Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Excerpt

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.

This is an old story written way back when I was just starting my writing journey. Please excuse my errors in this story. I will edit them next time. Thank you!

Before reading please note that these are preview chapters only. You can read the complete chapters of this story on Dreame just search for Jenn Martin. That's my other pen name that I use in Dreame app. Thank you so much for your love and support for me and my stories!

Excerpt

Nanginginig akong nangapa sa puting kumot. Hindi napigilan ang bumuhos na mga luha. Natatakot ako. Sobra. Narinig ko ang tunog ng pagkaka-lock ng pinto. Halos isiksik ko ang sarili sa headboard ng kama. Naghari ang pinaghalong kaba at takot sa akin nang magsimula siyang kalasin ang pagkakabutones ng kanyang suot.

"T-Tama na..." daing ko.

Ngunit isang malademonyong ngisi lamang ang iginawad niya sa akin. Ngayon ay ang kanyang sinturon naman ang kinakalas niya.

Isang hiyaw ang kumawala mula sa nanginginig kong mga labi nang walang kahirap hirap niyang hinila ang mga binti ko.

Mabilis na dumagan sa akin ang kanyang bigat. Rumagasa ang luha sa aking magkabilang pisngi. Iginapos niya ang mga kamay ko sa aking ulunan habang ang mga labi niya'y nasa aking leeg. Ang bawat haplos niya't halik ay marahas na halos pamamanhid na lamang ang nanaig sa akin...

Sa kabila ng pananakit at pamamanhid ng aking katawan ay maaga akong bumangon kinabukasan, gaya ng nakasanayan. Napangiwi ako sa naramdaman sa gitna ng mga hita at piniling maupo saglit sa gilid ng kama.

Nilingon ko ang natutulog na si Alexander sa aking tabi. Kahit na nakapikit ang mga mata ay nanatili ang pagiging seryoso ng mukha nito. Nakadapa ito sa kama at nakaharap sa akin ang guwapong mukha. Umangat ang isa kong kamay sa pagnanais sanang haplusin ang kanyang pisngi. Napailing ako't binawi ang kamay. Malungkot na lamang na napangiti.

Bumaba ako't nagsimula sa paggalaw sa kusina. Ipinagluto ko siya ng kanyang breakfast pagkatapos ay muling inakyat ang aming kuwarto. Ang tunog ng shower mula sa bathroom ang bumungad sa akin. Tinungo ko ang pinto niyon at kumatok.

"Alexander," tawag ko sa kanya mula sa labas. "handa na 'yong breakfast mo."

Wala akong natanggap na sagot. Sinimulan ko na lamang ang paglilinis at pag-aayos sa silid.

Sa kalagitnaan ng pagliligpit ay narinig kong tumunog ang kanyang cellphone na siyang nakapatong sa bedside table. Nilingon ko ang pinto ng bathroom ngunit tumigil din naman ang pagtunog nito. Hindi na ako nangahas na galawin iyon.

"Alexander..." tawag kong marahil ay hindi niya narinig nang muling tumunog ang kanyang cellphone.

May pag-aalinlangan ko itong kinuha kasabay ng pagbubukas ng pinto ng bathroom. Halos matigil ako sa paghinga nang masalubong ang matapang niyang mga mata. Mabilis ang bawat malalaki niyang hakbang at marahas na hinablot mula sa kamay ko ang telepono.

"I-Ibibigay ko sana sa 'yo," mabilis kong paliwanag.

Matalim parin ang tingin niya sa akin bago ibinaling ang atensyon sa screen ng kanyang cellphone.. Tinalikuran niya ako sabay lagay ng cellphone sa kanyang taynga.

"Yes babe,"

Ang marinig ang lambing sa pakikipag-usap niya sa kung sinumang tumawag ay nakapagpasakit sa aking puso. Kung sino man iyan ay paniguradong isa na naman sa mga babae niya. Kabit. Iyon ang maitatawag ko sa kanila sapagkat ako ang asawa. Kasal kami. Ngunit sa kabila ng pinanghahawakang iyon ay ang kaalamang wala din naman akong halaga sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro