stan. "Sabihin mo, putangina. Ang higpit ng hawak niya sa damit nong kano. Parang gusto pa ng maraming halik. Ano? Kailangan niya pa ng marami? Hindi pa sapat? Kulang pa?"

Pumikit ako ng mariin. I want to curse some more. Sa oras na magkita tayo ulit, Meg. Hindi ko titigilan iyang labi mo hanggang hindi mamantal.

The next days, I feel so lost. Lahat na lang ng nagpapaalala sa akin sa kanya ay iniiwasan ko. Ayaw ko na muna siyang pag usapan dahil puro mura lang ang nasasabi ko.

Nakihalubilo ako sa ibang babae. They are right. Masyadong maaga para masaktan ng ganon. I should forget her, alright? I should move on. Kasi iyon ang ginawa niya. At tuwing nagkikita kami ng kanyang daddy sa mga gatherings kasama ang ibang businessman, binabati ko siya ngunit halos hindi niya ako tingnan.

That's when I met Coreen. She's a good friend. She likes me. Mga sulat niyang konti na lang ang nabasa ko dahil huli na nang nakuha niya ang atensyon ko. Truly, her letters resembled Megan's. Iyong tipong nagkukwento muna siya ng tungkol sa kanyang sarili. It's entertaining. Most girls right about how great we are on stage. Hindi na nila kinikwento kung ano ang nangyari sa kanilang araw. I know I shouldn't care but it's weird and entertaining.

Rozen told me to back off. Seriously? Bakit? Mahal ba siya ni Coreen? Hindi naman ah? At simula pa lang nong high school ay inilalayo niya na si Coreen sa akin na para bang pag aari niya? Ni hindi nga siya nakikita ni Coreen, e.

"Gwapo mo, Noah!" Tawa ni Coreen nang umakyat sa hagdanan, inaalalayan ni Rozen. "Always the most gorgeous, Elizalde."

"Hindi naman yata ako makakapayag niyan, Coreen." Tawa ni kuya Dashiel.

"Mas lalo ako." Kumunot ang noo ni Rozen.

Umiling si Coreen. "You two... Stop it. Nang aagaw pa kayo ng eksena." Umirap na lang siya at ngumiti sa akin.

Ngumiti ako pabalik kay Coreen habang inaalala ko gamit ang kanyang mga mata. I loved her too. She was there for me when I was so lost. She was my Megan when I needed her the most. She's my friend. My best friend. Kahit na hindi niya alam ang tungkol kay Megan. Because I refuse to retell the story. Because I was hurt too much, I can't bear telling it to anyone.

"Estupido! Bakit ka nandito!? Ang akala ko ay umigil ka na!" Galit na bulalas ni Mr. Marfori nang bumisita ako sa kanila.

Bumalik si Megan ngunit wala siya sa kanilang bahay. Huminga ako ng malalim at gusto kong makausap siya. It was not clear to me. Nong nagkita kami ay parang mahal niya pa ako. Pinopormahan ko na si Coreen pero bago ako tuluyang sumugal sa kanya ay gusto kong malaman kung ano ba talaga ang nasa isipan ni Megan.

"K-Kayo na ni Coreen?" Tanong niya.

"Ano ngayon?" nagulat ako kaya nagtanong din ako.

"K-Kung ganon, you shouldn't b-be here with-"

Hinalikan ko siya ng husto. Her lips so soft and smooth. I can't get enough of it. I can't stop myself from kissing the girl who's hurt me too much. Ngunit nang maalala ko iyong halik niya sa kanong iyon sa video ay hindi ko na napigilan ang pagiging marahas. Why can't I make her twist so much because of my kiss?

"Is that all you got, Megan You can kiss better than that." Galit kong sinabi.

"Bakit kita hahalikan pabalik kung may girlfriend ka? Noah, I respect-"

"Fuck your respect," sabi ko at tinalikuran siya.

Wala akong pakealam kung isipin niyang girlfriend ko si Coreen. Pero ngayon ay nandito ako sa bahay nila at halos mag makaawa na makita ko siya. Bullshit talaga! Nakakagago naman ito!

"Wala ang anak ko dito! At hindi ka niya gusto! Ilang beses ko ba iyang sasabihin sayo? Bugok ka ba?" Galit na bulalas ni Mr. Marfori.

Umigting ang bagang ko. I just want to talk to her. Kung sana ay hindi ako nagpakagago noon at hindi ako pinangunahan ng galit ko ay sana nagkausap kami! "Nagkita kami sa school-"

"Madre de puta! Umalis na siya! Halughugin mo man ang pamamahay ko ay hindi mo mahahanap ang anak ko. At isa pa, may boyfriend na iyon kaya mas mabuting mag hanap ka na ng iba mong magugustuhan at tigilan mo na siya." Iling ni Mr. Marfori.

"Bakit kayo galit sa akin? Iyon lang ba ang ikinagagalit ninyo? Because I'm not a business prodigy like my brothers? is that so important? Do you let Megan be with someone just because he's into business? Hindi niyo ba inaalala kung gusto niya ang gusto mo para sa kanya?" Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Tumayo siya galing sa pagkakaupo niya at parang manghang mangha siya sa sinabi ko. Tumawa siya ng pagkalakas lakas! Tinuro niya ako.

"Megan is my only daughter. One day, pag mag kakaanak ka, malalaman mo na hindi mo kayang ipagkatiwala ang anak mo sa isang nagbabandang babaerong walang inisip kundi ang musikang walang kwenta. I bet you my life, Elizalde. Di mo 'yan kayang ibigay sa anak mo. Ikaw ang pipili ng makakabuti sa kanya."

"I have a sister, Mr. Elizalde. And I know how you're feeling. But then I can give that man a chance if he deserves it." Mariin kong sinabi.

Nanliit ang mata niya. "Do you deserve it? You don't. You. Don't."

Tinakpan ko na lang ang mukha ko sa loob ng bar pagkatapos ng ilang shot ng whisky. Tigilan ko na nga itong kahibangang ito.

"Sino ba 'yan, Noah at mukhang ang laki ng problema mo? Si Coreen ba?" Tawa ni Warren habang tinatapik ako sa balikat.

Hindi ako nagsalita. "Si Coreen 'yan!" Tawa ni Joey habang binibigyan pa ako ng isa pang shot ng whisky.

I lost Coreen. It's like I lost Megan all over again. This time, she's leaving me for another man. This time, she'll kiss another man.

"Hindi ba ay magtatagal si Rozen sa Paris? Edi ibig sabihin ay may pag asa ka pa kay Coreen." Ani Warren.

Tumango ako. Half heartedly, I want Coreen to love me back again. I want to feel the warmth I lost from someone... It's nostalgic. Pero alam ko sa sarili ko na mali iyon. Na mali ang pumili ng isang tao dahil lang naaalala ko ang mahal ko sa kanya. I won't hurt her just for nostalgia. Dahil lang naaalala ko si Megan sa kanya? Hindi. I love Coreen. I can't hurt her like that. Wala siyang ginawa kundi ang maging mabuti sa akin. Hindi tama na pagsasamantalahan ko ang pagkawala ni Rozen para pormahan siya. Ni hindi niya alam ang tungkol kay Megan. She's that innocent, I can't do that to her.

I care for her too much. Kaya nanatili kaming magkaibigan.

"Did you invite, Diva, Noah?" Nagulat ako nang sa likod ko nanggaling ang isang boses na pamilyar.

Nilingon ko si Mrs. Marfori kasama ang kanyang asawa. Siya ay naka pulang dress na abot hanggang paa at si Mr. Marfori ay naka itim na tuxedo. Umiling ako.

"Hindi po, ma." Sabi ko.

Ngumiti si Mrs. Marfori sa akin at bumaling siya sa asawa.

Huminga ako ng malalim. I know I should have invited her too. She's only a casualty. Nagpapasalamat ako na mahal ni Coreen si Rozen, kung hindi ay baka masaktan ko lamang siya. Nasaktan ko si Diva ng husto. Tulad ni Coreen ay mahal niya rin ang banda. Tulad ni Megan ay gustong gusto niya rin ako. In her eyes, I felt Megan's presence. Gago nga yatang talaga ako para isiping kayang punan ng ibang tao ang kawalan ko kay Megan.

Nong nagbalik si Megan at nagkita kami sa Batangas ay nagmumukha na akong tanga na nakatitig sa mga mata niya tuwing hindi siya nakatingin!

"Tsss. Kung maka sigaw ka ay parang may mangyayari sa atin. Relax." Sabi ko habang naghuhubad para matulog na sa tabi niya.

"How can I actually relax! You're stripping!" Sigaw niya sa gulat habang titig na titig sa akin.

Tumindig ang balahibo ko at pinasadahan ko ng tingin ang kanyang nipis na katawan. God, I hope you guide me tonight. Hindi pa kami maayos na dalawa ngunit hindi ko parin siya maiwasan kahit na galit na galit ako.

"I told you I'm sleeping here. Isn't that enough information? Tsss." Umiling ako.

"Oh my God?" Nag takip siya ng mata habang hinuhubad ko ang aking pantalon.

Pinasadahan ko ng tingin ang kurba ng kanyang baywang. Naalala ko tuloy iyong ipinakitang video sa akin ni Stan nong naghalikan sila ng isa pang lalaki. Lasing siya non at hawak nong lalaki ang nipis niyang baywang. God, Noah! Now is not the time to think about that! Tuwing naiisip ko iyon ay nag iinit lamang ako sa galit. I just suddenly want to kiss her and ask her who's the better kisser.

Hinagis ko sa kanya ang boxers ko.

"Oh my fucking! You are naked, Noah Reigan Elizalde?"

"I sleep naked, Maria Georgianne Marfori. If that answers your damn annoying questions." Sabi ko at humiga na sa kanyang kama habang nanginginig siya sa kinatatayuan niya.

Kinagat ko ang labi ko at parang may parte sa puso kong naguguluhan. Whatever happened to her in the US, am I willing to accept it? Kaya ko bang tanggapin na ilang beses niya man akong sinabihang mahal niya ako ay nakapagmahal parin siya ng iba? Na ang akala ko noon na tunay at malupit na nararamdaman niya para sa akin ay mababaw lang naman pala at madaling baliin?

"I've been so tired of looking at your face, Noah." Sabi ni Mr. Elizalde sa akin nang nagtungo ako sa kanyang opisina.

"I don't know why, Mr. Elizalde. Hindi naman tayo nagkikita araw-araw." Sabi ko.

He smirked. "Don't fool me. You're not in good terms with my daughter. Why would you be? She's in love with someone else. Unless you want her to cheat with his boyfriend, then, you can be her past time." Ani Mr. Elizalde.

Umigting ang bagang ko. "Wala siyang boyfriend ngayon."

"Sinong nagsabi? Might as well ask Stan-"

"You just hate me too much, that's why. Kaya ayaw mo akong lumapit sa kanya." Sabi ko.

"Totoo iyon. At mabuti ring alam mo na ayaw ko naman talaga sayo. Kahit anong gawin mong panliligaw sa kanya, sa oras na sabihin kong bumalik siyang New York ay babalik siya sa isang iglap ng mga mata. Because I told her so. Because I am her father. And you're just the worthless piece of bastard who thinks you'll stand a chance."

Hindi na ako makahinga sa galit. Tanging respeto sa matatanda na lang ang nanatili sa akin. "Ano ba talaga ang gusto ninyo na gawin ko para magustuhan ninyo ako?" I asked desperately.

Noon ay sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko tatanungin sa kanya iyan. Pero hindi ko na naiwasan ngayon. I'll change my ways. I'll try everything just to make this work this time.

"Layuan mo siya-"

"Please don't ask me that. I tried that before. It didn't work."

Tumawa siya. "You did not try hard enough. Screw more girls-"

"I don't screw girls, Mr. Marfori!" galit kong sinabi.

"Wag mo akong bilugin. That's pretty ramphant in your field. Alam ko ang pasikot sikot sa pagbabanda, Noah."

Nanliit ang mata ko. "I know you're daughter is really precious, Mr. Elizalde. Inilalagay ko ho siya sa isang pedestal pero ang pedestal na iyon ay aabutin ko kahit anong mangyari, kahit ayaw ninyo."

Napawi ang ngiti niya. "You try. And I will ask her to leave this country once more. Sino kaya ang pipiliin niya? Ikaw na nasaktan na siya noon? o ako na ama niya?"

Nagkatinginan kami at naalala ko kung paano niya ako iniwan noon. Pumikit ako ng mariin. Hindi malaman kung ano ba talaga ang gagawin ko? Ayaw ko mang tamaan ng takot ngunit ang buong sistema ko ay nanginginig sa takot tuwing naiisip na mamahalin niya ako ngunit bibitiwan sa huli. Nawasak niya ako noon, kung mawawasak niya pa ako ngayon ay tuluyan ko nang mawawala ang sarili ko. I couldn't afford that. I can't lose myself again! Not this time!

Pero ganonpaman ay habang iniiwasan ko siya ay sinusubukan ko na ang mag invest. Still so stupid just like the old times.

"Nandyan na ang bridal car." Sabi ng coordinator. "Pwesto na Noah."

Ngunit nanatili ang tingin ko sa bridal car na kararating lang. Puting limo na masyadong tinted.

"Nasa loob ba siya?" Tanong ko at sinapak kaagad ni Rozen.

"Wala! Gago! Nasa airport, pabalik ng Amerika."

Kumalabog ang lintik kong puso. Napatingin ako kay Rozen kaya humagalpak siya ng tawa. Kinurot siya ni Coreen at pumilipit siya sa sakit.

"Ang kulit mo talaga!"

"Aray!" Tawa niya. "Sorry naman!"

"Of course, Noah, nasa loob siya. Sinong aatras sa pagpapakasal sayo?" Tawa ni Coreen.

"Anong sinabi mo, Coreen?" Tanong ni Rozen at binalingan si Coreen.

Huminga ako ng malalim at nagpunas ng pawis. Naglakad ako doon sa itinuturo ng coordinator habang sinasabi sa akin kung ano ang gagawin ko at kailan ako magsisimula. Tumango lang ako, lutang ang pakiramdam.

"Dude, pagdating sa harap, tatapusin mo muna bago mo siya tatanggapin." Bulong ni Stan, ang best man ko.

Tumango ako at di na makatingin. Nanatili ang mata ko sa altar. Sa Panginoon na nasa harap, kung saan ko ihaharap mamaya ang babaeng pinakamamahal ko.

Nagsimulang tumugtog ang instrumental song ng isang sikat na kanta ngayon. Live orchestra ang nasa gilid na pinapatugtog ito. Inayos ko ang tuxedo ko at kitang kita ko si mommy at daddy na nasa gitna na, naghihintay sa akin para makapagmano ako bilang simbolo ng pamamaalam na magpapakasal na ako.

Ginawa ko iyon pagkatapos ay naglakad mag isa patungo sa altar. Ilang click ng camera ang nangyari. Sumunod si mommy at daddy, pagkatapos ay si Stan.

Naaalala ko nong galit na galit ako dahil pinakita niya ang tattoo niya sa loob ng bar. Ni hindi ko alam na may tattoo siyang pangalan ko. Crazy right? No one's crazier than her!

Sa galit ko ay gigil na gigil ako. Sinisisi ko si Megan sa pagiging liberated niya at basta bastang pagsasayaw at pagpapakita ng katawan doon sa lalaki ngunit muntik ko ring mapatay ang lalaki sa galit.

Sigaw nang sigaw si Megan sa gilid habang basag na basag ang mukha nong lalaki at sinipa sipa ko pa pagkatapos kong paduguin ang mukha.

"Alamin mo muna kung kanino 'yong hinahawakan mo." Mariin kong sinabi.

Hawak hawak ko si Megan para makasigurong maayos siya. Ngunit nang napaalis na ng bouncer ang nambastos na lalaki ay binitiwan ko rin siya. Hinilamos ko ang kamay ko sa galit sa sarili at sa bawat waiter na dumadaan ay nanghihingi ako ng alak.

Ilang shots ng whisky at vodka ang ininom ko sa iritasyon ko sa sarili ko. Pinalibutan na nina Joey at Warren si Megan. Huminga ako ng malalim at uminom pa.

"Tatlong scout ang narito para sa gig na ito, Meg. Tinalikuran kaming lahat dahil sa pag alis ni Noah ng bigla sa finale!" Sabi ni Joey.

Pumikit ako ng mariin at uminom pa ng dalawang shot ng whisky. Damn, it was my fault, alright?

"Noah! Nag peperform tayo, dude!" Galit na baling ni Joey sa akin.

"I'm not blind. Alam ko." Iritado kong sinabi habang apat na whisky ang dire diretso kong nilagok.

"E, alam mo naman pala? Bakit bigla ka na lang umalis!? Ngayon nagtatanong sila kung talaga bang propesyunal tayo!" 

Pumikit ako ng mariin habang nagtatalo sila at hindi ko na masundan. Ang alam ko ay galit na galit si Everlyse sa pagtatalo nila ni Warren at Joey. Napatingin ako kay Megan na mangiyak ngiyak. Umiling ako at lumayo sa kanila.

"Wag kang iiyak. Kasalanan mo 'yan. Ipinakita mo ang sarili mo sa lalaking iyon. Wag na wag kang iiyak para sa kasalanan mong iyan." Bulong ko ng mariin pagkatapos ay nag desisyon na umalis doon para mag hanap ng mesa na mauupuan at nang makainom na lang imbes na isipin ang nangyaring kapalpakan.

Mura nang mura si Joey at Warren nang nagtungo sa mesa ko kung nasaan sina Wella. Isang Jack Daniels at Absolut sa harap ko ang kanina ko pa halos higupin lahat. Nakikita ko ang mga mata ni Mara at Aubrey sa akin habang umiinom ako ng dire diretso.

"Noah, calm down. Malalasing ka. Magdadrive ka pa." Sabi ni Liam.

"Tawagan niyo na lang si Kuya Dashiel, kung sakali." Sabi ko at pumikit ng mariin. Umiikot na ang paningin ko.

Ang sunod na narinig ko ang ang malambing na boses ni Megan. "I'll try my very best to... uhm... insert your music sa Moon Records. Napansin na rin naman kasi kayo ng scouts kaya hindi na mahihirapan-"

"Kung bakit ka ba kasi nagpapakita ng katawan sa ibang tao. Wala ka bang delikadeza?" Sabi ko nang nakapikit sa galit ko sa kanya.

Narinig ko ang pagsinghap niya pagkatapos ay nawala na ulit ako sa sarili ko. Damn, too much whisky.

Nang lumakas ng kaonti ang malambing na boses ni Megan ay bahagya ulit akong nagising. . "May nambabastos kasi kanina. May ipinakita lang ako."

Halos matawa ako. "Ano? 'Yong dibdib mo?" Dumilat ako at naghintay ng isasagot niya habang nagsasalin ng shot ng whisky. Dalawang beses pa akong lumagok. Manhid na ang katawan ko. "'Yan ang ipinapakita mo pag may nambabastos sayo? Para saan? Para mas lalo kang mabastos."

"Sinabi ko sa kanya na may boyfriend ako. Para lubayan ako. Gumagana ang excuse na iyon sa States-" Hindi ko siya matingnan ng maayos sa sobrang kalasingan ko.

"Oh don't give me that shit." Sabi ko at tumawa ng wala sa sarili.

Boyfriend? Ayan na naman. Asan ba iyang boyfriend mo at nang maharap ko? Hinilig ko ulit ang ulo ko sa sofa.

"I have Noah's name on my upper abdomen." Ang nakapikit kong mata ay dinilat ko nang narinig ko ang boses ni Megan. Hindi ko alam kung ilang oras akong naidlip. Wait? What did she say?

"I don't believe you." Sabi ko ng mariin.

Pero nang unti unti niyang tinaas ang kanyang t shirt at nakita ko kung gaano ka gandang pagkakasulat ang pangalan ko sa kanyang upper abdomen ay halos manginig ako. Nagising ako ng husto kahit na umiikot na ang mundo ko!

"Nahihibang ka na ba?" Mariin kong tanong.

Bakit siya magpapatattoo ng pangalan ko? Ano ba ang sinabi ng boyfriend niya o mga naging boyfriend niya tungkol sa tattoo'ng iyan? Hindi ba sila nasaktan? No. Crazy! This must be just a stupid dream! Oh! Maybe I'm too drunk! This is just a dream! Drunk dream! She can't possibly tattoo my name on her abdomen!

Tumindig ang balahibo ko nang naisip na akin siya. Akin siya! Akin... Siya!

"If you think that I'll come running back to you because of your little stunt-" Halos naghihisterya kong sinabi.

"Hindi ko sinasabing bumalik ka sa akin para rito, Noah. Ni hindi ko nga ginustong malaman mo ito." Aniya

"Don't give me that shit! You're a pain in the ass!" Mariin kong sinabi habang iba-ibang pakiramdam ang nararamdaman ko. Halu-halo.

I want to punish her so bad. I want her to hurt. But then I want to be gentle to her too. I want to kiss her. I want to drag and ask her to be with me. But her father despised me. Pag sasabihin ba ng kanyang ama na babalik siya ng US ay agad ba niya itong tutugunin? Iiwan niya ba ulit ako? Susugal ba ako? Nanginig ulit ako. Dahil alam ko sa sarili ko na nagsisimula na naman ako sa kahibangang dapat noon ko pa tinakbuhan!

"I-I will... ask our company's scouts to-"

"We don't need your help, Megan Marfori." Sigaw ko sa kanya.

"I will help... Nakita na kayo nong mga scouts kaya paniguradong-"

"I said, I don't need your help!" The alcohol is getting into me. But I still can't forget my name on her abdomen. God, I wanna kiss it.

"Warren, he's drunk. We should... look for Coreen." Sabi ni Megan. Kaya niya pang banggitin si Coreen ngayon!

"Oh she probably left me because of you." Mariin kong sinabi at uminom pa ng whisky.

"Stop drinking, Noah." Sabay hawak sa kamay kong may pangatlong shot ng vodka.

Nanliit ang mata ko. "Why are you so desperate?" Sambit ko sa iritasyon ko sa kanya at sa nararamdaman ko. Humilig ako sa sofa at hinayaan ang sarili kong mawala.

After this, lalayuan ko siya. At haharapin ko si Mr. Marfori. Haharapin ko siya at ipapakita ko sa kanya na ako iyong ayaw niya para sa kanyang anak. Dahil habang hindi pa ako ang lalaking gusto niya para sa kanyang anak ay maaari niyang utusan na lang ng bigla si Megan na bumalik ng US! Habang hindi pa ako sapat, ay lalayuan ko siya ng husto! Because I can't afford to be a wreck again. Not that I am not a wreck now! Iipunin ko ang mga pirasong natitira sa akin. And while I'm still that worthless man, I will never close the distance between us.

Tumugtog ang isang pamilyar na musika sa buong simbahan nang tumungtong si Megan sa huling baitan ng hagdanan. Titig na titig ang seryoso niyang mukha sa likod ng veil.

Nang napansin niya kung ano ang gagawin ko ay nilagay niya ang kanyang palad sa kanyang bibig. Ngumiti ako.

"There are times

When I just want to look at your face

With the stars in the night

There are times

When I just want to feel your embrace

In the cold of the night

I just can't believe that you are mine now..." Naglalakad na siya kasama ang kanyang mommy at daddy.

Titig na titig siya sa akin, manghang mangha sa pagkanta ko sa loob ng simbahan.

"All those years I've longed to hold you in my arms

I've been dreaming of you

Every night,

I've been watching all the stars that fall down

Wishing you would be mine

I just can't believe that you were mine now..."

Dahan dahan ang lakad niya patungo sa akin. Nasa gitna na ako, hinihintay siya. Naiinip sa pagiging mabagal ng kanyang paglalakad.

"Time and again

There are these changes that we cannot end..."

Nagkipagkamayan si mommy at daddy sa kay Mr. and Mrs. Elizalde. Hinalikan ko si mommy at kinamayan ko si daddy bago ko hinalikan si Mama at kinamayan ang umiiyak na si Mr. Elizalde.

"Finally, Noah, you got her." Bulong ni Papa sa akin.

Tumango ako at nag init ang gilid ng aking mga mata. Bumaling ako kay Megan na hindi makangiti sa sobrang pagkamangha. That fangirl inside her is still there. Until now, Miss? It's still there? Come on, I've been yours since time immemorial. Hanggang ngayon ay namamangha ka parin?

Yumuko ako at kinuha ang kanyang kamay. Hinalikan ko ito bago ko nilagay sa aking braso.

"Oh my God, kumanta ka!" Nanginig ang kanyang boses.

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya at hindi ko napigilan ang takas na luha. Pinunasan ko iyon. "For you." bulong ko.

Titig na titig siya sa akin na para bang may kakaiba sa akin. "I'm in love with you, Noah Elizalde."

Ngumisi ako. "I'm in love with you too. Finally, I got you this time, Megan. I got you, finally." Bulong ko.

Ngumiti siya at naglakad kami patungo sa gitna.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #elizalde